Tsinelas

image credit to orig uploader syempre :)

"Tang-na! May nagnakaw na naman ng tsinelas ko!" maktol ko matapos masigurong wala ang bagong biling tsinelas. "Kagabi nandito lang yun e!" sabay titig sa asong si Kulas na agaran namang tumakbo papalayo sa bakuran.

"Hanapin mo lang dyan. O baka nahiram lang ng kuya mo, umalis kaninang umaga e"

"Nag-basketball si kuya, sigurado naka-sapatos yun!"

"Gamitin mo yung mata hindi yung bibig!"

Asar na tinakpan ko ang kaliwa't kanang tenga para 'di marinig ang mga sasabihin pa ni Ermats, "Bwisit na buhay 'to! Spartan nalang tinalo pa!" bulong ko sa sarili.

Tyempo namang lumabas sa tapat na tindahan si Roy. Bunsong anak ng pamilyang bagong lipat lang sa kanilang lugar. Namuo ang paghihinala sa aking utak, dahil noong nakaraang araw ay aksidente kong nakita ang nawawalang bola sa kamay ng bata. Tanggap ko namang bola lang yun at alam kong kahit sinong na'sa ganoong edad ay maaakit lalo't naiwan lamang kakalat-kalat sa bakuran. Pero ang tsinelas na walang pinagkaiba ang nipis sa papel ay hindi katanggap-tanggap para lang nakawin.

Dali-dali akong tumakbo sa tindahan kahit naka-yapak. Pasimpleng tinignan ang paligid. Nagbabaka-sakaling may kapiranggot na ebidensyang makita. Bigo. Napaupo na lamang sa sama ng loob.

Shooting Star

image credit to orig uploader :)


"Kung na-solo mo ang nagdaang shooting star, anong hihilingin mo?" excited na tanong ni Toni nang may mapadaang bulalakaw sa langit. Siguradong sa lawak ng kalangitan hindi lang mga mata namin ang naka-saksi kaya sa isang daang pursyento malamang .1 lang ang tyansang matupad ang bagay na naisin ko.

"Ano?"

"Iwi-wish kong maging bata ulit," walang kwenta kong sagot. Kung magtatabi ang papel de liha at ang kanyang mukha parang walang pinagkaiba dahil sa weirdo kong sagot.

"Maging bata? Ayaw mo ng pera? bahay? maging artista?"

"Yung kapitbahay namin yumaman dahil tumama sa lotto pero mas marami pa ding problema 'di tulad ng pamangkin kong pagkukulay lang ng kanyang ginuhit ang iniisip. Hindi rin sya naging artista."

"Lalim ha! Ikaw na!"

Natawa lang ako sa sagot nya. Nagawa ko pa din palabasin ang pinaka-maganda nyang ngiti. Nakagawa pa din ng paraan para mag-mukhang matalino kesa sa alaga nilang parrot. Sumandal ako sa rocking chair at ipinatong ang dalawang palad sa aking ulo. Inugoy-ugoy ito habang pinagmamasdan si Toni. Wala pa ding kupas ang kanyang kagandahan. Parang hindi lumipas ang dalawampung taon saming dalawa.

Ika-Siyam (2)

image credit to orig uploader :)

Parang mga makukulit na buni lang kung magbalik sa isip ni Oswald ang mga nangyari. Pinipilit ang sarili na wala itong kinalaman sa kanyang panaginip. Dalawang linggo nang hindi nagpapakita ang matanda sa kanyang pagtulog. Tila see-saw ang kanyang paniniwala sa pintong tutupad daw sa kanyang hiling.

Madalas na syang nag-iisa. Minsa'y kinakausap ang sarili. Kahit ang kaibigang si Wilfred ay hindi din alam ang isasagot sa tuwing may magtatanong. Iba na ang kanyang kilos 'di tulad ng dati. Ang palaging masiglang anyo, ngayo'y parang resulta ng halalan. Maraming nawe-weirdohan kay Oswald liban na lang kay Milda.

"Tulala kana naman!" panggugulat nito kay Oswald nang abutang nag-iisang nakaupo sa gilid ng stage. Matamlay na ngiti ang naging sagot ng binata.

"Ang mga mahal daw sa buhay na pumanaw ay hindi nakakatawid sa langit kapag may taong hindi daw matanggap ang kanilang pagkamatay" wika ni Milda.

Bahagyang nagusot ang kilay ni Oswald. "Hindi si itay ang iniisip ko e"

"Sino?" Umupo ang dalaga sa kanyang tabi "Ako ba?" biro nito.

Pasimpleng napangiti si Oswald. Bago pa sya makasagot bigla syang may naalala. Noo'y sa tuwing makikita nya si Milda ay halos lumabas sa kanyang bibig ang kanyang puso sa kaba. Ngunit sa sandaling iyon halos kampante syang nakikipag-usap at nakikipagbiruan dito. Sumagi na naman sa kanyang isip ang matanda sa panaginip.

Ika-Siyam (1)

(image credit to orig uploader)

Pasubok lang ng ganitong tema :P

--------------

"Ito na ang iyong pinakahihintay Oswald. Ang iyong pangarap, ang iyong minimithi, ay na'sa likod lamang ng pintong iyan" wika ng isang boses sa isip ng binata. Malamig, malalim, at nakapanghihilakbot kung iyong maririnig. Hindi nagpatinag si Oswald. Buo na ang kanyang loob. Naubos na ang kanyang emosyon sa walong pinto na kanyang nalampasan.

"Kung ito lamang ang mag-uugnay sa puso namin ni Milda," pinahid nya ang huling luhang inilabas ng kanyang mata. "Handa na ko sa magiging kapalit" Kasabay ng pagbukas ng pinto ang nakasisilaw na liwanag. Naghalo ang kaba, takot, pagkasabik, at pagkaganid sa puso ni Oswald. Napangiti sya bago humalik ang kanyang mga tuhod sa lupa.

Ginising si Oswald ng isang nakakakilabot na panaginip. Mataas na ang sikat ng araw ngunit malamig ang pawis na namumuo sa kanyang noo. Dumaloy sa kanyang sintido. Pabalik-balik sa kanyang isip ang imahe ng isang matandang lalaking may mahabang damit at balot ang mukha. Ilang ulit nitong binanggit ang siyam na pinto. Katuparan ng hiling at pagdadalamhati. Bago pa magpakilala ang matanda, nakakapagtakang agad na syang nagigising.

"Kulang ka sa dasal!" pabirong sagot ni Wilfred kay Oswald matapos ikwento ang panaginip. Sinundan pa ng nakakalokong tawa.

Nagkibit balikat lamang si Oswald, "Para kasing totoo pre! Detalyado ang aking panaginip. Yung matanda lang talaga ang hindi ko makilala"

One Morning of July - Final Chapter

image credit kay idol Melala

Importante daw ang role ng genes sa buhay ng tao. Nalaman kong ang babaeng masayahin, palatawa, at madaling mahulog ang loob sa simpleng bola, ay lamang ang genes na pagiging jolly. Ang lalaking malakas ang dating sa babae o sobrang matamis ang dila ay siguradong namamayagpag ang genes ng pagiging maton. Genes din daw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng 3rd sex. Kung bakit may matalino, masipag, tamad, tanga, masungit, apurado, at workaholic. Genes din daw ang may sala kung bakit may mga lalaking hindi alam ang pinagkaiba ng breast implant sa natural. Lahat iyan ay kwento lang ng madaldal na babaeng nakasabay ko sa paglalakad habang papunta sa kung saan naroon si Nancy.

May bagay na naglaro sa isip ko. Hindi ko alam kung anong genes ba ang kulang o sobra sa pagkatao ni Marta. At kung anong supplement ba ang kailangan para bumaba ang genes ko na sobra ang attachment sa kanya. Naisip ko na kung may kulang o sobra sa kung kanino man sa aming dalawa, hindi kaya kailangan namin talaga ang isa't-isa para maisapat o maisakto sa level ang pangangailangan naming dalawa? Ewan. Kaya siguro nauso ang trabahong gumagamot sa mga pusong nangangamote sa algebra.

"Sorry kung late!" bati ko kay Nancy.

"Kaya siguro hindi mo alam ang mga nangyayari sa paligid mo," pabitin nyang sagot. "Kung hindi ka puyat, malamang lasing ka"

"Aware ako dun. Hindi ko lang alam na ganun pala ending"

"Maiba ko, nakapag-relax ka na ba? I mean, okay ka na?"

"Sabihin nalang nating eight out of ten. Yung natitirang dalawa siguro kapag gumaling na black eye ko"

"Maarte ka. Hindi pa nag-landing sa mukha mo hinimatay ka na"

"Gutom ako nun e, tsaka malay ko bang nakalimutan kong i-apply yung natutunan ko sa taekwondo"

Patintero

image credit to orig uploader :)

"Hayop na 'to! Hayop!" bulyaw ng katabi kong lalaki. Halos mapatid ang litid sa leeg kakapaligo ng mura sa paslit na tumangay ng natitirang piraso ng adobo. Kakalapag pa lang ng extra rice sa kanyang pinggan, nawala na agad ang kanyang ulam. Kahit sino'y iinit agad ang ulo sa tirik na tirik ng araw. Nagsalo na siguro ang alinsangan ng paligid at gutom kaya 'di na naisip na kumalma.

"Pasensya na po kayo sir," malumanay na tinig ng tindera sa karinderyang aking kinauupuan. "Madalas ganyan yan. Noong isang araw softdrinks naman tinangay sa customer"

"Dapat dyan leksyon!" galit na sagot ng lalaki. Binalak pang tumayo sa kinauupuan, ngunit agad na napigilan ng babaeng kasama.

"Hayaan mo na. Baka sobra sa gutom kaya nagawang magnakaw.."

Hindi nagpadaig ang nauna. "Noong bata pa ko nagugutom din kami. Gumagala sa kalye para magbenta ng sampaguita, pero 'di kami nagnakaw"

"Ano namang gagawin mo kung mahuli mo?"

"Tuturuan ko ng dapat!"

Lahat ng saksi sa pangyayari halos hindi makapagsalita. Walang gustong pumigil sa galit ng lalaking hindi matanggap ang pagkabitin sa pagkain. Walang habas itong tumayo. Iniayos pa ang pagkakagusot ng t-shirt bago maglakad. Mabagal ang unang hakbang hanggang sa papabilis ng papabilis.

Let The Music Take Control

pakikigulo sa pakulo ni Mestro Sinto-Sintonado


1. What is your own definition of music?

"Music is passion. Music is our bloody passion" sabi ni Benson habang nakikinig sa headset ngunit walang ipod. "Hindi na kailangan ng ipod para makinig sa musika men. Ang music ay out of this world! It's beyond it! Beyond the galaxy! Beyond the stars.." dugtong nya pa. Ang musika ay ang nag-iisang bagay na pwedeng i-enjoy kahit ng pinaka malungkot na tao. Pinakamasaya, galit, depressed, at yung mga tipong malaki ang kaltas sa sweldo.

2. Ano-ano ang mga genre ng musika ang pinakikinggan mo?

Nasa mood yan. Kapag medyo umuulan, trip ko ang mga kanta ni Enya. Pero mostly OPM talaga. GnR, Bon Jovi, at Beatles kapag feeling horny. Naniniwala din ako na hindi kailangan ng genre kapag ikaw ay music lover. May novelty songs din ako.

3. Kung ikaw ay isang awit, anong awit ka at bakit?

Ako ay isang awit pambata. Mahilig ako gumawa ng sa bata. Seryoso, ako ay isang awit na pwedeng magligtas sa mga dalagitang naliligaw ng landas. Yung tipong inspirational song.

4. Kung may musical instrument kang gusto mong maging bihasa, ito ay ang..

Harmonica. Masarap sa pakiramdam yung nakukuha mong tunog. Parang na'sa gitna ka ng isang farm. Naroon yung Peace Of Mind. Mga idolo kong gumagamit ng harmonica ay sina Francis Magalona at Alanis Morisette.

5. Baduy ba para sayo ang mga kantang OPM? Considering na isa kang Pinoy?

Hindi. Mahina ako sa ingles eh. Mas baduy siguro ang jejemon na kanta.

6. Kung may stanza ng kanta na magsasabi ng tunay mong nararamdaman ngayon, ano ang stanza na iyon, saang kanta galing at bakit?

Strawberry Fields Forever ng The Beatles.

"Living is easy with eyes closed.
Misunderstanding all you see.
It's getting hard to be someone,
But it all works out.
It doesn't matter much to me."

Komplikado ang mundo. Kapag maraming problema, idaan nalang sa tulog keysa maglasing.

-----

Ang award na ito ay ibinabahagi ko sa mga nagtyatiyagang magbasa masugid na mambabasa ng blog at mga kaibigan sa mundo ng panitikan. Pito lang daw talaga e, sorry.

BlindPen ng Kwentista Blog
Pink Line ng The Pink Line
Reilly Reverie ng Reveries
Senyor Iskwater ng Iskwater Stories
PadrePio ng San Docena
Ayekaru ng Shadow Land

100 load sa mga hindi naisama ;)








Legarda

Hindi maalis sa aking tingin ang kumikindat-kindat na monitor ng ATM machine sa Legarda Station ng LRT. Pula at asul na kulay ang patuloy na nagsasayaw sa himig ng nagdaraang tren sa aking ulonan. Lagpas dalawang daang pasahero na ang aking natanaw. Nagmamadali ang ilan. Nakikipag-tagisan ng bilis sa takbo ng orasan. Ang huling mag-syotang dumaan sa aking harapan ang nagbigay pasya sa akin para lisanin na ang lugar.

Bumigat na ang aking balikat sa backpack na aking dala-dala. Halos hindi ko na magawa pang ngumiti sa tuwing maaalala ko ang huling sinabi nya sa madaling araw na tawag sa telepono. Kusang huminto ang aking paa sa kanto. Sa sakayan ng jeep. Hinahatak ng batang tindero sa kalye ang aking bisyo. Bumili ako ng yosi. Sinindihan. Ibinuga ang usok sa kawalan.

"Natatakot talaga ko James," mahina at halos pabulong ang kanyang tinig. "Paano kung malaman nila kung nasaan tayo?"

"Sigurado akong hindi tayo isusumbong ni Kuya. Maiintindihan nya ang kalagayan natin at alam kong naroon ang suporta nya"

"Wala akong pinagsisisihan, pero sa tingin mo tama ang gagawin natin?"

"May nakapagsisi na ba sa huli? Walang tama sa ginawa natin, pero mas magiging mali kung hindi natin susundin ang nararamdam natin. Mas malala ang pagsisisi."

Sa Tulay

image credit to KOKser

Kalahati ng mga tao sa baranggay namin ang naabutan kong nagkakagulo sa dulo ng tulay. Bumaba ako sa sinasakyan kong pampasaherong dyip kahit may kalayuan pa ang aming bahay, isang patunay na tsismoso din ako minsan. Iba't iba ang reaksyon ng mga taong sabik sa kwentong pwedeng pamalit sa miryenda. May mga naka-ngiti, salubong ang kilay, galit, constipated, ngunit lamang ang pwedeng pasukan ng langaw sa bibig.

Sa ganitong pagkakataon, bukod sa pagpapalaki ng tiyan ng mga maton at paligsahan sa pagpapadami ng bata sa lugar, paborito ding libangan ng mga kapitbahay ang pagsagap sa ibat-ibang uri ng chismis. Hindi pa kasi uso ang social network sa lugar, kaya kahit asong nanganak hindi pwedeng makaligtas.

Sumiksik ako sa kapal ng taong nakaharang, "Kuya anong meron?" tanong ko sa lalaking ayaw magpa-agaw ng first class seat.

"Si Erap, bida na naman" saglit nitong sagot.

Si Erap. Napakamot nalang ako ng ulo. Hindi na bago kung sya ang bida. Ang siga at tanging kinatatakutan sa kanto. Sya yung tipong 'di ka pwedeng malasing sa inuman at bigla nalang mag-amok ng away. Hindi ka nya pagbibigyang agawin ang kanyang trono. Epektibo ding panakot sa mga batang gusto pang sulitin ang amoy ng lansangan sa hapon.

Hindi na mabilang kung ilang beses lumabas-pasok sa apat na sulok ng kulungan. Hindi na din mabilang kung ilang bote ng alak ang lilipad sa bubungan ng kapitbahay sa tuwing sinasaniban. Maraming kwento tungkol sa pagkabata. Sa pagpapalaki ng magulang. Inabuso hanggang sa naging matatag sa larangang kanyang nilalakbay. Ang nag-iisang tao sa lugar namin na kahit ang pusang may siyaw na buhay, makita palang sya'y nagkukunwari nang patay.

Liham kay Julie

image credit to orig uploader :)

Dear Julie,

Mataas na ang sikat ng araw dito. Kahit anong gawin kong hila sa kumot, pakiramdam ko'y hinahabol nya ang bawat galaw ko. Nakakainis. Naalala ko kasi ang ngiti mo na parang inukit lang sa liwanag ng araw. Okay ka lang kaya ngayon? Ano bang ginagawa mo? Adik ka pa din ba sa pagjo-jogging sa umaga? Pangarap mo pa din bang magkasing-sukat ang balakang ninyo ni Sunshine Cruz? Kung ako ang tatanungin, mas okay na saking kasing lapad ng katawan ko ang mga hita mo. Biro lang yung binanggit kong mag-diet ka noong last nating date sa may Kalayaan. Wala lang talaga akong pangbili ng extra rice para sayo.

Nakakainip ang bakasyon. Nakakamiss ka lalo't wala akong kasama mag-see saw dito sa parke. Natatawa ako kapag nagagalit ka, at ayaw mo akong ibaba. Tumatalon pa nga ako 'di ba? Kapag umuulan, wala akong ibang ginawa kundi iguhit ang mukha mo sa namumuong hamog sa bintana. Iginuguhit ko ang pinakamaganda mong ngiti tapos lalagyan ko pa ng malaking laso ang iyong buhok. Tapos magtitimpla ako ng kape. Pagbalik ko burado na ang mukha mo, ewan ko kung sinong salarin. Tatawa ng tatawa naman si Ramon, iiling-iling habang namumulot ng mga nagkalat na nakabilot na mga papel. Mga sulat kong hindi natapos, at hindi naipadala dahil kulang ng budget.

Para akong nasa ibang mundo kapag 'di tayo magkasama. Ang isang buwan nagmimistulang isang taon kapag 'di kita nakikita. May isang buwan pang natitira. Para akong mababaliw. Hindi epektib ang marathon ng movie. Ayoko ding makinig ng musika, lalo lang bumibigat ang pagnanais kong mayakap ka na. Wala na kong ibang ginawa kundi pagmasdan yung mga huling larawan natin bago tayo maghiwalay. Ang ganda mo talaga doon sa piktyur natin sa jollibee. Ang laki ng bibig mo sa pagtawa, samantalang ako nakapikit. Kung isusulat lang ng magaling na manunulat ang kwento natin, sasabihin kong unahin sa parte kung saan nagtapat na ko sayo. Ayoko kasi yung eksena sa bus kung saan nagkasabay tayo sa pagpasok, tapos nilibre mo ako dahil galit na sakin yung kunduktor. Ayaw nyang maniwalang naiwan ko wallet ko sa bahay.

Ang Payo ni Kuya

image credit to orig uploader

Bagsak na naman ang magkabilang balikat ni Rochelle. Mababa pa sa standard na posisyon ang dalawang kilay at nagbibilang gamit ang mga mata ng mga nagdaraang sorbetero habang nakapatong ang baba sa kaliwang kamay. Sa ganitong pagkakataon, nahulaan na ni Rick ang problema ng kapatid nang ito'y kanyang madatnan.

Sinubukan nya munang magpatawa. Mabisang paraan iyon para maiwas ang kapatid sa napipintong paglipad ng isipan sa kung saan. "Noong bata pa tayo nahilig kang kumain ng bayabas"

Nilingon ni Rochelle ang nakakatandang kapatid. "Kasi paborito yun ng crush ko, tapos sinugod ako sa pagamutan dahil sa pananakit ng tiyan"

"Ang sabi ng doktor noon, nakakain ka daw ng tatlumpung piraso. At sa huli.."

"Nag-adviced syang humanap ako ng lalaking hindi maihilig kumain" singit ni Rochelle. Bahagyang natawa ang dalawa.

Tama ang hinala ni Rick. Ang isyu ay may kinalaman na naman sa usaping hindi kayang takasan ng kahit sinong may puso. Pag-ibig. Isang bagay na binubuo ng saya, problema, at 80% na pananakit ng bulsa. Alam nya kapag iyon ang dinadanas ng kapatid. Ilang beses nya nang napanood ang ganitong eksena. Sa tuwing mabibigo o masasaktan ang kapatid, kabisado nya na din kung anong dapat gawin o anong dapat sabihin. Kung anong biro ang nakakapagpasaya at kung anong aral ang dapat iparinig sa dalaga.

Symbianize Literati House Challenge: Byaheng SanDocena


Nagsimula ang kwentuhan noong mga panahong na'sa gitna ako ng depresyon. Mga sandaling 'di nagkakasundo ang aking mga paa kung saang lupalop ako makakahanap ng trabaho. Iyon ang mga sandaling isinumpa ko ang pagiging pangunahing pangagailangan ng pera sa buhay ng tao. Stress ang tumulak sakin para maghanap ng libangan. "Maghanap ng trabaho online" ang payo ng isang kaibigan sa gitna ng inuman. Tama sya, pasok pa din ang pangangailangan ng pera sa pagsakay ng dyip at pagbili ng gel araw-araw, at ibabagsak ka lang sa job interview dahil 'di mo nasagot ng tama ang tanong na "sino ang ceo ng microsoft" Sa huli, hindi ako nakahanap ng trabaho kakabasa online, bagkus.. naaliw akong magbasa. Nakahanap na ko ng sariling gamot sa stress. Fast forward.. Natuto, naaliw, at nagsimula akong magsulat. At mula noon lagi kong tanda ang pangalang Steve Job.

Tulad ng paglalakbay ng isang tao sa buhay. Mula sa paggapang hanggang sa makatayo at makalakad ng diretso. Ganoon din ang pagsusulat. Alanganin akong matumba at pagtawanan sa umpisa. Natakot akong madapa at masugatan. May mga boses na nagsasabing ituloy lang. Maigagapang ko din daw ang hirap kahit walang tulong ni Mayor. May mga taong aalalay sayo, at may mga taong hindi papalakpak sa layo ng naihakbang mo. Pero tulad ng paglalakbay ko sa buhay at sa larangang pinili mismo ng aking mga paa, masasabi kong hindi pa naipapasimento ang kalyeng nararapat sa bawat hakbang ko. Wala pang karatulang dead end akong natatanaw. Kung may magtatanong kung hanggang saan? Bahala ka sa buhay mo, di ko din alam.

Ang byaheng SanDocena ay isa sa byaheng 'di ko malaman kung saan ba ang hinto, o kung saan ako papara. Kung saan ako dadalhin o kung saan ako magigising sa ingay ng busina. Malubak man ang kalye at ma-flat ang gulong. Bumigay man ang makina o mawalan ng pasahero. Mawala man ng drayber o huminto sa stop over. Alam kong sa pagtapak kong muli sa lupa. Nariyan pa din ang aking mga paa. Tuloy ang hakbang, tuloy ang kwento, tuloy ang ligayang dala ng anti-stress kong pluma.

Para sa mga tulad kong solido ang pag-ibig sa Literatura. Hayaan nyo kong mag-iwan ng kapirasong salitang natutunan ko sa aking nilalakbay..

"Hindi bale ng puro jologs ang kwento. Hindi mo naman solo ang titulong corny sa mundo"




Last Minute Passenger

Nagmamadaling hinabol ng babae ang pagdidikit ng labi ng elevator kung saan ako nakasakay. Kung nagkataon, first time ko sanang maka-saksi ng naputulan ng kamay sa aking harapan. Ngunit hindi ang kanyang pagmamadali ang kumuha ng aking atensyon, bagkus ang hindi maintindihang ayos ng kanyang pananamit. Naglalaro sa edad na kwarenta ang kanyang hitsura. Magulo pa sa senado ang pagkaka-ayos ng kanyang buhok. Sleeve na hindi angkop sa mainit na panahon, at scarf sa leeg na hindi man lamang naikabit ng maayos. Magkakaibang kulay ng kuko, at nakaka-stress na mataas na takong ng sapatos.

"Ma'am saang floor po kayo?" pangunguna ko. Apat na palapag na ang nagdaan mukhang 'di pa nya alam kung saan sya bababa. Gusto ko nang mag-usisa sa tagal ng sagot, kaso biglaan nyang pinili ang palapag kung saan din ako bababa.

"Pasensya na ha, may gumugulo lang sa isip ko"

"For interview din ba kayo?" pansin kong parehas ng kompanyang bibisitahin ang idinidikta ng guest ID namin.

"Hindi, hindi!" mariin nyang tanggi. "may bibisitahin lang.."

Hindi ko mapigilang magtaka. Kanina wala sya sa sarili, ngayon naman'y tumutulo na ang kanyang mga luha. May biglang ngiti na sisilip sa kanyang labi na mabilis namang susundan ng hikbi. Ganitong-ganito yung mga napapanood ko at nababasa. Yung biglang may masamang mangyayari nalang. Sana 'di totoo. Nakakahawa pa naman ang kanyang reaksyon.

One Morning of July - 15

(image credit to idol Melala)

Hindi ko nagawang ikilos ang aking katawan sa pagkagulat. Sa mga mata palang ni Mr. Reonico parang kusang nag-back out ang boses ko. Sa tirik na araw, malamig na pawis ang umaagos mula sa aking noo. Seryoso ang kanyang anyo. Kinakabahan na 'ko. Kung kaya ko lang magtago sa piraso ng walis tingting baka ginawa ko na. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng takot na kakaiba. Tipong kusang gagawa ng sink hole ang dibdib ko sa kaba. Lumunok ako ng laway.

Ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Marta sa aking kamay. Itataas ko na sana ang aking kamay at ituturo sya bilang master mind sa kalokohang 'to, pero laking gulat ko nang umabante ng hakbang si Marta. Hinarangan nya ang paningin ko. Sumingit ako ng silip. Si Mr. Reonico parang 'di natinag sa ginawa ng dalaga sa harapan ko. Hindi ko ma-drawing sa isip ko ang susunod na posibleng mangyari.

"Umalis ka dyan," mahinahong utos nito kay Marta.

Ako ang pakay nya. Sigurado. Ang daming umiikot na dahilan sa isip ko, pero mukhang walang pwedeng paniwalaan. Hindi ko pwedeng idahilan ang katigasan ng ulo ng anak nya, pero mas lalong 'di ko kayang manghiram ng mukha sa kapitbahay kapag may biglang lumipad na kamao. Mahirap ang sitwasyon namin. Mahirap pa kay Villar.

Bakasyonista

(image credit to orig uploader)


Mahaba pa ang byahe para ubusin lahat ng enerhiya ko sa pag-ngiti. Hindi sa mga natatanaw, kundi sa tuwing maaalala kong tinawag kaming "bakasyonista" ng mga namamahala sa kursilyo. Bakasyonista ang biro nila sa mga taong kayang mag-commit sa mga ganoong gawain, kung san galing? Hindi ko alam.

Apat na araw akong wala sa bahay. Tatlong gabi kong hindi nakatabi si misis. Manood lang ng paborito kong team sa PBA ang bisyo ko kaya laking gulat ko kung bakit pinilit ako ni misis sumama. Maganda daw doon. Bukod sa libre ang pagkain, bababa pa daw ang konsumo ng kuryente samin. Pero 'di ako doon na-engganyo. Sa pangakong may libreng swimming nabuo ang interes ko. Pauwi na kami ng tapatin kaming wala talagang ganun. Imbes na sa tubig na maalat, sa salita ng Diyos ako naligo.

Limang araw daw talaga kaso nagkasakit ang isa sa aming kasama. Nagdeklarang ubusin na lahat ng sermon mapa-iyak lang kami't mapaaming nagsisisi sa lahat ng mga nagawang kasalanan, kahit na ang pinakamabigat ko na ay ang hindi pagbabalik ng toothpick sa karinderya. Kung tutuusin, nag-enjoy talaga ko. Hindi ako pwedeng magsinungaling sa bagay na yun. Masayang makakita ng mga tunay na tao paminsan-minsan. Bagong mukha. Sa loob ng apat na araw marami din akong natutunan. Nalaman kong 'di pala dapat magalit sa magulang kapag kulang ang baon, bagkus matuwa dahil 'di masarap ang tinda sa public school.

Star Crossed

image credit to orig uploader

Kung buhay pag-ibig ang pag-uusapan sa inuman, nagsisimula palang ang ikot ng baso mas gugustuhin ko ng malasing nalang agad. Hindi na bago kung ako palagi ang pulutan sa tuwing ganoon ang usapan. Hindi na din bago na kami palagi ni Jan ang magdudulot ng tawanan sa magdamag na lasingan. Ano bang magagawa ng tulad kong  ibang klase kapag tinamaan? Hindi uso sakin ang pag-suko lalo't hindi ko pa naman nakikitang may nagmamahal na sa kanya. Sabihin nalang nating may libo-libo akong palpak na diskarte para hindi nya sagutin, at may isang moves pa kong hindi ko pa nadidiskubre para tuluyan na syang mapa-sakin.

"Apat na taon pre! Nag-asawa na yung aso namin, ikaw 'di pa din sinasagot!"

"Kailangan na tong ipa-tawas si Willie, baka sakaling mabawasan ang maligno sa katawan!"

"Huwag kang maniwala sa kanila pre! Ituloy mo lang yan hanggang sa puntong wala na syang ibang choice kundi ikaw!"

"True love yan pre! True love!"

"Lahat ng sakit may healing process.. Pero sa lagay mo acceptance na yan!"

1, 2, 3, 4

Sa lawak ng kisame namin sa bahay, bakit kaya sa dibdib ko pa napiling magtago ng mga daga? Parang eksenang haharapin ko ngayon. Hindi naman iba ang babaeng inaabangan ko sa harap ng hospital, pero ang kaba ko'y abot langit. Bawat taong lalabas sa tagusang salamin inaakala kong sya. Ganoon ba talaga magmahal ng tunay? Ang pagtawa sa teleseryeng napaka-corny noon, ay 'di ko na yata magagawa ngayon. Hindi pala porket marunong silang umarte ay hindi ibig sabihin na hindi nangyayari iyon pag-cut ng director sa nakakakilig na eksena. Ngayon, alam ko na kung bakit napapahawak sya sa dibdib nya at nagkukusot ng luhaang mata sa tuwing maghihiwalay ang mga bida.

"Kanina pa kita hinahanap tol!" bihis na bihis at mukhang dadalo ng kursilyo si Evan ng salubungin nya ko ng ngiti. "Bakit dito ka naghihintay?"

"Presko hangin eh, tagal pa ba sya?"

"Palabas na, napasarap yata ang kwentuhan doon sa doktor nya"

Umiling ako ng ilang ulit, "Tol, di ko yata kaya.."

"Kaya mo yan! Gawin mo lang yung mga itinuro ko sayo. Paano nya malalamang mahal mo sya?"

Oo nga naman, paano nya nga pala malalamang mahal ko sya, kung ang simpleng pagsasabi lang ay 'di ko magawa? Hindi naman pwedeng yakapin ko nalang sya bigla para iparamdam lang sa kanya. Baka maiyak pa ko't mauwi lang sa tawanan ang lahat. Tama ang kapatid kong si Evan. Mapapanis ang linyang "action speaks louder than words" kung ang pagsasabi ng nararamdaman ay may halong sincerity. May silbi talaga sya kahit sa tulad kong minsan lang din dapuan ng silbi.

One Morning of July - 14

image credit kay idol Mela

Kahit ang DPWH ay 'di kayang gibain ang ngiti na bumakas sa aking labi. Kahit ilang pulitiko pa ang magtangka, mukhang hindi uubra. Kung babalik ako ng highschool at susulat ulit sa slumbook, ang sarap isagot sa tanong na happiest moment ang pag-ukit ng pangalan nya sa baitang ng aming hagdan. Corny talaga, pero kahit si tulfo kikiligin. Iba talaga ang takbo ng kwento namin ni Marta. Kung kaya lang i-predict ng tao kung anong mangyayari sa mga susunod na araw, siguro 'di na aabot pa sa ganito. Pero, siguro.. Kaya walang access ang tao sa future, para malaman natin kung paano bibigyan ng halaga ang mga bagay na pinaghihirapan.

Wala na naman si Marta pag-gising ko. Hindi na bago yun, pero may biglang takot na baka 'di ko na talaga sya makita sa mga susunod na araw. Isang linggo? Alam kong pagbalik namin malaki ang posibilidad na gigising nalang ako ng walang babaeng sisigaw o magkukunwaring iba ang pangalan nya.

"Estong!" salubong sakin ni Marta. Nagbura muna ako ng ngiti, para 'di halatang may bakas pa ang mga naganap kagabi. "Let's have a date!"

"Tanghaling tapat date?" bulong ko. "Malayo ang bayan dito, tsaka 'di uso dito ang mamahaling kape"

"Sino bang magkakape sa tanghaling tapat?" giit nya. Bahagyang kumunot ang noo. "Sige na, please!"

Sharon and I


End of the World?
Doomsday?
Siyensya o Pulitika?

A three part story na hindi pang-valentiMes day.


Isang mainit na yakap ang ibinigay ko kay Sharon. Banayad kong hinalikan ang kanyang noo, tsaka muling inilapag sa harap ng kanyang nakahandang hapunan. Alam kong ngiti ko ang pakay nya sa ginagawang pagkaway ng kanyang mumunting buntot. Kinalampag ko ang pinggan para kunin ang atensyon, pero mukhang halata na sa kanyang itsura ang pagkapurga sa sardinas na isang linggo na din naming pinagsasaluhan.

Binuhat ko ang sariling katawan papalayo sa madungis na higaan. Pinagmasdan ang kapirasong liwanag na nagmumula lamang sa makitid na siwang sa bintana. Napakaganda ng buwan ngayong gabi. Sayang nga lang at di ko ma-appreciate dahil tadtad ng duck tape ang paligid ng bintana, ganoon din ang pinto, at kahit ang mga butas sa bubong. Dilaw na ang kulay ng aking balat. Matigas na din ang aking buhok. Tanda ng isang linggong hindi pakikipagbuno sa tubig. Para saan pa? Wala namang matinong taong natitira pa sa labas ng ga-kubetang laki ng bahay na aking napiling pasukin kailan lang.

"Jef! Jef!" nilingon ko ang likuran ni Beng. Wala namang humahabol pero kung makasigaw daig pa ang nakikipag-agawan sa pila ng NFA rice. "Lumikas na tayo! Isama mo na si Mamang at si Sharon!"

"Nasisiraan ka na ba?" agaran kong tutol. "Malabo yang pag-gunaw ng mundo na sinasabi sa balita. Mas maniniwala pa 'ko sa kwento ng barbero"

"Bahala ka kung ayaw mo! Pero lahat ng tao sa kabilang baryo ay naka-alis na."

"Oh, ba't di kapa sumama? Baka magsara yung gate ng barko ni Noah, di kapa naman marunong lumangoy"

Mukha

piktyur galing sa epbi. salamat sa nagpost :)

mga katok sa babasaging bintana,
ng mga paslit na sa kalsada'y gagala-gala.
kapalit ng baryang pamatid gutom,
ang buhay na hiram lamang sa panginoon.

mga musikang umiikot-ikot,
likha ng matandang namamalimos.
'di alintana ang galit ng haring araw,
masulit lang ang baryang inaasam-asam.

mga pekeng ungol at ngiti,
ng dalagang namimilipit na sa pait.
sa kaunting salapi, lahat ay ipinagpalit.
kahit na ang kaluluwa'y magkapunit-punit.