Nagmistulang dagat ang kaninang butil-butil ng pawis sa noo ni Edmund. Kanina nya pa pinag-iisipan kung manglalaban ba sya o isusuko na lamang lahat ng nilalaman ng kanyang wallet. Wala halos matitira sa kanyang inaabangang sahod sa loob ng labinlimang araw. Kinalumutan nya na rin yung pinag-iipunan nyang branded na pantalon sa mall na ilang ulit nyang binabalikan at sinisilip-silip.
"Sa likurang bulsa?"
"Wala na! Nasa iyo na lahat!"
"Yung sa kaliwa ang tinutukoy ko!"
"Pero?"
"Walang pero! Akin na yan!"
Dinukot nya ito. Sumilip ang limang daang piso na may mas pinalungkot na mukha ni Ninoy Aquino. Mabagal ang kanyang kamay sa paghatid sa pwersahang humihingi. "Akin na sabi e!" agad itong inagaw sa kanya. Wala na syang nagawa. Hindi madadaluyan ng serbesa ang kanyang lalamunan ngayon gabi. Hindi sya makakadaan kay Aling Bebang para umorder ng paboritong sizzling sisig. Mas sumayad sa lupa ang kanyang baba.
"Maibibigay mo naman pala lahat e, ang dami mo pang satsat!"
"Maawa ka naman.." bulong nya.
"Maawa mo mukha mo!" sagot ng kausap tsaka sya nilayasan. Sumayaw na lamang pakaliwa't kanan ang kanyang labi, buntot ang pagkamot sa ulo.
Biglang lumundag sa kanyang hita ang kanyang tatlong taong gulang na si Nina. Dahan-dahang inangat ang maliit na palad. Senyales na bente pesos na ngayon ang minimum sa mga kabataan. Napasimangot si Edmnd.
"Isa ka pa! Doon ka sa mama mo humingi, ayun kaka-alis lang!"
6 comment/s:
Ha ha kakatuwa ang ending .... may twist : )
twist twist rin kapag may time hehe, salamat kapanalig!
Haha.. Ang kulet lang. Parang nakikita-kita ko kung sakali mang sa totoong buhay ngyari 'yan idol. Pero mukhang sa tamis ng mga larawa niyo, mukhang malabo.
Salamat dito idol!
As usual, astig lang! Gusto ko ung mga ganitong bagsakan... Easy read pero mukhang pinag-isipan!
Feeling ko ugaling holdaper ka rin sa ermats mo noon noh? Dati piso lang minimum nung panahon natin noh?
Akala ko susundan ng hugot line ung "Maibibigay mo naman pala lahat e, ang dami mo pang satsat!".
picture lang sweet lols
pang pinilakang tabing yung hugot line na yan e, mga regal films na datingan hehe, salamat senyor!
Post a Comment