We don't have the time to decide, but we have time to think about..
Sampung minuto.. Hindi tumalab ang under arm protection na gamit ko, dahil sa sobrang tense, Naglawa ang katawan ko sa pawis. Tinititigan kong maigi kung sakto nga ba.. Kung naaayon nga ba.. Kung ito na nga ba.. Habang dahan dahan kong pinipintahan ang nasa ilalim ng madilim na kumot, Biglang may malamig na kamay na kumapit sa aking balikat, at tuluyang nagbigay ng hindi maintindihang kilabot.
Nagdasal ako.. Tinawag ko lahat ng kilala kong santo, pati si santa binanggit ko.. Pumikit nga ba ako? O sadyang dumilim lang ang paligid? Wala talaga ako sa sarili.. Lulang lula, Nanglalambot, Nangangatog..
Isang sigaw lang.. Ibigay mo na.. salitang laging nababanggit ko sa ganitong sitwasyon.. Hayaan nyo akong magsalita.. Isa lang, isa lang..
HOOOOOYYYYYYYYY!!!!
Bumalikwas ako mula sa pagkakahimbing.. Isang malakas na ubo ang pinakawalan ko.. Kasunod nito ang dahan dahang pagpatak ng luha, sa magkabilang dulo ng aking mata. Ibang klaseng lungkot na wala nang lulungkot pa. Ibang klaseng dismaya na wala na din yatang
mas sasagwa pa..
Sa lahat ng bagay na ginagawa ng isang tao.. Tama man o mali, isang konsensya lang ang talagang babagabag at tatalo sa matibay mong emosyon. Hindi ka nito tatantanan, ni hindi ka hahayaan umalis sa iyong kinaroroonan.. Habang buhay ka man magsinungaling, Malamang at panigurado, habang buhay ka din mumultuhin..
Siguro ngayon natatawa ka lang..
Siguro ngayon nag e-enjoy ka pa..
Siguro ngayon nagagalak ka pa..
Loko! Diyos nang bahala sayo..
----------------------------------- -
Kath
Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot at sakit, habang tinutunton ko pabalik kung saan ko naiwan ang aking panyo. Hindi ko alam kung bakit, at kung paano nangyari.. Tulad ng nasabi ko.. Sobrang importante sa akin ang panyong iyon..
Dalawanpung hakbang na lang ang aking karkula, natatanaw ko na ang resto.. Medyo dim ang loob at paligid ng resto, kaya hindi ito gaano pansinin ng mga tao.. Pumasok ako, tinanaw at tuluyang dumiretso sa table na aking kinainan kanina lang..
Walang tao.. halatang umalis ako at bumalik pero walang nabago sa pwesto.
"Excuse.." kalabit ko sa waiter na nasa likod ko.
"Yes ma'am!" masiglang sagot nito sa akin.
"Natatandaan mo ba ako?" tanong ko.
"Ma'am sorry pero hindi po eh.. may problema po ba?" sagot nya.
"Kasi.. Naiwan ko lang kasi ang aking panyo dito.."
"Dito mismo sa table na ito.." dugtong ko pa.
...
.....
.......
"Ito ba miss?"
Isang boses ng matipunong lalaki, Na kahit hindi ko pa nakikita eh parang pamilyar sa akin ang boses.. Hindi ko na nakuha pang magsalita matapos kong lingunin kung saan nanggaling ang boses.. Walang kahit anong salitang lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam ang ekspresyon na aking papakawalan sa oras na iyon.. Ngunit panandaliang nawala ang aking pangamba, nang salubungin nya ako ng ngiti, na kahit saang paraan ko tignan ay walang kahit anong ibig sabihin..
--------
Dudes
"May inimbita ka bang iba?" tanong ko kay Rhea.
"Huh?! Wala.. bakit?"
"Wala naman.. Ang dami mo kasing inorder.."
"Rhea.. Bday mo lang.. Hindi pyestahan.." dugtong ko pa.
"Hahahaha!" tanging sagot nya.
"Kumain ka na lang.. At may pupuntahan pa tayo.." excited nitong sabi.
"Pero kasi..."
"Wala nang pero pero Dudes, pumayag ka na diba?" tanong nya.
"Tsaka talaga naman magtatampo ako sayo kapag hindi ka sumama." dugtong pa nito.
Wala.. Olats na to! Wala akong nagawa kundi magkamot ng mga dandruff ko sa ulo. Sinipat kong maigi ang kanyang inorder, at nalula ako sa dami ng cholesterol.. Hindi ko yata kayang kainin lahat ng ito.. At kung sakaling hindi eh nakakahiya naman talaga sa kanya. Umorder sya ng halos pang limang tao ang dami. Hindi pala.. Sampung tao pala.. Kasi tig-lima kami.
San na ba si Kath?
Kumusta na kaya sya..
Lagot ako..
Mga tanong at pag-aalalang pumapasok sa isip ko, habang pilit na inuubos ang laman ng pangalawang pinggan..
Kutob.. Bakit? Parang may masama akong kutob..
------
Kath
"Bakit ikaw lang mag-isa?" tanong ng lalaki.
"Nasaan si Dudes?" dugtong pa nya.
"W-Wala sya.. A-ako lang mag-isa.." sagot ko.
Pagsisinungaling lang ang tanging paraan, upang hindi naman ako mag mukhang nakakatawa sa harapan niya.. Si Edgar ang lalaking nasa harapan ko..
Wala akong masabi.. wala akong maidugtong sa crossword sa isang piraso ng dyaryo.. Tinignan ko lang sya at nagpaalam na..
"Teka sandali lang.." awat niya.
"Bakit?"
"Kung uuwi kana.. Pwede ba kitang ihatid?" tanong nya.
"H-Hindi huwag na!" madiin kong pagtanggi.
"Bakit? Dahil ba kay Dudes?"
"Hindi.. Hindi dahil sa kanya.. Kaya ko naman mag-isa"
"Sige na.. Kaibigan ko si Dudes, kaya walang iisiping masama yun sa atin.." paliwanag nya.
"At parang wala naman tayong pinagsamahan.." dugtong nya pa.
Sa puntong wala akong maisagot, eh para namang kusang sumama ang aking katawan. Kahit pilit na pumipigil ang aking isipan. At dahil na din siguro sa inis ko kay Dudes, dahil sa pag indian nya sa akin.. Napilitan na din akong magpahatid.
-------
Dudes
"Takaw mo Dudes!" bati ni Rhea.
"Nahihiya lang ako sayo noh.." bulong ko sa sarili.
"Ano?"
"Ah eh.. Paborito ko kasi lahat ng inorder mo!"
"Ahhh.. Gusto mo pa?" tanong nya.
"Utang na loob.."
"Huh?!"
"Huwag na.. Busog na ako.." paliwang ko.
Pilit akong naghahanap ng magandang buwelo.. Kung paano ko nga ba sasabihin ng hindi sya magtatampo..
Maiintindihan nya naman siguro. Hindi naman siguro sya tanga o manhid para hindi iyon tanggapin. Kung ipagpapatuloy ko ang kalokohan na ito, malamang lagot na talaga ako..
Pinihit ko na bahagya ang aking inuupuan, upang magbigay atensyon.. Na sya namang pinagpala.. tumingin sya at nagtanong..
"Problema?" mahina nyang sabi.
"C-Cr lang ako..."
!@#$%^&*!!!!
Wala! Wala talaga kwenta ang kuwentong ito.. Ang labo ng utak at dila ko.. Hindi nakisama.. ang masama nakibagay pa..
Tumayo ako at naggala ng mata.. Naghahanap ako ng cr sa loob ng aming kinakainan.. Pero bakit wala? Napilitan akong lumabas at nagpunta sa cr ng mall.. limang minuto bago ko tuluyang matunton ang nagtatagong cr ng mall.
-------
Kath
"Kumusta na si Dudes?" tanong nya.
"Okei lang.. Okei lang din kami" sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun.."
"Naitago mo pa pala ang panyong yan.."
"Oo.. lahat naman ng bagay na galing sa inyo espesyal para sa akin.." paliwanag ko.
Tumango lamang ito at hindi na nagsalita.. Wala pa kami sa parking lot sa 3rd floor kung saan bigla syang nagpaalam na mag c-cr lang muna sya.
Nasaan na kaya si Dudes..
Bakit hindi sya dumating..
Ano na bang nangyari..
Mga naglalarong palaisipan sa isip ko.. At kahit anong bagay ang isipin ko ay parang walang tumutugma. Dahil nga ba sa mga txt at tawag nya bago pa man kami magkita.
...
.....
.......
AWWWWWWWWWWWWWWWWWW!!!!
Isang lalaking kakalabas lang galing ng cr ang bumangga sa akin.. Na hindi man lang nanghingi ng sorry.. Nakayuko sya at mukhang nagsasara pa ng zipper, na tila patakbo na parang last minute nya na sa mundo at kailangan nya nang magsimba. Pero.. Pero.. Pero bakit parang pamilyar ang lalaki?
Nanglaki ang aking mata.. hindi ako pwedeng magkamali..
"DUDEEEEEEEEEEEEEEEEEESSSS!!!!"
Malakas kong sigaw..
Lumingon ang loko..
--------
Dudes
"SYET!!! si Kath.." bulong ko sa sarili.
Bumalik ako sa kinatatayuan nya.. Batid sa kanyang hitsura ang taong naging lion, sa sobrang galit.. This is it..
"San ka ba nagsususuot lalaki ka?!!!" pasigaw nyang tanong.
Ayos! Para akong nasa larong chess na parang cup.. At championship na ang laban, at kailang kong tumira agad dahil may critical na timer sa aking harapan.. Tik.. Tak..
"Kanina pa ako nasa harap ng mall" sagot ko.
Wala akong naisagot kundi pagsisinungaling.. Olats..
"Eh bakit hindi ka man lang nag t-txt o tumatawag?" tanong nya pa ulit.
Isa na naman tanong.. At kailangan ko ulit tumira, may oras ang laban, kaya kailangan ko ng isang tira na makaka checkmate sa kanyang mga tanong. Wala akong maisip kundi sabihing lowbat ang phone ko, Kinapa ko ito.. Ngunit wala sa aking bulsa.. SYET!! naiwan ko sa limesa kung saan kami kumakain ni Rhea..
"Nawala ang cellphone ko.. Naiwan ko yata sa jeep.." sagot ko na nag-aalangan.
Hindi sya sumagot.. Tahimik lang sya.. Nakikiramdam, Nakatitig na parang may sinusuring mikrobyo sa aking mukha..
Napalitan ng awa ang aking tensyon, nang makita ko ang luha na dahan-dahang pumapatak sa kanyang mata.
"Kanina pa kita hinihintay.."
"Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo.." paliwanag nya na may halong maktol.
Tila batang umiiyak sa aking harapan ang babaeng mahal ko.. Wala akong nagawa at wala akong nasabi.. Niyakap ko lamang sya.. Pinaramdam kong nandito na ako sa tabi nya..
"Pasensya na talaga.." bulong ko sa kanya.
...
.....
.......
"Oh nandito kana pala pare.."
Anak ng! Anong ginagawa ni Edgar dito.. Alam kong mali dahil hindi ko naman pag-aari ang mall. Pero bakit nandito sya.. at bakit kasama nya si Kath? Nag flashback agad ang pangyayari sa utak ko.. Lumabas ako ng cr at nabangga ko si Kath na nasa labas ng cr ng lalaki.. Kasunod na lumabas si Edgar. Magkasama sila? Hindi ko alam.. Pero nakaramdam ako ng selos at inis.. Nagsalubong ang aking kilay..
"Kanina pa ako pre.. Kumusta ka na?" sagot ko sa kanya.
"Okei lang.. ganun pa din.."
"Ayos! So.. Mauna na kami pre.." paalam ko sa kanya.
"Sure! Ihahatid ko lang sana sya, wala kasi syang kasabay pauwi.. Buti dumating kana" paliwanag nya.
"Blah Blah Blah" bulong ko sa sarili.
...
.....
.......
"Dudeeeesss!! Pssst!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin.. Syet!!
"Bakit mo naman ako iniwan dun?"
"Pati tong phone mo iniwan mo pa.."
Sana nagkaroon si Son Gouku ng School dito sa pinas, para kahit papano naituro nya kung paano mag teleport, Or kahit man lang may store kung saan makakabili ng gadget ng M.I.B. na pangbura ng memory ng tao.
0 comment/s:
Post a Comment