Teenage Cappuccino - 3

TEENAGE CAPPUCINO - This is not a love letter! (Chapter 3)


"Nakikita mo 'tong lalaking ito?"

"Ito ang boyfriend ko!"

Masarap din pakinggan, pero alam kong nagloloko lang sya, paraan lang para makaiwas sa lalaking matangkad, maputi, at gwapo. Hindi ako nakasagot sa pahayag ni Sophy.. Gusto ko sya tulungan, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ngunit ang badtrip lang ay wala akong magawa..

"Nagpapatawa ka ba Sophia?" seryoso na ang lalaki.

"Una!"

"Hindi mo ako napaniwala!"

"At paano mo nasabi?" sabat ni Sophy.

"Eh, hindi ka man lang nya pinagtanggol, nagbalak na syang tumakas agad.."

Tumingin sa akin si Sophy, naglalaro ang kanyang mga mata, batid kong gusto nyang gumawa ako ng paraan sa mga bagay na sinabi ng lalaki..

"Pangalawa!"

"Bakit hindi kayo sweet?" natatawang sabi nito.

Sa puntong iyon, namula na si Sophy.. Batid kong hindi nya alam ang next move. Bahagya syang nag-isip.. At tumingin sa akin..

"Robert, wala ka bang sasabihin?"

...

Ang problema lang talaga sa magagandang babae, ay sila yung tipong masyadong prone sa kaguluhan.. Sila yung mga nilalang, na talagang bibigyan ka ng maraming isipin, at problema. Pero ang isang 'to ay talaga naman kakaiba.. Bakit? Hindi pa man sya ang girlfriend mo, ay napapasubo ka na..

"Bago lang kasi kami! kakasagot nya lang sa akin.. Ahh.. Uhmm.. Ngayon lang!"

Hindi ako makapaniwala na nanggaling mismo sa aking mga bibig, ang mga salitang yun.

Napansin kong nag iba ang ihip ng hangin, at parang nagkulay gray ang paligid na kanina lamang ay full color. Sa sandaling yun, ay lumapit na ang nameless na lalaki sa akin.. Hinawakan nya ang aking ulo. Sa tangkad nyang yun, ganun din kalaki ang kanyang palad.. at isa lang ang panalangin ko 'tong mga sandaling 'to..

Sana sa kabilang side naman para pantay..

..
...
....

Ngumiti sya sa akin.. kakaiba ang kanyang ngiti, batid ko na may kakaibang mangyayari..

"Okei!"

"Anong okei?" tanong ni Sophy.

"Naniniwala na ako.. hahaha!" malakas nitong tawa.

Nagpantay na ang labas ng hangin sa aking baga, na kanina lamang ay kaliwa lang, ay malfunction ang kanan..

"Pero.."

Napahinto kami ni Sophy, nakatingin sa kanya..

"Pero dahil bago pa lang kayo.. Sasamahan na kitang ihatid sya!" sinundan ng malakas na tawa pa ulit.

Napayuko si Sophy, namumula.. at halatang inis..

Ako naman na syang parang tanga lang, na nakatingin sa dalawa. Ako yung taong aware sa mga nangyayari, pero parang artista na hindi binigyan ng script.. kumbaga extra!

"Okei! follow me guys!" nakangiting anyaya ng lalaki.

Sumunod naman ako, at si Sophy.. Ngunit tahimik lang si Sophy, at halata pa din ang inis.. Para syang bata, na kanina lang ay sobrang kulit..

...

Medyo malayo layo din ang bahay nila Sophy, at malayo layo na din ang aking isip sa mga nangyayari.. Sabay kaming naglalakad, pero wala kaming pakielam sa isa't isa.. Yung lalaki nauuna pa din.

Sa puntong 'to, siguro dapat may sabihin man lang ako.. Ang daming tanong na gusto kong sabihin, pero mukhang wala pa din sya sa mood.

Napansin ko na malapit na kami sa isang subdivision, Isang pang galanteng subdivision.. Sa malupit na gate pa lang, at mukhang high security, maiisip mo agad na mayayaman ang nakatira dito.. Hindi yata pwedeng iaapak ang aking mga sapatos papasok sa loob. ngunit wala namang karatulang nagsasabi na "bawal ang mahirap dito!", so diretso lang ako..

Huminto ang lalaki sa guard house.. Huminto din si Sophy ngunit medyo malayo layo.. Nagkaroon na ako ng pagkakataon na kausapin sya.

"So---"

"Robert, thank you.." agad na putol ni Sophy.

"..."

"hanggang dito ka na lang, hindi ka makakpasok sa loob.." agad nyang dugtong.

"Sorry ulit.." sa mababaw na tono.

Ngumiti ako, at kahit pilit, dahil sa sakit ng aking black eye.

"Wala yun! hahaha!"

"Huwag kang tumawa!" mabilis nyang sagot.

"..."

"Ako naman ang madaming atraso sayo.."

Hindi na ako nakasagot sa puntong 'yun.. Hindi dahil, na captivate ako sa maamo nyang mukha, kundi dahil wala naman ako talagang maisagot.

...

"Sophy! Halika na!" sigaw ng lalaki, nakangiti pa din.

"Uy! Sige na.. tinatawag kana ng--"

"Kuya ko.. Kuya ko sya.." dugtong nya agad.

"Sigurado inutusan na naman sya ni mommy, para bantayan ako at sunduin sa school.."

Sa puntong yun hindi ko alam kung bakit bigla akong sumigla ng wala sa oras.. Hindi ko alam, pero parang may kaunting saya sa aking puso.

"Bye!"

"Okei, bye.."

Tumalikod na sya, at tuluyang naglakad.. Ang sarap nyang titigan, habang papalayo sya sa akin.. Kumapit na yata ang pabango nya sa aking ilong, na tila hindi maalis, kahit na wala naman tyansang dumampi ang balat nya sa akin. Isang magandang experience sa isang magandang dilag, ang araw na 'to. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong bagay sa buong high school life ko, na sobrang boring.

"(Sigh) makauwi na nga.."

..
...
....

"Robert!"

Agad akong lumingon, na parang koreanovela ang dating, dinaig pa ang malulupit na eksena sa mga lumang pelikula. Mga tipong pinilakang tabing, na walang awards ang dating.

"Thanks ulit!" kasunod ang isang magandang ngiti.

Nakakahawa.. Nakakahawa ang kanyang ngiti, naglagay ito ng kakaibang saya sa aking mukha. Nawala ang aking pagod sa mahabang lakaran.

-------

Mag gagabi na nang makarating ako sa bahay, pakiramdam ko'y ako na lang ang estudyante na nasa kalye.

Dumaan ako sa likod ng bahay para hindi ako mapansin ni ermats, agad akong umakyat sa aking kwarto..

Hinagis ang aking bag sa kama, nagtanggal ng sapatos, binato ang aking polo.. Shoot sa labahan! kinapa ang aking bulsa, para tanggalin ang mga ballpen, balat ng candy, at kung anu-ano pang basurang laman..

!!!??

Napakamot ulo ako.. Nagtataka..

"At bakit nasa akin pa din ang perang 'to?"

Nakakagulat.. Pero tanda ko pa kung paano ko 'to binalik, este nilagay sa bulsa ng bag ni Sophy..

Napaupo ako sa kama, nag iisip ng paraan kung paano 'to agad maibabalik kay Sophy. Wala akong phone number nya, ni cellphone ay wala, at kung lalakarin ko pabalik, sigurado pagagalitan ako ni inay, at kung mamalasin baka hindi pa ako mapasok sa loob ng subdivision..

------

Wala akong gana kumain, dahil tumambad sa bahay ang mga kamag-anak na hindi ko naman kilala, at hindi ko pa yata nakikita simula noong bata pa ako..

Agad akong dumiretso sa kwarto, nag ayos ng gamit, at nag bukas ng laptop.

"Sophy!"

Boses ni mommy ang naririnig ko, galing sa labas ng pinto.. Agad kong sinalpak ang earbuds sa aking tenga at nagplay ng kahit anong kanta mula sa laptop. Nilakasan ko pa ang volume, para tuluyan ko nang hindi marinig ang kanyang boses.

..
...
....

At nang matapos ang pangungulit ni mommy, tska ko lang tinanggal ang earbuds sa aking tenga, at tuluyang humiga sa kama..

"(Sigh)"

"What a boring life I have here.." bulong ko sa aking sarili.

Hindi nakaligtas sa aking mata ang aking school bag, pansin ko ding nakabukas ang bulsa nito.. Agad ko 'tong kinuha, hindi para i-check, kundi dahil curious lang ako.. Tanda ko kasing walang laman 'to, at wala namang mag iinteres para magnakaw dito.

Ngunit nagulat ako..

Isang nakatuping papel ang tumambad sa akin, agad ko itong binuklat..

Napangiti sa aking nabasa..

Natawa sa mga linya..

At kahit korny, at laos na ang mga linya..

"Robert.." nagulat nalang ako dahil agad kong nabanggit ang kanyang pangalan.

...

"Sophy! Bumama ka na dito, nandito sila auntie mo!" nakakagulat na boses ulit ni mommy.

-----------

Nawawala ang notes ko!

Oo.. notes! Hindi ko tanda ko sang lupalop ko nga ba nailagay.. Notes 'to na dapat, ay isasalin ko sa mas magandang papel.. Hindi sa gusot at tupi tuping pahina ng notebook lang.

Notes na naisulat ko lang kanina sa school, nilalaman nito ang tungkol sa pagmamahal ko sa diyos, at kahit korni, ay yun ang nilalaman ng puso ko.. Oo! assignment sya! assignment ko sa history, at hindi ko malaman kung anung kinalaman ng history sa diyos.. Dahil ba ang diyos ay bahagi ng history? hayaan ko na lang.. Mas mapupuyat lang ako kung tatanga lang ako, at maghihintay na magpakita syang ulit..

Nagsimula ulit akong sumulat..

At sa kasamaang palad, at kung talagang minamalas ay inabot ako ng hating gabi..

...

Sa isang sulok ng malaki at malambot kong kama, dun ako nakahiga.. Naktingin sa kawalan.. habang iniisip ang sulat na galing kay Robert, sa isang banda may halo itong kilig, bagay na hinid mawawala sa teenager na tulad ko.

Ang nakakapagtaka lang..

Sya lang ang lalaking may lakas ng loob sumulat sa akin.. at lahat ng lalaking nagtangkang mangligaw ay dinadaan sa txt at tawag.. yung iba naman sa social networking site ang banat..

--------

Natapos ang weekends na isang regular na araw, walang pinagkaiba sa isang binatang tulad ko, na wala na yatang inatupag sa buhay kundi mag-aksaya ng oras sa harap ng computer games.

Lunes na..

"Robert! tanghali na! Hindi ka ba papasok?!"

"...."

"Hala! bangon na dyan!"

Bahagya kong dinilat ang aking mata, nasilayan na 'ito ng magandang sikat ng araw, na hinaluan ng lamig ng paligid. Ayaw ko pa sanang itigil ang pakikipag yakapan sa unan at kumot, ngunit tulad ng sabi nila.. Reality will always be the worst.

Agad akong bumangon, at nag ayos..

..
...
....

Sa gate ng campus, si Richard agad ang sumalubong sa akin..

"Brad!"

"Oi, brad!"

"Bilis, tanghali na tayo.."

"..."

"Oh? may nakalimutan ka?"

"Wala.."

"??"

Habang naglalakad sa gitna ng malawak na quadrangle ng campus, hindi nakaligtas sa akin ang napakadaming tao sa 4th year building..

"Brad? ano meron?"

"Baka may bisita ang school.."

At habang papalapit kami sa gusali, pansin kong puro lalaki ang mga taong nagkakagulo..

"Brad, masama kutob ko.."

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"pakiramdam ko'y may naligaw na artista sa campus.."

"Hahaha! at sino naman ang dadalaw dito, bukod sa sobrang luma, at hindi kilalang mga athlete ng eskwelahan, eh kahit media ay hindi magbabalak pumunta dito." paliwanag ko.

"Iba ang sinasabi ko.."

"(awkward face)"

Hinawakan ni Richard ang aking mukha at binaling ito sa dulo ng building..

"Ayun!"

"Siraulo ka! Si Sophy yan!"

Huli na nang mapansin kong, magkakasalubong kami.. Hindi ako naghanda ng magandang sasabihin, at alam kong wala yata akong masasabing matino.

Ngunit huli na ang lahat.. limang hakbang na lang at magku-krus na ang landas namin.

"Good morning Sophia!" agad na bati ni Richard.

"Hello, good morning din.." masaya nyang sagot.

Sabay tingin sa akin.. kasunod ng isang magandang ngiti.

"Go-Good Morn---"

Agad na nagsilapitan ang mga lalaking estudyante na kanina lamang ay nagtutumpukan sa harap ng building, dinumog si Sophy na parang artista.. Kanya kanyang bati at pacute.

At hindi ko na natapos ang morning greetings ko..

Agad akong dumiretso sa hagdan paakyat.. Nasa ika-apat na baitang ang aming kwarto. Kaya alam kong exercise ang dulot nito sa buong school year..

"Brad, dito na ako! kita nalang mamaya sa canteen!"

Si Richard kapag monday ay nasa curriculum class sa umaga, magaling syang sumayaw at mag ballet, kaya sya agad kinuha ng PE teacher namin..

"Sige!" paalam ko sa kaibigan.

Nasa ikatlong palapag na ako, patungo na sa ika-apat nang biglaan na lang ang gulat ko, nang biglang humabol sa akin si Sophia..

"Robert! wala ka mang balak akong hintayin!(hingal)"

"Sorry.. wala ka naman kasing sinabi.."

Nakatingin lang sya at nakasimangot..

"Tsaka yung mga fans mo, agad nagsulputan.. kaya dumiretso na ako.."

Napangiti na sya sa bahaging yun.

"Nagseselos ka lang eh!" sa makulit at tila batang attitude.

"Ano?!"

"Seloso!"

"Huh?! Bakit?"

"Hahaha!"

"....??"

"Sige na.. mauna ka na.."

"Bakit mo ako pinagmamadali?"

"Kasi male-late na po tayo.."

"Eh, bakit ako lang? hindi mo ako sasabayan?"

"Dadaan pa ako sa locker ko.." palusot ko, ngunit ang totoo ay gustong gusto ko ang anyaya nya.

"Sige hintayin kita sa klase ha!"

Tumalikod na sya at tuluyang umalis.. (Sigh) sa isang banda ay para syang bata, pero kapag ganun ang attitude nya, ay lalo lang syang nagiging cute sa paningin ko..

-----

Last five minutes bago magsimula ang unang klase ay nakahabol ako, muntik na! muntik na akong mahuli.. Bakit ba kasi ako nagdahilan ng kung anong bagay..

Nanglaki ang aking mata, dahil katabi ko na si Sophy sa upuan.. Hindi na ako nagtanong at agad na umupo.

"Good morning!" agad kong bati.

"You're funny!" nakangiti nyang sagod.

"Bakit?"

"Coz you already greet me this morning.."

"Guess you're right.. Teka! Bakit ka dito nakaupo?"

"My last name is Monsood, at sabi mo M din ang sayo.. Kaya dito din ako.."

"Monsood din ang last name ko.." agad kong sagot.

"Hahahaha!"

Agad syang natawa, alam kong walang katawa tawa, bukod sa parehas ang last name namin, at hindi ko sya kamag-anak.

"Parehas tayo!" tawa ulit.

Napakamot na lang ako sa ulo, mababaw din pala ang kaligayan ng babaeng 'to, na kahit simpleng bagay ay parang kumpleto na ang araw nya.

"Here.." sabay abot ng isang sobre. cute at mukhang pinaghandaan.

"Ano 'to?"

"Mamaya mo na basahin, pag uwi mo.."

"And I want you to know, that we're official!"

Clueless man ako.. fart-ner ko si Tanga-man..

"Official what?" nagtataka ko pang tanong.

"Simula ngayong araw na 'to.. Ikaw na ang boyfriend ko! and that's official.. Ibig sabihin.. Sinasagot na kita.."

Hindi na ako muli pang nakasagot, namula ako.. ni hindi din ako makatingin sa kanya. at sya naman na parang okei lang ang lahat, naka ngiti habang nakatingin sa akin..

"Uhmm.. After school.."

"Sophy--"

"After school, daan tayo sa cafeteria nyo ha.."

"Sure.."

"Gusto ko ulit ma-experience yung cappuccino nyo" natatawa sya habang nagsasalita.

"Oo ba!"

Nag-ring na ang bell ng campus, nag simula na ang klase, at nagsimula na din ang kakaiba at nakakabaliw na huling yugto ng high school life ko.

0 comment/s:

Post a Comment