Love At First Sight -Yung unang kita mo palang sa kanya, ay parang na bullseye ka ni Kupido, at na speechless ka..
Yun ang sabi nila.. Sakin? Hindi ako naniniwala.. Libog lang yun!
Oo.. libog lang at wala nang iba.. Dapat magical, dapat unexpected, at dapat in a very different ways.. Yun ang love! Ika nga ni Papa Jack, hindi ito hide-and-seek, collect and select, at game and watch.. Mas oks kung dahan dahan ka makakaramdam nito.. Kung katabi mo ang iisang babae sa loob ng apat na taon ng high school life mo, imposibleng walang mangyayari.. Pinagtabi kayo ng tadhana hindi dahil sinabi lang ng teacher nyo, at hindi din dahil parehas kayo ng result ng exam sa loob ng apat na taon. At hindi dahil pinagtripan lang kayo ng nag aayos ng mga section (hindi ko alam tawag dun).
Tadhana.. Oo! Tadhana ito kung maniniwala ka..
6 years before..
Kung mai-inlove ka sa isang babae na sa sementeryo mo lang nakilala at complete strangers sya, kakaiba yun! Hindi nyo kilala ang isa't isa.. Binigyan lang kayo ng chance.. Kinagat mo at hindi ka nagkamali. Walang wala sa isip mo, pero nahulog ka.. Oks na oks diba? Hindi pa tapos ang istorya nyo, marami pang magaganap at madaming mangyayari.. Isang bagay lang ang mananatili..
Yun ay yung bagay na inumpisahan nyo..
Corny? Gusto mo naman ng reality? Sige..
RH Bill. Kung ako tatanungin mo.. Kasing babaw lang nito ang usapin kung bakit nga ba umaabot ng tatlong araw ang adobo.. Isa lang ang sigurado, bukas makalawa paggising mo pasado na ang batas, at wala ka nang magagawa..
Nasaan ka ba nung pinag-uusapan ito?
--------
"Kath.. I miss you.."
"Dudes.." sagot ng isang malumanay na boses sa kabilang linya..
Bigla kong naalala kung paano bumagsak si Hatton sa laban nya kay Pacquiao, Knock-Out! Kung iisipin mo kung gaano kalakas ang suntok na natanggap nya.. Ganun ang naramdaman ko ng marinig ko ang boses ni Rhea sa kabilang linya. Parang dinakot ang pagkatao ko..
Alam ko na dinig nya ang mga sinabi ko.. Malinaw! Wala akong paliwanag na masasabi pa, walang excuses, at panigurado mawawala na din sya..
"R-Rhea?" tanging nasabi ko.
"Dudes? Medyo choppy yung line, anu sinabi mo?" sagot nya.
"Huh?"
..
...
....
Nabunot yung tinik, pakiramdam ko ay medyo over acting ako, dahil nagpakatahimik ako sa ilang segundo, at medyo nagpamula mula nang mata. Handa na sana akong umiyak.. corny nga.
"Dudes? Hello? Nandyan kpa?"
"Oo! Pasensya na! Sabi ko.. Ka-Kauwi ko lang, Na miss kita kaya napatawag ako.." Pagsisinungaling ko.
Tatlong segundo bago sya sumagot..
"Ahahaha! Ang corny mo ha! Magkapitbahay lang tayo remember? Hindi kapa dumaan dito.." sagot nya.
"Oo nga no.. Baka bukas na lang, medyo pagod ako ngayon.." paliwanag ko.
"Hmm.. Okei! Txt ka lang kapag nagbago isip mo.."
"Oks! b-bye!" sagot ko.
Agad kong pinutol ang linya.. Huminga ng malalim, Bumangon ako at dumiretso sa banyo..
Naghilamos ng maligamgam na tubig.. Hindi ko naiwasang hindi tumingin sa harap ng salamin. Sa isang tingin pa lang, halata ko na may dinadalang problema ang taong nasa harap ko..
-----------------------
Rhea
Sa pagkakababa ng linya pinilit kong magpaka tanga sa muling pagkakataon..
"Kath.. Na-miss kita"
Ito ang linyang paulit ulit na umaandar sa bulok kong pag-iisip, na syang dumudurog sa aking puso.. At kahit na alam ko at malinaw ang aking narinig.. Kailangan minsan magsingungaling din para hindi maging kumplikado ang lahat..
Hayaan syang magdesisyon..
Sakto ang salitang tanga, kapag itinabi mo ito sa akin.. Mahal nya pa din si Kath, hindi ito maipagkakaila.. Malinaw.. Kasing linaw kung paano nya binanggit ang pangalan..
Napatitig ako sa larawan namin.. Kuha galing sa trip namin sa summer festival.. Hindi maipinta ang kakaibang ligayang dinudulot nito, at kung mananatili lang ang lahat ng bagay, sana maging kaganda nito ang larawan..
Walang magbabago..
Walang iisipin..
Yun at yun lang..
Ilang beses kong inisip na ang relasyon namin ay manatili lamang na parang larawan..
..
...
....
"Bumalik na ba sya?" tanong ko sa sarili.
Alam kong mali.. pero isang tao lang ang makakasagot nito..
"Hello.. We need to talk.. You know who I am.."
"Saan mo nakuha number ko?"
"Hindi na yun importante.. Kailangan ko makipagkita sayo.."
"Kung tungkol kay Dudes to, wag mo ako asahan.."
"Hindi lang sa kanya.. Para sa lahat.."
"....."
"San tayo pwede magkita?"
"And I want to make a deal with you.."
------------------
Tinanghali ako ng gising, pulado ang aking mata. Daig pa ang tumagay ng 24 oras. Pinilit kong pumasok ng trabaho, hindi dahil kailangan.. Dahilan na din upang makapag isip ng maayos, at makatakas sa mga bagay na masyadong nakakagulo..
Parehas na scenario ang tumambad sa akin.. Galit ang amo ko, maasim ang mukha ng sekretarya nya.. at tambak sa table ko ang sandamakmak na trabaho.. partida! Kailangan ko pa syang ipagtimpla ng kape.. ang saya!
"Nakakatamad.." bulong ko sa sarili.
Wala ako sa sarili.. Yung ulo ko umiikot lang sa iba't ibang direksyon, pero walang hinihintuan.. Para lang akong gago.
Tumunog ang aking cellphone. Binunot ito at binasa..
Isang txt msg galing kay Rhea.
"Hi Dudes! Kung d ka busy 2morow, labas naman tayo!"
..
...
....
"Hindi ba sya nagsawa kakagala?" bulong ko sa sarili.
"Sure! Saan tayo?" reply ko.
"Ikaw na ang mag-isip.. Gus2 q sau mngga2ling.. suprise me! yung prang last na na pagki2ta ntin! :)" sagot nya.
???
"Anu daw?"
Madaling basahin, pero mahirap intindihin.. Parang nanood ako ng The Da Vinci Code ng lasing..
"Sige! bukas! mga wat tym? :)"
"After work, meet me at the airport, may dadaanan kc aq mlpit dun.." reply nya.
"Oks! See you 2morow! ;)"
------------------
The Deal
Nakipagkita ako kay Edgar.. Isang bagay na hindi ko dapat gawin pero ito lang siguro ang magagawa ko para ma-settled ang lahat.. Hindi ito para sa akin.. Uulitin ko para sa lahat..
"Late ka ng 5 minutes.."
"Strikta ka pala.. Yan ba nagustuhan ni Dudes sayo?" sagot nya.
"Pasensya na.. Wala akong panahon para sa ganyan.." matigas kong sagot.
"Hmm.. Sa pagkakaalam ko ikaw ang nakipagkita sa akin, so watch your move Rhea.."
"Saan mo nakuha ang number ko?"
"Kay Vincent.."
"Pinangakuan ko lang sya na ipapakilala sa isang friend ko, at binigay naman nya.."
"Kailan ang dating nya?" mabilis kong tanong at walang paligoy ligoy.
"Let me know the deal first, and what's the catch?" balik tanong nya.
"Actually.. I want the three of us there.. Sa mismong araw ng pagdating nya, Gusto kong maramdaman nya na wala na syang Dudes na babalikan, mula nung araw na iniwan nya ito.." paliwanag ko.
"Hmm.." pagiisip nya.
"I want to take him away from her.. Completely!" dugtong ko pa.
"Anong plano mo sa araw na yun?" tanong nya.
"Simple lang.. Papipiliin ko si Dudes.." sagot ko.
"Ahahahaha!" natatawa nyang sagot.
"....."
"Paano kung hindi ikaw ang pinili nya?" tanong nya.
"I'll accept it.." sagot ko.
???
"Pero ikaw makakaya mo bang tanggapin?"
"...."
"Alam kong may nararamdaman ka din sa kanya.. You can't hide it, the fact that you know anything and what's happening about her, kahit malayo sya masyado kang updated.." dugtong ko.
...
....
.....
"(Sigh) Tama ka.. Hindi ko maiwasang hindi magselos sa kaibigan ko.. Pero kung ang bagay na magagawa ko lang ay ang ilayo sya.. Gagawin ko.." mahina nyang sagot.
"Take her away, as I take mine.."
"6pm at the airport, the day after tommorow.." huling salita nya.
Hindi na sya nagpaalam sa akin, at tuluyang lumakad.. Ramdam kong nasa isip nya ang mga sinabi ko.. Parehas kaming desperado at sa tingin ko parehas din kaming nagpapaka tanga. Parehas kaming sumugal sa isang bagay na may posibilidad na parehas din kaming masasaktan..
--------------------------
Iba ang kutob ko habang naglalakad sa kalye, habang humihithit ng sigarilyo.. Sumasayad sa isip ko ang msg ni Rhea sa akin..
"Surprise me! yung parang last na na pagkikita natin"
May mangyayari bang hindi ko inaasahan?
Mapapa-aga ba ang prediction patungkol sa 2012?
Babalik ba talaga sa big screen si Nora Aunor?
At bakit may extrang "v" sa pangalan ni Jet..
Ang gulo.. At dahil wala nang baga ang kanina'y may sindi na sigarilyo.. Itinapon ko ito.. Pumara ng jeep..
Sumagi sa isip ko, kung paano kami nagkakilala ni Rhea.. Sa dating kong manyakis na daig pa ang arabo.. Hindi ko inaasahan na babagsak sya sa akin. Tumama talaga ako sa lottery! Yung pwedeng pang puhunan, at hindi kana babalik pa sa middle east para magpa-alila..
..
...
....
Papikit na ang araw ng makarating ako sa airport.. Ang daming tao, hindi ako sanay.. Para akong tupa na nilagay sa isang gubat na puno ng lobo.. Ngunit hindi bagay sa karakter ko ang tupa.
"Nasaan na sya?" bulong ko sa sarili.
Binunot ko ang aking phone, tinignan kung may msg na galing sa kanya.. pero wala! blangko.. Late ako ng ilang minuto, so dapat tatawag na sya o magttxt.. Ginala ko ang aking mata sa paligid.. Naramdaman ko ang lamig ng AC galing sa entrance ng airport..
..
...
....
Napagod ang aking paa sa kakatayo, naghanap ako ng mauupuan.. Ngunit wala! walang matinong upuan sa labas ng airport.. Hindi ako magttyaga sa bangketa na puno ng bubble gum at upos ng sigarilyo. Pumasok ako sa loob ng new arrival area.. Sakto! Aircon na may upuan pa..
Pinapanood ko ang mga taong nagdadatingan.. Galing sa iba't ibang bansa ang mga ito, Yung iba mga OFW, yung iba naman mga talagang naglaboy lang or visit lang. Yung iba hindi ko malaman kung mga drug carrier nga ba..
Isang matangkad na babae ang umagaw sa pansin ko.. Nakatalikod sya habang abala sa pagsasampa ng mga gamit nya sa trolly.. Mahaba ang buhok, at naka bull cap.. Naka shades sya at naka jacket na blue..
Parang japayuki!
Tumunog ang aking phone na syang nagbalik ng atensyon ko, na nasa airport pala ako..
"Hello! oh! san kana?" mabilis kong sagot.
"Nandito na sa likod mo.. kita na kita!" sagot nya.
Nilingon ko ang aking ulo patungo sa direksyon na sinasabi nya.. Pero wala sya..
"Saan? Hindi kita makita.." sagot ko.
"Ito malapit na!" sagot nya.
Sakto sa pagharap kong muli sa tamang direksyon..
..
...
....
"Dudes?"
.......................
"Kath?"
Tuloy daw ang balik big screen ni Ate Guy! At hindi na december 2012 gugunaw ang mundo kundi sa araw na ito.. Ang labo..
Hindi ko alam kung tuwa o inis ang mararamdaman ko.. Sa harap nya mismo, gusto kong magalit o yakapin sya.. Gusto kong mag evaporate sa pangalawang pagkakataon.. Hindi ko din inaasahan ang pagpatak ng luha sa aking mata..
Wala syang expression.. Plain..
"Wala ka man lang bang babanggitin?" bulong ko sa sarili.
Huminto na naman ang mundo sa bagay at sitwasyon na hinding hindi ko inaasahan, Nag exist lang ata ang pagkatao ko dahil sa kanya..
..
...
....
Lima hanggang sampung segundo kaming nagkatitigan.. Nag-lock ang aming mga mata sa iisang direksyon.. Sa mata ng bawat isa.. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na ngayon.. Gusto kong may marinig..
Ngunit wala..
Wala..
Isang mainit na palad ang naramdaman kong humawak sa malamig kong kamay..
"Dudes.." pauna ni Rhea.
Dumiretsong naglakad si Kath, na parang walang nakita.. Kung sinabi kong nag e-exist lang ako dahil sa kanya, Sa ngayon tingin ko hindi na nag-exist ang pagkatao ko sa reaksyon nya..
Hindi nya na ako kilala..
"Dudes.. Tara na.." anyaya ni Rhea.
"Oo.." tanging sagot ko.
..
...
....
"Ito kapag lumingon type ako nito!" Naalala ko ang dating biruan namin ng mga kaklase ko noong high school, na sa tuwing may dadaan na magandang dilag, yun ang aming nagiging pustahan..
At hanggang sa ngayon hindi sya lumingon.. Tinititigan ko lang sya maglakad palayo..
Malayo na..
Malayo na ang loob nya sa akin..
"Hahayaan ko bang mangyari ulit to.." bulong ko sa sarili.
0 comment/s:
Post a Comment