"Kuya, palimos po... Pangkain lang..", wika ng batang pulubi nang bumaba ako ng jeep. Hindi man lang nagdalawang isip. Binuksan ko ang sisidlan kung saan inipit ang panandaliang yaman. Iniabot ang limang daang piso.
"Wow! Galante! Anak mayaman siguro..." usal ng isang ginang matapos masaksihan ang naganap na abutan.
Hindi ako kumibo. Hindi ako mayaman. Naalala ko lang ang aking kabataan.
5 comment/s:
Wow. Wow na wow ang kwento. Galing. :3
awww... agree ako sa super ikli... pero sapul naman... i want to know more about youe kabataan
ako'y batang naaliw lang noon sa family computer hahaha! salamat senyor sa muling pagbisita ;)
salamat po! dalaw ulit para sipagin hihihi! happy new year!
Wait, wait, there is something in the corner of my eyes.
Post a Comment