Flamingo - Chapter 8

Sa muling pagkakataon, nilagay na naman ako sa sitwasyong may mga katanungang hindi abot ng palyado kong utak. Bakit kailangang itago sa akin ang lahat? Lalo na si Rica. Mas madali pa akong kausap kesa kay clever bot, kaya siguradong maiintindihan ko kung sasabihin nyang isa lamang syang adopted. Ang buong misteryo ay tila yelong natutunaw sa baso. Habang lumiliit ang tipak, lalong nakikita ang tubig.


Kung may buhay ang auto ginamitan na ako ng mga salitang hindi pwedeng isulat. Halos paliparin ko ang apat na gulong nito sa pagmamadali. Malalakas na busina naman ang bato ko sa mga kotseng nais kong i-over take. Galit. Yun lang ang nararamdaman ko.


"Bawal mag-park dyan.." sita ng isang lalaki nang makita akong naglalakad, limang dipa na ang layo sa kotse. Nakakapagtakang nagkaroon bigla ng harang ang dapat na dadaanan ng auto, patungo sa bahay nila Sarah.


"Sarado na ang daan sir. Saan pa ba pwede?" tanong ko.


"Ngayon lang naman sinara yan. May emergency siguro kaya hinarangan ng mga tao.. May ambulansya kasing pumasok kanina" paliwanag nya.


Hindi ko na nagawang sumagot. May punto ang sinasabi nya. Pabalik na sana ako ng kotse, nang biglang magsalita naman ang babaeng katabi lamang ng lalaking sumaway sa akin.


Napabalikwas ako ng takbo sa narinig ko. Kung kanina puno ng galit kahit ang pagmamaneho ko, sa isang iglap lang nakalimutan ko na ang dahilan. Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko.


"Si Sarah na naman siguro.." wika ng babae.




Kinusot ko pang maigi ang talukap ng aking dalawang mata. Nasa pintuan ang dalawang medic. Bukas ang pinto na nagbigay daan sa aking mata para masaksihan ang kaganapan sa loob. May kung anong bigat na nagpabagal sa hakbang ng aking mga paa. Sa harap ko si Sarah. Nakahiga sa stretcher. May aparatong nakabusal sa kanyang bibig. Kahit paghinga yata napigil nang dumaan iyon sa harapan ko.


"Kamag-anak ka nya sir?" pagbasag ng isang medic.


"Oo! Asawa nya ako.." sagot ko, ngunit ang tingin ay sumusunod sa ambulansyang maghahatid kay Sarah sa hospital.


"May asawa na pala sya.. Anong pangalan nila sir?" bahagyang kumulot ang kilay ko sa sinabi nya. Ibig sabihin kilala ng lalaking ito si Sarah. Magkakilala ba talaga sila? O matagal nang pasyente si Sarah, at sila ang madalas sumusundo sa kanya. Sa dami ng iniisip ko. Nalimutan ko nang itanong kung anong nangyari.


"Marcus.. Uhm.. Fixed marriage kami. Kaya hindi ko alam ang history ng sakit nya.." pagsisinungaling ko.


"Iimbitahan na namin kayo, para maging kasama nya sa hospital.."


Sunod-sunod na tungo lang ang sinagot ko. Nasa isip kong sasakyan ko nalang ang bawat sasabihin ng doktor, para hindi sila maghinala sa akin. Mabuti nang maging kalmante. Nasa loob na ako ng isang laro, kaya ang tanging magagawa ko ay maglaro din.


Kapag dumadaan lang sa lubak, saka nagkakaroon ng ingay sa loob ng ambulansya. Hindi ko namalayang hawak ko na pala ang kamay nya. Putla ang magkabilang pisngi, at namumugto ang mga mata. Dahan-dahan kong hinawi ang piraso ng kanyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. Tao ako, kaya normal lang makaramdam ng awa. Pero ang ipinagtataka ko, ay kung bakit ang bilis mawala ng galit ko sa kanya.


Hindi ko maitago, pero nakikita ko sa kanya si Rica noon. Sa kilos at pananalita ay halos magkapareha. Kaya ganoon na lamang siguro ako kabilis umamo kapag nakikita ko syang nahihirapan ngayon. Sa isang banda hindi ko maiwasang mainis. Ganito din ang sitwasyon namin noong sinugod na sa hospital si Rica. Wala akong ideya kung anong nangyayari. Mabilis at parang ihip lang ng hangin ng mawala sya. Sa isang kindat lang ng tadhana, isang malamig at wala nang buhay na Rica ang humarap sa akin.


Malamig ang hangin na umiikot sa loob ng kwarto. Ingay lang ng aparatong nakakairitang pakinggan ang ume-ere sa paligid. May bahagyang paggalaw sa kanyang mga mata habang ito'y nakapikit, na nakakatuwang pagmasdan.


"Meningioma.." wika ng lalaking pamilyar ang boses.


Nakapatong sa balikat ko ang kanyang kamay, habang ako'y nakatingin sa payapa nyang mukha habang natutulog.


"Matagal na po ba ang sakit nya?"


"Kung tutuusin naagapan na sana. Sadyang matigas lang ang ulo nya tulad ng kapatid nya.."


"Wala na kayong kamay na pwedeng itakip sa dami ng butas. Alam ko na po ang katotohanan.." wika ko.


"Sinisingil na ako sa mga nagawa ko.."


Inikot ko ang upuan patungo sa direksyon nya. Handa na kong marinig ang buong katotohanan. Kung anong tunay na nangyari, at kung bakit kailangang itago ang lahat. Ang tanong lang ay kung handa ba ang aking tenga sa aking mga maririnig? Naupo si Mang Fred sa gilid ng kama. Ibinaba ang salamin at inilapag iyon ng dahan-dahan.


"Sino bang mag-aakalang hindi sila magkapatid? Isang buwan palang si Rica ng iwan sya sa akin ng isang kaibigan. Isang buwan lang daw. Natuto nang maglakad si Rica, pero wala pa din kahit anino nya."


"Lumaki at napamahal na sya sa akin, kaya hindi na ako nagdalawang isip na ampunin sya. Madali din syang nakagaangan ng loob ni Sarah. Daig pa nila ang tunay na magkapatid kung pagmamasdan mo sila"


Mahaba ang kanyang introduction. Kinailangan ko pang mag-rewind ng ilang minuto bago tuluyang maintindihan na adopted nga talaga si Rica. Sinubukan kong magmukhang interesante, para ma-skip na ang alamat at malaman ko na ang dahilan ng lahat.


"Maayos ang takbo ng lahat, nang biglang guluhin ni William.."


"William? Sya ang boyfriend ni Sarah!"


"Sya ang kasintahan ni Rica.." kabig ni Mang Fred.


Wala na kong ganang magulat sa sinabi nya. Naubos na yata ang expression kong iyon, sa dami ba naman ng natuklasan ko. Sinabi nyang nagkaroon ng matinding interes si Sarah kay William dahil sa kabaitan na taglay nito. Pero huli na ang pagtatapat, nang malaman nyang sila na ni Rica. Nagkaroon ng matinding inggit at sama ng loob si Sarah sa tinuring nyang tunay na kapatid. Dumating ang panahong nasa altar na sana ang dalawa, nang biglang nawala si William.


Kahit ako'y nabibitin sa pagtulo ng luha ni Mang Fred, na kanina pa nangingilid sa kanyang mga mata. Tinalo pa ng kanyang buntong hininga ang tunog ng aparatong nasa gilid ng kama. Malalim ang huli nyang pinakawalan. Ako mismo ay nadadala sa nakalulumong hitsura nya.


"Sinisingil na ako sa ginawa ko kay Rica.."


"Ano pong nangyari?"


"Isang daang libong piso lang ang halaga ng buhay ni William, para ibangon ko ang nagluluksang puso ni Sarah.."


Kusang nag-react ang aking lalamunan. Nilunok nito ang laway na kanina pa naiipon. Hindi agad ako nakapagsalita. Kriminal ang taong nasa harap ko. Anumang oras pwede akong matagpuan sa cavite, kung susubukan kong gumawa ng hakbang. Mabilis kong inikot ang aking mata sa kwarto. Walang tao sa paligid, lahat ng sinabi nya tenga ko lang ang naka-digest.


Nilakasan ko nalang ang aking loob. Hindi ako nagpakita ng takot, kahit pa hindi na butterfly ang nasa stomach ko kundi nagre-wrestling na mga daga.


"Mahal ko silang dalawa. Wala akong makitang paraan, para maayos ang kanilang samahan.."


"Kasalanan ho ang nagawa ninyo!" matapang kong sagot.


"Tama ka! Espesyal si Sarah, kaya hindi ako makakapayag na masasaktan lang sya ng isang lalaki.."


Matagal bago nasundan ang aming usapan. Parehas kaming naubusan ng script. Naglalaro sa isip ko ang pinagdaanan ni Rica, noong nawala si William. Ganoon din kay Sarah noong muntik nang matuloy ang kasal ng kanyang minamahal. Pero wala akong makitang dapat sisihin sa dalawa. Kahit si William ay nagmahal lang.


"Alam mo ba kung bakit ka nandito Marcus?"


"Ang totoo ay hindi.."


"Hiniling ko kay Rica na dalhin ka dito.."


"Para saan?!"


"Hindi mo pa ba naiintindihan? Ang lahat ay para kay Sarah.."


"Tulad ng sinabi ko, sinisingil na ako sa kasalanan ko. Alam ko na ang sakit ni Rica, bago pa sya umalis dito para hanapin ang kanyang tunay na magulang. Pero huli ko nang nalaman na kahit si Sarah ay nagbabadya ding mawala sa akin."


"Pinakasalan ako ni Rica para kay Sarah?!"


Kinabahan ako sa paglapit nya sa akin. Napabalikwas ako sa inuupuan ko. Kusang sumayaw ang mga paa ko kahit wala akong ganoong talento. Pigil ang hinga ko nang dumapo sa balikat ko ang kamay nya.


"Isang buwan Marcus.. Isang buwan lang ang itatagal nya, at isang buwan lang din ang hinihiling ko.." may kakaibang takot sa boses nya.


Hindi ko alam kung paano ako tatanggi. Hindi ko din alam kung paano sumang-ayon. Anong mangyayari kung sakaling hindi ako pumayag? Kung pumayag din ako magagawa ko ba ang hinihiling nya sa loob ng isang buwan? Mapapasaya ko ba sya tulad ng nais ni Rica at ni Mang Fred? May isa pa..


Paano kung mahulog din ang loob ko sa kanya? Makakaya ko kayang mawala sya?

15 comment/s:

Anonymous said...

a very nice story... full of mystery... ^^,

Amphie said...

sorry kung wala pang update ^__^

rhed said...

Next!!!!:D

Amphie said...

sori kung bitin. Tapos na sa isip, tamad lang itayp.

rhed said...

:(... wait ko, sana sipagin ka na... :) hehehe *wish*wish*wish*

iamstar724 said...

Hi sir! :D looting time no chat! hahaha been busy, graduating na e... :) Sorry if wala pa yung fansign na hinihingi mo.. hahaha so how's ya goin?  natabunan na ko neto ah. dami kong babasahin :D takecare!

amphie said...

kung di dahil sa fs, di kita makikilala hahaha! makooletnabata? :D

ayos lang, blog pa din ang libangan. goodluck and congrats!

iamstar724 said...

yup it's me! dunno why kung bakit di na to connected sa blogspot account ko. hahaha BIGTIME NA KASI TONG BLOG MO SIR! >:D hahaha thanks! ihope makagraduate! Ireally really hope so. :) 

amphie said...

hindi ah, naglipat lang sa disqus ang mga comment para makapagcomment gamit ang fb, twitter, etc..

kaya yan! gudluck ulit!

iamstar724 said...

ayan sir nabasa kuna lahat.. medyo naguluhan nanaman ako dun ah. hahaha ibang klase ka talaga mag paikot ng storya! :)

amphie said...

nakakahilo ba? hehehe.. salamat ulit! ^___^

iamstar724 said...

opo. nakakapagtaka lang na base sa storya e halos magkamuka sina Rica and Sarah ngunit hindi naman talaga sila mag kapatid.. ni follow po kita sa twitter :)

rhed said...

:( wala prin pong update?.... sumasakit na ulo ko sa trabaho eh...waaaaah!...:D

Chico Reymart said...

up :D

update sna malapit na......

Chico Reymart said...

sana po ma sundan na hehe para matapos  kona eto nlng yta kulang :(
bitin lang :D

Post a Comment