A Lab Story

she: "Good Morning! Napatawag ka?"
he: "May swerte daw kasi ang tinig mo.."
she: "Bolero! Hindi ka pa din nagbago.."
he: "Kamusta na pala? Madalas na kitang maalala nitong mga nakaraang araw.."
she: "Nasa mabuting kalagayan naman.. Ikaw? Maganda ba ang korea?"
he: "Maganda kung kasama kita sa almusal ko ngayon.."
she: "Cheap shot! Kamusta naman ang araw?"
he: "Sumisikat pa din! Sya nga pala.. Nabigyan ako ng increment!"
she: "talaga? good! hindi na bago yun, masipag ka kasi sa work.."
he: "May kapalit.. Na-extend ng isang taon ang kontrata ko.."
she: "Ganun ba.. Akala ko pa naman makakasama na kita sa birthday ko.."
he: "Huwag ka nang malungkot.. Para naman sa kasal natin yun!"
she: "Sigh.. Babalik ka pa ba? Madalas na kasing nalulungkot ako.."
he: "Hangga't may trabaho dito ako. Masasanay ka din.."

she: "...."
he: "Maiba ko. Yung negosyo nating grocery?"
she: "Maayos naman. Ikaw nalang ang hinihintay.."
he: "Great! Maipapagawa na din natin ang pangarap nating bahay sa laguna"
she: "Hon.. Aanhin ko naman ang bahay, kung wala naman akong makakasama?"
he: "Napag-usapan na natin yan di ba?"
she: "Ayoko namang makasama ang pamilya mo ng wala ka dito.."
he: "Mababait naman sila. Mabilis kayong magkakasundo ni nanay, at isa pa gusto ka din nya"
she: "Basta ipangako mong mahaba ang bakasyon mo kapag umuwi ka dito!"
he: "Promise!"
she: "Mag-iingat ka din palagi dyan!"
he: "Yun nga e! Kakaisip ko sayo madidisgrasya pa ako sa kalsada"
she: "hahaha! baka naman sa ibang babae ka nakatingin?"
he: "Wala akong hilig sa singkit.."
she: "E sa maputi?"
he: "Gusto ko morena!"
she: "Nasa ibang lugar ka, baka magbago ang taste"
he: "Pinoy naman ako e, kaya lutong pinoy pa din ang panlasa ko.."
she: "Hindi na ako magtataka at napasagot mo ako.."
he: "Mahal kasi kita, kaya pinag-aralan ko mangbola!"
she: "Ewan ko sayo!"
he: "Ano? I Love you?"
she: "Ano din? I love you too?"
he: "Hahaha! Sige na hon.. Tumatawag na ang amo ko.."
she: "Okay hon! Ingat palagi.. Huwag mo kalimutan ang birthday ko!"
he: "Flowers? Roses?"
she: "And chocolates.."
he: "Noted! Gotta go.. Bye-bye!"
she: "Bye!"
he: "Pwede palang pang radio-drama ang boses ko!"
she: "Maganda lang ang pagkaka-record ng tawag.."
he:  "Bakit mo ni-record?"
she: "Hello? 3 years? E, kung malimutan mo? At least may pangreklamo!"
he: "Hahaha! Sigurista! Bangon na ang bigat ng binti mo.."
she: "Makareklamo.. Hindi mo nga mabitawan kagabi!"
he: "Haha! Anong breakfast gusto mo?"

-end

2 comment/s:

Anonymous said...

LDR na nagwork... cant believe it...

-butter

Amphie said...

Posible naman :D

Post a Comment