Love is not blind, it sees but it doesn't mind.
Pag-ibig na daw ang pinaka makapangyarihang bagay sa mundo. Maraming bagay ang nagagawa ng pag-ibig sa buhay ng tao, at maniwala ka't sa hindi ito din ang susi, sa matagal nang hinahangad ng karamihan.. Ang kapayapaan.. Kung sawi ka sa pag-ibig, huwag mong sisihin ang magulang mo.. Hindi nila kasalanan kung bakit ka pinanganak na ganyan. Dahil ang katotohanan, kahit mismo sa pag-ibig, nauuso din ang discriminate.
Oo! Totoo!
Madami na akong kilalang nabasted sa iba't ibang dahilan.. Nandyan yung hindi daw mayaman, at hindi afford na gabi-gabing loadan ang kanyang nililigawan. Meron namang may pag-asa nga, pero nagdadalawang isip naman kung sasagutin, dahil sabi daw ng barkada eh "Hindi kayo bagay eh!" or "Sya boypren mo?" at ang malupit dito eh, kapag nakarinig kapa ng "Wala na bang iba?"
Classic ba?
Minsan iniisip ko na sana baliktad ang mundo! Yung may parallel world na pwede mong pasukin.. Tulad nung kay Coraline. Mangbabasted kaming mga lalaki! Paiiyakin namin yung mga babae! Ang saya! Tapos hindi na linya ng mga babae ang.. "Collect and Select" dahil aagawin na ng mga lalaki at magiging.. "Upload and Select" astig hindi ba?
Pero hindi pa din pala.. Dahil ang tunay nga naman na lalaki, ay hindi marunong maglaro ng babae.. Kung masakit para sa lalaki na mabasted ng isang babae, manhid naman ang maitatawag ko sa lalaking kayang makatiis ng babae.. Sila yung mga lalaking lapastangan.
Brutal? Hindi.. Ika nga ng idol ko.. There is a great woman, behind every idiot.
Woman is the nigger of the world! Kahit sila ang second na nag-exist sa mundo, sila pa din ang numero uno sa lahat ng bagay.. Hindi dahil hindi dadami ang lahi ng tao, kung wala sila.. Kundi dahil..
Sila ang inspirasyon ng bawat lalaki sa mundo..
Adan! Tanggapin mo ang katotohanan.. Nabuhay ka lang para sa kanya, at maniwala ka.. Mas pipiliin mong mamatay para sa kanya..
-----
Rhea
Kahit masakit hindi ko nagawang ikurap ang aking mga mata.. Nasa harap ko ang pinaka masakit, pinaka masaklap na pangyayari sa buhay ko..
Oo, isa lang akong babae, isa ding tao.. Nilikha upang makaramdam ng saya.. At..
Lungkot at sakit..
Malaya ang aking mata na masaksihan ang hindi dapat, na sana pala ay hindi ko na pinilit malaman noong una pa lamang.. Kahit anong gawin ko, wala akong panglaban sa nagliliyab na damdamin, na kahit sampung truck ng fire truck, na nanggaling sa sampung distrito ng magkakaibang siyudad ay hindi ito kayang tupukin..
Ngunit..
Anong magagawa ko? Uulitin ko.. Isa lang akong babae.. Isa lang ding tao.. Saksi ako.
..
...
.....
Sa malayo nakatitig ako sa kanilang dalawa.. Pilit niyayapos ang aking puso, na napuno na yata ng pag-aalinlangan sa sarili.. Pinukaw na ng luha ang init ng aking pagmamahal..
Luhaan ang aking mga mata, habang pinagmamasdan si Dudes at Kath, sa hindi kalayuan na tanawin.. Mali yatang sinundan ko sya, pero tama din para malaman ko ang totoo.. Hindi pa pala ako ang panalo sa laro, na ilang beses na naming nilalaro.. Talunan ako..
-----
After 1 week..
Dudes
Hindi ako mapakali sa last second ng aking pinakahihintay na sandali.. Exicted ako! Bitbit ang isang bugkos ng bulaklak, na hindi galing sa sementeryo. Suot ko ang paboritong polo, na binili ni nanay mula sa kanyang bonus. Pinalantsa ito ng maigi, at sinuyod ang bawat kanto.. Planado!
Diretso ang pagkakahati ng aking buhok, na namumukadkad sa gel, na tila libro na kapag hinangin ay kusang lilipat sa next page.. At kahit na walang pabango, mataas pa din ang kumpiyansa ko sa sarili..
Ito ang araw na makikipagkita ako kay Kath sa muling pagkakataon.. Hindi ko alam ang mangyayari, wala akong ideya kung may pupuntahan nga ba ang eksenang papasukin ko.. From plan A, na kalimutan na sya nag shift ako sa plan B, as in Batman! bahala na si Batman!
..
...
....
Isang hakbang palabas ng pinto, huminga ako ng malalim, nagbanggit ng kauntin dasal, at nag sign of the cross.. Tulad ng nakagawian, nagsindi ako ng yosi, pangbawas ng tensyon..
Hindi pa man ako nakakababa ng hagdanan, agad tumunog ang aking phone.. Agad kong binunot at nagulat sa caller..
Si Rhea..
"Hello? Rhea!" pauna ko.
Tatlo hanggang limang segundong katahimikan ang sumagot sa akin.. Nakaramdam ako ng goosebumps, at nagtayuan ang aking mga balahibo.. Dahil ang babae sa kabilang linya, ay umiiyak..
"Dudes, pwede ba tayong magkita?" tanong nya sa malamig na boses.
"Nasaan ka? Ano nangyari?" agad kong tanong.
"Nandito ako una nating pinuntahan, noong una tayong lumabas.." sagot nya.
Namatay ang linya, pakiramdam ko'y may ibang nangyayari.. Hindi ko alam, pero ang mas lalong nagpagulo ay kung saan ko nga ba sya pupuntahan..
Binalak ko syang tawagan muli, upang alamin ang eksatong lokasyon nya, subalit isang txt message agad ang sumalubong sa akin..
"Sana tanda mo pa kung saan tayo unang nagkausap at nagkakilala ng husto, nandito lang ako at hihintayin kita.." Isang mahabang text message na walang clue.
Ako si Batman na mahilig sa bahala na! At sya si Riddler, pero walang clue na binigay..
Para akong gago, na paikot ikot sa loob ng aking kwarto.. Nagkalat ang upos sa sahig.. Paubos na ang sigarilyo, pero wala pa ding laman ang utak ko..
Dumadating sa buhay ng isang tao ang isang problema, minsan hindi natin inaasahan na kahit nasa gitna tayo ng kasiyahan ay bigla nalang nagbabago ang ihip ng hangin.. Yung iba hindi kinakaya, dinadaan ito sa sariling pasya, at kung anung desisyon pa iyon ay hindi ko na sasabihin.. Tulad ng sabi ng iba, daanan lang ang problema.. Wag mong tambayan! Ngunit wag na wag mong tatakbuhan.. Dahil ang pagtakbo sa problema, ay ang isang karera sa buhay na dehins ka mananalo..
..
...
....
Pinatay ko ang yosi sa ibabaw ng isang bulok na paso.. Tulala ako, naka apat na missed call na din ako, ngunit hindi nya talaga sinasagot. Darating na sana ako sa punto na parang gusto ko nang sumuko, at piliin ang last option na syang kanina pang tumatakbo sa isip ko..
Pinagmasdan kong maigi ang yosi, habang tuluyan itong mawalan ng baga..
Namatay ito sa harap ko..
..
...
....
Rhea..
-----
"Boss pwede ba pakibilisan natin?" pangungulit ko sa drayber.
"Sir, hindi naman po ito edsa para makipag karera ako.." sagot ng pilosopong drayber.
"...."
"Kasi may hinahabol po ako eh!" muli kong sagot.
"Sir, ano ho bang problema?" tanong ng drayber.
"Kasi yung girlfriend ko.. May masama yatang nangyari.." paliwanag ko.
"Bakit yata? Bakit hindi ka sigurado?"
"...."
Tama nga naman si pilosopong drayber.. Bakit nga ba wala akong ideya sa mga nangyayari? Parang maling tawagin ko syang sa akin, kung hindi ko alam ang kanyang nararamdaman.. Complete stranger pa kami ni Rhea sa isa't isa, pero sa loob ng maikling panahon, pakiramdam ko'y mas malaki na ang pinagsamahan namin, kesa sa panahong inubos ko noon kay Kath.
At heto na naman ako.. Nagbabakasakali sa kanya, at binalewala ang nararamdaman ng isa..
Gago ako bilang tao, hindi magandang ehemplo bilang lalaki, at hindi sapat na sabihing mahal ko sya, kung ang sarili kong nararamdaman ay talagang hindi ko alam..
"Hindi ka na sumagot iho?" tanong ng drayber.
"Hindi ko alam ang sagot boss.." sagot ko sa malungkot na tono.
"Ano ka bang bata ka.." boses nya na may halong panghihinayang.
"...."
..
...
....
"Malapit na ba tayo?" tanung ko ulit.
"Depende yan sa pakiramdam mo sir.." sagot nya.
Ano daw? Depende daw sa pakiramdam ko? Ano palagay nya sa akin compass? or some kind of GPS device? Hindi naman ako si James Bond, at hindi din ako mahilig sa babaeng may sabit..
"Ano ulit boss? Hindi kita naintindihan.."
"Depende sa pakiramdam mo yan, kung malapit na ba tayo o hindi pa.." ulit nya.
"Sir, hindi ko talaga maintindihan.."
"Ito na! Dito na pala tayo.. 130 lang.." paniningil nya.
Sa tapat ng isang karinderia.. Sa isang mahaba at matataas na pader, Sa tapat ng isang malaki at kinakalawang na gate.. Sa sementeryo..
"Boss, bayad ko.. Sukli po ha! Wala ako pang miryenda mamaya.." pakisuyo ko sa drayber.
Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.. Sa hitsura nya na medyo may edad na, at naglalaro sa 40 hanggang 50, hindi sumayad sa isip ko na isa syang bakla..
..
...
....
"Iho.. Depende yan sa pakiramdam mo.."
"Ano ho?"
"Bobo ka yata talaga.." bulong nya.
"Depende yan sa pakiramdam mo, kung ang pakiramdam mo ay malapit lang sya sayo, wag ka nang magpakalayo.. At kung pakiramdam mo'y malayo sya sa iyo.. Wag mo nang piliting lumapit pa sa kanya.." mahabang paliwanag nya sa nabubulol pang boses.
"Okei salamat! Akin na po yung sukli.." sagot ko.
-------
Isa lang ang pwede nyang puntahan sa ganitong lugar.. Sa puntod ng kanyang ama, ang namayapa nyang ama. Dito kami unang nagka usap.. At sa panahong iyon, hindi ko pa din maintindihan kung bakit palagay ang loob ko sa kanya..
Sa matataas na talahib, at zigzag na daan, na kahit SOCO(hindi po yung mga tsismosa) ay hindi mareresolba ang krimen na mangyayari dito, kung meron man.
"Saan na ba yun?" bulong ko sa sarili.
Hindi naman yata ako naliligaw.. Bukod sa matataas na talahiban ay wala na akong makita.. Lord tulungan mo ako.. Sa hindi kalayuan ang puno na pagkataas taas, ay syang nagbigay sa akin ng ngiti! agad ko itong sinundan..
"Rhea!"
..
...
....
"Dudes.. Sabi ko na at pupunta ka.." pauna nya.
"Nagmadali pa ako.. Ano ba nangyari?" agad kong tanong.
"Wala.. Nakalimutan mo na?" balik tanong nya.
"May nakalimutan ba ako?"
"Death anniversary ni Daddy ngayon.."
Ano?! Nagdrama sya sa akin sa phone, para papuntahin ako sa death anniversary ng kanyang ama.. Nakakatawa na nakaka-inis din pala..
"One year na din pala, nung huli tayong nagpunta dito.. Hindi ako makapaniwala na ikaw pa din pala ang kasama ko ulit dito.." malambing nyang tono.
Lumambot ang kaninang naiinis kong damdamin, at napalitan ito ng sang dakot na awa.. Pakiramdam ko'y naghahanap sya ng atensyon, na kung sa akin man ay hindi ko alam.. Naupo ako sa tabi nya, at nagsindi ng asul na kandila.. Tanda ng pag respeto.
"Sorry, nakalimutan ko.. Bakit ba hindi mo pina-alala?" pauna ko.
"Akala ko naman kasi tanda mo pa.." sagot nya.
"(Sigh) Madami kasi akong pinilit kalimutan sa loob ng isang taon.."
"Huwag mong sabihing kasama 'to sa mga bagay na yun?" tanong nya.
..
...
....
"Hindi naman.." sagot ko.
"Effortless answer.." bulong nya.
"Ano?"
"Hahahaha! Wala!" nakangiti nyang sagot.
"Ano nga ulit? Dinaan mo ako sa english eh!"
Nakakawala ng kahit anong problema ang kanyang mga ngiti.. Bakit ba hindi ko 'to nakita noon? Bakit ba wala akong inisip nun kundi puro si Kath.. Bakit ba pinilit ko ang sarili ko sa isang babae na sya ding nagdulot ng sakit noon..
Pakiramdam ko'y sobrang malapit ako sa kanya.. At kahit hindi ko pa sya gaano kilala, batid kong mapapalagay ang aking loob.
Napangiti na lang ako..
..
...
....
"Dudes.. Gusto ko sanang linawin ang lahat.." sa seryosong tono ngunit malungkot na hitsura.
Tahimik lang ako, alam kong may sasabihin syang importante..
"Alam kong mahal mo pa din sya.. Nararamdaman ko yun!"
"Darating ang araw, kung hindi bukas, siguro ngayon.. Iiwan mo ako.."
"Rhea!" putol ko.
"Pero!"
"Pero isa lang ang sasabihin ko sayo.. Bumalik ka sa akin, kapag sinaktan ka nyang muli.. Hindi ko alam kung tama ba ito, alam kong mali.."
"Mahal kita Dudes, at ayokong makikita kang nasasaktan.. Ayokong dumating ang isang araw na sisisihin mo ako dahil hindi kita hinayaang sundin ang nararamdaman mo.."
Bilang isang lalaki, paborito kong kanta ang Boys Don't Cry.. Pero sa pagkakataong ito, kusang pumatak ang aking luha. At napatunayan sa sarili na, ang tunay na lalaki ay iiyak, pagdating sa babaeng nasasaktan sa kanyang harapan.. korni na kung korni, pero pakiramdam ko'y tutulo din ang sipon ko..
"May pangako ka sa akin, pero sa ngayon.. Kailangan yatang hindi ko asahan yun.."
"You're free.. Go get her!" hindi na nya napigilan pang umiyak.
..
...
....
History repeat itselfs..
Tumayo ako sa kinatatayuan ko, tinignan ko sya.. Naalala ko ang eksena kung saan iniwan ko din sya para kay Kath, para sundin ang nararamdaman ng puso ko.. para pagbigyan ang bagay na nakasakit sa akin noon.
Ngumiti ako sa harapan nya.. Binunot ang phone sa aking bulsa, at inabot ito sa kanya..
"Para saan 'to?" tanong nya.
"Ayokong tawagan mo ako sa susunod na pinaka-importanteng bahagi ng buhay ko.." sagot ko.
Sa muling pagkakataon, ngumiti ako sa kanya.. Tumalikod at diretsong naglakad papalayo. Malayong malayo..
Hanggang sa hindi na nya ako matanaw, gusto kong tumakbo papalayo sa kanya, malayo sa paningin nya.
Gusto kong tumakbo palayo sa kanya, hindi para takasan sya..
Tatakbo ako palayo sa kanya para harapin ang problema..
----------
Ang byahe ay parang buhay ng tao, madadaanan mo ang lubak at patag na daan. Mag e-enjoy ka sa iyong makikita, at dadaanin ng antok at pagod.. At sa muling paggising mo, muli kang ngingit sa dampi ng hangin.. Ibang kabanata na naman, ibang ruta at ibang klaseng kalye.. Wag kang magtaka kung bakit hindi man lang humihinto ang byahe, na parang ilang taon mo nang sinasakyan.. Nasa iyo ang pasya, ikaw ang driver ng buhay mo.. Nasa iyo din kung iiwas ka sa lubak o sasagasaan mo ito.
Mag-enjoy ka lang.. Hayaan mong gumulong ang gulong, at magpaikot ikot ito. At kung sakaling ma flat ka, hindi imposibleng may talyer na pwedeng tumulong sayo.. At baka malay mo, sa isang stop over ng buhay mo, makakuha ka ng pwede mong makasama sa byahe..
Sa byahe ng buhay mo.. Relax, Enjoy, ang buhay ay simple lang.. Basta marunong kang mag-maneho ng tama.
..
...
....
"Akala ko hindi kana darating.." isang matamis na ngiti ang sinalubong nya sa akin.
"Sorry! masyado ba akong late?" tanong ko.
"Hindi naman.. A little bit, pero okei na din yung late.. much better kesa hindi ka dumating.." sagot nya.
"Tara sa loob.. nandun sila Edgar at Vincent, and some friends.." anyaya nya.
Sa simpleng black shirt at faded pants, lutang na lutang ang kanyang kagandahan. Radiant! Parang shampoo! Humakbang ako papalapit sa kanya, gusto ko syang titigan..
"Dudes? Papasok ba tayo? o mag-hihintay ng pasko dito?" biro nya.
Hindi ko magawang sumagot, mabigat ang nararamdaman ko.. Lumapit pa ako sa kanya ng ilang hakbang pa. Gusto kong masilayan ang kanyang maamong mukha..
Mukha ng babaeng minahal ko ng sobra, at pinag ubusan ko ng kilay.
Si Kath..
Sa HULING pagkakataon, gusto ko syang makita..
..
...
....
"I'm sorry.."
Niyakap ko sya.. Ang malandi nyang pabango ang pilit naglaro sa aking damdamin, mula noon hanggang ngayon. Bilang lalaki, ayokong makasakit ng damdamin.. Hindi din ako marunong gumanti.. lalo na sa babae.
Ngunit ito ang pinili ko, hindi ng tadhana.. Ako ang driver ng buhay ko, at ako lang din ang magpapasya kung kailan ako hihinto, at kung kailan muling ba-byahe..
"Dudes? May problema ba?" agad nyang tanong.
"Wala.. Gusto ko lang magpaalam Kath.." sagot ko.
"Huh?"
"Alam kong, mayabang ang dating ko kung ako magsasabi nito.. Pero.."
"Pero ano?" ano!?" may galit sa boses nya.
"Hindi tayo para sa isa't isa.." dugtong ko.
"Oo.. Sa panahong wala ka.. Yung mga panahong iniwan mo ako, Wala akong ibang inisip kundi ikaw.. Ikaw! Yung mukha mo parang naka-install sa utak ko.." paliwanag ko.
..
...
....
"Sorry Dudes.. Alam ko din namang masakit para sayo ang nangyari, pero nandito ako ngayon! Bumalik ako para sayo! Heto ako! Dito sa harap mo!" sagot nya.
"Hindi ganun kadali Kath.. Maraming nagbago nung umalis ka.."
Buntong hininga na lang ang naisagot nya.. At tulad ng inaasahan, isang episode na naman ng MMK ang eksenang ito. Pumatak na ang kanyang mga luha. Nagmistula syang bata sa aking harap.. Nagmamaktol, garalgal ang boses..
"Kasalanan ko 'to.. diba?" tanong nya.
"No.. Hindi mo pwedeng angkinin ang kasalanan ko Kath.." sagot ko.
"Kasalanan ko ang lahat Kath.. Kasalanan ko kung bakit hinayaan kitang umalis, Kasalanan ko kung bakit hindi ko inayos ang lahat, naging duwag ako ng maraming beses.. Naging tanga ako ng mahabang panahon.. Ako yung tipo ng lalake, na walang sariling desisyon.. Walang pakielam, at binabalewala ang mga nangyayari.. ako yun.. at hindi mo dapat sisihin ang sarili mo Kath.." paliwanag ko.
..
...
....
"Pwede ba akong mag request Dudes?"
Tumingin ako sa kanya.. Hindi ko na namalayan na wala na pala ang luha, na kanina ay nagpupumilit umapaw..
"Pwede bang tumambay ka muna, kahit limang minuto?" tanong nya.
"Sure.." sagot ko.
Sa isang bangketa, at madilim na kalsada na tanging ilaw lang ng poste ang nagbibigay liwanag.. Kung saan magsisimula at magtatapos ang limang minuto, dun kami naupo..
"May yosi ka pa?" tanong nya.
Inabot ang isang stick, at lighter..
"Nakakatawang isipin Dudes, kung paano tayo nagsimula, ganun din pala tayo magtatapos.." pauna nya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Nagsimula tayo sa yosi.. tama ba?"
"Ahahaha! Oo!"
"Kasing bilis ng usok maglaho ang panahon.." malungkot nyang tinig.
"Alam kong masaya ka sa buhay na pinili mo.. Masaya ko para sayo!" dugtong nya.
"Darating ang araw, na may darating na lalaki sa buhay mo, na kaya kang alagaan at panindigan sa lahat ng bagay.." sagot ko.
"Alam ko.." sagot nya.
"At yun ang hihintayin ko.."
"Ang araw, ng pagbalik mo.."
Ngumiti sya, at pinatay ang yosi gamit ang kanyang rubber shoes.
"Go Dudes! Baka hinihintay ka na nya.. Don't miss the last ride of your life.." masaya nyang sabi.
-------
Ngayon ko lang napagtanto.. Hindi si Kath ang babae sa kantang Crazy Mary..
..
...
....
"Hello?" boses ng nasa kabilang linya.
"Naiwan ko yata ang cellphone ko?" sagot ko.
"Dudes?"
"Sa bintana! pwede ko bang makita ang naiwan ko?" tanong ko.
"Nasaan ka? Hindi kita makita!" nagmamadali sa kanyang boses.
"Dito sa harap.."
"Do you remember my promise?" tanong ko habang nakatitig sa kanya mula sa baba.
"Yes.."
"Tingin ko kasi, hindi ko matutupad yun.."
..
...
.....
"Nang hindi ikaw ang kasama ko.."
=============END================
11 comment/s:
boom na tapos ko na idol kaso ngayun lang nag comment hehehe idol tlga
salamat sa pagbasa sir! hanggang sa muling istorya! :)
ganda ng istorya! thumbsup!
another story na kinakiligan ka kagabi hanggang madaling araw! :"> sabi na at si Rhea din bandang huli! ang saya! loveit! gawa ka pang madaming echos! :D
salamat po! balik ulit! :)
hehe sabaw nga ang ending nito eh. baka pwede namang makarekwes ng funsign.. naks! :)
ayos lang kahit sabay laman nyan din yun! ;) pasensya na at lagi akong napapatambay dito sa blog mo. Naaliw po kasi ako sa mga sulat mo.. Anyways, fansign? Sure! Pero pano ba? Hahaha di ako sanay mag gawa nun. Ako kasi ung binibigyan e! Joke! :D
walang problema sa pagtambay, laging open ang blog :)
ako din hindi gumagawa, namamalimos lang din haha! kung oks lang sayo send nalang sa e-mail(nandun sa about), ipopost ko sa fb ng wankero.
haha ang lapad ng mukha ko :D
Shet!bakit teary eyed ako sa ending?!..ang lupet ng kwento hindi ko talaga tinigilan hanggat di ko natatapos..dalang dala ako sa emotion..ang galing! si Rhea talaga ang gusto kong makatuluyan ni Dudes :)
ikaw na ang bago kong idol..gusto ko ring magsulat..nangarap din akong maging writer kahit sa pocket book man lang pero hindi talaga ako nabiyayaan ng talent sa writing eh haha..galing mo idol :)
si kath talaga dapat. ginawa ko lang si rhea, masabi lang na may twist haha! expected na din yung violent reaction, buti nalang natuwa yung iba. salamat sa pagbasa!
wag nang gawing idol, di bagay e! hehe! maganda yung series mo eh, umpisa palang nababasa ko.
buti naman at si rhea..nalulungkot na ko nung akala ko si kath ang makakatuluyan nya, kaya siguro teary eyed ako kasi natuwa akong si rhea ang nakatuluyan nya..ganda ng twist..
wala ka ng magagawa idol na kita hehe..thanks sa pagbasa..so much appreciated kahit na alam kong hindi ako marunong magsulat hehehe...
Post a Comment