Kung 100% proof ang isang alak.. Makakailang bote ka lang kaya? Kung ang yosi naman ang merong 85% ng nicotine.. Ilang taon na lang itatagal ang mo, kung nagsimula ka sa edad na kinse anyos? Ilang libo o milyong estudyante ang nag-aaral sa Pilipinas.. Simulan mo sa prep hanggang sa college.. Ilang puno kaya ang kailangang putulin, para mabigyan sila ng maayos at matinong papel na kanilang pagsusulatan.. At ilang presidente pa kaya ang kailangang maupo para lang matanggal ang kontrobersyal na corruption?
Sinadya na lang siguro nya ang lahat.. Ang lahat naman kasi ng bagay kapag sumobra magiging masama..
Kung kumikita ka ng sapat sa pangangailangan lang ng pamilya mo, maghahanap ka ba ng iba o magtityaga? At kung pinanganak kang mayaman.. May kotse, cellphone na nag a-upgrade buwan buwan, at ang bahay nyo may chandalaire at ref na puno ng ice cream.. Magsasawa ka kaya?
Kung magiging permanente lang ang kasiyahan sa mundo, malamang walang taong mapaghangad.. Hindi dadami ang palaboy sa kalsada, walang magda-drugs, hindi mo na din makikita ang mga dalagang naka-kolarete sa kalsada ng cubao gabi-gabi.. Kaso sinadya nya yatang gawin na temporary ang lahat, dahil alam nyang hindi lahat ng tao ay katulad nya mag-isip..
Kung hindi mo pa din maintindihan ay hayaan mo na lang.. Hindi siguro din talaga ginawang pare-parehas mag isip ang mga tao.. para siguro maghanap tayo ng kasagutan sa sarili natin..
------------
Pakiramdam ko'y dumaan ang tsunami sa puso ko na sya mismong tumama din sa Japan, matapos nya akong dedmahin.. Hindi na talaga makipagkakaila na kahit bigyan mo ako ng tig-lilimang pisong halaga ng candy, mas pipiliin ko ang tig-pipiso kung saan ako nasanay.. Lumuwag ang hawak ni Rhea sa aking mga palad.. na di kalaunan ay kusa ko namang binitawan..
Wala syang nabanggit sa akin, kahit na ang direksyon ng aking mata ay malayo.. Nakatingin.. Nakatitig.. Nag-aasam.. Si Rhea ang buhay na example ng mga martir..
"Kath.." mahina kong bulong.
..
...
....
Tanaw ko pa din ang kanyang imahe kahit na nasa malayo na.. Umaasa akong susulyap sya na kahit kaunti lamang.. Sa isang taon mahigit na pagkakahiwalay namin sa isa't isa, hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa aking damdamin..
Ngunit ano bang magagawa ng taong pabaya?
Tinaas ko ang puting bandera.. Sinenyasan ang aking puso na itigil na ang laban.. Hinagis ang aking armas sa lupa.. Senyales na ako'y susuko na..
Tapos na ang lahat sa amin.. Hindi ito tulad ng Eraserheads na may reunion concert..
Binaling ang aking atensyon kay Rhea..
..
...
....
"Tara na.. Saan ba tayo?" nakangiti kong sabi.
Na sya naman ikinagulat ni Rhea.
"Ikaw ang bahala.. Treat me like you did the night before.." nakangiti nyang sagot.
---------
Madilim ang kahabaan ng kalye na aming binabaybay.. Hindi alam ang direksyon kung saan.. Gusto ko lang maglakad.
Nakayuko sya at tahimik na naghihintay sa aking sasabihin.. Medyo malayo layo na din pala ang aming nalakad.. Nakarating kami kung saan, maliwanag na ang kalsada.. Marami nang ilaw, at matao na ang paligid.. Wala pa din akong masabi..
"Hanggang saan mo ba balak maglakad Dudes?" pauna nya.
Tinignan ko lang sya.. at hindi sumagot..
"Dudes? Ano ba.." sita nya.
"Samahan mo lang ako Rhea.. Gusto ko maglakad.." sagot ko.
Alam kong makasarili ako sa pagkakataong ito, pero gusto kong makalimot.. Lahat! lahat halos ng bagay na nagpapa-alala sa akin at nagbibigay ng kirot at sakit..
Sabi nga nila bilog daw ang mundo.. Nasa ilalim ako sa pagkakataong ito, pero iikot daw ito, at makakarating ka sa ibabaw. Sa pagkakataong yun dapat mo daw galingan.. upang hindi kana mapunta sa ilalim.. Pero kahit anung ipagputok ng butsi mo, iikot at iikot pa din ang bilog na bagay na ito.. At kalokohang hindi ka hatakin ng gravity.. Sa haba ng sinabi ko, walang kabuluhan.. Walang kwenta..
Minsan nangangarap ang tao.. Hindi masama, at walang nagbabawal.. Yung iba nga lang sumosobra sa expectation.. Nakakalimutan nilang tignan ang bawat yapak kung meron mang silang natapakan na nagsisimulang mangarap din..
Nagising ako sa katotohanan.. Wala pala talagang part two ang Romeo and Juliet..
Wala akong magagawa.. Tanggapin ang pagkatalo sa sugal na pinili kong laruin.. Yun ay ang pag-ibig..
Bigo..
"Dudes! Ano ba?" galit na boses ni Rhea.
Bumalik ang kaluluwa ko sa aking katawan.. Matapos nitong mag libot kung saan saan.
"Sorry Rhea.." sagot ko.
"Sorry?" tanong nya.
"Alam kong alam mo naman ang nangyayari.." sagot ko.
"Alam ko! Pero masaya ako.. alam mo ba yun.."
"Masaya ako at nalaman kong sa akin ka tatakbo, kapag nadadapa ka.."
Hindi ako nakasagot..
"Kung ito lang ang makakapagpasya sa akin.. okei lang kahit paulit-ulit akong masaktan.." paliwanag nya.
Hindi maintindihan ng isip kong marupok pa sa administrayon, ang mga bagay na sinasabi nya.. Kung si Einstein ang pinakmatalinong tao na nabuhay noon, ako naman ang taong pinakabobong nabubuhay ngayon.
Ngunit sa tahimik ang masaya nyang mukha.. Hindi ko maiwasang matuwa..
"Kain na lang tayo! Saan mo gusto?" anyaya ko.
Ngumiti sya sa akin.. Tinitigan nya ako ng pagkalapit lapit.. Halos ramdam ko na ang pintig ng kanyang paghinga.. Naamoy ko ang bagsik ng kanyang perfume.. Napakatamis..
At sa iilang segundo ng kanyang pagtitig.. Pinakawalan nya ang isang halik..
Oo..
Isang halik na nag-landing sa aking mga labi..
Tumagal ng limang segundo, bago nya iwan ang kakaibang tamis..
..
...
....
"Kahit saan mo ako dalhin Dudes, sasama ako.." sagot nya.
----------------
Kath
"Nasaan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito.."
"Malapit na.. Hintayin mo na lang ako, doon sa mabilis kitang makita.."
Pinatay ko ang linya, mapungay ang mga mata.. Hindi ko inaasahan na sa araw mismo ng aking pagpabalik si Dudes pa ang aking makikita..
Wala akong lakas ng loob at mukha na pwedeng iharap sa kanya.. Sa sakit na naidulot ko sa kanya noon, hindi nya ako mapapatawad.. Gustuhin ko mang yakapin sya at kausapin hindi ko magawa.. May mga bagay na pumipigil sa akin..
Ngayon..
Nandito na naman ako, kung saan nagsimula ang lahat.. Binalak kong iwan ang lugar na ito noon..
Ngunit..
Ngunit hindi si Dudes.. sya ang dahilan ng aking pagbabalik..
Hindi pa ngayon.. Hindi pa ngayon ang pagkakataon..
"Sorry! Pinaghintay ba kita?" boses ng lalaking nasa loob ng auto.
"Hindi naman.." sagot ko.
"Sakay na.. para maihatid na kita.." anyaya nya.
...
....
.....
"Kumusta na?" pauna nya.
"Okei lang.. hindi ko lang nagustuhan ang pagbalik ko.." sagot ko.
"Bakit?"
"Si Dudes ang sumalubong sa akin.." paliwanag ko.
"Aksidente lang siguro.. May kasama ba sya?"
"Oo.. yung kasama nya noon sa mall.." sagot ko.
"Kailangan siguro natin ng celebration.. tatawagan ko ang buong tropa.. Oks ba sayo?" anyaya ni Edgar.
"Pwede ba.. Huwag muna ngayon.." sagot ko.
-------------------
Sa isang hindi mataong restaurant kami napadpad ni Rhea, tahimik ang paligid.. Mellow lang ang soundtrip at oks na oks ang vibes.. Para akong nanalo sa dream-a-date!
"Pasensya kana kanina.." pauna ko.
"Okei lang.. naiintindihan kita.." sagot nya.
"Huwag mo lang sasabihin sa akin na mahal mo pa din sya.." dugtong nya na nakangiti ang kanyang mga labi.
"Tapos na yun.." sagot ko.
Tahimik ako habang pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha.. Batid sa kanyang hitsura ang pagod.. Mistulang bata na napagod na paglalaro, at kailangan nya ako para pagalitan sya at patigilin sa paglalaro.. Napansin ko ang magandang pagkaka-ayos ng kanyang buhok.. Ang make-up nya na talagang pinaghadaan..
Minsan hindi mawala sa isip ko ang isang katanungan..
Bakit nga ba nagpipilit pa ako Kath, kung nandito si Rhea.. na hindi ako iniiwan, at laging nasa tabi ko.. Nandyan sya sa oras na madilim ang paligid ko.
Gago lang talaga ako..
Pero dahil hinagis ko na ang puting panyo sa gitna ng laban..
Sumusuko na ako..
Hahayaan ko na lang ang tadhana ang mag-ayos ng buhay ko.. Manatili kung saan ako masaya, at sa tingin ko'y nakakapagbigay din ako ng saya..
Yun ay sa tuwing nasa tabi ko si Rhea..
Natapos na nga ang love story ni Romeo at Juliet, at wala na nga talagang part two..
Inakala ko lang yun noon..
..
...
....
"Dudes.." mahina nyang boses.
"Oh?" sagot ko.
"Wala ka bang balak galawin nyang pagkain?" balik tanong nya.
"Ahahaha! Oo nga.." natatawa kong sagot.
Sa mga simpleng usapan lang namin, hindi maipagkakaila na nagkakasundo kami sa maraming bagay.. Mga simpleng ngiti, alam na namin ang ibig ipahiwatig ng bawat isa..
Sa puntong ito hindi na dapat ako nagsasayang ng panahon..
"Rhea.. sorry kung minsan nasasaktan kita.." pauna ko.
Ngiti lamang ang naisagot nya.
"Pangako ko sayo.. Hindi na mangyayari ulit yun.." dugtong ko pa.
"Stay with me Rhea.."
Sa malupit at breath taking na ambience.. naghalo ang ginaw at pananabik ng bawat isa.. Hinawakan nya ang aking kamay..
..
...
....
"I'm happy to hear that.." sabi nya.
"Let's move on together.." dugtong nya pa.
..
...
....
"Lagi kong tatandaan yang pangako mo Dudes.. Wag mo sanang kalimutan, na minsan nangako sa akin ng ganito.." nakangiti nyang sabi.
0 comment/s:
Post a Comment