TEENAGE CAPPUCCINO - Her last word (Chapter 13)
Robert Monsood
Sino bang hindi matatawa kung paano kami nagkakilala? Isa akong typical na lalaki, na ang tanging pangarap lang sa buhay ay mag-enjoy at i-enjoy ang mga bagay bagay. Hindi din pang boy nextdoor ang hitsura ko, hindi yung tipong iiyakan ng mga babae, at magiging trending sa twitter. Isang HS student na mahilig magsulat ng mga kwento, maglaro ng games, at makinig sa titser.. Na sa isang iglap ay nagbago ang buhay.
Sophia Monsood
Sino bang hindi maaasar kung paano kami nagkakilala? Isa din akong typical na babae, na ginagawang espesyal sa mata ng mga taong nakapaligid sa akin. May kaya ang pamilya, mayaman. Pangarap? Madami akong pangarap, yun nga lang hindi ko kayang tuparin. Isang bilanggo, hindi lang sa kalinga, kundi na din sa pagmamahal. Isang magulong buhay ang meron ako sa HS, na isang iglap ay biglang nagbago..
----
Napamura ako matapos mabasa ang txt msg ni Agnes, tuluyan ng nawala sa isip ko na meron din pala kaming usapan(first club meeting). Mabilis ko syang pinuntahan sa lugar kung saan kami dapat na magkikita. Hingal aso na ko ng makarating, medyo madilim na din ang paligid, alanganin na din ang oras. inisip ko na baka umuwi na si Agnes at ang mga myembro.
Hindi na ko nagdalawang isip, at nagtanong sa guard ng school. At tulad ng inaasahan, wala na daw tao sa loob ng campus, Nag round check na daw sya bago tuluyang pumoste sa gate, kaya 100% sure sya na kahit mga alikabok at mikrobyo ay wala nang access sa loob.
Isang bagay na lang ang hindi ko pa nagagawa..
binunot ko ulit ang aking cp at tuluyan ko syang tinawagan..
ringggg..
"..."
ringgggggg...
"..."
"hello?"
"Agnes? sorry talaga, I really--"
"nasan ka?"
"nandito sa school gate, kakarating ko lang.. uhm mga 10 minutes na ko dito"
"late ka na.. kanina pa ko umalis"
"sorry talaga! sorry!"
"ok lang, sayang nga lang, at hindi ka nakasama.."
Tuloy ang usapan namin habang naglalakad ako patawid ng kalsada, patungo sa bahay namin.. panay pa din ang paliwanag ko at paghingi ng walang katapusang sorry. kahit kausap ko sya, ay mabilis na kong nag-iisip ng paraan kung paano makakabawi sa kanya, at makakaganti sa mga tulong nya sa akin.
Sa tapat ng bahay, ay mabilis akong pumasok at naghubad ng tsinelas.. Dederetso na sana ako ng kwarto, ngunit nanglaki ang aking mga mata sa gulat ng makita ko si ermat sa sala, kasama si Agnes..
"Surprise!" masigla nyang bati.
"Saan ka ba lupalop galing?!" mainit na salubong naman ni nanay.
"Kanina kapa Agnes?"
"Halika nga dito! Kanina kapa hinahanp nitong dalagang ire, sabi ko lang naghatid ka ng bisita.."
Umupo agad ako sa tabi Agnes, tinignan sya mula ulo hanggang paa.. Wow! Isa syang dalagang pilipina! Sa pagiging simple ay lalong lumabas ang kanyang natural na kagandahan. Tuluyan nya na nga yata binura ang pagiging nerdy image.
"Oh, dyan muna kayo at maghahanda ako ng hapunan, ikaw iha dito kana kumain ha!"
"Opo sige, salamat!" mabilis at magalang na sagot ni Agnes.
..
...
....
"Pasensya na talaga ha! Kasi--"
"Alam ko na naman kung bakit, si Sophia diba?"
"Oo, nandito sila kanina, may review kami para sa biglaang exam.."
"Ahh, hinatid mo ba sya? or sila?"
"Huh?"
"I mean hinatid mo silang lahat?"
"No-no si Sophia lang, hanggang sa makasakay sya.. Si Richard at Martin nauna sila umalis"
Bigla syang natigilan ng hindi ko maintindihan, para bang may bigla syang naalalang or namiss na teleserye sa tv. Medyo cool na din ang sitwasyon, kaya kailangan ko naman bumawi ng ibang usapan.
"Kumusta ang meeting?"
"It goes well.. Lahat naman nagparticipate. Meron silang iba ibang idea, na talagang helpful, So I write down all, para hindi ko malimutan.."
"Sa-sayang lang at wala ka.." dugtong nya.
Hindi ako nakasagot, para bang ang dating sa kanya ay napakahalaga ko sa club, kahit na ang naiambag ko palang ay attendance. Kailangan kong makabawi, at magpapogi ng konti, para naman hindi masayang ang effort nya.
"Sorry talaga Agnes ha! kung gusto mo treat nalang kita bukas!"
"Bukas? Saan naman?"
"Uhmm-- Sa ano.. Sa.. Kahit saan! Saan ba gusto mo?"
"Sure ka?!" may pagka-excited na sa boses nya.
"oo! sobrang sure! saan ba gusto mo?"
"meron kasing bagong bukas na town center malapit sa plaza, sabi nila maganda daw yung lugar, para syang mini amusement park, na may mga rides!"
Gulat ako sa reaskyon nya, para syang bata na nasobrahan sa candy at bubble gum. Pero ayos na din, atleast sa kanya galing ang ideya, walang kahirap hirap at makakabawi na ako sa mga tulong nya.
"Ok, mukha ngang maganda yun ha!" sagot ko.
"Uhm--"
"???"
"Baka naman--"
"Baka?"
"Baka hindi kana naman dumating.."
Hindi ko alam, pero bakit parang bigla akong nasapul sa sinabi nya. Pakiramdam ko'y sobrang nalungkot sya sa pang-indian ko sa kanya kanina. Namula din sya, at tila hindi alam kung saan ipapaling ang mga mata. Bigla din akong na-curious sa mga galaw nya, at biglang pagbabago ng kanyang pananamit at looks.
Tinignan ko sya sa seryosong mukha o mas kilala sa tawag na "game face", para mas maging seryoso ako at sincere sa pangangakong matutuloy ang treat ko sa kanya..
"Darating ako.. Promise!"
Sinundan nya na ito ng magagandang ngiti na para bang pang girl next door ang dating. Natuwa naman ako sa reaksyon nya.
Kinuwento nya sakin ang nangyari sa meeting namin(nila). Ang mga plano, mga activities na darating, at kung anu ano pang hindi ko na maintindihan. Mahusay sya talaga! alam nya na ang mga gagawin, mabilis sya mag-isip. hindi nagkamali ang club na gawin syang president, sang-ayon ako sa bagay na yun. Sa maikling panahon palang na nakilala ko si Agnes, ay parang matagal ko na syang nakakasama. Sya yung tipong madaling makagaangan ng loob, dahil wala syang kaarte arte. Simple lang sya.. As is kumbaga.
------
"What time it is Sophia?"
May tonong bati ni Mommy na nag-aabang sa pinto. Salubong ang kilay, matalas ang mga mata, at halatang babagyuhin na naman ang tenga ko sa sermon. Mabilis akong naglakad lampasan sya, ngunit nandun pa din ang mata nya na nakasunod sa akin.
Dumiretso na ako sa kwarto, ayoko nang magkaroon pa ng argue kay Mommy, dahil 100% sure na hindi din ako mananalo. Sa bawat dahilan ko, meron syang pang counter attack. Mas mabuti pang tanggapin mo na lang na talo ka. Matapos makapagbihis, ay agad akong nahiga sa kama, pinikit ang aking mga mata. Hindi na bago ang ganitong sitwasyon pagdating samin ni Mommy. Hinding hindi kami nagkakasundo sa maraming bagay. Bilang isang teenager, ayaw ko talaga ng hinihigpitan at mina-manipulate ang buhay ko. Ilang beses na din akong nagpaliwanag sa kanya, at nakakasawa na..
Mabilis akong dinapuan ng antok, nararamdaman ko nang makakatulog na ko.. nang marinig ko ang malakas na diskusyon ni Mommy at Daddy sa labas ng aking kwarto.. At alam kong ako na naman ang pinag-aawayan nila.
"Hon, Just let her decide on her own.. She's not a child anymore!"
"What?! She doesn't even know what to do in her life, tapos hahayaan natin sya?!"
Hindi naman nila ako tinatanong eh, gusto lang nila akong mag-aral at magtrabaho pagkatapos. Tinakpan ko na ang aking tenga, para hindi ko na marinig pa ang kanilang usapan, tuluyan ko nang pinikit ang aking mga mata..
------
Robert
Medyo pagod at nangangatog na ang aking mga paa sa kakatayo, at kakahintay kay Agnes sa boot entrance ng bagong bukas na town center. Sa attire kong parang a-attend ng binyagan, dahil sa polo kong parang hiniram kay atienza ay halos pinagtitinginan ako ng mga tao, hindi ko lang alam kung talagang kapansin pansin o talagang karimarimarim.
Maya maya pa ay dumating na si Agnes, bitbit ang dalawang ticket para sa entrance(hindi sya handa).
"Sorry late ba ko?"
"Hindi ah! Kararating ko lang din, tara pasok na tayo.."
Ayus din ang ambience sa loob, merong FEROCIOUS wheel(ferris wheel), mini-roller coaster na pang kid size pati ang seat, horror house na parang prep school ang artworks, at sangdamakmak na candy boot na hitik sa cotton candy, at shooting boot na kasing liliit ng langgam ang target at hinding hindi ka makakatama. Isang typical na perya sa paningin ko, pero ayus lang! makabawi lang ako kay Agnes..
Okei lang, mukha naman enjoy! Inikot muna namin kabuuan ng lugar. Naglakad lakad at nagkunwaring namamangha sa bawat makikita.
"Akala ko nga hindi ka darating eh!" masaya nyang sabi.
"Promise nga eh!"
"Maganda daw magpunta ng sunday dito, kasi may fireworks display daw sila.."
Fireworks? Display? kailang pa pwedeng ma-display ang fireworks? Ano yun hindi gagalaw? Hindi din nawawala?
"Sakto pala ang timing natin!"
"Yup!"
"Ayus!"
Una namin pinasyalan ang mga boot.. Makulay, Maliwanag, at Masaya ang paligid, pero mas masaya sana kung si Sophia ang kasama ko. Tiyak na magugustuhan nya dito. Sa dami ng tao, tuluyan nang naging siksikan ang paligid, mabilis ko namang hinawakan ang mga kamay ni Agnes para hindi kami mawala sa isa't isa; napatingin sya sa akin na parang nagtatanong ang mga mata.
"Crowded na kasi.. Baka magkahiwalay tayo.." paliwanag ko.
Ngunit ngumiti lang sya, at sumenyas na lumipat na kami ng lugar.
Hindi talaga ako mahilig sa mga rides! Ayoko ko makaramdam na parang nag-a-upside down ang kaluluwa ko, pero talagang makulit si Agnes, ang ending heto kami at nakasakay sa isang mini coaster. Halata sa mukha nya ang pagka-excited habang nagkakabit ng strap sa upuan, tila bata na talagang sabik na makatakas sa magulang na gustong magpatulog sa hapon.
"Robert! Smile!"
Nahuli na ako ng lingon, agad nag flash ang camera.. Huli ko nang napagtanto na makukuhaan pala ako ng camera.
"Thank you po!" pasalamat ni Agnes sa mamang nag-ooperate ng rides.
"Walang anuman ma'am, enjoy lang po kayo ng boyfriend mo.."
Agad kaming nagkatinginan ni Agnes, hindi ko alam ang magiging reaskyon nya.. Pero ngumiti lang sya, at sinundan ko naman ng tawa. Kahit sino ba namang makakita sa amin, eh pagkakamalan kaming magkasintahan. Babae sya at lalaki ako, at madumi ang isip ng mga tao, kaya expected na yun.
Aaminin ko na masaya ang gabing 'to, ewan ko ba.. Parang sobra akong ang nag-e-enjoy. Si Agnes palang ang kasama ko, iniisip ko kung si Sophia na ang kasama ko eh baka pwede na akong pumanaw. Next stop namin ang horror house.. Isa lang ang reaksyon ko habang nakapila sa entrace.. PANIS!
"Nakakatakot hindi ba?"
"Huh? Hahaha!"
"Bakit ka natatawa?"
"Eh mas nakakatakot pa din yung picture ng tatay ko sa bahay namin eh!"
"Ang yabang! Baka mamaya mauna kapang tumakbo sakin palabas ng exit!"
"Sus! Tara na nga.."
Ayus din ang loob eh! Baka de-hatak at walang kalibreng mga props.. Mga tiyanak, tikbalang, maligno, mananaganggal, pugot na ulo, at kung anu ano pang karakter sa mga kwento ni lola bashang. Pero ayus na din.. May mini cemetery sa loob, meron pang taong nakahiga sa kalsada na parang totoong tao, na parang na-murder na hindi ko maintindihan kung depressed sya sa buhay or nagpa-planking lang.
Nalibang ako sa mga nakita, hanggang makalabas ng exit.. tulad ng sinabi ko.. Panis! ngunit.. ngunit nasaan si Agnes? Parang katabi ko lang yata sya kanina, agad akong bumalik sa loob, pero syempre hindi sa entrance, kundi sa exit..
"Agnes!"
"Agnes, bilisan mo! Iiwan na kita!"
"...."
"Agnes?"
lumakad pa ko papasok sa loob, medyo madilim na ang paligid, na kanina ay tila parang maliwanag or nag-eenjoy lang talaga ako at hindi ko namalayan na may light effets pala sila. Biglang tumayo ang mga balahibo ko.. Parang may boses na nagsasalita sa likuran ng mga tenga ko, at nagsasabing.. "Ano? Anong meron.. Sa dako pa roon!", anak ng!
"Agnes! Nandyan ka paba?"
Wala nang sumasagot.. Pakiramdam ko'y namamaligno na yata ako, sa puntong yun naglakad na ako paatras habang singkit ang mga mata, kakamatyag sa paligid, at baka meron kung anong sumakmal sa akin.
..
...
Na-goosebumps lalo ako nang biglang tumunog ang sound effects nila, na parang may naglalakad na papalapit sa akin.. Alerto na ako! Anytime na may magtrip sa akin, ay siguradong.. siguradong tatakbo na ko!
Isa.. Dalawa.. Takbo!
Sa sobrang takot ay mabilis kong narating ang exit, laking gulat ko nung makita kong nandun na si Agnes at naghihintay sakin, ngunit huli na ang lahat, nawalan ng preno ang aking mga paa dahilan ng sobrang takot.. shit!
"Blag!"
-------
"Okei ka lang?" tanong ni Agnes.
"Oks.." sagot ko habang umiinom ng malamig na softdrinks.
Nakaupo na kami sa mga upuan na itinalaga lamang para sa mga senior citizen.. Kahit na wala namang matatandang papasok dito, at sasakay ng mga rides.
Bukol ang inabot ko, dahil mabilis na nakaiwas si Agnes sa napipintong pagbangga ko sa kanya. Abot batok naman ang tawa nya sa akin, napahiya ako.. At kahit na anong paliwanag ang gawin ko sa kanya, ay ang nakakaasar na tawa lang ang kanyang sinsagot. Natatawa din ako sa sarili ko, dahil sa sarili kong kalokohan.
Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa sobrang pag-eenjoy. Matapos namin kumain, ay niyaya ko syang bumili ng souvenier.. Isang maganda at masayang oras ang nilagi ko dito na kasama si Agnes, kaya dapat may remembrance kami. Sang-ayon naman si Agnes, coin purse ang pinili ko na may burda ng pangalan ng mini amusement park, at bata na hindi ko maintindihan kung nadapa o sadyang nakatagilid lang.
"Ito ang sakin!" masigla nyang sabi.
Sabay ang bida sakin ng key chain..
"keychain?"
"Oo! tignan mo!"
Nilapit nya ito sakin.. keychain nga na pwdeng lagyan ng picture, na kailangan mong gamitan ng lente para makita mo kung sino ang nasa larawan..
"Dito ko lalagay ang picture natin! Diba?"
Oo nga no? Bakit ba hindi ko naisip yun? at itong lintik na coin purse ang agad kong nadampot.. Wala talaga ko pagdating sa humor.
"Mag a-alas diyes na pala!" gulat na sabi ni Agnes habang nakatingin sa relos.
"Huh? Ihahatid na kita masyado nang gabi.."
"Huh?! Hindi pa tayo uuwi no!"
"???"
"10 kasi ang fireworks display.. gusto ko yun makita!"
"A-ayus! Hintayin natin dito" habang tinuturo ko ang bench kung saan tanaw ang lawak ng kalangitan.
"Huh? Hindi! Pangit ang view dyan.. Sakay tayo ng ferris wheel! Para mas matanaw natin ng maganda.. Bilis!"
"O-Oo! sige sige!
Jusko po! Parang bata na walang kapaguran ang isang 'to, pero okei nga naman kapag nasa mataas kang lugar mas kita mo ang ganda ng fireworks, 15 minutes to launch, nasa pila na kami at pangalawa sa sasakay, mabilis kong pinakita ang ticket namin na may lifetime valid or wantusawa na rides.
Paupo palang kami ng nilapitan kami ng attendant.
"Sir at Ma'am bawal po ang magkatabi ha, pasensya na po baka po kasi magba-balance ang vault.." paliwanag nya.
Nagkatingin na lang kami ni Agnes, at sabay na tumungo sa lalaki.
"Thank you po Sir and Ma'am.. pasensya na po talaga!"
"No problem sir!" mabilis kong sagot.
Nasa kaliwa ako, at nasa kanan si Agnes.. Dahil hindi kami pwedeng magtabi, ay napusisyon kami na magkaharap. Naramdaman ko nang umandar ang makinarya. First time ko! at excited ako! Lalo na kung makikita ko pa ang fireworks.
Habang pataas kami ng pataas, ay lumalamig ang hangin, lalo na kong hindi mapakali, ngunit bigla nalang parang may dumaan na anghel nang magpako ang tingin namin ni Agnes. At dahil nga magkaharap kami ay tila parang nagiba ang ambience sa loob ng kapirasong bakal. Bigla ko nalang nagtanto na dalawa lang pala kami sa loob.. Nakakabingi ang katahimikan, panay din ang iwas namin sa tingin ng bawat isa, ewan ko ba kung bakit, parang bigla kaming nagkahiyaan at walang masabi.
"Gusto mo maglaro tayo?" anyaya ko sa kanya.
"Laro? Ano naman?"
"Hmm.." ang bobo ko naman, niyaya ko syang maglaro, para lang maiwasan ang katahimikan, pero wala naman akong maisip.
"May alam ako!" mabilis nyang sabi.
"Ano?!"
"Nagka girlfriend ka naba?"
"Huh?!"
Parang nangloloko lang si Agnes ha! Wala pa akong nagiging gf mula nung pinanganak ako sa mundong 'to.
"Wala pa no?! Parehas pala tayo.."
"Hahaha! Ikaw din pala!"
"Sige ganito na lang.. Paramihan ng naging crush!" excited nya pang sinabi, kahit medyo corny eh kumagat na din ako.
"Sige! Bago makarating sa tuktok, dapat masabi natin lahat ng crush natin" suggestion ko na walang ka kwenta kwenta.
"Sure! Game!"
"Game ladies first!"
"Uhmm.. Nung first year tatlo eh.." pauna nya.
"Ooops! Dapat isa lang! Salitan lang tayo.."
"Eh hindi mo naman kilala, paano ka maniniwala?" tanong nya.
"Ayos lang un, basta totoo ang sinasabi natin, walang joke!" sagot ko.
"Dennis!"
"..."
"Ikaw na! ang daya!"
"Hahaha! Nicole nung first year!"
"Enzo first year din!"
"Hmmm.. Ericka!"
"Johnson!"
Nakaka tense din pala, para kaming nag-sshare sa bawat isa, ng mga naging crush namin at hindi pwedeng magsinungaling..
"Wendy!"
"Mark!"
"Nicca!"
"Carlo!"
"Christine!"
"Mark ulit!"
"Ulit?"
"Magkaibang tao yun, parehas lang ng name" paliwanag nya.
"Nicca ulit!"
"Huh?!"
"Hahahaha!"
"Ang daya mo!"
"Seryoso na! Thrish!"
"Marco!"
"Anna!"
"Jet!"
Nakakalibang na! Nagbago ang sitwasyon na kanina lang ay tila nahihiya kami sa bawat isa, at nakikiramdam.. Sakto lang sa timing! Nasa tuktok na kami..
"Ikaw na! Bilis!"
"Huh?! Ah oo! Sophia!"
Dinig na namin ang putok ng mga fireworks, pinaghalong tensyon at saya ang nararamdaman ko..
"Ikaw na!"
"Ah-- Oo!"
"Last na.. Robert!"
Lumiwanag na ang paligid, iba't iba ang mga kulay.. Kitang kita ko sa mga mata ni Agnes ang reflection ng fireworks, at dinig na dinig ko ang huling salitang sinabi nya.
0 comment/s:
Post a Comment