TEENAGE CAPPUCCINO - Nothing in common (Chapter 4)
Ang love daw ay parang isang korning joke na nakuha sa delivery! Hindi ko din alam.. sa dahilang
hindi ko pa din kasi nararanasan..
Hindi pa din ako makapaniwala na sa huling pyesa ng buhay high school ko, ay magkakaroon ako ng
girlfriend, parang isang pangarap na natupad, pero mas okei siguro kung sasabihin kong dasal na
dininig. Bakit? sa pananaw ko kasi, ang pangarap may posibilidad. ang dasal pwedeng "oo" at mas
madalas ang "hindi".
Tinupad ang dasal ko, at anghel ang binigay sa akin.. Isa na lang naman ang dapat kong gawin, yun ay
sulitin ang pagkakataon, yakapin ang potential, at subukang lumigaya.
...
Maaga akong pumasok, excited akong makita si Sophy, sa gate ng campus dun ako naghintay na masilayan
ang perpekto nyang mukha.
May halong kaba, at mga tanong sa akin isipan.. Bukod pa dun yung mga dapat kong sabihin.. Sa
katulad kong walang experience sa love life, masyadong mahirap ang ganito.
Paulit-ulit akong nag practice ng "good morning" tila bata sa kinder, na paulit ulit din pinapaulit
ng titser, para mas cool ang pagbati.
Bumilis ang tibok ng puso ko, nang napansin kong papalapit na si Sophy.. Malayo pa sya pero kabisado
ko na, na sya yun! tawagin mo na lang yun na taong-inlove-hunch.
"Taong-inlove-hunch"
Ito yung parang instinct mo, o mas mabilis maalala kung tatawaging kutob. Kapag inlove ka, alam mo
ang presensya nya, at kung malapit ba sya sa iyo.. O nararamdaman mo ang kanyang alindog, madalas mo
syang iniisip, at ----
"Good morning Robert!"
masayang bati ni Sophy..
Badtrip! naunahan nya ako mag greet, nakakahiya naman sa lalaking tulad ko..
"Good morning din ---"
Teka? ano nga ba itatawag ko sa kanya? Madalas kasi ako makarinig ng mga sweet names sa mga
magkasintahan.. Yung tipong Bhe, Love, Hon, Sweety, Honeypie, Lollipop, at kung anu-anong matatamis
at minatamis..
Tumayo ang balahibo ko! parang hindi ko yata makakayang tawagin sya sa ganung pangalan..
"Robert? may problema ka ba?"
Bumalik yung diwa ko, nung nagsalita si Sophy, laking gulat ko na lang nung napansin kong malapit na
ang mukha nya sa akin..
"What' wrong Robert?"
...
"Ah! Wala TEH!"
"(awkward face)"
"Teh?"
Hindi ko alam pero bakit nga ba yun ang lumabas sa bibig ko, sa nagtataka nyang mukha at sa mga
matang nagtatanong, ay biglang lumabas ang mapuputi nyang mga ngipin.
"Hahahaha!"
"??"
"Cool!"
"Cool ang--"
"From now on, Kuya na ang tawag ko sayo.. hahaha!" natatawa nyang sabi.
Sa isang iglap nadagdagan ang edad ko.. Hindi na ako nakatanggi. Napangiti din ang kaninang
nanginginig kong panga..
"Ate naman ang sayo! hahaha!" sagot ko.
Aksidente lang ang lahat, pero naging okei pa pala.. napasaya ko sya ng hindi ko sinasadya.
Masaya kaming umattend sa first subject sa masayang umaga..
------
Lunch break na sa senior building, hindi ko namalayan kung saan napadpad ang girlfriend ko.. Bigla
syang nawala.. At sya naman sulpot ni Richard.
"Brad! Halika dito!"
Papunta na sana ako sa canteen, para hanapin si Sophia, ngunit tinawag ang pansin ko ng bulletin
board sa hallway ng senior building..
"Dito brad, tignan mo 'to.."
"??"
"Club?"
"Oo!"
"Hindi ako interesado.."
"Talaga? Eh kung sabihin kong may literature club na ngayon?"
"Nasaan?"
Nakipagsiksikan si Richard sa mga senior student, at pilit tinuturo sa akin ang literature club, na
totoo ngang meron. Hindi na ako nagdalawang isip pa, at nakipagpalitan na din ng pawis sa mga
estudyante.
"LITERATURE CLUB IS NOW OPEN" kasunod ang mga detalye at general requirements..
Nanglaki ang aking mata, hindi na ako magdadalawang isip para sumali sa club na 'to. dahil bukod sa
playstation at online games, ay mahilig din akong magsulat.. fictions at poem. Nakagawa na din ako
ng mga ilang istorya at tula, libangan ko ito, at dahil wala akong lakas ng loob para ipabasa ito sa
iba, ang kadalasang bagsak nito ay sa basurahan..
(otor: hindi lahat sa basurahan.. merong isa napadpad kay sophia..)
"Ikaw? Saan ka?" tanong ko kay Richard.
"Hahaha! Nasa dance club na ako, nung sophomore pa lang.."
"Oo nga pala.."
"Si Sophia kaya?" tanong ni Richard.
"Sa culinary ako--"
Sa sandaling 'to hindi gumana ang instinct ko, at huli na ng napansin kong nasa likuran ko si
Sophy.. Sumalubong sa akin ang mala gayuma nyang ngiti.
"Ikaw kuya?"
"A-ako? Sa---"
"Saan?"
"Sa literature club!" sagot ni Richard.
"Literature?"
"O-Oo! bakit?"
"Nothing.. akala ko sa mga sports club.. nakakagulat ka!"
"Teka! Teka! Teka!" pilit na pag-agaw ni Richard sa spotlight.
"Anong meron at KUYA ang tawag mo sa kanya?" tanung nya.
Minsan gusto ko din tirisin si Richard sa maraming pagkakataon, at dahil bestfriends kami, at kami
ang greenhornets, batman and robin, pwede ding mario at luigi ay never kong magagawa sa kanya.
Pero hindi ko masagot ang tanong nya, hindi ko alam kung sasabihin kong GF ko si Sophia, na sa
tingin ko ay parang ang yabang ng dating ko, Sa isang banda naman ay batid ko kay Sophia na sakin
manggaling ang sagot.
"Hmm.. Kayo na ba?" may pang aasar sa tono ni Richard.
Tumingin lang sa akin si Sophia, naghihintay sa sagot na manggagaling sa akin. Hindi ko sya pwedeng
i-deny, alam kong magagalit sya, pero naunahan ako ng hiya, dahil alam kong asar mula kay Richard
ang mapapala ko.
"Oo.. girlfriend ko na sya.."
Napangiti si Sophia.
"Anak ng! Kailan pa?" tanong ni Robert.
"Kahapon lang.."
"Paano nangyari yun?"
"Anong paano?--"
"(Batok) niligawan nya ako at sinagot ko sya.. okei?" sagot ni Sophia.
"Hahaha! Yan ang bestfriend ko!" mayabang na tono ni Richard.
Napakamot ulo na lang ako na may halong hiya..
"Tara! Celebrate na natin yan sa canteen!" anyaya ni Richard.
Sa puntong yun, naramdaman ko ang palad ni Sophy sa aking mga kamay.. mula dito mararamdaman mo ang
init at lambot na pinaghalo.. parang init ng kape sa madaling araw, ang sarap sa pakiramdam. Huli ko
nang namalayan nung napansin kong lumulutang na ang aking damdamin.. ganito pala ang love,
unidentified feelings.. masyadong clueless kahit nararamdaman mo na.
------
Sa canteen, sa paborito naming tamabayan ni Richard ay dun kami pumuwesto..
"Ako na bahala sa order.." pauna ni Richard.
tumayo at dumiretso sa counter..
Hindi naman kami nakaligtas ni Sophia sa mga mata ng mga tao sa paligid.. Alam kong hindi ako yung
tipong pagkakaguluhan ng mga babae, kaya hindi nakakapag duda kung may masabi sila sa akin. bagay na
wala naman akong pakielam..
"Robert.."
Tumingin lang ako sa kanya.
"Bakit sa literature club ang gusto mo?"
"Mahilig ako sa fictions and poems.." plain na sagot ko.
"Aha.. meron ka na bang mga nasulat?"
"Madami na din.."
"Talaga? pwede ko bang mabasa.."
"Actually.. After ko silang isulat--"
"..." nakatingin lang sya at naghihintay.
"Tinatapon ko.."
"???"
"...."
"Bakit?!"
"Nahihiya akong may makabasa.."
"Wala ka na bang naitago?"
"Merong isa.. Kaso--"
"Kaso ano?"
"Nawawala sya eh.. (Toink!)"
Sa puntong yun hindi na sya sumagot, tumingin kung pabalik na ba si Richard.
"Eh.. Ikaw? mahilig ka ba magluto kaya sa culinary ka nag sign?"
"Yup! gusto mo masubukan?"
"Oo ba!"
"Okei, tomorrow i'll bring one.." sa masaya nyang tinig.
Normal lang ang pag uusap namin.. walang sweet talks, tulad nung madalas kong nakikita sa iba. Hindi
dahil sa bago lang kami, kundi dahil mutual pa lang ang feelings na meron kami, at wala pa siguro sa
level na require nang mag "i love you" at "i love you too"..
Somehow.. nararamdaman kong pupunta din kami dun.. Enshala..
Napansin ko ang patches sa uniform nya, na kahapon ay wala.. tanda na certified student na sya ng
skwelahan namin.. na nagdala ng isang tanong sa isip ko..
Bakit nga ba sya nag transfer..
...
"Uhm.. Sophy, este Ate?"
"Oh?"
"Itatanong ko lang sana kung bakit ka nag transfer.."
"Naitanong mo na eh.. pero hindi ko masasagot yun.."
"Bakit naman?"
"Robert! Please? Hindi ko masasagot yan.."
May inis akong naramdaman sa tono ng pagsagot nya.. Na nagbigay sa akin ng matinding palaisipan, at
yun ang gusto kong malaman.. gustong gusto..
"Sorry.."
"Okei, don't ask me again.."
Hindi na ako sumagot.. batid kong seryoso sya, at baka malintikan lang ako.
------
Ilang minuto na lang at patapos na ang last subject, at hindi pa din ako kinakausap ni Sophy.
Pinagmamasdan ko sya ng patago, masyado syang seryoso.. Bagay na hindi nya naman gawain, o nasanay
lang ako na lagi syang nakangiti.
"Okei class.. See you tomorrow.."
Nag ring na ang bell, tanda na kailangan ko nang umuwi.. Nag impake na ng mga gamit, at nag ayos ng
gusot na polo.
"Sabay na tayo.." mahinang boses ni Sophy.
"Sure.."
Dating gawi sa gate kung saan kailangan mong magpa check ng bag at id, para sa schedule, ay doon
kami pumila..
Tahimik lang si Sophia.. Kailangan ko syang pangitiin sa kahit anong paraan, at kung ano man yun ay
handa kong gawin.
"Sophy.."
Tumingin lang sya..
"Iniisip mo pa ba yung kanina?"
"Nope.."
"Pansin ko lang.. may problema ba? masama ba pakiramdam mo?"
"Wala to kuya.." kasunod ang matabang na ngiti.
"Gusto mo i-treat kita? Dun tayo sa park na malapit lang dito!"
"Akong bahala! sagot kita!" dugtong ko pa.
Hindi sya sumagot at tumingin lang sa akin.. Ako naman na naghihintay ng desisyon na manggagaling sa
kanya. Humakbang sya ng dalawang beses papalapit sa akin, inabot ang aking id, at tinignan ang class
schedule ko..
"May.."
"Back subject ka pa.."
Hinila ko pabalik ang aking id, at tinignan.. kumpirmado.. 'to naman ang nakakainis.
"Oo nga pala! nakalimutan ko.. Uhm.. Next time na lang, or bukas after class!"
"No.."
"Anung no? kung hindi mo gusto okei lang.. hehehe!"
"No.. Hindi ko feel na gawin yun bukas.."
"Dahil alam ko bukas, masigla na naman ako.."
"Tingin ko kailangan kita ngayon, kailangan ko ng makakasama.."
Sa mahabang paliwanag, at malamya na boses, may kung anung kirot sa aking damdamin.. Nahawa ako sa
lungkot na nararamdaman nya..
"Paano yan.. may klase pa ako.."
"Sasama ako sa klase mo, sasamahan na kita.. Sabay na din tayo pumunta ng park, sigurado mas maganda
dun kapag gabi.."
May konting sigla na akong nakikita sa kanyang presensya..
"Okei! Tara na.. Dun lang naman sa 3rd floor ang last class ko.." ^__^
------
Unti unti ay nakikilala ko na si Sophy.. Hindi sya ganon kahirap pangitiin, sya pala yung tipong may
mahinang damdamin na kahit sa matapang na panglabas.. at para syang bata, na napakadaling amuhin..
1 hour ang klase ko sa hapon, tatlo lang kaming estudyante.. Isang titser na magpapakopya lang ng
notes, walang pinagkaiba kay Ms. Suarez.. Inabutan ko ang dalawa kong kaklase sa back subject,
ngunit wala pa ang aking guro.
"Napaaga yata tayo.."
"Uhm.. Sure ka bang okei lang sayo maghintay?"
Sinuntok nya ako sa braso, at sinundan ng matamis na ngiti..
"Okei lang.. Kuya kita eh!"
Sabay kaming naupo sa pang apat na row, ng maliit na kwarto.. Naghintay.. Hindi pa man kami
nakakatagal ay agad na tumunog ang phone ni Sophy.. Tinignan nya ang caller..
"Mommy!" ang sabi nya sa akin, pero walang boses.
Sumenyas naman ako na sagutin nya.. Ngunit nagulat ako nung hindi nya sinagot at kasabay ang pag
cancel sa tawag.
"Bakit?"
"Magtatanong lang yun kung nasaan ba ako.."
"Eh di sana sinagot mo, at sinabi mo kung nasaan ka.."
"(batok) eh di nagalit yun!"
"Kapag nalaman nyang kasama ko ang isang lalaki, sigurado ipapasundo nya ako kay kuya.."
Hindi ako nakasagot, pero alam kong mali ang ginagawa nya.
"Umalis na tayo.."
"Teka may klase pa ako.."
Nag ring ulit ang phone ni Sophy sa pangalawang pagkakataon, at tulad ng ginawa nya nung una hindi
na naman nya sinagot at ang matindi ay pinatay nya ang phone nya..
Ano ba nangyayari sa babaeng 'to..
Ano nga ba ang tinatago nya..
Napakarami kong tanong..
Tumayo na sya, at sinenyasan ako na mauuna na daw sya sa gate, at doon nya na lang ako hihintayin..
tumango naman ako.
Kailangan kong malaman ang nangyayari.. Hindi ako pwedeng umupo lang dito.. Wala pang isang minuto
nang umalis si Sophy ay tumayo na ako.. Sinabihan ang mga kaklase ko, na sa susunod na lang ako
aattend..
Agad kong hinabol si Sophy, malapit na sya huling palapag ng senior building nung maabutan ko sya..
"Sophy!"
Hindi ko alam pero parang passive skill, at agad kong hinawakan ang kanyang kamay.. Laking gulat ko
nang naramdaman na sobra sa lamig ang kanyang mga palad, at nangangatog ito sa takot.
Sa puntong yun, ay pinigilan ko na sya sa paglalakad..
"Sophia.. anong problema?"
Huli na nung malaman ko.. Pumatak na ang kanyang mga luha, kakaiba talaga ang babaeng 'to.. Ngunit
hindi na ako nag ubos pa ng oras, agad ko syang hinila papalabas ng campus.. para maibsan ang
kanyang nararamdaman, na kung ano man yun ay gusto kong malaman.
..
...
....
"Okei ka lang ba?"
"Yes.. thank you.."
"Sigurado ka bang gusto mo pang tumuloy tayo sa park?"
"Yes.. we should go.. kailangan ko ng katahimikan.."
----
Papalubog na ang araw nung makarating kami, Sakto din ang timing dahil pabukas pa lang ang mga
ilaw..
"Dun tayo sa see-saw.." anyaya nya.
"Huh? Akala ko ba gusto mo ng tahimik na lugar?"
"Oo.. pero nagbago ang isip ko.."
"Ang bilis naman.." bulong ko.
"At bakit naman sa see-saw?"
"Diba gusto mo malaman kung bakit ako nag transfer?"
"Oo! pero--"
"Anong kinalaman ng pag ttransfer mo sa see-saw?"
Sa isang mababaw at garalgal na tono.. nagulat ako sa kanyang sagot..
"Siguradong maiiyak ako, at gusto kong malayo ka sa akin kapag nangyari yun.."
0 comment/s:
Post a Comment