Briquette

Pag-nenegosyo ng uling ang naglalaro sa isip ni Juliet matapos tupukin ng sunog ang kanilang maliit na baru-baro na katabi ng isang kilalang subdivision. Hindi magawang ipinta kahit ng pamosong si Vertullini ang mukha ng may-bahay. Higit pa doon. Kasamang nilamon ng apoy ang kanyang asawa na naging dahilan ng isang linggo nitong pagkatulala at hindi pagligo bago matulog.

Nagsimula ang sunog sa mismong kwarto ng mag-asawa. Ayon sa report, naiwang kandila ang naging sanhi ng tatlong oras na reality show. Taliwas naman ang version ng mga kapitbahay na may sariling imbestigasyon sa pangyayari. Paano'y pangalawang ulit ng nangyari ang ganitong trahedya sa mag-asawa. Animo'y swerte sa paghakot ng kamalasan.

Si Henry, asawa ni Juliet, ang syang itinuturing na salarin. Palibahasa'y adik. Binata pa'y sunog na hindi lamang ang katawan, pati na mismo ang utak. Dalawang araw daw na walang tulog bago magsimula ang sunog. Kung ano ang katotohanan, walang sino man ang nakaka-alam.

"Pasok ka," wika ni Rita. Nakakatandang kapatid ni Juliet, "Dito ka muna pansamantala habang hindi ka pa nakakalimot. Tutulungan kita. Magsabi ka. Kung ano mang kailangan mo handa akong suportahan ka."

"Salamat..."

"May balita na ba ang mga pulis?"

"Wala pa... Kung mayroon man daw na kakaibang makita sa imbestigasyon ay agad daw akong kokontakin."

"Nalulungkot talaga ako sa nangyari," sagot ni Rita kasunod ng isang mahigpit na yakap, "Mabuti nalang at hindi ka napahamak."

"Mabuti nalang at gising ako.. Si Henry, mabuti nalang at tulog.."

"Ha?!"

-Wakas



250 words
theme: tragic

8 comment/s:

Reilly Reverie said...

Ang daming posibleng karugtong... =/
Parang tragic pero parang hindi.. Parang...

limarx214 said...

Sir gawa ka pa nga ng mga ganito para may sustansya naman ang nababasa ko. :)

amphie said...

sa symb maraming masustansyang obra sir. sana mapadalaw ka. thanks!

amphie said...

Slight na open ending lang trops tsaka may halong katamaran hahaha

limarx214 said...

Saan ba 'yung symb sir? Bigay mo naman link bibisita ako dun...
Teka blogsite/website ba 'yun? haha, ang engot ko

amphie said...

forum site idol :)

symbianize.com

limarx214 said...

nakabookmarked na sir 'yung symbianize, may PDF ka ba ng teenage cappuccino? para basahin ko na lang sa tablet, mahaba kasi hindi ko kaya ng isang upuan - putol- putol kasi 'yung basa ko.
'sensya na ang demanding ko. haha

amphie said...

jar file lang sir. hindi ako marunong gumawa ng pdf. kahit ito hindi din ako ang gumawa hehehe.

http://dl.pinoyden.com.ph/download/136399-341884/TeenageCappuccino.jar

Post a Comment