Kwentong Tambay - Chapter 10

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon." -Bob Ong



Yosi.. Alak.. Porn..


Nangunguna sa listahan ko ang mga bisyong ito.. Hindi ako B.I. tulad ng madalas nilang makita sakin.. Sadyang nakatadhana ang lahat.. Sabi nga nila(yung nakakatanda at KJ), Kada hit-hit mo ng sigarilyo, tatlong segundo ng buhay mo nawawala sayo.. Kada shot mo ng alak, dahan-dahan nitong tinutunaw ang atay mo.. At kaka nood mo ng porn, malamang magkasakit ka ng alam mo na..

Yosi.. Nicotine, Chemical na pamatay peste, Likido galing sa baterya, Lason(Cyanide), Carbon Dioxide, Blah Blah Blah.. Pangunahing sangkap ng yosi..

Alak.. Alkohol lang ang alam ko, pero pagdating sa brand dyan yata ako pro..

Porn.. Hindi ko na siguro sasabihin.. Sample? Allie Sin, Simony Diamond, Lexi Belle, Stoya Doll, Tori Black, Ashlyn Brooke, Brooke Lee Adams, Jenna Haze, at Charlotte Stokely.. Asian? Aoi Sora, Maria Ozawa, Tina Yuzuki, Fujiura Megu, Kasumi Kaho, Misaki Miyu, at Sakura Kokomi.. Pinay? Inaabangan ko palang si Christine Reyes.. :D

Hindi na yata makukumpleto ang araw ko, kapag wala ang isa sa mga yan..

Parang Yosing walang pangsinde..
Parang Alak na mababa ang proof..
Parang XXX vids na naka censored..
Parang Kare-kare na walang bagoong..
Parang cp na walang load..
At parang gitarang kulang ang kwerdas..

Ang dating saken ay malupet, at parang pinagkaitan.. Korni diba? B.I.? Tambay?

Kesa naman mag SHABU ako..

-------------------------------------------------------------------------

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?"

"Gusto ko lang sya makausap Dudes.."

"Edgar, huwag muna.. Baka hindi nya pa kaya.."

"Please lang pare.. May sasabihin lang ako.."

Tinignan ko si Kath.. Batid sa hitsura nya ang pagkalungkot, Tinamaan na naman ako ng awa sa mukha nyang hindi ko talaga malaman kung nagpapa-awa, or talagang gusto lang makausap si Edgar. Inabot ko ang cellphone, lumabas agad ako ng kwarto bago ko pa man marinig ang usapan nila, Sakto sa pagbukas ko ng pinto nakasalubong ko ang nurse na papasok din sa kwarto..

"Uhmm.. Excuse? Kamag-anak ba kayo ng pasyente?" tanong ng nurse.

"Actually kaibigan nya kami.." sagot ko.

"Teka! Ano bang findings sa kanya? Gusto ko lang malaman.." pahabol ko.

"Over fatigue po sir, sobra sa stress, kaya sya nahimatay.." sagot ng nurse.

"Ahh.. Salamat.."

Tuluyan na kong lumabas ng ospital, at tuluyang naghanap ng mabibilhan ng yosi.. Napapadpad ako sa tindahan na may katabing karinderia, kung saan maraming nurse ang kumakaen na malamang sa ospital naka duty.. Umorder ako ng softdrinks at yosi..
Umupo sa bangketa at tuluyang nagpahangin.

Sampu hanggang trenta minutos ng aking pagtambay, napansin ko ang isang lalaking bumaba ng taxi papasok sa osptital, Sa tindig at pangangatawan ng lalaki ay hindi ako maaaring magkamali.. Si Edgar ang nakita ko, at malamang didiretso sya kung nasan naroon si Kath.
Pero imbes na habulin ko sya, Nagpatagal muna ako para hindi halata..

Tumayo ako pagkatapos lagukin ang huling patak ng softdrinks na wala na ang lamig, At sinindihan ang yosi, naglakad patungo sa ospital.. Pero bago ako tuluyang pumasok.. Hinit-hit ko ng tatlong sunod ang sigarilyo at sabay pinitik..

Sa mahabang hallway ng ospital, malayo pa lang napansin ko na si Vincent na nakatayo sa labas ng kwarto..

"Balita?" tanong ko.

"Hindi ko alam Dudes, lumabas ako nang dumating si Edgar.." sagot nya.

"Pre.. Easy lang.." sabi ni Edgar na medyo nahalata ang aking pagkabalisa.

"Pre, Ewan ko, pero sobrang badtrip talaga ako.." sagot ko.

"Kahit naman mabadtrip ka, wala ka naman magagawa.. at wala ka rin tayong karapatan" mahinang sabi ni Edgar.

Sa puntong iyon.. Tuluyan na kong kumalma.. Wala nga naman kaming magagawa, at ang mas malupet wala kaming karapatan.. at walang pakielam.

"Pre, matanong lang kita.."

"Ano?.." mahina kong sagot.

"May nararamdaman ka na ba kay Kath?" nahihiya nya pang tanong.

"Sa totoo lang... Ewan ko.. Pero sa tuwing sya ang laman ng usapan ay.."

"Inlab ka tol.." paputol ni Edgar.

"Gago ka ba?" tanong ko.

"Gago ka rin! Eh halata naman sayo.." sagot nya.

Hindi ako nakasagot.. Pakiramdam ko ay nilubog ako ng sarili kong salita at aksyon.. Sa isip isip ko ay wala naman talaga, dahil tropa kami, at syota nya ang tropa ko, na hindi ko kayang gawin sa tropa ko ang pinipilit ng isip ko.(Hindi nga ba????)

Bumukas ang pinto ng kwarto kung saan nakaabang kami ni Vincent.. Lumabas si Edgar, Nagkabatian gamit ang mga ulo na sadyang napatango lang..

"Salamat sa inyo ha.." pauna ni Edgar.

"Wala yun pre, basta ikaw.." sagot ni Vincent.

Sa isang maliit na bench sa tapat ng kwarto, kung saan ako nakaupo.. tumabi sakin si Edgar. Napabuntong hininga, na tipong maglalahad at may sasabihin..

"Dudes.. Ingatan mo si Kath.." bulong ni Edgar.

"Ano? Tama ba narinig ko?" sagot ko na halong inis.

"Oo.. hindi ka naman siguro bingi.."

"Bakit ako? hindi ba dapat ikaw?"

"Yan nga rin ang tanong ko sa sarili ko.." sagot nya.

"Pero.." pabitin nya.

"Pero? Pero ano!?" tanong ko na medyo napalakas.

"Huwag ka nga magtanga tangahan Dudes.. May isip kana at hindi na bata.."

"Aba? At bakit ako lang ba ang nagtatanga tangahan dito?" tanong ko.

Tumayo si Edgar.. Pinasok ang dalawang kamay sa bulsa.. Tumalikod.. Napanood ko na ang ganitong eksena sa mga koreanovela, at kahit natatawa eh pinilit kong magpaka seryoso..

"Dudes.. Kaibigan kita.. Tropa.. Kababata.. Kasangga sa lahat ng bagay, sa kalokohan.. sa kulitan at sa inuman. Sa lahat ng aspeto nirerespeto kita. Hindi ako humihingi ng kapalit at kahit anong respeto na galing sayo.. Pero.." pahayag ni Edgar.

Napahinto ako, napansin ko ding ganon si Vincent.. tipong nag aabang ng susunod na sasabihin ni Edgar. Natuyo ang lalamunan ko.. Ni kahit konting laway ay wala akong malunok..


.....
.........
............

"Pero nung sa puntong ikaw ang pinili nya.. Pakiramdam ko'y wala kang tinirang respeto para sa akin.."

Lumakad si Edgar diretso sa hallway, palabas ng lobby.. Hindi ko na nagawang pigilan pa sya.. Malinaw sa akin ang lahat, hindi kasalanan ni Edgar..

"Dudes.. Okei ka lang?" tanong ni Vincent.

Hindi ko sinagot ang tanong na yun.. at tuluyang pumasok ng kwarto.. Tahimik si Kath na nakaupo sa kama.. namumugto ang mata. Hindi ako nagpadala sa ganyang emosyon nya.. Kinompronta ko si Kath para liwanagin ang lahat..

"Kath, please lang.. sabihin mo kung ano nangyari.."

Hindi sumagot si Kath.. Hikbi lamang na sinundan ng dahang dahang pag iyak..

"Put***ina naman Kath! Utang na loob.."

At sinundan pa ng malakas na iyak..

"Kath hanggang kailan mo ba plano umiyak? Hindi na uubra sakin yan.. Walang camera dito! Walang direktor! Walang papalakpak sa lahat ng ginagawa mo!"

"Dudes.. Sorry.." mahina nyang sagot.

"Napakamot ako sa ulo, Nahalata nyang naiinis na talaga ako.

"Pakihimay mo pa Kath.. ang lalim eh!"

"Sorry.. Nakipaghiwalay ako kay Edgar.."

"Dahil?" tanong ko.

"Dahil sayo.. Dahil siguro mahal kita.. simula palang.." pahayag nya.

Sabay sinundan ng sunod sunod na malakas na hagulgol.

Hindi ko alam pero parang passive na lvl 4 ang skill ko.. Niyakap ko sya..

"Hindi pwede Kath.." bulong ko.

"Bakit Dudes.. dahil ba kay Edgar?" tanong nya habang umiiyak.

"Ayokong magpaka plastic pero.. ayokong sumugal.." pahayag ko.

Sa puntong iyon eh napuno na ng luha ang kaliwang braso ko, Hindi ko na kaya pang pigilan ang lahat ng patak.. Hinayaan ko syang ilabas ang lahat ng nararamdaman nya, Gusto kong magalit sya sa akin at itakwil nya ko, at hahayaan ko na lang na ganoon na lang ang lahat.
Iiwan kong may lamat ang pagkakaibigan namin, na hindi na kayang gamutin, dahil sa sakit ng mga salitang sinasabe ko, para lang magising sya sa katotohanan..

Pero bakit nasasaktan ako?...




...
.....
.......

"Dudes.." mahina nyang sabi habang umiiyak..

"Hindi mo ba susubukang tumaya sa sugal.." tanong nya.

Nag-isip ako sa sinabi nya.. May mga bagay talagang hindi kayang labanan ng isip.. Tulad ng nakikita ko sa kanya, at nararamdam ko sa sarili ko.. Oo, inaamin ko.. may pagtingin ako pero hindi ko alam kung hanggang saan, at kung kaya ko bang panindigan.. Hindi sapat ang mga salitang "Mahal kita", kung hindi tuldok ang kaya kong ibigay.. Nahuhulog ako..
malalim.. madilim.. masukal.. at walang liwanag para kapitan..

Sa huling pagkakataon.. At panigurado wala nang mauulit pa.. Take it or leave it ang labanan.. Dalawang bagay lang.. Magpadala at sumugal, o Lumaban..

Tapos na.. Nanaig ang pwersang hindi ko kayang talunin..


-------------------

"Ano lalaban ka?" tanong ng kaklase ko habang bumabatok sa akin.

Tama.. Lagi akong subject ng mga BULLY sa eskwelahan noong elementary. Siguro hindi ko naman kasalanan, dahil maliit lang ako at medyo may pagka geek ang dating. Trip ko ang Gameboy, Komiks, at kung anu-anong collectibles. Mahilig din ako sa 4th row kung saan mas malapit sa basurahan, kung saan madalas ako matulog tuwing MATH ang subject. Pero kahit ganon may mga kaibigan ako na nandyan at handang ipagtanggol ako sa tuwing.. Nawawala ang bag ko, Ninanakaw ang baon ko, Nilalagyan ng paste ang upuan ko, at araw-araw na nagugulpi sa loob ng cr.

Nandyan si Edgar at Vincent.. isa sa mga siga ng eskwelahan, at palaging nasa guidance.. at laging parents needed. Hindi ko alam kung bakit ko sila naging tropa..

Mula grade school hanggang high school.. Dating gawi.. Cutting classes, Inuman, Yosi, Chiks..

Ganoon sila sa akin.. Laging nandyan, Lagin present, Laging naka-TAMBAY.

...
.....
........


Tuluyang nanaig ang pwersang hindi ko matalo..

"Sorry Kath.. Hindi ko kayang sumugal sa larong sa simula palang alam ko nang talo.."

Niyakap ko sya nang mahigpit, Pinaramdam kong nandito lang ako kahit wala ang aking anino.. Umiyak sya pero tahimik lamang.. Ramdam ko.. Dinampot ko ang cellphone kong nakapatong sa kama, at sabay umalis..

Hinarang ako ni Vincent sa labas ng pinto, para kausapin.

"Vincent, huwag muna ngayon.. mauna na ko.. Ikaw muna bahala kay Kath.."

Dirediretso akong lumabas ng ospital at pumara ng taxi na ang tungo ay hindi ko alam kung saan.. Wala ako sa sarili..

"Boss saan ba tayo? Kanina pa kita tinatanong.." tanong ng drayber.

"Hindi ko ba sinabi kung saan?" nagtataka kong tanong sa drayber.

"Boss, ibababa kita dito kung nangloloko ka lang.." sagot nya.

"Ay! hindi.. dun tayo sa sta.mesa.."

Tahimik ako sa taxi habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa kalsada at mga babaeng G.R.O. sa tuwing madadaan kame sa beerhouse.. Wala ako sa sarili.. At malamang wala din sa mood.. Tumunog ang cellphone ko, na nagbigay sakin ng pansin para ipaalala na.. "Dudes back to earth"..

"Oi.. musta?" sagot ko.

"Kanina pa kita tinatawagan.. San ka ba?" tanong ni Rhea.

"Sensya na galing ako ospital.." sagot ko.

"Ay.. ganon ba.. nag-aalala kase ako, kase hindi kana sumagot.." pahayag nya.

"Sensya na talaga.." mahina kong sagot.

"May problema ba?" tanong nya.

Gusto kong sabihin na "Obvious ba?", pero dahil si "Rhea The Angelic Face" ang kausap ko, ay hindi ko na nagawang masabi pa..

"Umiinom ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Sakto lang.. Bakit? Kelangan mo ba ng kasama?"

"Sana.." sagot ko.

"Sure! Tutal sinamahan mo naman ako kanina, Para quits tayo!"

"Okei.. dito ako sa.."

Matapos kong masabe ang lugar.. Binaba ko ang phone at pumara sa taxi drayber. At pagkatapos magbayad agad akong bumaba.. Dire-deretso sa lugar na aming pagkakakitaan.

"Order mo sir?" tanong ng isang babaeng hindi ko malaman kung waiter ba o GRO dahil sa sobrang seksi na outfit.

"Meron ba kayong beer na 100% ang alcohol proof?" tanong ko.

"Wala yatang ganon sir.." sagot ng waitress na nagtataka ang mukha.

"Hindi biro lang.. Bigyan mo lang akong dalawang beer.."

"Okei!" sabay ngiti ng waitress w/ matching wink.


http://www.tristancafe.com/forum/210353  -  Chapter 1
http://www.tristancafe.com/forum/210421  -  Chapter 2
http://www.tristancafe.com/forum/210535  -  Chapter 3
http://www.tristancafe.com/forum/210712  -  Chapter 4
http://www.tristancafe.com/forum/211136  -  Chapter 5
http://www.tristancafe.com/forum/211218  -  Chapter 6
http://www.tristancafe.com/forum/211404  -  Chapter 7
http://www.tristancafe.com/forum/211734  -  Chapter 8
http://www.tristancafe.com/forum/212435  -  Chapter 9

0 comment/s:

Post a Comment