Kwentong Tambay - Chapter 23

"Love one another" -George Harrison's last words before he died.


Nagalit ka dahil hindi mo nalaro ang last part ng Suikoden II, dahil naputulan kayo ng kuryente.. Hindi na naman nagbayad ang mga magulang mo, at iniisip mong hindi ka importante sa kanila.. Natuto ka nang sumagot sa kanila. Alam mo na din kung paano magsinungaling, madalas mong itago sa kanila ang report card mo.. dinadahilan mong may utang ka pa sa titser mo, kaya hindi nila ito ibibigay.. kahit na alam mong sopas at lugaw lang naman sa canteen ang hindi mo nababayaran..

Rebelde..

Madalas ka nang sumama sa mga barkada mo sa loob at labas ng eskwelahan, Isang sutsot lang nila alam mo na ang ibig sabihin.. Cutting Classes Period nyo na! Hindi na Math ang subject kundi Counter Strike.. Hindi na Science, dahil Emperador o kaya Gin-Pomelo na ang inyong pinag-aaralan.. At lalong hindi na Social Studies at History ang topic, dahil SM Megamall o hindi kaya Marketplace ang iyong binabaybay.. Galit ka pa sa umaga, dahil kulang ang baon mo, na sana ay pamasahe mo na papuntang MP, para tumambay sa arcades at bilyaran.. Isama mo na ang pangbayad sa isang sandok na lugaw..

Nung magising kana sa katotohanan.. Panahon na ang nang-iwan sayo.. Out of school youth ka at hindi nakatapos, walang diplomang magliligtas ng iyong kinabukasan. Nakasandal ka na lang sa kanto at humihithit ng sigarilyo.. Kasali ka na din sa fraternity na wala nang ginawa kundi mag meeting sa sementeryo. Naka ilang vandals ka na din sa pader sa mga nitso, wala nang magagawa sayo ang mga nakahimlay kundi isumpa ka..

Reality..

Minsan talagang darating ang dagok lalo na at hindi ka handa.. Babagsak ka sa isang sementadong lupa, duguan at hindi makabangon.. Kung iisipin mong maraming dugo ang nasayang, maniwala ka.. mas madami pa ang panahon na nalagas, kumpara sa red blood cell mong hitik sa 420..

Pero..

Kung ang pagbangon at pagpunas lang ng dugo ang magagawa mo.. Gawin mo na.. Walang tutulong sa isang pipe na maintindihan sya, kung hindi sya magmumukhang gago sa kakakumpas ng kanyang kamay. Mahirap pero sulit..

Maraming bagay na hindi mo maiintindihan kung hindi ka gagawa ng bagay, na sa tingin mo ay makakapag dulot sayo ng hindi tama.. Hindi ko sinasang-ayunan na gumawa ka ng hindi mabuti.. Pero minsan..

Kailangan natin gumawa ng masama, para matuto tayong magpakabuti. Dahil hindi lahat ng bagay ay kailangang gawin ng may halong kabutihan, Hindi general requirements yun sa buhay.

Hindi din lahat ng mabait kinatutuwaan.. karamihan dito inaabuso at wina-walanghiya..

-------------------------

Ano nga ba ang lasa kapag pinaghalo mo ang mapait sa matamis? isipin mo na lang ampalaya shake! Ganito ang pakiramdam ko ngayon.. Mapait ang kinahantungan ng love story ko pagdating kay Kath, subalit kasing tamis ng unang tikim ang dating naman sa akin ng kay Rhea..

Sigurado ako sa mga bagay na masaya ako.. Pero hindi naman ako sigurado kung hanggang saan ako ngingiti para dito. Aaminin kong nasanay ako sa simpleng ligaya, para ka lang nagyosi ng fortune, tapos biglang marlboro.. Nakakapanibago, at mahirap ipagpalit ang nauna.. Pero kung tutuusin.. Una-unahan lang yan. Nauna lang sya magsawa sa akin..

Masayang mukha ni Rhea ang huling mukha at syang deretsong tumatakbo sa isip ko nung hinatid ko sya sa kanyang bahay.. Kung nakakaranas ka minsan ng LSS, palagay ko mauuso din ang LFS.. Corny..

..
...
....

"Madaling araw na pala.." bulong ko sa sarili ko.

Ramdam ko na ang ginaw ng hangin.. naupo ako sa tapat ng isang saradong tindahan.. Nag unat ng aking mga binti, na kanina ko pa gustong ipahinga.. Dinukot ang huling sigarilyo sa bulsa tska sinindihan..

Tahimik kong pinagmamasdan ang dating bahay ni Kath, tanaw ko pa din ang ala-ala.. Sariwa pa din ang mga bagay na lumipas na pala ng isang taon.

Naisip ko din na kung naimbento na ang time machine, o kya naman ay tropa ko si Doraemon.. Babalikan ko kaya ang sandaling iyon? o hahayaan ko kung anung meron ako ngayon.. Masisira lang ang space time continuum.. At baka bumalik lang si Hitler sa kasalukuyan..

-------

"Anak hindi sa lahat ng bagay kukunsintihin kita.."

Malumanay na boses ng aking mahal na ina.. Tandang tanda ko pa kung paano nya ako pagsabihan kapag nakakagawa ako ng kasalanan.. Minsan nabansagan akong Mama's Boy sa eskwelahan, dahil masyado ako palasumbong..

Sa dami ng problema ko sa buhay, at sa darating pa.. Alam kong nandyan sya para sa akin.. Hinding hindi nya ako iiwan, o kakalimutan.. Sobra ang pagmamahal nya.. Pero minsan hindi talaga gumagana ang utak ng tao.. Kapag galit ka nakakapagsalita ka ng hindi tama, at hindi mo na alam kung nakakasakit ba ito.. Tama?

Ilang beses ko din sya sinagot.. Ilang beses din akong nangatuwiran ng mali.. Pero isa lang ang sinasagot nya..

"Problema nandyan lang yan.. Lilipas at lilipas din.."

Huwag mo nga naman tambayan ang problema, sa halip mag vandals ka lang at layasan mo ito! Hindi mo mamamalayan at matatawa ka na lang, dahil maiisip mo na minsan pala sa buhay mo napadaan ka sa isang kanto, at nagsulat ka ng pangalan mo. Kasing simple lang isipin kung ano ang binabasa mo ngayon.

..
...
....

Binuga ko ang huling usok ng sigarilyo sa hangin.. Kasing bilis pala nito maglaho ang panahon.. Mahaba haba na din pala ang tinambay ko sa tindahan.. Sa isang stick lang, para na akong nag travel ng light years.

Pinilit kong tumayo sa kinauupuan, sampung hakbang bago ako makarating sa bahay.. Muli kong sinilip ang kalsada.. Napabuntong hininga..

"Last na 'to.." bulong ko sa sarili.

-------

Bago pa man ako makahiga naramdaman ko nang babagsak na ang aking katawan.. Hapong hapo kong niyakap ang aking unan.. Pinilit kong abutin ang comforter gamit ang aking paa.. Tinakpan ko ang aking buong katawan.. Naghalo ang lamig ng hangin at init ng comforter, bago sa pakiramdam ko.. Dilat pa din ang aking mga mata sa gitna ng dilim..

Nag-iisip..

Nakikiramdam..

Tumama na ang antok, kailangan ko nang matulog..

------

"Salamat sa paghatid.." pauna ko habang binubuksan ang gate ng bago kong tutuluyan.

"Kailan tayo ulit magkikita?" tanong ni Edgar.

"Edgar.. huwag mo na akong kulitin muna.." sagot ko.

Hindi sya sumagot.. Batid sa kanyang itsura ang pagkadismaya, ayoko mang sabihan sya ng mga bagay na nakakasakit sa kanya, yun lang ang magagawa ko para tigilan nya na ako..

Alam kong hindi tama, pero isa sya sa mga pagkakamali ko..

"But.. how about the reunion?" singit nya pa.

"Pag-iisipan ko pa.. Hindi pa ako handang harapin si Dudes" sagot ko.

"Mahal mo pa ba sya?"

..
...
....

"Hindi ikaw ang dapat makarinig nito.. Pero oo.. at alam mo yan Edgar.." sagot ko.

---------

"Good Morning!"

"Bumangon ka na!"

"Bakit hindi ka pumasok?"

Sa umagang ito, meron pa palang mas maingay kesa sa mga kapitbahay ko. Isang boses na wala nang iba kundi si Rhea.

Aba! At bakit nandito sya? bulong ko sa sarili.

Dahan dahan kong dinilat ang aking mata, sya nga! hindi ako nagkamali..

"Bakit ka nandito?"

"Anong bakit? kasi hindi ka sumasagot sa tawag ko.. kaya naisipan kitang puntahan.. Bukas ang pinto.." paliwanag nya.

"Nakalimutan mo yatang isara kagabi.." dugtong nya pa.

"Ganun ba.. Nakalimutan ko sa pagod.." sagot ko.

"Bumangon ka na! may dala akong pagkain.." anyaya nya.

Minsan talaga masaya din ang buhay kapag nandyan si Rhea, hinding hindi nya ako pababayaan.. Daig nya pa ang aking nanay sa pag-aasikaso sa akin..

"Bangon na!" sigaw nya.

"Opo.." sagot ko.

Para akong zombie na pumasok sa cr, at tuluyang nag shower..

..
...
....

"Kaya pala hindi sya sumasagot sa akin.. Naka silent ang phone nya.." bulong ko sa sarili habang nagkakalkal ng cp ni Dudes.

"7 missed calls at 3 text messages.."

Alam kong mali, pero gusto ko makita ang laman ng kayang phone. Bukod sa wallpaper ni Julia Montes sa harap.. Hindi ko na pinakielaman ang missed calls.. Binuksan ang inbox. Dalawang msg galing sa akin na mula pa kagabi.. At isang txt msg galing kay Edgar.

Gusto kong basahin..

Pero hindi tama..

Makulit ang konsensya na nakikipagtalo sa akin..

..
...
....

"Oh? Sensya na.. matagal ba ako?" bati ni Dudes na kakalabas lang sa banyo.

------

Iba ang dating ng ganda ni Rhea sa araw na ito.. Daig nya pa ang lumagok ng isang boteng whitening lotion, sa kintab ng kanyang balat. Naayon din sa kanyang makinis na balat ang suot nyang semi-formal attire, na sa unang tingin mo ay pupunta sa shooting, para sa commercial na ang tema ay parang picnic sa bermuda grass. Umiral na naman ang imahinasyon ko..

Sinabayan ko syang kumain.. Parehas kaming nag-eenjoy sa mga nangyayari.. Dama ko ang kanyang kaligayahan.. Ayoko syang biguin..

"Masarap ba?" tanong nya.

"Luto ko yan!" dugtong nya pa.

"Oo naman! ito ang tunay na almusal!" pangbobola ko.

"Thanks! Kung gusto mo lagi kitang dadalhan ng makakain!"

"Hindi! Hindi mo kailangan gawin yun.." sagot ko.

"Bakit? ayaw mo?" tanong nya na parang bata.

"Hindi naman.. Nakakahiya naman kasi.. Tska hindi ako sanay.." paliwanag ko.

..
...
....

Wala na nga yata akong hihilingin sa tulad nya.. Kumbaga sa baraha para syang ace, mas mataas sa king.. At ako ang king na tumitingala sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman na kumpleto ang buhay ko.. Masaya..

Nakahanap ako ng liwanag na sisilayan, mula sa napakahabang gabi.. Iniwanan ko na ang lungkot at pagkadismaya.. Hinding hindi na ako lilingon, sa dahilan na wala na din naman akong babalikan.. Oks na ang lahat..

Ang magagawa ko na lang ay i-enjoy ang mga sandaling ito.. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos, pero gusto kong sulitin ang biyayang ibinibigay sa akin.

Tulad sa kantang Ted Hannah, nasulat na sa notebook ang kailangang mangyari.. At ang nakasulat, ay ang nakikita ko ngayon.. Nararanasan..

..
...
....

"Dudes.. may message ka yata.." singit ni Rhea sa pag de-day dreaming ko.

"Huh? Saan? Tingin?"

Sabay abot ng aking phone..

Binuksan ang inbox.. message nga galing sa kanya at kay..

Edgar??

"Kath already set a reunion for us.. Pupunta ka ba?"

Hindi ko alam ang isasagot.. P.I. naman..

"May problema?" tanong ni Rhea.

"Wala.." sagot ko.

"Sure?" tanong nya ulit.

"Yup!" nakangiti kong sagot.

-------

Matapos ang breakfast at tiffany.. Este breakfast with Rhea, Hinintay ko syang magpasyang umalis..

Natataranta ako at kating kati na sagutin ang msg ni Edgar.. Pero buo ang loob ko na hindi ako pupunta.. Gusto ko lang syang tanungin kung bakit pa nga ba nya ako sinasama, sa isang malaking kalokohan.. Ngitngit ang aking ngipin sa inis..

Tinawagan ko sya ng hindi ko namamalayan..

"Hello?" pauna ko.

"Edgar.. Salamat! pero hindi ako makakapunta.. Masyado akong maraming gagawin.." dugtong ko.

"Dudes? Si Kath 'to.." sagot ng nasa kabilang linya.

Naloko na! na peste na! na disgrasya na!

"Nasaan si Edgar?" mabilis kong tanong.

"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" mababaw ang tono ng kanyang boses.

"Ah.. Eh.. Ku-kumusta na nga ba?"

"Teka, nasaan ba si Edgar? bakit na sayo ang phone nya?"

"Naiwan nya ito kagabi dito sa bahay.. May problema ba? tanong nya.

"He texted me last night.. Ngayon ko lang nabasa.." sagot ko.

"Tungkol ba sa get together?" mabilis nyang balik tanong.

Bumilis ang tibok ng aking puso.. Pakiramdam ko'y lalabas ito sa aking tenga.. Uminit ang klima sa aking paligid.. Pinagpawisan ako.. Para akong binabad sa gitna ng humid.

"Hindi ka ba sasama?"

"Hello?"

"Dudes?"

"Nandyan ka pa ba?"

..
...
....

"I'm sorry.. Pero hindi ako makakapunta.." matapang kong sagot.

Kwentong Tambay - Chapter 22

Kung 100% proof ang isang alak.. Makakailang bote ka lang kaya? Kung ang yosi naman ang merong 85% ng nicotine.. Ilang taon na lang itatagal ang mo, kung nagsimula ka sa edad na kinse anyos? Ilang libo o milyong estudyante ang nag-aaral sa Pilipinas.. Simulan mo sa prep hanggang sa college.. Ilang puno kaya ang kailangang putulin, para mabigyan sila ng maayos at matinong papel na kanilang pagsusulatan.. At ilang presidente pa kaya ang kailangang maupo para lang matanggal ang kontrobersyal na corruption?

Sinadya na lang siguro nya ang lahat.. Ang lahat naman kasi ng bagay kapag sumobra magiging masama..

Kung kumikita ka ng sapat sa pangangailangan lang ng pamilya mo, maghahanap ka ba ng iba o magtityaga? At kung pinanganak kang mayaman.. May kotse, cellphone na nag a-upgrade buwan buwan, at ang bahay nyo may chandalaire at ref na puno ng ice cream.. Magsasawa ka kaya?

Kung magiging permanente lang ang kasiyahan sa mundo, malamang walang taong mapaghangad.. Hindi dadami ang palaboy sa kalsada, walang magda-drugs, hindi mo na din makikita ang mga dalagang naka-kolarete sa kalsada ng cubao gabi-gabi.. Kaso sinadya nya yatang gawin na temporary ang lahat, dahil alam nyang hindi lahat ng tao ay katulad nya mag-isip..

Kung hindi mo pa din maintindihan ay hayaan mo na lang.. Hindi siguro din talaga ginawang pare-parehas mag isip ang mga tao.. para siguro maghanap tayo ng kasagutan sa sarili natin..

------------

Pakiramdam ko'y dumaan ang tsunami sa puso ko na sya mismong tumama din sa Japan, matapos nya akong dedmahin.. Hindi na talaga makipagkakaila na kahit bigyan mo ako ng tig-lilimang pisong halaga ng candy, mas pipiliin ko ang tig-pipiso kung saan ako nasanay.. Lumuwag ang hawak ni Rhea sa aking mga palad.. na di kalaunan ay kusa ko namang binitawan..

Wala syang nabanggit sa akin, kahit na ang direksyon ng aking mata ay malayo.. Nakatingin.. Nakatitig.. Nag-aasam.. Si Rhea ang buhay na example ng mga martir..

"Kath.." mahina kong bulong.

..
...
....

Tanaw ko pa din ang kanyang imahe kahit na nasa malayo na.. Umaasa akong susulyap sya na kahit kaunti lamang.. Sa isang taon mahigit na pagkakahiwalay namin sa isa't isa, hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa aking damdamin..

Ngunit ano bang magagawa ng taong pabaya?

Tinaas ko ang puting bandera.. Sinenyasan ang aking puso na itigil na ang laban.. Hinagis ang aking armas sa lupa.. Senyales na ako'y susuko na..

Tapos na ang lahat sa amin.. Hindi ito tulad ng Eraserheads na may reunion concert..

Binaling ang aking atensyon kay Rhea..

..
...
....

"Tara na.. Saan ba tayo?" nakangiti kong sabi.

Na sya naman ikinagulat ni Rhea.

"Ikaw ang bahala.. Treat me like you did the night before.." nakangiti nyang sagot.

---------

Madilim ang kahabaan ng kalye na aming binabaybay.. Hindi alam ang direksyon kung saan.. Gusto ko lang maglakad.

Nakayuko sya at tahimik na naghihintay sa aking sasabihin.. Medyo malayo layo na din pala ang aming nalakad.. Nakarating kami kung saan, maliwanag na ang kalsada.. Marami nang ilaw, at matao na ang paligid.. Wala pa din akong masabi..

"Hanggang saan mo ba balak maglakad Dudes?" pauna nya.

Tinignan ko lang sya.. at hindi sumagot..

"Dudes? Ano ba.." sita nya.

"Samahan mo lang ako Rhea.. Gusto ko maglakad.." sagot ko.

Alam kong makasarili ako sa pagkakataong ito, pero gusto kong makalimot.. Lahat! lahat halos ng bagay na nagpapa-alala sa akin at nagbibigay ng kirot at sakit..

Sabi nga nila bilog daw ang mundo.. Nasa ilalim ako sa pagkakataong ito, pero iikot daw ito, at makakarating ka sa ibabaw. Sa pagkakataong yun dapat mo daw galingan.. upang hindi kana mapunta sa ilalim.. Pero kahit anung ipagputok ng butsi mo, iikot at iikot pa din ang bilog na bagay na ito.. At kalokohang hindi ka hatakin ng gravity.. Sa haba ng sinabi ko, walang kabuluhan.. Walang kwenta..

Minsan nangangarap ang tao.. Hindi masama, at walang nagbabawal.. Yung iba nga lang sumosobra sa expectation.. Nakakalimutan nilang tignan ang bawat yapak kung meron mang silang natapakan na nagsisimulang mangarap din..

Nagising ako sa katotohanan.. Wala pala talagang part two ang Romeo and Juliet..

Wala akong magagawa.. Tanggapin ang pagkatalo sa sugal na pinili kong laruin.. Yun ay ang pag-ibig..

Bigo..

"Dudes! Ano ba?" galit na boses ni Rhea.

Bumalik ang kaluluwa ko sa aking katawan.. Matapos nitong mag libot kung saan saan.

"Sorry Rhea.." sagot ko.

"Sorry?" tanong nya.

"Alam kong alam mo naman ang nangyayari.." sagot ko.

"Alam ko! Pero masaya ako.. alam mo ba yun.."

"Masaya ako at nalaman kong sa akin ka tatakbo, kapag nadadapa ka.."

Hindi ako nakasagot..

"Kung ito lang ang makakapagpasya sa akin.. okei lang kahit paulit-ulit akong masaktan.." paliwanag nya.

Hindi maintindihan ng isip kong marupok pa sa administrayon, ang mga bagay na sinasabi nya.. Kung si Einstein ang pinakmatalinong tao na nabuhay noon, ako naman ang taong pinakabobong nabubuhay ngayon.

Ngunit sa tahimik ang masaya nyang mukha.. Hindi ko maiwasang matuwa..

"Kain na lang tayo! Saan mo gusto?" anyaya ko.

Ngumiti sya sa akin.. Tinitigan nya ako ng pagkalapit lapit.. Halos ramdam ko na ang pintig ng kanyang paghinga.. Naamoy ko ang bagsik ng kanyang perfume.. Napakatamis..

At sa iilang segundo ng kanyang pagtitig.. Pinakawalan nya ang isang halik..

Oo..

Isang halik na nag-landing sa aking mga labi..

Tumagal ng limang segundo, bago nya iwan ang kakaibang tamis..

..
...
....

"Kahit saan mo ako dalhin Dudes, sasama ako.." sagot nya.

----------------

Kath

"Nasaan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito.."

"Malapit na.. Hintayin mo na lang ako, doon sa mabilis kitang makita.."

Pinatay ko ang linya, mapungay ang mga mata.. Hindi ko inaasahan na sa araw mismo ng aking pagpabalik si Dudes pa ang aking makikita..

Wala akong lakas ng loob at mukha na pwedeng iharap sa kanya.. Sa sakit na naidulot ko sa kanya noon, hindi nya ako mapapatawad.. Gustuhin ko mang yakapin sya at kausapin hindi ko magawa.. May mga bagay na pumipigil sa akin..

Ngayon..

Nandito na naman ako, kung saan nagsimula ang lahat.. Binalak kong iwan ang lugar na ito noon..

Ngunit..

Ngunit hindi si Dudes.. sya ang dahilan ng aking pagbabalik..

Hindi pa ngayon.. Hindi pa ngayon ang pagkakataon..

"Sorry! Pinaghintay ba kita?" boses ng lalaking nasa loob ng auto.

"Hindi naman.." sagot ko.

"Sakay na.. para maihatid na kita.." anyaya nya.

...
....
.....

"Kumusta na?" pauna nya.

"Okei lang.. hindi ko lang nagustuhan ang pagbalik ko.." sagot ko.

"Bakit?"

"Si Dudes ang sumalubong sa akin.." paliwanag ko.

"Aksidente lang siguro.. May kasama ba sya?"

"Oo.. yung kasama nya noon sa mall.." sagot ko.

"Kailangan siguro natin ng celebration.. tatawagan ko ang buong tropa.. Oks ba sayo?" anyaya ni Edgar.

"Pwede ba.. Huwag muna ngayon.." sagot ko.

-------------------

Sa isang hindi mataong restaurant kami napadpad ni Rhea, tahimik ang paligid.. Mellow lang ang soundtrip at oks na oks ang vibes.. Para akong nanalo sa dream-a-date!

"Pasensya kana kanina.." pauna ko.

"Okei lang.. naiintindihan kita.." sagot nya.

"Huwag mo lang sasabihin sa akin na mahal mo pa din sya.." dugtong nya na nakangiti ang kanyang mga labi.

"Tapos na yun.." sagot ko.

Tahimik ako habang pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha.. Batid sa kanyang hitsura ang pagod.. Mistulang bata na napagod na paglalaro, at kailangan nya ako para pagalitan sya at patigilin sa paglalaro.. Napansin ko ang magandang pagkaka-ayos ng kanyang buhok.. Ang make-up nya na talagang pinaghadaan..

Minsan hindi mawala sa isip ko ang isang katanungan..

Bakit nga ba nagpipilit pa ako Kath, kung nandito si Rhea.. na hindi ako iniiwan, at laging nasa tabi ko.. Nandyan sya sa oras na madilim ang paligid ko.

Gago lang talaga ako..

Pero dahil hinagis ko na ang puting panyo sa gitna ng laban..

Sumusuko na ako..

Hahayaan ko na lang ang tadhana ang mag-ayos ng buhay ko.. Manatili kung saan ako masaya, at sa tingin ko'y nakakapagbigay din ako ng saya..

Yun ay sa tuwing nasa tabi ko si Rhea..

Natapos na nga ang love story ni Romeo at Juliet, at wala na nga talagang part two..

Inakala ko lang yun noon..

..
...
....

"Dudes.." mahina nyang boses.

"Oh?" sagot ko.

"Wala ka bang balak galawin nyang pagkain?" balik tanong nya.

"Ahahaha! Oo nga.." natatawa kong sagot.

Sa mga simpleng usapan lang namin, hindi maipagkakaila na nagkakasundo kami sa maraming bagay.. Mga simpleng ngiti, alam na namin ang ibig ipahiwatig ng bawat isa..

Sa puntong ito hindi na dapat ako nagsasayang ng panahon..

"Rhea.. sorry kung minsan nasasaktan kita.." pauna ko.

Ngiti lamang ang naisagot nya.

"Pangako ko sayo.. Hindi na mangyayari ulit yun.." dugtong ko pa.

"Stay with me Rhea.."

Sa malupit at breath taking na ambience.. naghalo ang ginaw at pananabik ng bawat isa.. Hinawakan nya ang aking kamay..

..
...
....

"I'm happy to hear that.." sabi nya.

"Let's move on together.." dugtong nya pa.

..
...
....

"Lagi kong tatandaan yang pangako mo Dudes.. Wag mo sanang kalimutan, na minsan nangako sa akin ng ganito.." nakangiti nyang sabi.

Kwentong Tambay - Chapter 21

Love At First Sight -Yung unang kita mo palang sa kanya, ay parang na bullseye ka ni Kupido, at na speechless ka..



Yun ang sabi nila.. Sakin? Hindi ako naniniwala.. Libog lang yun!

Oo.. libog lang at wala nang iba.. Dapat magical, dapat unexpected, at dapat in a very different ways.. Yun ang love! Ika nga ni Papa Jack, hindi ito hide-and-seek, collect and select, at game and watch..  Mas oks kung dahan dahan ka makakaramdam nito.. Kung katabi mo ang iisang babae sa loob ng apat na taon ng high school life mo, imposibleng walang mangyayari.. Pinagtabi kayo ng tadhana hindi dahil sinabi lang ng teacher nyo, at hindi din dahil parehas kayo ng result ng exam sa loob ng apat na taon. At hindi dahil pinagtripan lang kayo ng nag aayos ng mga section (hindi ko alam tawag dun).

Tadhana.. Oo! Tadhana ito kung maniniwala ka..

6 years before..

Kung mai-inlove ka sa isang babae na sa sementeryo mo lang nakilala at complete strangers sya, kakaiba yun! Hindi nyo kilala ang isa't isa.. Binigyan lang kayo ng chance.. Kinagat mo at hindi ka nagkamali. Walang wala sa isip mo, pero nahulog ka.. Oks na oks diba? Hindi pa tapos ang istorya nyo, marami pang magaganap at madaming mangyayari.. Isang bagay lang ang mananatili..

Yun ay yung bagay na inumpisahan nyo..

Corny? Gusto mo naman ng reality? Sige..

RH Bill. Kung ako tatanungin mo.. Kasing babaw lang nito ang usapin kung bakit nga ba umaabot ng tatlong araw ang adobo.. Isa lang ang sigurado, bukas makalawa paggising mo pasado na ang batas, at wala ka nang magagawa..

Nasaan ka ba nung pinag-uusapan ito?

--------

"Kath.. I miss you.."

"Dudes.." sagot ng isang malumanay na boses sa kabilang linya..

Bigla kong naalala kung paano bumagsak si Hatton sa laban nya kay Pacquiao, Knock-Out! Kung iisipin mo kung gaano kalakas ang suntok na natanggap nya.. Ganun ang naramdaman ko ng marinig ko ang boses ni Rhea sa kabilang linya. Parang dinakot ang pagkatao ko..

Alam ko na dinig nya ang mga sinabi ko.. Malinaw! Wala akong paliwanag na masasabi pa, walang excuses, at panigurado mawawala na din sya..

"R-Rhea?" tanging nasabi ko.

"Dudes? Medyo choppy yung line, anu sinabi mo?" sagot nya.

"Huh?"

..
...
....

Nabunot yung tinik, pakiramdam ko ay medyo over acting ako, dahil nagpakatahimik ako sa ilang segundo, at medyo nagpamula mula nang mata. Handa na sana akong umiyak.. corny nga.

"Dudes? Hello? Nandyan kpa?"

"Oo! Pasensya na! Sabi ko.. Ka-Kauwi ko lang, Na miss kita kaya napatawag ako.." Pagsisinungaling ko.

Tatlong segundo bago sya sumagot..

"Ahahaha! Ang corny mo ha! Magkapitbahay lang tayo remember? Hindi kapa dumaan dito.." sagot nya.

"Oo nga no.. Baka bukas na lang, medyo pagod ako ngayon.." paliwanag ko.

"Hmm.. Okei! Txt ka lang kapag nagbago isip mo.."

"Oks! b-bye!" sagot ko.

Agad kong pinutol ang linya.. Huminga ng malalim, Bumangon ako at dumiretso sa banyo..

Naghilamos ng maligamgam na tubig.. Hindi ko naiwasang hindi tumingin sa harap ng salamin. Sa isang tingin pa lang, halata ko na may dinadalang problema ang taong nasa harap ko..

-----------------------

Rhea

Sa pagkakababa ng linya pinilit kong magpaka tanga sa muling pagkakataon..

"Kath.. Na-miss kita"

Ito ang linyang paulit ulit na umaandar sa bulok kong pag-iisip, na syang dumudurog sa aking puso.. At kahit na alam ko at malinaw ang aking narinig.. Kailangan minsan magsingungaling din para hindi maging kumplikado ang lahat..

Hayaan syang magdesisyon..

Sakto ang salitang tanga, kapag itinabi mo ito sa akin.. Mahal nya pa din si Kath, hindi ito maipagkakaila.. Malinaw.. Kasing linaw kung paano nya binanggit ang pangalan..

Napatitig ako sa larawan namin.. Kuha galing sa trip namin sa summer festival.. Hindi maipinta ang kakaibang ligayang dinudulot nito, at kung mananatili lang ang lahat ng bagay, sana maging kaganda nito ang larawan..

Walang magbabago..

Walang iisipin..

Yun at yun lang..

Ilang beses kong inisip na ang relasyon namin ay manatili lamang na parang larawan..

..
...
....

"Bumalik na ba sya?" tanong ko sa sarili.

Alam kong mali.. pero isang tao lang ang makakasagot nito..

"Hello.. We need to talk.. You know who I am.."

"Saan mo nakuha number ko?"

"Hindi na yun importante.. Kailangan ko makipagkita sayo.."

"Kung tungkol kay Dudes to, wag mo ako asahan.."

"Hindi lang sa kanya.. Para sa lahat.."

"....."

"San tayo pwede magkita?"

"And I want to make a deal with you.."

------------------

Tinanghali ako ng gising, pulado ang aking mata. Daig pa ang tumagay ng 24 oras. Pinilit kong pumasok ng trabaho, hindi dahil kailangan.. Dahilan na din upang makapag isip ng maayos, at makatakas sa mga bagay na masyadong nakakagulo..

Parehas na scenario ang tumambad sa akin.. Galit ang amo ko, maasim ang mukha ng sekretarya nya.. at tambak sa table ko ang sandamakmak na trabaho.. partida! Kailangan ko pa syang ipagtimpla ng kape.. ang saya!

"Nakakatamad.." bulong ko sa sarili.

Wala ako sa sarili.. Yung ulo ko umiikot lang sa iba't ibang direksyon, pero walang hinihintuan.. Para lang akong gago.

Tumunog ang aking cellphone. Binunot ito at binasa..

Isang txt msg galing kay Rhea.

"Hi Dudes! Kung d ka busy 2morow, labas naman tayo!"

..
...
....

"Hindi ba sya nagsawa kakagala?" bulong ko sa sarili.

"Sure! Saan tayo?" reply ko.

"Ikaw na ang mag-isip.. Gus2 q sau mngga2ling.. suprise me! yung prang last na na pagki2ta ntin! :)" sagot nya.

???

"Anu daw?"

Madaling basahin, pero mahirap intindihin.. Parang nanood ako ng The Da Vinci Code ng lasing..

"Sige! bukas! mga wat tym? :)"

"After work, meet me at the airport, may dadaanan kc aq mlpit dun.." reply nya.

"Oks! See you 2morow! ;)"

------------------

The Deal

Nakipagkita ako kay Edgar.. Isang bagay na hindi ko dapat gawin pero ito lang siguro ang magagawa ko para ma-settled ang lahat.. Hindi ito para sa akin.. Uulitin ko para sa lahat..

"Late ka ng 5 minutes.."

"Strikta ka pala.. Yan ba nagustuhan ni Dudes sayo?" sagot nya.

"Pasensya na.. Wala akong panahon para sa ganyan.." matigas kong sagot.

"Hmm.. Sa pagkakaalam ko ikaw ang nakipagkita sa akin, so watch your move Rhea.."

"Saan mo nakuha ang number ko?"

"Kay Vincent.."

"Pinangakuan ko lang sya na ipapakilala sa isang friend ko, at binigay naman nya.."

"Kailan ang dating nya?" mabilis kong tanong at walang paligoy ligoy.

"Let me know the deal first, and what's the catch?" balik tanong nya.

"Actually.. I want the three of us there.. Sa mismong araw ng pagdating nya, Gusto kong maramdaman nya na wala na syang Dudes na babalikan, mula nung araw na iniwan nya ito.." paliwanag ko.

"Hmm.." pagiisip nya.

"I want to take him away from her.. Completely!" dugtong ko pa.

"Anong plano mo sa araw na yun?" tanong nya.

"Simple lang.. Papipiliin ko si Dudes.." sagot ko.

"Ahahahaha!" natatawa nyang sagot.

"....."

"Paano kung hindi ikaw ang pinili nya?" tanong nya.

"I'll accept it.." sagot ko.

???

"Pero ikaw makakaya mo bang tanggapin?"

"...."

"Alam kong may nararamdaman ka din sa kanya.. You can't hide it, the fact that you know anything and what's happening about her, kahit malayo sya masyado kang updated.." dugtong ko.

...
....
.....

"(Sigh) Tama ka.. Hindi ko maiwasang hindi magselos sa kaibigan ko.. Pero kung ang bagay na magagawa ko lang ay ang ilayo sya.. Gagawin ko.." mahina nyang sagot.

"Take her away, as I take mine.."

"6pm at the airport, the day after tommorow.." huling salita nya.

Hindi na sya nagpaalam sa akin, at tuluyang lumakad.. Ramdam kong nasa isip nya ang mga sinabi ko.. Parehas kaming desperado at sa tingin ko parehas din kaming nagpapaka tanga. Parehas kaming sumugal sa isang bagay na may posibilidad na parehas din kaming masasaktan..

--------------------------

Iba ang kutob ko habang naglalakad sa kalye, habang humihithit ng sigarilyo.. Sumasayad sa isip ko ang msg ni Rhea sa akin..

"Surprise me! yung parang last na na pagkikita natin"

May mangyayari bang hindi ko inaasahan?
Mapapa-aga ba ang prediction patungkol sa 2012?
Babalik ba talaga sa big screen si Nora Aunor?
At bakit may extrang "v" sa pangalan ni Jet..

Ang gulo.. At dahil wala nang baga ang kanina'y may sindi na sigarilyo.. Itinapon ko ito.. Pumara ng jeep..

Sumagi sa isip ko, kung paano kami nagkakilala ni Rhea.. Sa dating kong manyakis na daig pa ang arabo.. Hindi ko inaasahan na babagsak sya sa akin. Tumama talaga ako sa lottery! Yung pwedeng pang puhunan, at hindi kana babalik pa sa middle east para magpa-alila..

..
...
....

Papikit na ang araw ng makarating ako sa airport.. Ang daming tao, hindi ako sanay.. Para akong tupa na nilagay sa isang gubat na puno ng lobo.. Ngunit hindi bagay sa karakter ko ang tupa.

"Nasaan na sya?" bulong ko sa sarili.

Binunot ko ang aking phone, tinignan kung may msg na galing sa kanya.. pero wala! blangko.. Late ako ng ilang minuto, so dapat tatawag na sya o magttxt.. Ginala ko ang aking mata sa paligid.. Naramdaman ko ang lamig ng AC galing sa entrance ng airport..

..
...
....

Napagod ang aking paa sa kakatayo, naghanap ako ng mauupuan.. Ngunit wala! walang matinong upuan sa labas ng airport.. Hindi ako magttyaga sa bangketa na puno ng bubble gum at upos ng sigarilyo. Pumasok ako sa loob ng new arrival area.. Sakto! Aircon na may upuan pa..

Pinapanood ko ang mga taong nagdadatingan.. Galing sa iba't ibang bansa ang mga ito, Yung iba mga OFW, yung iba naman mga talagang naglaboy lang or visit lang. Yung iba hindi ko malaman kung mga drug carrier nga ba..

Isang matangkad na babae ang umagaw sa pansin ko.. Nakatalikod sya habang abala sa pagsasampa ng mga gamit nya sa trolly.. Mahaba ang buhok, at naka bull cap.. Naka shades sya at naka jacket na blue..

Parang japayuki!

Tumunog ang aking phone na syang nagbalik ng atensyon ko, na nasa airport pala ako..

"Hello! oh! san kana?" mabilis kong sagot.

"Nandito na sa likod mo.. kita na kita!" sagot nya.

Nilingon ko ang aking ulo patungo sa direksyon na sinasabi nya.. Pero wala sya..

"Saan? Hindi kita makita.." sagot ko.

"Ito malapit na!" sagot nya.

Sakto sa pagharap kong muli sa tamang direksyon..

..
...
....

"Dudes?"

.......................

"Kath?"

Tuloy daw ang balik big screen ni Ate Guy! At hindi na december 2012 gugunaw ang mundo kundi sa araw na ito.. Ang labo..

Hindi ko alam kung tuwa o inis ang mararamdaman ko.. Sa harap nya mismo, gusto kong magalit o yakapin sya.. Gusto kong mag evaporate sa pangalawang pagkakataon.. Hindi ko din inaasahan ang pagpatak ng luha sa aking mata..

Wala syang expression.. Plain..

"Wala ka man lang bang babanggitin?" bulong ko sa sarili.

Huminto na naman ang mundo sa bagay at sitwasyon na hinding hindi ko inaasahan, Nag exist lang ata ang pagkatao ko dahil sa kanya..

..
...
....

Lima hanggang sampung segundo kaming nagkatitigan.. Nag-lock ang aming mga mata sa iisang direksyon.. Sa mata ng bawat isa.. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na ngayon.. Gusto kong may marinig..

Ngunit wala..

Wala..

Isang mainit na palad ang naramdaman kong humawak sa malamig kong kamay..

"Dudes.." pauna ni Rhea.

Dumiretsong naglakad si Kath, na parang walang nakita.. Kung sinabi kong nag e-exist lang ako dahil sa kanya, Sa ngayon tingin ko hindi na nag-exist ang pagkatao ko sa reaksyon nya..

Hindi nya na ako kilala..

"Dudes.. Tara na.." anyaya ni Rhea.

"Oo.." tanging sagot ko.

..
...
....

"Ito kapag lumingon type ako nito!" Naalala ko ang dating biruan namin ng mga kaklase ko noong high school, na sa tuwing may dadaan na magandang dilag, yun ang aming nagiging pustahan..

At hanggang sa ngayon hindi sya lumingon.. Tinititigan ko lang sya maglakad palayo..

Malayo na..

Malayo na ang loob nya sa akin..

"Hahayaan ko bang mangyari ulit to.." bulong ko sa sarili.

Kwentong Tambay - Chapter 20

As usual, there is a great woman behind every idiot. -John Lennon

4am nagising ako..

Lumabas ng kwarto, hindi para dumiretso sa banyo.. Yung view ng sandstorm na hinalo sa lamig ng madaling araw, nagmistulang kakaiba sa pakiramdam ko.. Unusual kumbaga.

Sa naglalakihang makina sa katabing accomodation, na tila sinama sa shooting ng transformer, mga nagdadaanang malalaking truck, at guard na himbing na himbing sa pagkakatulog.. Nalungkot ako..

4am nagising ako..

Sumilip sa bintana, hindi pa sumisikat at araw, at kalmado pa ang paligid. Dinig ko pa din ang awit ng mga ibon na tila nag ja-jamming sa pagkanta. Ito yung pakiramdam na hinahanap ko.. Ang saya.. Sobra..

Isasalang ang takure at magpapa init ng tubig, Magtitimpla ng kape at magsisindi ng yosi. Haharap sa laptop at susubukang magsulat.. Ang tahimik at payapa nyang mukha na syang nagbibigay sa akin ng inspirasyon.. Abalang abala sya sa panaginip.. Hindi ko sya gigisingin, tititig lang ako..

4am nagising ulit ako..

Puti at blangkong kisame.. Nandito pa din pala ako..

Ngayon.. Ako naman ang gisingin mo..

---------

Natapos ang summer festival, Natapos ang mga palaro sa bayan, Natapos ang tatlo hanggang limang araw na bakasyon, Pero hindi dito nagtatapos ang kaligayahan ko..

Balik maynila..

Yung simoy ng hangin hindi na sariwa, Hindi na din makapal na hamog ang sa umaga ay talagang nagpapakalma, Yung ingay na ng kapitbahay na nakakabingi ang syang sasalubong sa iyo.. Oks lang, i-accept mo na lang.. Reality makes you worst..

"Good morning!" txt msg ni Rhea.

Hindi pa ako nakakapag simula sa trabaho naba-blangko na ako..

"Good morning din! San ka ngaun?" reply ko sa kanya.

Isa hanggang dalawang minuto bago sya ulit nag reply..

"Haus lng, wat tym ka out?" reply nya.

Aba! Para akong gago kapag sinabi kong, susunduin mo ba ako? Pero napapangiti ako.. Ang sarap ng pakiramdam na parang may taong may pakielam sayo kahit papaano..

"5 po, may lakad b tau?" sagot ko.

..
...
....

"Meet me after work, dating gawi! MRT south station"

"Oks! ingat!" reply ko.

------

Tambak yung trabaho, at kapag minalas kapa, itong mukha ng boss ko na parang niluma na ng panahon at ilang beses dinaanan ng undoy ang syang tumambad sa akin.. Matanda na sya at maasim na ang ugali, magaspang pa sa kalyo ko sa paa..

"Are you done with the transmittal? Where's your checklist?" bungad nya.

"Tapos na sir! Ito.." sagot ko.

"Good! Bigay mo na kay Girlie.."

..
...
....

Excited akong lumabas ng trabaho, sinilip ko ang oras.. Meron pa akong 30 minutes na byahe. Sakto lang para hindi ako ma-late sa usapan namin. Bitbit ang pouch bag na lunchbox, pabango, earphone, at ballpen lamang ang laman.

Sumakay ng taxi, Nakipagkwentuhan sa driver, Bumaba, umakyat sa hagdan, at bumaba sa kabilang dulo.. Overpass yata ang tawag dun.. wala naman kasi akong pakielam sa kung ano ba talaga pinangalan dun..

"Ang aga ko yata.." bulong ko sa sarili.

Naupo ako sa bakanteng silya sa harap ng isang fast food chain, pumuwesto ako sa ayos na pwede kong makita ang lahat ng taong aakyat at bababa, papasok at lalabas.

At dahil open area, nagsindi ako ng yosi at tuluyang nagpahangin.. Hindi ko alintana ang init at alinsangan ng panahon, gusto ko lang makita ang maganda at maamo nyang mukha.

..
...
....

"Kumusta?"

Isang boses ng lalaki ang gumulat sa akin..

"Edgar!" gulat kong sagot.

"Hahaha! Pumanaw naba ako at para kang nakakita ng multo ha!" sagot nya.

"Ano nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang nagparamdam loko ka!" biro ko.

Parang kaming mga bata kung mag-usap, yung tipong wala kaming pakielam sa sinasabi ng bawat isa, ganun na talaga kami.. Ang kakaiba lang, ay parang wala kaming pinagdaanan na hindi maganda.

"Buti naman dumating ka, akala ko snob mo ako eh!" biro nya.

"Huh? Actually si.."

"Tska akala ko hindi ka magrereply sa txt ko, inisip ko pa nga na baka binura mo na ang number ko sa phone mo.. hehehe!" dugtong nya.

Nagulat ako sa sinabi nya, binunot ko ulit ang cp sa aking bulsa, at nag open ng inbox.. Ngayon ko lang napansin na sya nga ang nagtxt sa akin, at inakala kong si Rhea yun.

"A-a-ano kaba?! bakit ko naman buburahin!" sagot ko.

"Tara pasok muna tayo! Mainit dito sa labas, at kumain na din tayo.." anyaya nya.

..
...
....

"Teka maiba ako.. Anong meron at niyaya mo ako dito?" pauna ko.

"Yun ba? Napag-utusan lang ako.. Gusto nya lang malaman kung okei ka ba.." malinaw nyang sagot.

"Nya? Sino?" gulat kong tanong.

"Sino pa.. Si Kath.. Actually pabalik na sya.." sagot nya.

Muntik ko nang maisawsaw sa float ang fries, Namutla ako at hindi nakapag salita.. Hindi ko alam ang isasagot. Nag-flashback sa utak ko lahat ng nangyari, mula nung gabing naubos ang tindang alak sa tindahan, Nagkaroon ng eyebag, Hindi makapag suklay ng maayos, at hindi nakasubaybay sa Mara Clara.

"Nagulat ka ba?" seryoso nyang tanong.

Blangko.. Halatang hindi ko alam ang isasagot..

..
...
....

"Wag mo nga akong niloloko Edgar.. Tapos na tayo dyan.."

"Ahahaha! Hindi bagay sayo Dudes ang seryoso.." natatawa nyang sagot.

"Pero totoo ang sinabi ko.. Pabalik na sya.." dugtong nya.

"Ibahin natin usapan.. Kumusta ka na? Anong mga pinagkaka ubusan mo ng oras?" tanong nya.

"Ako?"

Ako..

Bakit hindi ko masabi sa kanya na may pinaghuhugutan na ako ng ngiti, may babae nang nagpapasaya sa akin, at may tao na sobrang importante sakin ngayon, na syang nagparamdam sa akin na may kwenta pala ang kwento ko.

Naghihintay pa din ba ako..

Sa kanya..

Sa malandi nyang tinig..

-----

Hanggang sa paguwi, iniisip ko pa din ang sinabi ni Edgar.. Kung na-good time na naman ba ako o pinapaniwala ko lang ang sarili ko. Apektado ako masyado.. Hindi ko na napansin ang oras at lumagpas na naman ako sa aking bababaan.

Wala akong ginawa sa kwarto kundi humiga at makinig sa sounds kong naka full volume. Nag-iisip ako.. Hindi ko pwedeng maninbang sa pagkakataong ito, wala sa hitsura ko ang pwedeng isali sa star circle quest at starstruck, o kahit ano pa mang contest na pwede kang gawing modelo sa kung anu-anong produkto.

..
...
....

Mukha ni Kath ang tumambad sa akin, sa aking harapan.. Maliwanag at klaro. Hindi ako makapag salita. Ginamitan nya ako ng impale, unang atake nya sa akin, hindi ako makagalaw.. Binalak kong lumaban, pero sinundan nya ito ng voodoo.. Nangliit ako.. Pakiramdam ko'y wala akong kwenta, dahil hinayaan ko lang syang mawala, at hindi man lang gumawa ng paraan upang pigilan sya.

Nakatitig sya..

Dahan dahang lumitaw ang mapuputi nyang ngipin..

Ngumita sya..

Tila gusto nyang sabihing.. Nandito na ako! wala ka bang sasabihin?

Sinubukan kong magsalita, pero wala ni katiting na boses ang lumalabas, dumilim na ang paligid, dahan dahang nag fade ang kanyang maamong mukha.

Gusto ko syang hawakan..

Yakapin..

Inunat ko ang aking braso..

Nandito ako Kath..

Kumapit ka..

..
...
....

Dinilat ko ang aking mata.. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha. Hinahabol ko ang aking paghinga.

Bumangon ako, at dinampot ang aking cellphone.. Walang anu-ano agad kong na-dial ang number ni Rhea.. Nag ring.. Nag-aabang sa kanyang pagsagot.

----

Ang huling usap namin, Huling hagkan, pero walang huling halik.. Lahat yun ay pilit bumabalik sa aking isip. Kung pwede lang magre-format ng utak ginawa ko na.. Iba-back up ko ang mga masasayang sandali namin ni Rhea, at yun lang ang iiwan ko.. Kaso ang gago ko lang.. Hindi ko naisip na ginawa ng diyos ang utak, hindi para lalagyan lang ng mga files mo sa buhay, kundi parang anti-virus din na syang nagliligtas sayo, at nagpapa-alala na kalimutan ang isang bagay na syang nakasakit sayo..

Pero hindi ako naturuan para gamitin ito ng maayos..

One click away lang ang button na pwedeng mag-disable dito..

At yun ang ginawa ko..

"Oh? Napatawag ka?" sagot ng sa kabilang linya.

..
...
....

"Kath.."

"Na-miss kita.."

Kwentong Tambay - Chapter 19

The problem is, the world won't let me stay as a kid forever. So I can't lie around crying about it either. -Shikamaru


Pangarap.. Goal.. Dreams.. Lahat ng tao meron nito, at may kanya kanya.. Nakakatuwang pakinggan sa bawat isa, At yung nakakatupad ay syang nakaka tanggap ng kakaibang ligaya.. Ang saya dba?!

Identity Crisis.. Yan ang problema ko! Tulad ni Cloud ng Final Fantasy 7. Nabubuhay sya sa pagkatao ng iba, at itinuturing ang sarili nya na yun sya! Ang hirap hindi ba? Tulad nung nauna hindi nya din alam kung meron sya nung isa o wala.. Sabi nga nila, wala na daw sasarap sa pakiramdam na gusto mo, at nag e-enjoy ka sa ginagawa mo.. At kumikita at binabayaran ka..

Oo.. Tama! Yung tipong.. Enjoy kana bayad ka pa!

Pero binasag ako ni Ayekaru sa pagkakataong ito.. Hindi lang daw enjoy at pera ang basehan.. Tama yung kumikita ka at nag e-enjoy, pero wala daw sasarap sa pakiramdam na kahit hindi mo gusto ang bagay na ginagawa mo, ay natutulungan mo ang mga tao na silang dahilan kung bakit nandyan ka in the first place.

Isa lang..

Ginusto mo.. So panindigan mo.. Wag kang magkupal..

---------------

"Talaga? Ang sweet mo naman Dudes! Tama talagang ikaw ang sinama ko dito, I know sobrang mag e-enjoy ako.."

Namula ako.. Na kahit hindi makinis ang aking balat, ay nagmistula itong kamatis. Wala ako maisagot.. Buti na lang nag swerve ang bus, nawala sa atensyon si Rhea.

"Dudes, bakit nandyan ang kamay mo?"

"Huh?"

Sabay tingin kung san nga ba napadpad ang malikot kong kamay..

"Waaaaaaaaaaaaaaa!! Sorry! Sorry!"

Nasa pagitan ito ng hita ni Rhea, bwisit na driver to!

"Ahahahaha! Nakakatawa ka talaga!" sagot ni Rhea.

...
....
.....

Matapos ang walang kwentang usap, tumahimik ang paligid.. At kasabay ng pagtahimik nito sya ring pagka ubos ng utak ko ng sasabihin.. Speechless.. Nakatingin kami sa magkaibang direksyon, ang olats lang eh na-stranded ang direksyon ko sa palabas sa loob ng bus.. Vilma Santos.. Corny..

Gusto ko syang lingunin, titigan, at makipag kwentuhan.. Makipagpalitan ng ngiti at tawa. Makipagpalitan ng mga kwento tungkol sa paghihiwalay namin sa loob ng isang taon..

"Syet! Kailangan may masabi ako.." bulong ko sa sarili.

"P-pero ano?"

"Kailangan basagin ko ang katahimikang ito.. Pero paano? Yung mismong mukha nya nga eh hindi ko matignan.."

-----

"Rhea? Anong ginawa mo sa loob ng isang taon? Ibig kong sabihin anong mga nangyari sayo?"

"..."

"Kung ako ang tatanungin, eh wala! hehehe!"

"......... "

"Pero alam mo ba? Naisip ko din na bisitahin ka!" (Kahit hindi, may masabi lang!)

"............  "

"Tsaka naging busy din pala ako sa kakasubaybay sa Mara Clara! Nanonood ka ba nun?"

"................................ "

Siguro mas mabuti nang manahimik na lang ako.. Hindi sya interesado sa sinasabi ko, At sa tingin ko wala namang maganda sa mga sinasabi ko. Mukha lang akong tanga makuha lang ang atensyon nya..

"Yun lang ba gusto mong sabihin? Wala nabang iba Dudes?" tanong nya.

???

"Hindi mo man lang ba sasabihin na na-miss mo ako?" dugtong nya pa.

"Aba! Oo naman! Syempre na-miss din kita.." sagot ko.

"Totoo?"

"Oo!" sagot ko.

"Kasi kung hindi.."

"Ano?" maagap kong tanong.

"Kung hindi, siguro wala akong karapatang umupo dito sa tabi mo.." sagot nya na may halong ngiti sa kanyang labi.

"Ahahaha! Ano ka ba? Ano bang sinasabi mo? Kung si Rhea ang pag-uusapan, Aba! Hindi  pwedeng hindi kadugtong ang MISS!"

"Cheap shot!" sagot nya.

"But it's nice..

To hear..

those words..

from you Dudes.."

--------

2nd stop over.. Isang mini tourist spot, konti lang ang tao.. At mukhang hindi na aabot ang signal ng Smart kung magpapakabit ka ng internet dito. Konti din ang stand.. At wala ka nang makikita sa paligid kundi malawak na view ng bundok at kalikasan.

Pero oks! Napaka relaxing ng dating, lalo na at galing ka sa mahabang byahe..

"Huh? Teka? Nasaan si Rhea?" bulong ko sa sarili.

Lumingon lingon ako sa paligid, para hanapin ang maganda nyang mukha..

"Siguro nauna na sya para tumingin ng mabibili sa lugar at makakain.." dugtong ko pa.

Nag ikot ako sa lugar.. Lakad dito, lakad doon.. Ang ganda ng paligid sayang lang at wala akong dalang camera.

...
....

"Smile!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses. Si Rhea na nasa likod ko..

"Nice! Ang cute mo dito Dudes!" natutuwa nyang sabi.

"Huh?! May dala kang camera!" puna ko.

"A-ha! Syempre kailangan natin ng remembrance para sa trip na to!" sagot nya.

"Isa pa! Tayong dalawa naman!" excited nyang boses.

"Vincent! Kuhanan mo kami, okei lang ba?" tanong ni Rhea kay Vincent na papunta sa aming direksyon.

"Sure!" sagot ni Vincent.

-----

Matapos ang napakahabang byahe, at napaka-boring na movie, swerte naming nakarating sa aming destinasyon na kumpleto at buo ang mga parte ng katawan, dahil mukhang panay NPA ang nagkukuta sa lugar na syang dinaanan namin.

Naglakad ng halos 30 minutos bago tuluyang makarating sa bayan, sumakay ng tricycle, At naglakad ulit.. Na sa tingin ko ay para akong pusa, na hindi na alam ang daan pabalik.. Unless ipa-LBC mo ako para makauwi..

...
....
.....

Malaki at malawak ang bahay na aming tinuluyan, may limang kwarto sa ikalawang palapag, kusina na kasing laki na yata ng kwarto ko na sa  tingin ko ay pwedeng mag lunsad ng cooking show on the spot! At ang malupit ay ang sala na pwede mong ipasok ang dalawang jeep, at pwede pang makisingit ang isang kabayo.

Matapos makapag pahinga, at makapag shower bumaba na ako patungo sa kusina kung saan mag sisimula na ang bakbakan.. este ang kainan! Sinalubong ako ng kanyang lola na grabe ang ngiti at tila na stuck up..

"Rhea iha.. Ito ba ang manliligaw mo?" usisa ng lola.

"Ahahaha! Hindi po lola!" agad kong sagot.

Ngunit ngiti lang ang sinagot ni Rhea..

-------

Kung iisipin kong maigi talagang sobrang nakakapagod ang byahe, para akong namasukan sa construction.. Pero masaya! Kasama ko si Rhea, para akong tumama sa lotto ng hindi tumaya at nagbayad.. Automatic ticket! Automatic milyonaryo!

Hindi tuloy ako makatulog..

Binilang ko ang mga tupa, pero olats! Sabay sabay silang lumulundag kaya hindi ko nasundan ang bilang. Sumabay pa ang ingay ng kulisap sa paligid, para silang mini-divisoria at fish market.. At dahil sa hindi matamaan ng antok na sinabayan ng pagkabato, nagpasya akong lumabas at magsindi ng kung anung mahihit-hit..

Naabutan ko si Rhea sa tapat ng pinto, malayo ang tingin.. Sakto! Ito ang magandang pasok!

"Ehem! Hindi mo din ba maubos ang mga tupa?"

"Ikaw pala.. Bakit gising ka pa?" sagot nya.

"Nawala kasi sa isip ko kung ilang tupa naba ang nabilang ko, eh nakakatamad nang umulit.." pasikat kong sagot.

"Dito ka sa tabi ko.." anyaya nya sa malambing na tono.

..
...
....

Malamig ang hangin, malamig din ang pawis ko.. Nakakainis ang kapayapaan paminsan minsan.. Pero ang titigan ang maamo nyang mukha, ay sobrang nakakapag pakalma ng maalinsangan na gabi.

"Akalain mo din.." una ni Rhea.

"Huh?!" sagot ko kunyari bingi.

"Sa totoo lang.. Ayoko nang makita ka pa.."

Hindi ako nakasagot sa tono ng salita nya.

"Sorry.. Tanga lang talaga ako.. Para lang akong ibon na hindi alam kung saan dadapo.." sagot ko.

"Hanggang kailan ka ba lilipad sa ere?" tanong nya.

"Hindi ko alam.." sagot ko.

Pumasok na naman ako sa eksena na hindi ko alam ang exit, o talagang pilit ko lang nilalayuan ito at pinipili ang fire exit, kung saan walang makakakita sa akin.

"Pero masaya ako't kasama ka.." malambing nyang boses.

"Hindi dahil nakikita kita ngayon sa tabi ko, kundi dahil nakikita kong masaya ka din kapag kasama mo ako.." dugtong nya pa.

"Masaya ako! Maniwala ka!"

"Masaya ka ba talaga Dudes? O masaya ka lang dahil alam mong nandito ako sa panahong wala sya?"

..
...
....

"Rhea.."

"Salamat! Maraming salamat sayo!"

Lumingon sya na may nagtatakang mukha..

"Nakabangon ako ng maayos, at nakangiti ng totoo dahil sayo.." paliwanag ko.

At bago ko pa mapansin, hawak ko na ang kanyang kamay.. Ang saya.. Nakalimutan kong magpaalam at magparamdam. Binalak kong bitawan, pero hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko..

"Dudes, kapag binitawan mo pa ako.. Hindi mo na ulit ako mahahawakan ng tulad ngayon.." wika nya habang nakatingin sa malayo.

Pakiramdam ko'y lumundag ang puso ko ng dalawang beses, at tumibok ng limang ulit sa isang segundo, hindi nag circulate ng maayos ang dugo ko.. Na-trapik sya sa sobrang bilis ng supply galing sa puso ko. Kakaiba..

"Maaga pa tayo bukas.." may halong ngiti sa kanyang labi.

"Oo.. Tara! At baka mapagtripan pa tayo ng engkanto.." biro ko.

-----

Sa dulo ang kanyang kwarto at pangalawa ang sa akin.. Mauuna akong pumasok. Sa pagkakatalikod ko palang bago ako pumasok, hindi ko na mapigilang ngumiti.

Sumilip ako ng bahagya at tinitigan sya habang naglalakad papasok sa kanyang kwarto, hindi ko maiwasang pansinin ang kanyang seksing katawan.

At bago tuluyang makapasok, lumingon sya sa direksyon ko..

!@#$%!

Nahuli nya akong nakatingin.. Sigurado!

..
...
....

"A-a-ahh.. G-good night ulit!" nauutal kong sabi.

"Good night Dudes! See you tomorrow!"

She gave me a wink, and she said I love you without a sound..

!!!!

Pwede na akong pumanaw..

----

Kumukulo ang aking tiyan.. Ramdam ko! Parang may nag rumble na pusa sa loob.. Gutom na ako.. dinilat ko ang aking mata.. Galit na ang araw! Nakatitig sya sa akin at nagsasabing "Tutunawin kita hanggang maging pawis ka!".

Bumangon ako at nagkusot ng aking buhok, tumingin sa orasan na tila kasabayan pa ni Rizal sa tanda. Alas onse na pala! At magtatanghalian na! Kaya pala ganun na lang magwala ang aking alagang dragon..

Sumilip ako mula sa pangalawang palapag ng bahay, kung saan tanaw mo ang sala.. Walang tao! Wala ding ingay.. Tila may nangyaring krimen kagabi.. Tumayo ang aking balahibo..

"Good morning.." isang paos na boses.

Nilingon ko sa pinanggagalingan..

"Kakagising mo lang din?" tanong ng anghel ko sa umaga.

"Oo.." sagot ko.

Sa manipis nyang pangtulog, tila kita ko na ang kaluluwa nya..

Ngumiti sya ng pagkatamis tamis sa akin, niyapos ang kanyang braso, at bahagyang tinaas ang kanyang magkabilang balikat.

"Wala ka bang sasabihin?" malandi ang boses nya.

...
....
.....

"Good Morning?"

"Ahahaha! Ang sarap pala gumising kapag ikaw ang una kong makikita.." sagot nya.

Kwentong Tambay - Chapter 18

"Children.. Mag drawing kayo ng Apple, at kulayan nyo"



Tanda ko pa ang malambing na tinig ng guro ko, simula noong mag-aral ako.. Kaso hindi mansanas ang nasa isip ko, Kundi paano nga ba talaga nagdudugtong ang mga parts ng sikat na robot na si Voltes V..

"Okei class, titignan ko isa isa ang mga gawa ninyo.."

Una ang ulo dahil sya ang lider ng grupo, tapos ang torso kung saan sya ang nagsisilbing haligi ng robot, tapos mga braso, binti, at ang huli ay ang paa.. Napapa-ngiti na ako..

"Iho! Very good! What's your name again?"

Tapos kukulayan ko sya ng ganito.. tapos ganyan.. Idedetalye ng maigi ang bawat parte at guhit. Abalang abala ako sa pagubos at pagtanggal ng papel ng crayola, na ngayong araw ko pa lang nagagamit ay halos kalahati na sya..

Wala sa isip ko.. Ako na pala ang kasunod.. Tinignan maigi ng aking mahal na guro ang aking mansanas.. Napangiti sya, Pinaikot-ikot ang aking notebook sa apat na sulok nito. Sya namang ikinatuwa ko, at sa tingin ko ay mabibigyan nya ako ng star sa unang araw pa lang ng klase.. Swerte!

"Iho.. Bakit si Kiko Matsing ang ginuhit mo?"

"Pfftt!!"

Gusto kong sabihin sa kanya na Voltes V ang obra ko at hindi si Kiko Matsing, pero nung pagmasdan ko ulit, nadismaya din ako.. Dahil kulang na lang ay ang saging magmumukha na nga itong si Kiko.. Tsk!

Nakakatuwang isipin, na dati ako ang nagdo-drawing sa bawat likod ng aking notebook.. Ngayon meron nang magyayabang sa akin, at magpapakita ng kanyang sariling guhit, na sa tingin ko ay magbibigay pa din sa akin ng magandang ngiti..

-----------

Sabado.. Walang pasok, walang trabaho, walang iisipin. Kakain lang at matutulog.. tapos matutulog at kapag nagising kakain ulit.. Ito ang aking sabado! Napaka-productive hindi ba? Isama mo pa ang pag browse sa Facebook, Twitter, at Friendster. Ang saya!

Alas syete ng umaga mistula pa akong zombie sa aking higaan..

Ingay ng mga bata..
Mga bumbay na nag-aalok ng panty, brief, salawal, at diaper..
Tambay na kanya kanyang bida sa kani-kanilang istorya..
Mga motor na dumadaan..
Mga nanay na nag chi-chismisan..
Mga tatay na talo sa pusta sa lotto..
at mga tomador na maaga palang ay naka set-up na ang karaoke sa kalye..

Ito ang reyalidad ng Sabado! Sira ang tulog ko.. Sira ang araw ko.. At wala pala ako sa Malacanang para magreklamo..

Isang mahinang katok sa pinto ang nagbaling sa aking atensyon, mula sa pagmumuni-muni.. Pinunasan ang muta at panis na laway..

"Vincent?"

"...."

Sinundan pa ng sunod sunod na katok.. Wala.. Sira na talaga..

"Sino yan?"

"Sino sabi yan eh!"

..
...
....

"Ako! Si Rhea!"

Jesus, Mary, Joseph! Isama mo pa si Cardinal Sin! Anung ginagawa ng babaeng ito sa ganito kaaga? At dito pa sa bahay ko? Bumalikwas ako sa aking pagiging zombie.. Tumingin sa salamin, at inayos ng bahagya ang magulong buhok.. Binuksan ng bahagya ang pinto.. Dahan dahan ko syang sinilip..

"Oh? Napadalaw ka?"

"Hindi ka kase nagtxt sa akin!" masungit nitong bati sa akin.

"Ka-kase.."

"Biro lang! Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Ah! Sandali! Magulo pa kasi.. 5 minutes!"

Hindi ko na sya hinintay pang sumagot.. Sinarado ko ulit ang pinto, sa tamad kong katawan, hindi ko lubos maisip na magmi-mistula akong si Flash sa bilis ng kilos.. Binuksan ko ulit ang pinto, naroon pa din sya at naka-ngiti sa aking harapan..

"Ito ang masayang sabado!" bulong ko sa sarili.

"Tara! Pasok ka!" Anyaya ko sa kanya.

Isang magandang ngiti lang ang sinagot nya at diretsong pumasok.. Inikot ang mata sa paligid.. Napangiti pa sya ng isang beses..

"Hmm.. Mapapadalas yata ako dito.." malinaw nyang bigkas.

"Huh?! Teka? Bakit?" Malinaw din na tanong ko.

"Kasi magkapitbahay na tayo!" masaya nyang sagot.

"Lumipat na ako dyan sa sunod na paupahan! Hindi ba sinabi ko sayo?"

"Hindi ka kasi nakikinig eh!" maharot na tono ng kanyang boses.

..
...
....

Hindi ko alam pero sobrang natuwa ako.. Bakit? Araw araw ko yata sya makikita.. At nanggaling na mismo sa kanya na mapapadalas sya sa aking kwarto.. Ayus yun hindi ba? As long as si Rhea, balewala sa akin ang SOCO..

----

Matapos ang kaliwa't kanang kwentuhan.. Kanya kanyang palitan ng istorya, at samu't saring ngiti at tawa.. Nagpasya na syang magpa-alam..

Ngunit parang ayoko pa.. Gusto ko pa sya makasama..

Tumayo sya at tuluyang nagpa-alam.. Pero bago pa sya tuluyang tumalikod..

"Next week pwede mo ba ako samahan?" nahihiya nyang tanong.

"Aba syempre! Saan tayo punta? Excited na agad ako!" masigla kong sagot.

"Merong Summer Festival na gaganapin malapit sa Sea Coast Area sa bahay ng lola ko!" nakangiti nyang sabi.

"Sure!" ^__^

"Oks! B-bye!" paalam nya.

Hindi talaga ako makapaniwala, inimbitahan nya ako sa bahay ng kamag-anak nya.. Isang senyales na magiging maganda ang summer ko.. Hindi ako nag e-expect ng kung anu mula sa kanya, pero hindi ko maiwasan..

-----

Friday, 5am ng madaling araw..

Hindi yata ako nakatulog sa sobrang excited.. Naka impake ang mga dadalhin kong gamit, ready na ready na ako sa date namin! este sa byahe namin.. Sabihin na lang natin na pwede na din i-consider na date..

"Ang sabi nya magt-txt sya kapag gising na sya.." bulong ko sa sarili.

Nasobrahan lang yata ako sa kaba at pagka-excite kaya sa tingin ko ay napaka bagal ng oras.. Masyado akong kinakabahan.. Na nagbigay sa akin ng senyales na mag sindi ng sigarilyo sa gitna ng madilim na kalye namin.. Habang naghihintay..

..
...
....

"Dudes! Ang aga mo tropa!"

Hindi ako pwedeng magkamali..

"WAAAAAAAHH!!!"

"Bakit nakabihis ka? Saan ang lakad mo? At para saan yang gamit mong dala?!" tanong ko kay Vincent.

"Saan pa! Eh di sa Summer Festival! AHAHAHA!!"

"At sino nagsabi sayo na pwede kang sumama, ABER???" galit kong tanong.

"Si Rhea lang naman! Pftt!" sagot nya.

Anak ng teteng! Masisira yata ang date namin ni Rhea sa mokong na ito.. Sa dinami-dami ng pwedeng maging kasama eh ang mokong na ito pa..

"Ang aga nyo naman mag-away.. hehehe!"

Ang matamis na amoy ng kanyang pabango.. Ang boses nyang sa tuwing magsasalita ay kumikiliti sa aking puso.. Hindi pa man ako nakakalingon ay kilala ko na kung sino..

"Rhea! Ayaw ako isama ni Dudes! Hindi ba ikaw mismo ang nag-imbita sa akin? dba? dba? Sabihin mo sa kanya.."

Aba ang tarantado naghanap pa ng kakampi.. grrr!!

"Oo.. Inimbitahan ko sya since nakakatakot mag byahe ng dalawang tao lang.."

Asar! Wala ako nagawa.. Pero oks na din, basta huwag lang sya papasok sa eksena na siguradong mabibitin ako..

"Let's go guys! Bwahahaha!!" sigaw ni Vincent.

-----

Alas syete empunto ng makarating kami sa terminal ng bus, at meron pa kaming 30 minutos na paghihintay bago pa ito tuluyang umalis.. Naupo ako sa smoking area, kung saan katabi ko ang dalawang binatilyo..

Nagmasid sa paligid bago tuluyang magsindi ng yosi..

Namamangha ang aking mata sa matandang babaeng naglalako ng kung ano-anong bagay na pwedeng i-display sa bahay, kwarto, kusina, at kubeta..

...
....
.....

"Sir! Gusto mo? Mura lang ito." alok nya sa akin.

Hindi ko maiwasang mapangiti, dahil ang pilit nyang inaalok sa akin ay ang parehas na regalo na ibinigay sa akin ni Kath, noong kaarawan ko..

"Tig bebenta lang pala ako.." natatawa kong bulong sa sarili.

"Bihira lang po ang bumibili nito sir! Kasi inaalok ko lang ito sa mga espesyal tulad mo"

Ano daw? Si manang magaling sa sales talk.. Mukha lang itong ordinaryo, kya hindi ako mahuhulog sa kanyang matamis na dila.

"Binili din kaya ni Kath ito dahil sa tingin nya ay espesyal ako para sa kanya?" bulong ko ulit sa sarili.

Napangiti ako ng hindi ko namalayan, ngunit may halong kirot na hindi ko pwedeng itago..

"Dudes tara na, kanina pa kita hinahanap!" sigaw ni Rhea na papalapit sa akin.

"Ah Sorry! Ang kulit kasi ng matanda.." sagot ko.

Hinawakan nya ang aking kamay at hinila nya ako.. Sa lambot ng kanyang mga palad, nagmistula akong papel na kayang liparin ng isang ihip lang.. Ngiti.. Ngiti lang ang nagawa ko.. Ang saya..

----

Magkatabi kami sa 2 pax na upuan.. Nasa likod si Vincent. Ayos na ayos! Masosolo ko sya.. Ayon sa kanya meron kaming 4 hanggang 5 oras na byahe, at dalawang stop over. Sapat na siguro para makapag pa-pogi ako sa kanya..

Romance ang kasalukuyang naka-play sa loob ng bus. Full blast ang AC, at nakasarado lahat ng kurtina ng bintana.

Halata sa hitsura ni Rhea na apektado sya sa kanyang pinapanood.. Sinilip ko kung ano nga ba ang palabas, at muntik na akong masuka sa ka-kornihan.. Lumang pelikula ni Guy and Pit. Lumalamig na ang loob ng bus, dahilan upang isarado ko ang aking jacket..

..
...
....

"Dudes.. Pahiram ng jacket, nalimutan ko magdala.."

At dahil pa-pogi nga ako, at alam kong pagkakataon ko ito. Mayabang kong hinubad ang aking jacket at binigay sa kanya.. Okei! Plus pogi points!

"Thanks!" nakangiti nyang sagot.

Sabay yakap sa aking braso.. ^__^

Ilang oras pa kaming ganito.. Ayos na ayos!

..
...
....

Matapos ang dalawang oras na pag pudpod ng pwet sa upuan, nag stop over na ang bus. Dali dali kaming bumaba, upang makaligtas sa lamig..

"Ha! Ha! Ha-choooo!"

Grabe! Magkakasipon pa yata ako.. Kasalan to ni Rhea.. T_T

"Okei ka lang?" tanong nya.

"Oks lang! hehehe!" sagot ko.

"Tara samahan mo akong bumili ng souvenir sa malapit na stand!" anyaya nya.

"Sure!"

Wala yatang kapaguran ang isang ito, pero infareness lalo syang nagiging cute kapag ganito sya kakulit, at lalo akong nahuhulog sa kanya.

Mga lucky charms, bracelet bids, mga bagay na makikintab at mga bote ng langis na hindi ko malaman kung pangpalaglag nga ba ang laman.

"Gusto ko ito!" sabay dampot sa isang botelya na naglalaman ng iba't ibang kulay ng buhangin.

"Maganda ba?" tanong nya sa akin.

"Ayos lang.." sagot ko.

Matapos bayaran ay dumiretso kami sa maliit na restaurant (Hindi ko alam kung saan na napadpad si Vincent, pero hayaan nyo na lang sya.), Kumain, at nag-usap ng kaunti..

Bumusina na ang bus, at nagtawag na ang sidekick ng driver, roll call kumbaga.. Dali dali kaming nagmadali at baka maiwanan kami. Napakasaya ng araw na ito.. Kung pumanaw man ako, at may tyansang ma-interview ni San Pedro, ito ang sasabihin kong pinakamasayang parte ng buhay ko.

----

Corny na naman ang next movie.. Matapos ang Guy and Pit, ay Vilma Santos naman ang kasunod.. Wala man lang kama sutra, para maibsan ang lamig ng AC..

"Dudes! Sayo na lang ito!"

"Huh?! Hindi ba binili mo yan? Nakakahiya naman.." palusot ko.

"Binili ko yan para sayo, pasasalamat ko sa pagsama mo sa akin, Sobra akong nag-enjoy at hindi ako nagkamali na ikaw ang sinama ko.." paliwanag nya.

"Sige na! Kunin mo na!" dugtong nya pa.

"Okei!" sagot ko.

Sa mala anghel nyang mukha, ang pagkakulit nya, sobra akong natutuwa.. Gusto kong sabihin na..

"Makasama ka lang oks na ako Rhea.."

"Huh? Really?! Ang sweet mo naman Dudes.."

!@#%$^!!!

Kwentong Tambay - Chapter 17

Gigising ako 6am, 1pm ang lunch break, at makaka-uwi sa bahay ng saktong 7pm..
6 days a week, at isang araw lang ang pahinga..

Paulit ulit na paghakbang sa 24 na baitang ng hagdanan.. Nakakatamad.. Nakakasawa.. Nakaka-homesick.. Tatlong buwan.. Tatlong buwan na pala akong nasa ibang bansa, minsan naisip ko din pakinggan ang Gloomy Sunday pero wag na lang, may nagmamahal pa naman siguro sa akin..

"How are you? Fine?" isang practical joke ng isang babaeng pinay sa opisina.. Hindi kana magkakaroon ng pagkakataong sumagot.. Simple lang sya, pero natatawa ako..

Pero minsan pumasok sa isip ko, na sagutin ko sya ng "Do I look fine?", ewan ko ba.. Bigla na lang ganun.. Nangiti sya at nagtanong.. "May dalaw ka?" at dahil matalinghaga ako pagdating sa kalokohan.. "Wala! Wala ka na bang ibang joke? Ang corny mo eh!"

Ngayon siguro alam nya na na nakakasawa, nakakapagod, at nakaka homesick din pala ang pagsagot sa iisa at corny nyang joke.


Isang bagay lang.. Hindi ko alam kung joke ba talaga yun sa kanya..

..
...
....

Tinititigan ko ang isang blangkong notepad sa harap ng laptop, Nakasalpak sa aking tenga ang earphone at nag s-sound trip sa tunog ng paborito kong istasyon..

May dalawang stick ng yosi sa tabi, at lighter..

Handa na yata ako..

---------------

"Dude! Tignan mo'to!" anyaya ni Vincent, habang nanonood sa kanyang bagong phone ng  sikat na scandal ni Belo.

Hindi ko sya pinansin, sa dahilang busy ako sa game 1 ng NBA finals, na Miami kontra Dallas.. Hindi ako masyado fanatic ng sports na Basketball, sa dahilang
hindi ako marunong nito, at kung may iba pa ay hindi ko na alam.. Malaki ang tuwa ko dahil akala ko ay makakatikim ng dapa ang Heat sa game 1, pero hindi.. Nabadtrip lang ako.. Kung ano talaga ang gusto mo yun ang talagang ipinagkakait sayo.

"Kadiri pre! Kadiri sya.. Para akong nanood ng wrestling!" dugtong pa ni Vincent.

"Bakit? may kagatan ba sa wrestling?" tanong ko sa kanya.

"Meron! Meron pa ngang steel chair eh! Hindi mo ba alam un?" sagot nya.

Dinampot ko ang remote ng tv, at tuluyang pinatay.. Hindi ko na tinapos ang last minute ng laro.. dehado.. Sumandal sa upuang gawa sa plastik, inilapat ang mga palad sa aking ulo..

Nagmuni-muni.. Hindi naka ligtas sa aking paningin ang kalendaryo, ganun pa din ang kulay.. itim at pula.. Napabuntong hininga..

"Kailan ka ba babalik?" bulong ko sa sarili.

Halos mag iisang taon na din pala mula nang umalis sya.. Idagdag mo pa ang isang buwan na hindi ako nakipagkita sa kanya hanggang sa kanyang pag-alis. Ganun katagal ko na syang hindi nakikita.. Minsan sumasayad sa isip ko ang kanyang malupit at mala-coca-cola na katawan, pero dahil madalas ang tambay ni Vincent sa kwarto ko, ay napapadalas din ang nood ko ng kung anu-anong..

------

Sa loob ng labing dalawang buwan na nagmistulang mahal na araw, wala akong ginawa kundi mag-trabaho, matulog, mag-inom, at mag kupal. Nakaka tamad.. Wala.. Parang walang pumapasok sa utak ko, kundi gawin ang paulit ulit at nakakasawang gawain..

..
...
....

"Boss tenkyu!" Masigla kong bati sa Boss ko, matapos akong payagang umuwi ng maaga.

Sumakay sa elevator, at tuluyang dumiretso sa ground floor. Parang lumulutang ang aking mga paa.. Pakiramdam ko'y dinadala nya ako kung saan ako nararapat, at kung saan hindi dapat..

Pumara ng jeep, ngunit hindi huminto.. Tanga ko lang! Hindi pala sila pwedeng huminto sa pinaparahan ko, dahil may terminal kung saan sila nakapila..

Oo.. Tamad talaga ako..

Alam ko na may terminal, pero nagbakasakali pa din akong hihintuan ng jeep.. Minsan nakaka-tanga din, dahil gusto mo baguhin ang nakasanayan.. pero hindi pala talaga pwede.. Ang dating nito sa akin, ay parang naisulat at nailathala na sya, at wala ka nang karapatang i-edit pa.

-----

"Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayoy, kailangan nang itapon"


Soundtrip ni mamang drayber sa jeep na sinasakyan ko pauwi.. Ang corny, pero may konting bagay na nagpapa-alala sa akin, at pilit nangingiliti. Ang maalindog nyang katawan.. este ang mga ngiti nyang ubod ng tamis.. Maliwanag pa ang araw, pero ang aga ko dapuan ng panaginip.

"Para po!" sigaw ng isang babaeng estudyante na kaharap ko sa duluhan ng jeep.

Hindi ko maiwasang mapatingin, dahil kasunod nyang bumaba ang isa pang estudyanteng lalake, sabay holding hands.. Na sya namang tama ng aking mata sa taxi na sumusunod naman sa sinasakyan kong jeep..

Malabo na yata ang mata ko, o talagang nasisira na ang ulo ko.. Isang babae ang nakaupo sa unahan katabi ng taxi drayber na pilit sinisilip ako..

Teka!

Kilala ko ba sya?!

Hindi pa ito nakuntento at kumaway pa.. Sabay sita ng drayber ng jeep na sinasakyan ko..

"Hindi ka pa ba bababa? O mag r-round trip ka?"

Tumingin ako sa paligid.. Wala na ang taxi, wala na din pala ang mga tao sa loob jeep, wala na din ako sa sarili.. At kahit kahiya hiya, eh hindi ito naka apekto sa akin.

Umakyat sa bangketa at nagsindi nang yosi, at tuluyang nilakad ang kalyeng halos ilang taon ko na ding dinadaanan.. Ganun pa din ang pakiramdam.. Nakakasawa.

----

Ganun pa din ang eksena ko kinabukasan, sasakay ng jeep, bababa.. magyoyosi at maglalakad pauwi..

Isang bagay lang ang naiba ngayong araw na'to, malayo pa lang napansin ko na ang isang tumpok ng mga numbster sa kanto namin( Numbster = Another term ko sa Gangster, sori po! :P ) Na kadalasan naman ay hindi tumatambay dito.. Habang papalapit nakikita ko ang mga anyo nila.. Mabalasik!

Isang payat at matangkad na ka-tambay nila ang lumapit sa akin.. Na mahahalata mong pwedeng i-reject ni Ai-Ai at Kris Aquino sa PGT, dahil sa pagkahitik ng buhok nito sa langis, na hindi ko alam kung nang galing pa sa middle east.

Ngumiti ito ng bahagya..

..
...
....

Sabay tapik sa braso ko, na nagbigay sa aking kakaibang takot. Isipin mo na lang na may kaibigan kang hindi nakikita ng iba, ganun ang pakiramdam ko.

Binilisan ang aking lakad, upang maka uwi na ng diretso, at baka ma delihensyahan lang ako ng mga parak na'to.

Limang bahay na lang ay ang bahay na aking inuupahan na ang kasunod, na kahit nakapikit ay alam ko kung kailan ako hihinto at kakanan

"Aba! Himala! Naglabasan yata mga soco.." bulong ko sa sarili ko.

Para ka lang naglalaro ng whack-a-mole, dahil sa mga ulo nilang naghahabaan at labas masok na parang pagong. Ang mali lang eh wala kang maso para isa-isahin ang mga ito.

Sa hindi kalayuan natumbok ng aking mga mata ang pinag f-fiestahan ng mga tao sa paligid.. Isang babaeng napakaganda ang nakatayo sa malapit sa aking inuupahan.. Hindi sya mukhang pamilyar, pero kung may bagay man na dapat isipin.. Yun ay sana girlfriend ko sya.. ehehehehe!

At habang papalapit ako malapit sa kinatatayuan nya, Hindi ko maiwasan pero palakas ng palakas ang tibok ng aking dibdib..

Nakatitig..

Namilog ang aking mata nung magkaharap na kami..

..
...
....

"Kumusta Dudes?"

Halos manglaki ang aking mata, sa kanyang hitsura.. Hindi na sya tulad ng dati na medyo may pagka chubby pa ng konti, pina-igsian nya na din ang kanyang buhok, At mas lalo syang gumanda dahil sa brace sa kanyang mapuputing ngipin.

Para syang nag mature ng konti, at ako? Parang ganun pa din.. Parang hindi na kami bagay.. :(

"U-u-uy! Oks lang! I-i-ikaw??" nangangatal kong sagot.

"Im always fine.. Uhm.. Shall we go now?!" matalas nyang sagot.

???

"Bakit? Saan kami pupunta?" bulong ko sa sarili.

Biglang nag flashbacsk sa utak ko lahat ng muntik nang mangyari, nung gabing yun.. Ang kutis nyang ubod ng puti, ang amoy ng kanyang pabango, ang makintab at madulas nyang buhok.. at ang pinaka malupit.. Ang mala anghel nyang mukha.. Oo.. walang iba.. Si Rhea.

Pinukaw ng malambing nyang boses ang aking guni-guni..

"Hindi mo man lang ba ako yayayain pumasok? Kanina pa ako dito.. Ang sakit na ng paa ko" Tinig nyang nag astang bata, ngunit nakaka kilig.

----

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko habang pinupuno ng juice ang baso.

"Nakita kita sa jeep.. yun! Sinundan lang kita ng hindi mo alam.. Hahahaha!" sagot nya.

Wala pa din syang pinagbago sa ugali.. Napaka simple..

"Ikaw? Ano ang nangyari sa inyo ni Kath? Wala na ako nabalitaan matapos ang gabing kasama kita"

Na-shock ako! Hindi ko alam na manggagaling sa mismong labi nya ang mga salitang iyon. Sa madali't salita hindi nya pa din pala nalilimutan ang gabing halos pwede ko nang ikamatay, dahil sa sobrang kasarapan.

"At hindi ka na nagparamdam sa akin! Hindi mo man lang ako tinatawagan!"

Pinagmamasdan ko lang sya habang nag-aasta syang bata, na tila inagawan ng candy. Ang sarap nyang titigan.. Parang gusto ko na syang yakapin at sabihing sobrang na-miss kita..

"Biruin mo sa loob ng isang taon, hindi ko lubos maisip na kasama kita ulit.. At ganun ka pa din! hahahaha!"

Mga ngiting hindi nakakasawang pagmasdan, mga matang bilugan na sa tuwing tumatawa sya ay nagmimistulang xmas light sa sobrang kinang.

"Dudes! Yan kana naman! Hindi kana naman nakikinig! Wala ka talagang pinagbago!"

"AHHHHH!! Ano nga ulit yun??"

"Sabi ko na.. Hindi ka pa din nagbago! Tuwing magkasama tayo lagi kang wala sa sarili!"

"Ehehehehe! Sorry! Hindi ko lang talaga lubos maisip, na kausap kita ngayon.."

Nag iba ang ihip ng hangin.. Nagkatitigan lang kami sa loob ng tatlong segundo, na syang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.. Sya din namang pagbabago ng kanyang anyo. Mahahalata sa kanyang mukha ang kakaibang lungkot.

"Ano nangyari sa inyo?" mahina nyang tanong.

"Wala.. Umalis sya.." sagot ko.

"Ginawa nya sayo yun?" may halong gulat nyang tanong.

"Oo! Hindi naman nakakapagtaka yun, sa tulad ko.."

"Ano ka ba!? Bakit ka pumayag?"

Hindi ako nakasagot.. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi ako pumayag, at pinilit kong lumaban, ngunit kung hindi talaga papayag ang tadhana ay wala ako magagawa.

"Sana hindi na lang kita pinayagan umalis nang gabing yun.."

Nagulat ako sa salitang nang galing mismo sa kanya.. Meron syang pagmamalasakit sa akin na kahit papaano. Sa isang banda, may kapirasong ngiti sa aking labi.

..
...
....

"Dudes.. Alam mo bang matagal akong naghanap ng ganitong pagkakataon, sa isang tulad mo.."

???

"Ano daw?!" bulong ko sa sarili.

Gising ako pero parang nasa gitna ako ng napakagandang panaginip.. Kung pwedeng maulit ang dapat na nangyari nung gabing yun, hinihiling ko ngayon na sana ngayon na iyon.

"DUDES!"

"Waaaaaaaaaaahh!! Anong ginagawa mo dito!!??"

"Aha! May bisita ka pa lang magandang dilag! uuyy!!"

Asar na Vincent! Kung kailan gusto ko nang tumuka ng palay na ginto, ay pumasok pa sya sa eksena.

"Sige! Mauna na ako.. Kailangan ko pang mag ayos ng mga gamit sa bago kong lilipatang bahay.." paalam ni Rhea.

Lintik talaga! Ang pagkakataong binigay ay mistulang naglaho. Ngumiti sya na naglalaman ng maraming bagay.

"Teka! Hatid na kita!" anyaya ko.

"Hindi na! Mukhang may lakad pa kayo ng kaibigan mo.." sagot nya.

"Hindi ko sya kaibigan!" sabay tingin kay Vincent na nanglilisik ang mata.

"Ahahahaha! Nakakatawa ka talaga! Next time na lang.." sagot nya.

Talaga naman! Wala akong nasabing matino, hindi ko man lang sya nakausap ng maayos. Inaasam ko pa naman ang malambot nyang mga labi sa sandaling ito.

----

Hindi ako mapakali.. Alam kong may gusto syang sabihin, batid ko sa kanyang mga mata.

Dinampot ko ang mga baso at ang pitsel na naglalaman ng juice, nilagay ito sa isang tabi.. Nag isip.. Kinuha ang yosi, at bago ko pa ito masindihan, napansin ko ang itim na tinta sa aking palad..

"Saan ko nakuha 'to?"

"Pentel?"

"Sa baso.."

Napangiti ako sa tuwa.. nakasulat sa baso na kanyang ginamit ang kanyang number, bahagyang nabura sa aking pagkakahawak, pero oks lang!

Kwentong Tambay - Chapter 16

Pasensya na sa delay.. : l o l :  : l o l : 


Otor(Author)..

Gaano ba kahirap magsulat? Gaano kahirap gumawa ng isang kwentong sa tingin mo ay maganda, pero hindi naman pala. Paano nga ba isasalaysay? Paano nga ba i-dedeliver? Kasing simple lang ba ito ng mga gawain sa bahay? Sa school? Projects? Assignments? O kasing hirap ng thesis.. Kasing hirap din ba nito ang pag gising ng maaga? At magpakulo ng tubig pangpaligo?

Hindi ako idol.. Hindi astig tulad ng iba.. Hindi kaseng lupit ni Ayekaru. Hindi kasing lawak mag isip, tulad ni idol Bob Ong. At malamang hindi din kasing lalim, tulad ni Boss Panj.

Pero bilang isang manunulat, o taga gawa ng kwento.. Ang mas mahirap na bagay ay yung.. Hindi naiintindihan ng mambabasa ang tunay na nilalahad ng kwento, Ang tunay na nilalaman nito.. Ang lihim na nakalakip dito. Mga sikreto't palaisipan na hindi kayang ilahad, ngunit dinadaan sa sulat. Mga bagay na hindi mabigkas na pilit tinatago, at sinisiksik sa bawat letrang nakalahad.

Reader..

Kapag adik ka ba sa libro at kung anu anong mababasang istorya at kwento, matatawag ka na bang isang reader? Ano nga ba ang tamang term?.. Kapag ako ba ay mahilig sa love story, baduy na ako? Kung sakaling horror? Weird na ba yun?.. At syempre kapag mahilig ako sa mga parental guidance, Avid reader na ba ako ng xerex?.

Nakakabobo lang minsan.. Bakit may otor na mahilig mang bitin ng istorya? Para ano? Para nga ba ka-aabangan ang kasunod? Malamang hindi ko din naiintindihan.. Pilit mang ipaliwanag, hindi ko din maarok ang gusto nilang ipahiwatig. Bakit ganito? Bakit ganyan? Bakit may linya silang hindi ko maintindihan?

Minsan siguro sinasadya nila.. Pero para saan pa? Walang silbi ang istorya kung ang kwento ay hindi maipapaliwanag ng husto.. Hindi naman siguro crossword puzzle o sudoko ang binabasa ko, pero bakit pala-isipan ang nakalahad dito. Mahirap magpakalalim.. Kung wala ka namang utak na kaya itong languyin.


---------------------------------

Dalawangpung beses kong inulit ang salitang "Sorry" sa harap nya. Hindi mabilang na "Please" ang aking pinakawalan. Isang katutak na paliwanag ang pilit kong hinihimay.. At sa hindi nga inaasahan, sa huli.. Ako pa rin ang nasaktan.

Wala ako sa lugar para magdrama.. At malamang nanawa na silang magbasa ng kung anu anong iyakan pa. Kusang loob kong tinanggap ang kinahantungan ng kwentong tambay na aming pinagtampukan. Ang nakakapagtaka lang.. Masakit ngunit bakit parang manhid.

Ito ang mga bagay ng tumatakbo sa isip ko.. Habang pinagmamasdan si Kath, Hindi pa man nangyayari pinangungunahan ko na. Pinanis na ng lungkot ang excited kong pakiramdam.

"Amoy alak ka.. Uminom ka?" malinaw na tanong nya.

"Yun lang kase ang paraan para.."

"Para kalimutan ang problema?" paputol nya.

"Tumatakas ka?" dugtong nya pang tanong.

Hindi ako nakasagot.. Umiling lamang ako, na parang batang pilit tinatago ang report card sa magulang.

"Dude.. ang problema hindi katulad ng alak na pwede kang tumakas at mag pass.."

"Kath linawin mo na ang lahat.." matapang kong sagot.

"Bakit may bagay pa bang dapat liwanagin sa ating dalawa?"

"Kung meron man.. Yun ay ang pagkakamali ko.." sagot ko.

"Nagkamali ka nga ba? O sadyang naging mabait ka lang?"

Hindi ko alam ang isasagot.. Kung sabihin ko mang nagkamali ako, ako ang masama. At kung sumangayon ako sa pangalawa, ay para na rin akong nagbuhat ng sariling bangko. Hanep din pala
mag-isip ang isang ito.. Mahirap sagutin, kahit napakadaling basahin.

"Mahilig ka pala sa bulaklak ng patay" puna nya sa bulaklak na hawak.

Hindi ako nakasagot.. wala sa isip ko ang binibigkas ng kanyang mga labi, gusto kong linawin sa kanya ang lahat, lahat lahat ng nangyari, at nagawa ko.. Sa isang saglit lang.. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon.. Kung sa palagay ko ay makikinig sya.

"Kath.. may pag asa pa bang maging tayo?" walang kwentang tanong na biglang naisip ko.

"Kung magiging tayo, may pag asa bang mahalin mo ako?" balik tanong nyang napakalinaw.

"Kailangan ko pa bang sagutin ang bagay na alam kong, alam mo na din?"

"Kung sa palagay mong alam ko na ang sagot, eh bakit naitanong mo pa ang bagay na yan?" malinaw nyang sagot.

Hindi ko alam.. pero biglang bumilis ang tibok ng aking puso, nag aagawang pakiramdam.. Hindi ko napigil ang ngiti sa aking mga labi. Parang ayaw ko nang umalis pa sa kinalalagyan. Parang ang tingin ko ay ending na ng endless love at hindi mamamatay si jenny.

Sumasayaw ang puso ko sa tunog ng gitara, na kahit wala sa tono, ay bumawi naman sa tyempo.. Korni na sa korni, pero wala na yatang kokorni pa kapag ganito ang pakiramdam.

Niyakap ko sya ng mahigpit.. Pinaramdam ko na kaya kong tumbasan ang kanyang hinihiling.. At lalo pa itong higitan. Bumulong sya nang mahina.. Ngiti lang ang sinagot ko.. Sa sandaling ito, wala na yata akong hihilingin.. Ganito yon.. at malamang, ganito din ang kalalabasan.

...
....
.....


"Ma-mimiss kita Dudes.." bulong nya.

Nanglamig ang buong katawan ko.. At hindi ko namalayan ang pagbagsak ng kanyang mga luha.. Sinipa ko ng ubod lakas ang aking utak, upang hindi ito tuluyang mag-hang..

"Bakit? San ka pupunta?" tanong ko.

"Gusto ko nang magpaalam sayo.." sagot nya.

"Gusto na kitang kalimutan.." dugtong pa nito.

!!???

"Anong ibig mong sabihin?" mahina kong tanong.

"Paano na tayo?" dugtong ko pa.

..
...
....

"Wala nang tayo.. At wala nang mangyayari pang ganun.." sagot nya.

Malinaw ang kanyang pagkakabigkas, pero malabo at blurred ang dating sa akin.. Hindi ko maintindihan.. Isa lang ba itong pakwela nya? Isa lang bang laro na napakahirap sagutin? Hindi ako makasagot.. Hindi ko alam ang susunod na tira sa larong chess, ganitong hindi ko din alam kung nasaang sitwasyon na ba
ang nangyayari ngaun sa harapan ko.

Napansin ko ang gamit na naka-impake malapit sa kanyang kama.. Palatandaan na hindi sya nagbibiro. At tulad ng inaasahan, hindi pa din ako naniniwala. Walang dahilan para iwanan nya ako.. Siguradong hindi nya kayang gawin ang mga bagay na kanyang sinasabi.

---------------------

"Kath.. Saan ka pupunta? Pakilinaw sa akin ang lahat.." pagmamakaawa ko sa kanya.

Tumungo sya bago tuluyang maglahad.

"Aalis na ako Dudes.. At ikaw ang dahilan.." paliwanag nya.

!!???

"Ako?!?"

"Nagbibiro ka lang hindi ba?" tanong ko.

"Wala na akong dapat pang ipaliwanag sa iyo Dudes.. Kaya please lang.. Umalis kana ngayon.."

malinaw nyang sagot.

Walang ekspresyon.. Plain.. Pahiwatig na hindi sya nagbibiro, at siguradong seryoso. Pero.. Pero hindi ko pwedeng hayaang ganito.. Nasa akin pa din ang alas, Hindi sya pwedeng magdesisyon ng bagay na alam kong hindi nya kayang gawin sa akin.

"Hindi ako aalis! Dito lang ako hanggang sabihin mo sa akin ang dahilan.." matapang kong sagot.

...
....
.....

"Gusto mong malaman?"

"Hindi kaba nagtataka kung bakit hanggang sa ngayon ay wala pa din akong sagot, sa mga paghihirap mo?"

"Dudes.. Simple lang.. Ayokong pagsisihan mo ang mga bagay na'to sa huli. Wala kang mapapala sa akin. Nagkamali ako nung panahong inamin ko sayo lahat.. Yun ang bagay na hindi ko pwedeng pigilan, dahil yun ang nararamdaman ko.. Hindi ako pwedeng magsinungaling sa sarili ko, at hindi aminin sayo na mahal din kita.."

"Pero.. Pero kahit anung bagay ang pilit kong isipin, na pwedeng maging tama sa atin.. Hindi din pala tutugma.."

"Balak ko nang sabihin lahat ng 'to sayo.. Matagal na, at ang date natin kanina ang magandang bwelo para sa akin.."

...
....
.....

"Sana maintindihan mo ako Dudes.. Hindi ako ang para sayo.. Hinding hindi ka magiging masaya sa akin, alam mo yan.. Huwag mong sayangin ang nararamdaman mo para sa akin, ibigay mo ito sa iba.. Magsisisi ka lang, at maiisip mo ang lahat sa huli.. Yun din ang mga bagay na hindi mo na maibabalik."

"Kaya.."



"Please lang.."



"Umalis kana.."



"Dudes..."

--------------------------

"Yun ba.." mahina kong sagot, sa napakahabang paliwanag nya.

Batid ko sa kanyang hitsura ang pagtataka, kung bakit ganun lamang ang naisagot ko.

"Yun lang ba ang dahilan Kath?" dugtong ko.

"Kung yun ang dahilan para lang iwasan ako..

...
.....
.......

"Gago na ako kung sa gago.."

"Pero.. Magpapaka-gago na lang ako, para lang sayo."

Hindi ko alam kung bakit nga ba ganun ang naisagot ko.. Wala na sigurong oras para mag-isip ng magandang linya, Hindi naman ako ganun kagaling sa dramahan.. Sinabi ko lang ang pumasok sa utak ko, at malamang ang sya naring nararamdaman ko.

"Pasensya na Kath.. Pero hindi ko kayang gawin ang hinihiling mo.." dugtong ko pa.

"Ang layuan ka.. Yun ang bagay na hindi ko kayang ibigay sayo.."

Napansin ko ang ngiti sa kanyang mga labi, nagbibigay sa akin ng lakas ng loob. Kakaibang pakiramdam.. Hindi ko talaga maiwasan, pero sa tuwing nakikita ko ito sa kanya, hindi ko na din maiwasan pang hindi sya titigan. Parang passive skill.. Yun nga lang nasa highest rate na ito, at malamang lvl4..

Si Karnabal o mas kilala ko sa pangalang Katherine ay aking kababata, hiwalay ang magulang. Mag-isa sa buhay, walang kaibigan, at paiba-iba ng syota na umuuwi sa kanyang bahay,
at umaalis din kinabukasan.

Sa ganitong paraan ko sya tignan dati.. Na ngayon ay pilit kong binubura sa utak ko, Hindi pala talaga pwedeng gawing basehan ang nakikita mo, pagdating sa pag-ibig. Hindi na pala gagana ang buyo, kapag tinamaan ka..

"Salamat Dudes.." sagot nya.

...
....
.....

"Pero.. huli na din ang lahat.."

"S-sorry.."

Sinundan ito ng hikbi, at tuluyan nang nauwi sa iyak.. Yakap.. Yakap lang ang tanging nagawa ko. Wala akong kayang gawin sa ganitong sitwasyon.. Pinakita nya sa akin ang kanyang plane ticket, at lahat ng dokumento na kailangan sa kanyang pag-alis..

"Mahal kita Dudes.. Pero huwag kang magdalawang isip na gawin ang dapat, sakaling dumating talaga ang para sayo.."

----------------------

Hindi ako veterano pagdating sa paalam, at kung anu ano pang goodbye ceremony, tulad ng nakagawian noong high school, wala na lang pansinan.. Kung tutuusin wala din naman namagitan sa amin. No string attached kumbaga, walang commitment.. Basta wala na lang..

Masakit para sa akin, pero wala naman talagang magagawa.. Hindi naman pwedeng palagi akong nasusunod sa mga bagay na ninanais ko. At hanggang sa araw, oras, at minuto ng kanyang pag-alis, hindi ako nagparamdam.. Hindi ako nagpakita, walang txt o tawag man lang.. Walang pahiwatig, at kahit e-mail at sulat ay wala akong balak ipadala sa kanya.

Hindi ako bitter..

Umaasa lang ako na sa pagbalik nya, ay meron pang himala na magaganap..

Natagpuan ko ang sarili kong mukhang tanga.. Araw araw wala akong ginawa kundi bilangin ang itim at pulang numero sa kalendaryo. Ganito pala kahirap.. Pero tulad ng sinabi ko..

Wala akong magagawa..

---------------------

"Dudessssssssssssss!!!"

Sinilip ko ang lalakeng tumatawag sa akin mula sa bintana ng aking inuupahan. At tulad ng inaasahan.. Si Vincent, ang tropa kong sobrang loyal sa akin.. Bitbit ang bola na pang basketball, sinenyasan nya ako na tipong nagyayayang maglaro.

"Sira talaga ulo nito.." bulong ko sa sarili.

"At kailan pa ako natutong magbasketball.."

Bumaba ako, hindi para pagbigyan ang gusto nyang mangyari, kundi para masilayan man lang ng araw ang aking mga balat, Na sa tingin ko ay kinukulang na sa Vitamin E.

"Balita pre?" tanong agad ni Vincent sabay abot ng yosi.

Sinindihan ito.. Humithit at bumuga.

"Ayos lang.." mahina kong sagot.

"U-Uhm.. sa kanya anong balita?"

"Kay Kath? Ewan.. Wala akong balita.." sagot ko.

Kibit balikat lamang ang sinagot ni Vincent sa akin, halata sa kanyang hitsura ang pagkadismaya sa aking sagot.

"Shot?"

"Pass.."

"Nakakapanibago.." bulong ni Vincent.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi typical na huwebes.." sagot nya.

Bigla kong naalala na ngaun pala ang update ng inaabangan kong manga na Bitter Virgin. : h m m :  : h m m : 

Kwentong Tambay - Chapter 15

One day you'll look to see I've gone, For tomorrow may rain, so I'll follow the sun.



Gaano nga ba kahirap? Tanong ko sa sarili..

Mahirap nga ba? Nakakalungkot nga ba talaga? Dugtong kong tanong sa sarili.. Sa dalawang taong kontrata, Ano ano nga ba ang aking mamimiss sa pinas? Hindi pa man nakaka alis, Sobrang daming bagay na ang gumugulo sa aking isipan. Anong klaseng pakikisama, anong klaseng pamumuhay, at anong klaseng istilo ang aking gagawin.

Panigurado sa 23 taon kong pananatili sa bansang pinas, marami akong maiiwan at marami akong hindi masisilayan. Paano nga ba mag pasko sa ibang bansa? Paano din ba ang New Year? Parehas lang din ba? Naalala ko ang mga status ng mga tropa kong OFW sa FB. Iba daw talaga ang pinas.. Tulad ng madaming bagay.

Mamimiss ko ang.. Alley 1, ang Backside, ang Vergara, ang ilalim ng sementeryo, ang Exit way.. Park sa ilog, 42 riders club, si Bananaman, si Vincent.. Pagbalik ko kaya bum pa din sya? Ang Ycarruz.. Ang love team na Rjay at Kris Anne.. Si Francis.. Si Amaya.. At syempre.. Si bLueTwo..

Pero kahit ganun.. Saan mang sulok tayo ng mundo.. Iisang langit pa din ang ating tinitignan at tinitingala.. God Bless the internet na lang.. :(

-----------------------------------------


Sa mga sandaling ito, parang gusto kong mag evaporate sa kanilang harap, O di naman ay biglang mag shrink na kasing liit ng langgam.. Hindi! Mas maliit pa.. Yung tipong hindi na nila ako makikita. Hindi ko alam ang idadahilan.. Parang autocast at passive skill lang.. Automatic naging sinungaling ako sa harapan nya.

Pansin ko din ang kakaibang ngiti ni Edgar na parang pulitikong nanalo sa pamamagitan ng daya. Natuyo na ang laway sa aking bibig na dapat ay kanina ko pa nilunok.. Wala.. Olats! Lagpak ang grade kong nakuha sa isang exam na pang grade 2 lamang.

"Dudes.. Bibigyan kita ng pagkakataon magpaliwanag.." Pauna ni Kath.

"Totoo lahat ng sinasabi nya.." Paglalahad ko habang nakaturo sa direksyon ni Rhea.

"Pero.."

"Pero ano?!" Paputol ni Kath.

"Pero kaibigan ko lang sya, at wala kaming kahit ano!" paliwanag ko.

Hindi na napigilan pa ang emosyon na kinikipkip, Hindi na napigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mata. Sa mga sandaling iyon.. Walang ibang pwedeng sisihin kundi ang aking sarili. Walang pwedeng maging dahilan ng lahat kundi ako..

"Tara na Kath.." anyaya ni Edgar.

Wala na akong salitang narinig, ni walang emosyon pang nakita, tahimik syang naglakad papalayo sa akin.. Na sa tingin ko ay talagang malayo. At wala akong nagawa para pigilan sya..

"S-Sorry.."  Lahad ni Rhea.

"Wala ka namang kasalanan.." sagot ko.

Tumalikod ako at naglakad papalayo.. Walang direksyon.. Hindi alam ang pupuntahan, hindi alam kung saan liliko.. Gulong gulo ang aking utak na kahit walang laman ay pinipilit umandar.

"Dudes, hintayin mo ko.." habol ni Rhea.

....
......
........

Sa parking lot ako napadpad.. Dito ako dinala ng aking katangahan. Nagsindi ako ng yosi at tuluyang nagpahangin.. Tinititigan ko kung saan nga ba liliko ang mga sasakyang aking natatanaw.. Kung hihinto ba sila, O didiretso, Kung papasok ba ng parking lot ng mall. Labas masok lang sa tenga ko ang ingay ng kalsada.

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ni Rhea mula sa aking likuran.. Ramdam ko ang init, at laki ng kanyang hinaharap.. Pero walang panahon para mag-isip pa ng masama. Emo-emohan ang drama so dapat seryoso..

"Hindi ko alam na may ibang lakad ka pala.." paliwanag nito.

"Kasalanan ko naman bakit hindi ko agad sinabi sa iyo.." sagot ko.

"Puntahan mo sya.. Habulin mo.."

"A-Ano naman sasabihin ko.." sagot ko.

"Sasamahan kita at ipapaliwanag natin ng maayos ang lahat."

"Hindi naman ganoon kadali.."

"Eh ano? Tatanga ka lang dito?" tanong nya.

Natahimik ako, gusto ko pero may bagay na pumipigil sa akin.. Parang na-stun ako ng limang beses o mas mahigit pa..

Nadinig ko ang busina ng sasakyan mula sa aming likuran.. Nilingon ito, at walang ibang sakay kundi si Edgat at si Kath. Nakatungo lamang si Kath, Habang nakangiti naman ang loko.

"Kath!" sigaw ko.

Lalapit na sana ako.. nang pigilan ako ni Edgar..

"Tapos na Dudes.. Sinabi ko naman sayo na huwag mo syang pababayaan.. Hindi ka nakinig.." tinig ni Edgar na may halong galit.

Inarangkada ang auto at muntikan pang masagasaan ang aking paa. Napakamot na lang ako sa ulo, na halos matanggal lahat ng aking dandruff. Dismayado at inis.. Syet! Napamura ako sa sobrang galit..

-----

Rhea's house.

"Maupo ka dyan Dudes, relax ka muna.." pauna ni Rhea.

Naupo naman ako at ginala ang aking mata sa paligid ng bahay, may kalakihan ang kayang bahay. Sala pa lang eh mas malaki na sa kwartong inuupahan ko.

Matapos ang limang minuto.. Lumabas si Rhea mula sa kwarto. Nakapang bahay na ito, at halata sa postura ang kaseksihan.

"Gusto mo ng juice?" alok nito.

"Hindi.. Okie lang ako.." sagot ko.

"Beer?" tanong ulit nito.

At dahil hindi mapagkakaila na ako'y badtrip, at sa lahat ng problema ay alak lang ang kasagutan..

"Sure!" masigla kong sagot.

"Hintayin mo ako ha.." paalam nito.

Tuluyang lumabas ng bahay, at malamang dumiretso sa malapit na tindahan.

Hindi ako mapakali sa pagkakaupo.. Tinignan ko ang aking cellphone, nag aabang na sana magtxt man lang si Kath.. Pero dahil walang mapapala sa paghihintay. minabuti ko na lang na mauna na.

Kath, sori! Hindi ko talaga sadya!

..
...

Message sent.

-----

"Nainip ka ba?" bati ni Rhea na may bitbit na serbesa.

"Hindi naman.. Nalibang din ako kakaikot ng mata.." sagot ko.

"Hahaha! Mabuti naman at nakakapag biro kana.." pansin nito.

Ngiti ang ang naisagot ko, tumabi sya sa akin.. At sabay naming binuksan ang bote ng alak. Napabuntong hininga bago tuluyang tumagay.. Hayaan nang malasing ang bawat isa.. Hayaan nang magpakalunod sa alak, at tuluyang ipa-agos ang problema. Kung alak lang talaga ang sagot sa bawat problema.. Mawawalan ng trabaho si Papa Jack, Wala na ding epek ang crystal ball ni Madam Auring, At malamang hindi na mabenta ang online dating.

Sige lang!

Alak lang!

Tagay pa!

Paulit ulit kong kinanta sa videoke ang kantang "Beer" ng Itchyworms, ngunit bakit ang score ko ay hindi umaabot ng 75? Pero sa tuwing kinakanta ko ang "Every rose has it's torn" ng Poison, eh binibigyan ako ng 89 na grado. Nakakaloko.. Lasing na yata ako.. At hindi ko na din napansin na naka-akbay na pala ako kay Rhea.

Nakakunot noo syang nakatitig sa akin.. At sa sobrang hiya hindi ko alam kung paano ko naman tatanggalin ang naipit kong braso. Pulang pula na ako na parang kamatis sa kahihiyan.. Matapos ang eksena namin ni Kath sa mall, ay heto na naman akong napaka careless sa bawat galaw.

"Are you enjoying this?" nakapanglalambot na tanong ni Rhea.

At hindi ko alam ang isasagot ko, bagamat naghalo na ang alak at ang aking dugo.. Nararamdaman ko ang init sa aking katawan, na parang naka mode on ang aking pagkalalaki.

...
.....
.......

"Nag-eenjoy ka ba Dudes?" ulit pa nyang tanong.

"Saan ba?" Nakakunot noo kong tanong.

"Dito sa ginagawa natin? Itong kantahan natin at inuman.. Ano bang iniisip mo?" sagot nya.

"Wala kna naman ba sa sarili?" dugtong pa nito.

Napangiti lang ako at wala pala sa plano ang iniisip ko.. Dapat hindi ganito, dapat mangingibaw ang pag-ibig ko kay Kath.

------

"Kalimutan mo na sya Kath.." siwalat ni Edgar.

"Mahirap ang sinasabi mo.. Hindi naman ganun kadali.." sagot ni Kath.

"Ibig sabihin na kahit alam mo na ay okei lang sa iyo?" tanong ni Edgar.

"Hindi sa ganun.."

"So kalimutan mo na sya.."

"At sasabihin mo sa aking ikaw na lang?" maliwanag na tanong ni Kath.

-----

Wala nang alak at paos na ang boses ko kakahagod sa mga kantang hindi ko naman maitama ang tono.. Napansin kong mahimbing na ang tulog ni Rhea, na halata sa kanya ang sobrang pagkalasing.. Dinampot ko ang aking mga gamit.. Hindi ko na lang sya gigisingin upang hindi na din sya maistorbo.

"Dito ka lang Dudes..." pigil ni Rhea ngunit nakapikit ang mga mata.

"Samahan mo muna ako.." dugtong pa nito.

"Rhea.. Lasing kana.." mahina kong sagot.

"Iiwan mo ba ang isang babaeng walang kasama?" tanong nito.

Lasing ba ito? O naglalasing lasingan lang? Bagay na gusto kong itanong sa kanya.. Hindi na sana ako sasagot pa at tuluyan nang aalis nang pigilan nya ang aking kamay. Hinatak ako pababa tungo sa kanyang tabi..

"Dito ka lang.. Pakiusap.." bulong nito sa akin.

"Rhea please.. Kailangan kong kausapin si Kath.." paliwanag ko.

"Kath! Kath! Puro na lang si Kath!" boses na may halong inis.

"Eh hindi naman pwedeng Rhea lang.." pabiro kong sagot.

Sabay batok sa akin.. Aray! Aba! Loko ang isang ito.. Walk out na sana ako, nang bigla nyang halikan ang aking mga labi.. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, kusang nanatili ang aking katawan.. Hindi ako makawala.. Lalong tumatagal ay lalong nag-iinit ang aking sikmura. Dahan dahang nabura sa isipan ko si Kath.

Sinabayan ko ang bagay na gusto nya.. Tulad ng sabi ng iba.. Lalaki lang ako! Mahina sa temptation.. At kahit nilalabanan ng isip ko ang nangyayari, Pilit at higpit na pinipigilan ito ng aking pagkalalaki.

Blangko na ang lahat.. Kusa nang gumagalaw ang aking katawan. Nanaig ang hindi dapat, at nanatili ang hindi maipaliwanag na pagnanasa.

Gisingin nyo ako..

Nag ring ang aking phone, na nagbigay at nagbalik sa aking katinuan.. Dali dali kong sinuot ang aking damit. Nagulat ako sa caller at hindi inaasahang tatawag sya sa akin.

"Kath!" mabilis kong sagot.

"Nasaan ka? Gusto kitang makausap.." mahina nyang boses.

"Sige saan tayo magkikita?" tanong ko.

"Dito na lang sa bahay.. Hihintayin kita.."

Sabay baba ng linya.. Nakatingin lang sa akin si Rhea habang inaayos ang aking sarili. Batid sa kanyang hitsura ang pagkadismaya.

"Rhea.. I'm sorry.. Mahal ko si Kath.."

"Alam ko.." sagot nya.

"Go ahead! Baka naghihintay na sya sayo.. Huwag kang magpapalate ha!" nakangiti nitong sagot.

"Thanks!" masigla kong sagot at tuluyang umalis.

"Mga lalaki talaga.." bulong ni Rhea sa sarili.

Kasunod ang isang malalim na buntong hininga.

-----

Sa hindi maipaliwanag na saya parang gusto ko nang bumilis ang oras. At syempre para cute ang dating ko na parang telenovela ang banat, naisip kong bumili muna ng flowers. Ngunit sa mga oras na ito wala na siguro akong madadaanan na bukas. Hindi pa din ako nagdalawang isip na silipin kung meron pa ngang bukas.

Pagdating sa lugar, basa ko ang malaking karatula sa shop na "Sorry We're Closed!", at tuluyang nagdesisyong dumaan ng sementeryo.

"Brad! Pahiram muna nito ha.. Ibabalik ko din sya sayo.. Pangako!" paliwang ko sa puntod.


Pawisan ako at kabado.. Pero may halong excite.. Sa harap ng bahay ni Kath, bitbit ko ang bulaklak na galing sa isang puntod sa sementeryo, Kinatok ko ang pinto. Bumukas ito at lumantad ang maamong mukha ni Kath.

"Pasok ka.." pauna nito.

"Kath! Sorry.." sabay abot ng bulaklak.

"Salamat dito.. Pumasok ka muna at may pag-uusapan tayong importante."