Kwentong Tambay - Chapter 11

Paano nga ba? Teka..

Ilang alak na nga ba nainom ko? Isa? Dalawa? Tatlo?.. Singkit na mata.. Ashtray na puno ng upos at filter.. limesang makalat na puno ng tissue.. Palatandaang lasing na nga ako.. Pero wala pa ang anino o bakas man lang ni Rhea.. Sabay approach ng isang seksing waitress..

"Sir.. Order pa kayo?" tanong nya.

Tumingin ako sa iniinom kong alak.. Napansin kong wala na palang natira..

"Sige bigyan mo ko ng dalawa!" sagot ko.

"Okei!" sagot ng waitress sabay ngiti na w/ matching wink.

Ayos pala dito.. First time ko maligaw sa ganitong lugar(I mean first time ko makadalaw, pero hindi ko na first time sa mga beerhouse..) Ang gaganda ng mga waitress, panay seksi pa.. At tulad ng dati.. Umiral na naman ang pagkalalake ko..

Tumingin ako sa cellphone para tignan kung anong oras na.. Halos mag dadalawang oras na pala ako pero wala pa ang date ko.. este! ang kausap ko.. Dumating ang inorder kong beer na may kasamang pulutan..

"Teka miss.. Hindi po ako umorder ng pulutan.."

"Free na po yan Sir! Meron kasi kaming ditong promo..." paliwanag nya.

"Ahh.. Okei! Salamat!" sagot ko.

"Sir! Baka gusto nyo ng table.. Marami kami ditong bata at seksi.. At.."

"Hindi wag na! Meron akong kasamang dadating.." paputol ko.

"Ay ganun ba Sir.. Call na lang kayo pag may kailangan pa.." sabay talikod at sabay alis, Pero walang wink na kasama.

Makaraan pa ang trenta minutos nang paghihintay tska lamang dumating si Rhea..

"Dudes! Sorry i'm late ha! Grabe kase ang traffic sa lugar na to.." pauna nya.

Sabay tingin ko sa kanya w/ gulat factor.. Muntik ko nang masabing.. "Magkano ang gabi mo?" dahil sa sobrang seksing outfit nya na parang kahit sinong lalaki eh aakalaing pwede syang ma-order.

"O-Okei lang! Upo ka dito.." anyaya ko.

"Kanina ka pa?" tanong nya.

Gusto ko sanang sabihing.. "Obvious ba?" pero dahil si "Rhea the Angelic face" ang kaharap ko ay nawalan ako ng lakas para masabi yun..

"Medyo.. pero okei lang, mahalaga dumating ka.." sagot ko sabay ngiti.

Umupo si Rhea at umorder ng dalawang san mig para sa panimula.. Nagkwentuhan at nagkwentuhan, at nagkwentuhan pa ulit, hanggang sa mauwi sa problema ko ang usapan..

"So.. Ano nga ba ulit ang problema mo?" singit nya sa masaya naming usapan.

At bigla na lang napunit ang mukha ko.. Mula sa pagkayos nito, hanggang sa pagkasira..

"U-uhm.. Kelangan ko pa bang i-kwento?" tanong ko.

"Aba syempre! kaya nga tayo nandito.." sagot nya.

Napansin kong seryoso syang marinig ang drama ko.. Pero bago ako bumanat, tumagay muna ako at sabay na nagsindi ng yosi.. Game!

"Ganito kasi yun.." pauuna ko sa ubo.

"Meron kasi akong kaibigan.. And then yung GF nya nakipagbreak sa kanya.."

"For what reason? Aber?" tanong nya.

"D-Dahil yata s-saken?" mahina kong sagot.

Halatang kong nagulat sya sa reaksyon ng mukha nya.. Tinagay nya ang beer.. pero hindi sa kanya yung bote kundi saken.. Hindi ko na pinansin at nagpatuloy ako sa kwento..

"Yung girl kase.. tropa din namen.. pero hindi namin ganoong ka-close.."

Nakatitig si Rhea, habang nagkkwento ako na nagbigay naman saken ng destruct.. Sa bawat salita ko panay nod lang ang sagot nya..

"So.. galing ka pala kanina sa ospital w/ them?" tanong nya.

"Oo.. Umalis ako dahil sa badtrip.." sagot ko.

"You should talk to them.. you should try na pagbatiin sila.."

"Yun nga sana.."

"If ever na nga lang kung type mo din ang babae dba?" paputol nya.

Hindi ako nakasagot.. Blangko ako.. parang MATH subject tapos ako ang napili ng titser na pasagutin sa harap ng blackboard.. Na stun ako ni Mirana.. At sinabayan pa ng voodoo ni Lion.. Baliktad ako.. GG na Sir!

"Oh! Natahimik ka?"

"Hindi.. naalala ko lang ang sinampay ko sa bahay.. mukha yatang uulan.." palusot ko.

"Patawa ka talaga! Mahal mo na nga siguro.."

"Sabihin na nating oo.. pero meron akong mas mahal, kaya hindi pwede.." sagot ko.

"Sino naman yun?" tanong nya.

"Pwede ko bang sabihing.. Ikaw?" sagot ko.

"Loko ka talaga!" sabay tawa.

"Biro lang.." palusot ko.

"Ano nga pala ngayon ang balak mo?" tanong nya.

"Siguro unahin ko munang kausapin si Edgar bago si Kath.." sagot ko.

"Tama! dahil sigurado nasaktan din yung kaibigan mo.." pahabol nya pa.

"Pero kung ikaw ang tatanungin.. Kung ikaw yung babae?" tanong ko.

"Ako.." sabay ngiti.

"Gagawin ko din yung ginawa nya.." habol nya.

Sa puntong iyon back to emo na naman ako.. Naisip ko bigla si Kath.. Malamang umiiyak sya at walang magawa.. Sa tingin ko ay kailangan nya ko sa tabi nya..

Sinasabi ng puso ko, pero pumipigil ang utak ko.. Hindi pwede! Kinain ko lang ang sinabi ko kung gagawin ko... Gusto kong lumayo sya sa akin at balikan si Edgar.. Pero paano nga ba? Wala akong magawa.. Nandito ako ngayon.. Sa malayo.. Para ano? Para umiwas... Para tumakas..

Sa huling bote ng alak nag-paalam na si Rhea.. Hinatid ko sya sa sakayan..

"Rhea.. Thanks ha.."

"Sus! Ikaw pa.. Thanks din pala kanina sa pagsama mo sakin.." sagot nya.

"Ayan na yung taxi.. i-para na kita.." pagpuna ko sa parating.

Pinara ko ang taxi na sya namang huminto sa amin.. Binuksan ko ang pinto para magmukha akong gentleman sa kanya..

"Dudes.. Una na ko ha.. Sa uulitin!" paalam nya.

"Sige.. Ingat ka ha!" sagot ko.

Nagsindi ako ng yosi habang pinagmamasdan ang taxi na papalayo sa kinaroroonan ko.. Tanaw ko ang tail light pero hindi ang sasakyan.. Napabuntong hininga.. Tumingin ako sa paligid para maghanap ng makakainan.. Napapadpad ako sa isang lugawan na tatlong gusali lamang ang layo sa lugar.

Umupo ako malapit sa dulo na may tatlong upuan ang layo sa magsyotang kumakain..

Tahimik ako habang hinahalo ang mainit na lugaw.. at habang pinagmamasdan ang mag syotang nagyayakapan.. May kirot sa puso ko na parang ayaw umalis kahit nadaanan na ng alak ang mga ugat ko sa katawan.. Pinakikiramdaman ko ang sarili ko.. Iniisip ko ang mga nangyari.. Hindi lang ang eksena kanina.. Pati na din ang mga araw at mga pangyayaring kasama ko si Kath..

Olats talaga! Bakit hindi ko nakitang ganito ang mangyayari.. Sana sa una palang eh umiwas na ko.. Pero tulad ng kasabihan.. Nasa huli ang pagsisisi.. Pero.. Huli na nga ba ang lahat? May mga bagay paba akong dapat na gawin na hindi ko pa nagagawa?

Wala na ang init ng lugaw pero tuloy pa din ako sa paghalo at pagmanipula ng mga bawang na nakahalo dito.. Nagvibrate ang cellphone ko.. Mula sa bulsa dinukot ko ito..

Isang txt msg galing kay Rhea..

Dudes! Hindi pa huli ang lahat..
Huwag mong sayangin ang bagay,
na minsan lang.. At hindi pwedeng
mangyari sa lahat.. Go! Kaya mo yan!
;)

Sender:
Rhea The Angelic face

"Adik ba to?" bulong ko sa sarili.

Pero tinamaan ako sa sinabi nya.. Pakiramdam ko'y dapat ko sigurong sundin ang kapirasong parte ng laman ko, na may kirot at pag-aalangan na nararamdaman.. Urong-sulong.. Akyat-panaog ang naglalaban sa utak ko..

Buntong hininga..

Pinikit ko ang aking mata..

Parang flashback ng lahat ng angolo at hitsura ni Kath ang nakikita ko..

.....
.......
..........


Ano nga ba ang nararamdaman ko..


Ganito ba?

Ganito ba ang kwentong tambay?

Ganito ko nga ba sinulat ang kwento ko?

Parang hindi.. Hindi love story..

Hindi ko binalak na maging ganito..

May boses na nagsasabing..

"Mahal mo sya.. Huwag ka ngang tanga!"



...


......


.........




Mahal..

Mahal ko..

Mahal ko sya!



Hindi ako nagdalawang isip para balikan si Kath.. Handa na ko.. Sugal kung sa sugal.. Matalo na kung matatalo.. Wala na kong panahon para mag-isip.. Walang oras na sasayangin.. at wala nang kailangan pang tao para magsabi sa akin kung ano ba ang dapat kong gawin, at paulit-uliting sabihing tanga ako..

Binayaran ko ang lugaw na hindi ko man lang nagalaw.. at tska naghanap ng masasakyan pabalik kung saan ko iniwan ang babaeng nagdulot ng gulo at kasiyahan sa buhay ko..

Dali-dali akong naghanap ng masasakyang taxi, sinilip ko ang laman ng wallet ko pero hindi na pala kakasya sa pangtaxi.. Pumara agad ako ng jeep.

Trapik! Peste! Kung kailan kelangan ko magmadali tska nagkakaroon ng mga ganitong eksena.. Nakakabadtrip ang jeep na pumipila pa sa kantong hindi naman dapat pilahan ng jeep, halata ko din sa mga pasahero na ultimo sila ay yamot din.. lima hanggang sampung minuto at halos malapit na ko sa ospital, at tulad kanina huminto na naman ang jeep sa katabing kanto.. Hindi na ko nagdalawang isip at bumaba na ko para takbuhin na lang ang ospital..




PAK!!!

Sa sobrang lakas ng bukas ko sa glass door ng lobby, halos napatingin sakin ang lahat ng receptionist.. Ngunit ngiti lang ang sinagot ko sa kanila, at tuluyang tumakbo sa hallway, hinahanap ng paningin ko ang kwarto, kung saan ko sya iniwan at sinaktan..


Halos dalawang kwarto na lang at malapit na ko..


Sa harap ng pinto humito ako.. Ang hingal ko ay mula kalentong hanggang quezon city sa pagod.. Ramdam ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko, at parang nadagdagan ang hilo ko.. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto..

Pero bago ko pa man tuluyang mabuksan.. Dumilim ang paligid ko.. Wala akong makita at walang maaninag.. Naramdaman ko ang paglambot ng tuhod ko.. at ang pangangatog ng katawan ko, Inunat ko ang aking kamay at naghanap ng mahahawakan, pero wala..


Sa kongkretong sahig ng ospital.. Doon ako bumagsak.. Malamig.. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko..


...
.....
.......


"Dudes?"

Isang pamilyar na boses ang naririnig ko...

"Dudes?"

Sigurado ako.. wala nang iba...

"Dudes?"

Palakas na palakas ang pamilyar na tinig..

"Dudes?"

Naghihintay sya sa pagbangon ko..


Idinilat ko ang aking mata.. Malabo ang paligid.. Pero bakit ganito blangkong puti ang nakikita ko?, Tang***! Patay na ba ako? Nasaan si San Pedro? Nasan ang manok? Nasan ang mga anghel?

"Sir okei ka na ba?"

Ginala ko ulit ang mata ko.. Nasa kisame pala ako nakatitig kaya naman pala puti lahat ang nakikita ko.. Pinihit ko ng bahagya ang aking ulo, patungo sa direksyon kung saan nanggaling ang boses..

Pansin ko ang nurse na cute na tumambad sa akin.. Kahawig sya ni Donna Bartolome(Hindi Pornstar! Cute yan search nyo sa google at youtube..).

"Ano nangyari?" tanong ko.

"Sir! hinimatay po kayo.." paliwanag nya.

"Mabuti na lang nandito na kayo sa ospital nung bumagsak kayo.." dugtong nya pa.


Bigla kong naalala si Kath.. Bigla akong tumayo at dahil hilo pa ako..


PAK!!!!

Swabeng swabe ang pagkabagsak ko sa sahig..


"Syet! Ang sakeeeeeeeeeeeettt!!!" daing ko.

-------------------------------------------------------



Pahabol: Jhaz! Taena paalam sayo! Ingat ka dun, at pagbalik mo uwian mo ako ng koreana! Ahahaha! Game seryoso.. Pre, ingat ka dun at magdala ka ng koreana! :D

1 comment/s:

Pink Line said...

at ginoogle ko talaga si Donna Bartolome hehe cute nga pero mas cute ako charot!

Post a Comment