Teenage Cappuccino - 9

TEENAGE CAPPUCCINO - A taste of honey (Chapter 9)

Minsan may nagtanong sa akin.. Kung ano ba daw ang pangarap ko? Sagot ko simple lang..

"Makabili ng gitara.."

Bakit daw ang simple, bakit daw hindi camaro, porsche, o ferrari. Pwede din daw ang house and lot katabi ng bahay ni DPGMA, Negosyong kayang bumuhay ng 3rd generation ng lahi namin, at maging artista. Sinabi ko sa kanya na hindi simple ang pangarap ko.. Puhunan pa lang yun. Kumbaga starter pack pa lang.. at ang resulta.. Hindi nya na gets.

...

Sabi ni Bob Ong.. Isang dekada lang daw ang pag-aaral.. at kapag hindi mo natapos, eh 50 taon ng buhay mo ang ikalulugi mo. Bilib din ako sa mga taong masipag mag-aral at may degree.. Bakit kamo? Maganda ang sweldo, at maraming opportunities.. San ka pa? Papasok ka lang ng opisina para mag harvest ng mga tanim mo sa Farmville, at mag check ng notifications sa FB, mentions sa Twitter, at Unread replies sa PD.

Ako? Wala akong degree..

Nabubuhay ako ng malaya, at HINDI ko kailangan ng alarm clock sa araw araw, sticky notes o post it sa monitor ng pc, at isang katerbang supplement para hindi ka magmukhang pang double sa isang horror movie, sa pagsalo ng galit ng amo mo.. Simple lang naman din kasi ang palatuntunan ko sa buhay, kasing simple ng kape na iniinom ko ngayon habang nagsusulat ako.. Ano yun? Konting Sipag.. Konting Tiyaga, at isang katerbang kakilala..

--------

"I'm home.."

"Robert.. kailangan ko pumunta sa tita mo ngayon.. maiwan ka muna dito--"

"Robert! Robert!"

Hindi ko na nagawa pang pansinin si ermats. Diretso akong umakyat at agad na nagkulong sa kwarto. Emo emohan ang dating.. Daig pa si Bagyong Pedring, kung ihagis ko na lang ang aking mga gamit.. tapon dito tapon doon.. at tila wala akong pakielam sa mundo.

"Sigh.."

Agad akong humiga sa kama.. tulala at nag-iisip ng bagay bagay na hindi naman talaga dapat isipin..

"Ganito pala talaga magmahal.."

Bulong ko sa sarili. Hindi ko lubos maisip na dumadaan ako sa ganitong parte ng buhay ng isang normal na tao. At bakit sa dinami dami ba naman ng babae sa mundo, eh sa tipong stubborn pa ako nagkaroon ng intense feeling. Parang toothpaste lines lang..

Tiningala ko ang desktop ko, bukas pala sya at nakalimutan kong i-off.. Inikot ko pa saglit ang aking paningin, at tuluyang bumagsak ang mata ko sa aking phone.. Mabilis ko itong dinampot, at bumalik sa pagkakahiga. Tumingin sa laman ng phonebook, at hinanap ang pangalan ni Sophy.. Alam kong sa isang pindot lang ay maaari kong makausap ang aking prinsesa, pero sa tingin ko ay wala din akong masasabi.. napadpad ang aking daliri sa inbox.

Check ng mga past messages.. Nakakagulat na panay txt msg lang ni Sophia ang laman nito. Inisa isa ko itong basahin hanggang mabuksan ko ang mensahe na hindi ko matandaan kung nabasa ko nga ba o hindi..

Isang quotes..

"Thank you for being there when I needed you the most. Thank you for helping me through all those tough times in life. Thank you for being such a good friend no matter what I did, but most of all, thank you for being you."

At kahit paulit ulit ko itong basahin, nakakapagtaka ang pakiramdam na parang ang layo layo nya na sa akin..

<Come what may intro as a SFX>

Wala sigurong magyayari kung magmukmok din ako dito, pero nananaig yung isang parte na kahit pilitin ko, eh tila wala akong magagawa sa ngayon, at ang pagmumukmok na lang ang last option.

Ibabalik ko na sana ang phone sa pinaglalagyan nito, nang bigla itong nag ring..

Unknown Caller!

"Hello?" mabilis kong sagot

"hello? Robert?"

"Sino 'to?"

"Sorry! Si Agnes 'to!"

Agnes? Ano bang meron at bigla syang napatawag? At sino na naman ang magaling na nagbigay ng number ko?

"Oh!"

"A-eh busy ka?"

"Hindi! Hindi! Bakit napatawag ka? at saan mo nakuha--"

"Paalala ko lang sana yung nalalapit na writing session natin.."

"Sigurado ka? Para kasing napag-usapan lang natin yan kanina sa klase.."

Bago ko malimutan.. Si Agnes ang napili bilang club president. Sa galing at natural na husay nya sa larangan ng pagsusulat eh hindi na ako magtataka. Ang write up nya agad ang unang napansin ng aming club adviser.. at sa isang iglap eh parang kupunan ni DPGMA, na nag 12-0 sa maguindanao ang pagkaluklok nya sa pwesto. May pinagkaiba pala.. walang dayaan na nangyari.

At ako?

Walang napala ang gawa ko.. Sabi ng adviser namin, ay masyado daw predictable ang istorya ko, at sobrang typical.. At sino ba naman kasing matutuwa sa istorya ng isang prinsesa at ng duwag nyang prinsipe.

"Uhm.. and gusto ko lang din, kasing alamin kung ok ka lang ba.. uhmm.. alam mo na yun!"

"Yung sa amin ba ni Sophia?"

"uhm! uhm! sorry ha.. I know it's my fault.."

"hindi naman.. aksidente yun! kailangan ko lang siguro kausapin sya ng maayos.."

"kung may maitutulong ako.. magsabi ka lang.."

Hindi ko alam pero mukhang magandang ideya yun ha! Kung tutuusin, alam ng babae ang mga bagay na makakapag pagaan ng loob nila. Si Agnes ay isang babae, at alam nya ang dapat gawin ng isang lalaki para amuhin sya.. Hmm!

"Robert? nandyan ka pa ba? Robert?"

--------

Nakakatamad ang umaga.. at mas lalong nakakatamad kung walang inspirasyon sa bawat paggising mo. Dahan dahan kong binabaybay ang kalsada patungo sa eskwelahan..

Saglit akong napahinto bago pa makarating sa senior building, naalala kong hindi doon ang unang klase namin.. Agad akong dumiretso sa locker para magpalit ng PE uniform.

Nasaan nga ba si Sophia?

Magsisimula na ang unang klase pero hindi ko pa din sya nakikita sa rooftop ng senior building.. Naupo muna ako sa bench, habang tinatanaw ang kalakihan ng school. Mula sa kinauupuan ko, makikita mo ang apat na naglalakihang gusali ng eskwelahan, at isang maliit na gusali at yun ang technical bldg kung saan madalas nilulunsad ang maliliit na event ng school.. Tanda ko pa ang movie club noon, at dahil kulang sila sa suporta ay tuluyan nang naisara, at nawala sa ala-ala ng mga teacher at mga estudyanteng nagsimula nito..

Nagmasid akong maigi sa paligid.. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.. Konting panahon na lang pala ay iiwan ko na ang school na 'to. Maraming magbabago sa tiyak na pag-alis ko. May mga kaklase na siguradong hindi ko malilimutan, at mga titser na balak ko talagang kalimutan. Ang tanong lang na laging naglalaro sa isip ko.. Eh ano nga ba ang magiging ako pagkatapos nito?

Saan nga ba ang destinasyon ko?

Anong naghihintay sakin sa labas ng apat na sulok ng pag-aaral sa HS?

Anong meron sa tinatawag nilang kolehiyo?

At ano nga ba talaga ang pangarap ko, at balak gawin sa hinaharap?

Napansin ko na hindi pala maayos ang pagkakatali ng sintas ng puti kong rubber shoes.. Yumuko ako at inayos 'to na naaayon sa gusto ko. Nakita kong nagdadatingan na din ang mga klasmeyt ko.. Kadalasan babae. Madalas kasi sa mga lalaki, eh ayaw nila ang PE, bukod daw kasi sa ibababad ka sa initan para gawing daeng, eh hindi nila ma-appreciate ang sigla na binibigay ng exercise sa katawan tuwing umaga.

At nasaan na nga ba si Sophia?

Maya maya pa ay dumating na ang titser namin na si Ms. Eva Kuwait, na kapag binanggit mo ng deretso ang buong pangalan nya ay kayo na bahalang mag-isip..

"Bakit kayo lang? Nasaan ang ibang boys?" bungad agad ng titser ko.

"Ma'am nasa canteen po!" sagot naman ng mga teacher's pet.

"Isa.. dalawa.. tatlo---"

Abala si Ma'am sa pagbibilang sa mga estudyante nya, na kahit pumikit naman sya ay kayang kaya nyang bilangin 'to..

"Ma'am sorry! I'm late!"

Walang iba kundi ang prinsesa ko!

Bigla akong nabuhayan ng dugo! Pakiramdam ko'y kahit 200 push ups ay kayang kaya ko, samahan mo pa ng 30 minutes jogging na hindi umaalis sa pwesto..

"Wala nang hahabol?"

Walang sumagot, ibig sabihin simulan na ang kalbaryo..

"Sophia.. dun ka na lang sa left side ni Robert.."

Tama ba narinig ko? Sa tabi ko? Kahit araw araw ko sya nakakatabi ay parang iba pa din ang excitement ko sa umagang 'to. Pakiramdam ko'y ngayon ko lang ulit sya nakita at parang huling beses na din.

Mabilis na puwesto si Sophia ayon sa instruction ni Ms Eva.. Tahimik naman ako at hindi mapakali habang nakikita syang papalapit sa akin..

"Good morning--"

"Good morning.."

Busy na busy si Ma'am sa pagbibigay ng instruction, habang ako ay busy sa paghahanap ng pagkakataon para makausap si Sophia. Isang dipa lang ang pagitan saming dalawa, pero parang nagkaroon ako agad ng stiff neck at hindi ko magawang lingunin sya..

Kailangan may masabi ako..

Kailangan makuha ko ang atensyon nya..

---------

"Sigurado ka Agnes?"

"Oo Robert! Ayon sa aking mga nababasa, eh yun ang pinaka epektib para mapatawad ka ng isang babae.."

"Hindi ba nakakahiya yun?"

"Kung iisipin mo talagang nakakahiya, pero kung para kay Sophia kamo eh sigurado makakaya mo yun."

"Alam mo madali lang kasing isipin, pero mahirap gawin.. yung pinagagawa mo eh parang sinabi mong tumalon ako sa isang swimming pool na may limang buwaya, at kasing laki ni Lolong.."

"At!"

"At ano?"

"Kailangan yung emotion daw ay may intensity!"

"Huh? ano? sinasabi mo bang umarte ako?"

"Hindi! Kung aarte ka, eh di parang walang sincerity na makikita sayo.."

"Ano bang ibig mong sabihing intensity at emotion with sincerity?"

"ganito! for example--"

---------

Natapos ang kalbaryo, este ang PE class pero ang tanging nasabi ko lang ay "good morning"

Mabilis kong kinuha ang aking bag.. Napansin kong mabilis din ang pag-alis ni Sophia na parang umiiwas sya sa akin. Agad ko syang hinabol.. pero syempre pasikreto lang, yung tipong hindi nya mapapansin na sinusundan ko sya.

At sa kalokohan ko ay tuluyan syang nawala sa paningin ko.. Mabilis syang naglaho..

"Argghh! Sophia nasaan ka nagpunta.." bulong ko sa sarili ko.

..
...
....

Sophia

Hindi ko naman talagang gustong iwasan si Robert.. Sa katunayan nga ay napuyat ako kakahintay lang ng tawag na manggagaling sa kanya, o kahit simpleng txt lang ay mapapatawad ko na sya..

Pero..

Pero sa isang banda, eh naiinis pa din ako sa kanya.. ganun na din sa sarili ko.. At bakit ba kasi hindi ko sya pinagbigyan magpaliwanag? Tuloy ngayon hirap din ako.. Noong mga oras na yun, ay nagsama sama ang hinala at inis.

Agad akong nagtago sa CR, para lang hindi nya ako makita.. Wala pa din akong masasabi sa kanya, at bilang babae at sya ang may kasalanan ay hahayaan ko na sya ang mauna bumati sa akin.

------

"Ahh.. Na-gets ko na!"

"Buti naman.. kasi ang haba na ng phone call na 'to.."

"Hahaha! Oo nga no.. Almost 30 minutes na din tayo magkausap.."

"So paano? Kaya mo ba?"

"I'm not so sure.. Pero i'll try pa din.."

"Sige.. Sana talaga makatulong ako sa pagkaka-ayos nyo.."

"Marami ka nang naitulong sa akin, ako dapat ang bumawi sayo.."

"Ok lang yun.. Sige na Robert, gagawa pa ako ng report.."

"Sige sige! Bye! takits na lang bukas!"

..
...
....

"Wait Agnes!"

"Oh?"

"Thanks ha!"

"Hahaha! Welcome po.."

<End of call>

"Hays.. Robert.."

------------

Ilang oras na ba akong nakatitig sa blackboard na kulay green at hindi black.. Ilang klase na din ang lumipas pero hindi pa din ako iniimik ni Sophia, magkatabi nga kami pero para naman kaming mga bulag..

Hindi na ko makatiis!

Kailangan kong may masabi! Kahit isa lang! Please naman! Something came up on my mind.. Kunwari ay malalaglag ang pen ko dun sa harap nya.. Hehehe! Magandang simula! Inasinta kong mabuti kung saan 'to lalanding..

...

Sakto!

Napatingin sya.. yun nga lang hindi sa akin, kundi dun sa pen! At bakit ba hindi ko naisip na hindi nya ito dadamputin.. Tinignan nya lang ito at tumingin sa akin, naglalaro ang kanyang mata sa tanong na "BAKIT?"

Bakit nya dadamputin? o Bakit ko hinagis ang ballpen ko..

No choice.. Tatayo nalang ako para damputin 'to, biktima ako ng kalokohan ko.. Ngunit sa pagtayo ko ay sya ding tayo ni Sophia.. tipong dadamputin nya din ang pen.. Pero huli na ang lahat.

Nagka-untugan kami!

"Aw!"

"Sorry!"

"Hmp!"

"Sorry nga eh!"

"Eh bakit ba kasi hinagis mo yang ballpen mo?"

"Hinagis? Hindi sadya yun!"

"Halata kaya.." sabay irap sa akin.

Halata ba? Olats.. Gusto ko nang mag walk out..

.........

Sophia

Ang bagal naman ng lalaking 'to.. Konti na lang at mapapanis na ang laway ko sa ilang oras na katahimikan.. Kanina ko pa sya tahimik na ninanakawan ng tingin. Ngunit parang wala sya sa sarili.. Batid ko namang may gusto syang sabihin pero bakit ba pinatatagal nya pa?

Ilang minuto na lang at matatapos na naman ang isang subject.. Ano ba Robert?

Magsasalita na sana ako nang napansin kong hinagis nya ang kanyang ballpen.. para saan yun? sinadya nya kaya yun para magawa sya ng paraan para kausapin ako?

...

Hindi ko malalaman ang sagot kung tatahimik lang din ako dito, tumayo ako para damputin na 'to.. Pero biglaan din syang tumayo.. Ang resulta?

Nagka-untugan kami!

"Aw!"

"Sorry!" mabilis nyang sagot.

"Hmp!" pag-aarte ko naman.

"Sorry nga eh!"

"Eh bakit ba kasi hinagis mo yang ballpen mo?"

"Hinagis? Hindi sadya yun!"

"Halata kaya.." paraan para magiba na ang pader sa aming dalawa.

Ngunit dahil inabot na kami ng kamalasan, eh nag ring na ang bell.. Senyales ng break time!

------------

Nag-ring na ang bell! At wala akong nagawa, este nasabi man lang.. Mabilis akong tumayo, para alukin syang sabay na lang kaming kumain. Dinampot ko agad ang aking mga gamit..

"Sophia.. Sabay na tayo--"

Ngunit kung anong bilis ko, eh sadyang may mas mabilis pa pala sa akin.. Mabilis nyang kinuha ang bag ni Sophia at agad na sinabit ito sa kanyang braso.

"Sophy, sabay na tayo sa canteen.."

"Oh Raymond! Kanina ka pa ba dyan?"

"Oo.. hinintay ko talaga matapos ang klase mo.. Nandun lang ako sa labas ng room nyo.."

"So? Tara.."

"Si-sige.. Teka sandali!"

"Bakit?"

"Nasaan na si Robert?"

"Umalis na.." sagot ni Raymond habang tumitingin sa paligid.

"Ayun! Yun pababa sa hagdan!"

"Bakit Sophy?"

"Wala naman.. para kasing may sasabihin sya.."

At nasaan ako? Oo! Mabilis akong umalis sa eksena, bago pa man ako magmukhang tanga sa harap nilang dalawa. Mabilis din akong bumaba ng hagdan, wala na kong balak mag lunch.. Gusto ko na agad dumiretso sa club..

Mabilis ang aking mga hakbang, pakiramdam ko'y parang may bagay na masakit sa akin, at hindi ko maipaliwanag..

------

Matutulog na sana ako matapos ang pag-uusap namin ni Agnes, nung bigla syang nagtxt..

"Good luck Robert! Gudnyt!"

Hindi na ako nagreply, mabilis kong nilapag ang aking phone sa gilid ng kama.. Niyakap ang unan at nagmuni muni. Ganito pala ang magmahal.. Mapipilitan kang gumawa ng mga bagay na sa tingin mo ay sa telebisyon lang nangyayari..

Pinikit ko ang aking mga mata..

Sa gitna ng kadiliman, ay ang maliwanag na mukha ni Sophia ang syang pilit na lumalabas sa aking imahinasyon..

Sa loob loob ko.. Hahayaan ko bang mawala sya? Hindi! Hindi diba?

-------

Susuko na sana ako.. Pero naisip kong mali pala talaga yun.. Maling sumuko sa isang bagay na hindi ko pa nasusubukan.. Sayang ang effort ni Agnes, ang kanyang pagpapaliwanag, at pagbibigay ng lakas ng loob sa akin kung susuko lang ako. Sayang din ang load nya..

Mula sa mabilis kong paglalakad ay agad akong huminto, tumingin sa likod.. Sa gitna ng init ng araw.. Sa gitna ng quadrangle.. Kitang kita ko si Sophia na kasama si Raymond naglalakad.

Ngayon na..

"Kung nandito ka Agnes, sana makita mo ang gagawin ko.." bulong ko sa sarili ko.

Agad akong naglakad pabalik.. pasalubong sa direksyon ni Sophia at Raymond. Alam kong nakakahiya ang gagawin ko, pero tiwala ako kay Agnes, eksperto sya sa mga ganito! Based daw sa mga napapanood nya at nababasa..

..
...
....

Wala nang oras para mag back out..

Napansin ni Sophia na masasalubong ko sila, naglalaro ang kanyang mga mata at hindi ito mapakali..

Sa gitna ng matinding sikat ng araw.. Oras na para agawin ang titulo, sorry for being late again..

Hinablot ko ang dalawang braso ni Sophia, na ikinagulat naman ni Raymond.

"Robert?!"

"Sophy.. Sorry!"

Hindi ko talaga alam kung magagawa ko ang mga sinabi sa akin ni Agnes, ngunit dinala na ako ng pakiramdam ng isang taong desperado.. Huli na ng napansin kong nakaluhod na ako sa harap ni Sophia, habang hawak ang dalawang palad nya.

..
...
....

"Sophia Sorry!"

"Tumayo ka dyan Robert! Nakakahiya!"

"Hindi ako tatayo dito hanggat hindi ka sumasagot.."

"Robert! Nahihiya na ako!"

"Please!"

"Lagot ka sakin pagkatapos nito! Naku! Humanda ka talaga!"

"Hindi! Hindi kita bibitawan!"

Nagmukha akong tanga, pero keri lang.. Bukod sa mga taong nakatingin sa amin, ay nandyan ang nagtatawanan at nang-aasar. Wala na akong pakielam! Sa bagay na sanay na akong mapahiya, at magmukhang tanga.

"Whoo! Ang baduy mo!"

"Hahaha! Nakakahiya ka bro!"

Mga naririnig ko sa paligid.. Kanya kanyang kutsa ang mga tao, meron din naman kinikilig.. at merong parang tanga lang na nakatingin lang, at nag-aabang ng kung anong mangyayari..

Nang makahanap ng pagkakataon ay mabilis na hinili ni Sophia ang kanyang mga palad.. Kasunod ang isang matunog na batok!

"ROBERT! Tumayo ka dyan, for the last time!"

Hindi ako nakinig.. Hindi ako sasagot! At hindi ako magpapatalo.. Epektib to! Epektib to!

Tumalikod si Sophia, at deretsong naglakad na may halong inis.. At naiwan akong nakaluhod.. ang nakakainis pa ay lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid.. At huli na din ng napansin kong madami na pala ang mga estudyante na bigla bigla nalang bang sumulpot.

"Better luck next time bro.." pang-aasar ni Raymond.

Dahan dahan akong tumayo na nakayuko ang ulo.. Tinitignan ko lang ang aking prinsesa na naglalakad papalayo sa akin.

<Come what may intro as a SFX>

..
...
....

Dinig ko ang mga bulong ng mga tao..

Ginala ko ang aking mata paikot sa mga nakapaligid sa akin..

Merong nagsasabing "Okei lang yan" merong naaawa, at meron ding napapa-iling na lang.. At merong isang may lakas loob na nagsabing..

"Tatayo ka na lang ba dyan?"

Napangiti ako sa kanya.. Ganun din sya.

"Go Robert!"

Sumenyas ako ng thumbs up..

"Thanks ulit.. Agnes.." bulong ko sa sarili.

Sampung dipa lang ang layo ni Sophia sa akin.. Mabilis ko syang hinabol.. Nagulat ang mga tao sa aksyon ko na tila nasa isang romantikong eksena..

Naabutan ko sya, at mabilis kong hinawakan ang kanang kamay nya, gamit ang aking kaliwang kamay.. At ang ang aking kamay sa kanyang batok.. Hinila ko sya pabalik sa akin..

Sa unang pagkakataon..

Sa pang-apat na taon ko sa HS..

Sa harap ng mga audience ko..

at sa unang babaeng minahal ko..

..
...
....

Wala sa plano, Wala sa napag-usapan..

Nagdikit ang aming mga labi..

4 comment/s:

Anonymous said...

wow..nice otor

Amphie said...

Salamat kapatid! Dalaw ka ulit sa next time :)

ohhaiithurralexx said...

wow! nice to. asan yung kasunod? excited na ko hehe update na otor :D

rhed said...

naks.. at may ganung eksena?.... hheheh

Post a Comment