Pasensya na sa delay..
Otor(Author)..
Gaano ba kahirap magsulat? Gaano kahirap gumawa ng isang kwentong sa tingin mo ay maganda, pero hindi naman pala. Paano nga ba isasalaysay? Paano nga ba i-dedeliver? Kasing simple lang ba ito ng mga gawain sa bahay? Sa school? Projects? Assignments? O kasing hirap ng thesis.. Kasing hirap din ba nito ang pag gising ng maaga? At magpakulo ng tubig pangpaligo?
Hindi ako idol.. Hindi astig tulad ng iba.. Hindi kaseng lupit ni Ayekaru. Hindi kasing lawak mag isip, tulad ni idol Bob Ong. At malamang hindi din kasing lalim, tulad ni Boss Panj.
Pero bilang isang manunulat, o taga gawa ng kwento.. Ang mas mahirap na bagay ay yung.. Hindi naiintindihan ng mambabasa ang tunay na nilalahad ng kwento, Ang tunay na nilalaman nito.. Ang lihim na nakalakip dito. Mga sikreto't palaisipan na hindi kayang ilahad, ngunit dinadaan sa sulat. Mga bagay na hindi mabigkas na pilit tinatago, at sinisiksik sa bawat letrang nakalahad.
Reader..
Kapag adik ka ba sa libro at kung anu anong mababasang istorya at kwento, matatawag ka na bang isang reader? Ano nga ba ang tamang term?.. Kapag ako ba ay mahilig sa love story, baduy na ako? Kung sakaling horror? Weird na ba yun?.. At syempre kapag mahilig ako sa mga parental guidance, Avid reader na ba ako ng xerex?.
Nakakabobo lang minsan.. Bakit may otor na mahilig mang bitin ng istorya? Para ano? Para nga ba ka-aabangan ang kasunod? Malamang hindi ko din naiintindihan.. Pilit mang ipaliwanag, hindi ko din maarok ang gusto nilang ipahiwatig. Bakit ganito? Bakit ganyan? Bakit may linya silang hindi ko maintindihan?
Minsan siguro sinasadya nila.. Pero para saan pa? Walang silbi ang istorya kung ang kwento ay hindi maipapaliwanag ng husto.. Hindi naman siguro crossword puzzle o sudoko ang binabasa ko, pero bakit pala-isipan ang nakalahad dito. Mahirap magpakalalim.. Kung wala ka namang utak na kaya itong languyin.
---------------------------------
Dalawangpung beses kong inulit ang salitang "Sorry" sa harap nya. Hindi mabilang na "Please" ang aking pinakawalan. Isang katutak na paliwanag ang pilit kong hinihimay.. At sa hindi nga inaasahan, sa huli.. Ako pa rin ang nasaktan.
Wala ako sa lugar para magdrama.. At malamang nanawa na silang magbasa ng kung anu anong iyakan pa. Kusang loob kong tinanggap ang kinahantungan ng kwentong tambay na aming pinagtampukan. Ang nakakapagtaka lang.. Masakit ngunit bakit parang manhid.
Ito ang mga bagay ng tumatakbo sa isip ko.. Habang pinagmamasdan si Kath, Hindi pa man nangyayari pinangungunahan ko na. Pinanis na ng lungkot ang excited kong pakiramdam.
"Amoy alak ka.. Uminom ka?" malinaw na tanong nya.
"Yun lang kase ang paraan para.."
"Para kalimutan ang problema?" paputol nya.
"Tumatakas ka?" dugtong nya pang tanong.
Hindi ako nakasagot.. Umiling lamang ako, na parang batang pilit tinatago ang report card sa magulang.
"Dude.. ang problema hindi katulad ng alak na pwede kang tumakas at mag pass.."
"Kath linawin mo na ang lahat.." matapang kong sagot.
"Bakit may bagay pa bang dapat liwanagin sa ating dalawa?"
"Kung meron man.. Yun ay ang pagkakamali ko.." sagot ko.
"Nagkamali ka nga ba? O sadyang naging mabait ka lang?"
Hindi ko alam ang isasagot.. Kung sabihin ko mang nagkamali ako, ako ang masama. At kung sumangayon ako sa pangalawa, ay para na rin akong nagbuhat ng sariling bangko. Hanep din pala
mag-isip ang isang ito.. Mahirap sagutin, kahit napakadaling basahin.
"Mahilig ka pala sa bulaklak ng patay" puna nya sa bulaklak na hawak.
Hindi ako nakasagot.. wala sa isip ko ang binibigkas ng kanyang mga labi, gusto kong linawin sa kanya ang lahat, lahat lahat ng nangyari, at nagawa ko.. Sa isang saglit lang.. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon.. Kung sa palagay ko ay makikinig sya.
"Kath.. may pag asa pa bang maging tayo?" walang kwentang tanong na biglang naisip ko.
"Kung magiging tayo, may pag asa bang mahalin mo ako?" balik tanong nyang napakalinaw.
"Kailangan ko pa bang sagutin ang bagay na alam kong, alam mo na din?"
"Kung sa palagay mong alam ko na ang sagot, eh bakit naitanong mo pa ang bagay na yan?" malinaw nyang sagot.
Hindi ko alam.. pero biglang bumilis ang tibok ng aking puso, nag aagawang pakiramdam.. Hindi ko napigil ang ngiti sa aking mga labi. Parang ayaw ko nang umalis pa sa kinalalagyan. Parang ang tingin ko ay ending na ng endless love at hindi mamamatay si jenny.
Sumasayaw ang puso ko sa tunog ng gitara, na kahit wala sa tono, ay bumawi naman sa tyempo.. Korni na sa korni, pero wala na yatang kokorni pa kapag ganito ang pakiramdam.
Niyakap ko sya ng mahigpit.. Pinaramdam ko na kaya kong tumbasan ang kanyang hinihiling.. At lalo pa itong higitan. Bumulong sya nang mahina.. Ngiti lang ang sinagot ko.. Sa sandaling ito, wala na yata akong hihilingin.. Ganito yon.. at malamang, ganito din ang kalalabasan.
...
....
.....
"Ma-mimiss kita Dudes.." bulong nya.
Nanglamig ang buong katawan ko.. At hindi ko namalayan ang pagbagsak ng kanyang mga luha.. Sinipa ko ng ubod lakas ang aking utak, upang hindi ito tuluyang mag-hang..
"Bakit? San ka pupunta?" tanong ko.
"Gusto ko nang magpaalam sayo.." sagot nya.
"Gusto na kitang kalimutan.." dugtong pa nito.
!!???
"Anong ibig mong sabihin?" mahina kong tanong.
"Paano na tayo?" dugtong ko pa.
..
...
....
"Wala nang tayo.. At wala nang mangyayari pang ganun.." sagot nya.
Malinaw ang kanyang pagkakabigkas, pero malabo at blurred ang dating sa akin.. Hindi ko maintindihan.. Isa lang ba itong pakwela nya? Isa lang bang laro na napakahirap sagutin? Hindi ako makasagot.. Hindi ko alam ang susunod na tira sa larong chess, ganitong hindi ko din alam kung nasaang sitwasyon na ba
ang nangyayari ngaun sa harapan ko.
Napansin ko ang gamit na naka-impake malapit sa kanyang kama.. Palatandaan na hindi sya nagbibiro. At tulad ng inaasahan, hindi pa din ako naniniwala. Walang dahilan para iwanan nya ako.. Siguradong hindi nya kayang gawin ang mga bagay na kanyang sinasabi.
---------------------
"Kath.. Saan ka pupunta? Pakilinaw sa akin ang lahat.." pagmamakaawa ko sa kanya.
Tumungo sya bago tuluyang maglahad.
"Aalis na ako Dudes.. At ikaw ang dahilan.." paliwanag nya.
!!???
"Ako?!?"
"Nagbibiro ka lang hindi ba?" tanong ko.
"Wala na akong dapat pang ipaliwanag sa iyo Dudes.. Kaya please lang.. Umalis kana ngayon.."
malinaw nyang sagot.
Walang ekspresyon.. Plain.. Pahiwatig na hindi sya nagbibiro, at siguradong seryoso. Pero.. Pero hindi ko pwedeng hayaang ganito.. Nasa akin pa din ang alas, Hindi sya pwedeng magdesisyon ng bagay na alam kong hindi nya kayang gawin sa akin.
"Hindi ako aalis! Dito lang ako hanggang sabihin mo sa akin ang dahilan.." matapang kong sagot.
...
....
.....
"Gusto mong malaman?"
"Hindi kaba nagtataka kung bakit hanggang sa ngayon ay wala pa din akong sagot, sa mga paghihirap mo?"
"Dudes.. Simple lang.. Ayokong pagsisihan mo ang mga bagay na'to sa huli. Wala kang mapapala sa akin. Nagkamali ako nung panahong inamin ko sayo lahat.. Yun ang bagay na hindi ko pwedeng pigilan, dahil yun ang nararamdaman ko.. Hindi ako pwedeng magsinungaling sa sarili ko, at hindi aminin sayo na mahal din kita.."
"Pero.. Pero kahit anung bagay ang pilit kong isipin, na pwedeng maging tama sa atin.. Hindi din pala tutugma.."
"Balak ko nang sabihin lahat ng 'to sayo.. Matagal na, at ang date natin kanina ang magandang bwelo para sa akin.."
...
....
.....
"Sana maintindihan mo ako Dudes.. Hindi ako ang para sayo.. Hinding hindi ka magiging masaya sa akin, alam mo yan.. Huwag mong sayangin ang nararamdaman mo para sa akin, ibigay mo ito sa iba.. Magsisisi ka lang, at maiisip mo ang lahat sa huli.. Yun din ang mga bagay na hindi mo na maibabalik."
"Kaya.."
"Please lang.."
"Umalis kana.."
"Dudes..."
--------------------------
"Yun ba.." mahina kong sagot, sa napakahabang paliwanag nya.
Batid ko sa kanyang hitsura ang pagtataka, kung bakit ganun lamang ang naisagot ko.
"Yun lang ba ang dahilan Kath?" dugtong ko.
"Kung yun ang dahilan para lang iwasan ako..
...
.....
.......
"Gago na ako kung sa gago.."
"Pero.. Magpapaka-gago na lang ako, para lang sayo."
Hindi ko alam kung bakit nga ba ganun ang naisagot ko.. Wala na sigurong oras para mag-isip ng magandang linya, Hindi naman ako ganun kagaling sa dramahan.. Sinabi ko lang ang pumasok sa utak ko, at malamang ang sya naring nararamdaman ko.
"Pasensya na Kath.. Pero hindi ko kayang gawin ang hinihiling mo.." dugtong ko pa.
"Ang layuan ka.. Yun ang bagay na hindi ko kayang ibigay sayo.."
Napansin ko ang ngiti sa kanyang mga labi, nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Kakaibang pakiramdam.. Hindi ko talaga maiwasan, pero sa tuwing nakikita ko ito sa kanya, hindi ko na din maiwasan pang hindi sya titigan. Parang passive skill.. Yun nga lang nasa highest rate na ito, at malamang lvl4..
Si Karnabal o mas kilala ko sa pangalang Katherine ay aking kababata, hiwalay ang magulang. Mag-isa sa buhay, walang kaibigan, at paiba-iba ng syota na umuuwi sa kanyang bahay,
at umaalis din kinabukasan.
Sa ganitong paraan ko sya tignan dati.. Na ngayon ay pilit kong binubura sa utak ko, Hindi pala talaga pwedeng gawing basehan ang nakikita mo, pagdating sa pag-ibig. Hindi na pala gagana ang buyo, kapag tinamaan ka..
"Salamat Dudes.." sagot nya.
...
....
.....
"Pero.. huli na din ang lahat.."
"S-sorry.."
Sinundan ito ng hikbi, at tuluyan nang nauwi sa iyak.. Yakap.. Yakap lang ang tanging nagawa ko. Wala akong kayang gawin sa ganitong sitwasyon.. Pinakita nya sa akin ang kanyang plane ticket, at lahat ng dokumento na kailangan sa kanyang pag-alis..
"Mahal kita Dudes.. Pero huwag kang magdalawang isip na gawin ang dapat, sakaling dumating talaga ang para sayo.."
----------------------
Hindi ako veterano pagdating sa paalam, at kung anu ano pang goodbye ceremony, tulad ng nakagawian noong high school, wala na lang pansinan.. Kung tutuusin wala din naman namagitan sa amin. No string attached kumbaga, walang commitment.. Basta wala na lang..
Masakit para sa akin, pero wala naman talagang magagawa.. Hindi naman pwedeng palagi akong nasusunod sa mga bagay na ninanais ko. At hanggang sa araw, oras, at minuto ng kanyang pag-alis, hindi ako nagparamdam.. Hindi ako nagpakita, walang txt o tawag man lang.. Walang pahiwatig, at kahit e-mail at sulat ay wala akong balak ipadala sa kanya.
Hindi ako bitter..
Umaasa lang ako na sa pagbalik nya, ay meron pang himala na magaganap..
Natagpuan ko ang sarili kong mukhang tanga.. Araw araw wala akong ginawa kundi bilangin ang itim at pulang numero sa kalendaryo. Ganito pala kahirap.. Pero tulad ng sinabi ko..
Wala akong magagawa..
---------------------
"Dudessssssssssssss!!!"
Sinilip ko ang lalakeng tumatawag sa akin mula sa bintana ng aking inuupahan. At tulad ng inaasahan.. Si Vincent, ang tropa kong sobrang loyal sa akin.. Bitbit ang bola na pang basketball, sinenyasan nya ako na tipong nagyayayang maglaro.
"Sira talaga ulo nito.." bulong ko sa sarili.
"At kailan pa ako natutong magbasketball.."
Bumaba ako, hindi para pagbigyan ang gusto nyang mangyari, kundi para masilayan man lang ng araw ang aking mga balat, Na sa tingin ko ay kinukulang na sa Vitamin E.
"Balita pre?" tanong agad ni Vincent sabay abot ng yosi.
Sinindihan ito.. Humithit at bumuga.
"Ayos lang.." mahina kong sagot.
"U-Uhm.. sa kanya anong balita?"
"Kay Kath? Ewan.. Wala akong balita.." sagot ko.
Kibit balikat lamang ang sinagot ni Vincent sa akin, halata sa kanyang hitsura ang pagkadismaya sa aking sagot.
"Shot?"
"Pass.."
"Nakakapanibago.." bulong ni Vincent.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi typical na huwebes.." sagot nya.
Bigla kong naalala na ngaun pala ang update ng inaabangan kong manga na Bitter Virgin.
0 comment/s:
Post a Comment