Kwentong Tambay - Chapter 13

"Hindi ka titingala, kapag wala ka sa baba. Kailangan din kung minsan madapa" -Chito



Inuman.. Tagayan.. Lasingan.. Daming topic, Daming bangka, Daming chiks..

Sa inuman madalas maraming pwedeng pag-usapan, Madaming pwedeng pagkwentuhan. Nariyan ang kalokohan, kawalanghiyaan, at kamanyakan.. Mula sa simpleng istorya ng pulutan hanggang mapunta sa kalawakan, at kung ano-ano pang hindi makatotohanan..

"Ay! Alam mo ba yung ganito ganyan.."
"Pre, kilala mo yung frat na Masonry, O mas kilala sa pinas na MASON?"
"Taena peborit ko ang mani sa pulutan.."
"Napatambay ka na ba sa trickshot?"
"Nagbabasa ka ba sa forum ng tcaf? Hindi ba panay kanta lang dun?"

Paulit-ulit.. walang kamatayang istorya ni ganito at ganyan.. ni Pedro at Juan.. Mga hindi makalimutang syota, at hindi makapanindig balahibong pusa sa bubong ng backside.. Sa huli panay tawanan, ingay, at tugtog na lang ng paulit ulit na kanta.

Pero isang topic ang talaga naman nakikipag bakbakan ako.. Pag dating sa topic na ito eh medyo napapa seryoso ako.. Hindi porn! Kundi isang tanong na talaga namang bumagabag sa akin.. Isang tanong na lahat kami ay hindi nakasagot.. Isang tanong na nagbigay ng maraming reaksyon pero walang tamang sagot.. Isang tanong na pwedeng magbigay sayo ng alinlangan..

Isang tanong na galing sa otor ng "Two worlds existing as one" na tropa ko na si Ayekaru..

"Kung pupunta ka ng book store sa mall.. Saan mo makikitang section ang Bible?"

Unang tumakbo sa isip ko na hindi ito pwedeng ilagay sa fictions.. Bakit? dahil sagrado ba ito? dahil ba ito ang kasaysayan ng higher power? O baka naman naniniwala ako na totoo ang librong ito na sinulat ng mga naunang tao, na silang nakasaksi ng lahat.. Ano nga ba ang totoo?

Pero kung ikaw ang empleyado ng book store.. at nautusan ka ng boss mo na ilagay ang bible kung saan ito dapat ilagay..

Saan mo nga ba ilalagay? Saan mo nga ba sya ihahanay?

-------------------------------

Dahan dahan kong sinuklay ang buhok kong bagong gupit.. Kaliwa't kanang tingin sa salamin. Sabay apply ng gel, at hinati sa gilid na parang aklat.. Marahan ko ding inayos ang collar ng aking polo na hindi gaanong tinamaan ng plantsa.. Nag spray ng tig sising-kwente pesos na pabango..

Inhale.. Exhale..

Ang kundisyon ko ay parang lalaban sa boxing.. Sinipat kong muli ang salamin..

"Okei na.." bulong ko sa sarili.

Handa na ko.. Hindi sa boxing, kundi sa date namin ni Kath.. :)

...
....
.....

Hindi ako mapakali habang naghihintay ng daraan na jeep, sa kalsada. Parang merong paro-parong nagliliparan sa loob ng aking sikmura.. Parang isang tore na lang at mababasag ko na ang frozen throne.. Parang last stage sa Medal of Honor na merong time limit, at kailangan mong makalabas ng facility bago pa man sumabog ang mga bomba.. Sobrang excited na may halong kaba.

Isang bagay lang ipinagtataka ko.. Bakit lagi akong excited? Kahit hindi na namin first time mag date?

Dalawang buwan na rin ang lumipas, matapos nyang banggitin na "Ligawan mo muna ako..", Mula noon hanggang ngayon ay hindi nya pa din ako sinasagot.. :(

Pinara ko ang papalapit na jeep, sumakay ako sa harap kung saan isang lalaki din ang nakaupo.. Nagbayad ng tig bebente-singkong barya galing sa bulsa. Panay ang silip ko sa side mirror ng jeep, upang tiyakin lamang kung nagulo ang pagkaka-ayos ng aking bagong tabas na buhok.

...
....
......

24 oras na tawagan sa cellphone.. Magdamag na tambay, simula gabi hanggang madaling araw.. Nood ng sine, Kain sa labas, Hatid sa trabaho.. Sundo't hatid pauwi. Typical na gawain ng isang lalaking nangliligaw. Yan ang aking routine dalawang buwan hanggang ngayon..

Pero kung tutuusin mas okei na ang ganito.. Ang sinasabing "ligaw at sagot", ay formality lamang.. Pero kailangan pa nga ba, kung mahal nyo naman ang isa't-isa? Mas okei at mas kumportable na ako sa ganito.. No string attached.. No commitment.. Ang mahalaga kasama ko sya palagi..

---------

Nag-ring ang cellphone ko habang nasa byahe ako.. Si Kath ang caller so agad kong sinagot..

"Saan ka na?" malambing nyang boses.

"Lapit na po ako.. mga 10 to 15 minutes na lang.." sagot ko.

"Oh sige.. Dito na lang kita hintayin sa entrance.."

"Okei!" sagot ko sabay baba ng phone.

Naisipan kong dumaan muna ng flower shop, at bumili man lang ng roses, para medyo astig at cute..

"Gwapong gwapo mo ngayon Dudes!" bulong ko sa sarili. Habang binabayaran sa counter ang nabili kong roses..

...
....
.....

"Dudes? Ikaw ba yan?" tanong ng babaeng nasa likuran ko.

Laking gulat ko, at halos hindi ko alam ang sasabihin ko nang makita kong si Rhea ang babaeng bumati sa akin..

"Ikaw nga!" sigaw nya sabay yakap sa akin.

"K-Kumusta na?" nauutal ko pang sabi.

"Ikaw ang kumusta na?!" sagot nya.

"Wala na kong balita sayo.. Hindi ka man lang nagt-txt!" dugtong pa nya.

"Sorry ha! naging busy kasi ako.." paliwanag ko.

"Kanino na man?" tanong nya.

Bakit ganon? Kanino ang tanong nya at hindi saan?

"K-Kay.." sagot ko na hindi ko alam kung itutuloy ko.

"Birthday ko ngayon! How about labas tayo?" anyaya nya bigla.

SYET!!! Anong paliwanag ba ang gagawin ko sa isang ito?

"Treat ko! Payag ka na!" pangungulit nya pa.

"A-Ano kasi.."

"Sige na! Ngayon lang ulit tayo nagkita, tatanggi ka pa!"

NALOKO NA!! naloko na nang tuluyan.. Tulad ng dati.. Kapag si "Rhea The Angelic Face" ang kaharap ko, eh talaga namang na s-stun ako! Anong sasabihin ko? Anong ipapaliwanag ko? Anak ng..

Hinablot nya ang aking braso ng hindi ko namamalayan.. Hinila ako palabas ng shop. Na para namang na-magnet ang aking mga paa, at tuluyang sumunod sa makamandag nyang mga ngiti. At tuluyang naiwan ang binili kong roses sa counter.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Saan mo nga ba gusto?" sagot nya.

"A-Ano kasi eh.."

"Ano ka ng ano dyan? Ano bang meron?" tanong nya.

"Meron din kasi akong sariling lakad ngayon.." paliwanag ko.

"Ganun ba.." malungkot nyang sabi.. :(

"Oo.. Ganun nga.. Pasensya na talaga.." dugtong ko.

Tumalikod si Rhea, nagbabantang magwa-walk out.. Bakas sa hitsura na halatang nagpapa-awa.. Ang babae nga naman.. Hindi ko talaga malaman ang timpla.

At ang sumunod na nangyari ay parang passive na lang.. Pinigilan ko sya..

"Teka! Rhea.." pigil ko.

Sabay harap ulit sa akin, na naka ngiti na! tila malditang bata ang dating..

Anak ng teteng! Parang nagayuma na naman ako.. Wala nang atrasan, kasi ako na mismo ang pumigil sa kanya.. Kahiyaan na kapag sinabi kong next time na lang.

"Saan nga ba lakad natin?" tanong ko.

"Ayan ang Dudes na kilala ko! Yipee!" sagot nya.

---------

Kath

"Ang tagal naman ng mokong na iyon.. Ngayon lang ata sya na late ng ganito ka tagal.." bulong ni Kath sa sarili.

Bahagya nyang tinignan ang relos, hindi para tignan kung anong oras na.. Kundi i-check kung ilang oras na nga bang late si Dudes.

Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya akong maglibot muna sa mall, at maghanap ng makakainan.. Napadpad ako sa isang resto na hindi gaanong pasukin ng mga tao. Umupo at umorder ng makakain, habang nag hihintay sa date kong halos isang oras nang late.

"Tawagan ko kaya sya.." bulong ko sa sarili.

Bihirang ma late si Dudes ng ganito.. Dati ang maximum nya ay bente minutos lamang.. Hindi na ko nagdalawang isip at tinawagan sya..

Ngunit ring lamang ang masipag na sumasagot sa akin.. Isa, Dalawa, Hanggang tatlong beses na try, at halos napagod na din ako, at hindi na ulitin pa. Napabuntong hininga na lamang ako..

"Kung kailang ngayon ko sya balak sagutin.."


---------

Dudes

"Syet! Tatlong miscol na pala.." bulong ko sa sarili.

Habang tinitignan ang aking cellphone.. Gusto kong i-txt si Kath, Pero wala akong maisip na idadahilan sa kanya, at malamang tatanungin nya ako kung nasaan ako.. Pinahamak ako ng sarili kong kalokohan..

Kelangan ko na ng magandang exit reason sa isang ito..

"Dito na tayo!" sigaw nya sa loob ng taxi, habang nagbabayad sa drayber.

Sumilip ako sa bintana upang tanawin, kung saang lugar na nga ba kami napadpad.. Ngunit laking gulat ko na lang ng napansin ko ang pangalan at itsura ng mall.. WTF! WTF ulet! Kung saan kami magkikita ni Kath.. Dito din ako dinala ni Rhea..

Malaking gulo at malamang mahaba't masukal na paliwanag ang gagawin ko kapag nagkabistuhan.. Ilang akong bumaba ng taxi. Para akong naka-shabu, dahil halos lahat ng taong nakakasalubong ko eh ang tingin ko si Kath.. Gusto ko nang pigilan si Rhea pero habang nakikita ko syang nag e-enjoy, ay wala talaga akong magawa..

Naramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone, na nagbigay sa akin ng kaba..

Binasa ko ang txt msg na galing kay Kath..

Saan kna po ba? May masama bang nangyari? txt ni Kath.

-----------

Kath

Kahit medyo pikon at inis na ako.. Pinipilit ko pa ding magpakatino, Iniisip ko lang na meron sigurong emergency.. Ubos na aking inorder ko at nakapagbayad na ko. Wala nang rason para mag-stay pa ako dito. Tumayo ako at dinampot ang aking shoulder bag.

Habang naglalakad patungo sa escalator.. Hindi pa din mawala sa isip ko kung nasaan na nga ba ang magaling kong date. Nagpasya akong bumalik sa entrance ng mall, baka sakaling nanduon na sya at naghihintay..

"Dudes nasaan ka na ba.." bulong ko sa sarili na medyo naluluha na.

------------

Dudes

Nagyaya agad kumain si Rhea, agad kaming umakyat sa 2nd floor ng mall..

"R-Rhea.. May alam akong masarap kainan dito.." offer ko.

"Sige! Saan ba yun?" mabilis nyang sagot.

Agad ko syang dinala sa isang resto.. Napansin kong hindi ito gaanong pasukin ng tao kaya ito ang pinili ko.. At siguradong hindi ako makikita dito ni Kath.. Pawisan ako habang pinipilit na saktuhin lahat ng aking galaw, na napansin naman ni Rhea..

"Dudes.. Okei ka lang?" tanong nya.

"Y-Yup!" sagot ko na medyo nag ayos ng aking hitsura.

"Doon tayo!" sabay turo sa bakanteng limesa na natatakpan ng mga halaman, na hindi ko malaman kung display nga ba talaga ng resto.

"Waiter!" mahinang tawag ni Rhea sa waiter.

Balisa talaga ako at hindi mapigilan ang sarili sa pag-iisip.. Napansin ko na parang may kung anong napulot si Rhea sa kanyang inuupuan.

"Sayo ba ito?" tanong nya sabay abot ng isang panyo.

"Hindi!" mariin kong sagot, dahil halata namang pang babae ang panyo.

"Biro lang! I know naman na pang babae ito.. Bigay ko na lang sa waiter.." paliwanag nya.

Ngiti lamang ang naisagot ko..

--------------------------

Kath

kahit naiiyak na ako sa kakahintay kay Dudes, ay hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa..

"Ito ang araw na sasagutin ko sya, dapat dumating sya.." bulong ko sa sarili ko.

Nagkanda ngawit na ang aking paa sa kakatayo sa entrance ng mall. Para na din akong gwardya. Natanaw ng aking mata ang waiting area na merong upuan, Hindi na ko nagdalawang isip at tumungo doon.

"Dudes.."

"Dudes.. ang tagal mo naman.."

...
....
.....

"Miss, okei ka lang?" tanong ng isang lalaking katabi ko sa bench.

Hindi ko ito sinagot, ngunit mapilit ang lalaki at nag alok pa ng panyo, na parang nang-aasar.. Hindi ako suplada ngunit talaga namang masungit ako.

"Okei lang ako! Meron akong sariling panyo!" sagot ko.

Sabay dukot sa bulsa para kunin ang panyo at ipakita sa makulit na lalaki.. Pero wala! Wala ang aking panyo! Nataranta ako.. dahil sobrang may value sa akin ang aking panyong iyon..

"Saan ko nga ba naiwan?" tanong ko sa sarili.

"Saan nga ba ako huling pumunta?"

"Saan nga ba.."

"Okei ka lang ba talaga?" tanong ulit ng lalaking makulit.

"Sa resto!" sigaw ko sabay hawi sa lalaking makulit, At dali daling bumalik sa resto.

-----------------------------------

0 comment/s:

Post a Comment