TEENAGE CAPPUCCINO - The Challenge (Chapter 6)
"Hindi daw mapagkakatiwalaan ang taong malandi at kerengkeng, pa-flirt at mapang-akit.. Pero mas
delikado ang taong naniniwala at nahuhulog sa ganung klaseng tao.. wag mong sisihin ang puso mo kung
nahulog ka sa kanya, sisihin mo ang buong pagkatao mo, dahil hindi lang naman puso ang nagdidikta sa
nararamdaman ng isang tao.. tanga ka ba? basahin mo na lang ulit..
Kung mai-inlove ka sa isang babae, na sa tingin mo ay may 20% lang ang tyansa mong maangkin sya, ay
dapat na matuwa ka.. dahil 80% pa ang dapat mong araruhin para makuha sya.. huwag maniwala sa palpak
mong mata, dahil libog lang ang dinidikta nito sa iyong pagkalalaki..
Hindi na pwedeng higitan ang aking nararamdaman sa mga oras na 'to.. Hindi makapaniwala ang baliw
kong puso sa ligayang aking nararanasan..
"Kuya.. I'm glad your back.."
Sa mainit at mahigpit nyang mga yakap, wala na akong hahanapin pa..
"Ang tagal kitang hinintay, akala ko hindi ka na babalik.."
"Sorry for everything Sophia, I mean it.."
"It's okei.. as long as nandito ka na, hindi ko na iisipin pa yung mga panahon na ako'y nag-iisa.."
Perpekto ang masaya at makulay kong panaginip..
Ngunit sa kahit napakagandang eksena ay pilit papasok si direk at sisigaw ng cut..
...
Nagising na lang ako na may luha sa aking kaliwang pisngi.. Napakagat labi, at tinanaw ang kanyang
larawan na nasa side table ng aking kama.. Dahan dahang bumangon, inabot, at tuluyang niyakap..
Sariwa pa din sa aking ala-ala ang pag-alis ni Sebastian, na kahit na walang namagitan sa amin, ay
napakasakit pa din ang dulot nito sa akin..
Napansin ang aking phone at agad itong dinampot, tatlong mensahe na nanggaling sa iisang tao..
Walang iba kundi si Robert.
"Good morning, Gising knb?, at Kumusta?"
Madaming load ang isang 'to, dahil sa ginawa pang individual ang message, na pwede namang pagsamahin
sa iisang mensahe lang. At para mawala sa atensyon ang panaginip ay tuluyan akong nagreply..
"morning! sorry, late aq nagising.."
simpleng reply, sa dahilang wala sa mood ang saturday morning ko..
------
"Brad! nagreply na!" sa masaya kong tono.
"Ows? Tingin!"
"Loko! bakit mo titignan?"
"Eh di sana hindi mo na lang sinabi!"
sabay higop sa softdrinks na bitbit..
"Oh anong isasagot mo?" tanong ni Richard.
"..."
"dapat tanungin mo sya kung gusto nya bang lumabas.. weekends naman.."
"..."
"Nood kayo sine, kain kayo sa labas, mag sidewalk kayo sa edsa.. mga ganun ba.."
"..."
"Ang haba mo naman mag reply.. o hindi mo alam ang isasagot mo?" pang-aasar ni Richard.
"Hindi.."
"???"
"Hindi ko kasi makita ang reply kung saan eh!"
"patingin nga.. bibili bili kasi ng bagong phone, hindi pala alam gamitin.."
"pang NBA lang kasi ako, at Final Fantasy eh.."
"Ito oh! pindutin mo 'to bago yan.." tutorial ni Richard.
------
Nakapag toothbrush na ako, nakapag shower, nakapag-blower ng buhok, at nakapag check ng notification
sa facebook bago tuluyang mag reply si Robert..
Naghintay ng 5 minutes kung may kasunod pa'to, or na trapik lang ang mga mensahe.. Ngunit wala..
"Busy kaba today? kasi ako hindi.. baka pwede tayong magkita, or kung may lakad ka baka pwede akong
sumama, kung pupunta ka naman ng mall, okei lang bang sumama ako? etc. blah blah blah, and so and so
on.."
Napakahabang mensahe na iisa lang naman ang gustong ipahiwatig.. Gusto nya akong makasama! may
kahalong kilig, pero hindi ako sure.. nag-isip pa ng kaunti.. nag analyze ng wala.. nalaman ko na
kailangan ko pa lang bumili ng ingredients, para sa unang cooking show, este class sa monday..
Nakakaboring din umalis mag isa, kaya nagpasya akong isama sya..
message sent.. (kailan ba mauuso ang "reply sent?")
--------
"Brad! nagreply ulit!"
"Hindi mo naman ipapabasa eh.."
"tampo ka naman brad-pit.."
"hindi na.. patingin na lang ako.."
"Sige magtampo ka na lang.."
Nag red ang trapik lights, at muntik na akong kunin ni San Pedro dahil sa sobrang saya nung mabasa
ko ang reply ni Sophy..
"Samahan mo akong mamile ng ingredients, need ko kasi sa monday.. 3pm sa school gate."
..
...
....
Hindi ko alam ang pakiramdam ng nakikipag date, katulad din ng pagkamangmang ko sa larong chess.
Pero kahit ganun, game pa din ako! Take the risk ika nga.. wala naman talagang risk, pero nandun pa
din yung danger..
At dahil abot tanaw lang ang school sa bahay namin.. 2:30 pa lang ay nasa gate na ako ng school,
gagagmitin ko ang natitirang 30 minutos para magpraktis kung paano makipag date. Ngunit wala pala
akong ideya sa ganito, kaya plan B na lang.. ang maghintay..
"Iba din pala ang itsura ng school, kapag walang pasok.." bulong ko sa sarili.
Sa tahimik at tahimik ulit na itsura nito, makakaramdam ka ng kakaibang lungkot.. Sa nakaraang
tatlong taon ko sa HS, ay hindi ko 'to napansin.. at sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla kong
nakaraan ang nakaraan ni Sophia.
"Matagal din pala ang kanyang ginawang sakripisyo, para sa isang pag-ibig na hindi man lang
nasuklian.." dugtong ko pa.
"Teka? Nasaan ba ako nung mga panahong yun?"
..
...
....
"Hindi na siguro importante, ang mahalaga ay nandito ako para tapusin ang sakripisyo nya.."
"Kuya? Anong binubulong mo?"
Muntik ko nang mauna ang kaluluwa ko sa langit, dahil sa gulat.
"Kanina ka pa?"
"Kakarating lang.." sa nagtatakang hitsura.
"Sino kausap mo?" dugtong nya.
"A-e.. Wala.. wala naman yata akong sinasabi.."
First time ko syang makita na hindi naka school uniform, at sobra akong nanibago.. Dahil mas mukha
syang dalaga sa kanyang porma at postura ngayon.. at ang malala ay tinamaan ako ng hiya..
Hinatak nya ang aking braso na tila bata, ako naman na parang papel na walang magawa kundi sumunod
sa dikta ng hangin.
..
...
....
Sa isang shop sa pinakamalapit na mall, kung saan sangdamakmak na condiments ang nakikita ko, ay dun
kami napadpad..
Tahimik ko syang pinagmamasdan habang abala sya pumili ng kanyang kailangan.. Seryoso pala sya sa
bagay na gusto nya.. Hindi ako sigurado sa kanyang cooking skills, pero pwede akong maging una
nyang costumer, at lubha ko yung ikatutuwa.
Lalo syang nagiging cute sa pagiging masigasig nya, hindi maipagkakaila na kahit sinong lalaki ay
hindi pwedeng mahulog sa kanyang kakaiba at nakaka-aliw na ugali, bagama't nandun pa din yung
pagiging stubborn nya nilalamangan naman ito ng pagiging cute nya.
...
Matapos makumpleto ang sangkap ng bahay kubo, ay nagpasya na syang magbayad sa counter.. medyo
mahaba ang pila kaya kailangan talagang maghintay.
Nakakabagot.. lalo na at wala kang maikwentong maayos..
"Saan tayo punta after nito?" tanong nya.
"Ikaw.. Saan ba gusto mo?"
"Ako? hmm.."
"...."
"Bukas ba ang cafeteria nyo?'
"Hindi.. bakit?"
"Gusto ko sanang ma-try na agad yung menu na pag-aaralan namin sa monday.."
Hindi ako makapaniwala na seryoso sya talaga sa kanyang pagluluto. Bagay na hindi yata ako pwedeng
tumawa dahil malilintikan ako..
"Hindi bale.. Sa bahay na lang siguro, kain na lang tayo.." anyaya nya.
Gustuhin ko mang tumanggi sa pagbali nya ng desisyon, ay wala na akong nagawa kundi sumagot nang..
"Oo ba!"
"Kuya, medyo mahaba ang pila.. Pwede mauna ka na sa tapat na fastfood at mag order?'
Hindi pa man natapos ang kanyang pagsasalita ay agad na akong umalis, sumenyas lang ng "OK" at
diretso sa tapat na kainan.
------
Sophia
Matapos kong bayaran ang lahat ng nabili, ay agad akong tumakbo papalabas ng store.. Nasa glass door
na ako ng store ng madinig ko ang boses ng cashier..
"Ma'am change nyo po!"
At sa pagbalik ko ay tyempo namang nabangga ko ang isang matangkad na lalaki, at dahil sa pagiging
careless ko, ay nalaglag lahat ang mga gamit ko sa sahig. Hindi ko nang nagawa pang tignan ang
kanyang itsura, inis na lang ang nangibabaw..
"Sir, pakidampot na lang, at babalikan ko sayo.."
utos ko sa lalaki..
"Bakit hindi mo agad sinabi miss?"
"Sorry ma'am agad po kayong umalis.."
"(sigh)"
Hinanap ko ang lalaki na kaninay nakabangga sa akin, ngunit hindi ko na sya matanaw.. Kumunot na ang
aking noo, nakahanda nang sumabog ang bulkan nang agad akong binati ng lalaking nasa likuran ko at
namimili din sa loob ng store..
"Miss heto na gamit mo.." sa nakangiting hitsura.
Hindi ako nakasagot.. agad nyang inabot sa akin ang aking mga gamit, at agad tumalikod.. Hindi ako
nakasagot, hindi dahil nagmamadali ako.. ngunit dahil sa napaka cute nyang mga ngiti na nilagyan ng
magkabilang dimples sa pisngi.
"Thank you--" pasasalamat ko.
"Raymond--" agad nyang sagot.
Sinundan ulit ng isa pang mapangakit na mga ngiti.. Sa puntong yun ay tuluyan na akong hindi
nakagalaw, pakiramdam ko'y may kung ano sya at tuluyan akong na-stun sa kanya.
...
"Miss.. okei ka lang?"
"Yes.. of course.."
"Are you sure?!"
"Yes.." nakatitig padin.
"Kasi yung cinnamon isinama mo sa ibang condiments, hahalo yung amoy nya.."
Nagising ako sa katotohanan na nasa mall ako, at wala sa isang teleserye.. Nagulat din ako na may
alam sya sa mga ganung bagay..
"Ah! Oo nga pala.. Sorry.. I was thinking of something kasi.."
Ngumiti lang sya, at tumalikod ulit.. Daig pala talaga ng suplado ang gwapo.
------
"Sophy!"
"Sophy dito!"
Pigil kong sigaw habang tinatawag ang kanyang atensyon, at napansin naman nya yun.. agad syang
lumapit at agad na na naupo.. Ngunit parang may mali.. Mukhang syang balisa sa hindi maipaliwanag na
dahilan, idagdag mo pa ang kanyang pamumutla.. Tila nakakita ng multo.
"Ano nangyari sayo?" agad kong tanong.
"..."
"Sophia.."
"Nothing.. I just saw a guy, who looks like him.."
"him? sino?"
"Ay! Hayaan mo na.."
At dahil ayoko mangulit, hinayaan ko na lang sya..
Matapos ang konting kwentuhan, at konting bolahan, na sinamahan ng konti ding ligawan, ay natapos
ang konting date namin, at kahi sa konting panahon na nakasama ko sya, ay nagkaroon naman ako ng
sobrang ligaya..
Nagpasya na kaming umuwi, tulad ng nakagawian hinatid ko lang sya hanggang sa golden gate ng
mayayamang tao.. agad kaming naghiwalay ng landas, at nagpasya naman akong diretsong umuwi na.
"Thanks and take care"
text message ni Sophy na paulit ulit kong binabasa, habang naglalakad pauwi.. At kahit na punong
puno ng pawis at amoy araw kahit hapon na ay oks lang.
Kung tutuusin.. wala pa naman talaga kami ni Sophy, ang pagiging magboyfriend/girlfriend namin ay
parang isang praktikal joke lang.. At isa lang ang natitira kong goal, yun ay ang sagipin si Sophy,
at tuluyan syang gawing akin!
"Hoy! Tumingin ka sa nilalakaran mo!" sigaw nung jeepney driver.
--------
Yung ibang estudyante eh takot sa monday class, dahil may hang-over pa 'to ng sunday at konting
tardiness.. Ibahin nyo ako! Ako na ngayon ang estudyante na laging excited pumasok! wag mo nang
itanong ang dahilan..
"Good morning.." agad kong bati sa kanya.
"Good morning kuya!" sagot naman nya.
Agad kong inayos ang aking upuan, chineck kung may naligaw na bubble gum, o paste sa sa dulo ng
armchair o di kya naman sa pinaka upuan.. Swerte! wala!
"Kumusta ang sunday?" tanong ni Sophy.
"Regular day.. magiging special siguro kung kasama ka.."
"Bolero.."
"Huh?"
Hindi ko pa alam ang bola, na madalas kong naririnig kay Rico Puno.. Wala pa nga kasi akong nagiging
gf, at wala akong ideya.. Tulad ng isang regular na tao, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko.. Pero
big deal pala yun! Akalain mo?
"Miss!"
"Miss!"
"Miss anong pangalan mo?!"
Nilingon ko kung saan nanggagaling ang tumatawag, at ganun din si Sophia.. Ngunit nagulat na lang
ako nung napatayo si Sophia sa kanyang kinauupuan.. Pilit minumukaan ang lalaki, at biglang
napangiti..
"uy! ikaw yun diba?!"
"Oo! dito ka din pala nag-aaral?!"
Ako <-- ???
"Bagong lipat lang ako dito.. Uhm.. Raymond tama ba?"
"Yup! Kita tayo sa cooking class mamaya! Kasali din ako sa club!"
"Talaga? Galing naman.. Teka paano mo nalaman na nandun din ako?"
"Nakita ko ang list ng mga bagong pasok sa club, and I saw your picture, year and section, so agad
kitang pinuntahan dito.."
Ako <-- ??
Huh? Anong nangyayari dito? Sa isang iglap nawala ako sa eksena.. Naagaw sa akin ang spotlight ng
estudyante na hindi ko kilala.. ano pa bang ginawa ko? syempre gumawa din ako ng eksena.. Malas nga
lang hindi natuloy, dahil umalis na ang lalaki at nagpaalam na kay Sophy.
Tahimik naman ako kunwari ay walang pakielam.. Sa konting parte ng puso ko, parang nakakaramdam ako
ng inis, at parang ang hirap lumunok..
"Uhmm.. Kuya! Pwede mo ba akong samahan mamaya sa club mamaya?"
"...."
"Kuya!'
"May meeting din kami sa club mamaya.."
"Ihatid mo na lang ako, then pwede ka nang umalis.."
"May kasabay ka naman yata mamaya diba? yun oh!" sabay nguso sa direksyon kung saan galing si
Raymond.
Tinignan ako ni Sophy, na may halong ngiti.. parang nang-aasar na hindi ko maintindihan.
"Nagseselos ka kuya?" sa palambing nyang tono.
"Hindi ah!" mabilis kong tanggi.
"Kung hindi, ihatid mo ako mamaya ha!"
"Bakit hindi ka sa kanya magpahatid? hindi porket mas gwapo sya sa akin, eh makikipagpalitan ka na
ng ngiti sa kanya.. Hmp!" yan sana ang gusto ko isagot subalit wala naman akong lakas ng loob.
Tahimik lang ako, at bubulong bulong sa sulok.
Ngunit inakbayan nya ako, at ngitian ng harap harapan.. Nagulat ako sa aksyon nya.
"Nagseselos ka diba? Kung hindi mo ko ihahatid mamaya, sige ka at baka maagaw nya ako sayo.." may pa
charming pang mukha.
"..."
"Sige na! Please!"
"..."
"Oo.. sige sige.."
"Yan ang kuya kuya ko, at sasabihin nya dun sa lalaki na hindi na pwedeng ligawan ang girlfriend ko,
dahil akin na sya!"
"What the! Seryoso ka?"
"Oo.."
"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi sa kanya?" pilit kong sagot.
"Dahil kapag ako, ay baka hindi sya maniwala.."
Hindi ko alam ang plano ng babaeng 'to, pero sa tuwing may kailangan sya ay parang nawalan na ako ng
karapatang tumanggi.. Bahala na!
"Alam mo kasi.. Kahawig nya si--"
"Kawahig nya si Sebastian.. so kung may taong magliligtas sa akin papalayo sa kanya, tingin ko kahit
sa simpleng paraan ay, makakalimutan ko na sya.."
"Pero hindi naman sya yun.."
"Gawin natin 'to bilang practice!"
"Tingin mo tama ba yun?"
"Gusto mo ba o ayaw mo?"
!@#$%!
0 comment/s:
Post a Comment