Kwentong Tambay - Chapter 19

The problem is, the world won't let me stay as a kid forever. So I can't lie around crying about it either. -Shikamaru


Pangarap.. Goal.. Dreams.. Lahat ng tao meron nito, at may kanya kanya.. Nakakatuwang pakinggan sa bawat isa, At yung nakakatupad ay syang nakaka tanggap ng kakaibang ligaya.. Ang saya dba?!

Identity Crisis.. Yan ang problema ko! Tulad ni Cloud ng Final Fantasy 7. Nabubuhay sya sa pagkatao ng iba, at itinuturing ang sarili nya na yun sya! Ang hirap hindi ba? Tulad nung nauna hindi nya din alam kung meron sya nung isa o wala.. Sabi nga nila, wala na daw sasarap sa pakiramdam na gusto mo, at nag e-enjoy ka sa ginagawa mo.. At kumikita at binabayaran ka..

Oo.. Tama! Yung tipong.. Enjoy kana bayad ka pa!

Pero binasag ako ni Ayekaru sa pagkakataong ito.. Hindi lang daw enjoy at pera ang basehan.. Tama yung kumikita ka at nag e-enjoy, pero wala daw sasarap sa pakiramdam na kahit hindi mo gusto ang bagay na ginagawa mo, ay natutulungan mo ang mga tao na silang dahilan kung bakit nandyan ka in the first place.

Isa lang..

Ginusto mo.. So panindigan mo.. Wag kang magkupal..

---------------

"Talaga? Ang sweet mo naman Dudes! Tama talagang ikaw ang sinama ko dito, I know sobrang mag e-enjoy ako.."

Namula ako.. Na kahit hindi makinis ang aking balat, ay nagmistula itong kamatis. Wala ako maisagot.. Buti na lang nag swerve ang bus, nawala sa atensyon si Rhea.

"Dudes, bakit nandyan ang kamay mo?"

"Huh?"

Sabay tingin kung san nga ba napadpad ang malikot kong kamay..

"Waaaaaaaaaaaaaaa!! Sorry! Sorry!"

Nasa pagitan ito ng hita ni Rhea, bwisit na driver to!

"Ahahahaha! Nakakatawa ka talaga!" sagot ni Rhea.

...
....
.....

Matapos ang walang kwentang usap, tumahimik ang paligid.. At kasabay ng pagtahimik nito sya ring pagka ubos ng utak ko ng sasabihin.. Speechless.. Nakatingin kami sa magkaibang direksyon, ang olats lang eh na-stranded ang direksyon ko sa palabas sa loob ng bus.. Vilma Santos.. Corny..

Gusto ko syang lingunin, titigan, at makipag kwentuhan.. Makipagpalitan ng ngiti at tawa. Makipagpalitan ng mga kwento tungkol sa paghihiwalay namin sa loob ng isang taon..

"Syet! Kailangan may masabi ako.." bulong ko sa sarili.

"P-pero ano?"

"Kailangan basagin ko ang katahimikang ito.. Pero paano? Yung mismong mukha nya nga eh hindi ko matignan.."

-----

"Rhea? Anong ginawa mo sa loob ng isang taon? Ibig kong sabihin anong mga nangyari sayo?"

"..."

"Kung ako ang tatanungin, eh wala! hehehe!"

"......... "

"Pero alam mo ba? Naisip ko din na bisitahin ka!" (Kahit hindi, may masabi lang!)

"............  "

"Tsaka naging busy din pala ako sa kakasubaybay sa Mara Clara! Nanonood ka ba nun?"

"................................ "

Siguro mas mabuti nang manahimik na lang ako.. Hindi sya interesado sa sinasabi ko, At sa tingin ko wala namang maganda sa mga sinasabi ko. Mukha lang akong tanga makuha lang ang atensyon nya..

"Yun lang ba gusto mong sabihin? Wala nabang iba Dudes?" tanong nya.

???

"Hindi mo man lang ba sasabihin na na-miss mo ako?" dugtong nya pa.

"Aba! Oo naman! Syempre na-miss din kita.." sagot ko.

"Totoo?"

"Oo!" sagot ko.

"Kasi kung hindi.."

"Ano?" maagap kong tanong.

"Kung hindi, siguro wala akong karapatang umupo dito sa tabi mo.." sagot nya na may halong ngiti sa kanyang labi.

"Ahahaha! Ano ka ba? Ano bang sinasabi mo? Kung si Rhea ang pag-uusapan, Aba! Hindi  pwedeng hindi kadugtong ang MISS!"

"Cheap shot!" sagot nya.

"But it's nice..

To hear..

those words..

from you Dudes.."

--------

2nd stop over.. Isang mini tourist spot, konti lang ang tao.. At mukhang hindi na aabot ang signal ng Smart kung magpapakabit ka ng internet dito. Konti din ang stand.. At wala ka nang makikita sa paligid kundi malawak na view ng bundok at kalikasan.

Pero oks! Napaka relaxing ng dating, lalo na at galing ka sa mahabang byahe..

"Huh? Teka? Nasaan si Rhea?" bulong ko sa sarili.

Lumingon lingon ako sa paligid, para hanapin ang maganda nyang mukha..

"Siguro nauna na sya para tumingin ng mabibili sa lugar at makakain.." dugtong ko pa.

Nag ikot ako sa lugar.. Lakad dito, lakad doon.. Ang ganda ng paligid sayang lang at wala akong dalang camera.

...
....

"Smile!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses. Si Rhea na nasa likod ko..

"Nice! Ang cute mo dito Dudes!" natutuwa nyang sabi.

"Huh?! May dala kang camera!" puna ko.

"A-ha! Syempre kailangan natin ng remembrance para sa trip na to!" sagot nya.

"Isa pa! Tayong dalawa naman!" excited nyang boses.

"Vincent! Kuhanan mo kami, okei lang ba?" tanong ni Rhea kay Vincent na papunta sa aming direksyon.

"Sure!" sagot ni Vincent.

-----

Matapos ang napakahabang byahe, at napaka-boring na movie, swerte naming nakarating sa aming destinasyon na kumpleto at buo ang mga parte ng katawan, dahil mukhang panay NPA ang nagkukuta sa lugar na syang dinaanan namin.

Naglakad ng halos 30 minutos bago tuluyang makarating sa bayan, sumakay ng tricycle, At naglakad ulit.. Na sa tingin ko ay para akong pusa, na hindi na alam ang daan pabalik.. Unless ipa-LBC mo ako para makauwi..

...
....
.....

Malaki at malawak ang bahay na aming tinuluyan, may limang kwarto sa ikalawang palapag, kusina na kasing laki na yata ng kwarto ko na sa  tingin ko ay pwedeng mag lunsad ng cooking show on the spot! At ang malupit ay ang sala na pwede mong ipasok ang dalawang jeep, at pwede pang makisingit ang isang kabayo.

Matapos makapag pahinga, at makapag shower bumaba na ako patungo sa kusina kung saan mag sisimula na ang bakbakan.. este ang kainan! Sinalubong ako ng kanyang lola na grabe ang ngiti at tila na stuck up..

"Rhea iha.. Ito ba ang manliligaw mo?" usisa ng lola.

"Ahahaha! Hindi po lola!" agad kong sagot.

Ngunit ngiti lang ang sinagot ni Rhea..

-------

Kung iisipin kong maigi talagang sobrang nakakapagod ang byahe, para akong namasukan sa construction.. Pero masaya! Kasama ko si Rhea, para akong tumama sa lotto ng hindi tumaya at nagbayad.. Automatic ticket! Automatic milyonaryo!

Hindi tuloy ako makatulog..

Binilang ko ang mga tupa, pero olats! Sabay sabay silang lumulundag kaya hindi ko nasundan ang bilang. Sumabay pa ang ingay ng kulisap sa paligid, para silang mini-divisoria at fish market.. At dahil sa hindi matamaan ng antok na sinabayan ng pagkabato, nagpasya akong lumabas at magsindi ng kung anung mahihit-hit..

Naabutan ko si Rhea sa tapat ng pinto, malayo ang tingin.. Sakto! Ito ang magandang pasok!

"Ehem! Hindi mo din ba maubos ang mga tupa?"

"Ikaw pala.. Bakit gising ka pa?" sagot nya.

"Nawala kasi sa isip ko kung ilang tupa naba ang nabilang ko, eh nakakatamad nang umulit.." pasikat kong sagot.

"Dito ka sa tabi ko.." anyaya nya sa malambing na tono.

..
...
....

Malamig ang hangin, malamig din ang pawis ko.. Nakakainis ang kapayapaan paminsan minsan.. Pero ang titigan ang maamo nyang mukha, ay sobrang nakakapag pakalma ng maalinsangan na gabi.

"Akalain mo din.." una ni Rhea.

"Huh?!" sagot ko kunyari bingi.

"Sa totoo lang.. Ayoko nang makita ka pa.."

Hindi ako nakasagot sa tono ng salita nya.

"Sorry.. Tanga lang talaga ako.. Para lang akong ibon na hindi alam kung saan dadapo.." sagot ko.

"Hanggang kailan ka ba lilipad sa ere?" tanong nya.

"Hindi ko alam.." sagot ko.

Pumasok na naman ako sa eksena na hindi ko alam ang exit, o talagang pilit ko lang nilalayuan ito at pinipili ang fire exit, kung saan walang makakakita sa akin.

"Pero masaya ako't kasama ka.." malambing nyang boses.

"Hindi dahil nakikita kita ngayon sa tabi ko, kundi dahil nakikita kong masaya ka din kapag kasama mo ako.." dugtong nya pa.

"Masaya ako! Maniwala ka!"

"Masaya ka ba talaga Dudes? O masaya ka lang dahil alam mong nandito ako sa panahong wala sya?"

..
...
....

"Rhea.."

"Salamat! Maraming salamat sayo!"

Lumingon sya na may nagtatakang mukha..

"Nakabangon ako ng maayos, at nakangiti ng totoo dahil sayo.." paliwanag ko.

At bago ko pa mapansin, hawak ko na ang kanyang kamay.. Ang saya.. Nakalimutan kong magpaalam at magparamdam. Binalak kong bitawan, pero hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko..

"Dudes, kapag binitawan mo pa ako.. Hindi mo na ulit ako mahahawakan ng tulad ngayon.." wika nya habang nakatingin sa malayo.

Pakiramdam ko'y lumundag ang puso ko ng dalawang beses, at tumibok ng limang ulit sa isang segundo, hindi nag circulate ng maayos ang dugo ko.. Na-trapik sya sa sobrang bilis ng supply galing sa puso ko. Kakaiba..

"Maaga pa tayo bukas.." may halong ngiti sa kanyang labi.

"Oo.. Tara! At baka mapagtripan pa tayo ng engkanto.." biro ko.

-----

Sa dulo ang kanyang kwarto at pangalawa ang sa akin.. Mauuna akong pumasok. Sa pagkakatalikod ko palang bago ako pumasok, hindi ko na mapigilang ngumiti.

Sumilip ako ng bahagya at tinitigan sya habang naglalakad papasok sa kanyang kwarto, hindi ko maiwasang pansinin ang kanyang seksing katawan.

At bago tuluyang makapasok, lumingon sya sa direksyon ko..

!@#$%!

Nahuli nya akong nakatingin.. Sigurado!

..
...
....

"A-a-ahh.. G-good night ulit!" nauutal kong sabi.

"Good night Dudes! See you tomorrow!"

She gave me a wink, and she said I love you without a sound..

!!!!

Pwede na akong pumanaw..

----

Kumukulo ang aking tiyan.. Ramdam ko! Parang may nag rumble na pusa sa loob.. Gutom na ako.. dinilat ko ang aking mata.. Galit na ang araw! Nakatitig sya sa akin at nagsasabing "Tutunawin kita hanggang maging pawis ka!".

Bumangon ako at nagkusot ng aking buhok, tumingin sa orasan na tila kasabayan pa ni Rizal sa tanda. Alas onse na pala! At magtatanghalian na! Kaya pala ganun na lang magwala ang aking alagang dragon..

Sumilip ako mula sa pangalawang palapag ng bahay, kung saan tanaw mo ang sala.. Walang tao! Wala ding ingay.. Tila may nangyaring krimen kagabi.. Tumayo ang aking balahibo..

"Good morning.." isang paos na boses.

Nilingon ko sa pinanggagalingan..

"Kakagising mo lang din?" tanong ng anghel ko sa umaga.

"Oo.." sagot ko.

Sa manipis nyang pangtulog, tila kita ko na ang kaluluwa nya..

Ngumiti sya ng pagkatamis tamis sa akin, niyapos ang kanyang braso, at bahagyang tinaas ang kanyang magkabilang balikat.

"Wala ka bang sasabihin?" malandi ang boses nya.

...
....
.....

"Good Morning?"

"Ahahaha! Ang sarap pala gumising kapag ikaw ang una kong makikita.." sagot nya.

0 comment/s:

Post a Comment