Teenage Cappuccino - 16

TEENAGE CAPPUCCINO - The Confession Part Two (Chapter 16)

"Subukan mong isara ang pinto. Anong makikita mo? Kung ang sagot mo pinto pa din, o wala. Bulag ka!"


"I like you, I like you, I like you"

Hindi ko talaga alam kung may mali ba sa pagkakabanggit ko, para sumagot sya ng may halong pagbibiro. O talagang hindi lang ako seryoso sa pagkakadeliver nito. Meron pang isang option.. Baka naman korni ang dating nun sa kanya. Peste!

Sakit na ng ulo ko kakaikot sa kama. Nagawa ko na yata lahat ng posisyon para makatulog, nakailang tupa na din ako sa pagbibilang. Masyado nang out number ang pag-iisip ko kay Sophia. Bakit ba kasi hindi ko pa tinodo lahat nung sandaling yun.. Kulang pa yata sa emosyon, or kulang lang sa humor. Eh kung dinaan ko kaya sa haras? Bata pa naman ako.. May juvenile naman para sa menorde edad. Hindi ko alam.. Sobra na kong apektado sa presensya ni Sophia. Inlab eh!

---------------

Muntikan ko nang malunkot ang resulta ng exam nung nakita kong kayang kaya itong daigin ng grade school student. Tapos nakangisi pa sakin si Raymond na parang nang-aasar. Parang pulitikong na ambush interview ang mga ngiti.

"Morning!"

Naalala ko yung commercial ng coke. Yung babae lalagok tapos hahangin ng malakas. Yung buhok nya mag e-elevate sa hangin, tapos sasabihin nya "Aaaaghhhh!" pero echo yung sfx. Tska palang babanggitin yung linya ng coke. 2002 yata yun.. Ganun ang dating ng good morning ni Sophia sakin.

"Morning din!"

"Uhm! Sophia!"

"???"

Teka? Paano ko ba uumpisahan? Na-plano ko na 'to kagabi eh! Sabi ko pa lilinawin ko sa kanya kung anong ibig kong sabihin sa sinabi ko kagabi. Tapos tatanungin ko sya kung bakit sya natawa, eh seryoso ako. Kaso pakiramdam ko may nagtakip bigla ng bibig ko. Badtrip!

"Robert, ang baba ng exam mo"

"Huh?"

Nagkandaletse na! Nakatingin na pala sya sa result ng exam ko. Hindi ko na nagawa pang itago. Nasa hitsura nya ang parang matatawa na parang maiinis na. Nagkakasalubong na ang kilay nya. Nawawalan na ito ng space sa gitna. As in salubong!

"Hindi ka ba nakinig sa group study?"

"Nakinig syempre!"

"Sure?"

"Minsan hindi!"

"(Batok!) Sabi ko na eh!"

Gusto ko nang sabihing kasalanan mo naman eh! Nang dahil sayo sumaya buhay ko. Nang dahil sayo nalaman ko ang kaibahan ng crush sa pag-ibig. Nang dahil sayo kaya ako natutong magsinungaling dun sa guard sa village nyo, at syempre dahil sayo bumagsak ako sa exam ko.

Kaso.. Inunahan nya ko ng pamatay nyang ngiti. At ang kakaibang hobby nya na bigla nalang akong akbayan. Tinunaw nya na naman ang paglalaki ko. Sa isang iglap lang para na naman akong na-hypnotize.

"May next time pa naman eh!" kasunod ng pag gulo sa buhok ko.

..
...
....

Hindi na naman nakisama ang oras at panahon. Pinabilis na naman nito ang araw at tuluyang tinapos. Gusto ko pang mag-stay sa iskwela, kasama si Sophia. Kung pwede lang mabaliktad ang lahat. Kung papasok lang tayo sa bahay, at uuwi sa eskwela. Sobrang sya ko siguro! Wala na yata akong nasabing matino..

"Sabay na tayo!"

Tila nagulat si Sophia sa biglaan kong anyaya sa kanya, na madalas ay sya ang nangunguna. Ngumiti lang sya at tumango habang inaayos ang kanyang mga notes at books. Susulitin ko na ang pagkakataon, lilinawin na sa kanya ang lahat! Sasabihin kong hindi ako isang comedy star nung gabing yun para matawa sya sa pahayag ko.

Matapos ang tatlong minutong pag-aayos, nagpasya na syang umalis na kami. Tahimik lang sya. May kung anong hindi ako maintindihan sa mga galaw nya ngayong araw, pero mukha namang hindi ito makaka-apekto sa binabalak ko ngayon. Wala kaming imik sa isa't isa habang naglalakad sa hallway.. Dinig na dinig mo din ang echo ng aming mga yapak sa kahabaan ng hallway ng senior bldg.

"Ngayon na ba?"

"Sakto na ba ang timing?"

Nag-aalta-presyon na naman ako! Ang yabang ko pa kanina.. tapos ngayon tila wala na naman akong masabi. Ito kasama ko na sya, pero speechless na naman ako. May tawag sa game na ganito eh.. "Mauna-una!" hindi yata game yun. Konting hangin lang.. Konting bwelo, at bawas bawas sa kape.

"Ito na.."

"Game na talaga.."

..
...
....

"Robert, parang may sasabihin ka yata.. Bakit hindi ka mapakali?"

Halos tumalon ang puso ko, mula apari hanggang jolo! Nang napansin nya este nahuli nya ang binabalak ko.. Napahinto sya, at napalunok naman ako ng bahagya. Nagsimula nang maglawa ng pawis ang katawan ko. At bakit ba laging ganito ang reaskyon sa mga ganitong eksena? Sa puntong yon, hindi na nawala ang tingin nya sakin.

Nakatitig lang sya sakin, habang nakatigil kami sa gitna ng hallway..

Walang kahit ano kang maririnig sa mga sandaling 'to. Tanging ang bilis lang ng tibok ng puso ko ang nangingibabaw.. Mabilis ito. Hindi tipikal kahit pa natural.

Tapos..

..
...
....

Na mental block ako! (Yosi break muna)

...

Game!

--------------------

Sophia

Sinong babae ang hindi masisiyahan sa effort ni Robert? Kahit pa muntik na kong mapagalitan ni Mommy, ay sobra naman akong nadala sa banat nya. Lalo na nang sinabi nyang.. Gusto nya ko. Dinaan ko na lang sa biro ang pagsagot, para naman hindi mabuko ang buong nararamdaman ko nung mga sandaling yun. Nararamdaman ko nang sa puso ko, ay tila meron na syang kaunting puwang. Hindi ko na maitatago yun..

Pero natatakot ako..

Hindi sa sarili ko..

Kundi para sa kanya..

Ayokong ibigay nya ng buo ang kanyang sarili para sa akin. Natatakot akong makita syang masaktan. Hindi ko kayang makita sya sa huli na walang natira para sa sarili. Nakapagdesisyon na ko mula nung lumipat ako ng school..

"Wala akong balak umibig ulit.."

Hindi ko lang alam kung sa mga panahon na sinabi ko yun, ay tila umaasa pa ako kay Sebastian. Pero si Robert.. Sya ang unang naging dahilan ng dahan dahang pagkalimot ko sa nakaraan. Kapag sinabi nyang "Okei lang yan" ay nagiging okei lang talaga ang lahat.. Nung banggitin nyang tutulungan nya kong malimutan ang dapat kalimutan, umasa na agad ako sa kanya ng walang halong pagdududa. Tuluyan nang nag-iba takbo ng mundo ko mula nang makilala ko sya. Kung dati kapag sinara ko ang pinto, ay pinto pa din ang nakikita ko. Ngayon subukan ko mang isara ang pinto, nakikita ko na ang nasa likod nito.

Napabuntong hininga nalang ako.. Sorry Robert..

"I like you.."

Malinaw na sakin ang lahat, ramdam kong mahal ako ni Robert. Takot akong tanggapin ang katotohanang mahal ko na din sya, at mas lalong takot akong tanggaping iiwananan ko din sya kahit pa mahal ko na sya. Ano mang gawin kong pagbaluktot sa hinaharap ay darating at darating pa din yun. Iiwan ko sya.. Nakapagpasya na kong tumuloy ng ibang bansa matapos ang graduation. Pumayag na ako sa alok ni Mommy at Daddy. Siguro kahit hindi din ako pumayag ay wala din naman akong magagawa. Masakit man na tanggapin.. Pero mas masakit kung paasahin ko pa si Robert. Hindi sya ang tipong kaya kong saktan..

Sa ngayon.. dapat ko nang putulin ang hindi pa naguumipisang relasyon ko sa kanya..

..
...
....

Robert

"Kung may sasabihin ka ngayon na Robert.."

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagiba ang tono ng kanyang pagsasalita. Tila may hindi tama sa mga oras na 'to. Kanina ko pa din pansin ang kakaiba nyang kinikilos. Dehins naman din ako tanga para hindi mapansin yun.

"Wala naman!"

"Sure?"

"Akin na nga yang gamit mo, ako na magbibitbit!"

"No!"

Mabilis nyang pinigilan ang aking mga kamay, dahilan upang magsalubong ang aming mga palad. Nagulat ako, ganun din sya. Naramdaman kong nanginginig ang kanyang mga kamay, na kahit pa saksakan ng lambot at tila pinaglihi sa bulak. Sa sandaling yun ay lalo ko pang hinigpitan ang paghawak sa kanyang kamay. Doon pa lang nagsimulang lumabas ang tunay nyang hitsura. Biglang nalungkot ang kanyang mga mata. Bumagsak ang kanyang mga balikat, at nagbabantang tumulo ang kanyang mga luha.

Pero buo pa din ang loob ko. Sasabihin ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Walang halong biro, at walang paligoy ligoy. Wala nang dapat pang sayangin. At kahit pa pakiramdam ko'y nakasakay ako sa flying fiesta at sobrang lula ang aking puso sa kakatalon, ay wala nang panahon para mag-back out pa.

Sa sandaling 'to.. kaming dalawa lamang.. walang director na sisisgaw ng cut! walang writer na biglang ma me-mental block, at walang audience na tatawa kung sakaling baduy ang pagkakadeliver ko.

"Sophia! Mahal kita.. seryoso! walang biro!"

"Sorry! pero.. hindi kita kayang tignan bilang isang kaibigan o barkada lang, o ano pa man.. Gu-gusto kita! La-lahat na-ng! hindi! I-ikaw mismo! Hindi din pala! Lahat ng bagay na tungkol sayo gusto ko! E-ewan ko ku-kung bakit!"

Utal na utal ako, at tingin ko ay hindi maayos ang pagkakasabi ko. Ngunit hindi pa man 100% ang pahayag ko ay mabilis nya akong tinulak papalayo sa kanya. Napa-atras ako ng isang hakbang. Gulat at hindi alam ang gagawin.

"Sira ka talaga Robert!"

"Sira ka! Sira!!" madiin ang kanyang pagkakabigkas, at kasing liwanag ng sikat ng araw.

"Oo! Mahal din kita! Pero sira ka para mahalin ako! Iiwan lang kita Robert! Iiwan din kita.."

Ang feeling ko ay parang first time kong humawak ng gitara at tumipa ng mga chords. Wala akong ideya sa sinasabi nya. "Mahal nya daw ako, pero iiwan nya lang din daw ako?"

Kung prank joke lang ito kanina pa ko tumawa. Kung shooting lang sa isang pelikula, sana may mag cut, para kahit papano ramdam ko na hindi totoo ang lahat. Pero tila hindi panaginip ang lahat. Lahat ng binanggit nya ay magiging parte na ng kasaysayan. Nakasulat na yun sa nagdaang segundo.

"Sira? Oo! Sira nga yata ako!" sagot ko na hinugot lang sa huling sinabi nya, at tila hindi pinag-isipan.

"Tumigil ka na! Wala kang naiintindihan Robert! Wala!"

Nagbadya na syang tumalikod sakin, pero agaran ko syang pinigilan. Kahiyaan na to!

"Ano bang intindihin ang sinasabi mo? Kailangan ko pa ba nun, para.. para mahalin ka?"

Natigilan sya sa sinabi ko. Nag-isip ng bahagya ang deretsong humarap sa akin.

"Robert.. After ng graduation hindi na tayo magkikita! Kung magkaroon man tayo ng relasyon hindi din magtatagal, at kung.. kung.."

"kung ano?"

"kung mangyayari mang masaktan kita.. hindi ko matatanggap yun.. lalo na at mahal na din kita.."

Pakiramdam ko'y na delay ang takbo ng buhay ko ng limang segundo sa sinabi nya. Medyo kinapos ako ng supply ng hangin sa aking baga. Pero lalo akong nabagabag nung makita kong pumatak na ang kanyang mga luha, na tila kanina pa pinipigil na umagos. Naubusan ng reaksyon ang buong pagkatao ko, at tumigil ang pintig ng pulso ko.

Hinila ko sya ng buong lakas papalapit sa akin.. Niyakap ko sya nang buong higpit. Nilusom ang kanyang ulo sa aking dibdib. Pinaramdam ko sa kanya na handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari.. Tanggap ko kung anong sakit ang kaya kong matanggap sa pagmamahal ko sa kanya.

"Sophia.. Kung sasaktan mo man ako sa hinaharap, sana siguruhin mong mamahalin mo ako ng sapat sa kasalukuyan.. ayus na siguro yun! quits!"

Wala syang imik.. Mahinang iyak lang ang nananaig. Sa mahabang hallway ng senior building, ni hindi man lang sumagi sa isip ko na makakapagsabi ako ng ganito. Lumagay ako sa isang bagay na pwede kong ikamatay balang araw. Pero ayos lang! Kampante ako na kung sakaling magkahiwalay kami, ay may isang bagay pa din ang magdudugtong sa amin. Walang iba kundi ang nararamdaman namin sa isa't isa.

Define love? Yung hindi optional!

Ang pag-ibig ay isang korning joke na nakuha sa delivery.. Sinabi ko na 'to dati. Uulitin ko lang. Isipin mo nalang ang pagsasabi ng "mahal kita" sa taong gusto mo. Baduy ito sa taong hindi nakakaramdam. Nakakatawa sa taong nakikinig lang, at Nakakadismaya sa taong walang pakielam. Kapag nagmahal ka korni talaga sa mata ng iba, at ganun din ang tingin mo sa kanila. Pero yun ay kung simple mo lang ito pinapakita.. Daanin mo sa malupit at maangas na pamamaraan ng paghahayag ng iyong nararamdaman. Kahit sobrang korni pa nito, basta astig ang delivery ang tawag dun pag-ibig.

Naramdaman ko ang mainit na yakap nya pabalik sakin. Sobra sobrang ligaya, kahit wala pa syang pinapahayag o sinasabi man lang pabalik.

"Ang OA mo.."

Mahina nyang bulong na may halong hagulgol, habang nakasubsob pa din ang kanyang ulo. Dahan dahang kong inangat ang kanyang mukha gamit ang dalawa kong kamay. Mainit ang kanyang presensya pagdating sa akin. Sa mga oras na 'to ayokong mawaglit man lang kahit ilang segundo ang kanyang mga mata sa akin. Susulitin ko ang bawat oras na kasama ko pa sya.

"Let's go?" tanong ko.

"Uhm! Uhm!" mahina nyang sagot na may halo nang ngiti.

Naglakad kami paalis ng hallway na parang walang nangyari.. Isang normal na dalawang tao na may parehong nararamdaman. Mananatiling tahimik ang isang blangkong espasyo na naging bahagi na ng kasaysayan, at naging saksi sa paglalahad ng tunay kong nararamdaman.

..
...
....

"Kailan ka aalis?"

"Sa graduation.."

"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?"

"Bakit boyfriend ba kita?"

"Oo!"

"Ngayon pa lang!"

"Anong gagawin mo dun?

"Maglalakwatsa po.. syempre mag-aaral!"

"Bakit doon pa?"

"Kasi walang mangungulit sakin, tulad ng ginagawa mo ngayon"

"Sungit naman nito!"

"Biro lang.."

"Ikaw ano balak mo?"

"Parang tanong ko na yan noon sayo.."

"So what? Hindi naman ikaw nakaimbento ng tanong na 'to"

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Boyfriend mo na ko eh!"

"Hindi pa nga ako sumasagot eh!"

"Eh hindi pa din naman ako nangliligaw eh!"

"(Batok!)"

...

back to normal nga..

0 comment/s:

Post a Comment