TEENAGE CAPPUCCINO - Reaching her (Chapter 14)
Nagliwanag ang paligid.. Iba't ibang kulay.. Kitang kita ko ito sa mga mata ni Agnes, ang reflection ng kakaibang liwanag. Malinaw din sakin ang sinabi nya..
"Robert.."
Kasabay ng mga putok at ingay ng paligid ay sya namang katahimikan ang bumalot saming dalawa.. Ang pagaspas ng hangin at lamig ng paligid, ang nakakabinging tibok ng aking puso, at ang maamo at tila inosente nyang mukha. Hindi ko na alam ang sasabihin ko pa..
"Ro-Robert?"
Pinagmamasdan ko lang sya, walang imik.. hinihintay ko lang ang susunod na mangyayari..
..
...
....
Ang kanyang naka-pony tail na mga buhok, ang old fashion statement nya, at mga mapuputing ngipin na alaga sa brace. Yun ang typical na Agnes sa akin. Pero.. Pero sa gabing 'to..
Isa syang babaeng parang hindi ko pa nakikilala, at ang pakiramdam ko'y gusto ko pa syang makilala.. I want to know more about her.
"Robert!"
"Are you ok?!"
Nailimpungatan ako mula sa pananaginip ng gising, nasa baba na pala kami at nakahinto na ang pagikot ng wheel. Nawala ako sa sarili ng hindi ko maintindihan, pakiramdam ko'y umikot ang mundo ko ng hindi ko namamalayan. At yun ay dahil lang kay Agnes.
"Ye-Yes!" natataranta kong sagot.
Ngumiti lang sya sakin, at inabot ang aking mga kamay.
"let's go.."
"Oo.."
------
Tulala pa din ako habang naglalakad na kami palabas, naglalaro sa isip ko ang sinabi nya. Pero ang pinagtataka ko eh parang wala lang sa kanya.. Para talagang nanaginip ako na hindi ko maintindihan. Malinaw ang pagkakadinig ko sa sinabi nyang "crush" nya din ako. May part na kinikilig ako, at meron ding nagsasabing.. "Bakit?" Ang labo.. gusto ko mang itanong sa kanya ay hindi ko magawa. Gusto ko man syang linawin ay tila nagbago na bigla ang ihip ng hangin.
Hahayaan ko na lang..
Magsisilbi na lang na misteryo sakin ang mga oras na yun..
Ayoko ko pang magpaalam sa kanya, gusto ko pa syang makausap pero tila lumalalim na ang gabi at kailangan na naming maghiwalay. Gusto ko pa syang makilala ng husto, marami akong katanungan. Marami akong kasagutan na hinahanap.
"Thank you Robert!"
"Wala yun! Nasiyahan ka ba?" alanganin kong tanong.
"Ako? Oo naman! Ikaw ang kasama ko eh!"
Lalong namula ang aking mukha, para nang may nagtatalong pakiramdam sa aking puso. Pero anong gagawin kong? Wala akong masabi..
"Ikaw?"
"Oo! Sobra!"
"Well.. that's good! See you later! bye.."
Tuluyan na syang naglakad paalis.. At naiwan akong nakatayo, at nagtataka. Hindi magawang gumalaw ng mga paa ko. Napako na 'to sa kinatatayuan ko. Abot tanaw ko syang pinagmamasdan.. tahimik ko syang minamatyagan.
Napangiti na lang ako at napakamot sa ulo.. Ang distansya namin ni Agnes ay halos sampung dipa na nang bigla syang huminto, at humarap sakin..
Sa puntong yun tila huminto na ang aking paghinga, nahuli nya kong nakatingin pa din sa kanya. Tuluyan nang hindi gumalaw ang aking katawan..
"Robert! Ingat!" nakangiti nyang sabi.
"Ikaw.. Ikaw din.." sagot ko.
-------------
"Morning!"
"Morning--"
"Ang aga mo yata brad?"
Hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ni Richard, agad na kong umupo at nagbukas ng notes. Bagsak ang aking katawan, at malamya ang aking mga mata. Hindi ako nakatulog ng maayos! Napuyat ako! At kahit anong gawin kong review sa mga notes ko ay tila walang pumapasok kahit isa sa utak ko.
"Robert!"
"Oh?"
"Ano nangyari sayo?"
"Huh?!"
"bakit ganyan ka magbasa ng notes mo?"
"Huh?!"
Tinignan kong maigi ang pinupunto ni Richard.. WAAAAAAAAA!! baliktad ang notebook! Paano nga naman pala ako makakapagbasa ng maayos? Napaghahalataan tuloy akong wala sa sarili. Malakas ang tawa ni Richard, pero hindi ko yun pinansin.. At.. At bakit wala pa si Sophia? Dapat sa ganitong oras ay nandito na sya.
"Baka late lang.." bulong ko sa sarili.
"Good morning class!"
Whoa! Bagong teacher? gulat din ang mga kaklase ko, dahil dapat na ang adviser namin ang syang guro namin sa ganitong oras.
"I'm Mr. Costudio! Temporary class adviser nyo.."
"Nasaan po ang adviser namin?" tanong ng isang estudyante.
"I'm sorry to say pero nasa hospital sya, at nagpapagaling.. for some reason ay tumaas ang blood pressure nya.."
Aha! Na-ospital pala ang mahal naming guro, at sya muna ang papalit. Hindi ko pa ang titser na 'to. Tingin ko ay bago lang sya, mukhang fresh graduate lang. Mag-sstart na ang klase.. At.. Nasaan na ba si Sophia? bakit wala pa din sya? Nag-aalala na ko..
"Class listen! Dahil nga short tayo sa mga teacher, ay may mga student from other section na dito muna satin makikiklase.."
Whatever! Expected na yun sa alma mater kong mababa ang dekalidad, eh talagang lahat ay pwedeng ma-short. Maya maya pa ay dumating na ang mga estudyante na galing sa kabilang section, sa tingin ko ay mga sampu mahigit sila. Ngunit lalo akong na depressed nang makita ko kung sino ang isa sa estudyante..
"Raymond!"
"Robert!"
Nagkaroon bigla ng warfare sa gitna naming dalawa, grrr!!! asar! Bakit dito pa napunta ang asungot na 'to? Iba ang kutob ko sa isang 'to, malamang may dayaang nangyari sa pagpili ng mga estudyante.
"Kumusta? hmm.. Wala pa pala si Sophia ha. Absent ba sya?" nang-aasar nyang tanong.
"Hindi ko alam!"
"tsk tsk.. bakit hindi mo alam? sa mga ganitong bagay dapat ikaw ang una nyang sinasabihan hindi ba?"
Pfft!! asar na talaga! Tska bakit ba wala man lang pasabi si Sophia na hindi sya papasok? Nakakatamad na tuloy mag-aral kapag ganito.. Walang inspirasyon, kulang sa imahinasyon.. at ang makakasama ko pa ay isang konsumisyon!
-------
Natapos ang ilang klase at dumating ang breaktime, nagkaroon na ako ng pagkakataon para tawagan si Sophia. Trapik sa canteen! Ang daming taong nakatambay kesa kumakain. Nagpasya akong lumabas para makakuha ng konting privacy. mabilis kong hinanap ang number ni Sophia..
Ringgg..
Ang tagal sumagot..
Ringgg..
"..."
Ringgg..
Hindi naman isolated ang area nila para hindi mareceive ang tawag ko, inisip ko na baka naka silent.. kung ganun, baka nga tulog pa sya? At bakit tulog pa sya? baka may sakit sya.. Waaaaaaaaaaa! tama! isang magandang dahilan yun para hindi pumasok ang isang estudyante. Pero, gusto ko syang makita. Gustong gusto kong malaman ang kalagayan nya.. Nag-aalala ako masyado para sa kanya.
Ringgg..
"Robert?"
Sa boses pa lang.. Sa tinig at pananalita. Mabilis kong nilingon kung sino ang tumawag ng pangalan ko.. walang duda..
"Agnes!"
Sinalubong nya ako ng kanyang magandang ngiti na may kakayahang gawing bato ang isang tao, mas matindi pa kay medusa. Grabe.. Nakita ko na naman ang kanyang maamo at masayahing mukha.
"A-Agnes.. good a-afternoon.."
"Afternoon!"
"Sino kausap mo?"
"Ah-eh--"
"Si Sophia ba?"
"Ah-oo! Hindi kasi sya pumasok.. gusto ko lang malaman kung bakit.."
"Aha.. Okei.. See you around.."
"Okei.. bbye.."
Huwaww!! Ibang iba na sya talaga! Sa simpleng ngiti at kakaibang aura, marahil mabilis syang makakuha ng atensyon ng mga lalaki sa paligid nya. Hindi na din ako magtataka kung magkaroon sya ng boyfriend. Huwag nya lang ipakita ang mga lumang pics nya, kung saan nerdy ang dating nya. Ah! Si Sophia nga pala..
--------
"Saan ka ngayon brad?"
Abala na ko sa pag-aayos ng mga gamit ko, uwian na.. malungkot ako dahil una hindi man lang sinagot ni Sophia ang tawag ko, pangalawa ay busy si Agnes sa school events na darating kaya hindi din kami nagkaroon ng tyansang magusap.
"Uuwi na.."
"Ang boring mo naman! Tara sama ka samin punta kami mall!"
"Tska na lang.."
"Ahahaha! Ang korni mo naman! dahil ba kay Sophia?"
"hindi ah!"
"Sows! Tara! para mabawasan yang kakornihan mo sa buhay! hahaha!"
Hindi ko pinansin si Richard, at tuluyan kong nilisan ang kwarto.. Naglakad ng deretso.. Ngayon lang ako nakaramdam ng parang walang buhay ang klase, para bang malaking kawalan na sa buhay ko ang presensya ni Sophia. Hindi na ako napapakali ng hindi man lang sya nasusulyapan, hindi na din nakakapag isip ng maayos ng hindi ko man lang marinig ang kanyang boses.
Nakayuko ako habang naglalakad palabas ng campus.. Malamig na ang paligid, senyales na mag-gagabi na.. Ngunit ginulat ako ng isang tapik na tumama sa aking balikat.
"Brad.. may problema ba?"
"Oh? Akala ko may lakad kayo?"
"Pinauna ko na sila.."
"Baka hintayin ka nila.. Okei lang ako!" sinundan ko ito ng isang pekeng ngiti.
"Hahahaha! Wag mo nga ko lokohin.. Kilala na kita no! Alam ko kung may problema ka"
Hindi ako nakasagot, mahirap nga naman magkunwaring parang wala lang kahit batid ito sa hitsura. Tanga na lang siguro ang taong hindi makakapansin kung may problema ang kasama nya.
"Si Sophia ba?"
"Parang ganun.."
"Isang araw lang wala para nang huling araw mo nang mabubuhay! hahaha!"
"Loko! Hindi naman sa--"
"Eh paano kung hindi mo na nga sya makita? Ano nang mangyayari sayo?"
Napag-isip isip ako sa sinabi ni Richard.. Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Sophia, na kung pilitin syang mag-aral sa ibang bansa ng kanyang mga magulang.. Ano nga ba mangyayari sakin? Ngayon palang na hindi pa kami ay halos hirap na ako sa isang araw.. yun pa kayang tuluyan na syang mawawala? Iniisip ko palang na-i-stressed na ako yun pa kayang actual.
Napansin kong walong buwan na lang pala ang itatagal ko sa HS, at magkakanya kanya na kami ng buhay.. Sigurado sa mga oras na yun, ay pwedeng hindi ko na makita pa si Sophia. Kung magkakasama kami sa iisang university ay magiging ayos ang lahat.. Eh paano kung hindi? Mayaman nga pala ang pamilya nila at siguradong hindi sya pag-aaralin sa hindi kilalang unibersidad. Kalkulado ko na ang sitwasyon at ang masakit ay..
Malabo ang tyansa..
Malabo kaming dalawa..
"Oh! Hindi kana nagsalita dyan.."
"Brad-pit! Sa tingin mo may pag-asa ba ako sa kanya?"
"Huh?!"
"Sagutin mo ako! Yung totoo.."
"Hmm.. Sa sitwasyon nyo ngayon, masisigurado kong oo!"
"San mo binase yan?"
"Hahahaha! Sa nakikita ko sa inyo!"
"Hindi nga? Seryoso?"
"Ang totoo kasi.. Hindi ko din alam.. walang makakapagsabi.."
"Ganun ba.."
"Oh? Bakit biglang nalugi yang mukha mo? Relax lang!"
"Huh?!"
"Relax brad! yung future ang pinag-uusapan natin diba?"
"Oo.."
"So kung magsisikap ka sa present, magiging okei ang future.. tama ba?"
Hindi ko alam pero parang biglang sumigla ang katawan ko! Parang nabuhayan ako sa mga sinabi ni Richard. Hindi pa huli ang lahat.. Hindi mawawala si Sophia kung ngayon palang ay pipigilan ko na sya. Kailangan ko nang gumawa ng hakbang..
Pero.. bukas na lang!
"San ka pupunta?" paghabol pa ni Richard.
"Eh di uuwi na!"
"Uuwi? hahahaha!"
"Huh? bakit saan mo ba ko gustong pumunta? sira ka talaga.."
"Akala ko ba gusto mong makita si Sophia?"
"Oo.. Pero baka makaistorbo lang ako sa kanya.."
"Bakit naman?!"
"Kasi may sakit sya.."
"Sakit? Paano mo nalaman?!"
"Uhmm--" (oo nga pala, hindi nga pala sinagot ni Sophia ang tawag ko kaya hindi ko din alam kung ano ba talagang nangyari sa kanya)
"Kita mo! Hindi mo din alam! hahaha!"
"Tara na!" mabilis na akbay sakin nni Richard.
"Pupunta tayo kela Sophia! hahaha!"
"Huh!? Loko! Hindi pwede!"
"Bakit?!"
"Unang una, wala tayong permiso galing kay Sophia! Pangalawa hindi tayo makakapasok dun, hanggat wala tayong authorization galing sa dadalawin natin.."
"Hmm--" nagisip si Richard, halata sa mukha nya na may masamang binabalak.
"Nasa iyo number nya diba?"
"Hmm.. Oo!"
"Let's go!"
"Huh?! Bakit ano plano mo?"
"Ano pa?! Eh di pumunta kela Sophia! hahaha!"
"Sumunod ka nalang! Wala nang tanong! hahaha!"
Masama ang balak ng isang 'to.. Yung tawa nya eh parang villain sa isang disney movie. Pero gustong gusto kong makita si Sophia, so i'll do whatever it takes! Patay bahala na! Kung may batman at robin, kami naman ang green hornets! pero ang plano namin ay tila walang pinagkaiba sa nauna.. Ano? kundi bahala na! kung mag failed man ang plan A, meron pang B, C, at hanggang Z!
"Sophia.. Sana wag kang magalit.." Bulong ko sa sarili.
-------------
Walang trenta minutos ay nasa subdivision na kami, at hindi ko pa din alam ang plano nitong si Richard. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.. yun ay yung makita ko si Sophia, at hindi kami mauwi sa police station. Bahala na! game!
"Magandang gabi po Manong guard!" masiglang bati ni Richard sa guard.
"Magandang gabi din! mga estudyante kayo?"
"Opo! Pumarito kami para puntahan si Ms Sophia Monsood!"
"Ahh! Mga kaklase nya kayo?"
"Opo!" sabay naming sagot.
"Wag ka munang sumingit" bulong ni Richard.
"Anong kailangan nyo sa kanya?"
"Ah! Nakalimutan nya kasi tong mga notes nya sa school kanina.."
"Hmm--"
Patay na! Nag isip na si manong guard.. Hindi ko alam kung uubra tong style ni Richard, pero nandito na kami wala nang atrasan pa.
"Teka.. Ang alam ko eh hindi sya pumasok kanina eh! teka titignan ko sa logbook ko.."
Naloko na! Bistado na kami! Sino bang mag-aakala na matindi pala ang seguridad sa subdivision nila Sophia? Napatingin na ko kay Richard, pero mukha pa din syang kampante. go with the flow na lang..
"Aba! loko talaga tong kapalitan ko! Nakalimutan na namang maglog ng mga lumalabas at pumapasok.. tsk tsk! kailangan ko na namang ipaalala sa kanya.."
Nakahinga ako ng maluwang sa sinabi ni manong, nakakakita na din ako ng konting pag-asa.
"Sige mga iho! papapasukin ko kayo, pero.."
"Pero?!" sabay naming tanong.
"Mag iwan kayo ng ID ha! pwede na ang school ID nyo okei?"
Lusot! Para bang nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan. Mabilis naming binigay ang mga ID namin, at baka magbago pa ang isip ni manong guard. Papalakad na kami papasok ng muli kaming tinawag, bigla na namang tumayo ang balahibo ko sa kaba.
"Halika kayo sandali.."
"bakit po manong guard?"
"hmm--"
Napalunok ako ng laway dahil sa masamang tingin ni manong samin. Para bang anumang oras ay babagsak kami sa police station.
"Sino sa inyo ang mangliligaw ni Ms. Sophia? hahaha!"
Anak ng! Tsismoso din si manong! nagkatinginan kami ni Richard sa tanong nya.
"Ikaw! Sigurado ako! hahaha!" kasabay ang pagturo sakin.
"Huh?!"
"Bigla ka kasing namula eh! hahaha! biro lang sige na! Yung bahay nila ay sa pangatlong kanto sa kaliwa, katabi ng 102.."
"Sige po! Maraming salamat!"
"Hayy.. Mga teenager nga naman.."
Nagtatawanan pa kami habang naglalakad papalayo. Hindi ko lubos maisip na dadaan kami sa ganito para lang makita ko si Sophia, pero hindi pa tapos! Ang matinding hamon ay kung paano ko nga ba makakausap si Sophia.
"Muntik na tayo dun brad!"
"Hahaha! Exciting diba?"
"Ano exciting dun? Pano kung nadali tayo?"
"Hahahaha! Relax! Gusto mo ba makita si Sophia?"
"..."
"Hayy.. Kaya mahirap mainlab eh! Lahat ng imposible magiging posible.."
"Tama ka.. Hindi ko din lubos maisip na gagawin ko 'to makita lang si Sophia.."
"Hahaha! binata na ang brad-pit ko!" nanglolokong sabi ni Richard.
Pangatlong kanto sa kaliwa, katabi ng bahay na 102 ang numero! Walang duda! Heto na nga yun! Nalula ako sa laki at ganda ng bahay nila.. Parang nakakahiyang itapak ang mga paa. Sa gate palang na pagkalaki laki ay sinisiguro ko nang ultimo ang sapatos kong suot ay aatras. Mayaman nga talaga sila.
"Ano tatayo na lang tayo?!" tanong ni Richard.
"Huh?"
"Tawagan mo na sya.. Sabihin mong nandito tayo sa labas!"
"Ah-eh!"
"Anong ah-eh? bilisan mo na!"
"Oo ito na! ito na!"
Dinial ko agad ang numero ni Sophia.. Naglalaro na din sa isip ko ang magiging reaksyon nya kung sakaling malaman nya na nandito kami sa tapat ng mansyon nila.
Ringgg..
------------
Beep! Beep!
Beeeeeeeppp!!
"Ah! Si Madam at Sir Monsood!"
Sumenyas lang si Manong guard na bubuksan nya ang rail para makapasok ang kotse ng mag-asawang Monsood. Medyo may katandaan na si manong.. Antukin na at makupad pa kumilos, dahilan para mainis si Madam na presidente ng home owners organization ng subdivision. Matapos makapasok ay bahagyang binuksan ni Mrs. Monsood ang bintana ng kotse at tinawag ang guard.
"Good evening madam!" magalang na bati ng matanda.
"Manong.. Inaantok kapa yata.."
"Ahh.. pasensya na po at hindi ko agad napansin ang kotse nyo."
"Nakailang busina ang asawa ko?"
"tatlo po!" mabilis nyang sagot.
"kabisado mo kung ilan, pero hindi mo kami napansin?"
"Ah-eh.." nangangatal nang sabi ng matandang gwardya.
"Hon.. enough.." malamig na boses ng asawa ang sunod na nangibabaw sa usapan.
"Tss! manong.. wala na pong next time okei?" diin pa ng babae.
"Mommy!"
"Hindi nya po kasalanan, matanda na po si manong guard.." boses ng isang babae na galing sa middle seat ng kotse.
"Sophia! Don't talk to me like that!"
"Madam Sophia?!"
Sa puntong yun ay nagbukas na din ng bintana si Sophia na nasa loob nga ng sasakyan. Nanglaki ang mga mata ni manong guard, bigla nyang naalala ang dalawang lalaking estudyante na naghahanap sa kanya.
"Good evening madam Sophia!"
"Good evening kuya guard.." malambing na sagot ng dalaga.
"May dalawang lalaking estudyante na naghahanap sa inyo kanina.. Pinapasok ko sila, dahil isasauli daw nila ang mga notes mo na naiwan mo sa school kanina.."
"Huh?! Kanina?" mabilis na sagot ng mommy ni Sophia.
"Linawin mo nga! At hindi pumasok si Sophia kanina, kasama namin sya sa maghapon.. what the!"
Sa puntong yun ay alam na ni Sophia kung sino ang dalawang lalaki, mabilis nyang hinanap ang kanyang cellphone na kanina pa naka silent. Napansin nya ang dalawang missed call na galing nga kay Robert, tinignan nya ang mga oras ng tawag.. Isang kaninang umaga, at isang kakatawag lang. Mabilis syang nagtxt kay Robert.
"Sophia! akin na yang cellphone mo! Let's see!" mabilis naman pag-agaw ng mommy nya sa phone.
"Mommy!"
"Daddy let's go!" utos ng babae sa asawa.
Message sent..
-------------
"Brad.. walang sumasagot talaga.. uwi nalang kaya tayo.."
"Ano? Sayang naman ang pinunta natin dito kung hindi mo sya makikita.."
"Okei lang, may bukas naman.."
"Pfft!"
"Tska mukhang walang tao eh!"
"Anong wala? kita mo ngang bukas ang mga ilaw.."
"Malay mo mga katulong.."
"Hayy.. Tara na nga.. Gusto lang kitang pasiyahin para hindi naman magmukhang hahabol sa undas yang pagmumukha mo brad! hahahaha!"
"Okei lang yun.. salamat!"
Beep!
"Huh? txt msg?"
Nagkatinginan kami ni Richard, pinakita ko sa kanya kung sino ang nag msg.
"Oh? Ano pang hinihintay mo? Basahin mo na!" excited na tugon ni Richard.
"Lakasan mo para marinig ko din.."
"Umalis na kayo! Ngayon na! Please!"
"Huh?!"
Hindi ko alam ang mararamdaman ko.. Para bang nabagsakan ng kung anung mabigat ang damdamin ko. mabilis naman hinila ni Richard ang phone ko para basahin ang txt msg. Halata din sa hitsura nya ang pagkadismaya. Napakibit balikat nalang sya habang inaabot sakin pabalik ang phone.
Para akong nalugmok bigla.. Sa mga ginawa ko para lang makita ko si Sophia, ay yun lang ang isasagot nya sakin. Tila nawalan na ako ng pag-asa. Inakbayan naman ako ni Richard paraan para ipakita ang kanyang pakikiramay.
"Tara na brad.."
"Oo.."
"Dito na tayo dumaan.." anyaya ni Richard habang tinuturo ang deretsong ruta.
..
...
....
Hindi ko pa din lubos maisip kung bakit ganun na lang ang txt msg ni Sophia sa akin. Masakit pala ang pakiramdam na hindi na-aapreciate ng tao ang ginawa mo. Sa mga bagay na tingin mo ay makakapagbigay ka ng saya sa kanila, eh kahit isang compliment ay wala kang matanggap pabalik. Walang mali sa ginawa ko.. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ang kinalabasan.
Tanaw na namin ang papalabas ng gate ng subdivision.. Kita ko din si manong na naghihintay sa guard house. Olats! Wala akong maipagmamalaki sa kanya kung sakalin magtanong sya kung anung resulta..
...
Ringg..
Tumutunog ang phone ko..
Binunot ko ito kaagad..
Umaasa..
0 comment/s:
Post a Comment