Kwentong Tambay - Chapter 15

One day you'll look to see I've gone, For tomorrow may rain, so I'll follow the sun.



Gaano nga ba kahirap? Tanong ko sa sarili..

Mahirap nga ba? Nakakalungkot nga ba talaga? Dugtong kong tanong sa sarili.. Sa dalawang taong kontrata, Ano ano nga ba ang aking mamimiss sa pinas? Hindi pa man nakaka alis, Sobrang daming bagay na ang gumugulo sa aking isipan. Anong klaseng pakikisama, anong klaseng pamumuhay, at anong klaseng istilo ang aking gagawin.

Panigurado sa 23 taon kong pananatili sa bansang pinas, marami akong maiiwan at marami akong hindi masisilayan. Paano nga ba mag pasko sa ibang bansa? Paano din ba ang New Year? Parehas lang din ba? Naalala ko ang mga status ng mga tropa kong OFW sa FB. Iba daw talaga ang pinas.. Tulad ng madaming bagay.

Mamimiss ko ang.. Alley 1, ang Backside, ang Vergara, ang ilalim ng sementeryo, ang Exit way.. Park sa ilog, 42 riders club, si Bananaman, si Vincent.. Pagbalik ko kaya bum pa din sya? Ang Ycarruz.. Ang love team na Rjay at Kris Anne.. Si Francis.. Si Amaya.. At syempre.. Si bLueTwo..

Pero kahit ganun.. Saan mang sulok tayo ng mundo.. Iisang langit pa din ang ating tinitignan at tinitingala.. God Bless the internet na lang.. :(

-----------------------------------------


Sa mga sandaling ito, parang gusto kong mag evaporate sa kanilang harap, O di naman ay biglang mag shrink na kasing liit ng langgam.. Hindi! Mas maliit pa.. Yung tipong hindi na nila ako makikita. Hindi ko alam ang idadahilan.. Parang autocast at passive skill lang.. Automatic naging sinungaling ako sa harapan nya.

Pansin ko din ang kakaibang ngiti ni Edgar na parang pulitikong nanalo sa pamamagitan ng daya. Natuyo na ang laway sa aking bibig na dapat ay kanina ko pa nilunok.. Wala.. Olats! Lagpak ang grade kong nakuha sa isang exam na pang grade 2 lamang.

"Dudes.. Bibigyan kita ng pagkakataon magpaliwanag.." Pauna ni Kath.

"Totoo lahat ng sinasabi nya.." Paglalahad ko habang nakaturo sa direksyon ni Rhea.

"Pero.."

"Pero ano?!" Paputol ni Kath.

"Pero kaibigan ko lang sya, at wala kaming kahit ano!" paliwanag ko.

Hindi na napigilan pa ang emosyon na kinikipkip, Hindi na napigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mata. Sa mga sandaling iyon.. Walang ibang pwedeng sisihin kundi ang aking sarili. Walang pwedeng maging dahilan ng lahat kundi ako..

"Tara na Kath.." anyaya ni Edgar.

Wala na akong salitang narinig, ni walang emosyon pang nakita, tahimik syang naglakad papalayo sa akin.. Na sa tingin ko ay talagang malayo. At wala akong nagawa para pigilan sya..

"S-Sorry.."  Lahad ni Rhea.

"Wala ka namang kasalanan.." sagot ko.

Tumalikod ako at naglakad papalayo.. Walang direksyon.. Hindi alam ang pupuntahan, hindi alam kung saan liliko.. Gulong gulo ang aking utak na kahit walang laman ay pinipilit umandar.

"Dudes, hintayin mo ko.." habol ni Rhea.

....
......
........

Sa parking lot ako napadpad.. Dito ako dinala ng aking katangahan. Nagsindi ako ng yosi at tuluyang nagpahangin.. Tinititigan ko kung saan nga ba liliko ang mga sasakyang aking natatanaw.. Kung hihinto ba sila, O didiretso, Kung papasok ba ng parking lot ng mall. Labas masok lang sa tenga ko ang ingay ng kalsada.

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ni Rhea mula sa aking likuran.. Ramdam ko ang init, at laki ng kanyang hinaharap.. Pero walang panahon para mag-isip pa ng masama. Emo-emohan ang drama so dapat seryoso..

"Hindi ko alam na may ibang lakad ka pala.." paliwanag nito.

"Kasalanan ko naman bakit hindi ko agad sinabi sa iyo.." sagot ko.

"Puntahan mo sya.. Habulin mo.."

"A-Ano naman sasabihin ko.." sagot ko.

"Sasamahan kita at ipapaliwanag natin ng maayos ang lahat."

"Hindi naman ganoon kadali.."

"Eh ano? Tatanga ka lang dito?" tanong nya.

Natahimik ako, gusto ko pero may bagay na pumipigil sa akin.. Parang na-stun ako ng limang beses o mas mahigit pa..

Nadinig ko ang busina ng sasakyan mula sa aming likuran.. Nilingon ito, at walang ibang sakay kundi si Edgat at si Kath. Nakatungo lamang si Kath, Habang nakangiti naman ang loko.

"Kath!" sigaw ko.

Lalapit na sana ako.. nang pigilan ako ni Edgar..

"Tapos na Dudes.. Sinabi ko naman sayo na huwag mo syang pababayaan.. Hindi ka nakinig.." tinig ni Edgar na may halong galit.

Inarangkada ang auto at muntikan pang masagasaan ang aking paa. Napakamot na lang ako sa ulo, na halos matanggal lahat ng aking dandruff. Dismayado at inis.. Syet! Napamura ako sa sobrang galit..

-----

Rhea's house.

"Maupo ka dyan Dudes, relax ka muna.." pauna ni Rhea.

Naupo naman ako at ginala ang aking mata sa paligid ng bahay, may kalakihan ang kayang bahay. Sala pa lang eh mas malaki na sa kwartong inuupahan ko.

Matapos ang limang minuto.. Lumabas si Rhea mula sa kwarto. Nakapang bahay na ito, at halata sa postura ang kaseksihan.

"Gusto mo ng juice?" alok nito.

"Hindi.. Okie lang ako.." sagot ko.

"Beer?" tanong ulit nito.

At dahil hindi mapagkakaila na ako'y badtrip, at sa lahat ng problema ay alak lang ang kasagutan..

"Sure!" masigla kong sagot.

"Hintayin mo ako ha.." paalam nito.

Tuluyang lumabas ng bahay, at malamang dumiretso sa malapit na tindahan.

Hindi ako mapakali sa pagkakaupo.. Tinignan ko ang aking cellphone, nag aabang na sana magtxt man lang si Kath.. Pero dahil walang mapapala sa paghihintay. minabuti ko na lang na mauna na.

Kath, sori! Hindi ko talaga sadya!

..
...

Message sent.

-----

"Nainip ka ba?" bati ni Rhea na may bitbit na serbesa.

"Hindi naman.. Nalibang din ako kakaikot ng mata.." sagot ko.

"Hahaha! Mabuti naman at nakakapag biro kana.." pansin nito.

Ngiti ang ang naisagot ko, tumabi sya sa akin.. At sabay naming binuksan ang bote ng alak. Napabuntong hininga bago tuluyang tumagay.. Hayaan nang malasing ang bawat isa.. Hayaan nang magpakalunod sa alak, at tuluyang ipa-agos ang problema. Kung alak lang talaga ang sagot sa bawat problema.. Mawawalan ng trabaho si Papa Jack, Wala na ding epek ang crystal ball ni Madam Auring, At malamang hindi na mabenta ang online dating.

Sige lang!

Alak lang!

Tagay pa!

Paulit ulit kong kinanta sa videoke ang kantang "Beer" ng Itchyworms, ngunit bakit ang score ko ay hindi umaabot ng 75? Pero sa tuwing kinakanta ko ang "Every rose has it's torn" ng Poison, eh binibigyan ako ng 89 na grado. Nakakaloko.. Lasing na yata ako.. At hindi ko na din napansin na naka-akbay na pala ako kay Rhea.

Nakakunot noo syang nakatitig sa akin.. At sa sobrang hiya hindi ko alam kung paano ko naman tatanggalin ang naipit kong braso. Pulang pula na ako na parang kamatis sa kahihiyan.. Matapos ang eksena namin ni Kath sa mall, ay heto na naman akong napaka careless sa bawat galaw.

"Are you enjoying this?" nakapanglalambot na tanong ni Rhea.

At hindi ko alam ang isasagot ko, bagamat naghalo na ang alak at ang aking dugo.. Nararamdaman ko ang init sa aking katawan, na parang naka mode on ang aking pagkalalaki.

...
.....
.......

"Nag-eenjoy ka ba Dudes?" ulit pa nyang tanong.

"Saan ba?" Nakakunot noo kong tanong.

"Dito sa ginagawa natin? Itong kantahan natin at inuman.. Ano bang iniisip mo?" sagot nya.

"Wala kna naman ba sa sarili?" dugtong pa nito.

Napangiti lang ako at wala pala sa plano ang iniisip ko.. Dapat hindi ganito, dapat mangingibaw ang pag-ibig ko kay Kath.

------

"Kalimutan mo na sya Kath.." siwalat ni Edgar.

"Mahirap ang sinasabi mo.. Hindi naman ganun kadali.." sagot ni Kath.

"Ibig sabihin na kahit alam mo na ay okei lang sa iyo?" tanong ni Edgar.

"Hindi sa ganun.."

"So kalimutan mo na sya.."

"At sasabihin mo sa aking ikaw na lang?" maliwanag na tanong ni Kath.

-----

Wala nang alak at paos na ang boses ko kakahagod sa mga kantang hindi ko naman maitama ang tono.. Napansin kong mahimbing na ang tulog ni Rhea, na halata sa kanya ang sobrang pagkalasing.. Dinampot ko ang aking mga gamit.. Hindi ko na lang sya gigisingin upang hindi na din sya maistorbo.

"Dito ka lang Dudes..." pigil ni Rhea ngunit nakapikit ang mga mata.

"Samahan mo muna ako.." dugtong pa nito.

"Rhea.. Lasing kana.." mahina kong sagot.

"Iiwan mo ba ang isang babaeng walang kasama?" tanong nito.

Lasing ba ito? O naglalasing lasingan lang? Bagay na gusto kong itanong sa kanya.. Hindi na sana ako sasagot pa at tuluyan nang aalis nang pigilan nya ang aking kamay. Hinatak ako pababa tungo sa kanyang tabi..

"Dito ka lang.. Pakiusap.." bulong nito sa akin.

"Rhea please.. Kailangan kong kausapin si Kath.." paliwanag ko.

"Kath! Kath! Puro na lang si Kath!" boses na may halong inis.

"Eh hindi naman pwedeng Rhea lang.." pabiro kong sagot.

Sabay batok sa akin.. Aray! Aba! Loko ang isang ito.. Walk out na sana ako, nang bigla nyang halikan ang aking mga labi.. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, kusang nanatili ang aking katawan.. Hindi ako makawala.. Lalong tumatagal ay lalong nag-iinit ang aking sikmura. Dahan dahang nabura sa isipan ko si Kath.

Sinabayan ko ang bagay na gusto nya.. Tulad ng sabi ng iba.. Lalaki lang ako! Mahina sa temptation.. At kahit nilalabanan ng isip ko ang nangyayari, Pilit at higpit na pinipigilan ito ng aking pagkalalaki.

Blangko na ang lahat.. Kusa nang gumagalaw ang aking katawan. Nanaig ang hindi dapat, at nanatili ang hindi maipaliwanag na pagnanasa.

Gisingin nyo ako..

Nag ring ang aking phone, na nagbigay at nagbalik sa aking katinuan.. Dali dali kong sinuot ang aking damit. Nagulat ako sa caller at hindi inaasahang tatawag sya sa akin.

"Kath!" mabilis kong sagot.

"Nasaan ka? Gusto kitang makausap.." mahina nyang boses.

"Sige saan tayo magkikita?" tanong ko.

"Dito na lang sa bahay.. Hihintayin kita.."

Sabay baba ng linya.. Nakatingin lang sa akin si Rhea habang inaayos ang aking sarili. Batid sa kanyang hitsura ang pagkadismaya.

"Rhea.. I'm sorry.. Mahal ko si Kath.."

"Alam ko.." sagot nya.

"Go ahead! Baka naghihintay na sya sayo.. Huwag kang magpapalate ha!" nakangiti nitong sagot.

"Thanks!" masigla kong sagot at tuluyang umalis.

"Mga lalaki talaga.." bulong ni Rhea sa sarili.

Kasunod ang isang malalim na buntong hininga.

-----

Sa hindi maipaliwanag na saya parang gusto ko nang bumilis ang oras. At syempre para cute ang dating ko na parang telenovela ang banat, naisip kong bumili muna ng flowers. Ngunit sa mga oras na ito wala na siguro akong madadaanan na bukas. Hindi pa din ako nagdalawang isip na silipin kung meron pa ngang bukas.

Pagdating sa lugar, basa ko ang malaking karatula sa shop na "Sorry We're Closed!", at tuluyang nagdesisyong dumaan ng sementeryo.

"Brad! Pahiram muna nito ha.. Ibabalik ko din sya sayo.. Pangako!" paliwang ko sa puntod.


Pawisan ako at kabado.. Pero may halong excite.. Sa harap ng bahay ni Kath, bitbit ko ang bulaklak na galing sa isang puntod sa sementeryo, Kinatok ko ang pinto. Bumukas ito at lumantad ang maamong mukha ni Kath.

"Pasok ka.." pauna nito.

"Kath! Sorry.." sabay abot ng bulaklak.

"Salamat dito.. Pumasok ka muna at may pag-uusapan tayong importante."

0 comment/s:

Post a Comment