Orange - Preview


"Ang star alignment ay parang relasyon, may connection sa isa't isa ngunit may distance. Parang kayo, may spark, yun nga lang hilaw at supot.."


Philip loves Filona,
Filona loves Philip,
The End.. ?

But what if,
they really love each other,
but they didn't want to be together.
Peste! Nag-love life pa sila?

Isang tipikal na kwentong pag-ibig.
Plain at walang twist.
Mga ordinaryong bida,
at walang kontra-bida.
Isang cute na author.

Red + Yellow = Orange






#baliknobela

Pulot Gata (Rated PG)

image credit to orig uploader :)

Parang mamahaling alahas si Elsa. Kumikinang ang kanyang natural na ganda. Hinding hindi nawawala ang kanyang angking alindog na ilang beses nang nagpaluhod at nagpalambot ng aking mga tuhod.

Para ring espesyal na alak si Elsa. Habang nagtatagal ay lalong nakakasabik na tikman. Tumataas ang value. Nakakapanghinayang hubaran at lantakin.

Ngunit ngayong gabi'y binuwag na ng libog ang aking pananggalang. Buong-buo ko na syang malalasahan. Magpapakasawa ang aking kamunduhan hanggang sa ako'y hindi na makakilos sa magdamagang kaligayahan. Sa akin na muli si Elsa. Magsasalo kami sa init at tutupukin ang ginaw na namamayani sa paligid.

Pula ang suot nyang nigthies.

Itim naman ang mga kapirasong tela sa ilalim.

Malamlam na ilaw.

Malambot na kama.

Isang babaeng naghihintay, nag-aabang.

Hardcore ang datingan.

Pitong Pares ng Sapatos

Pitong pares ng sapatos ang aking natanaw. Nakasabit sa punong mangga. Nakabuhol ang sintas sa bawat isa. Inugoy ng malakas na hangin kaya't gumewang-gewang at nagmistulang sumasayaw.

Na'sa abroad na si Levy. Tulad ko, hindi sya tapos ng kahit anong degree. Masipag at may tamang diskarte kaya't sinuwerte sa estado ng buhay. Nalungkot ako nang malaman kong nakaalis na pala sya. Walang tawag, text, o kutob man lang na natanggap ang buong tropa. Basta na lamang syang nawala. Naglaho. Nabalitaan ko nalang sa kanyang ermats, noong isang araw na makasabay ko sya sa Jeep. Byaheng Vergara. Masaya ang kwento ng kanyang Ina habang ako'y napipinitensya.

Anim na pares ng sapatos ang aking natanaw. Nakasabit sa punong mangga. May balat, rubber, at may isang pang-balerina. Natutuwa akong pagmasdan. Lalo pa nang may biglang tumawag sa aking pangalan.

Bahay Krayola


Gamit ang kulay Pulang Krayola taimtim na iginuhit ni Ging-Ging ang hugis tatsulok sa isang puting banner. Sa harap ang mukha ni Mayor Abalos na hindi naman naging hadlang para pigilan ang pagiging malikhain ng sampung taong gulang na bata. "Bu--bong, bubong ito," bulong nya sa sarili.

Paborito nya ang kulay pula. Simbolo ng pag-ibig. Pagmamahalan. Pagnanais. Ngunit kay Ging-Ging, ang pula ay isang malaking larawan ng kanyang pamilya. Masaya, simple, at may malaking pusong nagmamahal sa bawat miyembro. Gusto nya din ang pula para sa kanyang damit. Sa kanyang gamit. Maging ang lumang manika nya'y may pulang bestidang pitong taon na nitong suot. Pula din ang gusto nyang kulay ng kanyang sapatos sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-lamig. Paborito nya ang kulay pula.

"Ito naman ang haligi. Brown.." Parisukat ang sumunod na hugis. Na'sa ibaba ito ng pulang tatsulok. Hindi pantay ang sukat. Mas lamang ang pagiging parihaba. Hinawi ni Ging-Ging ang buhok na humaharang sa kanyang paningin. Isinabit iyon sa kanyang tainga. Kaliwa't kanan, tsaka muling itinuloy ang pag-guhit. Nagdugtong na ang apat na sulok ng tahanan. Mukha na itong bahay. Sumisilip na din ang ngiti sa labi ng paslit.

Salamin - Super Ikling Kwento

"Kuya, palimos po... Pangkain lang..", wika ng batang pulubi nang bumaba ako ng jeep. Hindi man lang nagdalawang isip. Binuksan ko ang sisidlan kung saan inipit ang panandaliang yaman. Iniabot ang limang daang piso.

"Wow! Galante! Anak mayaman siguro..." usal ng isang ginang matapos masaksihan ang naganap na abutan.

Hindi ako kumibo. Hindi ako mayaman. Naalala ko lang ang aking kabataan.

Si Ruth at ang Samahang Walang Wala

"Samahang Walang-Wala", natawa ako sa malaking tarpaulin na sumalubong sa akin. Ewan ko kung katulad kong kapos palad din ang mga miyembro o wala talagang maisip na matinong pangalan ang leader ng grupo.

Ika-dalawang taong anibersaryo daw ang dahilan kung bakit may maliit na salo-salo. May mga bisitang pamilyar sa akin ngunit mas lamang ang mga mukhang ngayon ko lamang nakita. Crowded na ang venue kaya mas pinili kong manatili sa sulok kung saan hindi gaanong pansinin ng tao.

"Nag-eenjoy ka ba?" tanong ni Ruth nang makita nya akong kinakausap na ang sarili. "Maki-join ka samin. Marami kang makilala ditong chiks!" biro nya.

Obvious naman na si Ruth ang dahilan kung bakit ako nandito. Sya ang nag-imbita. Simple lang din ang dahilan kung bakit ako sumama. Una, libre ang pagkain. Pangalawa, may arkiladong sasakyan na baka posibleng maghatid sa akin pauwi. Pangatlo, may lihim akong pagtingin sa kanya.

Sino bang mag-aakalang na ang balak kong masolo sya ay masyadong malayo sa katotohanan. Akala ko pa nama'y malaki na ang chance kong maipagtapat kay Ruth ang aking nararamdaman. May naghagis ng malaking tipak ng bato sa salamin ng reyalidad kaya nabasag ang plano.

"Sige lang! Masarap naman tong kausap e," turo ko sa lalaki sa aking na tabi na bigla na lang tumayo. Natawa si Ruth. "Babalik yun, mag-cr lang daw."

Pon! Pon! Pon!

image credit kay mc avengoza

"Pon! Pon! Pon!" tunog ng latang tambol. Naengganyo akong magtanggal ng nakasuksok na earphone sa aking tainga kahit pa dumadagundong ang musika ng Heads.

"Pon! Bong! Pon!" may rolling part pa ang paslit na nakasabit sa jeep para bigyang aliw ang mga inip at inis na pasahero na halos trenta minutos nang naghihintay sa driver na gapang magmaneho. Isa na ako doon.

Napangiti ang Ale sa aking tabi at gigil na nagpipigil ng kembot para sabayan ang husay ng paslit sa pagtatambol. Binunot ang barya sa bulsa para lamanan ang maliit na sobre na may titulong "pambili lang po ng pagkain, thank you!"

Doon ko lang napansin na mayroon rin sa aking hita na kung hindi ko napigilang abutin ay siguradong tinangay na ng hangin. Sinilip ko ang aking coin purse. Walang barya. Sa bulsa ng aking bag. Balat ng kendi. Ang sisidlan ng pananghalian. Bingo! May ubeng halayang naka-styro na ninenok ko lamang sa mesa kaninang umaga bago umalis ng bahay.

Trapik. Tumayo na ang paslit. Senyales na tapos na ang concert at oras na para maningil sa mga nagsi-attend. Five-O ang pinakamataas na syang iniluwal ng galanteng dalagita ng mukhang empleyado ng bangko. Bente sa mga mid-class na pasaherong natuwa at napilitang magbawas sa 13th month bonus. Barya naman sa mga tinamaan ng kaunting hiya sa katawan. At ako. Isang styro ng ubeng halaya.

"Salamat po Kuya, Salamat!"

Bakas sa mukha ng paslit ang tuwa matapos makolekta lahat ng biyaya. Kung sa casino man ang next stop o sa malapit na hardware store ang kanyang punta ay hindi ko na alam.

"Salamat sa mga nagbigay po! Nawa po'y humaba pa ang inyong buhay para kayo'y makatulong sa mga tulad namin.." speech nito na parang ginamit na ng mga pulitiko. Animo'y automatic na bibigkasin pagkatapos manalo. Kaso natawa ako sa kadugtong, "Mamamatay yung mga kuripot!" sabay talon.

Natawa ako ng bahagya. May halong komedya. Biglang napa-isip. Fully paid ang lahat. Walang mamamatay. Walang tatablan ng sumpa. Kaso sumigaw ang driver.

"Pu**! Wala tayong preno!"


-Wakas

Briquette

Pag-nenegosyo ng uling ang naglalaro sa isip ni Juliet matapos tupukin ng sunog ang kanilang maliit na baru-baro na katabi ng isang kilalang subdivision. Hindi magawang ipinta kahit ng pamosong si Vertullini ang mukha ng may-bahay. Higit pa doon. Kasamang nilamon ng apoy ang kanyang asawa na naging dahilan ng isang linggo nitong pagkatulala at hindi pagligo bago matulog.

Nagsimula ang sunog sa mismong kwarto ng mag-asawa. Ayon sa report, naiwang kandila ang naging sanhi ng tatlong oras na reality show. Taliwas naman ang version ng mga kapitbahay na may sariling imbestigasyon sa pangyayari. Paano'y pangalawang ulit ng nangyari ang ganitong trahedya sa mag-asawa. Animo'y swerte sa paghakot ng kamalasan.

Si Henry, asawa ni Juliet, ang syang itinuturing na salarin. Palibahasa'y adik. Binata pa'y sunog na hindi lamang ang katawan, pati na mismo ang utak. Dalawang araw daw na walang tulog bago magsimula ang sunog. Kung ano ang katotohanan, walang sino man ang nakaka-alam.

"Pasok ka," wika ni Rita. Nakakatandang kapatid ni Juliet, "Dito ka muna pansamantala habang hindi ka pa nakakalimot. Tutulungan kita. Magsabi ka. Kung ano mang kailangan mo handa akong suportahan ka."

"Salamat..."

"May balita na ba ang mga pulis?"

"Wala pa... Kung mayroon man daw na kakaibang makita sa imbestigasyon ay agad daw akong kokontakin."

"Nalulungkot talaga ako sa nangyari," sagot ni Rita kasunod ng isang mahigpit na yakap, "Mabuti nalang at hindi ka napahamak."

"Mabuti nalang at gising ako.. Si Henry, mabuti nalang at tulog.."

"Ha?!"

-Wakas



250 words
theme: tragic

Ulan, Ulap, at Luha

image credit to orig uploader

'Ma, lahat po ba ng tubig ay naiipon sa langit?' tukoy ni Leah sa makapal na tumpok ng ulap na kanyang natatanaw mula sa bintana. Kinusot-kusot ang singkit at mumunting mga mata.

'Oo.'

'Ehh--yung sa dagat?'

'Mm-mm..'

'Sa ilog? sa batis?'

Tumango-tango na lamang si Mindy. Halata ang hindi pakikinig sa sinasabi ng anak. Kung itatanong ng bata ang tubig na galing sa aquarium malamang tango din ang magiging sagot nya.

'Nagiging ulan sila kapag puno na ng tubig ang ulap 'diba po?' sumagi sa isip ng pitong taong paslit ang naituro ng kanilang guro, 'Tapos. Tapos, iipunin ulit ng ulap.'

'Tama ka anak! Ang talino mo talaga. Mag-aral ka ng mabuti ha!'

'Yung luha po?'

Bayani ng Plaza

Tulala lahat ng taong makakasalubong ni Tony sa daan. Mas mabilis pa kay Napoles ang kanyang takbo na kahit anino ay hindi magawang sundan. Ang mga kalalakihang nangahas na pigilan sya ay nagmistulang laruan lamang. Bawat madaanan ng kanyang nangangalit na binti ay nagtatalsikan. Mga paninda ng mga ginang na naghahanap-buhay. Ang tindero ng kutsina ay sumuko matapos atakihin ng rayuma. Mas pinili nalang isigaw lahat ng galit at banggitin lahat ng salitang hindi itinuturo sa iskwelahan.

Humakot din ng samut-saring atensyon ang lalaking biktima ni Tony. Sa halip na makipag-habulan ay mas piniling tumahimik at maglakad papalayo sa karamihan.

Sa eskinitang kasing lapad lamang ng balikat ang huling destinasyon ni Tony. Kung makakalagpas sya ng walang sabit mararating nya ang bakanteng lote kung saan naghihintay ang gantimpalang kanyang pinaghirapan, este pinagpawisan. Mataas na sikat ng araw ang sumalubong. Tahimik at walang bakas ng tao sa paligid liban nalang sa pusang nagulat pa sa kanyang pagdating. Nakangiti nyang inilapag ang mabigat na bagahe sa makapal at nagtataasang damo. Dahan-dahang nyang binuksan at sinilip ang laman.

Patay-Sindi

At ayun na nga.. Hiwalay na ulit kami ni Cielo. Kumpirmado na naman sa kanyang facebook account dahil sa status at siguradong dagsa na naman ang mga text messages na magtatanong kung anong nangyari. May magpapadala ng kani-kanilang linya na may pangsalba daw ng pusong warat, ways para maka-move on, pakikiramay, at siguradong mayroong isang magsasabing "tambak ang isda sa dagat." Pero hindi na bago sa amin ni Cielo ang break-up. Hindi bababa sa tatlong beses na hiwalayan sa loob ng isang buwan na tumagal ng apat na taon. Nakakasawa na nakaka-stress na nakaka-enjoy din minsan. Ni hindi ko na nga alam kung anong dahilan kung bakit kami naghiwalay nitong huli. Basta hindi na lang nagkasundo sa petsa ng date sa Quiapo.


"Tunaw na yung yelo," pang-aasar ni Ben kasunod ang mahinang siko. Panandaliang itinigil ang pag-a-ala-rockstar sa palyadong gitara, "Si Cielo?"

"Si Cielo?" ulit ko.

"Break ulit kayo?"

"Oo. Wala namang bago e!"

"Kailan ulit kayo on?"

"Baka bukas okay na," tinira ko ang natitirang adobong galunggong na pulutan "Pustahan bukas may text yun. Good morning muna tapos may kasunod."

"Galit ka pa ba?" maarteng sagot ni Ben na pilit ginagaya ang postura ni Cielo sa tuwing maglalambing ito sakin. Natawa na lang ako. Napakamot.

Ilog (Flash Fic)

image credit to orig uploader

Nagmamadaling hinubad ni Tinoy ang natitirang tela sa kanyang katawan. Ayaw nyang mapag-iwanan ng mga kaibigang sabik na sabik na maligo sa ilog. Sinipat nya ang daloy ng tubig. Mabilis, mabaho, marumi, at malabo. Napako pa ang kanyang mata sa lumulutang lutang na patay na aso. Biktima siguro ng lasing.

"Tinoy! Ayan na si Mang Nestor!" sigaw ng isang kaibigan.

Dali-daling nagtago ang paslit sa pinakamalapit at kumpol ng batuhan. Nakalabas ang kalahati ng ulo. Hinahanap sa kanyang paningin ang imahe ng Ama. Nang masigurong wala, at nalinawang niloloko lamang sya ng kanyang kaibigan tsaka lamang ito umalma.

"Siraulong 'to!" maktol ni Tinoy habang tumatalon talon ang putotoy. Tawanan ang tatlo.

"Takot ka pala e!"

"Hindi!"

"Hindi daw? Para ka ngang general sa taguan e!" singit ni Roy. Tawanan ulit ang tatlo.

"Kayo ang takot! Kanina pa kayo nakatayo ayaw nyo pang tumalon!"

Nagkatinginan ang tatlo. Sabay-sabay gumuhit sa labi ang nakakalokong mga ngiti. Alam ng tatlo na siguradong dinig na naman sa baro-baro ang sigaw ni Tinoy habang ito'y nilalatayan ng kanyang Ama. Mahigpit kasi nitong ipinagbabawal ang pagligo sa Ilog. Ilang beses na syang nahuli ngunit wala pa ring kadala-dala ang bata.

"Pambihira! Yun lang? Sabay-sabay tayong tatalon kung hindi ka talaga takot," wika ng isa.

Tango lang ang sagot ni Tinoy. Dahan-dahang naglakad patungo sa ilog. Sinenyasan ang tatlo na handa na sya. Nagtatawanang sumunod ang tatlo. Sa bilang na tatlo, sabay silang tatalon.

"Isa.. Dalawa.. Tatlo!"

Malakas ang daloy ng ilog. Mabaho, marumi, at malabo. Mas malakas ang tawa ni Tinoy nang mapagtanto nyang nag-iisa na lamang syang umahon.

Atop sa Balay (Maikling Kwento)

"Sabi ni Ama, sa paggawa ng bahay, bukod daw sa pagiging solido ng biga at poste, kailangan rin na solido ang bubong," wika ko kay Steph nang hindi nagbibigay ng tingin. Tutok ang aking mata sa aking ginagawa at alam kong salubong na rin ang kanyang kilay sa init na hatid ng araw, "Ito daw kasi yung nagsisilbing proteksyon sa pamilya at higit sa lahat ito ang simbolo na bubuo sa isang matibay na pagsasama. Huling pyesa na kukumpleto kumbaga."

Napaniwala ko nga ba si Steph? Sa tingin ko hindi. Naglaro lamang ang kanyang mga mata sa paikot na direksyon. Binasa ang kanyang labi at bahagyang lumunok.

"Naghihintay na ang tanghalian Jerick," malinaw nyang sagot. Ibinaba ko na ang martilyong hawak tsaka muli syang hinarap na nakalabas lahat ng ngipin. Inalalayan ko syang makababa ng bubong. Bago ang huling hakbang nagawa pa nyang ngumiti sa akin. Huminto muna 'ko tsaka muling tinanaw ang buong laki ng bahay gamit ang aking palad na ipinangharang sa nakakasilaw na sinag ng araw.

"Mabubuo na ang iyong pangarap Jer. Anong pakiramdam?"

"Masaya. Masayang-masaya. Parang hindi ko na mahintay na marinig ng mga tao sa paligid ang senyales"

"Siguradong matutuwa ang iyong Ama. Nakikita ko ang magandang ngiti sa kanyang labi"

Kahon


Symbianize House Challenge: Kahon

Kuntento na kong malaman na'sa bawat gabing dumadaan ay hindi lang ako yung taong emo sa mundo. Maraming pusong wasak ang gumagala sa kawalan sa gabing sobrang lamig. Na-realized ko din na hindi lang nilikha ng Diyos ang dilim para lang may maisulat na kanta si Rey Valera, kundi para din sa mga taong biktima ng kalungkutang baon pagkatapos ng saya sa pag-ibig.

Ngayon ang gabing parang ayoko ng mag-umaga. Tuloy ang palipad hangin ng mga salita sa isip ko. Gayun din naman si Felicia. Sa unang tagpuan na nagmistulang huling tagpuan ang aming napag-usapan. Maaga ako sa inaasahang oras, pero nakapagtatakang mas nauna pa sya. Tahimik. Wala ang baon nyang ngiti na una kong nasilayan isang taon na ang nakaraan. Sukat ko pa ang distansya naming dalawa sa upuang yari sa Yakal, ngunit hindi ang damdamin nyang isang siglo ang layo. Buntong hininga.

"I hope na okay ka lang sa magiging desisyon ko," inilapag nya ang isang maliit na kahon sa aking tabi, "I'm really sorry Ed"

My Kwentong Kabaong

"Kuya, magkano ataol?"

"..."

"Kuya, kabaong?"

"..."

"Ano ba tinda mo?"

"Lumayas ka nga! Wala akong binebenta!" iritable kong sagot sa batang kanina lamang ay nanghihingi lang ng barya. Ngayo'y nagtatanong kung anong klase ba daw ang binebenta ko. Kung wala lang nagdaraang tao sa paligid malamang ibinuhos ko na sa kanya ang iniinom kong buko juice.

"Pahingi nalang ng barya kuya.."

Sa ganitong galit na galit ang haring araw tsaka ko pa naisipang mag long sleeve. Bahang baha na ang kili-kili ko sa init. Hapding hapdi na din ang singit ko sa pawis, at hindi na nalalayo sa mga nagdaraang provincial bus ang aking amoy. Kasalanan 'to ng ahensyang inaplayan ko. Mag-formal attire daw ako para sa interview. Huwag daw kalimutang magbawas ng nagpapapansin na buhok sa ilong at bawal daw ang sapatos na hindi kayang i-reflect ang sarili kong mukha. Tapos sa huli, itatanong lamang kung active ang numero ko. Gusto ko nang lamukusin ang resume ko sa harap nila at lumuhod bigla. Magmamaka-awa akong tanggapin na nila ako dahil baka sa susunod pang mga araw ay may bata na namang magtanong kung anong brand ng ataol ang inilalako ko.

Photo Album

image credit sa internet

"Tuloy ka. Pagpasensyahan mo na kung makalat," wika ni Aiza bago ako talikuran. Tinungo ang limesang naghahati sa maliit na kwartong inuupahan, "Sabi ko.. tuloy ka."

Nakangiti kong pinaunlakan ang alok nya. Hinugot ko ang upuang yari sa plastik na na'sa ilalim ng lamesa. Tahimik akong nagmasid. Sa estima ko, malamang naglalaro sa isa hanggang isang libo't limang daan ang bayad sa bahay. Sapat lamang sa dalawang tao, kung aabot ng tatlo kakayanin pa. Kung apat, siguro nakatayo ang isa. Sa kanang parte ang kusina. Higit sa isang dipa ang laki. Sa kaliwa naman pader na may bintana, at sa harap ay may isa pang bintanang mas malaki. Katabi nun ang maliit an drawer. Alam kong damit ang nakalagay dahil transparent ang plastic. Walang banyo. Hindi ko alam kung nasaan. Malamang na'sa unang palapag ng paupahan. May mga larawang nakasabit. Yung unang dalawa si Aiza, yung tatlong natitira hindi ko masipat dahil sa kalumaan. Siguro parents nya.

"Matagal na kayong magkakilala ni Francis?" biglang tanong nya. Bumalik ang kaluluwa ko sa gulat.

"O-oo!" utal-utal kong sagot, "Classmate ko sya noong kolehiyo"

Ang Misyon

"Bilisan mo tumakbo! Maiiwan ka nila! Mabilis sila!"

Nagising ako sa sigaw at biglang pagtapik sa balikat ko. Marahan kong dinilat ang aking mga mata. May kadiliman ang paligid. Wala akong maaninaw na iba kundi mga sundalong walang humpay sa takbo. Takbo sila ng takbo. Hindi ko problema kung saan sila pupunta, mas problema ko pa yata kung bakit ako nandito, at anong ginagawa ko dito.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hindi pa ko nakakabwelo binangga na agad ako ng sundalong kumakaripas mula sa likuran ko.

"Pre, 'di pwede ang lalampa-lampa dito! Isa lang ang makakaligtas kaya kung ako sayo simulan mo nang tumakbo!" may nakaka-inis na ismi pa itong binitiwan bago tuluyan akong talikuran.

Sinubukan ko silang gayahin. Tumakbo din ako. Yun nga lang, hindi kasing bilis tulad ng mga binti nila. Basta takbo lang ako. Sunod lang ako kung saan sila pupunta. Nakakamanghang wala akong nararamdamang pagod. Nakakapagtaka lang, sa haba ng binabaybay namin e wala pa din akong liwanag na nakikita. Natural na madilim ngunit mas naaninag pa din ako. Napansin ko ang kasabay ko na halos kasing bagal ko din ang kilos.

Distancia Amigo!

image credit to orig uploader

"Distance is a numerical description of how far apart objects are." sabi ni Wiki. May nabasa pa kong math, tsaka yung travel from point A to B, na sya namang tinuluguan ko noong nagsasayang ng natitirang hininga ang titser ko. Basta ang alam ko lang dati, ang salitang "distansya" ay yung allowance na makikita mo kapag ikaw ay lulan ng pampasaherong jeep, at matatanaw mo yung salitang "distancia amigo" o kaya naman ay kung medyo nababadtrip ka sa ka-seatmate mong kasing haba ng standard na ruler ang leeg kakadungaw sa test paper mong halos parehas lang naman kayo ng sagot. Blangko.

Pero noong makilala ko si Lena at natutong ibigin sya. Tsaka ko lang nalaman ang totoong kahulugan ng distansya. Nakakatuwang isipin na ang isang relasyon ay nagsisimula sa distansya. Tulad ng sa amin. Nagkakilala lamang kami ni Lena sa Cafeteria. Halos limang table ang layo ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko didigahan o kung paano ko ma-e-express ang love at first sight ko na hindi ako nagmumukhang weirdo o tipong mag-aabot ng sobre at hihingi ng kaunting barya. Swerte nalang at dumagsa ang grupo ng mga estudyanteng babae na tatambay sa Cafeteria at mag-uusap ng tungkol sa buhay ni Mario Maurer. Napilitan tuloy akong ibigay na sa kanila ang pwesto ko para naman maganda ang bonding o pwede rin sabihing sinadya.

Quit na ko!



Umupo ako ng eksakto 1pm. Nag-type ng mga letra na bubuo sa mga salita. Mga salita na bubuo ng pangungusap, at mga pangungusap na inaasahang bubuo ng isang kwento. Isang kwento na naisip ko noong sumakay ako ng flying boat sa loob ng manila zoo. Meron bang ganun?

1:30pm, naubos yung limang pirasong yosi.. wala akong nabuo. Kung meron man, kahit 'di marunong magbasa e hindi babasahin. Sakit sa balls! Kung kailan kating-kati kang kamutin ang likuran mo e hindi mo naman maabot. Hindi eksakto pero parang ganun yung feeling. Tipong akala mo abot mo na yung gitna ng spinal cord mo tapos hindi pa din pala! Parang inulit ko lang.

Seryoso, hindi ko na talaga alam ang gagawin sa buhay este sa blog ko. Mahirap pala kapag hindi ka sana'y magpa-cute sa random post at forte mo lang talaga ang gumawa lang ng kwento na hindi naman talaga ineragalo ng niligawan mong musa noong two thousand ten pa. Syet! Ingles! Kung nakita nyo lang kung paano ko ini-wink ang hinliit ko malamang nagtae na kayo.

3:00pm, naalala ko marami akong plot na naitago sa silver na usb ko. Natuwa ako ng matagpuan ko. Muling nagbalik ang sigla sa buong katawan. Pakiramdam ko'y nakita ko na yung nawawalang manibela para makapag-drive muli ako ng keyboard. Putcha! Tatlong kwento naisulat ko! Kaso puro kalahati. Para na kong pirated na cd na kung kelan ka mapapa-indak sa bandang chorus tsaka biglang tatalon o 'di kaya e mag-i-skip sa next track.

break time..

After ng hapunan, siguro mga bandang 10pm na...Sabak ulit! Baka sakaling nakatulong yung pagbabasa ko ng e-book habang nanonood ng video clip ni Abigaile Johnson. Baka yung ambience ang kulang. Yung medyo tahimik at madilim. Yung parang ikaw na lamang ang tao at sarili mo na lamang ang kausap mo, at natutuwa ka nang pagmasdan yung mga usok na lumalabas sa bibig mo na syang tatakip sa screen ng computer mo. Panalo sa salitang "mo"

Hindi ko alam kung may hinahanap ako na bigla ko na lang naiwala, o talagang hindi ko pa nakikita. May kwento sa likod ng isip ko na naghihintay lang na humupa ang katamaran ko o sadyang guni-guni ko lang. Putek! Deep!

Mag-lilista nalang ako ng mga batas na gusto kong ipatupad kung magiging Presidente ako ng Pilipinas.

-Magkakaroon ng time management sa MRT (MRT lang, madalang ako mag LRT e. Tsaka "time management" nalang para mukhang genius) Halimbawa, eksaktong 7:00am hanggang 7:15am lang pwede pumasok ang mga pasahero. Walang pwedeng makapasok hangga't hindi pa pumapatak ng alas otso. Mababawasan ang siksikan, tulakan, nakawan, at hipuan. Sisipagin ang mga ala-tsamba na gumising ng maaga.

-Mahigpit na ipatutupad na lahat ng Domestic Helper ay dapat na dumaan sa Taekwondo, Karate, Judo, Sumo, at Ong-Bak training bago makaalis ng bansa. Panahon na siguro para malaman ng ibang lahi na hindi lang paglilinis, pagluluto, at paglalaba ang alam ng mga kababayan nating Pinay.

-Lahat ng mga walang trabaho o nahihirapag maghanap "ngunit" saksakan ng sipag ay malayang makakapag paskil ng kanilang resume/cv/bio-data sa poste, ding-ding, at bakuran ng POEA. Required sa mga malalaking kompanya na magtalaga ng mga taong susuyod sa bawat poste, ding-ding, at bakuran ng POEA para pumitas ng sandamakmak na resume/cv/bio-data. Para fair, bawat Pilipinong walang trabaho ay kailangan munang makapag paskil ng higit isang libong resume/cv/bio-data sa bawat poste, ding-ding, at bakuran ng POEA bago matanggap sa trabaho.

-Magtalaga ng mga seksing nurse sa mga pasyenteng nalulumbay. Makakatulong magpagaling ang libog. Tingin ko lang..

Marami pang iba. Yung iba, ipo-post ko nalang kapag tapos na kong mag muni-muni. Pasensya na, minsan lang ako mag-joke ng title.

-The End

Ang Problema ni Kumpare

Ang ine-expect kong masaya, maingay, at maharot na inuman ay ibang-iba sa aking inaasahan. Nakangiti pa kong umalis ng bahay matapos ang tawag ni Raf. Imbitado daw ako. Wala akong natatandaang buntis na ulit si misis nya para mag-celebrate, at lalong malayo pa ang kaarawan ko para ilibre nya ko. Basta ang alam ko lang galante si kumpare kapag nagpa-inom.

Ang kanilang sala na noo'y pumuno ng mga babaeng walang bahid ng puson ang kumikiliti sa imahinasyon ko, na'sa reyalidad ay isang sala na blangko. Walang sofa, tv, lamesita, at kahit kurtina ng bintana ay himalang naglaho. Mga mumurahing kahon na lamang ang aking naabutan at si Raf na nakaupo sa isang kahong nakahiwalay sa karamihan.

"Pasok ka," mahina nyang tugon matapos i-selyo ng packaging tape ang kahong na'sa kanyang harapan. "Pasensya na kung makalat"

"Anong meron? Lilipat na kayo?"

"Oo eh, pero mukhang ako lang," nawi-weirdohan ako sa sagot nya. Alam kong may masamang nangyari. Marahil isang hindi pagkakaunawaan. Buong puso kong tinanggap munang walang darating na mga seksing bisita.