credit to orig uploader
Mula anit hanggang sakong ang tubig sa katawan ni Isko. Inuubo't nilalagare ng sipon. Salo ng kanyang mga palad ang plastik bag na butas. Pinaglalagyan ng biniling bigas na kanina lamang ay umaapaw ang laman. Nalulungkot nya itong pinagmasdan, dahil ang kaninang isang kilo ay kakarampot na lamang.
"Pusang gala ka talagang bata!," pinihit ng kanyang Ina ang kanyang kanang patilya pataas.
Napaigtad si Isko sa hapdi. Dinukot ang walis ting-ting. Sunod-sunod itong humalik sa hita, paa, likod, at braso ng paslit.
"Maligo ka doon at magbihis! Minsan ka lang utusan na-peste ka pa! Pati ka-isa isang payong winala mo!" hugot-galit ng kanyang Ina.
"Maligo ka doon at magbihis! Minsan ka lang utusan na-peste ka pa! Pati ka-isa isang payong winala mo!" hugot-galit ng kanyang Ina.
Kinabukasan, may lagnat si Isko. May latay ang katawan. Nakatulog ng walang laman ang tiyan. Nakaratay sa tagpi-tagping banig ang likuran. Maya-maya pa'y sumulpot si Aling Nadia. Kabaryong niluma ng panahon. Bitbit ang payong na syang tunay na may sala.
"Daghan salamat sa imong anak, ug dili niya nitaas na ayo ang hilantan naku kahuwat sa akong asawa!"
-Wakas
3 comment/s:
Awwww.... Basta ramdam ko na touching story pero pls let me know the Tagalog translation ng last line.
"maraming salamat sa iyong anak. kung hindi dahil sa kanya malamang may sa sakit na ako kakahintay sa lasing kong asawa!"
Nakakaantig damdamin naman ito sir.. -_-
Ngayon ko lang nabasa mag-iisang taon na pala...
Post a Comment