Teenage Cappuccino - 5

TEENAGE CAPPUCCINO - The reason, The game, and The consenquences (Short Update)


Ramdam ko na ang malamig at preskong hangin sa paligid, tahimik, at kalmadong kapaligiran.. Tanging ang ngitngit na nang-gagaling sa see-saw lang ang syang nangingibabaw sa lahat..

Ngunit..

Sa likod ng normal at makulay na paligid, mas kapansin pansin ang kakaibang lungkot na nang-gagaling sa kaharap kong anghel..

"....."

Ilang beses ko na ding binalak magsalita, ngunit hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.. Wala akong maisip na paraan.. Hindi din ako ideal guy na bihasa sa pag comfort ng mga babae..

...

"Kuya.. Hindi mo ba napapansin kung bakit ang see-saw ay nasa dalawang direksyon lang?"

Ang sagot na nasa isipan ko ay "taas at baba" lamang..

"Kahit anong gawin ko.. Babalik at babalik pa din ako sa paibabang direksyon.."

"Walang pinagkaiba sa ikot ng mundo no?" sagot ko.

"Oo.. galing mo kuya.."

"Akala ko, sa paglipat ng school ay makakaiwas na ako sa nakaraan ko.."

"Akala ko madaming magbabago.."

"...."

Hinahayaan ko lang syang dalhin ng kanyang emosyon, tatahimik lang ako at makikinig.. Yun na siguro ang pwedeng magawa ng isang lalaki para sa isang babae..

Ang makinig at unawain sila sa magkakaibang pagkakataon..

"Sa totoo lang kuya.."

"Ayokong isama ka sa mga problema ko sa buhay.."

"Pero sa tingin ko.. Ikaw lang ang makakaunawa sa akin.."

"Merong kang kakaibang katangian na sa pakiramdam ko'y kahit sinong babae ay makikita yun.."

"...."

Dinig ko ang malakas na hampas ng hangin sa mga puno.. At nangingibabaw pa din ang langitngit ng isang lumang see-saw..

"Kuya--"

"Paano kung malaman mong--"

"...."

"Ang lahat sa ating dalawa ay laro lamang--"

Sa sandaling 'to.. Hindi ko na alam ang istorya, hindi ko na din alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya. Pero kakaibang emosyon ang naramdaman ko.. may parte sa pagkatao ko na gusto ko pang makinig sa sinasabi nya, ay may parte na gusto ko syang iwanang mag-isa o tumalon sa see-saw at hayaan syang malaglag..

Ngunit ang kaninang mapangahas na postura nya, ay napalitan ng kakaibang lungkot at pagkadismaya..

--------

FLASHBACK

"Sebastian!"

Tandang tanda ko pa kung paano sya tawagin ni Eri sa kanyang pangalan na may halong pang-aasar.. Si Eri ang bestfriend ko.. 1st year high school ako sa isang kilalang eskwelahan noon.. Klasmeyt ko si Eri, at Kuya nya si Sebastian..

At dahil bago pa lang kami sa mundo ng teenager, masipag syang sinusundo ng kanyang kuya kada matatapos na ang klase.

"Sebastian!"

"Tawagin mo akong kuya Eri, mas matanda ako sayo" na kahit nahihiya ay dinadaan pa din sa ngiti.

"Sebastian.. Meet my new friend.. Sophia!"

Hindi ko pa alam kung paano makibagay sa mga lalaki noon, hindi dahil nahihiya ako, kundi hindi ko alam ang iaasal ko sa harap nila.. Noong mga panahong yun alam kong may pagka stubborn pa ako, at madalas pikon.

Ngunit ang nakakagulat na bagay ay sa tuwing nasa harapan ko sya hindi ko magawang magbuhay prinsesa..

Masayahin at palabiro sya.. Palabati at palakaibigan.. Bagay na hinahangaan ng mga tao sa paligid nya. Huli na ng malaman kong naputol na pala ang sinulid na nagdudugtong sa amin bilang magkaibigan..

Unti unti kong naramdaman na nagkakaroon na ako ng gusto sa kanya.. Ngunit takot akong aminin 'to.. Tinago ko 'to at kinimkim sa sarili.. Masaya na ako na nakikita ko sya araw araw.

Hindi nagtagal at naging mas malapit kami sa isa't isa, nakikita ko na lang ang sarili kong laging excited sa kanya, madalas na akong napupuyat kaka-txt at tawag sa kanya. Sa katulad kong bata pa hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. At habang tumatagal nakakaramdam na ako ng selos sa babaeng nakikita kong umaaligid sa kanya, naging alipin ng tunay kong nararamdaman para sa kanya.

Natapos ang freshmen year ko, at ganon pa din ang status ng aming relasyon.. Walang kahit na ano.

Unang araw ng sophomore year ko noon, masaya ako at klasmeyt ko pa din si Eri.. Ibig sabihin mas madalas na ulit kami magkikita ni Sebastian.

"Kuya!"

Sa hindi maipaliwag na dahilan, mas lalo akong naging close sa kanya, at mas nauuna pa ako kay Eri sa labas ng campus para lang makita sya.. Kuya ang tawag ko sa kanya, dahil mas matanda sya sa akin.. At ang nakakatawang bagay ay Ate ang tawag nya sa akin, sabi nya isang typical joke lang daw, dahil kuya ang tawag ko sa kanya.

Kalahating taon na ganito ang aming sitwasyon.. At ang mas nakaka inis, ay bakit hindi nya pa din maramdaman na mahal ko na sya. Sa katulad kong nagpapakita na ng isang malinaw na motibo, ay isang bagay lang ang naiisip ko.. Yun ay hindi nya talaga ako gusto, o may mahal na syang iba, o talagang tanga lang sya at manhid.

...

Excited akong matapos ang klase, para makita sya..

Ngunit ang araw na 'to pala ang syang magbabago ng lahat..

Unang beses na hindi ko sya nakita sa labas ng campus, wala sya.. at kahit ang kanyang anino ay hindi ko makita.

Naghintay pa ako.. nagbakasakaling darating sya..

Ngunit hindi..

"Sophia.."

"Eri.."

"Hinihintay mo ba si kuya?"

"Oo.."

"Hindi na sya darating.."

"Bakit? may nangyari ba sa kanya?" pag-aalala ko.

"Hindi.. Kailangan nyang umalis.."

"Bakit? Saan sya pupunta?"

"Sabi ni mommy.. Mag-aaral sya sa ibang bansa.. Kailangan nya magsipag, dahil sya ang magbabangon sa aming palubog na company.."

Sa murang edad, wala akong naiintindihan pa.. sya lang ang iniisip ko at wala nang iba.

Hindi ko alam pero, parang bumagsak ang aking mundo nung mga oras na yun, hindi ko man lang nasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman.. pinaasa ko ang sarili ko na lagi lang syang nandyan.

"May pinabibigay sya sayo.. ito.." inabot ang isang sulat.

Hindi na ako naghintay pa, agad ko 'tong binasa.

...

Ate Sophia,

Siguro ngayon nagagalit at naiinis ka sa akin, pero tingin ko hindi na kita masusundo sa ngayon. Kailangan kong mag-aral sa ibang bansa, kailangan kong mag-aral ng mabuti bilang susunod na magpapatakbo ng aming company, for some reason bumagsak ang aming company, natalo kami sa market ng another company. Sya nga pala.. hindi mo pa pala naiintindihan ang bagay na 'to, dahil bata ka pa.. At yun din ang dahilan kung bakit, hindi ko masabi sayong mahal kita. paulit ulit kong tinatanong kay Eri, kung maiintindihan mo ba ang gagawin ko. Pero tingin ko wala naman akong magagawa.. Kung mahihintay mo pa ako sa pagbalik ko, gusto ko sanang sunduin ka ulit sa lugar na kung saan madalas tayong nagkikita. Alam kong hindi sapat ang isa hanggang dalawang taon ko sa ibang bansa, para magpaka bihasa.. Umaasa akong sa pagbalik ko ay nandyan ka pa din at naghihintay sa akin. Siguro isa ka nang dalaga, at ubod ng ganda.. Again.. Sorry..


    Kuya

...

Kusang nagbagsakan ang mga luha sa kakapirasong papel sa aking harapan.. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Wala akong nagawa kundi umiyak. Nawalan ako ng gana mag-aral.. Ang dati at masayang lugar na madalas syang naghihintay, ay tila bangungot na ayaw ko nang makita pa.

Ngunit..

Hindi ako nawalan ng pag-asa.. Araw araw akong naghihintay sa gate ng campus, umaasang darating sya.. Umaasang magbabago ang lahat, at sa huli nalaman kong umaasa lang pala ako sa wala.

Ang buong junior year ko, ay tila isang napakalungkot na kwento at bahagi ng buhay ko.. Minsan natatakot ako, kapag alam kong patapos na ang klase.. dahil lalabas na naman ako ng eskwelahan, at kahit pilit kong umiwas, nandun pa din ang pakiramdam na ako'y naghihintay at umaasa.

Matapos ang junior year ko, nagpasya akong mag transfer ng school.. Ayoko nang muli pang lumabas sa campus na yun, at maramdaman ng paulit ulit ang sakit.

Alam kong hindi papayag si mommy na mag transfer ako sa isang public school, pero nagpumilit ako sa kanya.. At ang kapalit nito ay ang araw araw na pagsundo sa akin ni Kuya, pumayag naman ako.. Ngunit nitong huli ay nakakaramdam ako ng inis, dahil ayaw ko ang pakiramdam ng may sumusundo.

Akala ko.. Makakatakas na ako..

Ngunit aaminin ko..

------

"Sorry Robert.. Sa tingin ko, sya pa din ang mahal ko.."

"At kung paghihintay lang ang tanging paraan, ay gagawin ko.."

Nakakapagtaka lang, dahil sa mga oras na 'to hindi ako nakaramdam ng sakit.. Bagkus ay para akong na challenge.. Gusto ko syang iligtas sa sakit na kanyang nararamdaman. Hindi ko nga ba alam kung talagang tinamaan ako sa kanya.

Sa puntong yun.. Nasa ibabaw ako ng see-saw..

Pinilit ko tong ibaba, at ilagay sya sa itaas.. Nung maabot ng aking mga paa ang lupa, hininto ko ang paggalaw ng see-saw..

"Robert.. bakit?"

"Sophy.."

Hindi ko na nakita pa ang mga luha sa kanyang mga mata, parang sa sandaling naikwento nya ang nangyari ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Robert! Ibaba mo ako!"

"Ayoko!" sagot ko.

"Lagot ka sa akin pagbaba ko!"

"Gusto ko dyan ka lang.."

"..."

"Bakit nga?"

"Kung ang paghinto lang ng paggalaw ng see-saw ang magagawa ko, para dalhin ka sa itaas ay hindi na akong magdadalawang isip.."

Hindi sya nakasagot.. Mukhang may kulang pa, kailangang may sabihin pa ako..

"Kahit nasa baba ako, basta makikita kitang masaya dyan ngayon, kahit mangawit ang aking mga binti.. ayos lang.."

"You're crazy Robert! Ibaba mo na ako!"

"Hindi.."

"Hindi ako papayag na bumalik ka pa sa baba.."

"..."

"Kahit mapagod ka?" tanong nya.

"Oo--"

"(Sigh)" sagot nya.

"Okei.. You got me.."

"..."

"Hindi mo naiintindihan Sophy, gusto kitang ilayo sa kanya.."

Hindi ko alam kung tama ba ang nasabi ko, o sobrang korni na.. Pero hindi ko inaasahang sa bagay na yun ay mapapangiti ko sya.. Muli ko na namang nakita ang kanyang mapuputing ngipin.

"You're really something Robert.. you've always suprise me, kahit nung unang pagkakilala natin, you put a salt in my coffee at hindi ko malilimutan yun.. Please--"

"Help me.."

0 comment/s:

Post a Comment