TEENAGE CAPPUCCINO - My Princess (Chapter 7)
Mula yata south station ng MRT, hanggang north ang lakas ng pintig ng puso ko.. Kung pwede lang tumakas ginawa ko na, at kung pwede lang magreak malamang kanina pa. Tumutulo na ang pawis ko, at tuyo na din ang lalamunan ko. Inisip ko din na bigla na lang akong mahimatay ng kunyari, kaso parang hindi bagay.. Baka hindi na nila magugustuhan, at hindi magiging kapani-paniwala..
Bago pa man namin marating ang klase ni Sophy, agad nya akong inakbayan ulit.. may halo nang pangbu-bully ang isang 'to..
Ngiti na nakakamatay..
"Ano? Kaya mo ba? hmm?"
"Kung pwede lang tumanggi--"
"Hahaha! Wala nang oras para tumanggi!"
Agad kaming sinalubong ni Raymond, na kambal ni Richard, at kasama sa pamilyang Gutierrez.. Joke lang yung huli..
"Sophia!"
"Hi!"
Hindi ko alam ang reasksyon ko, pero naiinis ako, nakakaramdam ako ng tinatawag nilang selos.. Gusto kong mag astang siga, ngunit hindi naman bagay, para lang akong tinapay na kahit sobrang tigas once na isawsaw mo sa kape ay lumalambot..
"Friend mo?"
Yun! yun ang hinihintay kong pagkakataon! sasabihin ko na ako ang boyfriend nya, at ako ang magtatapos sa pangarap na inuumpisahan nya palang..
Kaya ko 'to!
Kaya!
Kaya kaya?
..
...
....
"Uhm-- Excuse po--"
Bitbit ang isang pink na back pack, naka pony tail na buhok, at hitik sa bakal ang mga ngipin na tila binurda.. Isang babaeng estudyante ang biglang nang-agaw ng spotlight ko.. Napatigil ako, at tuluyan ng nawalan ng tyansang magyabang..
"Yes?" agad na tanong ni Sophia.
"Hinahanap ko po kasi, yung--" sabay tingin sa kapirasong papel na kanyang hawak hawak..
Sinisipat, at parang ina-analyze.. Hindi na ako nakatiis, at tinignan ang kapirasong papel na pinilas sa likuran ng notebook.. Isang class schedule. At mukha din syang bagong transfer.
"???"
!@#$%
Bakit ganun? hindi ko malaman kung babae nga sya talaga.. Dahil sa pagiging cute nya, ay sya naman kapangit ng kanyang handwriting.. hindi ko maintindihan, parang chinese at arabic.. hybrid!
"Miss.. Let me see.." pasok ni Raymond.
"Hmm.."
"Sa literature ka po miss.. Sa kabilang building po, after you left this building, turn left at sa pinakadulo.. Yung pinakamaliit na building sya.." sabay ngiti!
WTF! pakiramdam ko'y binalatuba ako at ginahasa sa mga oras na 'to.. Bukod sa wala akong nagawa, eh nagmukha pa akong tanga. Huli na nung napansin kong masama na ang tingin ni Sophia sa akin.. Para na syang lasing na natalo sa sabong, at naghahamon ng away.. blah blah blah..
Hinatak ni Sophia ang ID ko at ipinakita sa babae..
"Miss! heto! same club kayo! sasamahan ka nya.. okei na ba yun?"
"Really?"
"Soph--" sasabat sana ako.
"Diba Robert?"
"Sa totoo lang--"
"Let's go Raymond.."
-----
Naiwan akong parang tanga.. Nakikita ko ang sarili ko na parang nakatayo sa isang plain background, at bulong lang ng hangin ang maririnig mo bilang audio..
..
...
....
"Sir.. sasamahan mo ba talaga ako?"
"..."
"Sorry.. I think, may nagawa yata ako na hindi tama.."
"Wala.."
"Really?"
"Wala.."
"Ano pong wala?"
"wala na kong magagawa, kundi samahan ka.."
Badtrip! Olats! Pero hindi bale! ako lang ang nakaka-alam ng sikreto ni Sophia, at ako din ang kanyang tagapagligtas! Naks! Parang prinsesa, at ako naman ang kanyang ninja.. pero sa ngayon kailangan ko munang tulungan ang naliligaw na pusa sa aking harapan.
"Okei ka lang po sir?"
"Do I look okei miss?"
"Sorry.. i guess kailangan ko maghanap mag-isa.."
"Hindi biro lang, samahan na kita! hindi kita pwedeng iwan, magagalit ang aking prinsesa okei?"
"thanks! ^__^
----
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang punahin ang pagka konri nyang outfit.. Parang may hindi appropriate sa kanyang dating. Sa ponytail nyang buhok.. Checked! sa braces sa kanyang mga ngipin check! bukod sa hindi sya pinagpala ng height, pwede ko syang bigyan ng kalahating check.. Ngunit nadismaya ako sa kanyang sapatos.. Bukod sa medyo old fashion na, eh de-sintas pa 'to.. Sinaunang panahon yata ang babaeng 'to..
Pero.. Pero cute sya..
At sa kakatingin ko nga sa kanya.. Hindi ko sinasadyang matapakan ang sintas ng kanyang sapatos na pagkahaba haba at natanggal ito sa pagkakatali..
"Sorry!"
"No! It's okei!"
Inabot nya sa akin ang kanyang pink na back pack, at tuluyang inayos ang sintas ng tila mcdonalds nyang sapatos.. Hindi nakaligtas sa akin ang nakasabit na name tag dito.
Agnes Chu..
"Done.. Thank you po!"
"Walang anuman Agnes.."
Nagulat sya sa sagot ko, nakalimutan kong sabihin na nakita ko ang pangalan nya sa tag ng kanyang bag.
"Ah-eh, nabasa ko dun--"
Inabot ang kanyang kamay at tila gustong makipagkilala ng maayos.. at sya namang kinamayan ko.
"Agnes Chu po! 3rd year highschool student.. new transfer din po! mahilig po ako magsulat ng mga poem, kaya po sinubukan ko ang literature club.."
Oo nga pala.. Kasama ko pala sya sa club, At magiging magkasama kami sa isang buong taon.
"Robert! Robert Monsood! 4th year.. at magkasama tayo sa club.."
"Really?"
Peborit reaskyon nya yata ang REALLY at PO, at OPO.. pero natutuwa ako at may makaka-buddy na ako sa klase, hindi na magiging boring..
"Sir, akin na po yung bag ko.."
"Ah! Oo nga pala!"
Hindi ko napansin na nakabukas pala ng bahagya ang zipper ng bag, at nahila nya ang kabilang part, dahilan upang tuluyan itong mabuksan, at malaglag ang kanyang mga gamit.. Isa isa ko tong dinampot at inabot sa kanya.
Napansin ko ang isang napaka cute na notebook, na umagaw sa atensyon ko.. Binuklat ko 'to ng hindi nagpaalam..
Punong puno 'to ng mga poems.. Sa unang pahina, isang napaka ikling tula, ang tema ay tungkol sa pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina. Huli na nang malaman kong direderetso ko na 'tong binabasa.. Napakagaling ng pagkakahayag kahit napaka pangit ng pagkakasulat..
"Mga tula na naisulat ko yan sir.." nahihiya nyang sabi.
"Talaga! Ang galing!"
"Pwede ko ba 'tong mahiram? Para makakuha din ako ng ideya--"
"..."
"Ano? Pwede ba?--"
"Meron kasi akong hindi pa tapos dyan--"
"Okei lang! Yung mga natapos mo nalang ang babasahin ko--"
"Siguradong mag-eenjoy ako dito!"
"Really? Hindi naman ganun kagaling ang write ups ko"
"Hahaha! Para ngang sulat ng isang talagang manunulat eh! mas may future ka dito kesa sa akin!"
Matapos ang palitan ng mga ngiti, pumayag din sya sa pangungulit ko. Sabay kaming pumasok sa klase.. Naabutan namin ang club adviser na si Mr. Azarcon, at iilang kasama sa club..
-----
Inis pa din ako kay Robert sa mga oras na 'to.. Hindi ko naman gustong yayain talaga si Raymond. Gusto ko lang may gawin si Robert para sakin, at kahit alam kong napaka selfish nun, ay gusto kong maramdaman na kaya nyang ipakita sa akin ang mga bagay na pinangako nya.
"Sophia, bakit masyado kang seryoso?" tanong ni Raymond.
"..."
"Sophia?"
"Nothing--"
"Si Robert ba?"
"...."
"So si Robert nga.."
"Boyfriend mo ba sya?"
"Parang ganun--"
"Hahaha!"
"Bakit ka natatawa?"
"Wala.. Naisip ko lang na swerte ang lalaking yun, pero mali ang moves nya kanina.. tama ba?"
"Honestly.. Hindi kami talagang mag boyfriend, may kung ano lang akong nakita sa kanya, na hindi ko maintindihan at gusto ko syang laging may gawin para sa akin--"
"...."
"Oh, ikaw naman ang tahimik.."
"Are you suffering from something?"
Nagulat ako sa tanong nya, para nyang na hit ang isang parte ng puso ko.. Bigla akong namula, at tuluyan nang hindi nakasagot.. At kung sasabihin ko man sa kanya, sigurado maiiyak na naman ako at maaalala ko na naman sya.
"Sophia--"
"Okei lang ba ihatid kita mamaya after school?" mabilis nyang move.
"...."
"Pero kung hihintayin ka ni Robert, okei lang.. may next time pa siguro--"
Nahihiya akong tanggihan si Raymond, pero iniisip ko ang magiging reaksyon ni Robert kung sakaling makita nya kami.
"Robert.. Do something.." mahina kong bulong.
-----
"Galing talaga!--"
"Hindi ko maiwasang basahin sya ng tuloy tuloy--"
"Sir, makinig ka muna sa teacher natin.."
"Wag mo nga akong tawaging sir, para kasing hindi bagay.. Robert na lang!"
"Okei sir!"
"(kulit!)"
"Okei guys! Gusto kong magpasa kayo ng isa sa pinakamaganda nyong write ups, magiging basehan ko 'to kung sino ang magiging president ng club na 'to.."
Pauna ni Sir Azarcon..
"At sa next month, merong inter-school writing session tayo, with other schools.. So I want everyone to participate with this event.. Isa lang syang maliit na session, pero para na ding competition dahil a-attend ang malalaking publishing company at titignan ang bawat gawa ninyo.. Pagkakataon nyo na din 'to, so don't lose this one guys! By tomorrow gusto kong ipasa nyo na ang write ups ninyo.. Short story lang, pwede din ang poem at articles.."
Sumakit ulo ko bigla.. Bakit naman bukas agad? Hindi ako inspired at wala akong maisip na ideya sa mga oras na 'to.. Anong isusulat ko?
Napalingon ako bigla kay Agnes, at nahuli ko din syang nakatingin sa akin..
"???"
"May problema ka ba sir? Robert pala--"
"Oo! Malaki--"
"Gusto mo tulungan kita, para makapagpasa ka bukas?"
Nakakahiya namang tanggihan ang tulong nya, pero nakakahiya ding tanggapin 'to.. Sa dahilang parang hindi ko sariling gawa ang ipapasa ko kung magpapatulong ako sa kanya..
"No.. Okei lang ako, thank you!"
"Really? Okei.."
..
...
....
"Okei guys! You can go now.. Sana bukas maaga kayo, so we can discuss more things here, since bago pa lang ang club na 'to"
Mabilis kong dinampot ang aking bag.. Naalala ko bigla si Sophia, alam kong naghihintay sya sa labas ng school at siguradong magagalit yun kapag late akong dumating..
"Robert! kita nalang ulit bukas!" with big smile galing kay Agnes.
"Okei, hiramin ko muna tong notes mo ha!" mabilis kong sagot.
Alam kong may sasabihin pa sya, ngunit kailangan kong magmadali..
"Robert.. Thank you.."
------
Una kong sinilip ang locker ng mga babae, ito ang unang destinasyon nya matapos ang klase.. Ngunit tahimik na ang lugar, sensyales na wala nang tao. Agad akong nagtungo sa home room namin.. Tulad nang inaasahan mga cleaners na lang ang naiwan. Tatakbo na sana ako paalis nang masalubong ko si Richard..
"Brad!"
"Oh? Akala ko nakauwi ka na?"
"Nasa harapan mo pa nga ako eh!" sagot ko.
"Eh, sino yung kasama ni Sophia?"
"Huh?"
"May kasabay syang lumabas ng school, akala ko nga ikaw eh.. Kaya pala hindi lumilingon.."
Syet! Naloko na! Panigurado si Boy Foundation yun! (raymond), Wala nang ibang choice kundi habulin ko sila.. Hinding hindi ako papayag na maunahan ako ng lokong yun!
"Sige mauna na ako Brad!"
"Pinasabi pala--"
Hindi ko na din pinakinggan ang sagot nya, kailangan kong maabutan si Sophia kahit anong mangyari..
..
...
....
"Anong problema nun? hindi ko tuloy nasabi sa kanya na hihintayin daw sya ni Sophia sa school gate.." bulong ni Richard sa sarili nya.
-----
Pawisan ako nung marating ko ang gate ng campus, at bakit nga ba kasi napakalaki ng school namin? Mabilis na hinanap ng aking mata si Sophia, lingon dito lingon doon.. Nagpaikot ikot pa ng konti, bago ko sya tuluyang makita.. Nakatayo.. Naghihintay.. game face on na ang mode ko..
...
Lalapit na sana ako nung napansin kong kakaiba ang kanyang ngiti.. Tumingin ako kung saan nanggagaling ang kanyang mga ngiti.. Huli na nung nakita kong papalapit din sa kanya si Raymond. Sa oras na 'to bigla akong nawalan ng lakas ng loob, kusang umatras ang aking mga paa na kanina lamang ay patuloy ang paghabol sa kanya. Nagkaroon ako bigla ng kaba, at nagbaliktaran na ang sikmura ko..
Nakangiti syang nakikipag usap kay Raymond, hindi ko detalyado ang usapan nila, pero sa tingin ko niyayaya na sya ni Raymond na ihatid sya.
Kailangang may gawin ako..
Ngunit ang paa ko ay tila napako na..
Gusto ko mang igalaw ay parang kusa na tong huminto.. Namanhid..
Nakita kong paalis na sila.. Segundo lang ang pagitan, at tingin ko ay kaya ko itong pigilan.. Ngunit nagulat ako ng biglang may tumulak sa akin galing sa likod. Malakas ang pagkakatulak na syang nagbalik sa aking pagkatao.. Nilingon ko kung sino ang pangahas..
Si Agnes..
Nagtatanong ang aking mga mata kung bakit.. Ngunit isa lang din ang sinagot ng kanyang mga mata na tila nangungusap..
"Go for it!"
..
...
....
Ngumiti ako sa kanya..
"Thanks!" tanging nasagot ko.
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, at agad na tumulak sa direksyon nila Sophia at Raymond, sa abot ng aking makakaya at konting lakas at tibay ng loob, nagawa kong abutin ang mga braso ni Sophia..
Pakiramdam ko'y tila tumigil ang mundo sa mga sandaling 'to.. Para akong nag space warp at sumakay sa rialto.. Hinila ko sya pabalik.. Medyo napalakas nga lang, dahilan para tuluyan syang mapayakap sa akin..
Bagay naman na ikinagulat ni Sophia..
"Na-late yata ako aking prinsesa.."
Walang kasing korni, pero yun ang unang pumasok sa isip ko. Ngunit walang kasing tamis na ngiti ang sinagot nya sa akin..
Kasunod ang isang malakas na batok!
"Kanina pa ako dito naghihintay! Alam mong ayoko naman ng naghihintay sa wala diba?"
"Sorry na! Late kasi kami pinalabas.."
Napakagat labi lang sya na tila iiyak na..
"Wag mo nang uulitin yun ha.."
"Sure.."
"Anong sure? Mangako ka! (Batok!)"
"Oo na! Promise! Promise!"
Wala nang tatalo sa ganitong pakiramdam, tila isa akong bida sa isang action movies na sinagip ang buong eksena ng buhay ng prinsesa ko..
..
...
....
"Robert.. tama ba?"
banat ni boy foundation.
"Sa susunod na ma-late ka, ako na ang susundo sa prinsesa mo.. at papalit sa pwesto mo sa puso nya.."
Kasunod ang nakakainis na ngiti, ay tumalikod na 'to at tuluyang umalis.. Pakiramdam ko'y isang sagupaan sa pagitan namin ang mangyayari.. Umpisa pa lang 'to, pero tulad ng sabi ko hinding hindi ako magpapatalo sa kanya..
"Bilisan mo iiwan na kita!" anyaya ni Sophia.
Agad akong sumunod, ngunit nilingon ko muna si Agnes para magpasalamat sa kanya.. Ngunit wala na sya.. Mabilis syang naglaho, tulad kung paano nya ako mabilis na natulungan..
1 comment/s:
hehehe... so cute... may namiss tuloy ako...:)
Post a Comment