Teenage Cappuccino - 8

TEENAGE CAPPUCCINO - Raymond's Turn (Chapter 8)

A great relationship requires two main things.. First.. is to find out the similarities and second.. is to respect the differences. -The Notebook of love

...

"Robert!"

Hindi ko napigilan ang aking mga luha na tuluyang bumagsak.. Pakiramdam ko'y natulay ang prediction ni Nostradamus patungkol sa 2012 doomsday, at ng lintik ng Mayan Calander ang The Great Galactic Alignment, kung saan ang isda sa karagatan ay maha-half cook blah blah blah..

"Robert!!"

Pilit ko mang pigilan ang kanyang pag-alis ay tila wala talaga akong magagawa.. Yun ang sarili nyang desisiyon, ang tuluyang lumayo at kalimutan ang lahat ng bagay na nagpapa-alala sa kanya..

"Robert!!!"

..
...

Nagising akong may bakas ng luha sa aking mga pisngi..

Kasabay ng pagbalikwas, ay nakaramdam ako ng kakaibang nginig sa katawan.. Ang isang kakaibang panaginip na hindi ko maintindihan, kung saan isang tao ang nagpapa-alam sa akin. Bigla kong naalala si Erpats..

Pero bago unahin ang pagmumuni muni, ay dapat muna akong magmadali.. Bakit? dahil malalate ako sa klase! Napuyat ako kagabi kakaisip sa eksena namin ni Sophy nung kinahapunang yun.. Grabe! Para akong bida sa isang pelikula talaga! Pero syempre bago ang lahat.. kailangang pumasok..

-----

Swerte pa rin talaga! Dahil pasimula pa lang ang unang klase sa umaga, at tulad ng nakagawian.. Magagandang ngiti ni Sophia ang sumalubong sa akin..

"Good morning kuya!"

"Morning!"

"Tinanghali ka yata.."

"Gumawa kasi ako ng presentation ko para sa club.. write ups.."

"Talaga? pabasa naman ako!"

"Ayoko!"

"Bakit? dahil ba magkaiba tayo ng club?"

"Nope.. dahil baka makornihan ka lang.."

"Hahaha!" love story ba?"

"Medyo.."

-------

Hanggang kailan ba kami ganito? Hindi ko gustong matapos ang mga oras at sandali na kasama ko sya.. Masaya ako sa tabi nya, at alam kong ganun din sya.. Kung gagantimpalaan lang ako ng tatlong kahilingan, yun ay yung makasama ko sya sa tatlong cycle ng buhay ko. Hindi ako magsasawa sa kanyang mga ngiti, sa kanyang mga tawa, kakaiba man ang kanyang ugali at pananaw sa buhay.. Isa lang ang sigurado ako.. Masaya ako sa kanya.. ganito ang teenager, sweet kahit korni..

Matapos ang unang klase, agad kong inunahan ng tanong.. Paraan para makaiwas sa pangungulit nya tungkol sa write ups ko.

"Sophy.. Kumusta sa club nyo?"

"Bakit bigla mong natanong?"

"Huh? Hindi ba pwedeng itanong yun?!"

"Pwede.. nakakagulat lang.. o baka iniisip mo na nauunahan ka na ni Raymond?"

Lintik!

"Hindi no! Hinding hindi ako magpapatalo sa kanya--"

Sabay batok sa akin..

"So galingan mo!"

...

Napatingin na lang ako sa bintana, habang naghihintay ng susunod na klase.. Hindi ko pa din kasi lubos na maisip na sa huling parte ng HS life ko, magkakaroon ng ganitong klaseng experience sa pag-ibig..

Gulat naman ang sumalubong sakin ng biglang sumulpot si Agnes sa bintana kung saan ako tahimik na nangangarap..

"Robert!"

"Agnes! Kumusta!"

"Ok lang.. dinaanan lang kita!"

"Ganun ba.."

"Kita na lang tayo mamaya!"

At diretso na syang umalis.. Ganun pa din ang attire nya, hindi ko ma?tindihan kung geek ba sya o talagang old fashion lang.. nagmumukha syang matanda..

Sya naman tong siko ng prinsesa ko..

"Nagkakasundo kayo mabuti no?"

"Medyo lang.. sya lang kasi ang normal kong nakakausap sa club.."

"Abnormal ba mga tao dun?"

"Hindi.. Hindi ka nagkakamali.."

"Wag kang malalate mamaya, gusto ko ikaw ang mauunang maghintay sa akin sa labas.."

Tumango lamang ako sa kanya.

------

Agnes

Hindi ko sigurado kung magugustuhan ni Robert ang write up ko, pero sya lang naman kasi ang may kalas ng loob na magsabi na maganda ang mga sulat ko. Dumaan ako para ipabasa yun sa kanya.. Ngunit katabi nya ang babae kahapon.. Girlfriend nya yata yun.. Kaya hindi ko na nagawa pang ipakita sa kanya.

Bago ako tuluyang pumasok sa pangalawang klase sa umaga, dumiretso muna ako sa club namin para i-review ang sinulat ko. Wala pang tao nung dumating ako, doon ko pa lang napansin na bago pa lang talaga ang club, dahil sa bago lahat ng furnitures na nandun. Yung mga libro lang ang medyo luma.

Naupo ako sa isang sulok. Sa pwesto kung saan pakiramdam ko'y kumportable ako. Ganon kasi ako kapag kailangan kong mag-isip.. Habang nirereview ko ang aking nasulat, ay hindi ko maiwasang isipin si Robert. Gusto kong makita ang gawa nya.. sa tingin ko dun ko makikita kung anong klaseng tao sya. Excited na ako..

...

Matapos ang konting pag-edit ay agad akong lumabas ng kwarto para dumiretso sa susunod na class schedule. Hindi pa man ako nakakalayo ay agad na may bumangga sa akin.. Isang lalaki na naka pang balerina ang suot, para syang sasali sa high school musical na ang ganap ay isang.. Bakla?

"Sorry! Sorry talaga ma'am! Nagmamadali kasi ako!"

"Ma'am? estudyante po ako sir.."

"Alam ko.. Para ka kasing teacher sa attire mo--"

"Hahaha! Joke lang miss!"

"Ok lang.. Saan po ba ang miss gay?"

Namula sya at halatang nainis sa pang-aasar ko.. Bumawi lang naman ako sa pang-aasar nya.

"Sa dance club po ako, at hindi ko talaga gusto ang suot ko ngayon!"

"Kaya naman pala.. Sorry! By the way.. I'm Agnes! Agnes Chu!'

"Richard! Richard Torres!"

Hindi na sya nagpaalam at tuluyang tumakbo papalayo.. Halata ngang nagmamadali sya.. Aalis na sana ako nung napansin kong hindi ko bag ang dala dala ko.

Hinabol ko pa ng tingin si Richard, at kumpirmado na nagkapalit nga kami ng bag.. Balak ko sanang habulin pa sya ngunit mahuhuli na ako sa klase.. Good thing at bitbit ko lang ang aking mga notes, kasama ang write up ko.

-----

Tumingin ako sa relos.. sinasabi nitong malapit na ang break, kaya pala ganun na lang kaingay ang aking tiyan sa pagwewelga. Matapos ang dicussion ay agad nag deklara ang aming titser ng halfbreak.. Parang basketball lang, kaso walang halftime show.

Agad kong niyaya si Sophia, para naman kahit paano ay makapuntos ako sa kanya. Pogi points ang tinutukoy ko..

"Dalhin ko na yang gamit mo.."

"Sure.. thanks!" kasunod na naman ang malupit nyang ngiti.

Palabas na kami nung masalubong namin si Richard, na punong puno ng pagkadismaya ang mukha.. Ang nakakapagtaka lang ay bakit nakapang balerina ang suot nya. Gusto ko sanang tumawa pero mukhang wala sya sa mood.

"Brad.. Hindi pa tapos ang practice?"

"Tapos na.. Kaso may problema ako brad! Waaaaaaaaaa!"

"Relax.. ano ba yun?"

Tahimik naman si Sophy sa tabi ko, nagtataka lang sya sa itsura ni Richard.

"Kasi bago ako dumiretso sa session, eh may nakabangga akong babae, at aksideteng nagkapalit ang back pack namin.. ito oh!"

Sa unang tingin ay pamilyar na sakin ang bag na yun..

"Anong kinalaman ng bag at bakit ganyan pa din ang suot mo Richard?" tanong ni Sophy.

"Obvious ba? Nandun ang class uniform ko! Waaaaaaaaaaa!" atungal nito.

"Kailangan kong hanapin ang babaeng yun! bago pa man ako magmukhang katawa tawa sa buong campus!"

"Nakuha mo ba ang pangalan?"

"???"

"Ano?"

"Nalimutan ko! Waaaaaaaaaaaa!!"

Pero teka.. Pink na back pack, at key chain na pwedeng sulatan ng name at address.. Walang duda!

"Agnes ba? Agnes ba pangalan nya?"

"Oo! Oo tama! Kilala mo sya?"

"Please naman pakibalik mo 'to sa kanya brad, kunin mo na din ang bag ko--"

Sabay hagis sa akin ng bag, at diretsong tumakbo sa male cr..

"Brad hihintayin kita dito! Ayoko lumabas ng ganito! Waaaaaaaaaaaaaaa!"

"Pero--"

Hindi ko na nagawa pang ipaliwanag kay Richard na sasamahan ko si Sophy at sabay kaming mag lu-lunch.. Tinignan ko ng bahagya si Sophy, naghihintay ng desisyon galing sa kanya.

"Can you give me a minute? Ibabalik ko lang 'to.."

"Ok, hihintayin na lang kita sa canteen.."

----

Hindi na ako nag ubos ng oras, agad kong tinungo ang club kung saan may posibilidad na matagpuan ko sya.. Bukas ang pinto kaya agad akong pumasok.. Ngunit wala kahit ang anino ni Agnes. Agad akong lumabas ng kwarto.. Nag-isip ng posibilidad kung saan ko nga ba pwedeng makita pa si Agnes. Agad pumasok sa isip ko ang girls locker room ng mga 3rd year students..

At kahit na hindi ako allowed ay dumiretso pa din ako.. Nagbabakasakali na doon ko sya matagpuan. Tahimik ang locker mula sa labas. Nag-aalangan pa din akong pumasok dahil baka may tao sa loob, at sigurado na kapag nahuli ako ay sa guidance ang bagsak ko, at kapag napasama ay sa opisina ng principal.

Pero lakasan na ng loob 'to..

Dahan dahan kong binuksan ang pinto, at dahan dahan ding sumilip sa loob.. Medyo may kalakihan ang locker room ng mga babae kesa sa lalaki. Wala akong madinig na kahit konting boses o usapan man lang.. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng taong papalapit sa kinaroroonan ko..

Dali dali akong nagtago sa likod ng pinto.. Pinakikinggan kung saan manggagaling ang paparating na tao. Ngunit laking gulat ko nang papunta sila direksyon ko..

Patay na! !@#$#%!!!!

Dali dali akong pumasok sa loob ng locker at naghanap ng matataguan..

..
...
....

Sophia

Patapos na ang break ngunit wala pa din si Robert.. Lumamig na din ang inorder kong pagkain para sa kanya ngunit wala pa din ang presensya nya. Naghahalo na ang inis at pagdududa sa akin.

Tatayo na sana ako nang nakita kong papalapit sa direksyon ko si Raymond..

"Sophia.. Bakit ikaw lang mag isa?"

"Raymond! Hello! Hinihintay ko si Robert.."

"???"

"Bakit parang nagtataka ka?"

"Patapos na ang break, pero hindi mo pa din nagagalaw yang pagkain mo.."

"...."

"Nasaan ba sya?"

"May sinaglitan lang, parating na din siguro.."

"Uhm Raymond.. Sorry kahapon ha! Si Robert kasi talaga dapat ang maghahatid sa akin pauwi.."

"Hahaha! Ok lang! May next time pa naman siguro.."

"..."

Hindi ko magawang sagutin ang sinabi nya, pero sa dating nya na medyo agresibo kahit sinong babae ay mahuhulog sa kanya.. Pero ang totoo ayoko sa ganitong lalaki.. Parehas na parehas nya si Sebastian sa mga kilos at galaw, bagay na ayaw ko nang makita pa sa kahit sinong lalaki. Isa din tong dahilan kung bakit ayaw ko na sa seryosong lalaki na mukhang perfect.. Kaya din siguro palagay ang loob ko kay Robert.

"Sophy, alam mo hindi ko matiis makita kang naghihintay.. Ok lang ba umupo muna ako dito?"

Tumngin ako sa relos ng aking phone, may labinlimang minuto pa bago matapos ang break.. lalo lang nadagdagan ang inis ko kay Robert.

"Sure.. mukha yata talagang LATE na naman si Robert"

Mabilis nyang hinila ang upuan at agad na umupo.. May kung ano syang dinudukot sa kanyang bag at nung tila mahanap na nya ay agad nya itong inabot sa akin..

Isang invitation letter..

"Invitation? Birthday mo?"

"Hahaha! Hindi! kung ako ang magbi-birthday, walang invitation dahil mas pipiliin kong ikaw ang makasama ko kapag nangyari yun.."

Infairness medyo kinilig ako dun..

"So sino ang mag bi-birthday?"

"My little sister.."

"Huh? Eh bakit dito ka sa school namimigay? Bakit hindi sa mga kaedad nya?"

"For some reason.. Gusto nya kasi na may dalhin ako na klasmeyt ko daw.."

"Hahaha! Nakakatuwa naman ang kapatid mo.."

"..."

"Asahan ko na pupunta ka ha! Sigurado akong matutuwa sya.. for sure!"

"Hindi ko sigurado.. Uhm.. I'll try na lang.."

"Ok! Pero sana makapunta ka.."

Matapos ang saglit na pag-uusap ay agad syang tumayo at nagpaalam.. Halata sa kanyang hitsura ang saya at galak bago sya magpaalam.

Pupunta ba ako?

Pag-iisipan ko muna.. Pero..

Pero nasaan na ba ang lintik na Robert na yun!

----------

Madilim ang paligid at masikip.. bawal kumilos, bawal magsalita.. pasalamat na lang ako at hindi bawal huminga.. Oo! Nasa loob ako ng isang steel cabinet! Bullshit! Naipit na ako sa loob.. Hindi ako makalabas dahil ang daming estudyanteng babae sa loob ng locker.

Pawisan na ako at ngawit na ngawit na, dahil bitbit ko ang bag ni Agnes sa loob ng madilim at nanganganib kong reputasyon sa loob ng locker.. Dinig na dinig ko ang usapan ng mga babae sa labas. May maliliit na bintana ang locker ngunit naka slide 'to at tanging sahig lang ang nakikita ko.

..
...
....

Tumagal pa ng 30 minutos na nakatayo ako sa loob ng cabinet, Ngunit ang tao ay hindi nauubos.. Habang tumatagal ay padami sila ng padami.. Tulungan nyo ako!

Bigla kong naalala si Sophia, alam kong galit na galit na sya ngayon.. Ayaw na ayaw nya ang pinaghihintay sa wala. Patay na naman ako nito, pero kung lalabas ako malamang isa lang ang babagsakan ko..

Sa puntong yun naalala ko ang cellphone ko, pwede kong i-txt si Sophia o si Richard para humingin ng tulong, ngunit sa sikip ng paligid, kapag binuka ko pa ng bahagya ang aking braso ay mabubuksan na nito ang pinto ng cabinet na syang pinaglalagyan ko..

...

Mula sa labas, narinig ko na may pumasok pa na sa tingin ko ay isang pulutong ng mga kababaihan! Paano kung ang isa sa mga estudyante ang may ari ng locker na 'to? Tiyak na bistado na ako! Tiyak na may kalalagyan ako, at kahit na anong paliwanag ang gawin ko ay hinding hindi sila maniniwala sa akin..

Tumayo!

Tumayo ang balahibo ko nang naramdaman kong papalapit ang isang estudyante sa kinalalagyan ko..

Papalapit sya ng papalapit at nung nasa tapat ko na, ay huminto sya.. Wala na akong nagawa kundi magpigil ng hininga, nagdasal ng kung ano anong naalala ko sa bibliya, at lahat ng himala na pwede kong isipin ay inisip ko na..

---------

Sophia

Nagstart na ang sunod na klase, ngunit wala pa din si Robert.. ang nakakapagtaka lang ay wala pa din si Richard.. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.. Yun ay kung ano nang nangyari kay Robert, dahil kung nandito na si Richard ay malamang kasunod na nun si Robert.

Humanap ako ng tyempo sa klase para bunutin ang aking cellphone at subukang tawagan si Robert. Ngunit nanaig ang inis sa akin. Bibigyan ko pa sya ng isang oras bago ako tuluyang magpasya..

Tinapos ko muna ang klase, at nagpasya na tumungo sa male cr, kung saan may posibilidad na nandoon pa si Richard, at dahil bawal ako pumasok ay sumigaw na lang ako sa tapat nito.

"Richard!"

"Richard! Nandyan ka pa ba?!"

"Sino yan?!"

"Si Sophy! Richard ikaw ba yan?"

...

"OO! Nasaan na si Robert!? Waaaaaaaaaaaa!!"

"Hindi ko din alam! Hindi pa sya bumabalik!"

"Waaaaaaaaaaa!!"

"Wag ka nga umatungal dyan! Samahan mo ako sa club nila, baka naroon sya!"

"Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito ang ayos ko! Ano ka ba!"

"(Oo nga pala.. Pero sino ang pwedeng sumama sa akin?)" tanong ko sa sarili.

"Sophia?!"

"Sophia nandyan ka pa!?"

....

Alam ko na!

Tanda ko pa kung paano tinukoy ni Raymond kay Agnes kung saan ang literature club, nung oras na nagpasama ako kay Robert papunta sa club namin. Wala na akong mahihingan ng tulong kundi sya.. Tyempo naman na ang sunod na klase ko ay sa culinary, siguradong nandoon si Raymond at pwede akong magpatulong sa kanya.

Tuluyan na akong dumiretso kay Raymond, at walang alinlangan na humingi ng tulong nya.. Naikwento ko sa kanya kung ano talaga ang nangyari kay Robert at Richard.

"Hahaha!"

"Pwede ba mamaya ka na tumawa? Samahan mo muna ako.."

"Sa isang kundisyon!"

"Ano?"

"Darating ka sa b-day party ng kapatid ko! deal?"

"..."

"Oo-- OO! Sige na!"

---------------

Nabanggit ko na ang lahat ng panalangin, inisa isa ko na din batiin lahat ng santo kasama na ang Holiday Superstar na si Santa. Ngunit ang bagay na nakatakda, ay hindi na pwedeng baguhin.. Ngayon lang ako sasang-ayon kay Ate Guy sa walang kamatayan nyang linyang..

"Walang Himala!"

Pinikit ko ang aking mga mata.. Huminga ng malalim..

Naramdaman ko na bumukas ang pinto sa harapan ko..

..
...
....

"Ro--"

"Robert?"

Kahit narinig ko na may tumawag ng aking pangalan, ay nag-aalangan pa din akong idilat ang aking mga mata..

"Robert! Anong ginagawa mo dito?" mahina nitong bulong.

Dahan dahan ko nang idinilat ang aking mata, mula sa kanan hanggang sa kaliwa.. Medyo malabo pa dahil galing ako sa dilim..

Nanglaki ang aking mata nang maaninagan ko ang babae sa harapan ko.. Walang iba kundi si Agnes!

"Agne---!""

Agad nyang tinakpan ang aking bibig, Tinulak nya ako pabalik sa loob, at sinara ang pinto..

"Robert, bakit nandito ka?" mahina nyang bulong.

"Mamaya ko na papaliwanag.. Tulungan mo muna kong makalabas dito.."

"Ok, teka.. May ibang estudyante pa dito sa labas.. I guess kailangan muna nating maghintay.."

..
...
....

Matapos ang matiyagang paghihintay.. Tagumpay na nakalabas ako sa napipintong pagkawala ng aking reputasyon. Salamat na lang at si Agnes ang nakakita sa akin, at swerte din na sa kanyang locker mismo ako napadpad.. Kaya ang resulta, hindi pa din ako magiging taga-suporta ni Ate Guy.

At habang naglalakad kami sa corridor, naikwento ko kay Agnes ang buong pangyayari at kung paano ako napadpad sa lugar na yun.. Hindi sya mahinto sa kakatawa sa kanyang narinig..

...

"Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganun ang mangyayari sayo.."

"Ako din! Swerte lang din talaga at ikaw ang nakakita sa akin"

"Oo! dahil kung iba siguradong yari ka! hahaha!"

"Thanks ulit Agnes! Sinagip mo na naman ako sa pangalawang pagkakataon.."

"Pangalawa?"

"Oo pangalawa.. yung una, yung pagbibigay mo sakin ng lakas ng loob sa harap ni Sophia"

"...."

"Oh natahimik ka?"

"Kung yung kahapon ang tinutukoy mo.. wala yun.. Nakita ko kasi kung anong sitwasyon mo, although hindi ko talaga alam ang nangyayari.. Eh parang may nagtulak sa akin din na gawin yun.."

Hindi ko na napansin na malapit na kami sa sunod na klase, dahil sa pagkaka enjoy ko na kausap sya.. Pakiwari ko'y nagkakasundo kami sa maraming bagay.

"Mauna kana Agnes.. Ibibigay ko lang 'tong gamit ni Richard, at magpapakita lang ako kay Sophia.."

"Sige.. Ingat! Ingat ka sa malas ha! Hahaha!"

"Hahaha!"

...

Bitbit ang bag ni Richard at isang katerbang kahihiyan, ay aalis na sana ako nang nakita kong paparating sa direksyon ko si Sophy at Raymond.. Batid sa kanyang hitsura ang pinahalong inis at yamot, at sa tingin ko ay kailangan ng matinding paliwanagan ang isang 'to..

"Nandito ka lang pala! Kanina pa ako naghahanap sayo!" bungad nya.

"Sophia mahabang istorya eh, alam kong hindi ka maniniwala--"

Sisimulan ko na sanang mag paliwanag nang biglang bumalik si Agnes..

"Robert! I think i forgot to lock my.. Uhm! Sorry.. Si-siguro a-ako na lang.. You think?" naputol nyang sabi nang makitang kaharap ko na si Sophia.

"Agnes?"

"Yes miss Sophia.."

Sabay tingin sakin na tila matutunaw ang buong pagkatao ko, dahil sa pinaghalong talas at init.

"Magkasama kayo?"

"Uhm Uhm! Doon sa locker--"

Hindi na nagawang tapusin ni Agnes ang kanyang dapat na masabi, agad tumalikod si Sophia at hahakbang na paalis..

"Sophia sandali!" habol ko.

Ngunit mabilis akong hinarang ni Raymond--

"Sorry bro! Hayaan mo muna sya.."

"At sino ka para magsabi--"

"Raymond let's go.. May klase pa tayo.." mababaw na tono ni Sophia habang hinila pabalik si Raymond.

"See? She doesn't deserve you bro.. So.. Back off.." mayabang na bulong nito.

Hindi ko alam, pero tila nawalan ako bigla ng lakas ng loob, napaurong na lang ako na hindi man lang nagawang lumaban.. Hindi ko alam ang sasabihin at hindi ko alam ang gagawin..

Nakakainis..

0 comment/s:

Post a Comment