One Morning of July - 3

(Ang imahe ay mula sa malikhaing kamay at isip ni Melala)

***

Hindi na siguro kailangang maghintay ng halloween, para masabing may kababalaghang nangyayari sa mga sandaling 'to. Kahit baluktutin ko pa ng ilang beses ang nangyari kagabi, malinaw sa akin na July ang pangalan nya at hindi Marta. Hindi ko din sigurado kung gusto lang nyang magkaroon ng spice ang umaga, o sadyang nababaliw na talaga sya.


"Marta? Hindi ba talaga July?" tanong ko habang pinagmamasdan syang kumpletuhin lahat ng nawawalang parte ng suot nya kagabi. Nang madukot sa ilalim ng kama ang isang pares ng high heels ay agad na humarap sa akin.


"Noel 'di ba?" balik tanong nya.


"Hindi bagay sayo ang mabait na tunog ng pangalan!" galit nyang wika.


"Hindi din bagay sayo ang dalawang pangalan!" pilosopo kong sagot.


"Pwede ba? Wala akong panahong makipaglokohan. Kung nadaan mo ko sa lasing kagabi, pwes hindi na pwedeng maulit yun!"


"Ikaw kaya 'tong nagyaya sa bar! Ano bang alam ko't gusto mo palang dito dumiretso?" asar kong sagot.


"Bar?! Kagabi? Ikaw tong wala sa sarili! Nasa party tayo. Company anniversary!" paliwanag nya.


"At pwede ba? Takpan mo na yan, baka lumipad!"


Parang game lang ni Jigsaw ang mga nangyayari. Yung tipong magigising ka sa isang sitwasyon na hindi mo alam ang dahilan. Nag flash back sa isip ko ang mga sinabi ng ka-officemate ko nang unang araw na magising akong kasama sya. Naguguluhan ako. Hindi kayang sumabay ng pentium 4 kong utak sa pang i7 na situation.




---




"July.. Marta.. July.. Marta.." bulong ko sa kumikindat na cursor.


Decline lahat ng loan application ng mga nangangahas na umutang. Mura pa ang inabot ko sa huling applicant bago ito umalis sa harapan ko. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang katauhan ni July o Marta. Palaisipan sa akin ang dalawang umagang nagising akong kasama sya.


"Pansin ko kanina kapa titig na titig dyan." wika ni Nancy na nakatayo na pala sa likod ko.


"Lunch break na wala kang balak kumain?"


Kung hindi lang kumulog at kumidlat ang tiyan ko, hindi ako papabor sa sinabi nya. Limang segundo bago ko inikot ang upuan at hinarap sya. Inayos ang nagusot kong polo at nginitian sya.


"Sabay na tayo!" alok ko.


Sa fastfood chain ang bagsak namin. Matapos magbayad sa counter, agad ko syang tinungo sa second floor kung saan alam kong walang gaanong tao. Inilipag ko ang order nya at mabilis na umupo. Buo sa isip ko ang plano ko. Kailangan kong may mapagsabihan ng mga nangyayari sa amin. Tiwala naman ako kay Nandy, dahil sya ang unang nakilala ko sa company at madalas kong kasabay kumain.


Softdrinks nalang ang natira sa meal ko, hindi pa ako nakakapag-simula ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano uumpisahan, sa dahilang hindi din ako sigurado sa hinala ko.


"Kanina wala ka sa sarili. Ngayon kulang nalang lundagin mo ang fries ko, ano bang nangyayari sayo?" puna nya.


"Nababaliw na siguro ko" mahina kong sagot.


"I mean, may problema kasi ako.." mabilis kong kabig.


"Try me! Baka makatulong ako!" magiliw nyang sagot.


"Ano kasi--" putol ko.


"Naniniwala ka ba sa dalawang katauhan ng isang tao?"


"Multiple personality?!"


"Yun nga! I met this girl and twice na kaming nagising na hindi nya ako kilala. Ang nakakapagtaka ay dalawang pangalan ang gamit nya.." paliwanag ko.


Sumimangot sya sa narinig nya. Kung matatawa sya handa na kong mag walk out. Panalangin ko nalang na hindi nya ko sabihang nasisiraan na ng bait. Desperado na ko. Kailangan ko ng masasabihan at alam kong si Nancy lang mapagkakatiwalaan ko sa mga tao sa company. Iba kasi ang turing nya sa akin mula nang magsimula ako sa trabaho, kahit pa alam kong hindi yun ang trabaho nya ay hindi sya nagsawang makinig sa mga tanong ko regarding sa work. Madalas ko syang kasama sa lunch break, dahilan nyang ayaw nya sa ilang empleyadong babae na daig pa teleserye sa arte.


"Yan ang napapala ng mga babaero!" natatawa nyang sagot. Napakamot ako sa sagot nya. "To be honest yun ang tingin ko sayo e!"


Natawa ako sa sinabi nya. Masabi lang na may nakakatawa pinilit kong pumeke ng ngiti, kahit pa walang kinalaman yun sa usapan.


"Bulgar ka naman!" pagsakay ko.


"Hula ko lang yan ha! Okay serious na. Are you serious?"


"Sabi mo mukha akong babaero, pero hindi ako marunong magsinungaling"


"Interesting! Tell me.. Nagsawa kana bang mag two timer kaya sa may disorder ka nalang pumatol?!"


"Marta is different!" nahinto ako. "I mean July!"


"Marta? Don't tell me yung daughter ni boss?! Sabi ko na! Ang sweet nyo nung party, kaya ko nasabing babaero ka e!"


Naloko na. Kasasabi ko palang na hindi ako sinungaling, kaya hindi ako pwedeng lumusot. Masyadong obvious kung bigla kong magsi-signal ng right turn, dahil nasa straight way ang tinatapakan ko. Gusto ko na syang sabunutan sa sobrang bilis nyang makagets. Pero huli na ang lahat. Nasabi ko na sa kanya, at ang pwede ko lang mahiling ay tulungan nya ako, ngunit mukhang malabo na dahil tulad ni July, parang may sayad din 'tong si Nancy.


"Bakit tumahimik ka?"


"May mensahe kasi e! Basahin ko lang!" sagot ko nang naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Napahinto ako sa mensahe at sa sender.


*small world, isn't it?*


Nilingon ko ang paligid. Napako ang mata ko sa table na sa tingin ko ay limang dipa lang ang layo sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko, parehas sa unang beses na magising akong kasama sya. Walang ano-ano tumayo ako at naglakad palapit sa kinauupuan nya.


"Bahala na.." bulong ko sa sarili.


Limang hakbang nalang nang lumabas sa katabing cr ang matipunong lalaki, na sa tingin ko'y lamang lang sa gamit na hair wax sa akin. Kung gatsby ako malamang loreal sya. Mabilis itong humalik sa kanyang pisngi at umupo sa kanyang tabi. Huminto ang cycle ng kaninang mabilis na daloy ng dugo sa aking katawan.


Napako ang mga paa ko at nagkrus ang aming tingin. Hindi ko alam kung saan ako lulusot, para makaiwas sa titig nya. Habol ko ang aking hininga at pigil na pigil ang aking paggalaw.


"Noel?" naramdaman ko ang kamay ni Nancy sa aking balikat.


Sakto lang sa timing. Nginitan ko si July at mabilis na nilingon si Nancy.


"Sorry.." bulong ko sa kanya, bago lumanding ang aking labi sa kanyang pisngi.


"Cr lang ako!" paalam ko.


Kung naintindihan ni Nancy sigurado hindi sya magagalit. Kung hindi? kailangan ko ng sandamakmak na sorry at paliwanag. Bahala na.




-bitin ulit

Byaheng U-Turn


Sapat na sigurong mabasa ang medyas kong pink, para sabihing trip ako ng nakangiting ulan sa mga sandaling ito. Minsan kahit hindi mo inaasahan, may pagkakataon talagang sinusubok ka ng panahon. Panyo lang ang dala ko na sakto lang talaga sa hugis ng ulo ko. Mabuti nalang black ang kulay ng shirt ko, at hindi mahahalatang lunod ito sa malalaking patak ng ulan.

"Last trip! Last trip!" sigaw ng barker.

Walang may lakas ng loob magkasakit, kaya nauna akong sumakay sa unahan ng jeep. Piniga ko ang panyo bago tuluyang humakbang papasok. Si manong driver na curious ang mga mata ang sumalubong sa akin.

"Doble ang bayad mo iho, sa dami ng bitbit mo wala nang uupo sa tabi mo" bungad nya.

Hindi ako sumagot. Binunot ko ang bente pesos na sukli ko pa sa nagtitinda ng mais na flavored margarine. Wala naman akong mai-rereklamo, dahil kulang nalang ay harangan ko ang side mirror ng jeep sa dami ng bitbit ko.

"Saan ka ba?" tanong nya.

"Sa bus station po. Yung byaheng maynila" sagot ko.

Hinawi ko pa ng sagad ang kurtina. laylayan nalang kasi ng luma kong pantalon ang hindi pa nai-invade ng ulan. Baka bago pa ako makarating sa bus station, e pwede na akong itlugan ng mga lamok.

Kapansin-pansin ang paglakas ng ulan. Nasa liblib pa ang kalye kaya may kadiliman ang daraanan. Hindi pa siguro sapat ang buwis na binibigay namin, kaya wala pang matinong ilaw na pwedeng ilatag sa lugar. Tuwing hakutan lang kasi ng boto, nagagawi si mayor.

"May bagyo ba?" wika ng isang ale.

"Natatakot ako sa kidlat mama!" singit ng bata.

"Yung mga panty ba nasamsam ni Inday?" bida ng misis sa kausap sa cellphone.

"Sinagot mo na sya?" kinikilig na wika ng dalaga sa katabi.

"Manong kulang sukli ko!" galit na sambit ng sabit.

Inaagaw ng pagod ang sigla ko, dahilan para isandal ang aking ulo sa tatlong patong ng mga bag na nasa kanan ko. Dinaan ko nalang sa pagsipol ang pag-aabang kung mananalo ba si manong driver sa pakikipagdigma sa galit ng panahon.

"Susmeyo!" palatak na sigaw ni manong.

"Flat tayo?" tanong ko.

"Maputik ang kalsada, kaya hirap sa pag-abante" dahilan nya. Hindi ko lang masabi na trenta pursyento nalang ay kakainin na ng kalawang ang jeep nya.

Wala sa tipo ko ang pumapel sa bagay na wala naman akong alam. Sa loob ng isang taon dalawang beses akong umuuwi ng siyudad, kaya alam kong may ibang daan pa para mabawasan ang pamumuti ng buhok ni manong.

"May alam akong shorcut. Kung hindi ako nagkakamali, malapit lang tayo doon" suhestiyon ko.

"Dalawapung taon na akong driver. Pero hindi ako nasanay sa madaliang daan"

"Sementado po kasi ang daan doon, walang lubak at hindi maputik" punto ko.

"Alam ko iho.." kalmante nyang sagot.

Lumagpas lang kami sa sinasabi kong shortcut, pero ni lingon ay hindi nya ginawa. Tamad akong makipagtalo, lalo't hindi pakikinggan ang panig ko. Tumahimik lang ako, at ibinaling sa pagtulog ang atensyon.

"Hindi mo kasi masasabing driver ang isang driver kung hindi nito kayang lagpasan ang mahirap na daan.." nakangiti nyang wika sa akin.

"Ano po?"

"Ang hirap kasi sa tao kapag may putik at lubak sa buhay, una agad iisipin ang umiwas. Kung may bagyo sa daan, dapat matuto tayong umabante kahit pa nakayuko"

Napangiti ako sa sinabi nya. Wala pala sa itsura ng tao ang nilalaman ng kanyang isip. Hindi ko napansin na maliwanag na ang paligid na dala ng naglalakihang bus sa terminal. Huminto na din ang malakas na buhos ng ulan.

"Terminal!" wika ni manong.

"Hindi ka pa ba bababa? U-turn na dito, babalik na ko para gumarahe.." tanong nya sa akin.

"Sasabay nalang po ako pabalik" nakangiti kong sagot, matapos ibulsa ang cellphone.

"Doble ulit ang babayaran mo"

"Ayos lang! Nag-text kasi si mama. Hindi naman daw talaga galit si papa"

Umarangkada ulit ang jeep, kasabay ng pagpahid ko sa luhang kanina pa nangingilid.

-wakas


Nyeta

Alikabok ng lupa'y naging huling hantungan,
ng mumunting dahong nabuwal sa punong uhaw.


Kalyeng naging saksi sa tamis ng pagsasama,
sa isang kisapmata'y nilimot at tuluyang inabandona.


Pagbubuklod ng liwanag sa kalangitan at kaisipan,
ng nilalang na suki sa pait ng ipinaglalaban.


Imulat 'di lang ang mata sa bawat hapdi na nadarama,
sa punyetang drama ng pag-ibig, tuwa ay hindi na maisasalba.

One Morning of July - 2

(Ang imahe ay mula sa malikhaing kamay at isip ni Melala)

***

Kahit hindi ko pintahan ang laman ng baraha, alam ko na kung anong lay ang gagawin ko sa larong pusoy. Kumbaga sa darts, dalawang pin nalang sa single na pie tapos ko na ang larong 501. Hindi na kailangang magpahula sa labas ng Quiapo, para sabihing swerte ako sa pagpasok ng buwan ng Hulyo.

Mabilis pa sa perang dumadaan lang sa palad tuwing sahod ang mga pangyayari. Kaninang umaga lang halos ipagdikdikan nyang isang malaking kahibangan ang nangyari, nang gabing yun. Ngayon parang isang kindat lang close na agad kami. Literal na close. Mula nang hawiin namin ang mga taong naghihintay sa venue nang dumating kami ay hindi na ko nawala sa tabi nya. Weird yung pakiramdam na nagugustuhan mo, kahit pa nagtataka kung paano nalang nangyari.

Feeling ko welcome na welcome ako, kahit ngayon lang nila nakita ang mukha ko. Sa dami ng tao sa lugar nawala na sa isip ko kung sino si Marta. Sa isip ko mas bibigyan pansin ko muna ang paniniwala ng mga taong boyfriend ako ni July. Sa lahat siguro ng kasalanan ito ang pwede kong ipagmalaki. Maraming kaibigan si July. Hindi na nakakapagtaka iyon sa dami ng babaeng nakapalibot sa akin. May kaya ang pamilya nya. Hindi maitatago sa ganda ng pagkakaset ng venue at kakaibang putahe na inihain. Twenty Five years old na sya, pero parang debut lang ang pagkabongga ng birthday nya.

"Nag-enjoy ka ba?" bitbit ang isang baso na naglalaman ng likidong sa tingin ko'y may kakaibang espiritu. Iniabot sa akin, sabay upo sa tabi ko.

"Oo naman! Kasama kita mula kanina, kaya hindi naman ako nabagot.."

"Sorry kung sinabit pa kita dito. Alam ko namang hindi mo din gusto" may kababawan sa tono ng pagsasalita nya.

"Birthday mo 'to hindi ba?"

"Oo, bakit?"

"Sapat na dahilan na yun para sumama ko" nakangiti kong sagot.

Sa mga ganitong pagkakataon, alam kong magagamit ko ang mga moves ni vic sotto sa kanyang mga pelikula. Pinihit ko ang aking mga balikat, para ipakita sa kanyang may sinasabi din naman ang build ng aking katawan, saka hinawi ang buhok pakaliwa. Isang matinding opening line lang ang kailangan ko, baka sakaling makuha ko ang buong kwento.

"Akala ko kasi darating ang boyfriend ko, kaya isinama kita"

Muntik ko nang malunok ang yelo na nasa loob ng baso. Bumagsak ang aking mga balikat sa narinig ko. Nag-uumpisa palang akong bumuo ng tulay, gumiba na agad ang pundasyon. Hindi na siguro kailangan pang sabihin ang dahilan. Nasa gilid na ng utak ko na may problema sya, at ng kanyang bf.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" nagtataka nyang tanong.

"Akala ko kasi bida ang role ko sa pelikula, stuntman lang pala.." pabulong kong sagot.

"Teka nga! Type mo ba ko?" diretsahan nyang tanong, at halos idikit ang kanyang mukha sa akin.

"Ako? Akala ko nga ikaw e! Sino ba nagpilit isama ko dito?" agad kong depensa.

"Assuming ka ha.. Pero ang cute pala ng reaksyon mo kapag binibigla ka"

"So cute pala ako nang magising akong kasama ka?"

"Patawa ka!"

Ewan ko kung may tama sa sinabi ko. Mata nalang kasi ang naiwang puti nang mamula ang buong mukha nya. Pakiramdam ko lang siguro na may sapi si July, dahil habang tumatagal ang oras na nakakasama ko sya ay lalo kong nakikita ang soft side nya. Ang soft side na una kong aatakehin kung sakaling magkahulugan ng puso.

---

Kung hindi pa mauubos ang tao sa venue, hindi ko pa malalamang madaling araw na pala. Na-enjoy ko ang pakikipagkulitan kay July, at ang libreng alak, isama na ang hapunan. Sa sandaling oras lang nakakatuwang ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Magiliw sya kausap lalo't buhay nya ang kanyang binibida. Noong una'y tinatamad pa akong makinig. Sino bang mag-eenjoy kung ang kwento ay tungkol sa love life? Wala naman akong nabanggit na fan ako ng showbiz.

Kapag dumadating sa point na ang usapan ay medyo seryoso, sinusubukan kong sumingit ng jokes. Hindi pala epektib dahil hindi ko mabilang kung ilang beses nya akong nabatukan. Naging ma-drama lang pagdating sa koneksyon nya sa kanyang pamilya, at sa bagay na yun wala akong nasabi kundi "okei" at "oo nga". Kung sa normal kong buhay, ang oras na iyon ay siguradong nasayang lang. Pero sabi nga the time you enjoy wasting was not wasted, ang kanyang simpleng ngiti at nakaka-turn on nyang bewang ang nagpapatunay.

"Lead on.. to keep our feelings strong, and make me still believe." kanta ni July habang hawak sa kaliwang kamay ang manubela.

"Our page is one and the same. Our ways will separate tonight" segunda ko. 

Napalingon sya sa akin sabay taas ng kilay. Kasunod ang mga ngiping mapuputi na sumilip sa kanyang labi.

"Fan ka pala ng The Starting Line.." bungad ko.

"Not really. Hindi ko alam kung saan ko narinig ang kanta, pero kanina pa sya pabalik-balik sa isip ko.."

"Siguro gusto mo lang ulit ako makita sa pagdilat ng mga mata mo?"

"Ano?!"

"Sabi ko Hello Houston ang title nyan.."

"Paano mo nalaman?"

"Alarm tone ng cellphone ko" walang reaksyon kong sagot.

"Mahilig ka pala sa mga ganyang genre ng music.." puna nya.

"Depende sa mood, pero ngayon favorite ko na"

Naputol ang dapat na sasabihin ko pa, nang huminto ang sinasakyan naming auto. Dahan-dahan ko syang sinilip sa gilid ng aking mga mata. Wala pa naman kami sa lugar kung saan nya dapat ako ibaba. Wala ding stop light sa unahan. Naramdaman kong humagod muna ng bwelta ang dugo ko, saka malakas na dumaloy sa lahat ng parte ng katawan ko. Parang may kuryenteng paikot ikot sa inuupuan ko kaya hindi ako mapakali.

Limang segundo pa bago nagkaroon ng reaksyon si July. Kung ano man ang nais nyang iparating sa akin, alam kong magiging interesante. Hindi ako nagkamali! Tinanggal nya ang pagkakakabit ng seatbelt at saka humarap sa akin. Kasunod ang ngiti na pwedeng gamitin kung sakaling ire-remake ang painting ni Mona Lisa. Lumunok ako ng laway at nagpakawala ng naipit na buntong hininga.

"Ang swerte naman talaga ng araw na 'to.." wika ko.

"Huwag ka nang magreklamo! Mabuti nga hindi tayo sa highway nawalan ng gas"

"Saan tayo ngayon?" tanong ko habang nakatingin sa bawat tatapakan ng aking paa.

"Hindi ko din alam!" natatawa nyang wika.

Ngayon hindi ko alam kung paano ko ide-define lahat. Dalawang taong ni hindi magkakilala na sa biglang ikot lang ng kamay ng orasan ay heto't magkasama. Binabaybay ang kahabaan ng kalyeng hindi namin alam kung saan ang dulo. Kung ang kalyeng ito ang magtuturo sa daan ng letseng drama ng pag-ibig, bakit pa ako liliko? Kahit may u-turn na sign, bakit pa ko lilingon? Kumbaga sa race track ng gallop puro abante nalang ang gagawin ko, para maabot ang finish line. Hindi naman ako desperadong tao, pero mahirap nang maunahan.

"Hindi ka pa nagsasabi ng tungkol sa buhay-buhay mo?" mahina nyang tugon.

"Buhay ko? Baka magyaya kana kasi ng uwian kapag narinig mo"

"Bakit naman ako magmamadali umuwi, kung interesante naman ang lesson?"

"Sure ka? Baka kasi wala pa sa kalahati magyaya kana ng break time e!" biro ko.

"Makikinig ako.. Best listener kaya ako!" pagbibida nya.

"Alam mo.. Hindi dito magandang pag-usapan yan"

Tumingin sya sa akin na may halong pagka-sarkastiko. Alam nya kaya ang pinupunto ko? Kung hilahin ko kaya ang tali ng confetti para sumabog, at sabihing joke lang maniniwala kaya sya? Ang daming tumatakbo sa isip ko. Naglalaro ang angulo nya sa maraming parte ng utak ko.

"Mababaw pa ang amats ko.. Gusto mo ng isang round ng beer?" anyaya nya.

"Kukulangin sa akin ang isa, gawin na nating dalawa" nakangiti kong sagot.

----

Alam mo yung kahit walang punch line na nakakatawa, eh napapahalakhak ka pa din? Kung normal pa ang daloy ng dugo sa katawan ko, masasabi kong hindi angkop ang dami ng boteng tinumba ko sa maximum na kaya lang ng katawan ko. Dalawa lang, naging tatlo, lima, pito, hanggang sa ubusin ko na lahat ng kanta sa song book ng videoke.

Hindi ko matandaan kung paano ako nakarating ng bahay. Kung present lang ang inay, sigurado tanggal ang lasing ko sa dami ng sasalubong na sermon sa akin. Hindi ko na din maalala kung paano ko nga ba naihatid si July, at kung anong nangyari sa auto matapos naming itawag sa pi-pick up. Ang alam ko lang nagkaroon pa kami ng phone conversation bago ako mawalan ng malay sa aking kama. Kinanta pa nga namin ang Hello Houston ng The Starting Line.

"Pwede mamaya na?" bulong ko sa sarili.

Umiikot pa ang paligid nang tumayo ako para tahakin ang pinto ng kwarto, para pagbigyan ang tawag ng kalikasan. Dalawang hakbang bago ko maabot ang knob, isang malakas na sigaw ang gumising sa natutulog ko pang kaluluwa.

"Sino ka?!!!"

"Ikaw?!" nagtataka kong tanong.

"What do you mean ikaw?!" balik tanong nya.

Napakamot ako sa ulo. Si July ang babaeng lumantad sa ilalim ng kumot. Second day ng July. Second morning na nagising ako na sya ulit ang kasama ko.

"Prank joke? Sige sasakay ako.. Ako nga pala si Noel, namiss mo bang katabi ako July?" biro ko.

"Anong July? Baliw ka ba?! Marta ang pangalan ko!"


bibitinin ulit :D


Jolly Jeep


Nagpapa-alam na ang magandang sikat ng araw, at pasilip naman ang malamig na sinag ng buwan nang marating ko ang lugar kung saan ako dapat maghintay. Tulad ng nakagawian, kailangan kong mauna ng mas maaga para hindi ako mahirapan makipagsiksikan sa mga taong lalabas ng gusaling kanyang pinapasukan. Sa isang kalye sa Makati kung saan ang mga tao ay tila nakikipaghabulan sa oras, doon ako naghintay. Katabi ang ligaw na puno ng mangga na ngayon ay yumabong na ng tuluyan, pakiramdam ko'y isa itong totoong tagumpay. Napayuko ako ng hindi sinasadya.

"Kuya, gusto mo ng malamig na softdrinks?" wika ng lalaking naka-kurbata, at halatang may sinasabi ang estado sa buhay.

Ngiti lang ang tipid kong sagot sa kanya. Kahit pa alam kong maganda ang intesyon nya, nahihiya akong makisalamuha. Sa suot kong simpleng t-shirt at faded na jeans, kumpara sa polo nyang dumaan pa sa masusing paghahabi, at itim ngunit makintab na slacks na sa tingin ko'y makinang din ang presyo.

"Madalas kitang naaabutan dito, hapon na kasi ako nakakapag-take ng lunch dahil sa dami ng trabaho.." muli nyang singit.

"May hinihintay lang ako. Pasensya na ha, hindi kasi ako pwede mag-abang sa malapit, madalas kasi akong sitahin ng guard."

Iyon na siguro ang pinakamahabang litanyang pwede kong masabi sa kanya. Hindi ako takot sa tao, iwas lang ako sa diskusyon lalo na't ako na ang tatanungin.

"Teka! Ibibili kita ng softdrinks! Pawis na pawis ka e, mukhang malayo pa pinanggalingan mo" nasasabik nyang wika. Pagkabili'y agad syang bumalik sa akin.

"Bakit dyan ka kumakain?" curious kong tanong habang pinapatid ang uhaw.

"Mura kasi! Paborito ko din ang pares na nilalako nila"

Napangiwe ako sa sagot nya. Matatanggap ko pa sana kung ang pagmamadali ang idadahilan nya, pero nagulat ako sa mas mababaw nyang sagot.

"Mura?!"

"Oo. Bakit nyo po natanong?"

"Marami kasing mas magandang makakainan dyan, at mukhang mas maayos." nahihiya kong sagot. Malakas na tawa lang ang ibinato nya pabalik sa akin.

Sa puntong iyon nakuha nya pang lumapit at umupo sa tabi ko. Hindi ko maiwasan, pero sumusundot sa ilong ko ang amoy ng pabango nyang dekalidad.

"Ikaw palang ang nagsabi sa akin ng ganyan. Akala ko lahat ng taong dumadaan at kumakain sa Jolly Jeep ay naiintindihan din ang mga bagay-bagay na umiikot dito."

"Hindi lang ang pares ang dahilan ng paulit-ulit na pagbalik ko dito. Kundi ang nakatagong aral na bihirang mapansin. Alam mo bang sa maghapon iba't-ibang klaseng tao ang humihinto at nakikisalo sa mga ulam na nakalatag dyan? Samut-saring tao ang nakikipagsisikan at nakikipagpalitan ng amoy. Iba't-ibang propesyon at iba't-ibang estado ng buhay? Mahirap at mayaman, may pangalan o wala. Napapansin mo bang wala kang pwedeng upuan? Lahat ay nakatayo at walang VIP para sa gwapo at seksing suki."

"Lahat pantay-pantay?" tanong ko.

"Tama. Ang simpleng istrakturang ito ang nagsasabing walang mahirap o mayaman sa mundo. Walang sisita sayo kung nakasando ka lang, o may sinasabi ang kulay ng collar ng suot mong polo. Dito malaya kang makipag-kwentuhan at makipagpalitan ng ngiti sa mga taong tingin sayo ay mataas. Walang malaking pader, na nakaharang sa dalawang uri ng taong pilit pinaghihiwalay ng mga kritiko."

Napangiti ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko'y nahugot ang nakabarang tinik sa aking lalamunan, na sa haba ng panahon ay pilit nagpapahirap sa akin.

"Ron, sorry na-late na naman ako"

Matamis na ngiti at maliwanag na mukha ang salubong sa akin ni Gilda, ngunit napahinto nang madatnan akong may katawanan at kakuwentuhan.

"Gilda! Kilala mo sya?"

"Yes sir! Sya po ang asawa ko.." magalang nyang sagot.

"Ahh.. Next time sabihin mo sa kaibigan ko sa harap ng entrance maghintay sayo at huwag dito. Sasabihan ko ang guard para hindi na sya paalisin" wika ng lalaki.

"Yes Boss, salamat!"

Sa daan pauwi kinuwento ko kay Gilda ang napag-usapan namin ng kanyang manager. Hindi sya makapaniwala sa kanyang nadinig, halata iyon dahil sa bilis ng pagtulak nya sa wheel chair na sinasakyan ko.


-End

One Morning of July - 1

(Ang imahe ay mula sa malikhaing kamay at isip ni Melala) 


***

"Hello Houston!"

Wala ako sa Houston. Yun ang alarm tone ng cellphone ko, na nakikipag-unahan pa sa sikat ng araw. Hinila ko pang maigi ang comforter para takpan ang mga mata kong iritable sa liwanag ng paligid. Snooze mode na sya nang aabutin ko na. Kahit masakit ang ulo ko sa dami ng naitumba kong bote kagabi, pakiramdam ko’y ang sarap ng gising ko.


Nakapikit pa ang mga mata ko habang kinakapa sa paligid ng kama ang nakikipagtaguan kong unan. Nang magtagpo ang aming landas agad ko syang niyakap. Nothing beats this feeling ika nga. Mabango talaga sya kahit tatlong buwan ng hindi nakikipagkita sa labahan. Daig pa ang fabric conditioner na ginagamit sa Let’s Talk Dirty.


Niyakap ko sya ng mahigpit. Para bang first time lang naming ulit nakasiping ang isa’t-isa. Nakikipagtalo pa ang antok sa akin, kaya inunat ko pang maigi ang aking mga paa na sa tingin ko’y tatama sa nais kong posisyon, para makakuha muli ng tulog.


“Urgh..”


“Huh?!”


“Good morning..”


“Good morning din..”


Napabalikwas ako. Mabilis kong hinawi ang makapal na telang nagtatakip sa aking katawan. Lumantad ang babaeng sa buong buhay ko ay hindi ko pa nakikita o napapaniginipan. Namutla ako’t napalunok. Mabagal ang pagdaloy ng laway pababa sa aking lalamunan. Agaran akong tumalikod sa kanya, nang napansin kong wala ni kapirasong tela ang pwedeng magtago kanyang katawan.


“Oh my God!” sabay naming wika.


Sabi ng tsismoso kong tenga, tumayo daw sya at mabilis na tinakip ang kumot sa kanyang katawan. Kasunod noon ang mga salitang, hindi na maaaring basahin ng mga batang mambabasa.


“Okay! Ilang bote ba ang naging dahilan nito? Kung anong nangyari wala akong alam.. Hindi ako aware!” nauutal-utal ko pang litanya, habang pilit na pinipigilan ang pagkilos ng aking katawan.


“What?! Hindi naman makapal ang mukha no? Anong ginagawa ko dito?!” mataray ang pagkakasabi nya.


“Ano nga bang ginagawa mo sa kwarto ko?”


“Kwarto mo?!”


“Ay hindi! Motel ito!” pilosopo kong sagot. “Pwede na ba akong humarap?”


“NO! Don’t even try!” mabilis nyang sagot na akala mo sya lang ang affected. “Nasaan ang phone ko?”


“Miss! Yung mga tanong mo imposibleng masagot..” agad akong humarap sa kanya.


Hinanap ko kung saan nagtalsikan ang aking mga ngipin, matapos malaglag ang aking panga dahil sa ganda ng babaeng kaharap ko. Kung pa-raffle lang ang mga babae sa mundo, malamang natumbok ko ang grand prize. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi, pero kahit simpleng detalye ay wala talaga akong matandaan. Kahit man lang kissing scene lang, sigurado akong kaya ko nang iguhit. Kahit anong halo ko sa sabaw, wala akong makuhang laman. Olats! Hindi sya pinagpala ng height, pero bumawi naman ang bilugan nyang mga mata. Bumagay din ang apple cut nyang buhok sa kanyang dimple, na kahit nakasimagot ay sumisilip.


“Sigurado ka bang wala kang natatandaan?” tanong nya habang diretsong nilalagok ang malamig na tubig sa baso.


“Company Anniversary lang ang event kagabi, at ang brand ng alak  ang natandaan ko” sagot ko habang nagsusuot ng shirt.


“Hindi ka part ng company, kaya sigurado akong hindi tayo doon nagkakilala..” dugtong ko pa.


Magulo talaga ang takbo ng utak ko. Dagdag pa ang pag-iisip kung anong nangyari sa apat na sulok ng kama kagabi. Kung mayroon man hindi ko alam kung paano nangyari, dahil sa sobrang kalasingan.


“Yes! I’m not! But—“


“So, ano nang balak natin?” mabilis kong kabig.


“We? Uuwi na ako! I need to get home, bago pa ako tawagan ni daddy..”


“Baka gusto mong mag-breakfast muna! Or coffee? Or coffee and breakfast?” pagbabakasakali ko.


“You’re funny! I don’t even know you, tapos kung makayaya ka parang close lang tayo?”


“Pinapakalma lang kita. Hindi tayo magkakaunawaan kung puro hysterical”


“Nagising akong walang damit, at may kasamang lalaki na hindi ko kilala. Sa tingin mo kaya kong mag-breakfast at mag-relax?” talsik lahat ng laway sa mukha ko.


Mabuti nalang at kasing haba ng San Juanico Bridge ang pasensya ko, kung hindi pinalayas ko na sya. Naubusan na ako ng isasagot. Pakiramdam ko’y lahat ng sasabihin ko may counter attack na sya. Hindi ko tuloy lubos maisip na nakatabi ko ng isang gabi ang babaeng ito. Produkto lang ng alak ang lahat, at ang nangyari ay isang malaking kalokohan lamang. Alam kong bawal mag-expect sa ganitong klaseng sitwasyon, pero sa ganda nya hindi ko maiwasang umasa. Kung lalabas sya ng kwarto ko, at magkikita kami ulit sa ibang lugar.. Maniniwala na akong may invisible na sinulid na nag-uugnay sa dalawang taong tinadhana. Naks!


Nakalimutan ko pang magbayad sa jeep, kaka-imagine sa mukha nya. Mabuti nalang may mga sayings na naka vandals sa loob ng disco jeep, tulad ng “God knows Judas not pay” at “Katas ng Saudi” pati ang “Fool the string to stuff”. Parang si Nyan Cat lang kung lumipad ang isip ko mula byahe hanggang opisina. Kinalawang yata sa dami ng alak.


“Noel!”


Dahan-dahan kong sinilip sa ibabaw ng computer monitor ko, kung sino ang tumawag sa akin. Matapos kong malamang guni-guni, agad kong binalik sa ginagawa ang aking paningin.


“Noel! Anong nangyari kagabi?” kumunot agad ang noo ko sa boses ng ka-officemate kong bida sa videoke kagabi.


“Anong nangyari? Nalasing lang.. tapos umuwi..” pagsisinungaling ko. Baka sakaling may matuklasan ako sa kanya.


“Kaya pala bigla kang nawala.. Akala ko tinake-out mo si Marta, sabay kasi kayong nawala..” pabulong nyang sagot.


“Si Marta? Haha! Hindi! Sino ba si Marta?” curious kong tanong. Sa gilid ng utak ko may nabubuo nang kakaibang senaryo.


“Lasing ka nga. Daughter of Mr. Reonico.. Si Boss!”


Tinignan ko sa likod kung may pwedeng sumalo sa akin, kung sakaling hihimatayin ako. Nagpilipit ang dila ko sa sinabi nya. Hindi ko sigurado kung Marta nga ang pangalan ng misteryosang babae na nakitulog sa kama ko kagabi. Pero may kutob na akong magiging magulo ang takbo ng buhay ko, kung sakali mang sya iyon.


“Bilib na ko sayo Noel! Akala ko nga kayo na e, sa sobrang close nyo kagabi. Good thing lasing din si boss, kung hindi nag-iimpake ka na ng mga gamit mo dito sa opisina.” Pang-aasar nyang may halong inggit.


“Advantage daw kapag kargado ng alak, may automatic na humor na bigla nalang susulpot” pabiro kong sagot, o excuse na din para matapos ang usapan.


Naging problema ko ang paghahanap ng sagot, kaya nawala na din sa isip ko ang pagkuha ng pangalan nya. Contact o address man lang ay malaking tulong na. Naglalaro din sa pilyo kong isip na kung sakaling mag-krus ulit ang lasing naming landas, may chance pa kayang maging maayos ang aming relasyon. Friends ba? Kahit isang porsyentong tyansa lang, alam kong madedevelop iyon sa isang daan. Pero paano ako magsisimulang hanapin sya? Kung ang natandaan ko lang ay ang kurba ng kanyang balakang?


Tatlumpu’t tatlong minuto bago matapos ang oras ng trabaho. Himalang walang text message na natanggap ang cellphone ko. Sa ganitong tipikal na araw, ang pagpapadala ng mensahe at pagtawag sa akin ang trip ni mommy bukod sa pagko-cross stitch. Hindi ko alam kung tumumba ang cell site sa Bicol, o nang-chiks na naman si daddy kaya nalimutan nila akong kamustahin. Kung tutuusin yung party lang last night, ang pinaka-exciting na nangyari sa unang isang buwan ko dito sa company. Mababait naman sila, yun nga lang nasobrahan kaya ang produkto ay pagkaboring.


"Marta.. Marta.. Marta.." paulit-ulit kong bulong sa sarili habang binabaybay ang kahabaan ng Paseo sa Makati.


Nabitiwan ko ang cellphone ko sa sobrang gulat, dahil sa halos kasing nipis nalang ng buhok ang distansya ng sasakyang nasa harapan ko huminto. Hindi pa yata ako matatauhan kung hindi bumusina ang driver. Sumenyas lang ako at nagsabi ng sorry, kahit pa alam kong hindi nya iyon maririnig.


"Ikaw?!" wika nya habang binababa ang sunglass sa kanyang mata. bukas na ang bintana ng auto nang nilingon ko sya.


"Siyam na oras palang tayong nagkakahiwalay ha! Ang bilis mo naman akong ma-miss"


"Kung nalaman kong ikaw yan, hindi na sana ako nag-preno" natatawa nyang wika.


Hindi ko alam kung paano susuklian ang kanyang ngiti. Moody ba sya? Kanina lang gusto nya na kong tirisin sa pagitan ng kanyang mga kilay, at kahit footprints ko ay pinagdadasal nyang hindi na nag-exist. Ngayon kung ngitian nya ako, daig nya pa naglalambing na bata. Nang-aakit ang kanyang mga labi, na hindi ko magawang titigan ng diretso. Pumaling ang kanyang ulo kasunod ng isang kindat.


"Free ride ba 'to? o Peace offering?"


"Both! Malinis na kasi ang pangalan mo sa akin.." wika nya habang tinatahak ang u-turn.


"Ah.. Walang nangyari?" pigil kong tanong.


"Do you expect na may nangyari?" mataray nyang sagot.


Supalpal ako sa sinabi nya. Halata ang motibo ko. Dali-dalli kong nilihis ang aking mata papalayo sa kanya. Binalak ko nang mag kwento ng malayo sa usapan, pero kahit anong pilit ko hindi ko alam kung paano magsisimula. Napansin ko na lang ang kalyeng tinatahak namin ay hindi pabor sa akin.


"Bakit dito tayo? Anong meron at ang daming tao?"


"Guess what?!" nakangiti nyang wika.


"Birthday ko! At ikaw ang magiging partner ko ha! Just pretend na matagal na tayong magkakilala.. Kung maari pwede ding boyfriend"


Alam na siguro ng kahit sino ang ngumiti, kahit mukhang nagulat lang ang mukha. Sa loob-loob ko may weird na pakiramdam. Feeling ko'y gwapo ako, at ang pagpilit nya sa akin ang nagpapatunay nun.


Ilang minuto pa nakapag-park na din sya ng maayos. Bago tuluyang hugutin ang susi sa pinagsasaksakan nito, sinilip nya pa ang sarili sa rear mirror at tumingin sa akin. Ngiti din ang sukli ko. Kahit kabado, pinilit kong magmukhang relax. Mabuti nalang at naka semi formal ang porma ko.


"Ready ka na--"


"Noel! Noel nga pala.." agad kong sagot.


"Nice name. Mukhang mabait. I'm July!" sabay abot ng kanyang kamay para makipag-shake hands sa akin.


"July? Sino si Marta?" bulong ko sa sarili.






itutuloy din syempre.. 

Obliviónis


Hindi tipikal na pawis ang tumulo galing sa sintido ko. Kakaiba ang lamig na umiikot sa paligid, hindi pangkaraniwan sa pakiramdam ko. Ang malamlam na sinag ng buwan ang tanging liwanag na nagbibigay buhay sa paligid. Ngunit nakapagtatakang hindi takot ang namamayani sa katauhan ko. Labis na pagkalungkot ang syang emosyon na dinidikta ng puso ko.


Ang pagkusot lang sa mata kong napuwing ang huli kong natatandaan. Sa muli kong pagdilat, ang naunang sitwasyon na ang sumalubong sa akin. Nakaupo ako sa malaking tipak ng bato, sa ilalim ng isang malaking puno. Sa abot ng aking tanaw, alam kong nasa tuktok iyon ng isang burol.


"Isa ka din sa kanila.." wika ng lalaking nakatago sa madilim na parte ng puno.

Flamingo - Chapter 8

Sa muling pagkakataon, nilagay na naman ako sa sitwasyong may mga katanungang hindi abot ng palyado kong utak. Bakit kailangang itago sa akin ang lahat? Lalo na si Rica. Mas madali pa akong kausap kesa kay clever bot, kaya siguradong maiintindihan ko kung sasabihin nyang isa lamang syang adopted. Ang buong misteryo ay tila yelong natutunaw sa baso. Habang lumiliit ang tipak, lalong nakikita ang tubig.


Kung may buhay ang auto ginamitan na ako ng mga salitang hindi pwedeng isulat. Halos paliparin ko ang apat na gulong nito sa pagmamadali. Malalakas na busina naman ang bato ko sa mga kotseng nais kong i-over take. Galit. Yun lang ang nararamdaman ko.


"Bawal mag-park dyan.." sita ng isang lalaki nang makita akong naglalakad, limang dipa na ang layo sa kotse. Nakakapagtakang nagkaroon bigla ng harang ang dapat na dadaanan ng auto, patungo sa bahay nila Sarah.


"Sarado na ang daan sir. Saan pa ba pwede?" tanong ko.


"Ngayon lang naman sinara yan. May emergency siguro kaya hinarangan ng mga tao.. May ambulansya kasing pumasok kanina" paliwanag nya.


Hindi ko na nagawang sumagot. May punto ang sinasabi nya. Pabalik na sana ako ng kotse, nang biglang magsalita naman ang babaeng katabi lamang ng lalaking sumaway sa akin.


Napabalikwas ako ng takbo sa narinig ko. Kung kanina puno ng galit kahit ang pagmamaneho ko, sa isang iglap lang nakalimutan ko na ang dahilan. Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko.


"Si Sarah na naman siguro.." wika ng babae.

A Lab Story

she: "Good Morning! Napatawag ka?"
he: "May swerte daw kasi ang tinig mo.."
she: "Bolero! Hindi ka pa din nagbago.."
he: "Kamusta na pala? Madalas na kitang maalala nitong mga nakaraang araw.."
she: "Nasa mabuting kalagayan naman.. Ikaw? Maganda ba ang korea?"
he: "Maganda kung kasama kita sa almusal ko ngayon.."
she: "Cheap shot! Kamusta naman ang araw?"
he: "Sumisikat pa din! Sya nga pala.. Nabigyan ako ng increment!"
she: "talaga? good! hindi na bago yun, masipag ka kasi sa work.."
he: "May kapalit.. Na-extend ng isang taon ang kontrata ko.."
she: "Ganun ba.. Akala ko pa naman makakasama na kita sa birthday ko.."
he: "Huwag ka nang malungkot.. Para naman sa kasal natin yun!"
she: "Sigh.. Babalik ka pa ba? Madalas na kasing nalulungkot ako.."
he: "Hangga't may trabaho dito ako. Masasanay ka din.."

Akalain mo yun?


“Thumbs up! Flowers din guys!”
“Kung aabot sa 500 users.. Open na lahat!”

Crowded. Singkit ang mga mata ng manonood. Kahit air-continuous ang hangin sa inuupahan naming kwarto noon, eh nag-aapoy naman ang pwit ko kakahanap ng kumportableng pwesto. Mabilis ang daloy ng mga salita sa chatroom na kinabibilangan ko. Anong meron? Kapag pinasok na ng naatasang dj ang kantang “Lady in Red”, “Por Amarte”, at ang walang kamatayang “Ring my Bell” isa lang ang nagaganap.. Alam na! Wankero!

Puputulin ko na bago pa uminit ang kung anong ulo ng babasa. Camfrog ang tinutukoy ko. Alam naman nating lahat kung anong meron sa 18+ rooms tuwing 2pm, 10pm, at 3am. Ano bang kinalaman ng naglalagablab na show sa binibida ko dito? Hindi ka maniniwala. Aside sa namamawis na singit ko tuwing happy hours, dito din ako nagsimulang magsulat o gumawa ng kwento.

Dear Blank

Nakakairita na ang bawat kindat ng palyadong bombilya sa aking kwarto. Nakikisabay din ang putol-putol na tugtog sa radyo. Ang kanina pa sana tapos na liham ay hanggang ngayon ay puti at blangko pa din. Dear blank.. Blangko ang kadugtong ng pamosong panimula sa isang typical na liham. Hindi naman kailangang maging writer kapag sulat pag-ibig ang nilalaman. Tunay na nilalaman lang ng damdamin at konting pambobola swak na, pero tila tinamaan ako ng writer’s block sa mga oras na ‘to.

Madami akong gustong sabihin sa iyo. Isa na doon ang mga mata mo. Hindi na kailangang gumamit ng pendulum swing, kasi titig palang na-hypnotized na ako. Kaya yung matagal ko nang gustong sabihin sa iyo, e laging napipigil sa tuwing titignan mo ako. Hindi yun bola! Totoo lahat iyon. Sa katunayan nga lang kung lambing lang ang pag-uusapan, aba’y kahit ang Scarborough Shoal posibleng maagaw mo sa bansang tsino. At sa tuwing didikit ang braso mo sa braso ko, yung mga balahibo ko tumatayo. Hindi yata sanay sa laking aircon na kutis. Yung pakikipag-usap mo sa akin may dating din. Kasi tuwing nagsasalita ka, kahit love life ng aso nyo lang ang kwento e talagang namamangha ako.

Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon. Minsan gusto na kitang yakapin, kaso yung kuya mo laging nakatingin sa akin. Basa ko sa mga kilos nya na wag ka lang daw mapupuwing, kundi yung kamao nya didikit sa mata ko.

Mahal na mahal naman kita e, kaso may pumipigil sa akin para sabihin yun. Siguro naman mahahalata mo na. Kung tatanungin mo naman ako kung ano, matutunaw ang eyeliner mo pero kahit isang salita walang lalabas sa bibig ko. Lahat ng ginawa mo para sa akin ay nagbibigay dahilan para hindi ko ituloy ang liham na ‘to. Ewan ko ba. Napako na yata ako sa magagandang ala-ala at sweet moments na naranasan ko sayo. Kaya kahit umiwas ako konting kembot lang ng balakang mo nagiging paatras ang lakad ko.

Sana ikaw nalang ang gumawa ng paraan para magkaroon ako ng magandang dahilan. Sana sayo galing ang motibo para hindi na ako mahirapan. Simple lang naman yun di ba? Ayoko nang dayain pa ang nararamdaman ko para sayo. Kung hindi ko man masabi sa iyo, sana sa tulong ng liham na ito maisakatuparan ko iyon. Pero lintik ang mga salita kung lumipad. Masyadong mailap kaya hindi ko sila mahuli at mailapat.

Uy! Umaga na pala! Sumasakit na ang aking mata kakatitig sa asul na linyang nakapila. Sa dami ng istorbo mukhang hindi ko na matatapos ito. Nasabi ko pa naman sayo na may ibibigay ako. Sana hindi mo maalala para hindi ka mangulit. Nakakainis pa naman kapag kinukurot mo ako sa kung saan-saan. Kapag nagkita tayo mamaya, pakiusap ko lang huwag mo muna sana akong babatiin. Ang hirap kasi umiwas kapag nagsimula ka nang maglambing.

At bago ko tuluyang punitin ang atras-abanteng liham na ito, isa lang ang na-realized ko. Akala ko’y may mas mahirap pa sa pagiging torpe. Hindi ko lubos maisip na mas mahirap pa palang kumalas sa relasyong bunga lang ng pustahan, lalo na’t sa huli na-inlab kana pala. Ayokong  mawala ka, pero mas ayokong matuklasan mo ito sa iba.

Dear blank.. Alam mo ba? Nakakatakot din palang isulat ang katotohanan.




Literati Tiyalends: You're alone in your room trying to write. But for some reason, you're terrified. For a minimum of 200 words, write about what's scaring you.

Andy

Malaking ngiti ang salubong ko sa mga aplikanteng nakapila para sa job interview. Dagdag pogi points ang pakikipag-unahan sa call time, kaya kahit ang usok ng mainit na pandesal ay hindi ko na nagawang tikman. Napakagandang balita ang pagkakatanggap ko sa trabaho para kay Inay, at siguradong bangka na naman si kwentuhan itong si Itay.

Isa na yata sa magandang regalo sa mga magulang ang makita ang kanilang anak, na makatapos ng pag-aaral at may matinong trabahong papasukan. Hindi ko sila binigo. May diploma akong dadalhin kahit saan, at may matinong trabahong nakahandang pasukan.

"Bayad ho!" iritable ang aking boses habang iniaabot ang bayad sa driver. Hindi na bago ang pakikipagsisiksikan sa pampasaherong jeep kapag lunes, kaya hindi na din bago kung mangamoy pawis ka man pagbaba.

"Bayad din po, pakiabot!" pakikisuyo ng babaeng nasa kaliwa ko.

Natigilan ako sa pag-abot ng kanyang bayad ng mamukaan ko kung sino. Ganoon din sya. Pilit kong hinuhuli ang kanyang mga mata, ngunit mailap iyon. Wala akong ideya kung natatandaan nya pa ako, o sinasadya nyang hindi ako pansinin. Kahit pa magkatabi kami dumaan lang ang ilang minuto na ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig.

"Para po!" maagap nyang tugon, kahit pa alam kong malayo pa ang kanyang bababaan. May kung anong bagay na tumulak sa akin para sundan sya.

"Andy!" sigaw ko habang tumatakbo.

"Hindi na dapat kita susundan, kaso parang hindi naman tayo magkakilala nyan.."

"Malayo ka pa di ba? Sayang ang pamasahe, bakit ka pa bumaba?" diretso pa din ang paa nya sa paglakad, at halata ang pagmamadali. Kahit isang lingon ay wala syang isinukli.

"Gusto lang kitang kamustahin, biglaan kasi ang pagkawala mo noong huling taon sa kolehiyo. Hindi ko alam kung na-traffic ang balita, o talagang mahina ang signal kaya hindi nakarating sa aming mga kaibigan mo.." pagbibiro ko.

"Mahabang kwento. Hindi sapat ang byahe hanggang sa ending.."

"Hindi ka pa din nagbago. Seryoso na sana ako kaso nagbiro ka"

"No, I'm serious!" mabilis nyang sagot.

"Kailangan kong huminto. Kailangan ko ng trabaho.."

Trabaho? Hindi ko magawang maniwala sa sagot nya. Maganda at may sinasabi ang propesiyon ng kanyang mga magulang, at may sapat na kita para makatapos sya ng pag-aaral. Nasa ibang bansa din ang kanyang mga kapatid at tiyahin. Scholar ako samantalang sya fully paid ang matrikula. Kung makakatapos sya, pwede na lang i-display ang diploma nya sa facebook wall nya.

"Doon ka pa din ba nakatira? Hatid na kita!"

"Lumipat na kami!"

"Hindi nga? E bakit yun pa din ang daan?"

"Sa ating dalawa ikaw ang hindi nagbago. Pilosopo at laging may pinupunto" nakangiti nyang sabi.

Sa lahat ng kaibigan si Andy ang hindi pwedeng makalimutan. Pwede ko syang ihanay kay Bert, laging naka-smile at palatawa. Madali syang pangitiin, kahit makipagtitigan ka lang tatawa na sya. Kapag malungkot naman, kahit simpleng lambing lang okay na sya kaagad.

Sinabayan ko sya hanggang makarating kami sa kanila. Hindi na pamilyar sa akin ang lugar. Marami nang nagbago mula noong huling beses na nakarating ako. Balita din na napalitan na ang alkalde, kaya ang palatandaan kong banner ay nawala. Ang mga tambay nalang na laging laman ng kalsada ang hindi nawala sa eksena.

"Alam mo namiss kong maka-kwentuhan ka, makasama sa kulitan, makabonding. Kaya sobra ang lungkot ko nang biglang nawala ka" bulong ko.

"Namiss din naman kita. Kung pwede lang sanang bumalik ginawa ko na. Ayoko din naman na nag-iisa"

"Pwede naman! Matutuwa ang barkada kapag nalaman nila.."

"Hindi na maari Rey!" nalungkot ako sa sagot nya. Hula ko na may malaking problema syang dinadala.

"Kilala kita! Defensive ka kapag may tinatago. Magsabi ka na, makikinig ako. Alam mo namang yan ang papel ko sa ating dalawa."

"Nabuntis ako sa huling lalaking minahal ko.."

Bumagsak ang balikat ko sa siniwalat nya. Tulad ko at ng karamihan, meron din mga pangarap si Andy. Madalas nyang ikwento sa akin yun noon. Gusto nyang makatapos at maipagmalaki din ng kanyang mga magulang. Simple pero malaman na hangarin sa buhay. Pero sa isang iglap nasira yun ng dahil sa mapupusok na sandali. Lobong pumutok bago pa makarating ng langit na maituturing ang kanyang pangarap.

Naubusan ako ng jokes sa nalaman ko. Lungkot at buntong hininga ang pumagitna sa aming usapan. Pinilit kong maglagay ng ngiti sa sariling labi. Hindi man sapat umaasa ako na mapapagaan ko ang loob nya. Ginulo ng aking kamay ang nakasimangot nyang mukha. Madalas kong gawin iyon sa kanya sa tuwing humahaba ang nguso nya. Effective din. Napangiti ko sya.

"Bakit hindi ka nagsabi?"

"Mahal ko kasi sya. Ayokong masira ang mga pangarap nya. Kasalanan ko din naman ang lahat kaya walang dapat pagsisihan"

"Hindi mo ba inisip na baka kailangan mo sya?"

"Naroon na ako. Kaso sa tuwing nakikita kong nakangiti sya nawawalan ako ng lakas ng loob"

"Sa tingin mo mahal ka ba nya?"

"Hindi ako umaasa. Pero yun ang nais ko. Yun ang pangarap ko.."

Niyakap ko sya. Pinaramdam ko sa kanyang hindi sya nag-iisa. Ang pagkabigo sa isang hangarin sa buhay, ay hindi sapat na dahilan para hindi ipagpatuloy ang nasimulan. Tulad ko at tulad ng karamihan may pangarap din si Andy, pero hindi ko inaasahang ang pangarap nya ay mas matamis pa kesa sa pangarap ko.

"Sya nga pala! Natanggap ako sa inapplayan ko!"

"Manlibre ka!"

"Sure! Basta kasama si.."

"Andrew. Andrew pangalan nya.."

"Pwede ko ba syang makita?"

"Hindi ka maniniwala pero.."

"..marami syang namana sayo!"

-End

Flamingo - Chapter 7

Wala akong salitang mahugot kahit saang sulok ng isip ko. Pabor nga sa akin ang lahat, ngunit parang may tumutulak sa akin para tanggihan iyon. Malaya na ako. Malinis na ang pangalan ko, at kahit sinong babae ay pwede nang sumakay sa mga bola ko. Natupad ang pakay kong ayusin ang gusot na ginawa ni Rica. Tulad ng dahilan ng pagpunta ko dito, iyon din ang magiging dahilan ng pag-alis ko. Ngunit sa maikling panahon namalagi ako sa Mojaeles kasama si Sarah, ay nagkaroon ako ng kakaibang attachment sa kanya. Malaki ang hinala kong may gustong mangyari si Rica, kaya nya nagawa iyon. At ang pagtuklas nalang ang pwede kong gawing alibi.

Ang tanong ay para saan? Para malinawan ako sa lahat, o para makasama pa si Sarah? Ang gulo ng takbo ng isip ko. Kung free rides lang ang utak ko marami ang aayaw dahil sa dami ng loops.

"Naisip ko lang kung sino ang magbabantay sayo, habang nasa hospital pa sila" palusot ko, habang sumasayaw pa ang mga paa sa direksyong atras-abante.

"Wala ka namang dapat alalahanin. Kabisado ko ang bahay, at umuuwi din si manang tuwing umaga. Besides pwede din naman akong mag-stay sa hospital, para magbantay kay daddy" paliwanag nya.

"Oo.. Oo nga! Pwede din yun.."

"Baka gabihin ka sa daan. Malayo pa ang siyudad"

"Meron naman sigurong lugar na pwedeng hintuan. May mga nakita akong hotel sa bayan"

Humakbang sya ng ilang beses papunta sa akin. Inaninag ng kanyang kamay kung nasaan ang aking mukha. Sa balikat ko iyon dumapo. May kakaiba sa ngiting binitiwan nya. Sa tingin ko'y malalim ang kahulugan ng isang iyon.

"You have to go.." bulong nya.

Mula ng talikuran nya ako hanggang sa mga oras na ito, ay wala talaga akong masilip na dahilan para ipagtabuyan nya ng ganun. Iniisip ko pa madalas kung bunga lang ng stress o naghahanap lang ako ng presence ni Rica, kaya ganun nalang ang saya ko ng magkita kami ni Sarah. Gulong gulo na ako. Sa mga ganitong bagay kailangan ko ng makakausap. Wala ako sa sarili. Hininto ko ang pagmamaneho ng nakarating ako ng bayan. Alas kwatro palang ng hapon, pero nagpasya na akong maghanap ng matutuluyan. Bunga na din ng sakit ng ulo dahil sa alak na matiyagang nakipag usap sa akin kagabi.

"Kahit anong kwarto basta nasa mababang palapag.." wika ko sa babaeng receptionist.

Mabagal pa yata sa usad ng pinas ang hakbang ng aking paa, habang tinatahak ang daan patungo sa kwartong ibinigay sa akin. Lipad ang aking isip, at tila hindi ko alam kung paano iyon hahatakin pabalik. Malaki ang kwarto dahil sa kaunting kagamitang nakapaloob dito. Ang mabababaw na buntong hininga na nanggagaling sa akin ang syang ingay na naghahari sa apat na sulok ng silid. Sinubukan kong aliwin ang sarili sa mga palabas sa telebisyon, pero kahit ang patok na jokes ni oprah ay mukhang hindi nakikisama. Kung sumpa lang ang lungkot sa bawat tao, natatakot akong baka wala nang lunas ito.

Inilapat ko na ang aking katawan sa kama. Sa tabi ko ang mga papeles na kanina pa umaagaw ng atensyon ko. Malinis, at detalyado ang lahat. Sumagi sa isip ko na kahit pala sagrado ang isang kasal at may basbas ito ng nasa itaas, sa huli ang tao pa din ang pwedeng sumira nito. Ang preperasyon, gastos, at pag-ibig na pinuhunan noon, ay isang pirma lang ng magkabilang panig ang katapat. Ganoon lang kabilis ang isang bagay pagdating sa batas ng tao.

---

"Hindi ka masaya sa nangyari, kasi pakiramdam mo'y parang wala kang uuwian sa maynila. Walang taong nakangiti na sasalubong sa iyo. Naghahanap ka ng presensya ng namayapa mong asawa. Wag mong sabihing nakita mo iyon sa kapatid nya?"

"Hindi ko alam.. Wasted ako nang mga panahong iyon. Kahit ang pakikipag-usap sa ibang tao ay iniiwasan ko. Madalas na akong mapag-isa nang nawala si Rica. Minsan nga naisip ko na isang gag show lang ang pagkamatay nya, at ang gusot sa kasal ang makaka-ayos nun. Nag-suffer ako sa matinding depression. Nililigaw ko ang sarili, pero sa huli bumabalik pa din ako sa simula."

"Tapatin mo nga ako Marcus.. Nagkaroon ka ba ng relasyon kay Sarah?"

"Hindi ko matatawag na relasyon ang isang iyon. Paghahanap ng kalinga pwede pa." sagot ko.

---

Ginising ako ng sunod-sunod na door bell at katok. Bumalikwas ako na salubong ang dalawang kilay. Sa lahat naman ng pwedeng ika-badtrip, ang pinakaayaw ko ay masisira ang tulog ko. Pakiramdam ko'y magigising si bruce banner kapag ganun. Mabilis kong tinungo ang pintuan, pero bago buksan sinilip ko muna ang peephole. Isang tauhan ng hotel na sa tingin ko ay may importanteng pakay sa akin.

"Sir, pasensya na sa abala. Sa inyo po ba ang kotseng nasa harapan?" magalang nyang tugon.

"Kung yung nasa harapan nga na nag-iisa. Sa akin nga! May oras ba ang pag-parking?"

"Bawal po doon sir. Kailangan nyo lang pong ilipat sa parking mismo sa likod, bawal po kasi ang mag-park sa harapan." paliwanag nya.

At kahit nag-aagaw pa ang antok ay mabilis kong tinungo ang sasakyan. Medyo malabo pa din ang paningin ko at galing sa dilim kaya inaaninagan ko pa kung sino ang makakasalubong. Nasa 1st floor lang ang kwarto kaya ilang hakbang lang iyon para matunton ang lobby. Sa huling kanto paliko, medyo blind spot.

"Sorry sir!" wika ng babaeng nakabangga ko. Inamoy ko pa ang sarili para siguruhing wala na ang ispirito ng alak kagabi.

"Sorry miss! Hindi lang kita napansin" wika ko habang pinupulot ang mga gamit nyang nalaglag.

"Marcus?"

"Elaine? Ikaw na ba yan?"

"Ano? Syempre ako to'!" pabiro nyang sagot.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ako yata dapat magtanong nyan, kasi dito ako nagtatrabaho. Ikaw, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"

"Galing ako sa Mojaeles. May binisita lang. Teka, babalikan kita! Iaayos ko lang ang parking ng kotse sa labas" paalam ko.

Classmate namin ni Rica si Elaine noong kolehiyo. Nabanggit nyang dito sya talaga nakatira, at nag-aral lamang sa maynila. Magkasundo kami dahil magkaklase kami sa maraming subject, at sya din ang nagpakilala sa akin kay Rica. Nagkaroon kami ng magandang samahan, barkada, tropa. Pero nang matapos ang graduation, para nalang syang pulitikong matapos makadiskarte ng kung anong madidiskarte ay agad nalang nawala.

"Bakit mo naisipang dito magtrabaho?" tanong ko habang sinasabayan sya sa paglalakad pabalik sa aking kwarto.

"Malapit kasi sa pamilya ko. May edad na ang mga magulang ko, alam mo naman ang tumatanda. Kumukulit."

"Ikaw, sinong binisita mo?" naipit ang dila ko sa tanong nya. hindi ko masabi sa kanyang pumanaw na si Rica o kilala nya bilang Sarah. "May masama ba sa sinabi ko? Namumutla ka kasi"

"Ah, e break time tama? Gusto mong magkape? Medyo mahaba kasi ang kwento" anyaya ko.

"Sige!" magiliw nyang sagot.

Sapat na siguro ang isang matapang na ground coffee, para magising ang diwa ko at makapag isip ng tama. Hindi sya mahilig sa kape, kaya juice ang inorder nya. Sa isang sulok ng veranda ng hotel, na kadalasang tambayan ng mga empleyado tuwing break ay doon kami naupo. Nakaka-relax ang lamig ng hangin, kahit pa nasa summer na klima ang bansa. Sumakto lang sa timpla ng mainit na kape.

"Okay, ano bang na-missed ko sa Marcus na kilala ko?" pauna nya.

"Wala namang nagbago sakin. Kilala mo naman siguro si Sarah?" wala na akong balak na illigaw pa ang usapan, kailangan ko ng mapagsasabihan. "Pumanaw na sya.."

"Kailan pa?!" maagap nyang sagot.

"Isang buwan na sa susunod na linggo.. leukemia. ang masakit pa itinago nya iyon sa akin." kahit pa pigilin ko, kusang nagbagsakan ang luha ko. "Hindi ko matanggap ang pagkawala nya Elaine, mahal ko sya.. sobra"

"I'm sorry Marcus.. Pero kailangan mong tatagan.."

"Pero may isa pa akong problema Elaine. After the grad, nagpakasal kami ni Sarah. But huli ko nang nalaman na hindi talaga Sarah ang pangalan nya, kundi Rica.. And that's the reason kung bakit ako nandito. Hinanap ko kung sino ang Sarah na pinakasalan ko. And I found out na sa kapatid nya palang identity ang ginamit nya."

"What?! Si Sarah ay hindi si Sarah? Si Sarah na kilala natin, ay Rica ang pangalan?! Paano nangyari yun?!"

"Feeling ko nga cast ako sa isang teleserye. Okay na naman ang lahat, ipinaliwanag ko sa pamilya nya ang lahat. Naunawan naman nila, saka si Sarah. I mean yung totoong Sarah"

"Nahihiwagaan lang ako Marcus. Si Sarah.. No! Si Rica ay walang totoong pamilya. Adopted sya Marcus. Sorry.. Hindi nya ba nasabi sayo?"

"Ano? Pakihimay mo pa nga" wika ko.

Lalong nagulo ang magulong utak ko sa sinabi nya. Hindi ko na alam kung ano ang totoo, at kung sino ang paniniwalaan ko. Ni hindi pumasok sa isip ko na adopted lang si Rica. Pinatunayan iyon ni Sarah na kapatid nya. Kung may sakit lang siguro ako sa puso, ay sinugod na ako sa hospital. Binunot ko ang cellphone ko, at hinanap ang picture ni Sarah na kapatid ni Rica. Tanda kong may kuha sya dito. Ninakawan ko sya ng kuha, dahil kahit isang imahe ay wala sa kanilang bahay. Naisip ko na pwede kong magamit ang pic kung sakaling may kwentuhang kagaya nito. Alam ko kasing walang maniniwala sa ganitong klaseng kwento.

"Walang kapatid, magulang, o kamag-anak si Rica. Kung tama ang pagkakatanda ko nagpunta sya ng maynila para maghanap. Nabanggit nya sa akin yan noong isang beses na nagkita kami sa isang school seminar" paliwanag nya.

"Hindi ako sigurado sa sinasabi mo Elaine, heto tignan mo. She is Sarah, kapatid ni Rica.." Inabot ko sa kanya ang aking cellphone. sumingkit pa ang kanyang mata, habang pinagmamasdan ang picture sa phone.

"Marcus, are you sure?!"

"Oo! Magkahawig sila. Konti lang ang deperensya. Mas cute nga lang si Rica" pabiro ko, habang kinukuskos ang braso dahil sa lamig.

"Halika!" mabilis nya akong hinila. hindi ko alam kung anong sumapi sa kanya. ang kape ang unang pumasok sa isip ko, hindi ko pa natikman dinampot na agad nang isang waiter nang umalis kami.

Dinala nya ako sa isang fire exit, kung saan walang tao na pwedeng makarinig sa amin. Kung may sasabihin sya, alam kong isa iyong sikreto. Kung isang sikreto iyon tungkol sa dalawa, kailangan ko yun malaman.

"Hindi pwede ang sinasabi mo. Yang nasa cellphone mo ay ang anak ng may-ari ng hotel na ito.." pabulong nyang sinabi ang bawat salita. Hindi ko na maunawaan ang nangyayari. Habang tumatagal ang takbo ng orasan, mas marami akong natutuklasan.

"Sigurado ka Elaine? Anong pangalan nya?"

"Hindi ko alam ang pangalan nya. Hindi naman ako interesado sa company profile. Pero madalas syang pumupunta dito, kasama ng kanyang ama.." mabilis nyang sagot.

"Baka kahawig lang.. Sino ba ang ama nya?"

"Si Sir Fred! Frederick Roman!"

"Syet!"

Mula sa fire exit tinakbo ko ang aking kwarto. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Elaine. Mabilis kong binitbit ang aking mga gamit, at tumulak sa parking area. Pakiramdam ko'y may mas malaki pang misteryong nakatago sa pagitan ni Sarah at ni Rica. Hindi na ako nagdalawang isip pa, at agad na bumalik ng Mojaeles.