Kwentong Tambay - Chapter 23

"Love one another" -George Harrison's last words before he died.


Nagalit ka dahil hindi mo nalaro ang last part ng Suikoden II, dahil naputulan kayo ng kuryente.. Hindi na naman nagbayad ang mga magulang mo, at iniisip mong hindi ka importante sa kanila.. Natuto ka nang sumagot sa kanila. Alam mo na din kung paano magsinungaling, madalas mong itago sa kanila ang report card mo.. dinadahilan mong may utang ka pa sa titser mo, kaya hindi nila ito ibibigay.. kahit na alam mong sopas at lugaw lang naman sa canteen ang hindi mo nababayaran..

Rebelde..

Madalas ka nang sumama sa mga barkada mo sa loob at labas ng eskwelahan, Isang sutsot lang nila alam mo na ang ibig sabihin.. Cutting Classes Period nyo na! Hindi na Math ang subject kundi Counter Strike.. Hindi na Science, dahil Emperador o kaya Gin-Pomelo na ang inyong pinag-aaralan.. At lalong hindi na Social Studies at History ang topic, dahil SM Megamall o hindi kaya Marketplace ang iyong binabaybay.. Galit ka pa sa umaga, dahil kulang ang baon mo, na sana ay pamasahe mo na papuntang MP, para tumambay sa arcades at bilyaran.. Isama mo na ang pangbayad sa isang sandok na lugaw..

Nung magising kana sa katotohanan.. Panahon na ang nang-iwan sayo.. Out of school youth ka at hindi nakatapos, walang diplomang magliligtas ng iyong kinabukasan. Nakasandal ka na lang sa kanto at humihithit ng sigarilyo.. Kasali ka na din sa fraternity na wala nang ginawa kundi mag meeting sa sementeryo. Naka ilang vandals ka na din sa pader sa mga nitso, wala nang magagawa sayo ang mga nakahimlay kundi isumpa ka..

Reality..

Minsan talagang darating ang dagok lalo na at hindi ka handa.. Babagsak ka sa isang sementadong lupa, duguan at hindi makabangon.. Kung iisipin mong maraming dugo ang nasayang, maniwala ka.. mas madami pa ang panahon na nalagas, kumpara sa red blood cell mong hitik sa 420..

Pero..

Kung ang pagbangon at pagpunas lang ng dugo ang magagawa mo.. Gawin mo na.. Walang tutulong sa isang pipe na maintindihan sya, kung hindi sya magmumukhang gago sa kakakumpas ng kanyang kamay. Mahirap pero sulit..

Maraming bagay na hindi mo maiintindihan kung hindi ka gagawa ng bagay, na sa tingin mo ay makakapag dulot sayo ng hindi tama.. Hindi ko sinasang-ayunan na gumawa ka ng hindi mabuti.. Pero minsan..

Kailangan natin gumawa ng masama, para matuto tayong magpakabuti. Dahil hindi lahat ng bagay ay kailangang gawin ng may halong kabutihan, Hindi general requirements yun sa buhay.

Hindi din lahat ng mabait kinatutuwaan.. karamihan dito inaabuso at wina-walanghiya..

-------------------------

Ano nga ba ang lasa kapag pinaghalo mo ang mapait sa matamis? isipin mo na lang ampalaya shake! Ganito ang pakiramdam ko ngayon.. Mapait ang kinahantungan ng love story ko pagdating kay Kath, subalit kasing tamis ng unang tikim ang dating naman sa akin ng kay Rhea..

Sigurado ako sa mga bagay na masaya ako.. Pero hindi naman ako sigurado kung hanggang saan ako ngingiti para dito. Aaminin kong nasanay ako sa simpleng ligaya, para ka lang nagyosi ng fortune, tapos biglang marlboro.. Nakakapanibago, at mahirap ipagpalit ang nauna.. Pero kung tutuusin.. Una-unahan lang yan. Nauna lang sya magsawa sa akin..

Masayang mukha ni Rhea ang huling mukha at syang deretsong tumatakbo sa isip ko nung hinatid ko sya sa kanyang bahay.. Kung nakakaranas ka minsan ng LSS, palagay ko mauuso din ang LFS.. Corny..

..
...
....

"Madaling araw na pala.." bulong ko sa sarili ko.

Ramdam ko na ang ginaw ng hangin.. naupo ako sa tapat ng isang saradong tindahan.. Nag unat ng aking mga binti, na kanina ko pa gustong ipahinga.. Dinukot ang huling sigarilyo sa bulsa tska sinindihan..

Tahimik kong pinagmamasdan ang dating bahay ni Kath, tanaw ko pa din ang ala-ala.. Sariwa pa din ang mga bagay na lumipas na pala ng isang taon.

Naisip ko din na kung naimbento na ang time machine, o kya naman ay tropa ko si Doraemon.. Babalikan ko kaya ang sandaling iyon? o hahayaan ko kung anung meron ako ngayon.. Masisira lang ang space time continuum.. At baka bumalik lang si Hitler sa kasalukuyan..

-------

"Anak hindi sa lahat ng bagay kukunsintihin kita.."

Malumanay na boses ng aking mahal na ina.. Tandang tanda ko pa kung paano nya ako pagsabihan kapag nakakagawa ako ng kasalanan.. Minsan nabansagan akong Mama's Boy sa eskwelahan, dahil masyado ako palasumbong..

Sa dami ng problema ko sa buhay, at sa darating pa.. Alam kong nandyan sya para sa akin.. Hinding hindi nya ako iiwan, o kakalimutan.. Sobra ang pagmamahal nya.. Pero minsan hindi talaga gumagana ang utak ng tao.. Kapag galit ka nakakapagsalita ka ng hindi tama, at hindi mo na alam kung nakakasakit ba ito.. Tama?

Ilang beses ko din sya sinagot.. Ilang beses din akong nangatuwiran ng mali.. Pero isa lang ang sinasagot nya..

"Problema nandyan lang yan.. Lilipas at lilipas din.."

Huwag mo nga naman tambayan ang problema, sa halip mag vandals ka lang at layasan mo ito! Hindi mo mamamalayan at matatawa ka na lang, dahil maiisip mo na minsan pala sa buhay mo napadaan ka sa isang kanto, at nagsulat ka ng pangalan mo. Kasing simple lang isipin kung ano ang binabasa mo ngayon.

..
...
....

Binuga ko ang huling usok ng sigarilyo sa hangin.. Kasing bilis pala nito maglaho ang panahon.. Mahaba haba na din pala ang tinambay ko sa tindahan.. Sa isang stick lang, para na akong nag travel ng light years.

Pinilit kong tumayo sa kinauupuan, sampung hakbang bago ako makarating sa bahay.. Muli kong sinilip ang kalsada.. Napabuntong hininga..

"Last na 'to.." bulong ko sa sarili.

-------

Bago pa man ako makahiga naramdaman ko nang babagsak na ang aking katawan.. Hapong hapo kong niyakap ang aking unan.. Pinilit kong abutin ang comforter gamit ang aking paa.. Tinakpan ko ang aking buong katawan.. Naghalo ang lamig ng hangin at init ng comforter, bago sa pakiramdam ko.. Dilat pa din ang aking mga mata sa gitna ng dilim..

Nag-iisip..

Nakikiramdam..

Tumama na ang antok, kailangan ko nang matulog..

------

"Salamat sa paghatid.." pauna ko habang binubuksan ang gate ng bago kong tutuluyan.

"Kailan tayo ulit magkikita?" tanong ni Edgar.

"Edgar.. huwag mo na akong kulitin muna.." sagot ko.

Hindi sya sumagot.. Batid sa kanyang itsura ang pagkadismaya, ayoko mang sabihan sya ng mga bagay na nakakasakit sa kanya, yun lang ang magagawa ko para tigilan nya na ako..

Alam kong hindi tama, pero isa sya sa mga pagkakamali ko..

"But.. how about the reunion?" singit nya pa.

"Pag-iisipan ko pa.. Hindi pa ako handang harapin si Dudes" sagot ko.

"Mahal mo pa ba sya?"

..
...
....

"Hindi ikaw ang dapat makarinig nito.. Pero oo.. at alam mo yan Edgar.." sagot ko.

---------

"Good Morning!"

"Bumangon ka na!"

"Bakit hindi ka pumasok?"

Sa umagang ito, meron pa palang mas maingay kesa sa mga kapitbahay ko. Isang boses na wala nang iba kundi si Rhea.

Aba! At bakit nandito sya? bulong ko sa sarili.

Dahan dahan kong dinilat ang aking mata, sya nga! hindi ako nagkamali..

"Bakit ka nandito?"

"Anong bakit? kasi hindi ka sumasagot sa tawag ko.. kaya naisipan kitang puntahan.. Bukas ang pinto.." paliwanag nya.

"Nakalimutan mo yatang isara kagabi.." dugtong nya pa.

"Ganun ba.. Nakalimutan ko sa pagod.." sagot ko.

"Bumangon ka na! may dala akong pagkain.." anyaya nya.

Minsan talaga masaya din ang buhay kapag nandyan si Rhea, hinding hindi nya ako pababayaan.. Daig nya pa ang aking nanay sa pag-aasikaso sa akin..

"Bangon na!" sigaw nya.

"Opo.." sagot ko.

Para akong zombie na pumasok sa cr, at tuluyang nag shower..

..
...
....

"Kaya pala hindi sya sumasagot sa akin.. Naka silent ang phone nya.." bulong ko sa sarili habang nagkakalkal ng cp ni Dudes.

"7 missed calls at 3 text messages.."

Alam kong mali, pero gusto ko makita ang laman ng kayang phone. Bukod sa wallpaper ni Julia Montes sa harap.. Hindi ko na pinakielaman ang missed calls.. Binuksan ang inbox. Dalawang msg galing sa akin na mula pa kagabi.. At isang txt msg galing kay Edgar.

Gusto kong basahin..

Pero hindi tama..

Makulit ang konsensya na nakikipagtalo sa akin..

..
...
....

"Oh? Sensya na.. matagal ba ako?" bati ni Dudes na kakalabas lang sa banyo.

------

Iba ang dating ng ganda ni Rhea sa araw na ito.. Daig nya pa ang lumagok ng isang boteng whitening lotion, sa kintab ng kanyang balat. Naayon din sa kanyang makinis na balat ang suot nyang semi-formal attire, na sa unang tingin mo ay pupunta sa shooting, para sa commercial na ang tema ay parang picnic sa bermuda grass. Umiral na naman ang imahinasyon ko..

Sinabayan ko syang kumain.. Parehas kaming nag-eenjoy sa mga nangyayari.. Dama ko ang kanyang kaligayahan.. Ayoko syang biguin..

"Masarap ba?" tanong nya.

"Luto ko yan!" dugtong nya pa.

"Oo naman! ito ang tunay na almusal!" pangbobola ko.

"Thanks! Kung gusto mo lagi kitang dadalhan ng makakain!"

"Hindi! Hindi mo kailangan gawin yun.." sagot ko.

"Bakit? ayaw mo?" tanong nya na parang bata.

"Hindi naman.. Nakakahiya naman kasi.. Tska hindi ako sanay.." paliwanag ko.

..
...
....

Wala na nga yata akong hihilingin sa tulad nya.. Kumbaga sa baraha para syang ace, mas mataas sa king.. At ako ang king na tumitingala sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman na kumpleto ang buhay ko.. Masaya..

Nakahanap ako ng liwanag na sisilayan, mula sa napakahabang gabi.. Iniwanan ko na ang lungkot at pagkadismaya.. Hinding hindi na ako lilingon, sa dahilan na wala na din naman akong babalikan.. Oks na ang lahat..

Ang magagawa ko na lang ay i-enjoy ang mga sandaling ito.. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos, pero gusto kong sulitin ang biyayang ibinibigay sa akin.

Tulad sa kantang Ted Hannah, nasulat na sa notebook ang kailangang mangyari.. At ang nakasulat, ay ang nakikita ko ngayon.. Nararanasan..

..
...
....

"Dudes.. may message ka yata.." singit ni Rhea sa pag de-day dreaming ko.

"Huh? Saan? Tingin?"

Sabay abot ng aking phone..

Binuksan ang inbox.. message nga galing sa kanya at kay..

Edgar??

"Kath already set a reunion for us.. Pupunta ka ba?"

Hindi ko alam ang isasagot.. P.I. naman..

"May problema?" tanong ni Rhea.

"Wala.." sagot ko.

"Sure?" tanong nya ulit.

"Yup!" nakangiti kong sagot.

-------

Matapos ang breakfast at tiffany.. Este breakfast with Rhea, Hinintay ko syang magpasyang umalis..

Natataranta ako at kating kati na sagutin ang msg ni Edgar.. Pero buo ang loob ko na hindi ako pupunta.. Gusto ko lang syang tanungin kung bakit pa nga ba nya ako sinasama, sa isang malaking kalokohan.. Ngitngit ang aking ngipin sa inis..

Tinawagan ko sya ng hindi ko namamalayan..

"Hello?" pauna ko.

"Edgar.. Salamat! pero hindi ako makakapunta.. Masyado akong maraming gagawin.." dugtong ko.

"Dudes? Si Kath 'to.." sagot ng nasa kabilang linya.

Naloko na! na peste na! na disgrasya na!

"Nasaan si Edgar?" mabilis kong tanong.

"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" mababaw ang tono ng kanyang boses.

"Ah.. Eh.. Ku-kumusta na nga ba?"

"Teka, nasaan ba si Edgar? bakit na sayo ang phone nya?"

"Naiwan nya ito kagabi dito sa bahay.. May problema ba? tanong nya.

"He texted me last night.. Ngayon ko lang nabasa.." sagot ko.

"Tungkol ba sa get together?" mabilis nyang balik tanong.

Bumilis ang tibok ng aking puso.. Pakiramdam ko'y lalabas ito sa aking tenga.. Uminit ang klima sa aking paligid.. Pinagpawisan ako.. Para akong binabad sa gitna ng humid.

"Hindi ka ba sasama?"

"Hello?"

"Dudes?"

"Nandyan ka pa ba?"

..
...
....

"I'm sorry.. Pero hindi ako makakapunta.." matapang kong sagot.

0 comment/s:

Post a Comment