Kwentong Tambay - Chapter 2

"Huwag kang hahawak ng bagay na alam mong sa huli ay bibitawan mo din"  -Bob Ong



1965.. Nagsimula, Sumikat, at nakilala sa buong mundo ang "The Beatles", top selling album lahat..
Lumabas ang mga fanatic ng sikat na banda, sumibol ang "Beatlemania", hindi ko maikakaila na
isa din ako sa mga "Beatlemania". Hindi ko man kapanahunan nakilala ko sila dahil sa araw na araw
na tugtog ni Erpats sa karaoke, cassette pa ang bala noon.. Pero katulad din pala nang pag-adopt
ko kay Erpats nang kanyang paboritong banda, Ganoon din ang paraan ng pag adopt ko sa karakter
ng mga tao sa paligid ko, sa lugar na kinalakihan ko, sa mga barkada at nakakasama ko sa araw-araw.
Kung pinanganak kaya akong mayaman at nakatira sa isang ekslusibong subdivision. Siguradong sobrang
mabait ako ngayon, at paniguradong tapos ang pag-aaral ko. Masarap kung sa masarap ang ganoon.
Pero mas gusto ko ang buhay rakenrol.



Juan: Taga doon ka sa sikat na condo di ba?
John: Yes! bakit mo tinanong?
Juan: Eh di mayaman ka?
John: Parang ganon na din, nag aaral ako sa isang malaking University na
       sobrang mahal ng tuition, na kinikita lang ng magulang ko sa loob ng isang linggo.
Juan: Ah.. kaya pala ganyan ka magsalita.
John: What the...
Juan: Hahahaha!


-----------------------------------------------------------------------


"Oh tapos na!" pagulat sakin ni Vincent.

"Ay.. Oo nga.. hindi ko napansin.." sagot ko.

"Kakatunganga mo kasi sa kachat mo na picture lang naman!" pang-aasar ni Vincent.

"Loko! akin na yang cd mo ibu-burn ko na dyan"

Sabay abot ng CD na blangko sa akin, na may picture ni Minnie Mouse sa harap.. Habang abala
ako sa pagbu-burn ng cd, biglang nagulat kami sa isang sigawan sa baba(nasa 2nd floor kasi ang inuupahan ko)
Sumilip agad kami, nanglaki ang aking mata.. si Vincent naman ay panay ang tawa habang pinapanood
namin ang eksena sa bintana.. Isang babae na bra at short nalang ang suot habang pinapalo ang lalaki ng
naka supot na pandesal sa ulo. Nagmumurahan at nagbabalyawan. Labasan ang mga SOCO sa lugar..
Automatic naka "switch-on" ang bawat "Wifi", upang makasagap ng magandang balita na pag uusapan
pagdating ng hapon hanggang kinabukasan na pwede pang isabay sa kape.

"Si Karnabal na naman!" salita ni Vincent habang magkandamatay sa kakatawa.

"Sino yung lalake?" tanong ko.

"Ewan.. another fafa-to-the-kama na naman siguro" sagot nya habang nkangisi.

"Hahaha! ang lupit talaga ni Kath.." natatawa kong sagot.

Maya maya ay tumakbo na ang lalaki palabas ng aming eskinita. Tinatanaw ko pa ang lalaki dahil
mukhang madadapa pa sa pagmamadali nito. Pagbaling ko nang aking ulo pabalik sa eksena..
Nakatayo sa tapat namin si Kath, ganun pa din ang suot, at nakapamewang at halos mapunit ang
mukha sa galit. Nakaramdam ako ng awa.. Hindi nya kasalanan na maging ganon sya at kung bakit
ganon ang tingin ng tao sa kanya. Bigla akong na flashback.. parang sinipa ang utak ko para
umandar pabalik.



..
....
......



Grade 3, Section 2.. Isa ako sa mga simpleng bata na mahilig sa anime at video games.
Ang baon ko ay syete pesos sa isang araw.. kaya tuwing recess pumupunta ako sa canteen,
at nagtatanong kung may libreng "Nutriban" at "Gatas ni Drilon", Kung wala ay makiki-inom
ako ng tubig at kukupit ng pulburon sa bilao. at tska babalik sa kwarto. Hindi ko gagastahin
ang pera ko, para sa aking pag-uwi ay didiretso ako sa "videohan" kung saan maglalaro ako ng
paborito kong "Contra" at "Supermario". Kapag hinulog mo ang piso, tatagal ito ng dalawang minuto.


Sa araw araw na ganito, nagsawa din ako.. Nag iba ako ng plano. Switch ako sa plan B ko..
hindi ako gumastos, inipon ang baon, dahil ang balak ko bumili ng sikat noon na game console
ang sikat na "Family Computer".. Dating gawi, tuwing recess pupunta ako ng canteen,
at doon mangangalakal.


Isang buwan na lang.. pangarap ko ay malapit na.. excited na ko. Halos magwelga na ang mga
bulate ko sa tiyan(pasintabi po), Halos tiniis kong hindi kami magkita ni Mario at Luigi.
Pinagtyagaan ko din ang gawang komiks ng katabi ko sa klase na halos parang "stick death"
ang mga karakter.


Lunes.. maaga akong pumasok sa skewelahan.. Sa entrance lobby ng school kung saan nasobrahan
sa bunot ang cemento ay nakakahiya nang lakaran. Isang estudyanteng babae ang halos nagkandarapa sa pagtakbo.
sa sobrang bilis nasa harap ko na ang babae at halos hindi na ko napansin...

Paaaaakkk!!

Hindi star ang nakita ko sa ulo ko, kundi ang larawan ni Isaac Lopez na nakapaskil sa lobby..
Basag ang salamin. Takbuhan ang mga gwardya ng skwelahan.. Tinanaw kong maigi kung nasaan
ang babae, para ituro ko na sya ang may kasalanan.. Pero dahil "Life is Unfair"..
Napilitan kong ibayad sa aking mahal na Principal ang aking perang inipon. :(


Pinilit kong tandaan ang mukha nang babae.. sa sobrang inis ko. napilitan akong isa-isahin ang
bawat classroom sa gusali ng Grade 3 students. Ngunit, mali pala ang lugar na pinaghahanapan ko.
Sa canteen kung saan ako madalas mangalakal ng tinda sa bilao.. Doon ko din sya natagpuan..
Nawala ang aking galit at napalitan ng awa.. Ang babaeng may kasalanan ng lahat ay siya din
palang mangangalakal sa bilao, tulad ko.. :D

Ang babaeng nasa harap ko ngayon.. Nakapamewang, Nakasimangot, at Bra at Shorts lng ang suot.
ay siyang sumira ng pangarap kong game console. :(


..
...
.....
.......!!!


"Put***! Tulala ka na DUDES!!" panggugulat sakin ni Vincent.

"Ahahaha! Seksi pala ni Kath.." tanging nasagot ko.

"BWAHAHAHAHAHA! Ayos ka din Dudes no? Gusto mo din pumirma?" natatawang sagot ni Vincent.

"Loko! Napansin ko lang." paliwanag ko kay Vincent.

"Kapag na-inlab ka dyan talo ka.." seryosong sagot ni Vincent.

"Bakit naman? Babae naman yan.. masama kung lalaki.." sagot ko sa kanya.

"Bahala ka Dudes!" walang kwentang sagot sakin ni manyak.

"Oh sya! Lumayas ka na at aalis ako mya mya.." pagbasag ko sa sagot nya.

Lumabas ng kwarto si Vincent na parang nagmamadaling maka-uwi sa kanila, para lang
mapanood ang paborito nyang eksena.. At sigurado akong lalabas yun kapag hapon na.
Bumaba ako ng kwarto.. Bumili ng yosi sa tindahan.. pero bago pa ko makabalik ay hinabol
ako ng anak ng tindera para ibalik ang aking sukli.. "tanga tanga ko talaga" bulong ko sa
aking sarili.. Akmang paakyat na ako biglang isang boses ang narinig ko na tumawag sa pangalan ko.





"Dudes!"


"Pa-arbor isang yosi.."

Toinks!!!

0 comment/s:

Post a Comment