Kwentong Tambay - Chapter 1

"PADAAAAN!"

Sigaw ng isang bata na halos itulak ang gate para makadaan, sabay talon sa halos dalawang talampakang taas
ng huling baitang ng hagdanan.

Sakto!

Sabay posing na parang isang "superhero-to-the-rescue" ang dating, ginaya ang post ni Spiderman at Batman.

Tumakbo ang bata papuntang tindahan na parang si Flash sa bilis...

"PAGBILANNNNNNN!" pauna ng bata sa tindera.

"Anu sayo?!" tanong ng tinderang masungit.

"Dalawang yosi ni Papa yung.."

"Ano yan lista na naman oh wala nang bayaran?" singit agad ng tinderang masungit.

"Sabeeeee kooooo poooooo pagbilan, hindi pautang.." pagpapaliwanag ng bata.

"Aba aba! meron na palang pangbili ang tatay mo?" pagtataray naman ng tindera.

Sumilip ako sa bintana ng inuupahan kong bahay, hayop sa view! Kinakalawang na mga bubong,
mga Antennang hindi ko malaman kung baron ba talaga. Sabay tingin sa baba, mga nanay na
abala sa pagpipinta sa baraha, habang hawak ang kani-kanilang anak na halos parang baitang na
magkakasunod sa laki. Tumingin ako sa bandang kaliwa.. Mga matatandang lalaking nag-iinuman
ng napakasarap na redhorse sa tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw.
Sabay baling pa ng konti..

"Ayun ang matindi.." bulong ko sa sarili ko habang kumakamot sa ulo.

Mga tsismoso at tsismosa, na parang may "closed door meeting" at napaka-importanteng subject
ang kanilang pinag-uusapan. Nababatid ko na parang tense sila at halos mapunit ang kani-kanilang
mukha sa pagkukuwento at pagbabangka para maidagdag sa kanilang importanteng subject.
Gusto ko makinig sa usapan nila dahil mukhang importanteng tao ang kanilang subject sa araw na ito.
Pero mas pinili kong manatili sa loob ng bahay, naupo ako sa plastik na upuan at nagsindi ng yosi,
at sabay bukas ng limang taon ko nang tv. Hindi pa man ako nakakalipat ng ilang channel,
ay may bigla na lang tumawag sa pangalan ko..

"DUDESSSSSSSSSSSSS!!" (sipol)

Hindi ko ito pinansin, kunwari ay wala ako sa bahay..

"DUDESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!" (sipol ulet)

Biglang sabat ng isang babae sa tapat namin..

"Nandiyan lang yan, hindi aalis yan kasi walang pasok yan!"

"Sy**! nabisto na ko! nyetang babae to sinu kaya yun?" bulong ko sa sarili ko.

Narinig ko na umakyat ang lalake sa hagdan, dali-dali kong kinuha ang aking cellphone..
nagkunwaring may kausap sa linya, at nagbusy-busyhan kunyari. Sabay katok ng lalaking
tumatawag sakin.

"DUDES! nandiyan ka ba?"  pagtatanong nito.

"Yes Sir! Opo! Opo! ako na ang bahala dyan bukas!" pagkukunwari kong may kausap sa linya.

"Sabi ko na nandiyan ka eh!" sigaw ng lalaking nasa labas ng pinto.

Wala na kong magawa, tumayo ako at pinatay ang yosi sa ashtray, binuksan ko ang pinto..
Sabi ko na nga ba eh! hindi ako nagkamali.. Si Vincent! ang kaibigan kong ubod ng manyak.
walang ginawa sa buhay kundi pumunta ng Quiapo at magshopping ng pirated DVD's na ang tema
ay siguradong alam nyo na.. :p

"Oh! Napadaan ka?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang pakay nya.

Inabot sakin ang dalawang stick ng sigarilyo sabay ngiti. Kinuha ko ang yosi at ipinatong
sa ibabaw ng tv. Ngumit ulit sya sakin na parang lalabas na ang bungo sa sobrang pagkangisi.

"DUDES!! meron na bagong labas si Sora(Pornstar)!" pagbibida sakin ng manyak.

"Oh! talaga?" pagkukunwari kong nagulat.

"Hindi ko mahagilap sa Quiapo kaya pinuntahan kita kaagad!" pahabol niyang sagot habang nakangiti.

"Ikaw kasi ang aking super IT!" pangbobola ng manyakis kong kaibigan.

"Pasok ka.." paganyaya ko sa kanya.

Binuksan ko ang pc ko at naghanap sa net ng kanyang paboritong palabas. Search dito, search doon.
sa halos sampung minutong paghahanap, natumbok ko din ang hinahanap nya. Pinindot ko ang download.
Merong nakalaan na isang oras para makumpleto ko ang nais nyang eksena.
Humarap sya sa akin at sabay ngumiti ulit, sa ngiti nyang iyon hindi ko maiwasang matawa, dahil halos
hawig na sila ni Bebs Reyes(Idol nyang rapist). Bigla pumasok sa utak ko yung babaeng nagbisto sakin.

"Tsong, sino yung babae sa tapat namin na nagsabing nandito ako?" pagtatanong ko.

"Sabi ko na nga ba eh! Tinataguan mo ako Dudes!" sagot nito sabay tawa.

"Ganun na nga! Loko ka alam ko na gusto mo eh!" sagot ko sa kanya.

Sumagot ulit sya ng tawa at biglang nagseryoso ang mukha.

"Si Karnabal yun!" sagot nya sabay kuha ng binigay nyang sigarilyo.

"Karnabal?" tanong ko sa kanya na may halong pagtataka.

"Sino pa ba eh di yung pirmahan ng bayan!" sabay tawa ulit at nagsindi ng yosi.

"Loko ka! Marinig ka dyan sa labas!" pagsaway ko sa nakakalokong tawa nya.

Si Karnabal o mas kilala ko sa pangalang Katherine ay aking kababata, hiwalay ang magulang.
mag-isa sa buhay, walang kaibigan, at paiba-iba ng syota na umuuwi sa kanyang bahay,
at umaalis din kinabukasan. Dati kong masayang kababata na hindi ko alam ang nangyari sa buhay.
Hindi kami gaanong close pero nakakausap ko din paminsan-minsan kapag lasing.
Sa puntong iyon bigla ko naalala.. "Bakit nga ba Karnabal ang tawag ng mokong na to kay Kath?"

"Tsong! bakit nga pala Karnabal ang tawag mo kay Kath?" simpleng tanong ko.

"Sabi ko na nga ba ulit! type mo no? gusto mo pumirma?" pang aalaska nito.

"Sira talaga ulo mo eh no?" sagot ko sa kanya.

"Hindi biro lang.." sagot nya na tumatawa pa din.

"Ayun kasi ang narining kong tawag nila sa kanya.." seryosong sagot nito.

"Sinong sila? Mga S.O.C.O(Scene Of the Chismis Operative)?" tanong ko ulit.

"Oo, sino pa ba.."  sagot nito habang pinapatay ang yosi sa ashtray.

Binaling ko ang ulo ko sa harap ng pc, meron pang natitirang halos trenta minutos, nagbukas ako
ng Facebook.. nag log-in.. nag scroll down at scroll up.. at nag sign out. Nag log-in sa Camfrog
pumasok sa paborito kong room.. lilima lng ang tao at kasama na ko sa lima. Tatlo ay naka "away"
ang status.. at iisa ang active. Ang tropa ko sa room na si "SINGLE_AKO".. Username nyang hindi
kapanipaniwala, dahil sa sobrang ganda niya sa mga pictures nya sa cam. Pero minsan naisip ko..
poser lang ata ito.. pero madami nagsasabing maganda nga talaga sya sa personal. Hindi sya mahilig sa
live cam at sa dahilang ayaw nya ay hindi ko na alam..

"RAKEN!(ID ko sa CF, short for RAKenROL)" im saken ni single ako.

"Oh:O!" sagot ko sa kanya.

"Tagal ko na dito.. kulayan mo naman ako ng green" sagot ulit nya.

"TOINKS! amfufu ka akala ko yayayain mo na ko ng date eh!" biro ko sa kanya.

"Kulayan mo muna ako tapos EB tayong dalawa" sagot nya.

Nagulat ako pero alam kong biro nya lang iyon, sa ganda nyang ganyan.. aba! walang balak makipagdate
sakin ito, at kahit pumayag man ito.. ang masama eh wala ako pera pang lustay sa kanya.. :(
Sa oras na iyon sinagot ko na lang sya nang pabiro.

"Cge! Basta ba sagot mo date natin! Ahahaha!" biro ko sa kanya.

"GAME! kailan? at saan? at anung oras? at anung digit mo?" sagot nya saken.

Sy**! Naloko na.. seryoso ba ito? Oh talagang desperada lang na maging green team. Madaming bagay
agad ang tumakbo sa isip ko.. "Papayag kya ito sa one night stand?". Hindi ko napansin na nakikibasa
pala si Vincent sa pagcchat ko.

"Aba! talaga naman.. sama ako sa date nyo!" pangaasar sakin ni manyak.

Ngiti lang ang naisagot ko dahil ang sumunod na IM ay talagang nagpataranta sa akin.

"RAKEN! kulay ko or else wala na ang EB natin.." IM nya.

"Oo cge cge! teka lang" sagot ko naman.

Sabay kulay sa ID nyang SINGLE_AKO, sabay IM ulit sakin...

"SALAMAT!!!!!!! eto digit ko txt mo ko sa sked 09xxxxxxxxx"

0 comment/s:

Post a Comment