Kwentong Tambay - Chapter 24

Life is a piece of cake -Ely Buendia

Jesus, Allah, Buddah, Hari Krishna, Vishnu, at Pera.. Isa lang yan sa mga sinasamba ng mga tao.. Kung si Jesus ang diyos mo, Christian ang tawag sayo.. Kung si Allah, Muslim ka.. Hindi ko lang alam ang tawag sa mga taong sumasamba sa pera.. Siguro tawag sa kanila pulitika.

Ako?

Lumaki ako na kilala si Jesus.. Hindi dahil ito ang sabi ng ermats ko, at nakalakakihan. Pero dahil ito ang nakasanayan ko.. Ang labo hindi ba? Kasi kung nasanay ka sa rubber shoes, maiilang ka nang gumamit ng leather, na syang require kapag sa opisina ka nagtatrabaho.. Sa madali't salita, sosyalan!

Love.. Isang bagay na makikita mo sa bawat relihiyon.. DAW! Set aside muna natin yung PEACE.. May mga nagsasabi na.. Natagpuan daw nila ang pag-ibig at kapayapaan sa kanilang relihiyon, Pero.. Pero na naman.. Kung iisipin mo.. Sa Pilipinas, merong iba't ibang relihiyon pa ang nagkalat, Karamihan dito nagsasapawan.. Kanya kanyang pabida, Kanya kanyang punch line.. Hindi kalaunan, nauuwi sa parinigan, siraan, at walanghiyaan.. Nasaan ang LOVE?

Tapos papasok ang Pulitiko na sumasamba sa pera.. Ito magulo na! Hindi hamak na mas malakas mag impluwensya nang mga taong sumasamba sa pera.. Kaya nilang bilhin ang isang relihiyon para sambahin sila. Totoong mas makapangyarihan ang pera sa lahat.. At kahit masakit at masamang pakinggan, wala tayong magagawa.. Lunukin mo yung religious pride mo kung maaari.

Ang olats lang..

Ay yung mga taong pumapayag o sumusunod dito.. Hindi dahil ito ang nakasanayan nila.. Dahil ito ang NAIS nila.. Another term pala sa pera.. ay Demonyo..

At kung sumasamba ka sa pera.. Demonyo ang tawag sayo..

----------------

"Sorry, pero tingin ko hindi ako makakarating.." malinaw at matapang kong sagot.

Sinalubong ko ang bagyo, nang walang pag-aalinlangan man lang. Bagay na pwede kong ikasawi sa hinaharap.. Manhid na ang puso ko sa pangalawang beses. Wala na ang apoy na pwedeng magpa-alala sa akin, na minsan pala ay nagturo sa akin kung paano mapaso.

Ika nga ni Ramon Bautista, ang pag-ibig nga daw ay isang korning joke, na nadaan sa malupit na delivery.. Ang sakin naman, kahit anung astig ang pagdeliver mo dito, sa huli.. Korni pa din. Binaliktad lang.. pero magkaiba ang kalalabasan..

..
...
....

Hindi nya nagawang magsalita.. Tahimik sya, ngunit dinig ko ang kanyang buntong hininga.. Dama ko ang tibok ng kanyang puso. Mabilis ito, at naghahanap ng exit.

Hindi ko magawang magbigay ng kaunting puwang, para makapasok ang init ng araw, sa loob ng maliit at malamig na kwarto. Lalaki ako.. Hindi bagay ang maging maarte, pero tao din ako, marunong makinig, at magsawa sa pakikinig.

"Hmm.. It's okei.. Hindi naman ako mapilit.." sagot ng nasa kabilang linya.

"Sabihan mo na lang ako, kapag nakapag move on ka na.." dugtong nya pa.

Naputol ang linya, binaba nya ito. Pinaramdam nya sakin na hindi kawalan ang aking pagpunta.. Sino ba naman ako? Sa dami ng pwedeng magpasaya sa kanya, tingin ko kulang pa ako sa sense of humor, para mapangiti sya.

------

Humaba na lang ang aking nguso, kakaisip sa mga sinabi nya. Pinagmukha nya akong tanga.. Iniwan nya ako ng palaisipan ng wala man lang clue. Ilang beses ko nga ba sasabihin sa kwentong 'to na walang laman ang aking utak.

Dumaan ang isang linggo, hindi man lang ako nakakatanggap, ng kahit anong balita galing sa kanya. Pero okei lang! Tingin ko dun na din naman matatapos ang aming kwento. Sasabihin ko na naman.. Walang part two ang Romeo and Juliet, dahil parehas silang namatay..

------

Typical na araw.. Typical na istorya ng mga tao sa aking walang-payapang-madadama street.

At dahil weekend, inisip kong magsimba, magpunta ng park, mag-gala sa mall, mag skate sa mega, at bumili ng pellet gun, para pag tripan ang mga kalapati na paulit-ulit, na dumadapo sa makikintab na bubong ng aming kapitbahay. Malaking tulong siguro yun!

Pero dahil nga tamad ako, at hindi isinilang sa mundo para ma-inlove sa kahit anong sports.. Pinili ko na lang magbabad sa fb, twitter, at pinoyden. adult zone!

"Nasaan kaya si Rhea.." bulong ko sa sarili, habang nag ba-browse sa isang dating site.

Kapag sumasagi ang pangalan nya sa linya ng aking mga sulat, hindi ko maiwasang hindi mapangiti.. Isa syang inspirasyon.

..
...
....

SOCO ang authority sa lugar namin, kapag tsismis na ang usapan.. Sila yung mga taong, laging full signal ang WiFi, at malakas magbigay ng news feed sa bawat member.. Walang initial payment sa grupo nila, kailangan lang ay maboka ka! Dito sila dalubhasa.. At tulad ng Gremlins, dumadami sila kapag nababasa. Daig nila ang mga langaw kung mag fiesta sa isang tumpok ng pupu.

Tulad din ng mabilis nilang pagdami, ganun din kabilis dumating ang balita sa aming lugar. Si Kath ang subject! Ang kanyang pagbabalik.. Wala pang nakakapag patunay, dahil ako lang ang nakakita sa kanya.. Batid kong gusto nila akong i-ambush interview.

-----

Kath

Lungkot ang kapalit ng aking pagiging makasarili.. Sinayang ko ang dapat na nasa akin na. Alam kong maraming bagay ang dapat kong ipaliwanag sa kanya, ngunit paano ko ito gagawin kung sya mismo ang pilit nang umiiwas sa akin..

Napabuntong hininga na lamang ako sa inis at panghihinayang..

Ngunit hindi pa huli ang lahat, meron pa akong isang move sa larong aking pinili..

-----

Rhea

"Kumusta kaya sya?" bagay na agad pumasok sa aking isip.

Itong mga nakaraang araw, hindi ako mapakali.. May kung anong bagay na syang gumugulo sa aking isip. Halos isang linggo na din kaming hindi nakakapag usap ng maayos..

Hindi ko pa masyadong kilala si Dudes, pero isa lang ang sigurado.. Totoo syang tao, at sa tingin ko hindi nya gagawin ang mga bagay, na syang gumugulo sa isipan ko ngayon.

Yayain ko kaya sya lumabas?

Weekend naman..

-----

Na-hook ako sa No String Attached na syang pinagbibidahan ni Natalie Portman at Ashton Kutcher, sobrang nakakaturet ang last scene.. Kung saan sinabi nung leading man na..

"I'm warning you, if you take one step closer, I'm never letting you go."

Yung emotion at love intensity ay lutang na lutang, dinala ako sa ere at hinayaan akong malunod sa hangin.

Pinatay ko na ang tv, hindi ko inalis ang pirated na cd sa loob ng player.. Nagsindi ng yosi, at tuluyang tumambay sa bintana, ng aking inuupahang kwarto.. Hithit buga.. Hithit buga..

Sumagi sa isip ko, kung nagkaroon lang talaga ako ng lakas ng loob para pigilan sya, eh di sana happy ending na! tapos na sana ang kwento at hindi na ako nagsusulat pa ngayon.. Pero wala nga namang juice ang isang istorya, kung matatapos itong happy ending, para ka lang nanood o nagbasa ng child's book na sobrang saya ng ending, na after 1 hour ay limot mo na ang istorya..

Lumakas ang ihip ng hangin, ang sarap sa pakiramdam.. Kahit amoy laman loob ng pusa ay ayos lang.

Nakakabagot din pa lang magkulong sa kwarto.. Nagpasya akong lumabas, para naman masilayan ng konting araw ang aking balat. Bagama't hapon na umaasa pa din akong makakatulong ito sa mga cell kong nabubulok na..

Bitbit ang kaunting barya, at cellphone. Nagpasya akong tumambay sa park, katabi ng ilog.. Kung saan payapa kong mararamdaman ang hangin..

..
...
....

Naupo ako sa sulok kung saan, hindi ako mabilis makita ng mga tao.. Ayoko din naman sa masyadong mataong lugar, hindi ako sanay..

Pinagmamasdan ko ang mga batang makukulit na naglalaro sa kalakihan ng park, wala silang pakielam sa hirap buhay, nag e-enjoy lang sila bilang bata, at sinusulit ito. Sa kabilang sulok naman.. Mag-ama na namimingwit ng janitor fish, batid sa kanilang mukha ang saya, na sa tingin mo ay hindi galing sa isda ang kanilang ikinatutuwa, kundi sa bonding moments nila..

Magsisimula na sana kong kausapin ang mga halaman, kulisap, lamok, at mga upuan nang biglang may bumati sa akin..

"Dito lang pala kita makikita.."

..
...
....

Sa isang madilim na sulok, at walang tigil na hampas ng hangin.. hindi ko inasahan na dito ko pa sya makikita.

"Madalas tayo dito noon.." pauna nya.

"Oo.. nakakatuwa din isipin.." sagot ko.

"Hindi ka pa din nagbabago, napaka simple mo pa din.."

"Ikaw lang yata nakakapansin nyan.."

"Ako lang naman kasi ang nakakakilala sayo." paliwanag nya.

"Pwede ba akong maupo?" tanong nya sa malambing na boses.

"Pwede! Hindi naman ako may-ari ng park.." pabiro kong sagot.

"Patawa ka pa din!"

Huli na nang malaman kong nakikipag palitan na ako ng mga ngiti sa kanya.. Parang na refresh ang aking pagkatao.. Sa mul?ing pagkakataon, pina-alala na naman sa akin ng diyos, na tao lang ako.

"Hindi tayo nagkaroon ng pagkakataong mag-usap noon.. Pasensya na kung hindi man lang kita pinansin sa airport.." paliwanag nya.

"Okei lang yun.. Inisip ko na lang din na hindi kita nakita.." sagot ko.

"Nakita ko kasing may kasama ka, at hindi ko inakala na sya din ang parehas na babae noon sa mall.."

"Si Rhea.."

"Nice name.." sagot nya.

"Sya ba ang girlfriend mo ngayon?" tanong nya.

"Oo.."

..
...
....

"Sige maiwan na kita.. Kailangan ko na yatang umalis.." paalam nya.

"Okei.. ingat ka.." sagot ko.

Batid sa kanyang mukha ang pagkadismaya.. Pinipigilan nya ang kanyang emosyon, at ganun din ako.. Ayoko nang muli pang mahulog sa isang panandalian na panaginip.. Nagsawa na din yata ako mag-isip at tuluyang nang naging manhid..

Pero..

Isang balakit sa pakiramdam ang eksenang ito.. Umalis sya, at hindi ko pinigilan.. History repeat itself nga daw.. Ang pinagkaiba lang, ay kung bakit parehas pa din ang nararamdaman ko nung nangyari noon, at nangyayari ngayon..

Parang pinupunit na papel ang aking dibdib, habang tinititigan ko syang lumalakad papalayo sa akin.. At may kaunting bagay na nagsasabing kailangan ko syang pigilan.

..
...
....

Ano ba pakiramdam ng hindi mo makuha ang gusto mo, kahit na kaya mo? Ang sakit hindi ba? yung tipong gusto mong kumain ng isang pagkain, ngunit naisip mo na hindi pwede, dahil hindi naman sya kasama sa budget.

Ilang beses ko nang naranasan ang mga bagay na 'to.. At sa huli isa lang ang sinabi ko sa sarili ko.. Dehins na mauulit 'to. Ayoko nang saktang muli ang aking damdamin sa isang bagay na pwede ko namang gawin.. Katulad din nito pag-amin sa isang kasalanan na hindi mo naman talaga ginawa.. Ang pinagkaiba lang may part na masama, at may part na mabuti.

Huli na nang malaman ko, na tumayo na ako sa aking kinauupuan.. Sinundan ang kanyang mga hakbang.. Wala na yata akong pakielam.. Pinilit kong abutin ang kanyang mga braso.. Nung mahuli ko na ito, niyakap ko sya mula sa likod..

Mahigpit..

Sa pagkakaikot ng aking braso sa kanyang malamig na katawan, naramdaman ko ang patak ng kanyang mga luha.. Unti unti itong pumapatak sa aking mga kamay, pinuwesto ko ang aking mga palad na tila pasalo.. Gusto kong sabihin sa kanya, na hindi ko hahayaang umiyak sya ng ako ang dahilan..

"Sorry Kath.."

"Mali lang talaga na pumayag akong umalis ka, nawalan ako ng lakas ng loob.." paliwanag ko.

"Dudes.."

"Isa lang ang bagay na pumasok sa isip ko, sa aksyon mong ito.."

"Ano?"

..
...
....

"Naisip kong matimbang sya sayo, at ayaw mo lang akong masaktan.." paliwanag nya.

"Huwag mong pilitin ang mga bagay na hindi naman talaga tama, dahil.."

"Dahil ako lang ang masasaktan.." dugtong nya.

Para natapakan ang aking pride ng sampung beses at paulit ulit, sa kanyang mga sinabi.. Parang nanggaling na din sa kanya mismo na, layuan mo na ako! Ngunit hindi ako nagpatalo..

"Kath, kung naging matapang lang ako noon, at kung hinayaan mo lang akong gawin ang gusto ko.. Hindi na sana nagin kumplikado ang lahat"

"Ginawa ko lang yun dahil mahal kita.."

"At.."

..
...
....

"At mahal pa din kita ngayon.."

Umihip ang isang napakalakas na hangin sa paligid.. Iniwan nitong tuyo ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko'y binitin ako sa tuktok ng Eifel Tower nang wala man lang harness.. Na-alala ko ang last line ng last movie kong pinanood.

Nanglalambot ang aking mga tuhod, para gusto ko nang bumigay.. Ngunit hindi pwede, may damdamin akong sinasa-alang alang sa pagkakataong ito. Subalit..

Ilang beses kong uulitin..

Tao lang din ako..

Nadadala ng emosyon, at natututo ding magkamali..

Hindi nya alintana kung anong mangyayari, humarap sya sa akin, ganun pa din ang aking braso na nakayakap sa kanyang katawan.. Hinaplos nya ang aking mukha, na parang ayaw nya na itong bitiwan pa..

Naglaro na sa isipan ko ang maamo nyang mukha, pinararamdam nya sa akin na huwag ko syang hayaang umalis sa aking tabi.. Lumutang ang aking isip at tuluyan nang dinala ng hangin.

"Dudes.. Hindi mo kailangan sagutin ang mga bagay na narinig mo, sapat nang nalaman ko na nandyan kapa din, at alam kong hindi mo ako hahayaan.." paliwanag nya.

Dahan dahan syang bumitaw sa aking piling.. Naglakad sya paatras na may ngiti sa kanyang mga labi, at iniwan akong lutang.

Ano gagawin ko?

Anong reaksyon ang igaganti ko?

Gago lang talaga ako, yun at yun din ang mga sinasabi ko..

..
...
....

"Kath!" sigaw ko.

Sya namang lingon nya na may halong tamis sa kanyang mga mata, para syang bata..

"Kailan ulit yung get together?" walang kwentang tanong ko.

"Next week.. See you there!" sagot nya.

Sabay talikod sa akin.

Ngiti na lang ang aking nagawa, napakamot ng ulo, at napaupo sa duyan.. Hindi ako nagsisisi na gawin ang bagay na gusto ko.. Ang sarap sa pakiramdam kapag ang mga bagay na gusto mong gawin, ay nagagawa mo..

----

Tulala pa din ako habang pinagmamasdan ang mga ilaw, na syang nagbibigay ganda sa park.. Gusto kong sulitin ang pakiramdam ng isang masayang tao. Nang biglang nag ring ang aking phone..

Binalak ko itong sagutin ngunit miss call lang pala..

..
....
.....

Si Rhea..

Kailangan ko na palang gumising sa panaginip, tapos na ang commercial na nagsasabing masarap tumaya ng lotto, dahil may pagkakataon kang maging bilyonaryo.

0 comment/s:

Post a Comment