Kwentong Tambay - Chapter 12

"Sabi nila, Imposibleng mahalin mo ang isang bagay o tao na hindi mo nakikita, Pero.. I can't see GOD.. But I love him" -Tipsy_



Kailan nga ba yung last? At kailan nga ba ako nag umpisa? At ang malupit eh.. Paano nga ba?..

Nakalimutan ko na yata kung paano, pero kung tutuusin.. Hindi naman talaga ako marunong sumulat. Mas kabisado ko pa yata ang lahat ng video sa youjizz kesa sa mga naisulat ko sa Kwentong Tambay.. Hindi ko man ninais na maging love story ang kwento, eh yung talaga ang lumalabas..

Slight parody ang trip ko, pero naging love comedy na yata ito.. Ano ito nag f-fliptop naba ako?.. Hindi ko na yata alam kung paano ko uumpisahan.. Parang kanta ulit ng PNE na "San man patungo", gagawa ka ng kanta na hindi mo trip or napilitan ka lang.. after nun wala nang sense.. tulad ng ginagawa ko ngayon. Nagttype ako ng kung anu-ano, pero wala namang pumapasok sa utak ko..

Slow lang ba talaga ako? O pinipilit ko lang na may masulat ako?

Lima hanggang sampung minuto.. Tinapos ko ang intro, pero walang kadugtong na kahit ano... Pero dahil inspired ako.. at nasa mood na rin.. Game! :D

Magsusulat na lang ako ng kahit ano..


------------------------------

Halos madurog ang lahat ng buto ko simula hita hanggang balakang, matapos kong yakapin ang sahig ng ospital..

Si Kath ang laman ng isip ko kahit nasaktan ako, mabilis akong bumangon mula sa pagkakabagsak na sya naman ikinagulat ng cute na nurse na hawig nga ni Donna Bartolome na crush ko..

"Sir, Okei ka lang?" with matching shock gesture.

"Okei lang.." sagot ko na nangangatog.

At sya namang alalay ng nurse sa akin pabalik sa higaan.

"Miss.. anong oras na ba?" tanong ko.

"4am na po Sir.. Medyo napahaba ang tulog nyo dito.." sagot nya.

"Sensya na ha lasing lang kase ako.."

"Sir kapag lasing po, dapat sa bahay dumiretso hindi sa ospital.."

"Sorry ulit.." sagot ko.

Nilibot ko ang aking mata sa buong kwarto, ngunit isa lang ang napansin ko.. Hindi pala ito ang kwarto kung saan iniwan ko si Kath. Dahil sa pink and white na kurtina ng bintana na noong iniwan ko sila ay halos puti lahat.

Agad akong nagmadali.. Bumangon ako sa kama, lumabas patungo sa lobby para magtanong..

"Uhm.. Excuse.. Tanong ko lang po kung saan naka confine si Ms. Katherine Cervantes.." tanong ko sa receptionist na sobrang busy sa kakatxt..

Tumingin sa pc.. Inayos ang salamin na kasing kapal ng kalyo ang grado.. Click dito, click doon, scroll up dito, scroll down doon..

"Out na ang patient.." sagot nya.

"Uhm.. Mga anong oras?" tanong ko ulit.

Tumingin ulit sa pc, at inangat ng bahagya ang salamin..

"Kaninang 3:50am lang.." sagot nya.

Syet! Sampung minuto lang ang pagitan.. Mula sa lobby tinanaw ko ang labas ng ospital, At kahit madilim pinipilit kong aninagin at nagbabaka sakaling makita ko pa sya.

"Cge po salamat!" paalam ko sa receptionist.

Pinilit kong takbuhin mula lobby hanggang sa kalsada, Nagmistula akong giraffe na halos magkanda haba ang aking ulo kakatanaw sa malayo..

Pero wala.. Kahit bakas o anino man lang ni Kath ay hindi ko matagpuan, Nakaramdam ako ng inis sa sarili.. Napag-initan ng aking mata ang bote ng mineral water na nasa harapan ko.. At ubod lakas ko itong sinipa..

Malayo.. Hindi ko tanaw kung saan napadpad.. Naghanap pa ulit ako ng mineral water na masisipa pero wala na kong makita.. Yamot, Inis, at labis na pagkadismaya ang pilit na nagpapataranta sa utak ko. Huli na ang lahat.. Hindi na maaaring mangyari pa ang ganoong eksena..

Wala akong nagawa, dahan-dahang nangilid ang aking luha, na hindi ko namalayan dahil sa labis na inis.. Umupo ako sa gutter ng kalsada, Kinapa ko ang huling sigarilyo sa aking bulsa.. Sinindihan at tuloy tuloy na hinit-hit.. Nakasubsob ang ulo sa tuhod, habang pilit na itinatago ang luha.. Sa lahat na siguro ng pagkakamali ito na ang pinakamatindi..

Lugmok.. Wala sa sarili.. Tulala.. Nilakad ko nang pabalik balik ang loob at labas ng ospital.. Nagbabaka sakaling nagkamali lang ng sulat si Amphie sa chapter na ito, at nasa labas lang pala si Kath na naghihintay sa akin.. Ngunit wala.. wala akong napala..

Napansin kong nagbubulungan na ang mga tao na nasa lobby, maging ang mga janitor at gwardya..

"Hindi po ako baliw.. Inlab lang.." bulong ko sa sarili.

Nagpasya na kong lumabas at umuwi na lang, sa gate ng ospital.. Tinanaw kong muli ang lobby.. Sa likod isang boses..

...
......
.........

"Dudes..."

Isang boses na talaga namang naglagay ng ngiti sa aking labi..
Isang boses na kahit isabay sa ingay ng jeep, eh talaga namang nangingibabaw..
Isang boses na minsan nang naging parte ng masaya at kwela kong buhay..
Isang boses na kahit kailan ay talagang nagdudulot ng kakaibang emosyon..

Kinurot ko ang aking mukha, at sinampal sampal.. Baka lang nahimatay lang ako ulit, para siguruhing hindi ako nananaginip..

Matangkad sya at medyo slim ang katawan, malaki ang harapan.. At hindi ko alam ang kulay ng kanyang silver dollar.. Medyo kulot ang buhok na laging nkapusod.. singkit na mga mata.. at maamo ang mukha. Sa unang tingin okei ang babaeng ito.. pero alam kong ma o-off ang lalaki kapag na background check nya na ang lifestyle ng babaeng ito. Tahimik ako habang pinagmamasdan sya..

Walang duda.. Si Kath.. Si Karnabal.. Si Olats.. Ang babaeng mahal ko..

"Bakit ka umiiyak?" mahina nyang tanong.

Pinunasan ko ang luha, at naglakad tungo sa direksyon nya.. Huminga ako ng malalim.. Lumunok ng laway.. Nag ayos ng damit at nagpagpag ng pantalon.. Hinawi ang one-sided kong buhok, na ilang taong naging trip ng nanay ko.

Sasabihin ko na ang mga bagay na dapat kong sabihin.. Nang napansin kong nasa likod nya pala si Vincent..

"Ehem!!" malakas kong sabe.

"EHEM!!" sagot ni Vincent.

Aba ang loko.. nangungulit pa.. Sinenyasan ko sya na umalis muna at bigyan kami ng kaunting oras.. Tumawa lang ito at sabay naglakad papalayo at sumenyas ng thumbs up..

Pagbaling ng ulo ko galing kay Vincent.. Isang malakas at matunog na sampal ang sumalubong sakin..

"Aw!"

Panandaliang nabingi ang aking tenga.. Parang nag shut down ang makina ng liberty.. Parehas na parehas ang tunog.. Hindi ako nakasagot..

Ilang segundo pa ang nakalipas..

"Kath.. I-im.."

PAK!!!

Isang sampal ulit ang bumalatay, yun nga lang sa kaliwang tenga naman.. Pero this time mas malakas at mas ramdam ko ang sakit.. Ngunit wala pa din akong masabi..
Pakiramdaman ulit ang labanan.. Tinititigan nya ko.. Hindi ako makatitig.. Napansin kong dahan dahan syang lumalapit sa akin.. At sa aking tingin eh isang sampal na naman ang aabutin ko..

Ngunit hindi..

Isang mahigpit na yakap..

Yakap na napakaraming ibig sabihin.. yakap na pwedeng mahantong sa "paalam", or "dito ka lang"..

Ramdam at dinig ko ang kanyang mahinang pag-iyak.. Lalo akong nasaktan, hindi sa nangyare.. Kundi sa ginawa ko. Pero parang iba.. Ibang Kath ang kayakap ko.. Ibang iba sa nakikita ko sa araw-araw ng eksena sa lugar namin.. Ito nga ba si Kath, na nakikita ng iba na parehas din kung tignan ko? O yung Kath na kahit alam ko kung anong meron sya ay wala akong pakielam.. Ganun ba talaga mag-mahal? Kahit anong sagwa at kahit anong pwedeng mangyari ay okei lang..

Hinayaan ko ang mga sandaling ito na nakayakap sya sakin..

Ninanamnam ko ang bawat sandali, para kung sakaling paalam na, eh na-enjoy ko pa ding mahalin sya sa pamamagitan ng yakap lamang.. Ngunit sa hindi inaasahang pag e-enjoy eh biglang nagsalita ang mapangahas kong bibig..

"Kath.. SORRY!"

"H-Hindi ko sadyang saktan ka.."

"Okei lang.." sagot nya.

"Okei lang saktan mo ako ng paulit-ulit.." dugtong nya pa.

"Natakot lang ako Kath.. Naduwag.." sagot ko.

"Okei lang.. Okei lang maduwag at matakot ka ng paulit-ulit.."

"Hindi na mauulit.. Hindi na kita iiwan.."

"Okei lang.. Okei lang iwan mo ako ng paulit-ulit.." sagot nya.

..
...
.....

Tahimik.. Mahangin.. Walang imik..


"Kath.."

"Kath.. Mahal kita.." bulong ko.

"Okei lang Dudes.. Mahalin mo ako ng paulit-ulit.." sagot nya.

Para gusto nang maputol ng hininga ko sa narinig ko galing sa kanyang matamis na labi.. Naka record sa utak ko, At paulit-ulit ang playback.. Nawala ang sakit.. Nawala ang inis.. Nawala ang yamot.. Nawala lahat.. Naiwan ang ngiti at ligaya na minsan lang maramdaman..

"Pero.." paputol nya.

Ngumiti sya.. Bahagyang pinunasan ang nangingilid na luha..

"Ligawan mo muna ako.." dugtong nya.


Biglang tumugtog sa background ang Crazy Mary ng FM Static.

--------------------------------------

Namiss ko ang tcaf at ang mga tambay.. :wave:

4 comment/s:

Pink Line said...

"hindi po ako baliw, inlab lang" i love this line :)

Amphie said...

alangya nanuyod ka ng kwento ah! salamat sa pagbasa! may series ka pala sa blog mo. basahin ko.

Pink Line said...

interesting at hindi nakakatamad basahin dahil exciting ang bawat chapter ng series mo..mas gusto ko pang suyurin to kesa basahin yung ebook na sinend saken ng friend ko hehehe...naku testing lang yung series na yun kung pwede ba kong magsulat hehe..bigyan mo nmn ako ng tips sa pagsusulat haha..thanks :)

Amphie said...

nyek! hindi naman ako pro. nagsusulat lang ako for fun. tips lang sa lotto alam ko hahaha!

Post a Comment