One Morning of July - 5

(Ang imahe ay mula sa malikhaing isip at kamay ni Melala)

***

"If everybody minded their own business, the world would go around a great deal faster than it does."  -The Duchess, Alice in Wonderland.




Malinaw pa sa pagkapanalo ni GMA ang circus sa loob ng puso ko. Hindi na kailangan ng mga pusong lumilipad sa background para sabihing may anghel na may pakpak ang sumablay na naman ng kanyang target. Inlab ako! Inlab sa babaeng may positive at negative na pagkatao. Hindi pwedeng itago sa ngiti kong mas obvious pa sa high school student na sinagot ng nililigawan. Buo na ang plano kong sumabak sa kakaibang relasyon na mas maihahambing pa sa gera, kesa sa pagka-romantic ng pelikula ni Keanu Reeves at Charlize Theron. Kung anong resulta? Uubusin ko ang letra sa alphabet, huwag lang mauwi sa bahala na.


Minarkahan ko ang bawat numero sa buong buwan ng hulyo. Bawal ang salitang sablay. Required na kailangang tanda ko kung sino sya sa araw na yun. Gumawa ako ng mini planner para alam ko kung anong gagawin ko sa araw na posibleng makasama ko sya. Daig ko pa si James Bond sa pagkarkula kung sinong puso ang liligawan sa araw-araw.


Paibigin si July..


Hindi na kailangang ipa-vulcanize ang mukha ko kung sasabihin kong may chemistry kami. Jolly at open-minded sya. Kinakailangan ko nga lang hindi maubusan ng joke, para mapanatili syang nakangiti habang magkasama kami. Noted na din ang ugaling palaging on-the-go. Super cowboy! Kahit siguro i-treat ko sya sa Luneta, pumapak ng isang kilong cotton candy at magkanda-paos sa regular ice cream ay mukhang mag-e-enjoy pa din sya.


"Kaya ng lion makipag-sex ng higit limampung beses sa isang araw!" pagbida ko.


"Bakit sakin ka nakatingin?"  hindi level ang kilay nya.


"Iniisip ko lang kung kaya ba ng tao yun.."


"Ewan ko sayo! Ang dami-dami natin pwedeng puntahan bakit dito pa sa zoo ang napili mo" pagrereklamo nya.


"Sige uwi na lang tayo" tatalikod na ko, pero mabilis nyang pinigilan ang aking braso.


"Hindi ka na mabiro! Ugali mo na bang mapikon?"


Kulang nalang sakalin ko sya sa tuwa. Kahit paano naramdaman kong trip nya pala akong kasama, at may kwenta pala ang mga natutunan ko sa panonood ng NatGeo. Akalain mong matutunan ko kung anong pinagkaka-abalahan ng mga lion kapag hindi nila type sakmalin ang mga tour guide sa africa na umaaligid sa kanila.


Binura ko ang ngiti bago ulit humarap sa kanya. Mahirap nang mahalatang pinagti-tripan ko sya. Ngunit ang kunwaring pagkaseryoso ay tuluyang nauwi sa seryosohan, nang sinalubong nya ako ng ngiting hindi ko pa yata nakikita sa lahat ng babaeng nakilala ko. Sa paglunok ko ng laway muntik nang sumama ang dila ko. Hindi ko lubos maisip na ang babaeng may apple cut na buhok, pwedeng subject sa art class ang hubog ng katawan, at may nakakademonyong ngiti ay ang babaeng nakayakap ko ng magdamag. Kulang ang premyo sa grand lotto kung itatapat ito sa pagiging swerte ko.


"Natulala ka?" pagbasag nya sa pananaginip ko. Kumurap pa ko ng ilang ulit para mawala ang epekto ng makamandag nyang ngiti.


"Iniisip ko ulit kung magagawa ko pa bang mag walk out, kung ganyang ngiti mo ang pipigil sa akin" nakangisi kong sagot.


"Bolero!" kahit sumimangot, ay alam kong natuwa sya sa sinabi ko. "Tara kain na lang tayo! Magandang lunas yun sa hallucination mo" biro nya.


Nilibot muna namin ang kalakihan ng Wildlife sa Quezon City, bago nagpasyang lumabas. Hindi ko mapigilang matawa sa ugali nyang parang bata, na sa tuwing makakakita ng hayop ay matutuwa at titingin sa mukha ko. Ewan ko kung may resemblance ba ko sa unggoy at ilang ulit syang tumawa ng malakas habang tinatapik ang balikat ko.


Maraming beses kong sinubukang mag-open ng tunay kong pakay, pero nauunahan ako ng pagkatorpe. Kapag nagkakaroon ng tiyempo o mga ilang segundong wala kaming topic, gusto ko nang mag-angat ng bandera at sabihing may nararamdaman na ako sa kanya. Ang problema lang ay kung paano ko sisimulan. Wala akong matinding opening line, para gumanda ang daloy ng pinapangarap kong love story. Mula zoo hanggang sa malapit na restaurant, bukod sa pagsakay sa mga sinasabi nya ay buta ang nagawa kong moves.


"Gusto ko ng pasta! Kahit ano basta pasta.." bungad nya nang nakahanap na kami ng uupuan.


"Ikaw?" tanong nya sa akin, habang nagbabasa ng menu.


"Yung special syempre!" sagot ko.


"Ang arte ha! Kalalaking tao.." biro nya.


"Hindi ah! Sa buhay dapat piliin natin ang sa tingin natin ay walang katumbas. Kung meron kakaiba sa lahat, yun ang lagi kong pinipili.." paliwanag ko.


"So special pala ko? Kasi mas pinili mong makasama ko, kesa matulog sa inyo?"


"Yan ang tanong na hindi na kailangan ng sagot!" nakangiti kong sagot habang diretsong nakatingin sa menu na tumatakip sa mukha nya.


Iniangat nya ang kanyang mata sa ibabaw ng menu para tignan ako. Ang tingin na kanyang ibinato ay nagsasabing may 2% na tumama sa 100% ng nais kong sabihin sa kanya. Kasunod nun ay ibinaba nya ang menu sa ibabaw ng mesa, inikot ito sa direksyon na mababasa ko. Itinuro ng kanyang daliri kung ano ang special na nasa menu, tska ulit ngumiti sa akin.


"Ayan! Meron na tayong something in common!" wika ko.


"Dalawang special na carbonara!" sambit nya sa waiter ng mamataan 'tong papalapit sa amin.


Ayun! Nalimutan kong may baga pa pala ako. Hindi kasi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kulang ang haba ng pasta sa dami ng kanyang gustong ikuwento. Mas madami pa nga ang daldal kesa sa pagkain. Kada magsasalita sya, hindi pwedeng hindi din ako hihinto sa pagsubo para makinig sa kanya. Kahit na ang topic ay tungkol lang sa bagong application sa iphone; kahit wala naman akong alam at dehins interesado; para lang magkatitulo ng best listener ay nakinig na din ako.


Sandali syang natahimik matapos ibuod ang talambuhay ng lolo nya. Buti nalang may pagkakaparehas ang hilig ng lolo nya sa lolo ko, somehow naka-relate ako. Pagkakataon ko na. Kailangan ko naman sumagwan para umusad ang bangka sa ilog.


"Sa love life mo wala ka bang kwento?" usisa ko.


"Ay! Boring!! Sa panahon ngayon hindi na pinag-uusapan ang love life, pang artista lang yun!" pilosopo nyang sagot. "Ikaw? May love life ka?"


"Wala pa! Pero malapit na.."


"So may nililigawan ka?"


"Nagbabalak pa lang. Hindi ako makahanap ng bwelo eh, ang daldal nya kasi palagi kaya hindi ako makasingit."


"Ang hina mo naman! Kung ako yung babae siguro nagkagusto na ko sa ibang lalaki, hindi mo pa nasasabing mangliligaw ka."


Nawala ang kaba ko sa sinabi nya. Gusto ko nang sabihing "tanga ikaw yun!" kaso nag-aalangan akong baka isipin nya nagbibiro lang ako. May tumutulak na sa akin para sakmalin na sya sa leeg, pero may tinig na nagsasabing may iba pang pagkakataon. Huwag na huwag lulundag sa patag kung alam mong hindi naman pantay ang paa mong babagsak.


"Tara na! Torpe!" natatawa pa sya habang nagpupunas ng tissue sa labi.


"Hindi ako torpe! May tamang oras siguro para doon" napahinto sya sa sinabi ko.


"Kailan pa? Kapag naunahan ka na ng iba? Makupad kapa sa pagong!" dagdag nya pang pang-aasar sakin. Ngiti lang ang naging tugon ko. Wala akong balak pumatol sa mga sinasabi nya.


"Baka nalimutan mong nanalo ang pagong sa karera laban sa kuneho.." bulong ko.


"Paano kung agresibo ang kuneho sa makabagong kwento?"


Nasinagan ng araw ang makintab nyang mga balat, nang lumabas kami ng restaurant. Malakas ang ihip ng hangin sa klimang may pagka-humid. Tinatangay nito ang buhok nya na nakaka-aliw pagmasdan. Mula sa likod nya hindi magawang kumurap ng aking mata habang nakatingin sa kanya. Habang tumatagal ang bawat araw na nakakasama ko sya, hindi na pwedeng lokohin kahit ang pinakatusong kuneho; ang dinidikta ng puso ko. Mali yata kung sasabihin kong paiibigin ko sya. Kabaliktaran ang lahat. Ako ang nahuhulog sa kanya. Swak.


"Agresibo? Malabo.. Mapapagod din yun!"


"So mananalo yung makupad na pagong?"


"The race is not about the prize, July. It's all about the effort you give in order to win her heart.."


"Talaga?" napangiti sya. "Biglang naging inglesero!" kasunod ang malakas na tawa.


Maraming beses pang naulit ang mga ganitong klaseng usapan sa tuwing love life ang topic. Hindi na din ako nag-usisa. Mauuna naman ang pagtanggi kung may border na sa puso nya, kapag inaaya ko syang lumabas at magpunta kung saan-saan. Liban lang dun sa lalaking kasama ng alter-ego nya sa fast food. Malakas ang kutob kong isa sya sa posible kong makasagupa para sa puso ni Marta. Bahala na. Sa tanda ko lamang lang ang makapal at maayos na porma ng kanyang kilay, ikumpara sa akin. Sa ngayon bibigyang pansin ko muna kung saan ako nakakalamang.


Ikaw labing anim na araw, sa buwan ng Hulyo.


Maasahan talaga ang schedule at ang kagustuhang maging girlfriend sya. Suntok sa buwan at madramang pagbabasag ng alkansya, nang ayain ko sya sa Cafe Ysabel sa San Juan. Romantic kasi ang venue at masyadong awkward kung kami lang dalawa. Mabuti nalang may beginner's luck. Pumayag naman sya kahit obvious na may gusto akong mangyari sa oras na feeling ko kami lang ang tao sa mundo.


Papitik pitik pa ang daliri ko sa aking hita habang naghihintay sa pagdating nya. Jazz ang music kaya napapapikit ako sa antok. Sa entrance nakapako ang aking mata habang nakaupo sa isang sulok. Napatingala ako ng harangan ng isang waiter ang view ko.


"Coffee sir? Habang naghihintay kayo sa ka-date nyo" bungad nya.


"Thank you! Padating na din kasi yun, napaaga lang ako" nakangiti kong sagot.


"Date pala ha!"


Napalitan ang ngiti ko ng pagkagulat nang sumulpot sya sa likod ng waiter. Nahirapan akong kilalanin sya dahil sa suot nyang eyeglasses. Ayoko sa babaeng nakasalamin, pero hindi ko mapigilang mamangha dahil bumagay sa kanya ang suot nya. Mabilis syang naupo. Nainip ata sa paghihintay na maging gentleman ako, na kung hihilahin ko ang silya para sa kanya.


"Friendly-date?" nauutal ko pang sagot.


"Wow! Ganda ng polo natin ha! Very casual.." puna nya.


Nakangiti na din sya sa wakas. Kung alam ko lang na may agimat ang suot kong polo, sana ginawa ko nang fully paid sa bumbay. Nakakagulat na masyadong pino ang mga galaw nya. Tanggap ko nang romantic ang lugar, pero hindi ko naman kayang umastang romantiko habang kumakain. Mahirap yatang sumubo na naka 100% gentleman.


"Bakit mo naman ako dinala dito? Akala ko ba ayaw mo sa hindi lively na lugar?" tanong nya matapos igala ang mata sa buong paligid.


Kinabahan ako. Nakakainis na hindi ko masabi kung anong dahilan. First time kong kabahan sa harap ng babae. Sa likod ko ang isang bugkos ng bulaklak na kanina pa naghihintay ng pag-aalayan. Syetes! 


"Siguro type mo na 'ko?" may halong pang-aasar sa tinig nya habang pinaglalaruan sa daliri ang mga nakalatag na kubyertos.


"Halata ba?!" agad kong sagot.


"Romantic place? The two of us? And a bunch of flowers at your back?"


Walanghiya! Pakiramdam ko ang corny kong lalaki! Nakasilip pala ang bulaklak, kaya pala ganun agad ang bungad nya ng dumating sya.


"I-I guess.. Tama ka!"


Ngiti lang ang sagot nya. Napakatipid sa reaksyon. Nakakbwisit na nakakairita. Anong ibig sabihin ng ngiti? Sa effort ko kulang pangbawi ng sama ng loob. Paano pa kaya kung basted?


"So what's next?" nakaka-intimidate nyang tanong.






bitin muna..

My Father is a sick Bastard!

(image credit to orig uploader)

My Father is a sick Bastard.
He always surprises me, even though I didn't like.
He's always angry when someone's making fun of me.
He did not always forget to put a present, underneath the Xmas tree on Xmas eve.
He's a sick bastard! He's sick!


My Father is a sick Bastard!
He always reminds me not play a woman's heart.
He even choose the flowers that he thinks a woman might like.
He keeps on saying good things when I'm broke or being dumped.
He's a sick Bastard! He's sick!


My Father is a sick Bastard!
He always wanted the best things in my life, even though I shouted at him every night.
He didn't forget to put things in right, whenever I'm wrong and pretending that I'm right.
He keeps on saying that he loves me, no matter what I do in my life.
He's a sick bastard! He's sick!


My Father is a sick Bastard!
He always cares for me.
He's always there for me.
He always loves me.
I'm a sick bastard for not showing the same, even though I can. Even though I can.
I was the sick bastard. I truly am.






author: pasensya na sa sablay na grammar. hindi ako ekspert sa tula :)

Yosi


"Aha~ha.. Aha~ha.. Ahaha.. La~la! Sumulat ako upang malaman mong, ako'y tapat pa din sayo. May problema ka ba? Matutulungan ba kita? Sa akin ay huwag kang mangamba"


Maharaba! Magdadalawang taon na din akong sumusulat. Ang bilis lang ng karera ng buhay. Talagang kahit anong gawin, hindi makikisama ang orasan. Pinanindigan ang titulong ginto sya. Balik tayo sa 2010. Noon ang trash bin sa tabi ng mesa ang nagiging huling hantungan ng mga laman ng sabaw kong utak. Bilang kasapi sa taga-konsumo ng natural resources sa pilipinas, kasama na din ang pagiging guilty sa pagsikat ng global warming; isa ako sa mga tambay na nag nais sumulat ng mga kwentong hindi naman kapupulutan ng aral.


Ngayon, balik tayo sa trash bin. Importante ang role ng trash bin sa akin. Kahit pumikit ka at magkwento ang seksi mong kapitbahay ng mga feeling virgin stories, alam at alam mo pa din na ang laman ng trash bin ay BASURA. Ang mga kwentong sinulat ko ay basura. Ang blog ko ang trash bin, at ako ang makulit na taga-kalat ng basura na binabasa mo ngayon. Kung nasa klase lang ako, malamang ubos ang baon kong pera sa tagalista, dahil sa mga bagay na pinagsasasabi ko na wala namang kinalaman sa paglaki ng boobs ni Kim Chu.


"What about you Mr. Garcia?"


"Me?" tanong ko.


"No! About the Author!"


Syetess! Parang describe yourself lang na allowed ang pagsisinungaling. Kumpleto bakuna ko, kaya walang chance ang allergy na makipag-fling sa healty kong katawan. Pero sa tuwing nababasa ko ang "About the Author" parang byenan ko lang kung umiwas ako. Hindi naman ako masikreto. Talagang nakakailang lang sumagot sa about-about na yan. Salamat dun sa naka-imbento ng pamosong "judge me" at may madulas akong palusot sakaling may maligaw sa blog ko.


Tutal nabanggit na naman ang Author. Hayaan nyo kong magkwento sa buhay kong mala Tom Sawyer ang dating. Simulan natin sa part na mahilig pa akong manood ng x-rated movies. Ang pinaka paborito ko ay ang Kamasutra series. Yun lang. Skip na lang sa love life, dehins naman ako showbiz. Pero kung may crush akong artista, walang iba kundi si Eula Valdez. Kapag nagpaseksi si Julia Montes crush ko na din sya, pero ngayon magpa-baby muna sya hanggang hindi pa laos.


"Why Like Thiiiss?!" wika ng kaibigan kong indiano at halos mag-upside down ang bigote sa sobrang pagkangiwi.


"Keisahe? Tike?!" nagtatako kong tanong.


"Inta Mudir kalam ana mafi malum, ada mhuk mafi!" pagpapaliwanag nya.


"Lesh mushkil?" tinapik ko ang balikat nya. bagamat may lungkot sa kanyang paquito diaz na mukha, kung tatawa at ngingiti sya ay siguradong magdudulot ng ngiti sa maliit na parte ng daigdig.


"habiby!" ipinakita ko sa kanya ang dalawang baso na may umuusok na tea. magic bigla na lang nandoon.


"Kalewali! Taal drink tea with me!" anyaya ko.


Hindi tulad ng sinasabi ng mga fairytales na masalimuot ang ikot ng mundo, at maraming witch na nag-aalok ng bulok na mansanas. Alam naman natin kung paano pumara ng jeep, at nasa atin kung paano tayo hindi mauuntog. Lunod na sa bangungot ang mga tao sa problema, wag na tayong umisip pa ng problema na idagdag sa mga nauna. Kung may tubig, pag-aralan nating lumangoy. Kung naiwan ng school bus, isiping paminsan minsan masarap maglakad. Kung may harang sa daraanan, wag umiwas. Sa halip, alamin muna kung mumurahing materyales ang ginamit sa pagbuo ng pader. Malay natin ang inakala nating balakit sa kalsada ay kasing liit lang pala ng problema ng kaibigan kong indiano.


"Inta mafi malum english? Malem! Kalam suway suway.. WHY-LIKE-THIS?!" natatawa kong wika.


"Shukran!" sagot nya. "Afwan!" sabi ko.






"Sumulat ako upang malaman mong, ako'y inip na inip na dito. May pera ka ba? Mauutangan ba kita? Huwag mag-alala at mababayaran din kita.. Ahaha.. La~~la!"






-----


writing exercise for myself lang, o sabihin na nating free writing na lang. image credit nga pala to orig uploader.

One Morning of July - 4

(Ang imahe ay mula sa malikhaing kamay at isip ni Melala)

***

"Wala ka pala e!"

Tinig na nag-utos sa akin. Hindi ko alam ang ginawa ko. Basta nalang may nagtulak sa akin para nakawan ng halik si Nancy. Lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko si July na may ibang kasama. Ang halik na tumama sa kanyang malambot na pisngi ang nagtulak sa akin para gawin din ang bagay na yun kay Nancy. Strange! Hindi brew. Nagseselos ba ko? Wala ako sa posisyon. Kung ang pagtulog lang sa tabi nya ang basehan, kahit kasing laki lang ng butas ng ilong ng kapitbahay wala akong karapatan.

Tatlong ulit kong binasa ng tubig ang sariling mukha sa loob ng cr. Iniisip ko kung anong mukha ang ihaharap ko kay Nancy. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto palabas.

"Hindi kapa pala satisfied sa kung ano mang nangyari kagabi. Gusto mo pa talaga akong sundan." ang babaeng pwedeng pagkaperahan kung kakain ng manok sa peryahan ang sumalubong sa akin. "Hindi kana makasagot, siguro tama ako?"

"Hindi ako marunong pumatol sa babae. Kung makikipagtalo ka lang sa akin, kahit pumuti mata mo wala kang mapapala" sagot ko.

"Sino bang nagsabing nakikipagtalo ako? Itetext ba kita kung galit pa din ako sayo?"

"So.. Peace na tayo? Paano naman 'to?" habang tinuturo ko ang pisngi kung saan napagtripan nyang sampalin.

"Kasalanan mo yan! Hindi ka marunong umilag!" nakangiti nyang wika.

"Kakasabi ko lang yata na ka-ally ako ng mga kababaihan"

Gumaan ang kaninang mabigat na hangin na umiikot sa paligid. Ang babaeng may nawawalang turnilyo sa sintido, ay maliwanag ko nang nakakausap.

"Maiwan muna kita! May kasama kasi ako.." paalam nya habang tinuturo sa gilid ng mga mata ang lalaking kasama.

Itatanong ko pa sana kung sino, pero mabilis na syang naglakad papalayo na parang kahit isang letra lang ay wala kaming nabanggit sa isa't isa. Napangiti ako nang mapansin kong ngumiti din sya bago tabihan ang kasama.

"Tapos na break! Balik na tayo?" salubong na tanong ko kay Nancy.

---

Madalas akong managinip ng taong hindi ko pa nakikita o nakikilala. Madalas din pag gising ko limot ko na ang mukha nila. Magugulat ka nalang na ang taong minsang bumisita sa panaginip mo ay ang taong ngayon mo palang nakasama. Naniniwala din ako sa threads of fate. May hindi nakikitang sinulid na nagdudugtong sa bawat tao na kung aksidente mong mahila, makikilala mo kung sinong nilalang ang nasa dulo. Hindi lang iisa, minsan dalawa, minsan tatlo. Kapag swerte malamang magkakaugnay kayo. Magkakadugtong ang sinulid na hawak ng mga taong involve sa kung ano mang mangyayari. Posibleng sa problema, sa eskwela, sa trabaho, rally, online games, lotto, aksidente, at ang mas madalas. Pag-ibig.

"Nakita ko si Marta sa fastfood kanina.." wika ko kay Nancy habang nasa elevator.

"Talaga? Anong nangyari?" excited nyang tugon.

"Nag declared lang sya ng world peace!" biro ko.

"Yun naman pala e! Wala ka nang problema!"

"Uhm.. Nalimutan kong linawin yung tungkol sa kakaiba nyang kinikilos? Mukha naman kasing nasa tino.."

"Magulo talaga ang ganyang sakit. Minsan hindi mo alam kung sino sya sa mga oras na yun! Pero iba si Marta e!"

"Paanong iba?"

"Nakausap ko na kasi sya dati nang nag-leave yung secretary ni boss. Two weeks din akong naglabas-pasok sa opisina nya. Kapag dumadalaw sya nagkakaroon kami ng small talk. Matino naman sya at mukhang walang signs ng ganung sakit. Pero kung meron, hindi yun kapansin-pansin sa kanya. Or else.. Lumala na ngayon!"

Wild na ngiti lang ang sinagot ko kay Nancy. Hindi ko alam kung anong amoy ng hangin ang pumasok sa utak ko. Nagkaroon ako bigla ng matinding pagnanasang alamin kung ano ba talagang meron kay July, bukod sa seksi nyang katawan na mas una ko pang natuklasan. Bumukas ang pinto ng elevator. Nauna kong lumabas.

"Salamat sa treat!" paalam nya.

"Hindi libre yun! Sa susunod ikaw ang taya"

"Libre na yun! Nakalibre ka naman ng kiss sa akin!" natatawa nyang sagot bago tuluyang tumalikod.

---

Bukod pa sa balak kong pag spy kay July, dumagdag na din ang pagiisip kung sinong nagpauso ng pagbibilang ng tupa para makatulog. Paubos na ang tupa sa rancho hindi pa din dumadalaw ang antok. Kapag sinusubukan kong ipikit ang aking mata, agad na susulpot ang mukha ni July. Parang concert lang na kapag lights off, naka lights on ang mga cellphone.

Gumawa ng kakaibang art ang gusot na kumot dahil sa paulit-ulit na pag ikot ko sa kama. Pilit kong pinalalayas sa isip ko ang nakangiting imahe nya. Walang epek! Muntik nang mapunit ang mukha ko sa paglamukos ko dito dahil sa sobrang inis. Dinampot ko ang cellphone ko. Diretso sa phonebook at automatic na pinindot ang numerong 5 para lumabas ang pangalan nya. Nahinto ang hinlalaki ko sa paglanding sa kulay berdeng button. Nagdadalawang isip ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag sumagot sya. Ibinaba ko ang cellphone sa dibdib at nagpasyang ikansela nalang ang balak.. sana.

"Hello.." malamlam na tinig ng sa kabilang linya. halatang bagong gising. kinabahan ako. naguumpisa nang tumigas ang dila ko.

"Hello? Hello!!" may pagtaas na sa tinig nya.

"Kapag 'di ka sumagot--"
"Si Noel 'to!" maagap kong sagot.

"Alam ko! Wala naman akong ibang kilalang Noel" sa tinig palang alam ko nang sablay ang timing ko. Hindi magandang pakinggan kung aayain ko lang syang lumabas sa makalawa, matapos sirain ang tulog nya.

"Napatawag ka?"

"May meteor shower daw kasi mamayang hating gabi! Manonood ka ba?"

"Paborito ko yan! Kaso noong isa linggo pa binalita yan, siguro nasa pluto na ngayon ang mga bulalakaw"

"Ano ba talagang kailangan mo?"

"Gusto kong humingi ng sorry!"

"Okay na tayo 'di ba? And beside, narealized kong may kasalanan din ako. Hindi talaga ako malakas pagdating sa larangan ng paglalasing"

"Naisip ko kasi na hindi valid ang isang sorry kung hindi gagantihan" palusot ko.

"So sa tono mo, may gusto kang gawin para sa akin?"

"Pasensya na ha! Hindi ako romantic person talaga eh! Mang-treat lang ng kung sino ang kaya ko"

Matagal bago sya sumagot. Inakala ko pang naputol o binaba nya ang linya. Ginasgas na kasi ng mga naunang tao ang istilo ko, kaya kumbinsido na kong walang mangyayari. Kung babawi naman ako at sasabihin kong biro lang ang lahat, iisipin nyang trip ko lang talaga syang pagtripan.

"Hindi naman date 'di ba? Treat lang or more like friendly date!" wika nya.

Dadaigin pa ng ngiti ko ang ngiti ni cheschire cat sa alice in wonderland. Ngayon palang binubuo ko na sa isip ko na magkasama kami. Lumilipad na agad ang imahinasyon ko. Kinurot ko pa ang sariling pisngi kahit alam ko namang masasaktan ako. Para wala lang. Humaba lang ang chapter na 'to.

"Tomorrow! 6pm sa Podium, Ortigas! Sharp!"

July 3. 7:30pm. Kung magsasalita pa ang guard ng mall uupakan ko na. Kanina pa sya natatawa sa ginagawa kong pagtayo sa entrance. Nabilang ko na kung ilang artistahing dilag ang dumaan sa harapan ko, wala pa din sya. Kabisado ko na kung anong sasabihin ko, at kung saan kami pupunta. Kahit ang oras na itatagal namin sa isang lugar nakaset na. Ayokong mainip sya at masabihan akong boring kaya naghanda na din ako ng mga joke na pwede kong magamit kapag mauubusan na ako ng humor. Isa lang ang problema. Wala pa yung mismong taong pinaghandaan ko.

"Uy! Noel! Napatawag ka?!"

"Ahh.. Nandito na ko. Darating ka pa ba?"

"Saan?"

"Ah-wala! Wala! July?!"

"Lasing kana naman ba? Syempre ako 'to!"

Kahit medyo inis napangiti ako. Tumindi ang hinala ko. Alam kong medyo mahirap, pero mukhang kailangan kong manuyo ng dalawang babae sa isang katawan sa loob ng isang araw. Mukhang kailangan kong markahan ang kalendaryo para hindi ako malito. Dala ng matinding adhikaing malaman ang lahat-lahat. Sigurado na ko. Inlab ako sa babaeng sweet at charming na si July, at kay Marta na may monstrous side pero may deadliest smile.

“Hindi! Namiss lang siguro kita.. Nasaan k aba ngayon? Pwede ba kitang Makita?”

Matamis na tawa ang sagot nya, kasunod ng pagsabi ng “Baka naman ibang bagay ang namimiss mo?”

Anino


Sarado ang kaliwang kamao ko habang sa kanan naman nakapatong ang aking baba. Tahimik ang aking postura kahit na ang diwa ko ay maligalig. Pinagmamasdan ang mga nakangiting tao sa paligid. Kakaiba ang sayaw nila na hindi tugma sa love song na umeere sa malaking silid. Sa pinto nakasabit ang lumang orasan na kada lagitik ng kamay ay dumudurog sa aking pagkatao.


"Hindi na sya darating pre. Bakit hindi ka nalang mag-enjoy?" tinig na nanggaling sa likod ko.


"Ikaw pala.. Buti kapa sumipot, samantalang yung una kong inimbita mukhang walang balak dumating"


Naramdaman ko ang isang malamig na pag-akbay sa aking kanang balikat. Nilingon ko. Malaking ngiti ang bungad nya sa akin. Napangiti din ako ng bahagya na halatang pilit.


"Gasgas na linya na 'to. Pero isipin mo din na hindi lang iisang uri ang isda sa dagat" wika nya.


Iniangat ko ang dalawang kamay ko para itapal sa likod ng aking batok. May kakaibang pintig na nagdudulot ng hindi maipaliwanag na hapdi. Wala akong naging reaksyon sa mga payo nilang alam kong tama. Palibhasa'y hindi ko pa kayang mawala ang babaeng nagkulay sa buhay kong black and white.


Kibit balikat silang tumalikod sa akin. Hindi ko nagawang magpasalamat sa kanila sa pagdating sa espesyal na araw sa aking buhay. Malungkot ang bawat pagpapalit ng musika. Sa tuwing matatapos ang isa, hinahanap ng aking pandinig ang katahimikan; ngunit mabilis ding nag-aasam ng kasunod na awit, na sa tingin ko'y sasagip sa aking kalungkutan.


"Mas importante pa ding mahalin ang sarili" bulong ng isang bisitang ngayon-ngayon lang namataan ng aking mata.


"Lumabas ka. Sulitin mo ang buhay. May iba't ibang kulay sa ibabaw ng lupa na hindi mo pa lubos na naipipinta"


"Paano? Sya lang ang buhay ko."


"Ang paglisan nya sa mundo ay hindi dahilan para gawin mo ang mga bagay na 'to sa sarili mo. Tumingin ka sa paligid. Hindi lang ikaw ang natapilok at napilayan sa daan"


Inikot kong muli ang aking mata sa paligid. Sumasayaw ang mga tao sa masayang tugtog ng kakaibang musika. Lahat sila napahinto sa aking pagtayo. Walang gustong magsalita liban sa takbo ng orasan na kanina ko pa tinititigan.


"Hindi na sya darating.." bulong ko.


Sa salitang binitiwan ko dahan-dahang bumagal at tuluyang huminto ang musika. Natigil ang bawat hakbang ng mga tao. Lahat natahimik. Unti-unting umugong ang bulungan. Hindi ko maunawaan ang kanilang sinasabi. Humakbang ako ng ilang ulit papalapit sa kanila. Bawat kakapitan ko'y nagiging anino at tuluyang naglalaho. Isa-isa hanggang sa walang natira. Malamig na hangin nalang na nanggagaling sa aircon ang tanging naiwan.


Isang kisapmata lang naglaho silang lahat. Sumikip ang dibdib ko. Dama ko ang bilis ng tibok ng aking pulso.


"Chris! Buksan mo ang pinto! Chris!!"


Papikit na ang aking mata. Hindi na magawang gumalaw ng aking bibig na bumubula. Ang buong katawan ko'y naninigas. Bago tuluyang dumilim ang paligid, narinig ko pa ang malakas na yabag na sa tingin ko'y sumira sa pintuang naka-lock.


"Chris!!" malakas na tinig ni ate.


"Hintayin mo ko, magkikita na tayo.." bulong ko.


-wakas




------


Symbianize Literati: Writing Exercise (7-A)

Old Story

(image credit to orig uploader)

"Para sa kanto!" wika ng estudyante.

Huminto ang jeep sa kanto. Bumaba ang estudyanteng kanina ko pa ninanakawan ng tingin, pero kahit sulyap walang sukli. Sumakay ang dalawang matanda. Isang babae at isang lalaki. Daig pa ang republika ng pinas sa pagkilos. Naapektuhan yata ang mga mata ko sa pagsunod sa galaw nila.

"Bayad! Dalawang senior!" bungad ni lola. Natripan nila ang bakanteng pwesto sa harapan ko na malapit sa babaan.

Trapik. Mainit. Zero ang hangin, ang resulta basa ang kili-kili ko. Sa limang minutong walang usad, nagkaroon ako ng hobby. Ang paglunok ng sariling laway.

"Sa susunod kasi huwag ka na sasama.." paputak putak na wika ni lolo kay lola. Napako ang atensyon ko sa kanila. Umagaw ng aking atensyon ang wedding ring. Mag-asawa. Old lovers pala ang dalawa. Sa sumunod na mga minuto iba na ang daloy ng hangin. Pakiwari ko may tampuhan. Isnabero si lolo, at trying hard naman si lola sa pagbabakasakali sa katipan.

Inabot ni lola ang kamay ni lolo. Suplado na ang dating maginoo. Ang dating kasing tamis ng kalamay na mga panunuyo, ngayon tila kasing gaspang na ng mukha ni mang kanor. Nalungkot ako. Hindi ko na paborito ang linyang "Till death do us part". Naisip ko bigla si gerlpren. Kung tatanda kami at magmumukhang kuyukot din ang kanyang mukha, magbabago din kaya ang nararamdaman ko? Mauumay din kaya ako sa tamis? Maiinis din kaya ako kung mabagal na din syang kumilos? O mahina na ang pandinig? Sabi ni Jay may dulo din pala ang langit. May kantang nakakasawang pakinggan. May umagang tila ayaw nang gisingan. Ang lumang ending ng kwentong pag-ibig, may pait kahit piliting magpaka-sweet.

Trapik. Sobrang init. Hindi lang kili-kili ang basa, pati na din ang brief. Malungkot ako. Napako ang atensyon ko sa dalawang matanda. Si lola nakangiti kahit medyo sawi. Si lolo nakasimangot mukhang inip na inip.

"Sa tabi lang! Sa tabi lang! Sandali la-ang ha!" pagmamadali ni lolo.

Binitiwan ang kamay ni lola. Mabilis na bumaba. Kasunod si lola, pero hindi na hinintay. Uugod-ugod si lolo habang tinatawid ang kalsadang two-way. Si lola naiwan sa gutter, takip ng dalawang kamay ang noo sa tindi ng sikat ng araw. Naghihintay mawalan ng kotse sa tatawiran. Dismayado sa ginawang pang-iiwan.

Umarangkada ang jeep. Tanaw ko pa din si lola. Malungkot. Walang reaksyon. Babad sa arawan. Lumiko nang pakaliwa ang sinasakyan ko. Napabuntong hininga. Napangiti. Nahagip ng aking mata si lolo. Nakikipagpatintero sa kalye, bitbit ang kinakalawang na wheelchair. Isang makahulugang ngiti ang salubong sa kaparehang naghihintay lang ng kanyang pagbalik.

-wakas

One Morning of July - 3

(Ang imahe ay mula sa malikhaing kamay at isip ni Melala)

***

Hindi na siguro kailangang maghintay ng halloween, para masabing may kababalaghang nangyayari sa mga sandaling 'to. Kahit baluktutin ko pa ng ilang beses ang nangyari kagabi, malinaw sa akin na July ang pangalan nya at hindi Marta. Hindi ko din sigurado kung gusto lang nyang magkaroon ng spice ang umaga, o sadyang nababaliw na talaga sya.


"Marta? Hindi ba talaga July?" tanong ko habang pinagmamasdan syang kumpletuhin lahat ng nawawalang parte ng suot nya kagabi. Nang madukot sa ilalim ng kama ang isang pares ng high heels ay agad na humarap sa akin.


"Noel 'di ba?" balik tanong nya.


"Hindi bagay sayo ang mabait na tunog ng pangalan!" galit nyang wika.


"Hindi din bagay sayo ang dalawang pangalan!" pilosopo kong sagot.


"Pwede ba? Wala akong panahong makipaglokohan. Kung nadaan mo ko sa lasing kagabi, pwes hindi na pwedeng maulit yun!"


"Ikaw kaya 'tong nagyaya sa bar! Ano bang alam ko't gusto mo palang dito dumiretso?" asar kong sagot.


"Bar?! Kagabi? Ikaw tong wala sa sarili! Nasa party tayo. Company anniversary!" paliwanag nya.


"At pwede ba? Takpan mo na yan, baka lumipad!"


Parang game lang ni Jigsaw ang mga nangyayari. Yung tipong magigising ka sa isang sitwasyon na hindi mo alam ang dahilan. Nag flash back sa isip ko ang mga sinabi ng ka-officemate ko nang unang araw na magising akong kasama sya. Naguguluhan ako. Hindi kayang sumabay ng pentium 4 kong utak sa pang i7 na situation.




---




"July.. Marta.. July.. Marta.." bulong ko sa kumikindat na cursor.


Decline lahat ng loan application ng mga nangangahas na umutang. Mura pa ang inabot ko sa huling applicant bago ito umalis sa harapan ko. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang katauhan ni July o Marta. Palaisipan sa akin ang dalawang umagang nagising akong kasama sya.


"Pansin ko kanina kapa titig na titig dyan." wika ni Nancy na nakatayo na pala sa likod ko.


"Lunch break na wala kang balak kumain?"


Kung hindi lang kumulog at kumidlat ang tiyan ko, hindi ako papabor sa sinabi nya. Limang segundo bago ko inikot ang upuan at hinarap sya. Inayos ang nagusot kong polo at nginitian sya.


"Sabay na tayo!" alok ko.


Sa fastfood chain ang bagsak namin. Matapos magbayad sa counter, agad ko syang tinungo sa second floor kung saan alam kong walang gaanong tao. Inilipag ko ang order nya at mabilis na umupo. Buo sa isip ko ang plano ko. Kailangan kong may mapagsabihan ng mga nangyayari sa amin. Tiwala naman ako kay Nandy, dahil sya ang unang nakilala ko sa company at madalas kong kasabay kumain.


Softdrinks nalang ang natira sa meal ko, hindi pa ako nakakapag-simula ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano uumpisahan, sa dahilang hindi din ako sigurado sa hinala ko.


"Kanina wala ka sa sarili. Ngayon kulang nalang lundagin mo ang fries ko, ano bang nangyayari sayo?" puna nya.


"Nababaliw na siguro ko" mahina kong sagot.


"I mean, may problema kasi ako.." mabilis kong kabig.


"Try me! Baka makatulong ako!" magiliw nyang sagot.


"Ano kasi--" putol ko.


"Naniniwala ka ba sa dalawang katauhan ng isang tao?"


"Multiple personality?!"


"Yun nga! I met this girl and twice na kaming nagising na hindi nya ako kilala. Ang nakakapagtaka ay dalawang pangalan ang gamit nya.." paliwanag ko.


Sumimangot sya sa narinig nya. Kung matatawa sya handa na kong mag walk out. Panalangin ko nalang na hindi nya ko sabihang nasisiraan na ng bait. Desperado na ko. Kailangan ko ng masasabihan at alam kong si Nancy lang mapagkakatiwalaan ko sa mga tao sa company. Iba kasi ang turing nya sa akin mula nang magsimula ako sa trabaho, kahit pa alam kong hindi yun ang trabaho nya ay hindi sya nagsawang makinig sa mga tanong ko regarding sa work. Madalas ko syang kasama sa lunch break, dahilan nyang ayaw nya sa ilang empleyadong babae na daig pa teleserye sa arte.


"Yan ang napapala ng mga babaero!" natatawa nyang sagot. Napakamot ako sa sagot nya. "To be honest yun ang tingin ko sayo e!"


Natawa ako sa sinabi nya. Masabi lang na may nakakatawa pinilit kong pumeke ng ngiti, kahit pa walang kinalaman yun sa usapan.


"Bulgar ka naman!" pagsakay ko.


"Hula ko lang yan ha! Okay serious na. Are you serious?"


"Sabi mo mukha akong babaero, pero hindi ako marunong magsinungaling"


"Interesting! Tell me.. Nagsawa kana bang mag two timer kaya sa may disorder ka nalang pumatol?!"


"Marta is different!" nahinto ako. "I mean July!"


"Marta? Don't tell me yung daughter ni boss?! Sabi ko na! Ang sweet nyo nung party, kaya ko nasabing babaero ka e!"


Naloko na. Kasasabi ko palang na hindi ako sinungaling, kaya hindi ako pwedeng lumusot. Masyadong obvious kung bigla kong magsi-signal ng right turn, dahil nasa straight way ang tinatapakan ko. Gusto ko na syang sabunutan sa sobrang bilis nyang makagets. Pero huli na ang lahat. Nasabi ko na sa kanya, at ang pwede ko lang mahiling ay tulungan nya ako, ngunit mukhang malabo na dahil tulad ni July, parang may sayad din 'tong si Nancy.


"Bakit tumahimik ka?"


"May mensahe kasi e! Basahin ko lang!" sagot ko nang naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Napahinto ako sa mensahe at sa sender.


*small world, isn't it?*


Nilingon ko ang paligid. Napako ang mata ko sa table na sa tingin ko ay limang dipa lang ang layo sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko, parehas sa unang beses na magising akong kasama sya. Walang ano-ano tumayo ako at naglakad palapit sa kinauupuan nya.


"Bahala na.." bulong ko sa sarili.


Limang hakbang nalang nang lumabas sa katabing cr ang matipunong lalaki, na sa tingin ko'y lamang lang sa gamit na hair wax sa akin. Kung gatsby ako malamang loreal sya. Mabilis itong humalik sa kanyang pisngi at umupo sa kanyang tabi. Huminto ang cycle ng kaninang mabilis na daloy ng dugo sa aking katawan.


Napako ang mga paa ko at nagkrus ang aming tingin. Hindi ko alam kung saan ako lulusot, para makaiwas sa titig nya. Habol ko ang aking hininga at pigil na pigil ang aking paggalaw.


"Noel?" naramdaman ko ang kamay ni Nancy sa aking balikat.


Sakto lang sa timing. Nginitan ko si July at mabilis na nilingon si Nancy.


"Sorry.." bulong ko sa kanya, bago lumanding ang aking labi sa kanyang pisngi.


"Cr lang ako!" paalam ko.


Kung naintindihan ni Nancy sigurado hindi sya magagalit. Kung hindi? kailangan ko ng sandamakmak na sorry at paliwanag. Bahala na.




-bitin ulit