Kwentong Tambay - Chapter 3

EKSAKTO!!

Tanging salitang pumasok sa isip ko after ako ma-basted nang aking nililigawan
nung HS.. Hindi na ito bago sa mga kalalakihan na tulad ko at malamang tulad
na din ng iba.. Inisip kong mabuti.. sa 100% na tyansa, meron akong 70%...
nasaan ba yung 30% na natira? Pinilit kong halukayin sa utak kong malabnaw..
Pero wala.. parang lugaw na plain talaga.. As in wala!

At habang hinihit-hit ko ang sigarilyo.. "Ganyan talaga ang babae.."
pabago-bago ng isip, meron na mawawala pa.. Nakaplano na pero nag switch
pa sa ibang plan..

"Bakit ang babae? sa tagal ng pagsasama tila mas mahirap maintindihan?"
isang linya sa paborito kong kanta ng APO..

Isipin mo na lang.. Tumama ka sa lotto tapos nawala ang ticket mo na sana
ay magpapayaman sayo. :(
Ironic diba? para ding kanta ng PNE na "Pangarap lang kita"..
Torpe ang lalaki.. at conservative ang babae.. kaya hindi talaga maaari...


-------------------------------------------

Inabot ko ang sigarilyo sa kanya.. pero bago pa ito makarating,
bigla akong napatanong ng walang kwentang bagay..

"Ay! teka.. Lights ka ba?"(Marlboro Lights kase ang yosi ko..)

"Okei lang yan.. Parehas lang ang usok nyan.. at parehas din
ang tama nyan sa katawan.." sagot niya

Tumango nalang ako at ngumiti, sabay abot ng sigarilyo. Tinitigan ko sya
habang sinisindihan ang yosi..

"Oh! makatitig ka naman.. hayaan mo libre din kita next time.."

"Hindi! wala yun.. okei lng yosi lang yan.." paliwanag ko sa kanya.

"Tambay ka muna dito.." alok nya sa akin habang tinuturo ang upuan na gawa sa kahoy.

Hindi ko alam kung uupo ba ako at makiki-jammin sa pagyoyosi nya,
alam kong pagttsismisan ako ng mga taong nakapaligid samin, at panigurado!
mag i-emo ito sakaling umupo ako at makipagkwentuhan sa kanya..
Pero kahiyaan na at mas lalong nakakahiya sa kanya kapag tinalikuran ko sya.

"Sige.. yosi lang din ako dito, kasi mya mya alis na din ako.." sagot ko.

Ngumiti sya nang napakalupit na parang nakaka-akit.

Umupo ako kahit nag-aalangan.. tumingin sa paligid..
Sy**! ayan na ang mga langaw.. padami ng padami.. parang may pagkaing nalag-lag
sa lupa at gusto nilang paghati-hatian. Nakarinig na ko ng mga bulong-bulongan
sa aking paligid.

"Okei ka lang?!" natatawa nyang tanong sa akin.

"Hindi eh.. Este! Oo naman.. baket?" sagot ko sa kanya.

"Hayaan mo sila.. wala silang mapapala kung pag-uusapan nila tayo" mahina nyang sagot.

Nagulat ako.. hindi ko expect na alam nya ang nararamdaman ko. pero
kalmado lang sya at tuloy lang ang hit-hit sa sigarilyo. Hinayaan ko ang tao
sa paligid.. dahil alam ko bukas sira na reputasyon ko sa lugar na to.
Panigurado bukas ako ang almusal nila at isasabay sa kape.

Tumayo si Kath.. Nag-inat ng kaliwang braso.. Huminga ng malalim.

Isa lang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa kanya..


"Anak ng.. seksi pala talaga nito.."

Matangkad sya at medyo slim ang katawan, malaki ang harapan..
At hindi ko alam ang kulay ng kanyang silver dollar.. Medyo kulot
ang buhok na laging nkapusod.. singkit na mga mata..
at maamo ang mukha. Sa unang tingin okei ang babaeng ito.. pero alam
kong ma o-off ang lalaki kapag na background check nya na ang lifestyle
ng babaeng ito. Tahimik ako habang pinagmamasdan sya..


..
....
......
........


"Umiinom ka ba?" nakakagulat nyang tanong sa akin.

"Oo.. pero may lakad ako ngayon.." sagot ko sa kanya na may halong pagtanggi.

"Hindi naman ngayon.. Sa bday ko pa.." natatawa nyang sagot.

Napahiya ako.. nabasag ako ng wala sa oras.. :( At para makabawi..

"Sige! Kailan ba?" sagot ko sa kanya.

"Sa sabado.. asahan ko yan" nakangiti nyang sagot sabay pasok sa pinto ng bahay.

Sy**! Naloko na talaga.. Paano na to.. Dalawang bagay agad ang pumasok sa isip
ko.

Una - Magtatago ako sa bahay, at magpapatay ng ilaw at mag i-stock ng yosi
sa araw na yun.

Pangalawa - Aalis ako ng maaga at mag-gagala sa mall.. Uuwi ako nang gabe...
Ay! Mali.. sa labas ako iinom at magpapa-abot ako ng gabi. :D


Tumayo ako.. tumingin sa paligid.. Nariyan pa din ang mga SOCO.
umakyat ako ng bahay para maligo.. Kinuha ko ang twalya na nakasabit sa
likod ng pinto. Sinindihan ang natitira kong sigarilyo at tuluyang pumasok
ng banyo.. Habang pinupuno ko ng tubig ang timba at habang humihit-hit
ng yosi.. Bigla kong naalala si SINGLE_AKO..

Tuloy kya date namin? San kaya kami pupunta? May dala kaya syang pera?
Malakas ba syang kumain? Magyayaya kya syang uminom sa mamahaling bar?
tapos iiwan ko sya doon kapag lasing na sya at sasabihin ko sa waiter na iyong
babaeng kasama ko ang bahala sa bayad. :)

Nag-ring ang cp ko.. Naka full ang ringing volume kya dinig ko hanggang
sa loob ng cr..

"Tinatamad akong lumabas, call back ko na lang mamaya.." bulong ko sa sarili ko
habang nilalaro ang usok ng sigarilyo.. Ay! wala pala akong pangtawag.. ttxt
ko na lang.

Naligo ako pagkatapos ubusin ang sigarilyo..

Alas kwatro ang lakad ko.. kasama ang mga barkada ko. Pupunta kami sa
paboritong tambayan sa cubao.. pero dadaanan ko muna ang ibang kasamahan
kaya panigurado aabutin kame ng gabi bago makapagsimula ng aming ritwal.

Pagkatapos ko ipahid ang gel sa aking buhok.. at biniyak sa gilid na
parang aklat, at itinaas pa ng konti ang harap.. Okei na okie na para sa mga
bebots na aking makikilala.. Sabay spray ng 50 pesos na pabango.
Ibinulsa ang aking wallet, kumapa ng barya sa bulsa..
Double check kung may lighter na dala.


Bago umalis ng bahay, sinilip ko muna ang cp kung sinong magaling ang
tumatawag sakin kanina.


1
missed
call

galing kay Edgar.. at isang txt msg.


"Aba hindi nakuntento nag-txt pa ang loko..." bulong ko sa sarili.

Si Edgar ang kaibigan/kababata kong "partner in crime" ko sa inuman.
malakas uminom, mahilig sa babae.. tambay sa porn sites.

Binuksan ko ang msg nya..


..
....
......




Sy********t!!!!


Sinubukan kong mag-reply sa kanya.. pero wala na pala ang load ko.
Kinain na naman ng magaling kong sim. Tumakbo ako papuntang tindahan kung
saan merong nagpapa-load. Dali-dali ko syang nireplayan(tagalog na tagalog).


Wala pa sa isang minuto ang bilis nya sa pag-reply.
Binuksan ko ang msg.. Agad akong nanglambot..



"Dudes, wla eh! gnun tlga..:("  txt sakin ni Edgar.

0 comment/s:

Post a Comment