Teenage Cappuccino - 20


TEENAGE CAPPUCCINO - Field Trip of Love (Chapter 20)


"Bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao"  -Bob Ong



Ngayon sabihin mo sa akin.. Maituturing mo bang "tunay" na manunulat ang isang writer, kung hindi sya gumagamit ng lapis o bolpen? Ano ba ang pasikot sikot sa loob ng kapirasong laman na binubuo ng 40% na gray matter, 60% na white matter, na may sangkap ng neurons at glial cells? May nakausap ako nitong huli. Mula sa sigarilyo, nauwi ang usapan namin sa libro. Pangahas nyang nilapastangan ang bagay na wala naman syang kaalam alam. Sinabi kong tamad akong magbasa, pero kung may ranggo daw ang mga "tamad magbasa", sigurado general daw sya. Wala daw matinong manunulat sa mundo, karamihan dito may sakit sa utak, at kung hindi daw kalandian ay kahanginan lang daw ang produkto ng pag-iisip nila.

Tinapos ko ang usapan nung sinabi kong "uwian na yata?"

Kahit kapirasong inis hindi ako nakaramdam nung mga sandaling yun. Pananaw nya yun sa buhay, at yun lang yata ang kayang i-produce ng laman nyang hitik sa helium. Kung sasabihin ko man sa kanyang pilay lang, at pagod ang produkto ng basketball, eh baka isumpa nya lang buong lahi ko. Binuklat ko ulit ang librong may cover ng mga nakahanay na bolpen, at lapis para kumpirmahin. Ngunit wala dun ang sagot, kahit doon ko pa nakuha ang ideya. Pero nalaman kong malaki pala talaga ang pinagkaiba ng "nagsusulat" at "naglilibang". Ayoko nang makipagpalit ng opinyon sa sarili. Makipagtuyuan man ako ng utak, at ubusin lahat ng natutunan sa eskwelahan sa huli sarili ko pa ding pananaw ang papanigan ko. Sinong niloko ko?

Manunulat nga bang maituturing ang taong nagta-type sa cp, habang nakaupo sa inodoro?

Walang bolpen..

Walang lapis..

Walang papel..

...

Kapag "A" ang start, yun ang unang vowel na pwede mong isama sa sunod na consonant para mabasa..

Kahit yata ang pinagsamang pwersa ng Ninja Turtles (Leo, Mike, Raph, at Donna Bartolome) ay hinding hindi nila kayang ipinta ang mukha ko sa mga sandaling ito. Ang paglingon ng ulo ko sa kanan, ay parang magbibigay sakin ng matinding lagnat, at trangkaso. Para ding mararamdaman kong sasabog ang ugat-ugat sa sintido ko sa sobrang inis. Mataas ang expectation ko na matutupad ang dasal ko, pero nag-pass ang taong nasa itaas.

Isipin mo two seated chairs, dalawa sa kanan at dalawa sa kaliwa. Yung center isle bakante para daanan ng mga taong papasok at lalabas. Aircon, at mataas ang mga bintana. Yung tuhod mo hindi mo pwedeng iunat dahil sigurado kapag na-tripan ng drayber na biglang magbreak, for sure mapapamura ka dahil tatama ang alulod mo sa harapang upuan.

Bus..

Pero hindi yun ang kinababadtrip ko. Ang totoo ay hindi ko lubos maisip kung bakit sa dami ng makakatabi kong estudyante sa loob ng bus, ay walang iba kundi si Raymond. Masama ang loob ko sa teacher kong hindi sumunod sa pamosong alphabetical arrangement. Dapat sana si Sophia ang katabi ko, dahil parehas lamang ang aming last name.

Anong meron? Bakit kami nasa bus? At bakit dapat sana ay katabi ko si Sophia?

...
....

Kahit anong pilit naming pagpigil sa panahon, ay hinding hindi pala kami hihintayin ng oras. Ginto ito, at dehins kukupas para lang sa amin..

Mabilis lang na lumipas ang limang buwan. Parang isang kisapmata lang ay binaliktad agad ang glass hour ng dalawang daang ulit. Masyadong nakakagulat, at nakakabigla. Parang first impression ko nung nilabas ng GMA yung commercial ng "Wag kang kukurap" kung saan bigla kong malilipat ang channel, o di kaya automatic magwo-walk out ako sa harap ng telebisyon.

Sobrang excited ang lahat nung biglang ma-tripan ng eskwelahan naming mangolekta ng pera, para sa "field trip". Oo! Field trip! Kapag babanggitin mo sya, dapat labas lahat ng ngipin mo sa sobrang saya, dahil sa loob ng sampung buwan ay magkakaroon kayo ng isang araw para makaiwas sa pagkain na binebenta sa canteen.

-----------

"Psstt!"

"..."

"Pssstt! Robert!"

"...."

"PSSSTTT!!!!"

Pinilit kong lingunin si Richard na nasa likuran ko, kahit pa yamot ako at tila galit sa mundo ay nagawa nya pa ding mangulit.

"Oh?"

"Nasaan si Sophia?"

Hindi ako sumagot, bagkus ay sinenyas lang ang pwesto ni Sophia. Nasa left side ang mga babae, at sa kanan ang mga lalaki. Akala mo mga kinder lang ang estudyante kung mag-isip ng arrangement ang adviser namin(Nagbalik na pala sya mula sa ospital, natuwa kami nung una dahil namiss din namin sya. Pero kalaunan naumay din kami) Okei na sana kung kalinya ko man lang si Sophia, kaso badtrip dahil nasa pangalawang row sya harapan, at kahit anino ay ipinagkait pa sa akin.

"San ba unang pupuntahan natin brad-pit?" pangungulit ulit ni Richard na naka-pwesto naman sa likuran ko lang.

"Hindi ko alam, wala pa namang itinerary eh.."

Parang first time nya lang makasama sa field trip, para kasing bata na nasobrahan sa purga ang loko. Kahit pa tignan na sya ng masama ng tour guide naming abala sa pagdedescribe ng alamat ng puno ng mangga, kasaysayan ng EDSA, kung san ba daw galing ang salitang "sari-sari store", at love life ni Vic Sotto at Alex Dixon, isama mo na din ang urban legend ni Pepsi Paloma kung saan nadawit din ang pangalan ni Bossing.

Tanda ko pa noong last year ay hindi ako sumama, dahil stress ako nung second year field trip namin. Bakit? Muntikan ko lang namang makabisado lahat ng pangalan ng santo, dahil halos lahat yata ng pinuntahan namin ay bahay ng diyos. Dagdag mo pa yung baduy naming tour guide noon, na halos kabisado yata ang old at new testament, at hindi ko alam kung saan nga ba na-arkila ng adviser namin. Pakiramdam ko'y luging lugi ang limang daang piso ko nung panahong yun, nagmukha kasing kursilyo ang field trip. Pero lubos ang panghihinayang ko nung nabalitaan kong Enchanted Kingdom pala ang destinasyon nila noong third year. Hindi ko maintindihan kung tumiwalag naba sa samahang magliligtas ng kaluluwa ang principal namin, o nagising nalang sya sa katotohanang lahat ng estudyante sa eskwelahan ay sa school lang nya pwedeng mapasunod. Hindi ko na siguro iku-kwento nung first year dahil kung may lalagpas pa sa salitang "boring" ay yun na yun. Isipin mo SOBRANG bored, Baka tumanda lang hitsura mo sa pagbabasa nito, at mapahikab.

Tanda mo pa ba yung eargasmic sound ng intro ng PS1? ganun yung message tone ng cp ko. Nagulat ako sa txtmsg, malaki ang paghahangad kong si Sophia ngunit hindi. Walang iba kundi si Agnes..

"How's the trip?"

"Ito, medyo bored. kayo dyan?"

Sa hindi maipaliwag din na dahilan, o tinamad nang mag-isip ang organizer ng fieldtrip na 'to ay pinagsama sama nila ang junior at senior year. Sounds exciting hindi ba? Pero syempre hiwalay ng auto, pero same destination lang din.

"Excited ako sa unang stop over :)"

"Ako din! Teka, magkikita kaya tayo?"

"Siguro oo naman, isang lugar lang naman ang pupuntahan"

"Tama, happy trip dyan sa inyo!"

Maya maya pa ay inabot na ng alagad ng tour guide yung mga itenirary, ganda nung last destination namin! pakiramdam ko tuloy eh tumaas ang adrenaline rush ko nung mabasa ko ang nakabold letters na "SWIMMING". Kapag naman talaga tinamaan ng pagka haytek ang swerte! SWIMMING! inulit ko pang basahin baka nagkamali lang ako, o guni-guni ko lang. Pero isa lang ang problema ko, wala akong dalang brief na pwedeng pamalit! badtrip!

swimming..

swimming..

su-wi-MING!


"Robert!!!"


Wooosshh! Parang biglang bumagyo sa loob ng bus! Nagkaroon ng tsunami, Umulan ng bolang apoy, Nahati ang lupa, at umakyat na naman ang dragon sa ilalim ng nag-aapoy na lupa. Humarap sya sa akin at bumuga ng maitim na usok. Sa titig nyang sobrang talim, siguradong mapupunit ang pagkatao ko. Agad akong tumayo sa pagkapahiya, ginala ang aking mata sa paligid. Lahat ng mata'y nakatingin sa akin. Ang buong atensyon ay sakin nakatuon. Yun ang magagawa ng makapangyarihang lion's roar ng aking adviser.

Lahat ng estudyante nagtawanan. Kanina pa pala ako tinatawag ni Ms. Ramirez, para sa isang maikling dasal. Lahat sila'y nakatayo na, at ako nalang pala talaga ang naiwang nakaupo habang nakatitig sa binigay na itenirary. Masyado kasi akong nabato-balani sa nabasa kong "SWIMMING", yan tuloy nalunod ang pagkatao ko sa kahihiyan.

"Okei class, let's pray.." malumanay na ang boses nya.

Napakamot ulo nalang ako, walang anu ano'y biglang nagkrus ang mga mata namin ni Sophia. Natatawa sya sa akin, at panay ang ngiti. Ramdam kong gusto nyang sabihing "Ikaw kasi eh!". Napangiti lang ako, at nagkibit balikat. Nung matapos ang maikling dasal, tska palang ako nakahinga ng maluwang. Normal na ang daloy ng dugo sa katawan ko, ganun din ang takbo ng hangin sa baga ko.

..
...
....

Girl 1:  "Ang pangit ng unang stop over naman!"

Girl 2:  "Hay naku! Oo! Ilang beses ko nang nakita yan!"

Girl 1:  "Nakapunta ka na dyan?"

Girl 2:  "Hindi! Nakita ko lang sa google!"

Girl 1:  "Hala! Meron pala dun?!"

Girl 2:  "Oo naman girl! Try mo din sa wacky-pedia!"


Dinig ko ang reklamo ng dalawa kong kaklaseng babae na ka-row ko lang sa upuan. Walang anu-ano'y tinignan ko agad ang binigay na itenerary sa amin. At anak ng genius na unggoy naman talaga! Akala ko talaga nakaligtas na ko sa amoy ng porcelain o ivory na kadalasang ginagamit sa paggawa ng mga imahe ni Mama Mary, Joseph, Jesus, Sanggol na Jesus, Mga Tupa, Kambing, Baka, Camel, Dayami, Kubo, Star, Parol, Tungkod, at nung tatlong hari na sila Tito, Vic, at Joey. Hanggang sa makumpleto na ang senaryo ng pagsilang kay Kristo. Tumpak! Walang iba kundi simbahan!

Sa puntong yun wala na kong magagawa. Nakaupo na ko, at nakatali na sa utak ng teacher ko, na hinding hindi sya susuko hangga't hindi namin nalalaman kung anung meron sa Peter 4:10. Ang labo talaga, buti nalang may Sophia na nagsisilbing eye-mo sa tuwing mapupuwing ako sa pagtingin sa takbo ng mundo.

Buti na lang..

"Robert! Psst!"

Kaihit na malakas ang tsismisan ng tour guide, at mga matatanong kong kaklase ay nagawa ko pa ding marinig ang tawag ni Sophia mula sa unahan. Napansin kong nakipagpalit sya ng pwesto sa babaeng katabi nya kanina(Nasa tabi kasi sya kanina ng bintana), na ngayon ay nasa bungad na sya. Madalas ko na syang makikita sa mahaba-habang byahe.

"Oh?" mahina kong sagot.

Hindi sya sumagot, bagkus ay sumenyas lang kung okei lang ba ako. Sumenyas lang sya ng aprub! Walastik! Para talagang bata si Sophia paminsan minsa, pero cool! Kasing cool lang ng walk in chiller ng Jollibee. Nilibang ko nalang ang sarili sa mga nakikita sa paligid. Malayo layo ang unang byahe, bagamat nandun ang excitement, ay hindi maipagkakaila ang tunay na dahilan kung bakit talaga ako nandito. At mas excited ako sa bagay na yun. Syempre yung makasama sya! Wala talagang tatalo sa pakiramdam na first time mong maging tunay na tao. First time mong tawaging isang tunay na lalaki. Nillibang ko nalang ang sarili sa mga nakikita sa paligid. Makaiwas lang sa umay na mukha ni Raymond sa tabi ko, at nang adviser naming busy sa kaka-tweet sa cellphone nya.

--------------

Ano nga ba pakiramdam ng "first time"? Katulad ba nito yung unang beses mong makagamit ng teleponong may camera? Kahit na wala naman talagang espesyal dito. Naging portable lang ang isang gadget dahil instant may camera kana, may telepono kapa. 2 in 1! Ngunit hindi ko ito tinuturing na goal, at dinidikit sa salitang first time. Dahil ang totoo, pera lang naman kailangan mo para magkaroon ka ng teleponong may camera. Wala kang skill na kailangang i-enhance, wala kang audience na papalakpak sayo, wala! walang kahirap hirap! Iba ang ibig sabihin sakin ng salitang "first time", Mas ikinatutuwa ko kung meron akong bagay na nagawa, na sa buong buhay ko ay ngayon ko lang talaga nagawa. Tulad nang?

Mababaw lang ang kasiyahan ng taong tambay na may baong kwento, na pwedeng ibulong sa isa pang tambay habang sabay sila sa pag-puff ng pinitik na sigarilyo sa kalsada. Mission statement ko dati ang makapagluto ng perfect na ADOBO! Ano nga ba yung perpektong adobo para sa akin? Yung lutang sa mantika, at nanuot sa karne ang toyo. Nakailang ulit ako nakatikim ng dagok sa mumunting misyon ko sa buhay, may nagsasabing mapait, merong maalat, kadalasan speechless. Siguro yun yung mga kaibigan kong tunay, na ayaw nalang akong sumama ang loob, at sa huli ay yayayain nalang akong maglasing.

Adobo..

Ilang beses ko na yatang nakwento ang alamat ng adobo. Mas masarap sa pangatlong init! Tapos! Lumutang na sa mantika, nanuot na ang toyo sa karne, at saktong sakto lang ang tamis, asim, at alat. Perpektong adobo! Pero tulad ng sabi ng matatanda, nakakatamad daw kainin ang sariling luto. Totoo yun! Nakakatamad talagang makinig sa sarili mong kwento.

Binuksan ko ulit ang cooking book na nakita kong pakalat kalat lang sa bahay namin. Merong iba't ibang luto, kakaibang teknik, at mga mouth watering na pictures. Natapos ang misyon ko sa adobo. Pero hindi naging dahilan yun para magsawa ang kamay ko sa pagluluto. Bagkus naging inspirasyon pa sakin yun para sumubok ng iba't ibang klaseng luto. Buklat sa unang pahina.. Nandyan ang..

Chicken Curry Masala

Fish Kaldereta

Ginataang Tambakol

Sizzling Laing

Steam Crab

Shredded Tinapa

Mutton Biriyani

Sinigang na Bangus

Menudo ala cart

Deep Fry Embutido

at

Cappuccino

Blangko.. Itim na kapag tumitig ka, Pula naman kapag pumitik. Block! Block! Block! Block! BLACK!

..
...
....

Madilim ang paligid na binabalutan ng kakaibang ihip ng hangin. Pakiramdam ko'y may malamig na kamay na nanggaling sa likuran, at biglang tumakip sa mga bibig ko. Hindi ko magawang lumingon dala ng matinding takot, at pangamba na baka sa paglingon ko ay nasa gilid na ako ng malalim na balon. Nanatili ako sa pwestong hindi kumportable. Malapot at malamig ang likidong lumalabas sa katawan ko, nangangatog ang mga tuhod, at balisa ang mga kamay na parang nakakandado sa kadenang walang susian.

Huminga ako ng malalim, para lokohin ang sarili. Sinabi ko sa utak kong ayos lang, kahit pa nagkakandarapa ang puso ko sa pagtibok. Lima hanggang sampung segundo ng katahimikan. Umihip muli ang hangin.. Isa hanggang tatlong segundo na parang isang dekada, nung bumitaw ang mga kamay na kanina pa nakatakip sa mga bibig ko. Nagawa kong sumigaw at humingi ng saklolo, pero binigo ako ng sariling takot, dahilan para kumanta ang isang pipe.

"Robert.."

Tinatawag na ko ng isang babaeng boses. Nakakagimbal ang dagundong nito deretso sa tenga ko. Pakiramdam ko'y nawalan na ako ng lakas.

"Robert.. Robert.."

Pabilis ng pabilis ang pagtawag nya sa pangalan ko. Lalo pang dumilim ang paligid. Naghalo na ang abo at itim sa lugar kung saan takot, at pangamba nalang ang emosyong ng tao. Napapaluha na ako sa pag-aakalang tuluyan nang malalaglag ang aking mga paa sa gilid ng malalim at mapanganib na bangin.

"Robert!"

Ramdam ko nang nakatapat na ang bibig nya sa tenga ko. Lalong lumamig ang paligid nang tuluyan na syang yumakap sa akin. Kung bibigyan ako ng pagkakataon gusto kong humingi ng tawad sa kanya, kung meron man akong nagawang kasalanan. Pero mukhang huli na ang lahat..

"Robert.."

..
...
....

Pumikit ako. Ngunit sa biglang iglap ay lumiwanag ang paligid. Nawala ang nakaka-kilabot na lamig, at tuluyang namagitan ang nakakabuhay na init. Dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata. Sa sobrang liwanag ay hindi ko pa makita kung sino ang kaharap ko. Dahan dahan.. Konting pilit..

Isang babae na hindi ko maaninag ang mukha, pero pakiwari ko'y nakangiti sya sa akin. Iwinawagayway ang kanyang kamay na parang nagpapa-alam. Mabilis kong inangat ang aking mga kamay ngunit sa tuwing nilalapit ko ito, ay sya namang mabilis na pag-atras nya. Naihakbang ko na din ang aking mga paa, pero mas mabilis syang naglaho kesa sa inaasahan ko.

"Mahal kita.."

"Mahal na mahal.."

Ang huli nyang sinabi na talagang nag-echo sa maaliwalas na paligid, na kanina lang ay binalot ng matinding kadiliman. Sumilip ang sinag ng araw, na kanina pa pilit kinukubli ng mapangahas na kadiliman. Nagbagsakan ang mumunting iyak ng langit sa paligid. Naramdaman kong dumadapo na ito sa aking pisngi. Palaki ng palaki ang mga patak ng ulan, dahilan para tuluyang mabasa ang lupang tinatapakan ko. Kumulog ng malakas sa gitna ng kakasilay lang na araw, at may nagbuhos..

nagbuhos..

May siraulong nagbuhos ng tubis sa mukha ko!

!@#$^!*&!?


Napabalikwas ako sa pagkagulat. Mula sa kinauupuan tumama ang ulo ko sa compartment ng sinasakyan naming bus, dahilan para mapaupo ulit ako. Medyo blurred pa ang aking paningin sa nagdaang isang minuto, at nung makabalik sa tunay na sarili nakita ko si Richard na nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang?!" garalgal ang kanyang boses, habang hawak ang isang bote ng mineral water na wala nang laman.

Wala akong naisagot, medyo shock pa ako dahil sa tubig na pumasok sa loob ng ilong ko. Tumingin ako sa paligid, wala nang mga estudyante.

"Richard! Richard! Wala akong makitang medic, pero nakausap ko na si---"

Napahinto sa pagsasalita si Sophia na kakapasok lang sa loob ng bus. Todo ang kanyang hingal na mukhang kagagaling lang sa takbuhan. Nagtama ang aming mga mata. Agad syang tumakbo sa kinauupuan ko. Ako namang speechless at tila hindi alam ang nangyayari. Ngunit hindi tulad ng isang eksena sa koreanovela na yayakapin ng babae ang lalaki o ng lalaki ang babae, para amuyin at kilatisin kung anu bang gamit na pabango ng bawat isa. Bagkus isang malakas na batok ang sumalubong sa akin.

"Araayyyy!!" Napakamot talaga ako sa ulo ko. Doon palang ako nagkaroon ng malay sa sarili.

"Alam mo ba ginagawa mo?!" mataas ang kanyang boses.

Napabuntong hininga si Richard sa kabilang banda, at naupo.

"Bakit?!"

"Anong bakit? Alam mo bang kanina pa kami natataranta ni Richard, dahil hindi ka magising sa pagkakabangungot mo!"

"Ako? Binangungot?!" tumingin ulit ako sa paligid, sinigurong walang hidden cam at baklang direktor na sisisgaw ng "Marvelous!".

Wala na ang mga estudyante sa loob ng bus, tumingin ako sa bintana at doon ko lang nalaman na nakahinto pala ang bus namin sa first destination ng lakbay-aral na 'to. Hindi na napigilan ni Sophia ang sarili, napaupo na lang sya sa harap ko na parang bata. Nakasimangot ang mukha.
Tumayo naman si Richard at sumenyas lang sa akin na bababa na daw sya. Tumango lang ako, at hindi pa din alam ang gagawin.

Tahimik na sa loob, at dalawang tao nalang ang naiwang walang kibo sa isa't isa. Doon ko palang naramdaman ang paghahabol ng hininga, tska palang bumabalik sakin ang ala-ala nung natutulog lang ako kanina.

"Mahal kita.. Mahal na mahal.." bigkas ko ng malinaw.

Napatungo sakin si Sophia, na kanina lang ay nakayuko.

"Ano?"

"Mahal na mahal.. Yun ang sabi ng babae sa panaginip ko.." paliwanag ko.

Sa puntong yun tumayo na sya, at tumabi sa akin. Halata sa mukha ang pag-aasam na marinig ang aking kwento.

"Nakilala mo ba kung sino?"

"Hindi eh, medyo malabo na ang lahat.."

"Pero-- pamilyar ang boses nya.." dugtong ko pa.

"Nasaan na sila?" tanong ko para mawala ang kakaibang klima sa loob ng bus.

*sigh* "Nandun na sa loob ng simbahan.."

"Tara na? Baba na tayo?" tanong ko.

Tumayo ako, at iniayos ang mga gamit ko. Nag-ayos din ng nagusot na buhok, at namamagang mukha na galing sa pagkatulog. Hahakbang na sana ako sa pag-aakalang susunod si Sophia. Ngunit mabilis nyang pinigilan ang aking braso.

"Dito ka lang.."

"Huh? Ayaw mo pa bang bumaba? Baka hinaha--"

"Dito ka lang Robert.."

Hindi ko nang nagawa pang tapusin ang huling sinabi ko. Pansin sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Muli akong naupo sa tabi nya, handa akong alalayan sya kung meron man syang gustong iparating sa akin.

"Hindi ko alam ang gagawin ko Robert, nung mga oras na kailangan mo tulong ko.." mahina nyang sabi.

"...."

"Doon ko lang nalaman na hindi ko palang kayang gawin ang mga bagay nakikita kong kaya mong gawin para sa akin.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong. Hindi ko alam.. Wala akong magawa.."

Hinawakan ko ang kanyang kamay, nadama ko ang pangangatog nito. Sa puntong yun lalo ko pang hinigpitan ang paghawak, maipadama lang sa kanyang ayos lang ang lahat.

"Ano ka ba? Ayos lang yun! Hindi naman siguro mabilis mamatay ang masamang damo!" pabiro ko pang sagot, pero wala syang reaksyon. Hindi umobra ang punch line ko sa nanghihina nyang damdamin.

"Sira ka.. Paano kung natuluyan ka.." sagot nya.

"Malabo naman yatang mangyari yun.. Alam kong nariyan ka naman"

Bahagyang kumunot lang ang kanyang noo. Humarap ako sa kanya at ngumiti. Inilapat ang aking kaliwang kamay sa kanyang ulo.

"Kung mangyari man yun, masaya pa din ako Sophia."

"Masaya?! Nasisiraan ka na talaga!"

"Hahaha! Atleast nalaman kong pinilit mong gawin ang lahat ng bagay para mailigtas ako"

"Yun nga eh! Wala akong nagawa!"

"Hindi na importante yun! Ayos nang nalaman kong nag-alala ka sakin.."

"Ewan ko sayo! Bagay ka talaga sa club nyo! Puro weird!"

"Ahahaha! Bagay ka din talaga sa cooking class nyo! Puro hyper!"

Natawa sya sa huli kong sinabi, bahagya nyang inalis ang kamay ko na nasa ulo nya. Tumayo sya at pinunasan ang kapirasong luha na kanina pa nangingilid sa kanyang mumunting mga mata. Ngumit sya pabalik sa akin. Tumayo na din ako at umakmang bitbitin ang aking mga gamit.

"Tara na!" anyaya nya na masigla na ang boses.

Sabay naming nilisan ang bus, na syang naging pipeng saksi sa maikli naming pag-uusap. Maaliwalas na ang mukha ni Sophia nung naglakad na kami papasok ng simbahan. Dinig na dinig ko ang mga boses ng estudyante na masyang nag-i-stroll sa loob. May mga pasaway na nagkukulitan, at Nagdadaldalan lang. Sigurado ako meron ding nag-pipiktyuran. Typical na trip sa buhay ng isang mag-arral sa sekondarya. Hawak pa din ang kamay ni Sophia, ako naman ang huminto bago pa man kami makapasok.

"Bakit?"

Inisip ko na sayang naman ang moments kung hindi ko man lang magawang sulitin ito. Walang reaksyon, walang diskusyon, at wala ding arte arte. Mabilis kong hinalikan sya sa pisngi. Smack! Solve na solve!

Ngunit sa mabilis na paghalik ko sa kanya, kasabay pala nuon ang mabilis na pagbukas ng napakalaking pinto ng simbahan. Tumambad sa harap namin ang papalabas nang mga estudyante na galing sa iba't ibang section. Kasama na din ang buong tropa ng Yellowbell!

Lahat nakatingin sa amin.

Lahat hindi kumurap.

Lahat halata sa mukha ang pagtataka.

Namula si Sophia, at napayuko naman ako. Ngayon ko hinihiling na merong baklang direktor na sisigaw ng CUT! at hindi MARVELOUS!!

Teenage Cappuccino - 19

TEENAGE CAPPUCCINO - Flashback (Chapter 19)


Ang pagkakaroon ng heartbreak, ay kasing katulad ng na-corrupt na pc. Palaging last option ang reformat para maka move sa mga nasayang na files. Pero pagdating kay Sophia, hindi bale nang mabura lahat ng porn collection ko sa hard disk, importane na enjoy ko sya.. Hindi ko lang talaga alam kung makakapag move on ako.

Sugal..

Isang sugal ngang maituturing.. Ang sugal ko kay Sophia, ay tila isang maganda, at makulay na bahaghari, matapos ang pahirapan na pagtatapat, ay masasaksihan mo ang kagandahan nito. Ang masaklap lang hindi permanente ang bahaghari, darating ang oras na maglalaho lang ito. Kaya sa panahon na nakikita pa sya ng mga mata mo, isa nalang ang dapat mong gawin.. Walang iba kundi sulitin.

Bumulong ang hangin, binulong ang pangalan ko..

"Robert.."

Nagulat na lang ako nung bigla nalang na cast ko ang huling rune na tatalo sa two-headed beast, sa final boss ng suikoden 2..

"Robert.."

Namulat na lang ang mata ko, nang mabasa kong nasa centerfold na pala ng isang sikat na magazine yung Kimi ni Todoke, pero wala pa ding season 3..

"Robert.."

Nabigla nalang ang puso ko nung malaman kong yung anghel na naglakad papasok ng klase namin noon, ay syang girlfriend ko ngayon..

"Robert.."

Bumulong ulit ang hangin, ngunit sa sandaling ito naiiba ang dating dahil may tono..

--------------------------

Habang feeling abala sa pagbabasa ng Eraserheads "Tikman ang langit" Anthology, sa isang local bookstore sa isang mall. Salubong ang aking dalawang balikat sabay sa aking kilay. Pinipilit kong maging seryoso sa pagbabasa, para lang makaubos ng oras sa paghihintay. Bahagya akong tumingin sa relos na naka display sa bookstore. Mag iisang oras na din pala akong tambay dito, kaya naman pala kanina pa ang tingin sa akin ng isang sales lady. Dehins ko lang alam kung type nya ko, or gusto nya na kong paalisin dahil mukhang nabasa ko na lahat ng libro sa pinoy-fiction section.

Ano nga bang hinihintay ko?

Halos isang linggo din ang nakalipas nung napagdesisyon namin ni Sophia na mag-date(hindi yung typical naming ginagawa, kasi ngayon for real na talaga!). Usapan namin alas tres ng hapon, pero pakiramdam ko'y halos isang taon na kong na-stock sa bookshelves na 'to, tulad ng isang libro na nalugi sa first in, first out..

"Nasaan ka naba?" bulong ko sa sarili.

"Sino po kuya?"

Nabigla ako nang sumagot ang isang batang babae na nasa gilid ko, at nagbabasa din. Sa tingin ko ang edad nya ay naglalaro sa walo hanggang sampung taon. Hindi ko sya pinansin, bagkus random akong humila ng libro ulit sa shelves. Pero napunit lalo ang mukha ko ng isang foreign magazine ang nadampot ko. Halata namang naligaw lang ang isang 'to, pero binuksan ko pa din at nagsimulang magbasa(kunyari).

"Kuya, ano po yang binabasa mo?" pangungulit pa ulit ng batang babae.

"Coloring booook poooohh!" sagot ko.

"Eh bakit may sexy sa likod?"

Mabilis kong tinignan ang likuran ng magazine, hindi nga nagkamali ang bata. Imahe ng isang babaeng model na binibida ang isang sikat na pabango, na kapag ginamit mo kahit hindi ka maligo ng isang linggo ay mag-aamoy artista ka ng isang taon. In-short pangmayamang pabango!

In-snob ko lang ang bata kahit pa pilit kong tinatago ang aking ngiti sa kanya, baka kasi lalo nya pa akong kulitin kapag nakipagbiruan ako sa kanya. Iniiwas ko din ang aking mata, para mapansin nyang hindi ako interesadong makipag usap sa kanya.

..
...
....

Maya maya pa agad na nag-ring ang cellphone ko. Mabilis ko itong binunot, ngunit agad na sinagot.. Bakit? Dahil parang lahat halos ng tao sa loob ay nakatingin sa akin. Para bang naistorbo ko sila sa kanilang pagbabasa, medyo tahimik din kasi ang ambience sa loob, dahilan para agad nila akong mapansin. Pero wala silang magagawa.. Si Sophia ang caller, at hindi naman ito library. Pasensyahan na lang..

"Hello?"

"Nasaan ka-na?" sagot nya na napuputol putol pa, at parang mali yata na sya ang magtanong ng ganyan.

"Nandito sa--" sabay banggit ng pangalan ng bookstore.

"Sorry ha! Pero male-late pa yata ako ng 15 minutes.."

"Teka, nasaan ka naba?"

"Nasa byahe na po.."

"SHHHHHH!!!" sita ng makulit na bata, sinenyasan ko lang sya na wag sumagot.

"Sige, dito lang ako! Tawag ka kapag malapit kana! Ingat!"

"Oks, ba-bye!" kasunod ang beep-beep-beep, palatandaan na naputol na ang linya.

Nakalimutan ko yatang tanungin kung bakit ba sya late, pero hindi bale na! iisipin ko na lang na maaga nalang ako dumating. Walang ibang choice kundi maghintay. Hawak pa din ang magazine kong nahablot, ay sumalampak na ko sa sahig at sumandal ng bahagya sa bookshelves. Tinignan ko ang front cover ng hawak kong magazine, si Apl De Ap ang nakaposing.

..
...
....

Sinabi ni Anna Quindlin na isang paraan para maiwasan ang writer's block, ay wag pahirapan ang sarili. Para mas klaro.. Don't be too hard on yourself. “People have writer’s block not because they can’t write, but because they despair of writing eloquently.” Merong tamang oras at panahon sa paghuhusga, dito pumapasok ang editing.

"Kuya, sino hinihintay mo?"

Buong akala ko ay umalis na ang batang babae na kanina pa nangungulit sa akin, pero heto na naman sya at biglang sumulpot sa harap ko. Wala na kong nagawa kundi makipagtalastasan na din sa kanya, bunga na din ng pagkaboring sa paghihintay..

"Gerlpren ko po!"

"Gerlpren? Yun ba yung syota?"

Bumagsak ang aking ulo sa sagot nya, at bahagyang natawa. Ibang klase mga bata ngayon, alam na ang tambay term ng magkasintahan.

"Opoooo" sagot ko.

"Umalis ba sya? Kelan sya babalik?" sunod sunod na tanong nya.

Napatingin ako sa kanya, batid sa hitsura nya na mas apektado pa sya kesa sa saking paghihintay. Sinenyasan ko sya na maupo sa tabi ko, at ikukwento ko sa kanya.

"Mag-de-date kasi kami ngayon, dito kami magkikita kaya dito ko sya hinihintay.." paliwanag ko, kahit hindi ako sigurado kung maiintindihan nya.

"Ako din hinihintay ko si mommy, dito nya ko iniiwan kay tita kapag magbabayad sya ng utang" sabay turo sa sales lady na nakatingin sa akin kanina pa.

"Ano pong name nya?"

"Sophia.."

"So-pi-ya? Parang matanda!' sagot nang bata habang nagtataka ang mukha.

"Hahaha! Ikaw anong pangalan mo?"

"Pilita po!" hindi ko alam kung tatawa ako ng malakas, dahil pang mas matanda ang pangalan nya.

"Ano? Chabelita?" pabiro kong sabi.

"Pilita po! PI-LI-TA!"

"Chabelita nalang, mas bagay sayo! Yun na lang tawag ko sayo okei?"

Ngumisi lang ang bata, at pangiti ngiting nakatingin sa akin. Minsan mas maganda pa palang kausap ang bata kesa sa matatanda. Sa matanda makikipagtalo kapa, hindi tulad ng bata na palagi kang tama.

"Saan kayo nagkita?" tanong nya pa habang walang tigil na pinaglalaruan ang kanyang hinlalaki sa kanang paa.

Hindi ko alam kung tama ba ang tanong nya, pero alam ko na ang tinutumbok nya ay..

"Paano kayo nagkakilala?"

..
...
....

Kulang nalang ay tuluyang masunog ang kilay ko sa pagre-review, para lang makapagpasikat sa unang exam sa panglimang araw ko sa ika-apat na taon sa buhay hayskul. Ni hindi sumagi sa isip ko na sa yugtong yun, ay tuluyang magbabago ang nakagawiang routine sa nakaraang tatlong taon. Minsan lang aapak sa buhay ang swerte.. Hindi ito jackpot sa lotto, raffle sa mall, pabingo ng baranggay, palabunutan ng sisiw at itik, at kung anu ano pang first requirements ang pera. Bagkus isang on-the-spot jackpot ang pagpasok ni Sophia sa klase namin, nung araw na yun.

Sa mahaba nyang buhok na jet black ang pagkatingkad, may stiff neck nalang ang hindi mapapa-head turn kapag nakita syang naglalakad sa hallway ng eskwelahan. Badtrip nga lang, dahil may pagka astig at sobrang taray nya. Sa tulad kong walang alam na lay sa larong pusoy, ay paano nya ako mapapansin?

"Wala akong balak makipag-boyfriend!"

Muntikan na kong malunod sa nag-uumapaw nyang self confidence, matapos nyang ihayag ang kanyang first statement o sabihin na nating first rule nya. Pero hindi naging hadlang yun para mawalan ako ng pag-asa..

"Teenage Cappuccino.."

Yan yung title ng nobelang binabasa mo ngayon.. Sa totoo lang ang layo ng adolescence sa isang tasang kape! Parang mantika lang at tubig yan eh! Russia at America, North and South Korea, na sobrang imposibleng magtugma. Pero ang buhay ay laging may turning point, ang ending nangyari ang imposible!

Standard ang 3 teaspoon sa paggawa ng cappuccino, para magmukha itong caramel habang hinahalo.. gago lang ang nag-isip na pwedeng ipamalit ang asin sa asukal..

"Ako yun!"

Ako yung siraulong naglagay ng asin sa kape, ang resulta? walang iba kundi swerte!

----------------------------

Hindi lahat ng xmas light kumukutitap, merong supot, meron ding busted, kadalasan sira. Kung sa divisoria ka bibili, siguruhin lang na may insurance ang bahay nyo, o kaya nakasangla na sa kapitbahay ang titulo. Para kung sakaling ang nabili nyong xmas light ay may package pala ng fireworks, ay makakaligtas ka sa pagpapagawa, at may pangpiyansa ka kung sakaling may madisgrasya mo ang katabing bahay at ang alaga nilang manok. Hindi talaga lahat ng xmas light kumukutitap, napatunayan ko ito nung kasunod pala ng swerte ay sunod sunod din kamalasan.

"Hindi ka ba hinahanap ng mommy mo?" tanong ko kay Chabelita.

"Hindi pooo!"

"Saan ba sya nagpunta? ano bang utang binayaran nya?"

"Yung sa bangko, yung pinangbili ng bahay namin!"

"Ahhh.. Hindi kaba naiinip kakahintay?"

"Ano po yung naiinip?" tanong ni Chabelita.

"Yung naghihintay ka, pero ang tagal dumating" paliwanag ko.

"Ahh.. yun po ba yung BORED?"

Jesus, Mary, Joseph! Witty si Chabelita! ayaw nya ng inip, gusto nya bored. Tingin ko mas nanonood sya ng nickelodeon, kesa going bulilit. Hindi ko na alam ang susunod kong itatanong sa kanya. Napatingin na lamang ulit ako sa relos at napansing malapit nang matapos ang kinse minutos. Tumayo na si Chabelita sa pagkakaupo, halatang nangawit na sya sa kakalaro ng kanyang hinlalaki sa kanang paa. Pero mali pala ako, nag-inat lang sya at umupo naman sa kabilang side ko.

"Wala pa din po sya?"

"Sino?"

"Yung girlfriend mong matanda ang name" natatawa nyang sabi.

"Wala pa eh! Nabo-BORED na nga ako eh!"

"Hihihi!"

"Samahan na lang kita maghintay kuya--"

"Robert! Kuya Robert name ko.."

..
...
....

Sa isang linggo, limang araw lang ang pasok sa eskwela. Pitong oras na pag-aaral, kalahating oras na pagkain, at kalahating oras na pagpila sa canteen. Nagsilbing isang buwan ang isang araw ko sa loob ng eskwelahan, dahil mukhang puputi lahat ng buhok ko sa kunsumisyon sa "troublesome girl" na si Sophia.. Oo! Beside sa pagiging anghel na imahe nya, ay tila sasaluhin mo lahat ng problema kapag kasama mo sya. Sya yung tipong babae na mahilig mang-bully ng lalaki, parang yung seksing teacher lang sa Gokusen.

"Sya ang boyfriend ko! Kaya wag mo na akong sunduin.. Okei?"

Hindi ko alam kung sasaluhin ko lahat ng suntok, batok, sipa, at tadyak ng kuya nya, matapos nyang sabihing ako ang boypren nya(kahit hindi pa!), at hanggang sa ngayon ay hindi ko pa din alam, kung anong pumasok sa kokote nya at nabanggit nya yun. Isama mo pa nung mapa-away ako sa canteen at magmistulang dalmatian ang mukha, syempre walang ibang dahilan kundi sya. Nasuntok ako ng klasmeyt kong si Martin, dahil napagkamalan nya akong superhero na magliligtas, at aagaw ng spotlight nya para kay Sophia.

Rival..

Sa buong buhay ko hindi ko pa naranasang makipag kumpitensya. Ako yung sundalong hindi susugod sa gera, kahit pa may bala. Pero kung si Sophia, ang watawat na pwede kong maagaw sa kalaban. Automatic! Prente! Magiging ala-rambo ako!

Sa literature club ako, habang nasa cooking class naman si Sophia. Kasama ang walang kasing hambog na si Raymond. Dinaig pa nya ang bagsik ng pinakamalupit na bagyong nagdaan sa kasaysayan ng pinas, walang iba kundi ang "kayabangan".

...

"Kuya Robert, wala pa ba sya?"

"..."

"Kuya! Kuya!"

*sigh*

"Malapit na siguro, gusto mo ba syang makita?"

"uhm! uhm!"

"Maganda ba sya kuya?"

"Kasing cute mo.."

"Eh hindi pala sya maganda?"

"bakit?"

"kasi cute lang eh, sabi ni mommy beautiful daw ang maganda at hindi cute"

Natatawa na lang ako sa pinagsasasabi ni Chabelita, kakaiba ang batayan nya sa pagsagot at katanungan. Pero nakakalibang, pangpalipas oras, at anti-umay. Tumayo ako, at nagpapagpag ng jeans. Sinubukang tumanaw tanaw sa labas, pero wala pa din kahit anino man lang ni Sophia. May mga mukha ng taong naglalakad, naglalabas-masok, at nag-uusap sa mall. Iba't ibang reaksyon, iba't ibang emosyon, at sigurado kanya kanyang diskusyon. Pero wala ang mukha na hinahanap ko. Magpapasya na sana akong lumabas ng bookstore, nang biglang may humablot na naman ng laylayan ng suot kong polo-shirt.

"Kuya, saan ka pupunta?"

"Titingin lang ako sa labas, babalik ako!" kahit pa pilit ang ngiti ko, halata sa mukha ng bata ang pagkadismaya.

Wala akong nagawa kundi samahan sya muli sa loob. Nginitian naman ako ng saleslady na syang tyahin pala ni Chabelita. Sinamahan ko syang maupo sa bakanteng limesa kung saan puro children's book lamang ang nakapatong. Puwesto ako na nakaharap sa salamin ng store, para mas mabilis kong makita kung parating na si Sophia.

"Heto, basahin mo yan!" sabay abot ng isang colored chart na halatang pangbata.

"Ayaw.. Magkwento ka nalang kuya.." bulong nya sakin na pinipilit takpan ang kanyang bibig.

Napangiti naman ako, at tumingin ulit sa relos. Tsaka nagpatuloy ng kwento.

...

Hinding hindi ko malilimutan ang ending ng Ichigo 100%! Pangalawa yun sa pinaka paborito kong ecchi genre sa manga, Una ang Bitter Virgin. Matapos ang paghihiwalay nila Nishino at Junpei, akala ko si Aya Touju na talaga ang makakatuluyan nya. Pero parang batang inagawan lang ng lollipop ang pakiramdam ko nung nagbago bigla ang ihip ng hangin sa loob ng utak ng otor nito. Hindi ko na sasabihin ang nangyari, pero ang ending na yun ay nagbigay sakin ng matinding hang over na tumagal ng halos isang linggo. Araw araw kong iniisip kung tila naka rugby nga ba talaga ang otor nun, noong sinusulat nya ang ending o sinadya nya yun para bigyan lang ako ng sakit ng ulo.

Parehas na parehas ang pakiramdam ko nung nabasa ko ang ending ng Ichigo 100%, at nung matikman ko ang madalas kong nababasa sa slum book. Walang iba kundi ang "First kiss". Naks naman!

"You already had my lips, so work hard to earn my heart.."

Nakailang panood na ko ng ilang romantic comedy(dahil hindi ko naman trip ang solid love story eh), Maka-ilang beses ko na ding nasaksihan ang "Kissing Scene". Bilang isang artista isa itong initiation para masabing pwede kang pumalit kay Robert Pattison na nakuha ang title na "Best Kisser".

Pero walang tatalo sa first kiss ko, kahit pa hindi si Angelina Jolie ang ka-partner ko. Ang sarap sa pakiramdam, para ka lang sumimple ng tulog habang nasa trabaho. Parang nag-ulam ng sinigang na bangus, na kaning lamig ang kanin. Para ka na ding nagwagi ng libreng air ticket pauwi ng pinas, para sa pasko.

"Nag-kiss kayo?" halos mamilog ang mga mata ni Chabelita sa narinig.

Natawa lang ako sa reaskyon nya, hindi na din ako sumagot dahil alam kong bawal pa sa bata ang mga pinagsasasabi ko.

"Melissa! Melissa!"

Nagulat si Chabelita, at agad na napatayo sa kinauupuan. Nagtatakbo ito at tinungo ang babaeng tumatawag ng pangalang Melissa. Mabilis nya itong niyakap, napabulong ng bahagya, at tumingin sakin. Kasunod ng pag ngiti, agad syang kinarga ng babae. Doon ko palang napuna na yun na pala ang mommy nya, at hindi Pilita ang pangalan nya.

Natawa na lang ako sa sarili..

..
...
....

How far will you go? Track No. 3 sa last album ng Eheads na pinamagatang Carbon Stereoxide, ang tugtog sa loob ng bookstore. Timecheck.. 4:30 na ng hapon.. Sakto lang para sa next movie sa sinehan.

Napangiti nalang ako habang tinitignan ang babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko lubos maisip na may pag-asa pala talaga ang swerte sa tulad ko. Sa maikling panahon na pagtambay ko sa loob ng bookstore, nagawa ko na palang magbalik tanaw sa mga chapters ng love story namin ni Sophia.

How far will you go?

Yun yung last words sa chorus ng kanta, parehas na parehas. Sa pagkakasabik ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ako na mismo ang tumayo, kabaliktaran ng madalas nyang ginagawa, ako naman ang umakbay sa kanya. Sabay ngiti, pero hindi pang model ng toothpaste.

"Sorry! Sorry talaga! Si mommy kasi eh!"

"Okei lang, hindi din naman ako nainip sa paghihintay.."

Napakagat labi lang sya, at nagpapa-awa ang mga mata. Masaya ako, kahit pa hindi sya nakita ni Chabelita, ay alam kong nag-enjoy sya sa istorya ko. Nakalimutan ko din palang ibilin sa kanya na wag masyadong magbabad sa international tv programs, sayang din hindi ko naturo sa kanya na Melissa ang pangalan nya, at hindi Pilita.

"Bakit napapangiti ka?" nagtataka nyang tanong.

"Wala.."

"Hindi nga?! Bakit nga?"

"Iniiisip ko kasi, kung anong magandang panoorin sa sinehan ngayon.."

"Ayaw mo ba yung Betty La Fea The Movie?"

"Korni kaya.. Rambo 4?"

"Mag-isa ka nalang manood.."

..
...
....

Ilang ulit ko bang sasabihing tila musika ang pag-ibig ko kay Sophia? Hindi ko pa ba nasabi? Masarap kasing pakinggan.. Suave lang! Hindi man hitik sa riffs, shredding, at tappings.. Ay para namang pentatonic na humehele sakin hanggang makatulog. Hindi ko man ito maipaliwang nang maayos tulad ng paghusga nila sa "Alapaap" na isa daw "ode to drug abuse" kahit pa ang dating nito kay Ely ay "ode to freedom", ay wala na kong pakielam.

Nagsisimula na kong mag-enjoy..

Nagsisimula na kong magkaroon ng hang-over..

Nagsisimula ko na ding makita ang tunay na kagandahan ng bahaghari..

Teenage Cappuccino - 18

TEENAGE CAPPUCCINO - Road Trip (Chapter 18)


Wag mong sabihing hindi mo alam ang BATIBOT? Eh si Kapitan Basa? At yung segment nya? Hindi pa din? Sesame Street na lang kaya.. Wow! Sosyal!



Kasi ang words sa araw na ito ay..




"I love you, Robert.."


Hindi ko na talaga mapigilan ang aking kamay sa pagsusulat, matapos kong madinig ang maikling pahayag ni Agnes.. Dalisay talaga ang hangin pagdating ng hapon. Pinaghalong lamig, at init ang paligid. Idagdag mo pa ang katahimikan ng hangin na walang patid sa kakalabas-pasok sa nakabukas na bintana.

Dahan dahan syang humarap sa akin.. Nagtatanong ang mga mata, at payak ang hitsura. Dalawang dipa ang layo namin sa isa't isa, pero sa dalawang hakbang ay kayang kaya ko syang malapitan. Ngunit hindi ko ginawa. Nanatili akong tahimik, nakatitig, at hindi alam ang gagawin. Wala din syang reaksyon.. Tanging ang tahimik na hangin lamang ang nagsisilbing referee sa pagitan ng dalawang taong nakatayo sa gitna nang maikli, at manipis na pisi ng pagkakaibigan, na pinangangambahan kong tululyang matapos.

"Agnes.. kailan mo pa nasulat ang tula na yan?"

isa, dalawa, hanggang tatlong segundo yata bago sya sumagot.

"Mula nung matutong tumula ang aking puso.."

Mababaw ang sagot nya, pero pinipilit kong maging malalim dahil sa napipinto kong pagtanggi at tuluyang hindi pag-intindi. Kuha ko na ang point nya.. balikbaliktarin mo man ang lumabas sa kanyang bibig, i-rambol mo man, o hindi tayaan, ay lalabas pa din sya sa lottery. Hindi ko lang talaga alam kung sinadya ito ng tadhana, pero isa lang ang nasa isip ko..

Hindi ito tama..

Mataas ang pagtingin ko kay Agnes, bilang isang natural na malikhain, matulungin, at isang mabait na kaibigan. Gusto ko na din sabihin sa kanya na mahirap talaga i-apply ang math sa pag-ibig. Hindi ka pwedeng mag plus, dahil baka ma-minus ka sa huli.

"Agnes, kami na ni Sophia.." buong tapang kong paghahayag.

"I know.. I can tell, by the way you smile.. congrats!"

"Then.. para saan yung--"

"I love you?!"

"Uulitin ko.. I love you, Robert!"

Napakunot noo lang ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko mahuli ang tunay na emosyon nya. Masyado syang mahiwaga, mapanlinlang din ang kanyang mga ngiti..

"Hindi ba pwedeng magmahal ang isang kaibigan?"

"Mahal kita, sa aspeto ng pagkakaibigan.."

..
...
....

Pakiramdam ko'y nabunutan ng tinik ang aking lalamunan, nang nilinaw nya ang lahat. Masyado na siguro akong assuming. Bakit ba huli ko nang naisip na sa magkaibigan hindi pwedeng mawala ang pagmamahalan? Importanteng sangkap yun, kasunod ng tiwala.

"Ikaw?" Nakangiti nyang tanong.

"Oo! Oo naman! Hahaha!"

Tumabi ako sa kanya, at sabay naming pinagtawanan ang sarili. Binasa ko na din ang mga write ups nya na matagal nya nang kinukulit sa akin. Naghihintay daw sya ng reaksyon ko dito, kaso naging busy lang daw ako. Yung mga notes nya dati na kakaunti lang, ay bigla nalang dumami, parang nakakalula na tuloy basahin. Tinanong nya din ako kung may interes pa rin ba daw ako sa pagsusulat. Sinabi ko lang na meron pa, kahit ang totoo ay pagsusulat lang ang trip ko at hindi ang pagbabasa.

Pinakita nya din sa akin ang souvenier namin nung nag-date kami, este nagpunta kami ng amusement park. Yung keychain na binili nya nung gabing yun, ay nilagyan nya na pala ng litrato namin, na kinuha nung hindi ako nakatingin. Nakakatawa talagang pagmasdan yung mukha ko dun. Parang yung mga nako-caught in the act sa serye ng "bitag" sa channel 9 ba yun? Ganung ganun ang reaksyon ko, pero cute! Mararamdaman mo yung kasiyahan kahit sa kakapirasong bagay lang.

"Teka! Akala ko ba ibibigay mo sakin 'to?"

"Nope! I've decided to keep it with me, remembrance ko 'to-- nating dalawa!"

Sagot nya nang nakatingin sa akin na may nakakalokong ngiti. Cute din talaga si Agnes, hindi lang talaga pansinin noon. Kawahig nya kasi si Charice P. na nerdy version sa glee. At sa dami na ng na-plug ko dito (Produkto, Artista, Banda, Commercial, Author, Anime, Books, at kung anu ano pa) siguro mayaman na ako, kung maniningil lang ako.

-------------

Sophia


Nakatingin ako sa dalawang paa habang naglalakad papalabas ng campus. May usapan kami ni Robert na magkikita sa school gate, tulad nang madalas naming gawin dati na kahit hindi pa kami ay para na ding kami. Ang gulo no?

Iba ang dating ng pakiramdam ko nung nasa school gate na ako. Kung dati ay lagi akong nangangamba dulot ng nakaraan, ngayon ay masaya ako. Ibang iba talaga! Naroon pa din ang presensya ni Sebastian, pero hindi katulad ng dati. Si Robert na ang unang pumapasok sa isip ko. Minsan ayoko talagang masanay sa isang bagay, dahil sa huli mahirap kapag ang kinasanayan mo ay bigla nalang mawawala. Magdudulot ito ng hindi malilimutang alaala at masakit sa pakiramdam.

Araw araw ako noong nag-aabang sa biglang pagsulpot ni Sebastian, simula nung bigla nalang syang maglaho. Kahit pa niloloko ko na ang sarili, ay wala pa ding humpay ang walang pagod kong puso sa pag-aasam.. paghihintay..

Malamig at dalisay ang hangin na naglalaro sa paligid, napaka kalmante at tila hindi ka makakaramdam ng kahit anong panganib..

"Miss! Miss!"

Nilingon ko kung ako nga ba ang tinatawag ng nasa likuran. Ngunit wala naman akong nakitang tao. May mga estudyante na naglalakad papauwi, pero walang kahit sino sa kanila ang nakatingin sa akin.

"Miss may nalaglag oh!"

Sa pagkakataong yun, hindi na ko lumingon. Alam ko na prank joke lang yun ng kung sino. Ngunit bigla nalang sumulpot sa harap ko si Richard at ubod lakas akong ginulat.

"Hahahaha!"

"Richard! It's not funny!"

"Ohh.. Richard, it's-not-funny!" pagulit nya sa sinabi ko na may halong pangloloko.

"Sino hinihintay mo? Si Robert ba?"

Hindi ako sumagot, at inirapan lang sya.

"Sungit! Miss sungit! hahaha! kayo na ba? kayo na? ha? ha?" pangungulit nya.

Hindi ulit ako sumagot, dahilan para maging seryoso ang kanyang mukha. Napatingin sa kung saan, at umupo sa kakapirasong gutter sa harap ng school gate.

"Kumusta na si Robert?"

Mahina nyang tanong, pero dahil kami na lang yata ang tao sa harap ng campus ay dinig na dinig ko iyon. Hindi ko alam ang gusto nyang iparating pero alam ko may gusto syang sabihin. Tumahimik lang ako, diskarte para mapilitan syang magsalita ulit.

"Matagal tagal na din kaming hindi nag-uusap.." dugtong nya pa.

Sa boses nya na parang may kakaiba, alam ko na meron syang pinupunto. Matagal tagal na daw silang hindi nakakapag usap. Pero araw araw na sa tuwing magkikita sila sa eskwela ay tila para silang magkapatid na laging nag-aasaran at naglolokohan..

"Nung unang kilala ko sa kanya nung 1st year, hindi ko lubos maisip na magiging bestfriend ko sya. Tahimik kasi sya, at madalas walang kausap. Lagi lang syang may bitbit na gameboy.. At tuwing lunch break ay nasa pinakadulo syang table sa canteen, katabi ng basurahan.."

"Hindi sya mahilig makihalubilo sa mga tao na nasa paligid nya. Malaki ang aming pinagkaiba. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit napalapit ang loob ko sa kanya.."

Bigla nalang akong nagkaroon ng interes sa mga sinasabi nya. Parang biglang gusto kong makilala ang Robert noon. Kung anong mga ginagawa nya, mga bagay na gusto nya, at kung sino talaga sya sa pananaw ng ibang tao. Tumabi ako kay Richard at ngumiti ng bahagya.

"Pero alam mo ba? Malaki na ang pinagbago nya.."

Tumingin lang ako sa sinabi nya. Sya namang nakatingin pa din sa kung saan habang nagsasalita.

"Akala ko talaga kilala ko na ang Robert na palaging nasa tabi ko. Yung Robert na laging seryoso, tahimik, at pangiti ngiti lang.."

"Alam mo ba?--"

Pabitin nyang hayag, huminto sya ng sandali at tumingin sa akin na seryoso ang mga mata.

"Ngayon ko pa lang nakita ang totoong ngiti ni Robert.. Ang Robert na nakasama ko noon ay masayahin, pero ang Robert na nakikita ko ngayon ay maligaya.."

Napangiti ako sa sinabi nya. Batid kong malaki nga ang pinagbago nya, dahil galing mismo sa bestfriend nya na madalas nyang makasama, at halos kilala na sya ng lubos.

"Thanks Sophy.. Ingatan at mahalin mo si Robert, tulad ng ginagawa nya ngayon sayo."

Malinaw nyang sinabi.. Tumango lamang ako. Tumayo sya at kumaway lang sa akin na aalis na sya, naglakad ng deretso at hindi na lumingon.

Ang paglalahad ni Richard, ay nagbigay ng matinding palaisipan sa akin. Kung alam lang ni Richard ang posibleng mangyari sa hinaharap sigurado na magagalit sya sa akin. Alam ko ding natutuwa si Richard para sa kaibigan nya, halata ito sa kanya dahil ngayon ko lang syang nakitang seryoso sa mga sinasabi.

Napabuntong hininga nalang ako..

"Makakaya ko nga ba?"

..
...
....

"Kanina ka pa?!"

Sa boses palang, at tono ng pagsasalita ay kilala ko na.. Mabilis ko syang hinarap na nakangiti. Sinalubong sya at inakbayan. Sabay kaming naglakad papaalis.. Mabilis ang dating ng pagkakataon samin, pero mas minabuti kong pabagalin pa ito. Gusto ko pa syang makilala. Madami pa kong gustong maranasan ng kasama sya. Sa natitirang buwan sa huling year namin sa high school, isa lang ang gusto kong ipadama sa kanya..

Yun ay walang iba..

...

Kundi ang pagmamahal ko sa kanya..

------------

Kapirasong langit ang pakiramdam ko ngayon habang hawak ko ang kanyang kamay. Nagtatalo ang hiya at ang pagnanasa. Hiya dahil kulang ako sa self steem pagdating sa babae, pagnanasa naman dahil pangarap ko sa bawat oras na kasama sya. Wala nang tatalo pa sa nakatanggap ka ng bonus, kahit malayo pa ang pasko. Nabigyan ka ng advance na allowance kahit puro bagsak ang exam mo, at nakapasok ang isang maikling istorya mo sa saranggola blog awards.

Ngunit habang hawak ko ang kanyang kamay na tila kamay ng langit, ay hindi ko din maiwasang mag-isip kung hanggag kailan ba ako hihinto sa ganitong panaginip. Walang katapusang dasal na pinagdugtong dugtong para lang pakinggan ng taong nasa itaas.

Tahimik lang kami habang naglalakad, ni walang kibo sa isa't isa.. Magkasintahan nga kami sa sarili naming pananaw, pero para bang may malaking pader pa din na nakaharang.

Sa pagiging abala ko sa pag-iisip, ay biglang huminto si Sophia. Nagulat naman ako at agarang napatingin sa kanya..

"Sophia?"

"Malapit na tayo diba?"

"Oo.. bakit?"

"May nakalimutan yata ako.. Pwede ba samahan mo ulit ako pabalik?"

"Pabalik sa eskwela?"

"Yup! Sandali lang naman tayo.."

"Sige! Sige!"

Kahit pa medyo pagod na ang aking paa, ay pumayag pa din ako. Si Sophia eh! Advantage din sakin yun.. Basta para sa kanya ay nagiging sobrang okei ng lahat. Kung hindi man ako magwagi sa empires and allies, makita lang ang kanyang ngiti ay ayos na! Mapagalitan man ako ni ermats dahil sa pagiging bum ko, basta kasama ko sya ay sobrang okei pa din.

..
...
....

Halos 30 minutes din ang lakaran papunta sa kanila, at syempre ganun din ang pabalik. Dahilan para kumonsumo kami ng isang oras. Idagdag mo pa yung pahinto hinto, dahil may mga kalsada na pinagtripan na naman ng gobyerno para lang sirain ang dati nang ayos. Ewan ko ba..

...

Abot langit ang hingal ko ng marating namin ang school gate. Huminto sya at humarap sa akin.. Ako naman na parang tanga na naghihintay lang ng kanyang sasabihin, o kung ano nga bang nalimutan nya.

dehins na ko nakatiis pa.. tinanong ko na sya..

"Sophia, ano bang naiwan mo?"

"Wala!"

Anak ng! Kita mo nga naman mag trip ang girlfriend ko.. Hindi ko alam kung anung sumayad sa utak nya at naglakad kami pabalik ng eskwela. Tapos sasabihin nya na wala pala syang nalimutan.. Para lang kaming sumakay ng jeep at nag round trip, pinagkaiba nga lang pagod ang aking mga paa..

"Tara na! Hatid mo na ko!" nakangiti nyang sabi.

"Teka, teka! Naglakad tayo dito pabalik dahil sabi mo may nakalimutan ka tama?"

"Oo!"

Kumunot ng bahagya ang aking noo, nagbabanta nang mainis. Tiis! konting tiis! Kung wala lang ang salitang "mahal" kadugtong ng pangalan nya, at kung wala lang talagang "pag-ibig" na sinisigaw ng puso ko straight sa puso nya. Malamang at panigurado kanina pa ako nag walk out..

"Nasaan ang nalimutan mo?"

"Wala naman.." naglalambing nyang boses, pero nakangiti pa din na tila nang-aasar talaga.

*Sigh* "Okei, tara na.. hatid na kita ULIT.." anyaya ko.

"Sorry ha.."

Napahinto ako sa pag so-sorry nya, Napatingin sa kanya pabalik at sa puntong ito ay may halo nang pagtataka sa aking mukha.

"Sorry? Bakit?"

"Uhm-- Kasi napagod yata kita pabalik dito.."

Kung pwede ko lang sabihing "oo" sinabi ko na talaga. Hindi naman sya engot para hindi mapansin yun.

"Gusto ko lang ulitin ang paghatid mo sakin.."

"Ulitin? Bakit?"

"Napansin ko kasing wala ka man lang imik kanina.."

"Eh-- wala naman akong sasabihin din--"

"Kaya nga nagpasya akong bumalik tayo eh, kasi ayokong masayang ang panahon na kasama kita na parang dumaan lang, at tinangay lang ng hangin.."

"Gusto ko lang na yung every moment na magkasama tayo, ay yung moment na hinding hindi ko malilimutan.." dugtong nya.

Para nang sasabog ang pagkalalake ko, este ang puso ko sa sobrang tuwa! Hindi ako makapaniwala na sa kanya mismo manggagaling ang mga gustong gusto kong madinig. Hindi ako gwapo talaga, pero sa puntong 'to napilitan akong umastang pogi.

"Pasensya na kung ikaw ay naiinis, ayoko na sanang pagusapan pa. Kung gusto mo ay manood ka nalang ng sine. Diba huwebes ngayon? Baka may bago nang palabas.."

Parang gago lang yung kanta, kanina pa sumisingit sa isip ko.. :kape:

..
...
....

Kung tutuusin hindi naman talaga ako marunong mag entertain ng babae, pareho lang nang dahilan kung bakit hindi ako mahilig sa sports. Iisipin mo palang nakakapagod na.. Paano pa kaya kung actual na. Sabi ng mas eksperyensado na sa pag-ibig, daanin lang daw sa bola. Yun daw yung pinupuri mo sya, gamit ang flowering words. Tulad ng mga "banats" at kung anu ano pa, para makuha ang puso nya. Pwede din pala gamitin ng mga negosyante yun. Pero sa pagkakaintindi ko ay simple lang ang salitang "bola", batay sa nakuha kong impormasyon, ang pangbobola ay kasing katulad lang ng "pamumulitika".

Nagsimula ulit kami sa umpisa..

Mula nung hinawakan ko ang kamay nya..
Mula nung nginitian nya ako..
Mula nung nagsabay ang aming mga paa sa paglalakad..

At sana kung mauulit lang, mula nung makilala ko sya..

Gusto kong ibalik lahat..

Tulad ng parehas naming gustong mangyari..

Pangarap naming sulitin ang bawat sandali..

Isang dangkal lang ang layo ng katawan ko sa kanya, at ang mga kamay namin ang tanging nagdudugtong sa amin. Pero ang distansyang yun ang nagsasabing wala nang pader na kanina lamang ay nakaharang..

"Robert!"

"Oh?"

"Kung nagkakilala tayo ng mas maaga pa, may tyansa kayang magiging tayo?"

"Depende siguro.."

"Paanong depende?" gulat nyang tanong, na tila namilog ang mga mata.

"Depende kung paano tayo nagkakilala.."

"Siguro nga.."

"Nakatakada lang siguro, na makilala kita sa maling panahon tulad ngayon.."

"........"

"Kasi kung hindi, siguro wala akong lakas ng loob na magtapat sayo.." paliwanag ko.

Tumango lang sya at ngumiti. Sa puntong yun ay lalo pang humigpit ang kanyang kamay sa paghawak sa akin. Nararamdaman kong kahit sa kaunting paliwanag ay natutuwa sya.

Ngunit nagulat ako ng huminto na naman sya. At ayokong makadinig na may nakalimutan na naman sya. Tumingin sya sa akin.. Nakangiti..

"Kwentuhan mo nga ako.."

"Kwento ng ano?"

"Kung anong Robert ang meron noon.."

"Huh? May Journal ako.. Basahin mo na lang!"

"Ayoko!"

"Sige kung ayaw mo, babalik tayo ulit sa school!" pagbabanta nya.

Nagpatuloy kaming maglakad, masayang nagkwentuhan, at nagpalitan ng mga pangyayari sa buhay. Hindi ko na namalayan na ang simpleng road trip namin, ay syang naging simpleng paraan para tuluyang bumagsak ang pader na kanina ko pa binabanggit.



"A man will fight harder for his interests than for his rights." -Napoleon Bonaparte

Teenage Cappuccino - 17

TEENAGE CAPPUCCINO - Closer (Chapter 17)


Kitang kita ko kung paano mahirapan ang isang halaman sa pagsalo sa bawat butil ng iyak ng langit.. Hindi normal ang araw na 'to para sa akin. Kakaiba ang luha ng langit sa umagang ito. Malayo pa ang tag-ulan, at papasok palang ang tag-lamig, pero ang puso ko ay tila el-nino sa pag-iinit, pag-aasam, at pananabik na muling makita ang kanyang mukha. Maaga akong gumising hindi dahil trabaho ng isang boyfriend na sunduin ang kanyang girlfriend, kundi para maipakita sa kanya na sincere ako sa pinagmamalaki kong pag-ibig para sa kanya..

..
...
....

Dear Diary,

Pagpasensyahan nyo na po ang aking kakaibang pantasya sa mga oras na 'to. Pero hindi ko mapigilang hindi isipin ang aking unang GF. Tama! Sinagot na ako ni Sophia! Hindi pala! Kami na! pero walang formal na ligawan or bolahan o kung ano pa mang tipikal na ginagawa ng magsing irog. Sobrang saya ko! Ngayon lang ulit ako nagsulat at dumalaw sayo. Sorry din kung ginawa kitang post-it o reminder. Gusto ko lang magkaroon ng pruweba ang araw na 'to. Baka kasi bukas paggising ko eh nanaginip lang pala ako..


Malakas ang patak ng ulan sa malamig na umaga. Bitbit ang asul na payong na iisang tao lamang ang kasya, at suot ang jacket na inagaw sa ilalim ng aparador at amoy pangtaboy sa ipis, anay, at kung anu pang lamang loob ng lumang aparador ko.

"Sorry! na-late ba ko? sorry talaga!"

"Hindi! hindi! Maaga lang siguro ako nagising!"

"Dapat hindi kana tumuloy, malakas ang ulan.." sabi nya habang nagmamadaling sumilong sa dala kong payong.

"Ayos lang! College lang naman ang water proof, eh high school palang naman tayo"

Ngumiti sya at diretsong tumingin sa akin. Kakaibang pakiramdam ang nararanasan ko ngayon. Hindi ko alam na grabeng saya pala ang maidudulot ng pag-ibig sa isang tao. Akala ko noon, masaya na ako sa pagbabasa ng update ng naruto, pag-collect ng character sa suikoden 2, at paglilibot sa pantasya. Pero ngayon alam ko na kung bakit naimbento ng smart at globe ang unlimited call and text.

Pilit naming pinagkasya ang sarili namin sa iisang payong na aking dala-dala. Tensyon pa din ako sa mga oras na 'to. Malakas ang buhos ng ulan, pero mas malakas ang tibok ng aking puso na naging dahilan para tululyang manginig ang aking mga kamay sa paghawak sa kakapirasong silong. Naging dahilan din ito para tuluyan nang maging malapit kami sa isa't isa.

"Tumangkad ka yata?" agad nyang napansin habang nakatingin sa akin.

"Talaga? Hindi ko napansin!"

"Dati ka naman nang matangkad, o talagang maliit lang ako.."

"Hahaha! Siguro nga!"

Ngumiti lang ulit sya, at nagbalik tingin sa kanyang nilalakaran.

"Siguro nga.. O di kaya pwede ding lagi kitang tinitignan bilang nakaka-angat sa akin.." mahina nyang bulong.

Tinitigan ko sya habang seryoso ang kanyang mga mata sa pag-iisip, at tila naka tingin sa kawalan. Pinatong ang aking kanang kamay sa kanyang ulo, dahilan para mapabaling ang kanyang tingin pabalik sa akin.

"Tignan mo yun!"

Sabay turo sa dalawang gusali na madalas kong natatanaw mula sa eskwelahan.

"Yung nasa kaliwa ay mas malaki, kesa sa nasa kanan"

Tumango lang sya, na tila nag-aabang sa back story ng nabanggit kong gusali.

"Naunang maitayo ang maliit na gusali, bago ang katabi nito.." paliwanag ko.

"Sa sumunod na taon tska palang naitayo yung katabi nya, na mas mataas sa kanya ngayon.." dugtong ko pa.

Tuluyan nang hindi nagpantay ang kanyang mga kilay sa kakaisip, at ang kanyang labi na pilit nyang kinakagat. Gusto ko nang tumawa pero pinigilan ko pa din. Baka maasar lang sya.

"Sinasabi mo bang ikaw yung gusali na mataas? at ako naman yung mababa?" may pagkasarkatiko sa kanyang boses.

"Tama! Hindi maitatayo yung mataas na gusali, kung walang inspirasyon na manggagaling sa maliit na gusali.."

"Tulad natin.. Hindi ako makakatayo ng ganito na may halong saya, kung wala ka sa tabi ko.. I always look up to you Sophia.." dugtong ko na kahit medyo basang basa na ang kaliwang manggas ng jacket ko.

Sa puntong yun ay tuluyan nang lumabas ang puti at pantay pantay nyang mga ngipin. Masaya ako na naiintindihan nya ang mga sinasabi ko. Kapag sinabi kong mahal ko sya, ngumingiti lang sya, at alam ko sa bawat ngiti ay naipapadama sa akin na parehas lang ang tibok ng dalawang magkaibang puso.

--------

"Don't laugh at me, idiot!"

Sabi sa last line ng movie na pinapanood namin sa film showing. Sampung beses ko nang napanood ang pelikula na 'to, at ang pagkakatanda ko ay ito din yung movie na pinanood namin last year. Akala siguro ng titser namin na maloloko nya kami, eh hindi naman kami pinanganak kahapon! pero ang ending nagbayad pa din ako, para lang makasama si Sophia na manood.

Kahit pa balibaliktarin nila ang eksena eh alam na alam ko na ang plot, at twist ng movie. Kaya sa halos dalawang oras na nakalipas, ay wala na kong ginawa kundi sulyapan ang mukha ni Sophia. Kahit pa siguro pumikit na ako eh kayang kaya ko nang iguhit ito sa isang blangkong papel.

"Robert, tara na.." anyaya nya.

Laking gulat ko ng wala na palang tao sa paligid, bukas na ang mga ilaw, at patay na ang 40 inches na tv sa library. Nakatulog na pala ako..

"Kanina pa kita gustong gisingin.."

"Oh bakit hindi mo ginawa?"

"Mukha ka kasing puyat kagabi!" sabay turo ng kanyang daliri sa aking noo.

"Ganun ba.."

"Oo! Ano bang ginawa mo kagabi at napuyat ka?!"

"Ha? Hindi! Hindi! Nakatulog lang talaga ako sa palabas, tara na! Baka malate tayo sa susunod na klase!" pagmamadali ko para lang maiba ang usapan.

"Hay.. Robert! We're already late.."

Tinignan ko ang orasan na nakasabit malapit sa counter ng library, tska ko lang napansin na halos 30 minutes na pala kaming late, at alam kong kasalanan kong lahat! Peste talaga! Nagskip na naman ako ng isang klase, ang masama pa ay sinama ko pa sya. Naglakad sya papalapit sa akin, at tumabi sa upuan na kasunod ng inuupuan ko.

"Okei lang Robert, hintayin na lang natin ang sunod na bell.."

"Argh! Sorry!"

Tumingin sya sa akin na nagtataka ang hitsura.

"It's not your fault.. Hinayaan ko din kasing matulog ka.. I just want to stare at your face.." paliwanag nya. tuluyan na kong namula sa kahihiyan. Inisip ko kung natatawa ba sya habang pinagmamasdan nya akong natutulog.

Hindi na ko makapagsalita, natabunan na ko ng kahihiyan. Hindi ko na din sya matignan ng deretso.

"Nagsasalita ka pala ng tulog!" bulalas nya.

"Ako? Talaga? Ano naman sinabi ko?"

"Paulit ulit mo lang binabanggit ang pangalan ko.."

Naloko na! Tuloy hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa sinabi nya, hindi ako pwedeng magkaila o magpaliwanag. Bukong buko ako! Tawa lang sya ng tawa, halata sa kanya ang pang-aasar.

"Sinabi ko yun?"

"Biro lang! hahaha!"

"Pfftt!!"

Sa mga simpleng bagay ay nadadala ako sa kanyang emosyon. Bawat salitang sabihin nya ay mabilis na tumatatak sa aking isipan. Pakiramdam ko tuloy ay mahihirapan akong mag move on sa kahit sandaling minuto na wala sya sa tabi ko. Kung pwede ko lang syang angkinin ginawa ko na. Kung pwede lang talaga.. Masyado na kong makasarili para lang sa pansariling kaligayahan. Ito pala ang side effect ng sinasabi nilang pag-ibig. Hindi na ko magtataka kung bakit nag-exist ang mga love guru, tulad nila Papa Jack, Madam Auring, at Kris Aquino(joke lang yung last).

Limang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa ang bigla nalang nanaig. Bagay na wala naman akong sasabihin, ewan ko lang sya. Sapat na saking makasama sya, at makita ang kanyang presensya. Second option ko na lang yung sulitin sya.

"Robert.. I like you!"

Namilgo ang aking mga mata nung biglaan syang nagsalita. Tinignan ko sya, nakangiti sya at hindi seryoso. Sa ganitong pagkakataon, hindi ko alam ang nasa isip ng isang baabe kapag nagsabi sya ng ganun sa isang lalaki. At bakit nga ba lagi akong naaabutan ng nerbyos kapag ganito na ang sitwasyon?

"Naalala mo nung nung sinabi mo din sakin na gusto mo ako?" tanong nya.

"Tumango lang ako, at tila naghihintay ng susunod nyang sasabihin.

"Alam mo bang gusto ko nang umiyak nun.."

"Umiyak? Bakit?"

"Dahil hindi ko alam ang magiging reaskyon ko.. matutuwa ba ako o malulungkot, maiinis o magagalit.."

"Sa akin?!"

"Hindi.. Sa sarili ko.. Alam kong mali na ang ginagawa ko sayo. Masyado kong inaasa ang sarili ko sayo, pakiramdam ko kasi lahat ay ok kapag nandyan ka lang sa tabi ko. Huli na nang malaman kong seryoso ka pala.. Wala nang halong biro ang lahat ng ginagawa mo.."

"...."

"Robert.. What will you do, if the thing we scared the most will happen soon?"

"..."

"Robert.. answer me.."

"Sophia! Malayo pa yun! Madami pang mangyayari na hindi natin alam! I-enjoy nalang natin ang bawat araw na magkasama tayo, wag nating pabilisin ang oras.. Ayokong masayang ang oras natin kakaisip sa bagay na matagal pang mangyayari"

Natahimik sya at tila napaisip sa mga sinabi ko. Gusto kong mag sorry dahil medyo tumaas ang tono ko, pero alam ko sa sarili ko na yun lang ang pwede naming magawa. Ngunit nagulat ako ng makita kong bumalik na naman ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Kung ganun--"

"You have to work hard everday!"

"Huh?!"

"Work hard to make me happy! Everyday!"

Jusko! Parang nagwish lang sya kay santa na sana maging pasko araw araw! Mukhang mahirap ang gusto nya, pero kung ang pasayahin lang sya sa araw araw ang dapat kong gawin para patunayang sobrang mahal ko sya, eh hindi na ko magdadalawang isip pa.

Malakas ang sigaw ni San Pedro, dahilan para magising si Kupido sa mahimbing nitong pagkakatulog. Pinagalitan nya ang alagad ng pag-ibig. Nakalimutan daw nitong bigyan ng laman ang mga pusong sobra sobra sa puwang. Mabilis na kumilos ang tama na si Kupido, agaran syang bumaba ng lupa para tignan ang mga taong patuloy na naglalakbay sa gitna ng kadiliman..

Mula nung pumasok sya loob ng kwarto, nagsimula na ding pumasok ang kanyang buong pagkatao sa aking puso. Nagkaroon ito bigla ng paliwanag sa matagal nang tanong sa aking isipan. Kung ano nga ba ang pakiramdam ng tinatawag nilang pag-ibig.. Kung anong mangyayari sa isang tao na may impluwensya nito. Kung anung hirap at pasakit ang pwedeng maging side effect. At kung anong klaseng kaligayahan na nagiging dahilan ng mga taong puyat.

Walang recess sa pag-ibig.. Walang vacant hours, walang uwian na! Wala ding makakapagsabi kung kailan ka pwede humingi ng leave, at kung kailan ka pwedeng mag-resign.. Ang sitwasyon sa dalawang tao na kailangan ng matinding sakripisyo ay sya ding bagay na naging dahilan kung bakit nagbigay ito ng ngiti sa magkaibang tao.

Nagring na ang bell, tapos na ang oras na binigay samin o pwede ding oras na ninakaw namin..

"Kita na lang tayo after ng class ko sa club!" paalam nya.

"Sige! See you later!"

..
...
....

"Work hard! Work hard!"

"Work hard to make her happy!"

Sabi ng makulit kong isip, habang naglalakad ako papasok sa susunod kong klase. Walang wala sa isip ko ang mga sinasabi ng puso ko.

"Paano ko nga ba sya mapapasaya?"

Sabi nga ni Ayek, meron pa daw mas mahirap kesa sa pagtupad sa pangarap. Yun ay kung paano mo ito pahahalagahan at aalagaan, para hindi manumbalik sa pagiging pangarap na lamang.

Club..

Nauna yata akong dumating, wala pang tao at tahimik pa ang paligid sa labas ng kwarto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, ngunit laking gulat ko nang makita kong meron babaeng nakatayo sa loob ng classroom.. Nakatayo sya at nakaharap sa board. hawak ang kapirasong pinilas na papel.

Walang tunog na ginawa ang aking sapatos nang pumasok ako sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko na gulatin sya, ngunit ng papalapit ako ng papalapit ay tila nakikilala ko kung sino.

Tumutula sya..

Mag-isa?

Tahimik akong nakinig sa kanyang likuran..

they started as strangers
two people who are not lovers
yet they have something special
and to find it out is crucial

two unknown and innocent hearts
just started sharing sparks
it unfolds what they truly feel
their moments that no one can steal

falling in love is like the rain
unpredictable especially the pain
be strong and tough as a wall
coz you have no idea to whom you'd fall

it can make you so happy or sad
and even make you feel good or bad
it's the best yet the worst thing
that this life could ever bring

when love comes your way
you'll do everything to make it stay
sacrifice your own happiness
for your loved one to have the best

distance shouldn't be an issue
it's always about the two of you
you may be miles away from each other
still, it's the heart that connects you together

fights, tears, sadness and even lies
never get tired to same old lines
those are just part of the story
so be ready to suffer from misery

the whole world may be against you
no worry as long as the love is true
don't just stop without giving a fight
at least you did what you know is right

no matter how hard the trials are
don't let it make you fall apart
always think of how did you start
enough to hold on even if it's hard

if destiny won't let you be together
then do the magic of staying forever
just what the fairytales leave to its reader
the promise of "happily ever after"

"I love you, Robert.."

..
...
....

Isang mahinang bulong.. Pero hindi nakisama ang katahimikan ng kwarto at syang naging dahilan para tuluyang itong mag-echo papasok sa aking tenga.

Tinulak ng malakas na hangin ang aking katawan, dahilan para malaglag ang aking damdamin sa isang malalim na bangin..

"Agnes?"

Lumingon ang babaeng tila nagtatago sa isang maikling tula, may kakaibang takot sa kanyang mga mata, at hindi maipaliwanag na damdamin ang aking nadarama..

Teenage Cappuccino - 16

TEENAGE CAPPUCCINO - The Confession Part Two (Chapter 16)

"Subukan mong isara ang pinto. Anong makikita mo? Kung ang sagot mo pinto pa din, o wala. Bulag ka!"


"I like you, I like you, I like you"

Hindi ko talaga alam kung may mali ba sa pagkakabanggit ko, para sumagot sya ng may halong pagbibiro. O talagang hindi lang ako seryoso sa pagkakadeliver nito. Meron pang isang option.. Baka naman korni ang dating nun sa kanya. Peste!

Sakit na ng ulo ko kakaikot sa kama. Nagawa ko na yata lahat ng posisyon para makatulog, nakailang tupa na din ako sa pagbibilang. Masyado nang out number ang pag-iisip ko kay Sophia. Bakit ba kasi hindi ko pa tinodo lahat nung sandaling yun.. Kulang pa yata sa emosyon, or kulang lang sa humor. Eh kung dinaan ko kaya sa haras? Bata pa naman ako.. May juvenile naman para sa menorde edad. Hindi ko alam.. Sobra na kong apektado sa presensya ni Sophia. Inlab eh!

---------------

Muntikan ko nang malunkot ang resulta ng exam nung nakita kong kayang kaya itong daigin ng grade school student. Tapos nakangisi pa sakin si Raymond na parang nang-aasar. Parang pulitikong na ambush interview ang mga ngiti.

"Morning!"

Naalala ko yung commercial ng coke. Yung babae lalagok tapos hahangin ng malakas. Yung buhok nya mag e-elevate sa hangin, tapos sasabihin nya "Aaaaghhhh!" pero echo yung sfx. Tska palang babanggitin yung linya ng coke. 2002 yata yun.. Ganun ang dating ng good morning ni Sophia sakin.

"Morning din!"

"Uhm! Sophia!"

"???"

Teka? Paano ko ba uumpisahan? Na-plano ko na 'to kagabi eh! Sabi ko pa lilinawin ko sa kanya kung anong ibig kong sabihin sa sinabi ko kagabi. Tapos tatanungin ko sya kung bakit sya natawa, eh seryoso ako. Kaso pakiramdam ko may nagtakip bigla ng bibig ko. Badtrip!

"Robert, ang baba ng exam mo"

"Huh?"

Nagkandaletse na! Nakatingin na pala sya sa result ng exam ko. Hindi ko na nagawa pang itago. Nasa hitsura nya ang parang matatawa na parang maiinis na. Nagkakasalubong na ang kilay nya. Nawawalan na ito ng space sa gitna. As in salubong!

"Hindi ka ba nakinig sa group study?"

"Nakinig syempre!"

"Sure?"

"Minsan hindi!"

"(Batok!) Sabi ko na eh!"

Gusto ko nang sabihing kasalanan mo naman eh! Nang dahil sayo sumaya buhay ko. Nang dahil sayo nalaman ko ang kaibahan ng crush sa pag-ibig. Nang dahil sayo kaya ako natutong magsinungaling dun sa guard sa village nyo, at syempre dahil sayo bumagsak ako sa exam ko.

Kaso.. Inunahan nya ko ng pamatay nyang ngiti. At ang kakaibang hobby nya na bigla nalang akong akbayan. Tinunaw nya na naman ang paglalaki ko. Sa isang iglap lang para na naman akong na-hypnotize.

"May next time pa naman eh!" kasunod ng pag gulo sa buhok ko.

..
...
....

Hindi na naman nakisama ang oras at panahon. Pinabilis na naman nito ang araw at tuluyang tinapos. Gusto ko pang mag-stay sa iskwela, kasama si Sophia. Kung pwede lang mabaliktad ang lahat. Kung papasok lang tayo sa bahay, at uuwi sa eskwela. Sobrang sya ko siguro! Wala na yata akong nasabing matino..

"Sabay na tayo!"

Tila nagulat si Sophia sa biglaan kong anyaya sa kanya, na madalas ay sya ang nangunguna. Ngumiti lang sya at tumango habang inaayos ang kanyang mga notes at books. Susulitin ko na ang pagkakataon, lilinawin na sa kanya ang lahat! Sasabihin kong hindi ako isang comedy star nung gabing yun para matawa sya sa pahayag ko.

Matapos ang tatlong minutong pag-aayos, nagpasya na syang umalis na kami. Tahimik lang sya. May kung anong hindi ako maintindihan sa mga galaw nya ngayong araw, pero mukha namang hindi ito makaka-apekto sa binabalak ko ngayon. Wala kaming imik sa isa't isa habang naglalakad sa hallway.. Dinig na dinig mo din ang echo ng aming mga yapak sa kahabaan ng hallway ng senior bldg.

"Ngayon na ba?"

"Sakto na ba ang timing?"

Nag-aalta-presyon na naman ako! Ang yabang ko pa kanina.. tapos ngayon tila wala na naman akong masabi. Ito kasama ko na sya, pero speechless na naman ako. May tawag sa game na ganito eh.. "Mauna-una!" hindi yata game yun. Konting hangin lang.. Konting bwelo, at bawas bawas sa kape.

"Ito na.."

"Game na talaga.."

..
...
....

"Robert, parang may sasabihin ka yata.. Bakit hindi ka mapakali?"

Halos tumalon ang puso ko, mula apari hanggang jolo! Nang napansin nya este nahuli nya ang binabalak ko.. Napahinto sya, at napalunok naman ako ng bahagya. Nagsimula nang maglawa ng pawis ang katawan ko. At bakit ba laging ganito ang reaskyon sa mga ganitong eksena? Sa puntong yon, hindi na nawala ang tingin nya sakin.

Nakatitig lang sya sakin, habang nakatigil kami sa gitna ng hallway..

Walang kahit ano kang maririnig sa mga sandaling 'to. Tanging ang bilis lang ng tibok ng puso ko ang nangingibabaw.. Mabilis ito. Hindi tipikal kahit pa natural.

Tapos..

..
...
....

Na mental block ako! (Yosi break muna)

...

Game!

--------------------

Sophia

Sinong babae ang hindi masisiyahan sa effort ni Robert? Kahit pa muntik na kong mapagalitan ni Mommy, ay sobra naman akong nadala sa banat nya. Lalo na nang sinabi nyang.. Gusto nya ko. Dinaan ko na lang sa biro ang pagsagot, para naman hindi mabuko ang buong nararamdaman ko nung mga sandaling yun. Nararamdaman ko nang sa puso ko, ay tila meron na syang kaunting puwang. Hindi ko na maitatago yun..

Pero natatakot ako..

Hindi sa sarili ko..

Kundi para sa kanya..

Ayokong ibigay nya ng buo ang kanyang sarili para sa akin. Natatakot akong makita syang masaktan. Hindi ko kayang makita sya sa huli na walang natira para sa sarili. Nakapagdesisyon na ko mula nung lumipat ako ng school..

"Wala akong balak umibig ulit.."

Hindi ko lang alam kung sa mga panahon na sinabi ko yun, ay tila umaasa pa ako kay Sebastian. Pero si Robert.. Sya ang unang naging dahilan ng dahan dahang pagkalimot ko sa nakaraan. Kapag sinabi nyang "Okei lang yan" ay nagiging okei lang talaga ang lahat.. Nung banggitin nyang tutulungan nya kong malimutan ang dapat kalimutan, umasa na agad ako sa kanya ng walang halong pagdududa. Tuluyan nang nag-iba takbo ng mundo ko mula nang makilala ko sya. Kung dati kapag sinara ko ang pinto, ay pinto pa din ang nakikita ko. Ngayon subukan ko mang isara ang pinto, nakikita ko na ang nasa likod nito.

Napabuntong hininga nalang ako.. Sorry Robert..

"I like you.."

Malinaw na sakin ang lahat, ramdam kong mahal ako ni Robert. Takot akong tanggapin ang katotohanang mahal ko na din sya, at mas lalong takot akong tanggaping iiwananan ko din sya kahit pa mahal ko na sya. Ano mang gawin kong pagbaluktot sa hinaharap ay darating at darating pa din yun. Iiwan ko sya.. Nakapagpasya na kong tumuloy ng ibang bansa matapos ang graduation. Pumayag na ako sa alok ni Mommy at Daddy. Siguro kahit hindi din ako pumayag ay wala din naman akong magagawa. Masakit man na tanggapin.. Pero mas masakit kung paasahin ko pa si Robert. Hindi sya ang tipong kaya kong saktan..

Sa ngayon.. dapat ko nang putulin ang hindi pa naguumipisang relasyon ko sa kanya..

..
...
....

Robert

"Kung may sasabihin ka ngayon na Robert.."

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagiba ang tono ng kanyang pagsasalita. Tila may hindi tama sa mga oras na 'to. Kanina ko pa din pansin ang kakaiba nyang kinikilos. Dehins naman din ako tanga para hindi mapansin yun.

"Wala naman!"

"Sure?"

"Akin na nga yang gamit mo, ako na magbibitbit!"

"No!"

Mabilis nyang pinigilan ang aking mga kamay, dahilan upang magsalubong ang aming mga palad. Nagulat ako, ganun din sya. Naramdaman kong nanginginig ang kanyang mga kamay, na kahit pa saksakan ng lambot at tila pinaglihi sa bulak. Sa sandaling yun ay lalo ko pang hinigpitan ang paghawak sa kanyang kamay. Doon pa lang nagsimulang lumabas ang tunay nyang hitsura. Biglang nalungkot ang kanyang mga mata. Bumagsak ang kanyang mga balikat, at nagbabantang tumulo ang kanyang mga luha.

Pero buo pa din ang loob ko. Sasabihin ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Walang halong biro, at walang paligoy ligoy. Wala nang dapat pang sayangin. At kahit pa pakiramdam ko'y nakasakay ako sa flying fiesta at sobrang lula ang aking puso sa kakatalon, ay wala nang panahon para mag-back out pa.

Sa sandaling 'to.. kaming dalawa lamang.. walang director na sisisgaw ng cut! walang writer na biglang ma me-mental block, at walang audience na tatawa kung sakaling baduy ang pagkakadeliver ko.

"Sophia! Mahal kita.. seryoso! walang biro!"

"Sorry! pero.. hindi kita kayang tignan bilang isang kaibigan o barkada lang, o ano pa man.. Gu-gusto kita! La-lahat na-ng! hindi! I-ikaw mismo! Hindi din pala! Lahat ng bagay na tungkol sayo gusto ko! E-ewan ko ku-kung bakit!"

Utal na utal ako, at tingin ko ay hindi maayos ang pagkakasabi ko. Ngunit hindi pa man 100% ang pahayag ko ay mabilis nya akong tinulak papalayo sa kanya. Napa-atras ako ng isang hakbang. Gulat at hindi alam ang gagawin.

"Sira ka talaga Robert!"

"Sira ka! Sira!!" madiin ang kanyang pagkakabigkas, at kasing liwanag ng sikat ng araw.

"Oo! Mahal din kita! Pero sira ka para mahalin ako! Iiwan lang kita Robert! Iiwan din kita.."

Ang feeling ko ay parang first time kong humawak ng gitara at tumipa ng mga chords. Wala akong ideya sa sinasabi nya. "Mahal nya daw ako, pero iiwan nya lang din daw ako?"

Kung prank joke lang ito kanina pa ko tumawa. Kung shooting lang sa isang pelikula, sana may mag cut, para kahit papano ramdam ko na hindi totoo ang lahat. Pero tila hindi panaginip ang lahat. Lahat ng binanggit nya ay magiging parte na ng kasaysayan. Nakasulat na yun sa nagdaang segundo.

"Sira? Oo! Sira nga yata ako!" sagot ko na hinugot lang sa huling sinabi nya, at tila hindi pinag-isipan.

"Tumigil ka na! Wala kang naiintindihan Robert! Wala!"

Nagbadya na syang tumalikod sakin, pero agaran ko syang pinigilan. Kahiyaan na to!

"Ano bang intindihin ang sinasabi mo? Kailangan ko pa ba nun, para.. para mahalin ka?"

Natigilan sya sa sinabi ko. Nag-isip ng bahagya ang deretsong humarap sa akin.

"Robert.. After ng graduation hindi na tayo magkikita! Kung magkaroon man tayo ng relasyon hindi din magtatagal, at kung.. kung.."

"kung ano?"

"kung mangyayari mang masaktan kita.. hindi ko matatanggap yun.. lalo na at mahal na din kita.."

Pakiramdam ko'y na delay ang takbo ng buhay ko ng limang segundo sa sinabi nya. Medyo kinapos ako ng supply ng hangin sa aking baga. Pero lalo akong nabagabag nung makita kong pumatak na ang kanyang mga luha, na tila kanina pa pinipigil na umagos. Naubusan ng reaksyon ang buong pagkatao ko, at tumigil ang pintig ng pulso ko.

Hinila ko sya ng buong lakas papalapit sa akin.. Niyakap ko sya nang buong higpit. Nilusom ang kanyang ulo sa aking dibdib. Pinaramdam ko sa kanya na handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari.. Tanggap ko kung anong sakit ang kaya kong matanggap sa pagmamahal ko sa kanya.

"Sophia.. Kung sasaktan mo man ako sa hinaharap, sana siguruhin mong mamahalin mo ako ng sapat sa kasalukuyan.. ayus na siguro yun! quits!"

Wala syang imik.. Mahinang iyak lang ang nananaig. Sa mahabang hallway ng senior building, ni hindi man lang sumagi sa isip ko na makakapagsabi ako ng ganito. Lumagay ako sa isang bagay na pwede kong ikamatay balang araw. Pero ayos lang! Kampante ako na kung sakaling magkahiwalay kami, ay may isang bagay pa din ang magdudugtong sa amin. Walang iba kundi ang nararamdaman namin sa isa't isa.

Define love? Yung hindi optional!

Ang pag-ibig ay isang korning joke na nakuha sa delivery.. Sinabi ko na 'to dati. Uulitin ko lang. Isipin mo nalang ang pagsasabi ng "mahal kita" sa taong gusto mo. Baduy ito sa taong hindi nakakaramdam. Nakakatawa sa taong nakikinig lang, at Nakakadismaya sa taong walang pakielam. Kapag nagmahal ka korni talaga sa mata ng iba, at ganun din ang tingin mo sa kanila. Pero yun ay kung simple mo lang ito pinapakita.. Daanin mo sa malupit at maangas na pamamaraan ng paghahayag ng iyong nararamdaman. Kahit sobrang korni pa nito, basta astig ang delivery ang tawag dun pag-ibig.

Naramdaman ko ang mainit na yakap nya pabalik sakin. Sobra sobrang ligaya, kahit wala pa syang pinapahayag o sinasabi man lang pabalik.

"Ang OA mo.."

Mahina nyang bulong na may halong hagulgol, habang nakasubsob pa din ang kanyang ulo. Dahan dahang kong inangat ang kanyang mukha gamit ang dalawa kong kamay. Mainit ang kanyang presensya pagdating sa akin. Sa mga oras na 'to ayokong mawaglit man lang kahit ilang segundo ang kanyang mga mata sa akin. Susulitin ko ang bawat oras na kasama ko pa sya.

"Let's go?" tanong ko.

"Uhm! Uhm!" mahina nyang sagot na may halo nang ngiti.

Naglakad kami paalis ng hallway na parang walang nangyari.. Isang normal na dalawang tao na may parehong nararamdaman. Mananatiling tahimik ang isang blangkong espasyo na naging bahagi na ng kasaysayan, at naging saksi sa paglalahad ng tunay kong nararamdaman.

..
...
....

"Kailan ka aalis?"

"Sa graduation.."

"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?"

"Bakit boyfriend ba kita?"

"Oo!"

"Ngayon pa lang!"

"Anong gagawin mo dun?

"Maglalakwatsa po.. syempre mag-aaral!"

"Bakit doon pa?"

"Kasi walang mangungulit sakin, tulad ng ginagawa mo ngayon"

"Sungit naman nito!"

"Biro lang.."

"Ikaw ano balak mo?"

"Parang tanong ko na yan noon sayo.."

"So what? Hindi naman ikaw nakaimbento ng tanong na 'to"

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Boyfriend mo na ko eh!"

"Hindi pa nga ako sumasagot eh!"

"Eh hindi pa din naman ako nangliligaw eh!"

"(Batok!)"

...

back to normal nga..

Teenage Cappuccino - 15

TEENAGE CAPPUCCINO - Confession (Chapter 15)


"Hindi mo kailangang maging matalino, konting imahinasyon at interes sa topic lang.." nabasa ko sa isang review patungkol sa bagong libro ni Sir Bob. Inisip ko noong una kung ano ang pinagbasehan nya para bigyan ang nasabing libro ng ganitong klaseng compliment. Hindi ko pa din kasi nababasa ang librong yun.

Eh ano nga bang basahen ng publiko sa isang taong matalino?! Sila din ba yung mga taong kayang sagutin ang EM=C? O yung tipong alam ang pasikot sikot sa light years? Yung mga tao din bang nag-aaral ng prediction ni Nostradamus? Sa mata ng publiko madaming matalino.. Tulad ng graduate ng law, accounting, doktor, engineer, teacher, certified computer technician, web designer, management, nurse, culinary, fine arts, at kung anu ano pang pwede kang kumita ng malaki. Sila yung matatalino! Oo! Sa mata ng publiko.. At kung gusto mong malagay ang mukha mo sa banner, para ipost sa mga kawad ng kuryente sa baranggay nyo ay kailangan graduate ka sa isa sa mga yan.. Sila yung upper class!

At syempre meron din tayong low-version ng pagiging matalino, dito ako hanga.. sila yung mga taong maunawain, mapagmahal, at mapagkumbaba..

Hindi ako matalino, kaya dun ako bagay sa portable version..

-----------------------

Stupidity ngang maituturing ang kahibangan ko kay Sophia..

Wala eh.. kasama na yata talaga ang salitang TANGA sa buong istorya ng pag-ibig. parang pinoy cuisine lang yan na hindi pwedeng mawala ang kanin. paggamit ng computer ng walang internet, at pag gigitara ng wala sa tono. Ang pag-ibig ay habang buhay na sakripisyo.. at kung magmamahal ka, eh hindi pwedeng hindi ka masaktan ng isang beses lang, hindi din dalawa, tatlo, o apat. Ang salitang HABANG BUHAY ay walang katapusan sa taong humihinga, patuloy kang magmamahal na may kaakibat na katangahan. Pero masaya hindi ba?! Masaya magpakatanga tama ba? lalo na at yung taong nagsisilbing dahilan para maging tanga ka, ay sya ding nagtuturo sayo na maging masaya. Privelege na yun sa pag-ibig.

Bitbit ang walang kasing lungkot na nadarama sa mga oras na 'to, ay pasimple namang nangingilid ang aking mga luha. Mahirap pala talagang lunukin ang mga salitang galing sa mahal mo, lalo na at masakit ito..

Tanaw ko na ang gate palabas ng subdivision ng magring ang phone ko..

Tuluyang namilog ang aking mata, bumilis ang daloy ng dugo ko papuntang utak deretsong puso, na nagbigay sakin ng kakaibang tensyon.

Tumingin ako kay Richard, na tila naghahanap ng kasagutan.. Ngunit sumenyas lang sya ng "go.."

"Hello?"

"Robert?"

"Sophia?"

"Nasaan kayo?!"

Natuwa ako kung paano nya binaggit ang salitang "Nasaan kayo?", parang duon lang ako nakaramdam ng pag-aalala galing sa kanya. Masaya..

"Palabas na ng gate.."

"Hold on! papunta na ko dyan.."

"Huh, eh--"

Mabilis na naputol ang linya, animo'y nagmamadali sya. Parang ermats ko lang na talagang iiwan ang niluluto mapanood lang ang drama sa hapon, at maging sa gabi. Hindi ko alam ang magiging reaskyon ko matapos ang saglit na pag-uusap gamit ang teleponong galing sa ideya ni Boss Alexander Grahambell.

Inakbayan naman ako ni Richard, na may pinaghalong ngiti at siguradong kasunod ang pang-aalaska.

"Kita mo na? Everything's worthy diba?"

"..."

"Oh? Simangot kapa! Hahahaha!"

"..."

"Paano mauna na ako.. Hindi na siguro makakatulong ang presensya ko sa ganitong pagkakataon.."

"Thanks brad.."

"Hahaha! No worries!"

Diretso na syang naglakad papalabas na ng gate. Mabuti nalang at laging nandyan si Richard at si Agnes.. Sila yung mga taong laging tumutulong sakin. Maari kong malimutan ang aking alma mater, pero hindi ang tulad nila.

"Brad!" sigaw ni Richard na naglalakad papalayo.

"Gudluck! Sabihin mo sa kanya lahat ng gusto mo!!"

Hindi ko alam ang gusto nyang iparating sakin, pero sigurado akong makakatulong yun.. Bigla kong naalala yung oras na nasa cr sya at hindi makalabas, nung time na yun eh halos makalimutan ko ding ibalik sa kanya ang backpack nya.. Maggagabi na ng maalala ko..

----------------

Agnes

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang larawan namin dalawa ni Robert, na nakaipit sa keychain na syang souvenier namin sa amusement park.. Stolen shot kaya talaga namang nakakatawa. Ngunit sa likod ng mga ngiti, merong kakapirasong pakiramdam na pilit kong inaalam sa sarili ko.. Alam kong hindi tama, sa dahilan na hindi ako ang priority nya. But I just can't hide it.

Mula nung nag start ang klase.. Nagkaroon na kami ng magandang kuminikasyon sa isa't isa. Sa mga nangyari at mga bagay na saksihan ko sa kanya, ay tila nagkaroon ako ng kakaibang interes. Para bang nanood ka ng korning sitcom na kapag inaraw araw mo eh makukuha din ang panglasa mo..

I still don't know what really happened..

Si Robert yung tipong hindi pansinin ng mga babae sa campus, pero meron syang kakaibang ugali na hindi basta basta makikita ng kahit sino man. Simple lang sya sa paningin ng iba.

Malalim ang aking buntong hininga na pinakawalan, at diretsong bumagsak ang aking katawan sa kama. Naka-angat ang kanang kamay patungo sa kisame, hawak ang kapirasong keychain na nagsilbing sikreto ng hindi ko maintindihang nararamdaman para sa kanya..

Although I already told him na meron akong nararamdaman sa kanya(ferris wheel moment nila), Hindi pa din sapat yun para seryosohin nya..

..
...
....

I still need more time..

-----------

Giniginaw na ko sa lamig kakahintay sa pagdating ni Sophia. Nagpasya kong maupo sa bangketa na kahit punong puno ng alikabok at kung anu anong balat ng kendi ay ayos lang.. Banayad ang aking nadarama pero hindi mapakali ang aking isipan.

"Bakit nga ba ako nandito?"

Unang tanong na sumagi sa isip ko.

Hindi ko pa din maiwasang ihambing ang sarili ko sa iba, pagdating samin ni Sophia. Yung mga tipong "maging sino ka man" ni Robin at Mega, pero hindi naman ako badboy. Kung sa mayaman at mahirap uso ang discrimination, paano pa kaya sa pag-ibig?

Kung sa senado hindi pwedeng maupo ang boksingerong tulad ni people's champ, dahil sa diskrimansyon din! at kung makaupo ka man, eh uulanin ka ng batikos. Sigurado magpapanting ang tenga mo, tulad ng ginawa nya na nagtweetback sa kanyang followers ng "magsumbong ka sa lelang mo".. Sa huli discrimination pa din ang mananalo.

Tutulong lang naman sya diba? Bakit hindi nila matanggap?

Eh bakit ang superhero naka maskara?

Common na sagot ng iba 'to pero sobrang tagos hanggang buto.. "Hindi naman kasi kailangan ng pangalan kung tutulong ka!" hindi mo kelangan ipamukha sa iba na tutulong ka, at magpapapicture na hawak ang isang plastic bag ng relief goods na ipapamigay mo sa nabaha, nasunugan, nanakawan, at na-rape. Wag mo nang gayahin si presidentiable candidates noon na bago ipamigay ang tulong, eh hinintay pa ang media. Para saan? Para nga naman pogi points.

Pero kahit batikusin pa ng kamara ang pag-ibig ko kay Sophia, ay wala akong pakielam. Magkaiba man ang estado at deperensya ng kita ng magulang nya kesa sa magulang ko, eh hindi ko na yun problema.

"Robert!"

Nagsisimula ko na sanang kausapin yung kalsada, mga dahon, alikabok, mikrobyo, at balat ng kendi nang dumating si Sophia. Kanina lamang ay tila naiinis na kong maghintay, pero nung nakita ko na syang paparating ay tila automatic delete yung inis at yamot..

Dinig ko ang kanyang mabilis na paghabol ng hininga, habang nakatayo sya sa harap ko. Nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod, at nakaladlad ang makintab nyang itim na buhok.

"Robert.. Sorry!"

!@#%*&?

"Sorry?" Tama ba narinig ko? Nag sorry sakin si Sophia, dahil ba yun sa txt message nya kanina? O nag sorry lang sya at nalate sya?

"Sorry.. it bothers you now I know.." paglalahad nya.

"No! It's okay! And-- And I know you have your reason.."

"Yes.."

"But first.. Anong ginagawa nyo dito?!" kasunod ang malakas na batok!

Nahihiya pa kong aminin ang dahilan kung bakit nga ba ako napadpad dito, parang kanina lang ay natanong ko na yan ha. Bakit hindi ko pa pinaghandaan? Ang korni kung sasabihin kong na-miss ko sya! at mas nakakaloko kung sasabihin kong dahil may sakit sya, dahil ngayon eh mukha syang mas masigla pa sa akin.

"Bakit ka ba absent?" unang salitang pumasok sa isip ko, at diretso ding lumabas sa bibig ko.

Natigilan sya ng bahagya, humingan ng malalim, tinanggal ang mga kamay sa pagkakapamewang, at diretsong naupo sa tabi ko. Sa puntong yun ay bumilis na ang tibok ng puso ko..

"Are you worried?"

"Me?! Oo.. Oo naman!"

"Yan ang kuya ko!" nakangiti nyang sabi.

"Bakit ka ba kasi absent?"

"First, sorry for not telling you.."

Panis! Parang boyfriend na ang dating ko kapag ganyan diba? Dapat pala na alam ko ang mga lakad nya. Dapat lang na alam ko, sa dahilang sobrang nag-aalala ako..

"Actually.. Wedding Anniversary kasi ng parents ko.."

"Talaga? Regards sa kanila.."

"As if namang masasabi ko yun.."

Toink!

"Eh, kumusta ang lakad nyo?"

"Not good.."

"???"

"It turns out to be a lot of talking, about my future.. Their undying plan for me.."

English hindi ko maintindihan, pero nagegets ko ang point nya kahit papano. Alam kong hindi naging maganda, at kailangan nya ng may masasabihan..

"Nasaan si Richard?"

"Umalis na sya.."

"sigh.." malalim nyang buntong hininga.

"thank you for listening Robert.."

"wala yun.."

Hindi ko alam ang mga iniisip nya sa mga oras na 'to, napatingala sya sa malawak na langit at tila pinagmamasdan ang nagsasalitang kinang ng mga bituin.

Kung ang pagmasdan lang sya ang magiging bisyo ko sa buhay, ay hinding hindi ako papasok sa rehab.. Hinding hindi ako aattend ng counseling, at kung anu ano pa para malimutan ang nag-iisa kong bisyo.

"Alam mo ba kung bakit school nyo ang pinili ko?"

Parang "knock knock, whose there" lang, pero seryoso..

"Bakit?"

"Kasi alam kong totoo ang mga taong makikilala ko dun.."

"???"

"Tulad mo.."

"Ako?"

"Yup! Hindi sa lahat ng oras nandyan ka, pero sa mga oras na kailangan kita ay lagi kang dumarating"


Minsan hindi ko din maiwasang hindi mamangha sa kanya, minsan nakakapag salita sya ng mga bagay na tila hindi nya alam kung nakaka-apekto sa tao. Tulad ng huli nyang sinabi, ay lubos na naapektuhan nito ang aking puso na tila nagdidiwang sa saya.

Pero..

Pero hindi lang yun ang gusto kong gawin para sa kanya.. Marami akong bagay na gustong masaksihan na kasama sya, na nasa tabi ko sya.. Mga bagay na alam kong magiging masaya sya. Gusto ko syang ngumiti nang ako ang dahilan.. Masyado akong selfish pagdating sa kanya. Pasensya na..

Hindi ko namalayan ang sarili na nakatitig lang sa kanya. Sya naman na nakatitig pa din sa langit..

"Robert.. I have to go.."

Ayoko pa..

Gusto ko pang makasama ka..

Gusto pa kitang pangitiin..

Gusto pa kitang pasayahin..

Marami akong gustong gawin..

Ayoko pa Sophia..

..
...
....

"Robert?"

"Ah-eh!"

"I have to go, kita nalang tayo bukas.."

Mabilis kong pinigilan ang kanyang pagtayo, hinawakan ko ang kanyang kaliwang braso. Sya namang kinagulat nya.

"Sandali lang.."

"Huh?"

Sa mga sandaling 'to hindi ko na sya magawang tignan pa sa mukha. Alam kong magagalit sya kapag nalaman nya na wala naman akong sasabihin, bakit pinigilan ko pa sya..

"Brad! Gudluck! Sabihin mo sa kanya lahat ng gusto mong sabihin!"

Tanda ko pa ang sinabi ni Richard bago sya umalis.. Ano nga ba ang gusto kong sabihin? Kabalikat nito ang tanong na bakit ako nandito?

"Robert, why?"

Kung tatanga lang ako dito 100% walang mangyayari.. Hindi daw lulubog ang pako kapag hindi pinukpok ika ni Sir Gloc9. Hawak ang kanyang kaliwang braso, sinadsad ko ang aking mukha diretso sa tuhod at tinakpan ito ng aking kaliwang braso. Paraan para kahit magsalita ako, ay parang hindi ko sya nakikita.

"Sophia.. I like you.."

Kasabay nito ang pagbitaw ko sa kanya..

..
...
....

Ihip na lang ng hangin, at huni ng nga kulisap ang tanging maririnig mo sa sandaling 'to. Matapos kong ilaglag ang sarili kong puso, para lang diretsong sabihin sa kanya na mahal ko sya ay siguradong may kapalit ito.. at kung anu man yun ay handa akong tanggapin.

"I like you too Robert.."

Maliwanag.. Kasunod nito ang napakagandang ngiti at..

"Ang OA mo naman kuya! Sige na bye! Kita kits bukas!"

Aray ko! Tuluyan na syang tumalikod at tuluyang umalis. Napangiti na lang ako sa sagot nya.. Alam kong magkaiba ang ibig sabihin ng LIKE ko, sa LIKE nya.. Hindi lang like na friend or best buddy ang ibig kong sabihin, kundi mahal ko sya.. gusto ko sya, at walang halong biro, kasalungat naman ng sa kanya. Na isang maasahang kaibigan ang turing sakin.

But then.. ayos lang..

Yung part na narinig ko lang syang sinabi ang salitang "I like you" kasunod ang pangalan ko, ay tila pangarap na natupad na ang dating sakin, kahit pa pangarap pa din itong maituturing..

Wala nang mas sasarap pa sa nararamdaman ko ngayon.

Madami pa kong pagkakataon..

Madami pa kong bagay na gagawin para makuha ang ngiti nya..

...

Sa ngayon..

kailangan ko munang sulitin, ang mga ngiting nilagay nya sa aking mga labi..

--------

!#@$%*?

Scram! Beep! dead bat laptop ko!