(image credit to orig uploader)
“Pa!
Papasok ka na?!” pigil ni Renz sa kanyang ama na akmang lalabas na nang pinto,
“Hindi ba sabi mo sasamahan mo pa akong mamasyal sa parke? Tapos tuturuan mo pa
akong magmaneho ng bisikleta?”
Napahinto
si Tonton. Hindi nya inisip kung kailan nga ba siya nangako, kundi kung ilang
beses na ba nyang sinabi iyon kay Renz ngunit palaging hindi natutuloy. “Babawi
na lang ako. May importante lang ngayon sa trabaho at kailangang naroon ako.”
Palusot nya.
Tumango
na lamang si Renz. Alam na kasi nyang kahit magpilit siya ay hindi ito
mapag-bibigyan ng kanyang ama. “Sige sa susunod na lang po..”
Sumakay
si Tonton na may bigat sa kanyang dibdib. Palibahasa’y nag-iisang anak si Renz
kaya kailangan nyang mag-sipag para sa kinabukasan nito. Alam nyang hindi
sasapat ang limang araw na kita para sa pangangailangan nilang mag-ama, kaya
sumasabak sya kahit sabado at paminsan ay sumisingit sya sa araw ng linggo.