TEENAGE CAPPUCCINO - Her Rules (Chapter 24)
"The worst feeling is to love, and not be loved in return." echos!
Muntik ko nang makabisado lahat ng moral lesson sa grimm's fairy tales, nung sermunan ako ni ermats sa telepono. Ilang ulit nyang pinaalala sa akin na nilagay nya daw sa pulang lunch box na may tatlong layer ang baon ko, para sa buong maghapon. Tiyak daw na hindi ako magugutom, dahil pinadalhan nya daw ako ng sobrang pera, kahit hindi ko naman talaga hinihingi. Pero ang ending, nandito ako sa ospital at nagpapalipas ng oras para sa desisyon ng doktor na pwede na akong umuwi at sa bahay nalang ituloy ang sequel ng sermon ni nanay.
Hindi pa din ako makapaniwala sa news feed na binigay ni Richard. Nilapat ko na ang aking mga paa sa sahig, naramdaman ko pang malamig ito dahil sa naka full blast na aircon ng kwarto. Naupo ako sa gilid ng kama at bahagyang kinamot ang aking ulo, na noon lang ay parang nahihilo pa. Pinipilit ng utak kong i-rewind kung ano nga ba ang mga nangyari bago ako tuluyang mawalan ng malay. Pero wala, kahit yata himayin ko ang kapirasong laman sa loob ng ulo ko, eh wala akong mapipigang ala-ala. Tuluyan na kong tumayo matapos mapagdesisyonang hindi makakatulong ang pag-iisip sa pagsusulat. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ng marining kong may taong papalapit, at hindi ko alam kung saan manggagaling.
Mabilis na bumukas ang pinto patungo sakin, at agad naman akong napa-atras. Ngunit laking gulat ko nang makita kung sino ang sumalubong sa akin. Ipinatong nya ang kanyang kanang kamay saking kaliwang balikat, at sinundan ng nakakapagtakang mga ngiti. Animoy walang bahid ng kahit anong kasalanan ang kanyang pagkatao, kapag ganitong ngiti ang binibigay nya sa kaharap.
"Ok ka naba? Ano sabi ng nurse?"
"Ok na naman ako, hinihitay ko lang ang desisyon ng doktor" paliwanag ko.
"Ako naghatid sayo dito, at ako na din nagbayad ng bills mo. Wag mo nang isipin din yun kasi hindi ko naman pababayaran sayo.." natatawa nyang sabi.
"Salamat! Pero tingin ko kailangan kong bayaran yun, parating na din si nanay para sunduin ako. Uhm.. Teka, paano nga ba kita mababayaran?"
Iginala muna ang kanyang mata sa loob ng kwarto, bago ito tuluyang sumagot at binaling ulit sakin ang tingin.
"Sinabi ko nang wag mo nang isipin yun. Saan ka ba nakatira? Ihahatid na lang kita!" anyaya nito.
"Hindi! Huwag na! Parating na din si nanay, baka magkasalisi lang kami.. Tska sasabay naman samin yung dalawang kaibigan ko--"
"Si Richard at Agnes? Umuwi na sila, sinabi kong ako na maghahatid sayo. Tawagan mo na din ang nanay mo sabihin mong ihahatid na kita sa inyo" mapilit na naman nyang suhestiyon.
..
...
....
Hindi ko alam ang balak ni Sebastian sa mga oras na ito, pero napilit nya talaga kong pumayag sa paghatid. Binuksan ko ng bahagya ang bintana ng autong sinasakyan namin ngayon. Meron kasing kung anong amoy na mabango ngunit nakakahilo o na-allergic lang ang ilong ko sa amoy ng ospital. Sinandal ko pa ng patag ang aking ulo, para lang hindi ako mangalay. Tahimik lang sya habang nagmamaneho, parang sa isang iglap ay hindi na sya yung lalaking kausap ko nung nasa ospital kami.
"Robert pangalan mo, tama ba? Sebastian nga pala. Hindi pa pala tayo nagkakakilala ng maayos" at sinundan na naman ng maamong ngiti.
Gusto ko nang sabihin sa kanyang matagal na syang bukang bibig ni Sophia sa akin, at talaga naman naiirita na ako kahit pa sa commercial lang sa tv ay sumabit ang pangalan nya, ay parang gusto ko nang dalhin yun sa technician para ipasira at hindi ipaayos.
"Oo, Robert nga.." mahina kong sagot.
Tumingin sya sa akin, bago pa sundan ng sunod na tanong.
"Boyfriend ni Sophia?"
Nagulat ako sa tanong nya, kahit pa expect ko na alam na nya ang samin ni Sophia. Sasagot pa sana ako, ngunit sinundan nya na yun ng malalim na buntong hininga.
"Mabait, at magiliw na babae si Sophia. Sadyang nasa maling panahon at pagkakataon lang nung makilala ko sya.."
Sa tono palang ng pananalita nya, alam kong may malalim na istorya na syang gustong hukayin at ikwento sa akin.
"Malaking istorya ang pag-alis ko para sa kanya. Noon pa man alam ko nang meron syang nararamdaman para sa akin.. at ganun din ako."
Hindi ko alam kung nagyayabang na ang isang ito, pero heto pa din ako at nakikinig sa kanya. Kahit pa nakatingin lang ako sa view sa labas ng bintana, at iniisip kung tama ba ang slogan ng DOT na "It's more fun in the Philippines".
"Pero tulad nang sinabi ko, nagkakilala kami sa maling panahon. Hindi ako naging duwag noon para aminin sa kanya, gusto ko lang magkita kami ulit sa hinaharap, at kung papalarin ay sana nasa tamang panahon na.."
Nalunod ako sa sinabi nya. Pero hindi ako humingi ng paliwanag. Sobrang naiintindihan kong mahal nya si Sophia kaya nagawa nya yun. Kung tutuusin halos pareho kami ng sitwasyon. Sa sitwasyon nya noon, at sa sitwasyon ko ngayon. Ang kaibahan lang iba na ang ihip ng hangin na kanyang nadatnan. Nakaramdam din ako ng konting awa para sa kanya, kahit pa parehas kaming aso na nag-aagawan sa iisang buto.
"Mahal mo ba sya?"
Tinanong nya ko ng bagay na kahit pa ipikit ko ang aking mata, takpan ang aking tenga, at mag bunjee jumping sa golden gate ay kayang kaya kong sagutin.
"Alam kong isasagot mo ay oo, pero.."
Hindi ko namalayan na bumagal na pala ang takbo ng sinasakyan naming auto, at pagkaraan ng isang minuto ay huminto na ito. Lumingon ako sa paligid, at hindi nga ako nagkakamali. Nasa tapat na ako ng cafeteria namin. Tinanggal ko ang seatbelt, inayos ng bahagya ang aking nagusot na damit, at handa na sanang magpaalam.
"Alam mo na bang, ayaw na ayaw nya ang naghihintay?"
Napako ang balak kong pagbaba sa sinasakyan, at napatingin sa kanya. Malayo ang kanyang tanaw, mababaw ang kanyang mga mata, at pinipilit dayain ang sarili. Kabisado nya si Sophia higit pa sa akin. Bigla nyang kinusot ang kanyang mga mata, para itago sa akin ang pagkalungkot. Humarap sya sakin, at sinundan agad ng ngiti.
"Robert, wag mong paghihintayin si Sophia.. Sigurado magagalit yun! Hahaha! Tska--"
..
...
....
"Mahalin mo sya tulad ng pagmamahal nya sayo. Ipaglaban mo sya, tulad ng ginawa nya sayo. Sisihin mo na ang sarili mo kahit sya ang may mali. Wag kang maiinis kapag naiinis sya. Saluhin mo lahat ng galit nya sa tuwing may problema sya. Makinig ka sa sinasabi nya, kahit sa bagay na wala naman talagang kwenta. Si Sophia ang babaeng mahirap maintindihan, pero masarap mahalin. Mahalin mo sya bilang sya, at mamahalin ka din nya bilang ikaw."
Hindi pa man natapos ni Sebastian ang kanyang speech sa tagpong 'to, ay mabilis nang umagos ang likido sa kanyang mga mata deretso sa kanyang pisngi. Napatawa pa sya bago ito tuluyang punasan. Walang akong naisagot sa kanya, bagkus tumango lang ako. Sinarado na ng lalaking kaharap ko ang kurtina ng kanyang pag-ibig.
Hindi ko na nagawang magpaalam ng maayos, mabilis kong sinara ang pintuan ng kotse. Mabilis din syang umalis, hindi na yata nahintay na pagtawanan ko sya kahit na ang totoo ay hindi ko naman gawain yun. Pinagmamasdan ko ang sasakyang minamaneho nya sa gitna ng kalsada, sa ilalim ng naglalarong ilaw ng kalsada. Tuluyan na itong naglaho, kasunod ang pinakawalan nyang emosyon.
--------------------------------
Pinipilit kong maghanap ng parte sa kama kung saan hindi tatamaan ng sikat ng araw. Ngunit hindi nagpatalo ang kalaban, lumipat lang ito ng ibang pwesto at umatake ulit. Dahilan para tuluyan na akong bumangon sa hinihigaan. Nakikigulo din ang ingay ng nagdaraang sasakyan sa tapat, kung pu-pwede lang talagang magwala, at lahat ng tao'y hihinto at makikinig sayo kanina ko pa ginawa ang maghamon ng away.
Tila lasing na natalo sa sugal pa ang galaw ko habang naglalakad papasok sa eskwelahan. Normal na araw, matapos ang abnormal na pangyayari kagabi. Halos napuyat ako kakaisip sa napakabilis na takbo ng buhay at kwento na siyang kinabibilangan ko. Sa kanina pang nakikipagtalong sikat ng haring araw, singkit ang aking mata habang tinatanaw ang gate ng eskwelahan.
Ganun pa din..
Walang pinagbago..
Luma at lalong niluma ng panahon..
Estudyante nalang yata ang syang instrumento para magsilbi itong bago. Liban sa sermon ni ermats kaninang umaga na trilogy ang dating, ay meron pa kong isang bagay na kanina pinoproblema. Yun ay kung paano ko haharapin si Sophia sa araw na 'to. Simula kasi kagabi hindi pa kami nakakapag-usap sa telepono man o sa cellphone.
....
Naabutan ko sa home room ang mga iilang babaeng kaklase na abala sa pagbabasa ng pocket books, mga backstreet boys na nagtutumpukan na naman sa likod, walang ibang ginawa kundi mang-asar ng iba at kapag nanawa sila, eh sila naman ang mag-aasaran. Wala pa si Richard.. Wala si Sophia.. Walang kwenta ang umaga, wala ding kwenta ang kwentong ito.
Tulad ng nakagawian tutuklasin ko muna ang upuan ko kung meron bang mabait na naglagay ng bubble gum, o di kaya eh pen corrector fluid sa dulo ng armchair. Mga lumang kalokohan ng malolokong estudyante na gustong makabawi sa iba dahil na bully ng iba. Life cycle na hindi mawawala sa HS.
Umupo, nagbukas ng notes, nagsulat ng kaunti, binura, tapos nagsulat ulit. Naisipan kong hindi productive ang ginagawa ko kaya minabuti kong sumandal nalang at maghintay ng parating na guro.
Tumama ang tingin ko sa kalendaryo na dinikit ng isang kaklase sa kanyang arm chair, mabilis kong napansin ang buwan ng disyembre. Hindi ko maiwasang mamangha sa bilis ng panahon, ilang buwan nalang pala lalabas na naman ang Holiday Superstar na si Santa para mag survey kung sino ang makulit at kung sino ang mabait.
Hindi ko maiwasang isipin ang graduation, ang pinaka huling kabanata sa pagiging HS ay ang pagsusuot ng toga, at piktyuran, isama mo pa ang amoy ng sampaguita at nagmamantikang labi ng mga kababaihan dahil sa lipstick. Para lang maging red lips sila kapag kukuhanan na ng litrato para idisplay sa ding ding ng bahay at itago sa kahon kapag limot na lahat ng napag-aralan.
Minsan talaga masarap sariwain ang mga nagdaang araw, na hanggang ngayon ay naamoy mo pa..
"Robert! Good Morning!"
Mabilis kong nilingon kung sino ang tumawag sakin, napangiti din kahit paano dahil si Richard ang unang slight na matinong makakausap ko sa umagang 'to.
"Brad-pit kumusta?"
"Ayos lang.." sagot ko habang tinutulak palapit ang katabing upuan para kay Richard.
"Nasaan si Sophia?" tanong nya ulit habang nilalapag sa upuan ang kanyang gamit.
"Wala pa eh, baka parating na.."
"Bakit hindi mo alam? hindi ba kayo nag-usap kagabi?"
Parang naasar ako sa sinabi ni Richard, di dahil sa kanya kundi dahil bakit nga ba wala akong alam. Pwede ko naman kasi syang tawagan, may load naman din ang cellphone. Ang nagawa ko lang ay isipin sya at ang sinabi ni Sebastian.
"Nakatulog ako agad paguwi.." palusot ko.
"Oh! Speaking brad.." mahina nitong bulong.
Relax.. Kahit pa nagtatayuan na anit ko sa pagkasabik sa kanya. Lumakas tibok ng puso ko, lalo na nung naramdaman kong huminto sya at mismong nakatayo sa gilid ko. Hindi ko magawang lumingon, kahit pa kanina pa nangangati ang mga mata kong makita sya. Pakunwari kong nilingon sya at hindi nagpahalatang alam ko na nadyan na sya.
"Morning.."
"Kumusta kana?" tanong pero hindi nakatingin sa akin.
"Ok lang, ikaw?"
"Good.. Busy kaba mamayang break?"
"Hindi naman, hindi naman ako laging busy bakit?"
"I need to talk to you.." sa mahinang boses.
"Bakit? No! I mean para saan ba?"
Hindi na sya tuluyang sumagot, at agad na naglakad palayo sa kinauupuan namin. Dumiretso sa ibang chair at doon tahimik na naupo. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka sa mga kinilos nya. Pilit kong iniisip kung may ginawa ba kong pwedeng magpaaga ng semana santa.
----------
Para sa mga umiibig.. Sa mga taong nagbabalak umibig. Sa mga nakakaranas mapuyat at magkaroon ng tigyawat. Sa mga nilalang na napana ni kupido, at mga taong feeling araw araw ang pasko. Kayo na may love life, at ang mga torpe ang wala! Oo! Sila wala, ikaw meron! Ano bang dahilan bakita sila wala? Kaparehas ba nun ang dahilan kung bakit hindi nila ma-straight ang kabuuan ng Harry Poter? Madali pa din, kung ganun lang kadali mayaman na siguro ang mga nagka-counseling pagdating sa pagiging torpe. Ano bang sakit ang pwedeng itawag sa pagiging torpe, kung may scientific term nga yun malamang hindi ko alam.
Ayon sa aking survey nitong nakaraang araw. Isang bagay ang sadyang dahilan kung bakit nauso ang salitang torpe, yun ay dahil may rejection. Isipin mo kung walang rejection, walang trabaho si papa jack, hindi sana nauso ang blind date, at hindi pinatulan ng mga torpe ang mga social medias at pamosong unlitxt.
"Torpe ka ba?"
"Huh?! Biglaan tanong mo brad pit!" habang nakatingin pa din kay Sophia. Patapos na ang klase, at susunod ang break. Hindi ako mapakali sa nagdaang apat na oras. Pakiwari ko'y may hindi magandang hangin ang pumasok sa isip ni Sophia. Kakalagpas ko lang sa isang problema, sinundan naman agad. Linsiyak na love life 'to, hindi nalang tinulad sa bagong tambalan ni Coco Martin at Julia Montes.
"Hindi lang ikaw may problema sa love life brad, kaya kausapin mo na sya"
"Ano? Baka may dalaw lang ngayon kaya mainit ang ulo, ayoko nang sabayan"
"Tska anong kinalaman ng torpe dun, ang labo"
"Kasi yung moves mo parang nangliligaw palang eh! may gawd brad pit!"
...
Nag-ring ang bell, at mabilis na tumayo si Sophia. At dahil kanina pa naka idle ang mata ko kay Sophia, ay mabilis ko din syang sinundan. Sa bilis nyang maglakad, ay napilitan din akong mag walking marathon para lang masundan sya. Hindi sinasadya nabangga ko pa ang nagtatrabahong janitor, humingi ako ng tawad pero dirty finger lang ang sinagot nya.
"Bilis.. Bilis naman maglakad nito" bulong ko sa sarili.
Nakita ko syang tinahak ang hagdanan paakyat ng rooftop, na sa mga oras na to ay may mga estudyante pang binibilad sa arawan at ginagawang daing. Ngunit nung marating ko ang tuktok, tska ko naman sya hindi makita. Ginala ko pa ang aking mata, at naglakad ng bahagya. Natagpuan ko syang nakaupo sa ilalim ng waiting shed kung saan may tatlong upuan pang bakante.
Mabilis akong lumapit sa kanya, para tuklasin kung anong kalokohan ang inaasal nya sa araw na ito. Sasalubungin ko na sana sya ng ngiti, ngunit hindi natuloy dahil naunahan ako ng kaba nung makita ko syang pang MMK ang itsura.
"Sophia, anong problema?"
Tumingin sya sa akin, habang pinaglalaruan ng mga kamay ang kanyang hawak na panyo. Naglakad pa ako ng kaunti para hindi masinagan ng araw ang aking balat. Tska palang tumabi sa kanya. Pinagmasdan ko sya ng maigi, kung kanina lang ay parang galit sya sa mundo. Ngayon naman ay parang wala syang pakielam. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari.
"Robert, can you kiss me right now?"
Lalo nang nagpili-pilipit ang utak ko sa sinabi nya. Trip trip lang ba yun? Porket ba suki na sya ng mga halik ko? Pero imbes na ibaling sa kalokohan ang usapan, pinili ko pa din maging seryoso. Mas maigi nang laging may baon kang tanong sa bawat diskusyon.
"Right now? Bakit?"
"Anong bakit? Hindi mo na kelangan magtanong. Boyfriend kita at girfriend mo ako, So it doesn't matter." Sa pagka bossy nyang pananalita, muntikan na akong mainis. Parang hindi normal na Sophia ang kaharap ko kanina pang umaga.
"Kung may problema sabihin mo sakin, wala sa pamilya namin may talent sa panghuhula."
Lalong sumimangot ang kanyang mukha, tumayo sya at inambahan agad ako ng batok. Napapikit naman ako sa takot, o sadyang passive na yun dahil sanay na yata ang ulo ko sa bawat batok nya sa akin. Dinilat ko ang aking mata dahan dahan, nagsimula sa kanan. Nakita ko syang nakakagat pa sa labi, at nagbabadyang magmaktol anumang oras. Para talagang batang ayaw matulog sa tanghali.
"Nakakainis ka! Nakakainis ka!"
"Ako?" tanong ko habang lumilingon pa ng paligid.
"Oo! Ikaw! Wala nang estuyante dito, nagsibabaan na kanina pa!"
"Oh eh bakit nga?"
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa harap ni Sebastian na ikaw ang mahal ko, tapos bigla bigla mo nalang ako tutulugan?"
Kung yayayain nya ulit halikan sya, hindi na ko magdadalawang isip sa oras na ito. Gusto ko nang lumundag mula rooftop hanggang quadrangle ng school sa sobrang saya. Doon lang ako nakaramdam na parang may nag-aasam ng reaksyon ko, at naghihintay sa bawat sasabihin ko. Parang ginagawa ko ngayon, nagkukwento ako at nakikinig ka.
"Yun lang? Kasalan ko bang himatayin?"
"Kung pwede lang eh! Hayaan bang ako pa kailangan magsabi nang lahat?"
"Sorry!"
"Sorry lang?"
"Ano ba gusto mo? Twice na sorry pwede na ba?"
Inaabangan kong sabihin nyang halik nalang, pero hindi nya sinabi. Bagkus bumalik sya sa pagkakaupo. Sumimangot na naman ang mukha at nakatitig sa kawalan. Agaran din akong naupo sa tabi nya. Maramdaman nya man lang na sincere ako sa paghingi ng tawad. Tumahimik ang paligid sa nagdaang segundo, para bang nawalan ng sasabihin ang bawat isa. Parehas din na parang na mental block na naman ang nagsusulat.
"May utang ka sakin ha.." paglalambing nya, kahit pa wala sa akin ang tingin.
"Ilista mo muna, babayaran ko nalang kapag may pagkakataon"
"Kanina hinahayaan na kitang magbayad, ayaw mo naman"
"Singilin mo ulit ako, babayaran kita for sure.."
Umihip ang malakas na hangin. Pinawi nito ang init ng araw at syang nagpakalmante sa dalawang damdaming parang bata lang kung mag-away. Hindi na importante kung saan, at kung hanggang kailan. Palagi kong inuulit.. Hanggang may pagkakataon pang natitira. I-enjoy ang buhay HS sa sayaw at tunog ng pag-ibig.
Sisihin ang sarili, kahit na sya ang may mali..
Bawal mainis, kapag sya ang nauna..
Makinig sa sinasabi kahit walang kwenta..
at mahalin sya bilang tunay na siya..
Minsan hindi maiiwasan, masarap talaga magmahal lalo na't may alat at tamis.

0 comment/s:
Post a Comment