Gigising ako 6am, 1pm ang lunch break, at makaka-uwi sa bahay ng saktong 7pm..
6 days a week, at isang araw lang ang pahinga..
Paulit ulit na paghakbang sa 24 na baitang ng hagdanan.. Nakakatamad.. Nakakasawa.. Nakaka-homesick.. Tatlong buwan.. Tatlong buwan na pala akong nasa ibang bansa, minsan naisip ko din pakinggan ang Gloomy Sunday pero wag na lang, may nagmamahal pa naman siguro sa akin..
"How are you? Fine?" isang practical joke ng isang babaeng pinay sa opisina.. Hindi kana magkakaroon ng pagkakataong sumagot.. Simple lang sya, pero natatawa ako..
Pero minsan pumasok sa isip ko, na sagutin ko sya ng "Do I look fine?", ewan ko ba.. Bigla na lang ganun.. Nangiti sya at nagtanong.. "May dalaw ka?" at dahil matalinghaga ako pagdating sa kalokohan.. "Wala! Wala ka na bang ibang joke? Ang corny mo eh!"
Ngayon siguro alam nya na na nakakasawa, nakakapagod, at nakaka homesick din pala ang pagsagot sa iisa at corny nyang joke.
Isang bagay lang.. Hindi ko alam kung joke ba talaga yun sa kanya..
..
...
....
Tinititigan ko ang isang blangkong notepad sa harap ng laptop, Nakasalpak sa aking tenga ang earphone at nag s-sound trip sa tunog ng paborito kong istasyon..
May dalawang stick ng yosi sa tabi, at lighter..
Handa na yata ako..
---------------
"Dude! Tignan mo'to!" anyaya ni Vincent, habang nanonood sa kanyang bagong phone ng sikat na scandal ni Belo.
Hindi ko sya pinansin, sa dahilang busy ako sa game 1 ng NBA finals, na Miami kontra Dallas.. Hindi ako masyado fanatic ng sports na Basketball, sa dahilang
hindi ako marunong nito, at kung may iba pa ay hindi ko na alam.. Malaki ang tuwa ko dahil akala ko ay makakatikim ng dapa ang Heat sa game 1, pero hindi.. Nabadtrip lang ako.. Kung ano talaga ang gusto mo yun ang talagang ipinagkakait sayo.
"Kadiri pre! Kadiri sya.. Para akong nanood ng wrestling!" dugtong pa ni Vincent.
"Bakit? may kagatan ba sa wrestling?" tanong ko sa kanya.
"Meron! Meron pa ngang steel chair eh! Hindi mo ba alam un?" sagot nya.
Dinampot ko ang remote ng tv, at tuluyang pinatay.. Hindi ko na tinapos ang last minute ng laro.. dehado.. Sumandal sa upuang gawa sa plastik, inilapat ang mga palad sa aking ulo..
Nagmuni-muni.. Hindi naka ligtas sa aking paningin ang kalendaryo, ganun pa din ang kulay.. itim at pula.. Napabuntong hininga..
"Kailan ka ba babalik?" bulong ko sa sarili.
Halos mag iisang taon na din pala mula nang umalis sya.. Idagdag mo pa ang isang buwan na hindi ako nakipagkita sa kanya hanggang sa kanyang pag-alis. Ganun katagal ko na syang hindi nakikita.. Minsan sumasayad sa isip ko ang kanyang malupit at mala-coca-cola na katawan, pero dahil madalas ang tambay ni Vincent sa kwarto ko, ay napapadalas din ang nood ko ng kung anu-anong..
------
Sa loob ng labing dalawang buwan na nagmistulang mahal na araw, wala akong ginawa kundi mag-trabaho, matulog, mag-inom, at mag kupal. Nakaka tamad.. Wala.. Parang walang pumapasok sa utak ko, kundi gawin ang paulit ulit at nakakasawang gawain..
..
...
....
"Boss tenkyu!" Masigla kong bati sa Boss ko, matapos akong payagang umuwi ng maaga.
Sumakay sa elevator, at tuluyang dumiretso sa ground floor. Parang lumulutang ang aking mga paa.. Pakiramdam ko'y dinadala nya ako kung saan ako nararapat, at kung saan hindi dapat..
Pumara ng jeep, ngunit hindi huminto.. Tanga ko lang! Hindi pala sila pwedeng huminto sa pinaparahan ko, dahil may terminal kung saan sila nakapila..
Oo.. Tamad talaga ako..
Alam ko na may terminal, pero nagbakasakali pa din akong hihintuan ng jeep.. Minsan nakaka-tanga din, dahil gusto mo baguhin ang nakasanayan.. pero hindi pala talaga pwede.. Ang dating nito sa akin, ay parang naisulat at nailathala na sya, at wala ka nang karapatang i-edit pa.
-----
"Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayoy, kailangan nang itapon"
Soundtrip ni mamang drayber sa jeep na sinasakyan ko pauwi.. Ang corny, pero may konting bagay na nagpapa-alala sa akin, at pilit nangingiliti. Ang maalindog nyang katawan.. este ang mga ngiti nyang ubod ng tamis.. Maliwanag pa ang araw, pero ang aga ko dapuan ng panaginip.
"Para po!" sigaw ng isang babaeng estudyante na kaharap ko sa duluhan ng jeep.
Hindi ko maiwasang mapatingin, dahil kasunod nyang bumaba ang isa pang estudyanteng lalake, sabay holding hands.. Na sya namang tama ng aking mata sa taxi na sumusunod naman sa sinasakyan kong jeep..
Malabo na yata ang mata ko, o talagang nasisira na ang ulo ko.. Isang babae ang nakaupo sa unahan katabi ng taxi drayber na pilit sinisilip ako..
Teka!
Kilala ko ba sya?!
Hindi pa ito nakuntento at kumaway pa.. Sabay sita ng drayber ng jeep na sinasakyan ko..
"Hindi ka pa ba bababa? O mag r-round trip ka?"
Tumingin ako sa paligid.. Wala na ang taxi, wala na din pala ang mga tao sa loob jeep, wala na din ako sa sarili.. At kahit kahiya hiya, eh hindi ito naka apekto sa akin.
Umakyat sa bangketa at nagsindi nang yosi, at tuluyang nilakad ang kalyeng halos ilang taon ko na ding dinadaanan.. Ganun pa din ang pakiramdam.. Nakakasawa.
----
Ganun pa din ang eksena ko kinabukasan, sasakay ng jeep, bababa.. magyoyosi at maglalakad pauwi..
Isang bagay lang ang naiba ngayong araw na'to, malayo pa lang napansin ko na ang isang tumpok ng mga numbster sa kanto namin( Numbster = Another term ko sa Gangster, sori po! :P ) Na kadalasan naman ay hindi tumatambay dito.. Habang papalapit nakikita ko ang mga anyo nila.. Mabalasik!
Isang payat at matangkad na ka-tambay nila ang lumapit sa akin.. Na mahahalata mong pwedeng i-reject ni Ai-Ai at Kris Aquino sa PGT, dahil sa pagkahitik ng buhok nito sa langis, na hindi ko alam kung nang galing pa sa middle east.
Ngumiti ito ng bahagya..
..
...
....
Sabay tapik sa braso ko, na nagbigay sa aking kakaibang takot. Isipin mo na lang na may kaibigan kang hindi nakikita ng iba, ganun ang pakiramdam ko.
Binilisan ang aking lakad, upang maka uwi na ng diretso, at baka ma delihensyahan lang ako ng mga parak na'to.
Limang bahay na lang ay ang bahay na aking inuupahan na ang kasunod, na kahit nakapikit ay alam ko kung kailan ako hihinto at kakanan
"Aba! Himala! Naglabasan yata mga soco.." bulong ko sa sarili ko.
Para ka lang naglalaro ng whack-a-mole, dahil sa mga ulo nilang naghahabaan at labas masok na parang pagong. Ang mali lang eh wala kang maso para isa-isahin ang mga ito.
Sa hindi kalayuan natumbok ng aking mga mata ang pinag f-fiestahan ng mga tao sa paligid.. Isang babaeng napakaganda ang nakatayo sa malapit sa aking inuupahan.. Hindi sya mukhang pamilyar, pero kung may bagay man na dapat isipin.. Yun ay sana girlfriend ko sya.. ehehehehe!
At habang papalapit ako malapit sa kinatatayuan nya, Hindi ko maiwasan pero palakas ng palakas ang tibok ng aking dibdib..
Nakatitig..
Namilog ang aking mata nung magkaharap na kami..
..
...
....
"Kumusta Dudes?"
Halos manglaki ang aking mata, sa kanyang hitsura.. Hindi na sya tulad ng dati na medyo may pagka chubby pa ng konti, pina-igsian nya na din ang kanyang buhok, At mas lalo syang gumanda dahil sa brace sa kanyang mapuputing ngipin.
Para syang nag mature ng konti, at ako? Parang ganun pa din.. Parang hindi na kami bagay.. :(
"U-u-uy! Oks lang! I-i-ikaw??" nangangatal kong sagot.
"Im always fine.. Uhm.. Shall we go now?!" matalas nyang sagot.
???
"Bakit? Saan kami pupunta?" bulong ko sa sarili.
Biglang nag flashbacsk sa utak ko lahat ng muntik nang mangyari, nung gabing yun.. Ang kutis nyang ubod ng puti, ang amoy ng kanyang pabango, ang makintab at madulas nyang buhok.. at ang pinaka malupit.. Ang mala anghel nyang mukha.. Oo.. walang iba.. Si Rhea.
Pinukaw ng malambing nyang boses ang aking guni-guni..
"Hindi mo man lang ba ako yayayain pumasok? Kanina pa ako dito.. Ang sakit na ng paa ko" Tinig nyang nag astang bata, ngunit nakaka kilig.
----
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko habang pinupuno ng juice ang baso.
"Nakita kita sa jeep.. yun! Sinundan lang kita ng hindi mo alam.. Hahahaha!" sagot nya.
Wala pa din syang pinagbago sa ugali.. Napaka simple..
"Ikaw? Ano ang nangyari sa inyo ni Kath? Wala na ako nabalitaan matapos ang gabing kasama kita"
Na-shock ako! Hindi ko alam na manggagaling sa mismong labi nya ang mga salitang iyon. Sa madali't salita hindi nya pa din pala nalilimutan ang gabing halos pwede ko nang ikamatay, dahil sa sobrang kasarapan.
"At hindi ka na nagparamdam sa akin! Hindi mo man lang ako tinatawagan!"
Pinagmamasdan ko lang sya habang nag-aasta syang bata, na tila inagawan ng candy. Ang sarap nyang titigan.. Parang gusto ko na syang yakapin at sabihing sobrang na-miss kita..
"Biruin mo sa loob ng isang taon, hindi ko lubos maisip na kasama kita ulit.. At ganun ka pa din! hahahaha!"
Mga ngiting hindi nakakasawang pagmasdan, mga matang bilugan na sa tuwing tumatawa sya ay nagmimistulang xmas light sa sobrang kinang.
"Dudes! Yan kana naman! Hindi kana naman nakikinig! Wala ka talagang pinagbago!"
"AHHHHH!! Ano nga ulit yun??"
"Sabi ko na.. Hindi ka pa din nagbago! Tuwing magkasama tayo lagi kang wala sa sarili!"
"Ehehehehe! Sorry! Hindi ko lang talaga lubos maisip, na kausap kita ngayon.."
Nag iba ang ihip ng hangin.. Nagkatitigan lang kami sa loob ng tatlong segundo, na syang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.. Sya din namang pagbabago ng kanyang anyo. Mahahalata sa kanyang mukha ang kakaibang lungkot.
"Ano nangyari sa inyo?" mahina nyang tanong.
"Wala.. Umalis sya.." sagot ko.
"Ginawa nya sayo yun?" may halong gulat nyang tanong.
"Oo! Hindi naman nakakapagtaka yun, sa tulad ko.."
"Ano ka ba!? Bakit ka pumayag?"
Hindi ako nakasagot.. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi ako pumayag, at pinilit kong lumaban, ngunit kung hindi talaga papayag ang tadhana ay wala ako magagawa.
"Sana hindi na lang kita pinayagan umalis nang gabing yun.."
Nagulat ako sa salitang nang galing mismo sa kanya.. Meron syang pagmamalasakit sa akin na kahit papaano. Sa isang banda, may kapirasong ngiti sa aking labi.
..
...
....
"Dudes.. Alam mo bang matagal akong naghanap ng ganitong pagkakataon, sa isang tulad mo.."
???
"Ano daw?!" bulong ko sa sarili.
Gising ako pero parang nasa gitna ako ng napakagandang panaginip.. Kung pwedeng maulit ang dapat na nangyari nung gabing yun, hinihiling ko ngayon na sana ngayon na iyon.
"DUDES!"
"Waaaaaaaaaaahh!! Anong ginagawa mo dito!!??"
"Aha! May bisita ka pa lang magandang dilag! uuyy!!"
Asar na Vincent! Kung kailan gusto ko nang tumuka ng palay na ginto, ay pumasok pa sya sa eksena.
"Sige! Mauna na ako.. Kailangan ko pang mag ayos ng mga gamit sa bago kong lilipatang bahay.." paalam ni Rhea.
Lintik talaga! Ang pagkakataong binigay ay mistulang naglaho. Ngumiti sya na naglalaman ng maraming bagay.
"Teka! Hatid na kita!" anyaya ko.
"Hindi na! Mukhang may lakad pa kayo ng kaibigan mo.." sagot nya.
"Hindi ko sya kaibigan!" sabay tingin kay Vincent na nanglilisik ang mata.
"Ahahahaha! Nakakatawa ka talaga! Next time na lang.." sagot nya.
Talaga naman! Wala akong nasabing matino, hindi ko man lang sya nakausap ng maayos. Inaasam ko pa naman ang malambot nyang mga labi sa sandaling ito.
----
Hindi ako mapakali.. Alam kong may gusto syang sabihin, batid ko sa kanyang mga mata.
Dinampot ko ang mga baso at ang pitsel na naglalaman ng juice, nilagay ito sa isang tabi.. Nag isip.. Kinuha ang yosi, at bago ko pa ito masindihan, napansin ko ang itim na tinta sa aking palad..
"Saan ko nakuha 'to?"
"Pentel?"
"Sa baso.."
Napangiti ako sa tuwa.. nakasulat sa baso na kanyang ginamit ang kanyang number, bahagyang nabura sa aking pagkakahawak, pero oks lang!
0 comment/s:
Post a Comment