TEENAGE CAPPUCCINO - This troublesome girl (Chapter 2)
"Bakit malungkot ka?"
"..."
"May problema ba?"
"..."
"Next week ko na lang ibibigay ng buo allowance mo.."
"Hindi yun ma.."
"Eh, bakit ganyan kahaba ang nguso mo?"
"Malas ba ko sa babae ma?"
"Sa tingin ko.."
"Oo!"
...
"Ewan ko sayo ma.."
Gabi na, at oras na ng hapunan, naging ugali na namin ni ermats na palaging sabay kumain. Ano pa nga ba at dadalawa na lang kaming magkasama sa buhay.. Madalas naming usapan sa hapag kainan ang tungkol sa school, at mga babae sa campus.. Alam nya namang hindi ako gaanong malalapit sa mga babae sa campus, dahil ni-isa eh wala akong nabitbit sa bahay, na pwede kong ipagmalaki sa kanya.
Naging ugali na din namin, na pagusapan ang mga nakaraan.. At hinding hindi mawawala dito si erpats. Kumbaga para syang kanin, na hindi pwedeng wala sa hapag kainan..
"Noong magbata pa kami ng papa mo, madalas nyang sabihin saking.."
"ANG MAGIGING ANAK KO ANG TAGAPAGMANA NG AKING TRONO!" pagsabay ko sa kanya.
"Ma.. ilang beses mo nang ikinuwento yan.."
"Sigurado sasabihin mong.."
"Parang babangon si papa sa hukay, kapag nalaman nyang ang binata nya ay wala pang girlfriend hanggang ngayon.."
"Tama! At kailan ka ba magdadala aber?"
...
"Ewan ko sayo ma.."
Yan ang lagi kong sagot, kapag dumadating ang oras na ako ang nasa gitna ng bagyo.. Kapag ako ang nasa mata ni ermats, at ang usapin ay patungkol sa pagsyosyota ko, ay kasing lawak na nito ang usapin tungkol sa RH bill.. Hindi matapos tapos, at laging kontrobersyal.
"Sige ano na lang yung problema mo?"
"..."
"Diyos ko, nahiya pa ang binata ko.."
"..."
"uhmm.. ganito kasi yun.."
---------
Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagising ng maaga, na dapat ay kadalasang alas siyete lang ng umaga.. Pero sa araw na 'to himalang nagising ako ng alas sais.
Maaga pa at bumaba na ako, para magpainit ng tubig.. Hindi para pang kape.. kundi pang bantaw sa malamig na tubig na galing sa gripo.
Maaga din nagigising si ermats, para maghanda sa cafeteria, at dahil madami na kaming costumer sa umaga, ay wala na syang oras para mag almusal.. bagay na gawain ko naman bago ako pumasok, ay ipaghanda sya.. ang sweet namin hindi ba? kung hindi ako magiging sweet sa kanya, eh baka wala nang maging sweet sa kanya. ang gulo..
Tortang talong ang peborit nya, kaya yun ang agad kong niluto.. pero dahil wala akong talong na nahagilap, ay nagprito na lang ako ng itlog..
...
"Ma, alis na ako!"
"Kumain ka na ba?"
"Tapos na po, kain ka na.. nagluto ako para sayo.."
"Salamat nak, sige na at malate ka pa.."
Sabay tingin sa orasan na katabi ng picture ni erpats.. (Sigh!) alas siyete pa lang.. ito dapat ang oras ng gising ko, pero dahil may excite akong nadarama ay agad na akong pumasok.
-------
Maraming bagay ang agad na tumakbo sa isip ko, habang hinahakbang ang aking mga paa sa baitang ng pinakamalaking gusali sa aming campus. Hindi nakaligtas ang eksena kahapon namin ni Sophy sa cafeteria, kung saan ay ginawa kong exotic ang special naming cappuccino.
Muntik nya na akong sampalin sa inis, batid ko sa namumula nyang hitsura.. Kulang na lang ay ihagis nya sa akin ang kape. Dagdag pa ang malalakas na tawa ni Richard na talagang nagpahamak sa akin.
...
Panay pa din ang bulong ko, habang papalapit na ako sa kwarto.. Abot kamay ko na ang pintuan, na sana ay bubuksan ko na..
Bigla itong bumukas bago ko pa man ito maabot..
..
...
....
"Ah! Ah-a-ah.."
"Good morning!"
Si Sophia ang unang estudyante na naabutan ko sa loob ng kwarto, mas maaga pa sya sa akin, at sa kadahilanan ay hindi ko na alam..
"Mabuti dumating ka!" Pasigaw nyang bati.
"Bakit?"
"Hindi ako mapakali ng walang kasama.."
"Huh?"
"(Sigh) Ibig sabihin, natatakot ako sa kwartong 'to!"
"Teka, wag mo ako sigawan.. 16 pa lang ako, at maliwanag pa ang aking pandinig"
Natawa sya sa akin, at hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko'y maganda ang mood nya ngayon, at nakalimutan nya na ang nangyari kahapon.
"Tara! Samahan mo ako!" sabay hila sa aking kamay.
"Teka, dahan dahan.."
..
...
....
"Bakit dyan ka umupo?"
"Eh, dito ang pwesto ko diba?"
"Sana'y ka sa tabi ng basurahan?"
"(Asar) Hindi, dito lang ako nilagay ng adviser natin"
"Masyado ka namang masunurin.."
"Eh, bakit ikaw? Nandyan ka? Hindi ba dito ka nakaupo?" habang tinuturo ang pangalawang silya sa kanan.
"Kahapon lang yun!"
Minsan nakaka-asar din pala ang ugali ng mga magaganda, pakiramdam nila'y lagi silang special sa lahat ng bagay. Pero ang isang 'to ay kakaiba, bukod sa napaka stubborn na ugali ay saksakan pa ng sungit.. Bagay na hindi naayon sa maganda nyang mukha.
Tahimik ako, habang iniisa isa ang aking mga notes, hindi pala ako somekind of bookworm or kahit ano pa man.. Talagang masipag lang ako mag-aral, bagay na kinatutuwa ng aking ina, na syang kina-aasar naman ni Richard.
"Ano meron sa araw na 'to?"
"..."
"Tinatanong kita Robert.."
"Exam.."
"Ahh.. Sa panglimang araw?"
"Oo.. mag-review ka din.."
"Ako? Bakit? Wala pa nga ako natututunan.."
"(Sigh) 'to notes ko.. Basahin mo.."
"No need.. I think I can make it.."
Hindi lang pala sya suplada, moody, sinalo nya din lahat ng kayabangan sa mundo.
"Bakit ang aga mo?"
"Maaga ako nagising.." bagay na talaga namang hindi ko gawain.
"Ikaw?"
"Maaga din akong nagising.. chineck ko kung saan ang locker ko"
"Ikaw? saan ang locker mo?"
"32.. number 32"
"Bakit magkatabi yung satin?"
"..."
"Alphabetical.."
"Oh? Ano naman?"
"Ibig sabihin, M ang last name mo, at M din ang sakin, kaya siguro ganun.."
"Aha.."
..
...
....
"May atraso ka pa sa akin hindi ba?"
Akala ko'y limot nya na ang lahat, pero bigla ako namula ng hindi ko namalayan.. Pakiramdam ko'y wala na akong masasagot sa mga susunod na tanong nya. At bakit nga ba matanong ang babaeng 'to, isa na namang minus points sa katulad nyang ubod ng ganda. Para akong may girl-o-meter sa lagay na 'to.
"Sorry for that.."
"Sorry? Tingin mo ganon lang yun?"
"You have to do something, para makabawi ka sa akin okei?"
Aba! Napakademanding ng isang 'to.. Asar! Naiinis na talaga ako.. Nakaisip ako ng magandang topic, para ibaling ang kwento.
"Bakit ka nagtransfer?"
"Long story.."
"Huh?"
"Mahabang kwento sa tagalog.."
"Alam ko.. Ibig kong sabihin, bakit kung kailan last year na ng high school, tska ka lumipat ng school?"
"Teka nga! bakit ba ang ang dami mong tanong?"
Sa tingin ko isang beses lang ako nagtanong, sya ang itong kanina pang nangungulit sa akin. Hindi na ako sumagot, at baka magbago lang ang ihip ng hangin.
Ngunit napansin ko na lang ang kanyang kakaibang katahimikan.. Na parang tinamaan sya sa tanong ko. Bagay na napaisip ako ng wala sa oras. Ano kayang meron? Ano ang sa dako pa roon?
"Okei ka lang?"
"..."
"Sophia?"
"..."
"No.."
"I'm not okei.."
Garalgal ang kanyang boses, nagulat ako sa mga sumunod na reaksyon nya. Sa tingin ko ay forbidden ang tanong na yun sa kanya, or baka may something lang na hindi ko na dapat malaman.
------
Natapos ang apat na subject, hudyat para magrelax, at maghanda sa darating na exam. Sa canteen kung saan, yung peborit naming tambayan ni Richard ay dun ako dumiretso.
"Brad! Dito bilis, may bakante pa!"
Agad na bungad ni Richard sa akin.
"Dito ka! Naglaan talaga ako ng upuan mo ha!"
"Loko! talaga naman walang umuupo dito, kundi tayo lang.."
"Hahaha! hindi naman porket katabi na naman 'to ng basurahan, ay wala nang uupo dito"
"..."
"Brad-pit, kumusta kayo ni Sophy?"
"Okei lang.. Sabi nya lang kailangan ko daw bumawi sa kanya.."
"Talaga? Ayus yun! Galingan mo!"
"Speaking brad.." sabay yuko ng ulo ko.
"Nasaan?"
"Saan sya?"
"Huwag ka nga maingay! yun lang sa diretso.."
"Ang talas mo brad.."
Sa nakapusod na buhok, at labas ang maputing batok, ay talaga naman walang lalaking hindi hihinto para lingunin sya. Sa pinaghalong masungit at maamong mukha, kahit sinong lalaki ay wala nang hahapin sya, isa syang solid 10. malabo syang mapunta sa akin na isang solid 5.. maybe 4.
Dumiretso sya sa counter, umorder ng kanyang meal at tska dumiretso sa pinakamalapit na table. Isang estudyante ang agad na tumabi sa kanya, sa tindig, porma, at dating ay wala nang iba kundi si Martin Ace.
...
Pansin sa hitsura ni Sophy ang agad na pagkadismaya, batid kong kinukulit sya nito, bagay na wala naman akong pakielam..
Sana..
--------
"Hi! Martin is the name.."
"..."
"Okei lang ba kung dito ako kumain sa tabi mo?"
"Pwede!(smile), kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng NO"
"(Ubo)So it's a no?"
"Pasensya na po.. Pero mas feel ko mag-isa.."
"Sungit mo naman yata Ms. Newcomer"
"At kailan ba nangyaring, hindi pwedeng magsungit ang newcomer?
..
...
.....
"Brad pit! tingin ko pagkakataon mo na para makabawi kay Sophy.."
Ako naman na syang abala sa pagkain, ay biglang natigilan.
"No way brad! hindi ako ganon kahibang.."
"Bilisan mo! Pogi points yan! bilis!"
"Tumigil ka brad, hindi ko gagawin yang iniisip mo.."
Huli na ng malaman kong nakatingin si Sophy sa direksyon namin, at bagay na kinagulat ko nung tumayo sya, at walang paligoy ligoy na naglakad papalapit sa amin.
Here goes nothing.. Bagay na agad na nanguna sa isip ko. Panigurado mapapa-away kami ng wala sa oras. Si Martin yung tipong pikon, lalo na sa ganitong bagay.. So expect a war..
Walang anu-ano ay umupo sya sa tabi namin. Tahimik lang ako, at nakangiti si Richard, habang inaasar sa tawa si Martin. Pakunwari na lang ako na parang wala akong alam sa nangyayari.. Hindi ako yung tipong mahilig sa ganitong eksena.
"Hi Robert! Hindi ba may atraso ka pa sa akin?"
"So.. can you rid of this guy named Martin?"
"Sophy, pwede bang sa ibang paraan na lang?"
"What a coward guy.. (Sigh)"
Hindi ako nakasagot.. Hindi naman kasi ako yung tipong tagapag-ligtas ng mga nababastos na babae. Papalapit na si Martin sa pwesto namin.. at hindi ko na alam ang gagawin. Sa buong high school life ko, ngayon lang yata ako mapapa-away.
"Ito pala mga friends mo Sophy.."
"No! we're not--"
"Oo! At kung may problema ka dun, si Robert na ang sasagot sayo.."
Anak ng-- At bakit ako? Mas mainam sana kung si Richard na lang ang sinabi nya. Mahilig din ako maglaro ng WWF sa PS, pero sa tingin ko hindi ko magagawa ang game strategy sa totoong buhay.
"Totoo ba yun Robert? At ano naman isasagot mo?"
"Actually.."
"Huh? Hindi kita madinig.."
"Martin, pwede.."
"Lakasan mo pa ng konti.."
"Martin, pwede wag mo syang sundan?" sagot agad ni Richard.
Minsan kahit may pagkasiraulo si Richard, ay sya pa din ang tropa ko, hindin hindi nya magagawang ipagkulolo ako sa iba. Ganun din ako sa kanya, bagay na ikinatutuwa ko sa kanya, ay yung tipong kaya nya akong ipagtanggol sa ganitong mga bagay, pero hindi yata ngayon.
"Ano?"
"Hindi mo narinig si Robert? Sabi nya! Pwede wag mo sya sundan!" panglalaglag ni Richard.
Patay na, napasubo na ako.. Halata si mukha ni Martin ang pagkapahiya sa mga tao. Namula sya, at parang kamatis na sasabog..
-----
Tapos na ang klase.. Nakapasa naman ako sa exam, at alam kong matutuwa si inay. Habang naglalakad ako palabas ng campus, nakayuko ang aking ulo.. Ayokong may makakita ng malaki kong blackeye sa mukha.. Oo! Resulta 'to ng pagsuntok sa akin ni Martin, at duwag daw ako dahil hindi man lang ako lumaban.
Dedma lang si Sophy, at parang wala syang pakielam sa nangyari, yun ang bagay na hindi ko matanggap..
"Bag check! ID check for schedule!" sigaw ng guard ng campus, habang nakapila ako papalabas ng gate..
Pangalawa na ako sa susunod, kinapa ang aking ID, at inihanda para sa checking..
Matapos ang limang minutong paghalungkat at pagkakalat ng guard sa bag ko, ay dun pa lang ako nakalabas. Nakayuko pa din ang ulo..
..
...
....
Tumayo ako sa harap ng tawiran.. Naghihintay sa paghinto ng mga jeep. Tanaw na mula dito ang aming bahay. Iniisip ko kung anong sasabihinin ni Ermats sa napala ko sa pagtatanggol sa pahamak na babaeng yun.
Red!
Red na ang signal ng traffic lights, patawid na sana ako, nang bigla akong hinarang ni Sophy na syang kinagulat ko.
"Robert!"
"..."
"Sorry ha.. I mean it!"
"Sorry? Tignan mo nga? Para akong dalmatians!"
Napangiti sya sa akin, at inabot ang nakatuping pera..
"Ano 'to?"
"Pangbili mo ng gamot!"
"No! hindi.. Hindi ko kailangan 'to.."
"Sabihin na nating peace offering ko yan.."
...
"Sophia!"
Isang malaking boses ang syang sumingit sa usapan namin, Isang matangkad at mistisong lalaki ang tingin ko'y papalapit sa amin.
"Oh my god.." sabi ni Sophy.
"Kilala mo?"
"Oo! bangungot!"
"Huh?"
Batid ko na player ng basketball ang lalaking 'to, dahil ng magkaharap kami ay halos nasa balikat nya lang ako.. Sa tindig at tikas pa lang, ay alam kong, walang wala na ako sa kanya..
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na huwag mo na akong sundan?"
"Huwag ka nang matigas ang ulo, sumama ka sa akin.." mataas at malaki din ang boses nya.
"Ayoko!"
"Sophy!"
Hindi na nakasagot pa si Sophy.. Gusto kong itanong kung sino nga ba ang lalaking 'to, ngunit baka madagdagan ang blackeye ko sa mukha.
Pasimple kong nilagay ang pera sa nakabukas na zipper ng bag ni Sophy, at hahakbang na sana patakas, ngunit..
Mabilis nyang hinawakan ang aking braso..
"Nakikita mo 'tong lalaking 'to?" habang nakaturo sa mukha ko.
Ako naman na syang clue less, at halata sa mukha ang pamumutla. Tinignan lang ako ng lalaki, mula ulo hanggang paa, at tumawa.. may halong pangiinis.
"Bakit ka natatawa?"
"Huwag mo na akong sundan! okei?"
"Itong BOYFRIEND ko, ang maghahatid sa akin pauwi!"
sabay turo ulit sa mukha ko.
0 comment/s:
Post a Comment