TEENAGE CAPPUCCINO - Last Moment (Chapter 22)
If you carry the bricks from your past relationship to the new one, you'll only build the same house. At heto na naman akong bumabanat ng mga quotable lines, na nadampot lang kung saan saan, para lang may header at paraan na din para lang dumulas ng kaunti ang utak.
---------------
Agnes
Suko ang kabaitan ko kapag kausap ko ang lalaking 'to. Malayong malayo sya sa ugali ng kaibigan nyang isang dangkal lang yata ang kalokohan sa utak. Pero hanga ako sa determinasyon nyang iligtas ang kaibigan sa napipintong pagkabaliw, bunga ng maligalig nitong puso. Sa isang banda ay hindi ko pa din yata alam ang patutunguhan ng kwentong 'to na pinagbibidahan ng dalawang taong hindi magkasundo, at may pamagat na "bahala na.."
Habang abala ang tiyan ko sa paghihimay ng ingredients ng kinain kong pwede nang sabihing masarap kapag gutom, ay hindi ko pa din maintindihan ng lubos kung bakit nga ba ako pumayag sa alok nya.
"Now what?" mahinang bulong ni Richard.
sa isang iglap agaran akong napatingin kay Richard, na prenteng prente sa pag-iisip ng wala.
"Richard, anong now what?"
tumingin sya sa akin ng walang reaksyon ang mukha, at tila nagtataka.
"Sabi ko, ano nang plano mo?" pagbago ko ng tanong.
ngumisi sya nang bahagya, at simplehang tinuro ang isang alagad ng batas na noon ay nakapila sa counter at namamakyaw ng paninda.
"Pulis?" kumunot ang aking noo.
"Yup!" kasunod ang berdeng ngiti.
"Anong meron sa pulis?" nagtataka kong tanong, ngunit pabulong at nilapit ng bahagya ang aking ulo papunta sa kanya.
"Mauubusan ng taktika si James Bond o ang writer nito, pero ako hindi!" pagyayabang nito.
"Anong balak mo?"
Hindi sya sumagot, bagkus ay ngumiti na naman ng kakaiba. Huwag nya lang balaking gumawa ng hindi magandang bagay, dahil sigurado isusumpa ko ang araw na 'to at ang puso kong naglagay sakin sa maling sitwasyon kahit pa laging may anghel sa kanang balikat, na nangsasabing "Huwag mong gawin".
------------
Robert
"Right now, I just want to know It's not eternal
Even though I always want to look at it that way
I'll become that sky full of paper airplanes
And I'll search for only one.."
Hindi pa din mawala, at tila hindi na yata mawawala sa isipan ko ang maganda nyang mukha, kahit pa pilit itong i-describe ng pilipit kong pag-iisip na matagal nang na-knock out ng undefeated kong puso. Ilang beses ko na bang pinaliwanag ang pag-ibig ko kay Sophia? Hindi ko na din mabilang, tanging ang pagtatapos lang ng kwento ang magsasabing "happy ending" ang love story naming tila pinaglaruan ng kakaibang ikot ng mundo, na ang tanging sangkap ay pagdurusa, pagbangon, at babalik ulit sa pagdurusa at mag-e-end sa mga artistang magsasayawan sa masayang tugtog, tska palang lalabas ang pangalan ng mga gumanap na bida, sidekick, kontra-bida, direktor, producer, stuntman, at dahil laging nasa huli ang eksena ang mga pulis, ay hindi sila makakaligtas kahit sa istoryang 'to. PULIS! black screen fading..
..
...
....
Mauubos na yata ang alikabok at kalawang sa riles ng tren, pero mukhang wala pa ding balak si Sophia na basagin ang katahimikan. Mistula kaming estatwa na nakaupo pa din sa lumang bench, habang nakatingin sa magandang tanawin na kahit pa ipis ay mahihiyang pumasok sa eksena. Nakasiksik kami sa kanang bahagi ng upuan, habang nakasandal naman ang ulo nya saking balikat. Kampante nga ang paligid, ngunit ang damdamin ko naman ay parang baliw na mukhang walang balak huminto sa pagiging eksayted. Paulit ulit nitong sinasabing "Hindi ka gwapo pre, talagang swerte ka lang".
Dulot yata ng pagkangalay ay nagawa ko pang iunat ang aking kanang kamay, na kanina pa nakatukod sa arm rest ng lumang upuan. Napatingin sya sa akin, na parang naghihintay ng sasabihin ko. Ako naman na tumingin din sa kanya, kahit na alam ko nang magiging bato ang sino mang tumingin sa mga mata nya. Parehas kaming nag-aabang ng wala. Parang botanteng bumoto lang sa trapo, walang napala.
"Grawwwrrr"
Singit ng isang tunog na hindi ko malaman kung paano talaga i-describe sa isang sulat. Nangiti si Sophia, dedma naman ako. Ngunit umulit pa ulit ang makulit na tunog na nanggagaling sa kung saan.
"Grawwwrrrr"
Mas malakas na sya pagkakataong iyon. Tumawa na si Sophia, at napatingin sa tiyan ko. Dun ko lang napagtanto na sikmura ko ang nag-aalboroto.
"Gusto ko pa sanang mamalagi dito, pero mukhang hindi yata nakikisama ang tiyan mo.." pabiro nyang sabi. Napatawa naman ako, pero cool lang para mukha talagang bida sa istorya.
"Tara! Baka lalo pang magalit 'to sa gutom! hahaha!"
-Thank you I'm able to stretch out something so necessary as love.
I'll laugh and if I can enjoy the distance between us, despite it all, it'll be fine-
Naglakad muna kami sa destinasyon na ipinaubaya nalang kung saan dalhin ng mga paa. Habang magkawahak ang mga palad na nagsasabing sweet ang chapter na 'to at itinalaga para sa amin. Simplehan ko syang tinitignan sa gilid ng aking mga mata. Mula paa paakyat sa ulo. Nung marating na ng mga mata ko ang kanyang mukha diretso sa kanyang mga mata. Laking gulat ko nung nakatingin din sya sa akin. Mabilis naman akong umiwas, ngunit hindi maipagkakaila ang pagkapahiya na may halong katangahan. Nahuli nya kong sinasamantala ang kanyang natural na kagandahan.
Ang sumunod na eksena ang talagang nagsasabing love story talaga ang kwentong 'to. Sa gitna ng paglalakad biglaan nyang binitawan ang aking kamay. Nag-paiwan sya ng ilang hakbang, na nag-iwan ng tanong sa aking mukha na nilingon sya pabalik.
"Bakit?"
"Sige lakad ka lang.."
Lubos kong ikinalulungkot dahil hindi ko alam ang lahat ng bagay bagay sa mundo. Pero kung ang bagay at kung anu mang may koneksyon kay Sophia na hindi ko alam, ay tila magkakalagnat ako. Sa haba ng paliwanag ko, iisa lang naman ang gusto kong iparating. Yun ay yung hindi ko alam ang nasa isip nya kung bakit nya ako pinapauna.
Ako, bilang pinalaking masunurin, pero hindi sa tulad ni Ms. Ramirez. Eh walang nagawa kundi maglakad, naramdaman ko nalang ang mga palad nya sa magkabilang balikat ko na tila nakapatong at sumusunod ang katawan nya sa bawat hakbang ng mga paa ko.
-"I don't know" was your answer
So let's blow bubbles,
Even though they'll definitely burst before they reach the sky-
"Wag kang hihinto ha.." sabi nya habang naglalakad kami sa hindi maunawaan na posisyon.
May mga aksyon talaga si Sophia na parang algebra lang sa hirap kung sagutin. Pero kahit ganon minahal ko pa din ang algebra kahit pa ang alam ko lang na sagot sa tanong na (x+y)^2-(x-y)^2, so (x^2 + y^2 +2xy)- (x^2 + y^2 -2xy)= 2x^2 + 2y^2 ay "I Love you too".
"Sophia, teka lang--"
"Wag ka din magsasalita" mabilis nyang pag-awat, isa na namang rules sa hindi maintindihang laro.
Hindi hihinto, at hindi magsasalita. Hindi na yata algebra lang laro, buti nalang pwedeng huminga. Hindi ko talaga maintindihan ang balak nya, pero mas hindi ko matiis na hindi ito malaman. Ayokong tumanga lang sa isang bagay na nagbibigay ng madaming tanong sa isip ko. Mapilit ako, dahil nagbukas ako ng browser at nag search sa google na sa reality ay huminto ako't hinarap sya.
"Sabi ko wag kang hihinto eh!"
"Teka nga! Gusto ko lang liwanagin, ano ba ginagawa mo?"
"Ano pa.. eh di sinusundan ka.."
"Alam ko.. Bakit nga?"
Hindi sya nakasagot sa tanong ko. Nakatitig lang sya na blangko ang reaksyon sa mukha. Ewan ko ba, pero tinatamaan ako ng hiya kapag ginagawa nya ang ganun. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanyang mata.
"Sophia?" tanong ko sa mahina at malumanay na boses.
"Sorry ha!" sabay ngiti sa akin.
"Sorry?"
"Gusto ko lang maramdaman mo--"
Pinutol nya ang kanyang sasabihin, para lang humaba pa ang script at magmukhang mahaba ang chapter na 'to.
"Na kahit paano, ay nasa likod mo lang ako.. Hindi mo man ako makita sa hinaharap.. Sana isipin mong may nakaraan kapang pwedeng lingunin.."
"Nandun lang ako Robert.. Wag mo sanang kalimutan.."
Alam ko na ang pinupunto nya. Nandoon ang lungkot, at pagkadismaya, pero nanaig ang tuwa at saya. Nagsasabing malayo pa ang gabi para tuluyang lumamig ang paligid. Hinawi ko ang buhok nya na tumatakip na sa kanyang mukha, kunwari walang tao sa paligid at sobrang romantic ang tagpong 'to.
"Kung lilingon lang ako sa wala, mas mabuti pang maglakad ka nalang sa harapan ko at ako ang susunod sayo.."
"Huh?"
-The two of us, if we could agree just a little more,
And look just a little longer,
For the swaying flower of love-
"Mas mainam yun.. Para kung sakaling mawala ka, alam ko kung saan ka hahanapin, kesa magpabalik balik ako ng tanaw sa likod na alam ko namang ala-ala lang ang naroon.."
-------------------
Richard
"Richard, wag nalang kaya?"
"Ano kaba nandito na kaya tayo! Maniwala ka sakin, epektib 'to!"
"Eh, paano kung hindi?
"Paano naman kung epektib?"
"Bahala ka nga!"
"Wag kang parang bata dyan, tara na!"
Hinila ko ang kanyang kamay para lang sumunod sya sa akin. Tulad ng inaasahan, kung gaano sya ka-negative mag isip, eh ganon din sya kabilis sumang-ayon sa positive. Sinundan namin ang pulis na kanina lang ay namamakyaw at nambobola sa tindera, hindi ko lang alam kung para makalibre o maka-diskarte. Sa pagmamadali namin sa pagsunod sa alagad ng batas, hindi ko napansin na nakahinto na pala ang parak at nakatingin sa amin.
"Mga estudyante ba kayo?" mataas ang boses ng pulis na kunyari ay matinong tao sa kwentong 'to, at para din maiba naman ang imahe nila na palaging huli ang dating sa mga typical pinoy action movies.
"Opo! Opo sir!" magalang kong sagot habang tinitignan ang pangalang naka-indicate sa kanang bahagi ng suot na uniporme.
"Anong kailangan nyo? May problema ba?"
Nagkatinginan kami agad ni Agnes, halata sa kanyang hitsura ang pagkatakot. Siniko ko pa sya ng bahagya. Pero lalo pa syang sumimangot, dahilan para lalong magtaka ang nasabing mabait na pulis.
"Teka, teka! hmm.. Mga kabataan talaga!" pahayag ng mamang pulis, na parang nakasagot lang ng tanong sa isang question and answer sa am radio.
Sa puntong yun mukhang sasablay ang diskarte ko sa mga oras na to. Lagot ako nito kay Agnes, hinding hindi nya ako mapapatawad, at isusumpa.
"Naligaw kayo no?! Bakit kayo naligaw? Dahil nagtanan kayo!" kasunod ang malakas na tawa.
Tanong nya, sagot nya. Parang mga engot lang sa FB na nagla-like ng sarili nilang status.. Muntik na kong matawa sa sinabi nya, pero talagang pinigilan ko. Ngunit nagulat ako sa mabilis na kabig ni Agnes.
"Hindi po! Hindi po talaga! Nawawala lang po kami! Naiwan kami ng bus!"
"Naiwan?"
"Opo Sir! Iniwan kami ng service ng bus, yung field trip service namin!" agaran kong sagot.
"Ganun ba?"
Natigilan ng bahagya ang pulis, kunwari'y nag-iisip. Matapos ang isang taon ay doon lang nasundan ang sinabi nya.
"Hala sige, sama kayo sa presinto dun natin pag-usapan yan!"
Nagulat ako sa biglaang desisyon ng pulis na mabait. Pero napilitan pa din kaming sumama. Mas mainam na kaysa maghintay kami dito ng wala.
"Humanda ka sakin, kapag napahamak tayo talaga!" pabulong na sabi ni Agnes, pero may inis sa boses.
"Relax lang! Akong bahala!" pagyayabang ko pa.
"Kapag hindi maganda pinuntahan nito--"
"Kapag maganda, papayag ka makipag date sakin! Ano?" mabilis kong tapal sa pagsasalita nya.
Natigilan sya at hindi alam ang isasagot sa pamosong tanong, at matagal nang gasgas sa kahit anong pelikula.
-----------------
Nakatingin ako sa paa kong diretso sa paglalakad, at hindi sa kung saan merong pwedeng ipanglaman sa tiyan kong kanina pa nangungulit sa akin. Hindi ko din alam kung ano nga ba ang tinatakbo ng isip ni Sophia sa mga oras na to. Matapos ang maikling pag-uusap, ay hindi na muli pa itong nasundan. Blangko ang bawat emosyon na nagdaan sa iilang minutong paglalakad.
"Robert!"
Agad akong napalingon kay Sophia na noon ay nasa tabi ko lang. Diretso syang nakatingin sa isang direksyon na sinundan naman ng aking mata. Nanglaki ang aking mata sa tuwa nung mabasa ko ang sign board na nagsasabing "Ito ang daan, papuntang siyudad. Ngumiti ka na, dahil matatapos na ang kalbaryo mo".
Tumingin ako kay Sophia, sya din na may halo nang ngiti sa kanyang mata. Hindi namin sigurado kung anong dadaang sasakyan dito para dalhin kami sa siyudad, dahil tanging hangin lamang ang mabilis na humarurot sa naturang kalsada. Nandoon pa din ang pag-asang makakauwi din kami.
"Teka! Diba nagugutom ka?"
"Ako? Kanina lang, pero ngayon gusto ko nang makauwi.."
Hindi ko alam, pero mukhang nalungkot sya sa sagot ko at tuluyang napayuko ang kanyang ulo.
"Dun nalang tayo maghanap ng makakainan!"
"Saan?"
Sabay turo ko sa isang malaking kalsada na pwedeng baybayin pero hindi kayang tanawin ng mga mata, dahil mukhang walang katapusan ang kalsadang nasa harapan namin. At dahil determinado akong makauwi na, at alam kong nasa role ko ang maging tagapagligtas ng prinsesa para makakuha ng pogi points, mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay. Sumagot naman sya ng ngiti na nagsasabing sya ang leading lady ng istoryang ito, at kailangang hindi mawala ang ngiti sa bawat eksena.
"Bilis!" makulit kong anyaya.
"Teka, masakit na paa ko.."
Napatingin ako sa paa nya at sa suot nyang dekalidad na sapatos. Hindi nga maipagkakailang pagod na ito at handang magsalita anumang oras, at magsabi ng mga mura na hindi pwedeng isulat sa chapter na to. Tumingin naman ako sa suot kong rubber shoes, pero hindi pumasok sa isip ko na makipagpalit sa kanya, dahil gasgas na ang eksenang yun at nagamit na ng ilang artista isa iilang pelikula.
"Sige pahinga muna tayo.."
"Thanks.."
Naghanap ako ng pwede naming pagpahingahan, pero malinis ang paligid. Puro bato, at alikabok lamang ang laman ng kalsadang pwedeng i-model sa mga project ng gobyerno. Hahakbang palang ako para tanawin ang kabilang dako ng kalsada, nang mabilis na nag-park sa harapan namin ang isang puting Honda City na sa isang tingin mo palang ay alam mo nang may buwaya na nagmamaneho. Malinaw ang pagkakasulat sa bawat parte ng auto ang bidang bidang "PULISYA".
Napahinto ako, at agad na lumingon kay Sophia. Mabilis ko din syang nilapitan. Sa sikat ng araw na papalubog na sa kanluran, ay tumama ito sa salamin ng kotse dahilan para hindi makita kung tao nga ba o hayop ang nasa loob. Ngunit mabilis na nagbaba ng salamin ang nagmamaneho. Isang matandang pulis na mukhang hindi na pwedeng makahabol sa mga magnanakaw na dating player ng marathon.
"Chief, positive! Nandito sila sa high-way papalabas na nang boundary" mabilis na tugon ng pulis sa hawak na radyo na siguradong puro talsik na ng laway, dahil sa bilis nitong magsalita.
Tumingin muna ako sa paligid, walang ibang tao kundi kaming dalawa ni Sophia, ang auto, at ang pulis na weirdo. Naramdaman kong sumiksik sa gilid ko si Sophia, batid sa kanya ang pagkatakot.
"Bakit may pulis dito?" mahina nyang tanong.
"Hindi ko din alam, pero isa lang sigurado ko.."
"Ano?"
"Tayo ang hinahanap nito.."
"Tayo? Bakit?" May ninakaw kaba kanina sa store?"
"Huh?! Wala! Bakit ko naman gagawin yun?"
"Ah-Sir at Ma'am! Kayo po ba ito?" sabat ng pulis habang pinapakita samin ang dalawang school ID.
Nanglaki ang aking mata, dahil mukha ko at mukha ni Sophia ang nasa litrato. Swerte nalang at walang nakalagay na wanted, at hindi mug-shot ang kuha. Napakunot noo ako bago tuluyang sumagot.
"Yes sir! Saan nyo po naku--"
"Sige sakay! May naghahanap sa inyo sa presinto"
Hindi pa man tapos ang linyang binigay sakin ng otor, ay mabilis agad na nagdesisyon ang matandang pulis, at sinakay kami sa loob ng kotse. Hinawakan ko ang kamay ni Sophia, para ipaalam sa kanya na ayos lang ang lahat, pero hindi pa din mabura sa hitsura nya ang pangamba.
..
...
....
At dahil alam na ng lahat ang mangyayari, at predictable na ang kasunod na eksena ay malilipat sa istasyon ng pulis ang imahinasyon ng mambabasa.
Hindi ko alam kung paanong ngiti ang gagawin ko nang maabutan namin sina Richard, at Agnes sa presinto. Ganun din si Sophia na halos mangiyak ngiyak sa tuwa. Hindi na din maubos ubos ang thank you namin sa alagad ng batas, na sa unang pagkakataon ay naging mabuti sa mata ng mambabasa. Kinuwento ni Richard ang nangyari sa kanila at hindi daw natahimik ang kaluluwa nya dahil sa kakulitan ni Agnes. Binalak ko ding ikwento kay Richard ang ka-sweetan namin, pero pinili ko nalang ipabasa sa kanya ang mga nakaraang chapter hanggang dito. Nagpaunlak naman ang isang pulis na ihahatid nya daw kami sa istasyon ng bus kung saan ang destinasyon ay siguradong "uwian na", ay agad naman kaming pumayag, at dahil sa kabutihang asal ng mga pulis sa kwento, ay nagpasya kaming paliguan ulit sila ng "thank you".
-----------------------
Nag-aagaw antok na ko habang nasa byahe pauwi katabi si Sophia na nakasandal sa balikat ko, at halata ang pagkapagod. Sumuko na din yata ang tiyan ko sa pagmamaktol, at kinalimutan nalang yata na guluhin ako. Palubog na ang araw sa kalangitan, at nagbabadya na ang kadiliman. Natapos ang field trip namin na kahit hindi naging swimming, ay masaya naman ako, dahil nakatakas ako sa alphabetical arrangement ng titser ko na nagsasabing magiging boring ang buhay ko sa loob ng isang araw.
"Sophia, okei ka lang ba? Ihahatid kita agad sa inyo pagbaba natin"
"Ok lang, talagang napagod lang ang mga binti ko, pero enjoy naman!"
"Hahaha! Oo nga! Nakalimutan ko na nga si Ms. Ramirez dahil sa pag-e-enjoy"
"Robert, kain muna tayo bagi umuwi! Ayos na ayos double date!" singit ni Richard.
"Anong double date? Nanalo ka lang sa pustahan kanina, pero hindi counted yun as official date!" mabilis na awat ni Agnes, habang namumula ang mukha sa inis.
"Tayo nalang ang kumain tatlo.. Unahin ko muna ihatid tong isa.."
Sabay tingin kay Sophia na nakatulog na pala dulot ng sobrang kapaguran. Napangiti naman si Richard, at nakasimangot pa din si Agnes na mabilis bumalik sa pagkakaupo. Binuksan ko ng bahagya ang bintana ng bus. Dumaloy ang malamig at preskong hangin. Nagpapa-alala saking masarap ang byahe ng buhay sa isang tao, kung marunong kang mag-enjoy.
...
Sa loob lamang ng isang araw, isang magandang ala-ala na naman ang naisulat sa kasaysayan ng buhay ko bilang teenager. Muli, sa huling yugto ng HS life ko, sa huling taon ng pagiging estudyante ko sa iskwelahan na nagturo sakin ng maraming bagay, maging kalokohan man, o kabutihan, ay hindi ko inaasahang magmamahal ako ng babaeng nakatadhana para bigyang kulay ang black and white kong lovelife. Sa huling taon ng high school, yun ang akala ko..
..
...
....
"Robert! Gising na!"
Mabilis akong nagising sa yugyog ni Richard, nung dinilat ko ang aking mata nasa gate na kami ng subdivision nila Sophia, mabilis kong ginising si Sophia. Sakay ng isang taxi, na pangalawa naming sinakyan matapos kaming ibaba ng bus sa terminal ay agad kong sinipat ang bill at mabilis na nagbayad. At bakit nga ba mabilisan na ang setting ng istorya?
Hindi ko pa lubusang nauunawaan ang paligid dahil sa pagkakatulog, ay mabilis kaming sinalubong ng isang babaeng balingkinitan, maikli ang buhok, cute, at halatang may mansyon din tulad ng kela Sophia ang mabilis na humarap sa amin.
"Sophy! I'm glad your back!" sabi ng ingleserang babae.
Minukaan muna ni Sophia ang babae, bago tuluyang sumagot..
"Eri?"
Natauhan nalang ako nung marinig ko ang pangalang Eri, kung hindi ako nagkakamali sya din yung sumalubong samin ni Sophia sa gate ng eskwelahan.
"Kanina pa kami naghihintay sayo Sophia.."
Nagkatinginan kami ni Richard sa sinabi ni Eri. Mula sa likod, humakbang ang isang matangkad na lalaki galing sa espasyong nasasakupan ng dilim. Tumambad sa harap namin ang hitsura ng lalaking sinasabi ni Eri na kasama nya, at kanina pa daw naghihintay.
Tahimik ang lahat nung magsalita ang lalaking hindi pa sinasabi ang pangalan. Walang nakakakilala sa kanya maliban kay Eri, at kay Sophia na natahimik nalang at tuluyang hindi nakapagsalita.
"Sophy.. No! I mean Ate.. Kumusta na?" may pagkamalalim ang boses nito na pwedeng pang dub sa mga koreanovelang naghahari sa puso ng mga dalaginding ng pinas.
Lalapit na sana ako, para basagin ang katahimikan ng eksesna nung magsalita si Sophia..
"Sebastian.."
"Naaalala mo pa pala ako.."
Natigilan ako sa kung paano binigkas ni Sophia ang pangalan nya. Biglan sumikip ang dibdib ko, at umatras ang dila ko sa pagkagulat. Humakbang si Sophia papalapit sa lalaking pinangalanang Sebastian ng mga taong nakakakilala dito. Hindi ko alam ang gagawin ko, bumalik lahat ng ala-ala at kwento ng nakaraan na pilit naming iniiwan, at iniiwasan. Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang ihip ng hangin. Bumunot ako ng yosi mula sa bulsa ng suot kong jeans, at naalalang hindi pala ako naninigarilyo, kaya nagpasya akong burahin yun sa eksena.
Isang desisyon lang ang tila hinihintay ng lahat, walang iba kundi ang manggagaling kay Sophia.
0 comment/s:
Post a Comment