One Morning of July - 9

(image credit to idol Mela)

***

Naalala ko yung palaging singit ni Atay-Atayan sa isang eksena sa John and Marsha. Walang pinagkaiba sa biglang pagsulpot ni Nancy. Halos mangawit ang leeg ko, tapos bigla lang mapuputol. Nabitin ang kissing scene na sana'y tatalo pa sa dami ng participants sa lovapalooza. Ang sakit sa balls, este bangs.

"Kanina ka pa ba dyan?" singit ko na parang walang alam.

"Hindi naman" mabilis nyang sagot. Ibinaling ang tingin kay Marta na biglang naging abala sa paghahalungkat ng kung ano. "Sorry ha, hindi ko talaga sadya" mahina nyang bulong. Napakamot nalang ako.

Minsan naiisip kong parang hindi insidente ang mga pangyayari. Nitong mga nakaraang araw, parang madalas na ang koneksyon naming tatlo. Mula kwentuhan hanggang sa mga eksenang tulad nito. Hindi naman nakapagtataka, dahil sa isang company lang umiikot ang mundo naming tatlo. Basta may something weird na hindi naman sosobra sa x-files series. Ang pagdating ni Nancy ay expected na pala. Pero tila may mga bagay na gumugulo sa isip ko, at nagsasabing hindi ito tulad ng rice cooker na una sa listahan na matatanggap mo kung ikaw ay ikakasal. In short, sobra ako sa kape.


"Thanks, Nancy!" nakangiting wika ni Marta matapos iabot ang ilang dokumentong hiniling daw ni Mr. Reonico. Yun daw ang dahilan kaya sya naligaw.

"Sasabay nalang ako sa kanya!" paalam ko.

"Tangina pigilan mo ko!" bulong ko sa sarili.

"Sige, ingat kayong dalawa!" nakangiting sagot nya.

Badtrip! Inakala kong pipigilan nya ko sa pag-alis. Tama nga namang wag mag-expect, pero sa tingin nya palang alam kong may gusto pa syang sabihin or anything. Wala akong naisagot. Labis ang panghihinayang ko. Buo na sana ang plano kong sabihin na sa kanya ang nararamdaman ko. Nagpuyat ako para sa cheesy lines na hindi corny, tapos 'di ko man lang napakinabangan. Ang hirap ng ganitong sitwasyon lalo't sa tulad ni Marta na hindi ko man lang alam kung saang parte ng utak nanggagaling ang kanyang pag-iisip.



"Ano bang ginagawa mo?!" bulyaw agad ni Nancy. Sa tono palang ng boses nya parang bumangon sa himlayan ang lola ko na warfreak sa pagsesermon.

"Nagpapa-check up?" pilosopo kong sagot.

"Akala ko ba may LBM ka kaya ka absent sa work?"

"Okay! Alam mo naman siguro kung bakit ako nandon" binilisan ko ang hakbang ko para maabutan ang bilis nya sa paglalakad. "Chance ko na yun!"

"Wrong! Mali ang diskarte mo!" giit nya.

"Ano bang mali dun?!" naguguluhan kong balik tanong sa kanya. Dapat talaga magsasabi na ko kaso nauna yung tawag ng kung anong espiritu. Minsan iniisip ko nalang na si Nancy ay si Marta. Parehas silang iba ang pagkakabuild ng utak.

"Makinig ka!" seryoso sya. Para bang bawal titser ko na bawal ang paghinga sa tuwing may discussion.

"Ang pagsasabi ng nararamdaman ay dapat galing dito!" sabay turo sa kaliwang dibdib ko. "At hindi galing dyan" binaba ang kanyang hintuturo sa pagitan ng aking hita.

"Teka nga! It's just a kiss!" hinawi ko ang kanyang kamay.

"Sige nga! Paano nya magagawang maniwala kung nakikita na agad ang intesyon mo?"

"Wala akong bad intention! Ahh, aksidente?"

"Alam kong luma na 'to! Maghanap ka ng kausap mo!"

"Nagagalit ka ba? Sabi ko naman it's just a kiss! Walang masama dun! Sya nga hindi nagalit eh, tapos ikaw kung maka-react parang ikaw ang ninakawan ng halik. Nagseselos ka ba?!"

Nagsalubong ang kilay ni Nancy. Kinabahan ako hindi dahil seryoso na talaga sya. Yun ay dahil nagiging kahawig nya na si Amiel sa isang episode ng Okatokat. Hindi ko makuhang ngumiti. Sa mga oras na 'to taboo ang pag-ngiti. Tipong isusunod ka sa mga nabitay sa China.

"Okay, do what you want! The hell I care? Tama?" sarkastikong sagot nya. Medyo hindi ko nagets yung english. Masunog daw ako sa impyerno.

"Sorry!" tanging nasabi ko. "Nancy, sorry! Parang yung it's just a kiss lang. It's just a joke!" dugtong ko pa.

Hindi ko alam kung scripted yung pagdating ng taxi. Basta may automatic nalang na taxi na huminto. Padabog syang sumakay. Sinubukan kong pigilan sya at sinenyasan ko ang driver na patay sya sa akin. In the end, naiwan pa din ako. Badtrip! Sobrang inis! Mabuti pa ang google laging may "I'm feeling lucky!" na button.

Higit pa sa dami ng patak ng ulan ang dami ng tawag na ginawa ko kay Nancy, kahit na ang katotohanan ay higit lima lang naman. Sa unang tatlo hindi sinagot. Yung dalawa sinagot, kaso voice prompt. Hindi ko alam kung sa sarili ko mismo ako mababadtrip. Ayokong sisihin sya pero 'di ko talaga alam kung anong gusto nyang iparating sa akin. Malabo na nga ang gobyerno, dadagdag pa ang love life ko.

"Pwede bang mag time out muna?" wika ko sa sarili.

Dahan-dahan kong nilapat sa kama ang buong katawan ko. Tanggap kong hindi naging maganda ang araw ko. Bakit ba kasi hindi nalang naging fair si Aphrodite at nagpasabog nalang ng blessings sa buong mundo. At least lahat ng tao inlab. Wala pa sana akong problema ngayon.

Sinubukan ko ulit i-dial ang number nya. Isa, dalawa. Nakailan na ko pero wala pa din. Una, gusto ko mag sorry. Pangalawa, gusto kong malaman nya na sincere ako sa pagso-sorry. Pangatlo, I'll ask her kung tatanggapin nya ba ang sorry ko.

Binasag ng tunog ng phone ang pagiging corny ko. Mabilis kong sinagot. Hindi si Nancy ang boses na nasa kabilang linya. Naguluhan ako.

"I'm waiting for your answer.."

"Marta?!" tanong ko. Nailipat yata sa cellphone yung lucky button ng google. Feeling fiesta ang puso ko. First time nya kong tawagan. "Anong answer?!"

"Ahh, so hindi mo pala nakuha.."

"May inilagay ako sa pocket mo. Read it nalang then give me your answer"

"Sunday 8:00pm blah blah blah"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Muntik ng tumalon, mabuti nalang nasalo ko pa.

-tbc



1 comment/s:

Mafe Sumampong Garcia said...

bitin.. grrrr!

Post a Comment