I Used To Play Guitar


Nagselos pa ang mga sapot ng gagamba nung agawin ko ang lumang gitara sa sulok ng aking kwarto. “I used to play this guitar eh”, paumanhin ko sa nag-alborotong daliri nung sinimulan kong tipahin ang letrang D. Sabi nung musikerong nagtuturo sakin dati, kahit anong kanta pasok sa chord pattern na D-A-G-A. Nung natuto na ako hindi nya na nababanggit yun. Pero wag ka! Doon ka yata humanga sakin diba?

Tag-araw noon. Parang nalulusaw na sorbetes lang kung tunawin ng ngiti mo ang puso ko, noong dumaan ka sa tapat namin. Hindi ko tuloy natapos yung kantang tatlong araw ko nang pina-practice, para sa concert ko sa lamay ng kapitbahay natin. Simula noon lagi na kong naghihintay sa pagdaan mo. “I want to play this guitar” sabi ko sa tuwing makikita kitang paparating na. Overacting yung tibok ng puso ko lalo na yung nasa harapan na kita, parang slow motion yung bawat yapak mo. Sa totoo lang gusto na kitang kurutin sa pisngi sa sobrang gigil ko sayo. Kada gabi tuloy napapasenti ako, paano ba naman naging istambay kana hindi lang sa isip ko, pati na din sa panaginip ko. Ang korni ko no? Okay lang, korni naman talaga ang pag-ibig.

“I want to learn how to play a guitar” sabi mo nung naabutan mo akong nagtitiris ng mga langgam, sa ilalim ng punong mangga; habang kalong ang aking gitara. Sa sobrang hiya hindi lang dila ko ang nabuhol, pati yung daliri ko nabuhol na sa kwerdas. Natutuwa ako kapag nakikita kitang naiinis, kapag hindi masapul ng daliri mo ang tamang tipa ng gusto mong kanta. Sinabihan mo pa akong bigyan kita ng panahon para matuto. Hindi ko lang masabing sana hindi kana matuto, para humaba pa ang panahong magkasama tayo. Araw-araw nalang kitang hinihintay. Pero syempre hindi na sa tapat ng bahay kundi sa sikreto nating tagpuan. Nakakatulog na nga ako minsan, tapos gigisingin mo nalang ako kapag nagsawa kana maggitara at uwian na. Ang sarap talaga ng ganung feeling.

Habang dumaraan ang araw lalong nahuhulog ang loob ko sayo. Kainis ka na nga e! Hindi mo pa din maramdaman. Naubos ko na yata lahat ng love song na pwedeng ipatama sayo, hindi mo pa din nage-gets. Tapos tatanungin mo ako para kanino yun. Ang labo. Noong isang beses nga nahuli ako ng dating, tapos nagalit ka. “I don’t want to play this guitar, without you!” sambit mo. Kinilig ako dun. Okay din pala yung mga ganong plano, kahit papano nakakalubag loob. Pero syempre nagsawa din ako magpasakalye ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung anung pumasok sa isip ko, nung natripan kong haranahin ka sa bahay nyo. “I want to express my love for you, with this guitar” bulong ko sayo nung natapos yung kanta. Kinilabutan ako kung paano mo sinabi ang salitang “Baby, you don’t have to. Because I also love you” habang kumukutitap ang mga mata mo. Nag jumping jack yung puso ko habang kumekembot sa landi. Inabot yata tayo ng madaling araw nung araw na yun, at naubos lahat ng lamok kakatapik ko kada dadapo sayo. Yun ang pinakamasayang araw ko. Halos ayoko nang bitawan yung gitara ko, at hindi magsawang tumugtog kasama mo. Kung ang pagtugtog lang ng gitara at ang musikang binibigay nito, ang bagay na pwedeng magdugtong sating dalawa; kahit mapudpod ang daliri ko kakatipa hindi ako hihintong tugtugan ka. Gusto kong maging instrumento at ikaw ang maestro, maluma man ako at tangayin ng panahon hindi mo ako malilimutan bilang unang guro mo.

Nagselos pa ang mga sapot ng gagamba nung agawin ko ang lumang gitara sa sulok ng ating kwarto. “I used to play this guitar eh”, paumanhin ko sa nag-alborotong daliri nung simulan kong itipa ang letrang G. Kinurot mo ako para umpisahan na ang love song na naging theme song natin. Ngumiti ka sa akin nung inilapat ko ang unang stanza. “I really like to play this guitar, with this song” sabi ko. “Bilisan mo baka magising pa si junior” sagot mo.


-End

9 comment/s:

Anonymous said...

Maganda ang ending trops. Hindi masama loob ng bumasa. Iniisip ko kanina na di sila nagkatuluyan kaya tinabi nalang sa sulok yung gitara. Haha

Anonymous said...

ayun, nagkaanak sila..

Amphie said...

happy ending naman talaga yan trops, pangit lang siguro ang dating ng umpisa. hehe!

Amphie said...

nang dahil sa gitara.. haha!

Unknown said...

Parehas tayo ng inisip Mr. Anonymous. Buti na lang. :)

PadrePio said...

Nagustuhan ko ang daloy ng kuwento. Nagsesenti mode lang pala si sir. Hehe. . . Akala ko sad ending ang mangyayari, and I was sort of anticipating it. But I was mildly---albeit happily---surprised that it turned out well pala in the end. ^_^


Keep Writing!

p.s. mahilig din ako mag gitara. and always, ang letrang D ang una kong tinitipa pagkahawak ko ng gitara. :D

Amphie said...

Salamat sa pagbisita at pagbasa sir! Hindi ko inaasahang maliligaw ka dito :) stalker ako sa kumbento mo hehe!

Hilig ko talaga ang gitara, bago pa ang pagsusulat ^___^

PadrePio said...

Don't worry stalker din ako ng mga blogs niyo. I am a voracious reader. :D Kung mahilig ka magsulat at mag gitara, aba eh, pwede pala kitang ka-jamming. ;)

Salamat din sa pagbisita sa kumbento. Medyo nagka-aberya ng konti sa hosting kaya nag offline ang blog ko for a few weeks. Pero okay na ulit siya. Pwede ka na ulit mangumpisal sa dun. hehehe. . .

Amphie said...

sure! kaso baka di na makasabay, kalawang na ang daliri hehe! ang daming kwento sa kumbento na mukhang hindi ko naabutan sa symb. noong napadpad ako ang unang nabasa ko ay ang "pinto".


mahilig ka sa beer haha!

Post a Comment