Kwentong Tambay - Chapter 6

"No.1 RULE.. No Expectations" -Ayekaru


"Ang maliit na basura ay pwedeng ilagay sa bulsa"

Katagang madalas kong mabasa sa mga pangpublikong sasakyan..
Bus, Jeep, Taxi, Tricycle, at padyak..O kahit man sa mga pang-publikong lugar..
Park, Mall, Sinehan, Comp shop, at malamang sa Sogo.Ang malaking basura
kya pwede ibulsa na lang din? Nang sa ganun eh mailagay ko sa bulsa ang mga
basurang pulitiko..

Nakakabara sa istero.. Nagbibigay ng sakit..Nagnanakaw sa bayan.
Kaliwa't kanang parusa sa bawat pamilya. Sakit sa ulo.. daig pa ang tamaan
ka ng sakit na dengue dahil sa basurang pagkalaki-laki.

Sa lugar namin.. pagsapit ng hapon.. bandang alas tres. Isang opisyal
ng mismo naming barangay.. May dalang kapirasong papel at sumisigaw ng dalawang
numero.. Araw-araw ito ang kanyang routine.. Ito kya ang duty na binibigay
sa kanya ng Barangay? Aba! napakadali naman.. Siguro sa Barangay na lang din
ako mag a-apply baka sa kaling doon ako yumaman.

Mahilig din ako sa sugal.. pero hindi sugal ng kapitbahay.

Sabi nila.. Hindi kapa napapakinabangan ng bayan hangga't
hindi ka pa nakakaboto..

Nakakatawa pero nakakasuka.. kasi amoy basura.


         --------------------------------


Tinakbo ko ang lobby ng gusaling aking pinapasukan sa Makati. Sabay ngiti
sa tropa kong gwardya na simangot naman ang sagot sa akin.. Sakto!
Papasakay ang dalawang lalaki sa elevator.. Pinindot ko ang 21st floor kung
saan eh naka tenant ang kompanya namin.. este! ng Boss ko..

"Sakto dating mo.. bilisan mo nanduon na ang mga bisita"

"Sige Boss.."

Maghapon sa trabaho..
Tambak ng trabaho..
Mababang sweldo..

Mula lunes hanggang biyernes. Daily routine ko sa trabaho ang pagtitimpla
ng kape ng Boss ko, at pagkatapos eh linisin ang kanyang napaka garbong
desk. I-setup ang kwartong pagdada-usan ng kanilang meeting.
Kulang na lang eh paliguan ko sya, Ihatid mula bahay hanggang trabaho.
At halikan ang sapatos nya pagkatapos linisin.


            ----------------------

Hindi ako nag paparamdam sa tropa, gusto ko manahimik muna sa bahay.
So pagdating ng sabado.. ready na ko sa inuman sa ibang tropa naman.

Sabado.. alas tres ng hapon..

"DUDESSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!"

...
....
......

"DUDESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!

"Nandito syota mo Dudes!"

"Aba! Loko yun ha.."

Dahan dahan kong sinilip ang kaliwang mata ko sa bintana.
At nananalangin na hindi sana si Vincent.

Pero talaga naman kapag minalas! Kasama pa nya si Karnabal.

"Akyat kayo.." alok ko sa dalawa.

"Ang cute pala ng kwarto mo.." kumento ni Kath.

"Cute ba yan? parang mini jungle" pang-aasar naman ni Vincent.

"So.. ano ngayon ang gagawin natin?" tanong ko sa dalawa.

Biglang sumama ang mukha ni Kath, at natawa naman si Vincent.
Napa-isip tuloy ako sa kanilang reaksyon. Ang slow ko talaga.. :(

"Ibig ko sabihin.. Eh bakit kayo napadalaw.." pagpapaliwanag ko.

"Ayun! ayusin mo kasi.." sagot ni Vincent na natatawa pa din.

"Dito natin celebrate ang Bday ko, okei lang ba?" tanong ni Kath.

Patay! Gusto kong sabihing aalis ako.. pero dahil sa sobrang tamis
ng mga mata ni Kath, eh parang na bato-balani ang utak ko.

"Sige walang problema!" sagot ko kay Kath na pilit ang ngiti.

"AYOS! sabi ko sayo eh!" sigaw naman ni Vincent.
sabay takbo sa tindahan para bumili ng alak.

"Pasok ka.. ay teka linisin ko muna ang kalat.."

Matapos maglinis, binuksan ko ang DVD at AMPLI..
sinalang ang cd ng Kamikazee. First track ang "Ikaw".

"Si Edgar, hindi pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sinabihan ko na, pero may duty sya at gabi na makakarating dito"
sagot ni Kath.

"GAMEEEEEEEEEEEEEEE!!!!" sigaw ni Vincent na dala dala ang dalawang
case ng redhorse.

...
.....
.........
............

Ala Sais na ng hapon.. Malakas na ang sounds.. Magulo at mausok na
ang kwarto, marami-rami na ang laman ng ashtray.. at hibang na din
si Vincent habang nag bbrowse sa pc ng kung ano anong porn sites.
Sakto sakin ang tama ng alak.. Medyo hilo na din.

"Alam mo playing safe ka.."

Nakakagulat na naman na salita ni Kath.. Nilingon ko si Vincent kung sya
ang kausap ni Kath.. Pero hindi! Nakaharap ang loko sa monitor.

"Ako? Bakit?" sagot ko kay Kath na nagtataka.

"Type mo ba ko?"

"Anak ng.. Huwag kang ganyan Kath.. hindi pa ko lasing.." sagot ko.

"Oh sige maglaro tayo.." anyaya ni Kath na ang itsura ay naka taas ang
isang kilay.

"Anong laro? Aber.." tanong ko.

"Kung sino maunang malasing sa ating dalawa ay magsasabi ng totoo"
sabay tinggin sakin ng sarkastikong titig.

"Ang gulo! kapag nalasing ako ano naman aaminin ko?" sagot ko.

"Isang salita lang ang pwede mong masabi Dudes kapag natalo ka.."
Paniguradong sagot nya.

At dahil curious ako..

"Sige.. Game!" sagot ko sabay tayo para mag cr muna.

Sa loob ng cr.. nag-iisip akong mabuti, at dahil lasing na ko, Eh wala talaga
ako maisip.. At ang malupit ay hindi ko maunawaan ang pinapahiwatig nya.
Naghalo ang lasing at pag-iisip sa utak ko, na hindi ko naman namalayan
na hindi sa bowl na sshoot ang likido sa katawan ko, kundi sa timba.

Paglabas ko nang cr, napansin ko ang isa pang case ng redhorse..

"Aba talagang dinagdagan pa ha.." bulong ko sa sarili.

Umupo ako ulit at binuksan ang bote.

"This is it! Game!" sabay taas ng bote.

"Uhm.. sasali kaba Vincent?" tanong ko kay Vincent sabay lingon sa kanya.

BAGSAK ang loko-loko!

"Eh di paano yan tayo na lang?"

"Ano pa nga ba.." sagot ko kay Kath.



.....
.............
..................

"Tatlong bote na lang.. kaya ko to.." bulong ko sa sarili.

Alas otso na ng gabi.. Bagamat malakas ang sounds.. ayun naman ang pagiging
tahimik namin ni Kath. Pakiramdaman ang laban..

Tagaktak ang pawis ko..
Nangangatog ang kamay ko sa bawat hit-hit ng yosi..
Naniningkit na ang mata ko..
Bulol na ang salita ko..

Tinitigan ko sya.. Kalmado! na parang walang bahid ng alak sa katawan.
Sy**! Matatalo yata ako.. walang napakaliit na tyansang manalo ako.

"Sige na malasing ka na.." bulong ko sa sarili.

Last na bote.. pero hindi na malamig at wala na ding yelo.
Panigurado! sa boteng ito babagsak ako.. Dito puputok ang tama ko.
At dito din magtatapos ang laro namin. Dito ako paniguradong
magiging talunan.

"Sayo na.." sabay abot sa akin ng tagay.

Sa tagpong iyon.. Babagsak na ang katawan ko, nang bigla ko syang
nakitang tipong babagsak din.. Kumintab ang aking mata!
Umabot sa batok ang ngiti ko.. OHYEAH!!! :D


Panalo ako!



Panalo ako!



Panalo ako!






Panalo ako..


Panalo..


Panalo.............


...

.........

.............


"Dudes?"


"Dudesss!"


"DUDESSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!"


Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata. Inikot ng paningin ang buong
paligid. Malinis.. Walang kalat.. Wala na ang mga basyo ng alak..
Wala na din si Vincent.. wala din ako sa sarili ko..

"Ahahahaha! Ang hina mo naman pala.."

Syet! Hindi ko matanggap..

Talunan ako..

"So paano yan? Ako ang nanalo.." pahayag ni Kath.

Tumayo ako.. Inabot ang natitirang stick ng yosi. Nag-isip ng malalim.

"Oh ito softdrinks.. pang pawala mo ng tama.." alok ni Kath.

"Salamat.." sagot ko.

Tinignan ko ang oras.. Alas onse na ng gabi. Ang tagal ko pala nakatulog.
At sa puntong yun.. naalala ko ang laro namin. PATAY! sabi ko na..

"So ano ngayon ang gagawin ko?" tanong ko kay Kath.

"Simple lang!" sagot nya.

Sabay upo sa tabi ko at tinitigan ako ng pagka lupit-lupit. Sabay ngiti..
Ang tamis! Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa susunod na
gagawin nya.. Pero kalmado lang ako.. dahil ba sa tama ng alak?
Teka.. May sasabihin sya.. parang ibubulong nya..

Dahan dahan nya nilapit ang kanyang labi sa tenga ko..

Sa mga salitang binulong nya biglang nagbago ang ihip ng hangin sa utak ko.


"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya na halos magkandagulat ako.

"Oo naman.." matamis nyang sagot.

Hindi na ako nakasagot sa puntong iyon.. Balisa ako, Kalmado sya.. Halatang hindi
na nya first time. Naalala ko ang paborito kong serye sa dyaryo na xerex.
May demonyo sa balikat ko nagsasabing.. "Ohyeah!", gusto ko umiwas pero kargado
ng alak ang utak ko.. blangko.. sinusunod ko ang sinasabe ng demonyo.

Sa pagkakatitig sakin ni Kath.. Hinawakan ko ang kanyang beywang.



"Wala ka Dudes.."


Nagulat ako sa salita nyang iyon..


"Hindi ko alam na papayag ka.. hindi mo inisip na bf ko ang kaibigan mo.."


"Sinusubukan lang kita.. sa sinabi mo sakin na huwag ko lolokohin ang
kaibigan mo at kilala mo kung sino ako, mali ka! mas masahol kapa..
Kaya mong gawin ang hindi ko kayang gawin sa kaibigan mo.. Ngayon sino sa atin ang mangloloko?"





"Sorry..." salitang tanging nabanggit ko.





"Panalo ako! alam kong sasabihin mo yan.." patapos ni Kath.

1 comment/s:

Pink Line said...

eh kasi gusto ka ni dudes..

Post a Comment