Teenage Cappuccino - 15

TEENAGE CAPPUCCINO - Confession (Chapter 15)


"Hindi mo kailangang maging matalino, konting imahinasyon at interes sa topic lang.." nabasa ko sa isang review patungkol sa bagong libro ni Sir Bob. Inisip ko noong una kung ano ang pinagbasehan nya para bigyan ang nasabing libro ng ganitong klaseng compliment. Hindi ko pa din kasi nababasa ang librong yun.

Eh ano nga bang basahen ng publiko sa isang taong matalino?! Sila din ba yung mga taong kayang sagutin ang EM=C? O yung tipong alam ang pasikot sikot sa light years? Yung mga tao din bang nag-aaral ng prediction ni Nostradamus? Sa mata ng publiko madaming matalino.. Tulad ng graduate ng law, accounting, doktor, engineer, teacher, certified computer technician, web designer, management, nurse, culinary, fine arts, at kung anu ano pang pwede kang kumita ng malaki. Sila yung matatalino! Oo! Sa mata ng publiko.. At kung gusto mong malagay ang mukha mo sa banner, para ipost sa mga kawad ng kuryente sa baranggay nyo ay kailangan graduate ka sa isa sa mga yan.. Sila yung upper class!

At syempre meron din tayong low-version ng pagiging matalino, dito ako hanga.. sila yung mga taong maunawain, mapagmahal, at mapagkumbaba..

Hindi ako matalino, kaya dun ako bagay sa portable version..

-----------------------

Stupidity ngang maituturing ang kahibangan ko kay Sophia..

Wala eh.. kasama na yata talaga ang salitang TANGA sa buong istorya ng pag-ibig. parang pinoy cuisine lang yan na hindi pwedeng mawala ang kanin. paggamit ng computer ng walang internet, at pag gigitara ng wala sa tono. Ang pag-ibig ay habang buhay na sakripisyo.. at kung magmamahal ka, eh hindi pwedeng hindi ka masaktan ng isang beses lang, hindi din dalawa, tatlo, o apat. Ang salitang HABANG BUHAY ay walang katapusan sa taong humihinga, patuloy kang magmamahal na may kaakibat na katangahan. Pero masaya hindi ba?! Masaya magpakatanga tama ba? lalo na at yung taong nagsisilbing dahilan para maging tanga ka, ay sya ding nagtuturo sayo na maging masaya. Privelege na yun sa pag-ibig.

Bitbit ang walang kasing lungkot na nadarama sa mga oras na 'to, ay pasimple namang nangingilid ang aking mga luha. Mahirap pala talagang lunukin ang mga salitang galing sa mahal mo, lalo na at masakit ito..

Tanaw ko na ang gate palabas ng subdivision ng magring ang phone ko..

Tuluyang namilog ang aking mata, bumilis ang daloy ng dugo ko papuntang utak deretsong puso, na nagbigay sakin ng kakaibang tensyon.

Tumingin ako kay Richard, na tila naghahanap ng kasagutan.. Ngunit sumenyas lang sya ng "go.."

"Hello?"

"Robert?"

"Sophia?"

"Nasaan kayo?!"

Natuwa ako kung paano nya binaggit ang salitang "Nasaan kayo?", parang duon lang ako nakaramdam ng pag-aalala galing sa kanya. Masaya..

"Palabas na ng gate.."

"Hold on! papunta na ko dyan.."

"Huh, eh--"

Mabilis na naputol ang linya, animo'y nagmamadali sya. Parang ermats ko lang na talagang iiwan ang niluluto mapanood lang ang drama sa hapon, at maging sa gabi. Hindi ko alam ang magiging reaskyon ko matapos ang saglit na pag-uusap gamit ang teleponong galing sa ideya ni Boss Alexander Grahambell.

Inakbayan naman ako ni Richard, na may pinaghalong ngiti at siguradong kasunod ang pang-aalaska.

"Kita mo na? Everything's worthy diba?"

"..."

"Oh? Simangot kapa! Hahahaha!"

"..."

"Paano mauna na ako.. Hindi na siguro makakatulong ang presensya ko sa ganitong pagkakataon.."

"Thanks brad.."

"Hahaha! No worries!"

Diretso na syang naglakad papalabas na ng gate. Mabuti nalang at laging nandyan si Richard at si Agnes.. Sila yung mga taong laging tumutulong sakin. Maari kong malimutan ang aking alma mater, pero hindi ang tulad nila.

"Brad!" sigaw ni Richard na naglalakad papalayo.

"Gudluck! Sabihin mo sa kanya lahat ng gusto mo!!"

Hindi ko alam ang gusto nyang iparating sakin, pero sigurado akong makakatulong yun.. Bigla kong naalala yung oras na nasa cr sya at hindi makalabas, nung time na yun eh halos makalimutan ko ding ibalik sa kanya ang backpack nya.. Maggagabi na ng maalala ko..

----------------

Agnes

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang larawan namin dalawa ni Robert, na nakaipit sa keychain na syang souvenier namin sa amusement park.. Stolen shot kaya talaga namang nakakatawa. Ngunit sa likod ng mga ngiti, merong kakapirasong pakiramdam na pilit kong inaalam sa sarili ko.. Alam kong hindi tama, sa dahilan na hindi ako ang priority nya. But I just can't hide it.

Mula nung nag start ang klase.. Nagkaroon na kami ng magandang kuminikasyon sa isa't isa. Sa mga nangyari at mga bagay na saksihan ko sa kanya, ay tila nagkaroon ako ng kakaibang interes. Para bang nanood ka ng korning sitcom na kapag inaraw araw mo eh makukuha din ang panglasa mo..

I still don't know what really happened..

Si Robert yung tipong hindi pansinin ng mga babae sa campus, pero meron syang kakaibang ugali na hindi basta basta makikita ng kahit sino man. Simple lang sya sa paningin ng iba.

Malalim ang aking buntong hininga na pinakawalan, at diretsong bumagsak ang aking katawan sa kama. Naka-angat ang kanang kamay patungo sa kisame, hawak ang kapirasong keychain na nagsilbing sikreto ng hindi ko maintindihang nararamdaman para sa kanya..

Although I already told him na meron akong nararamdaman sa kanya(ferris wheel moment nila), Hindi pa din sapat yun para seryosohin nya..

..
...
....

I still need more time..

-----------

Giniginaw na ko sa lamig kakahintay sa pagdating ni Sophia. Nagpasya kong maupo sa bangketa na kahit punong puno ng alikabok at kung anu anong balat ng kendi ay ayos lang.. Banayad ang aking nadarama pero hindi mapakali ang aking isipan.

"Bakit nga ba ako nandito?"

Unang tanong na sumagi sa isip ko.

Hindi ko pa din maiwasang ihambing ang sarili ko sa iba, pagdating samin ni Sophia. Yung mga tipong "maging sino ka man" ni Robin at Mega, pero hindi naman ako badboy. Kung sa mayaman at mahirap uso ang discrimination, paano pa kaya sa pag-ibig?

Kung sa senado hindi pwedeng maupo ang boksingerong tulad ni people's champ, dahil sa diskrimansyon din! at kung makaupo ka man, eh uulanin ka ng batikos. Sigurado magpapanting ang tenga mo, tulad ng ginawa nya na nagtweetback sa kanyang followers ng "magsumbong ka sa lelang mo".. Sa huli discrimination pa din ang mananalo.

Tutulong lang naman sya diba? Bakit hindi nila matanggap?

Eh bakit ang superhero naka maskara?

Common na sagot ng iba 'to pero sobrang tagos hanggang buto.. "Hindi naman kasi kailangan ng pangalan kung tutulong ka!" hindi mo kelangan ipamukha sa iba na tutulong ka, at magpapapicture na hawak ang isang plastic bag ng relief goods na ipapamigay mo sa nabaha, nasunugan, nanakawan, at na-rape. Wag mo nang gayahin si presidentiable candidates noon na bago ipamigay ang tulong, eh hinintay pa ang media. Para saan? Para nga naman pogi points.

Pero kahit batikusin pa ng kamara ang pag-ibig ko kay Sophia, ay wala akong pakielam. Magkaiba man ang estado at deperensya ng kita ng magulang nya kesa sa magulang ko, eh hindi ko na yun problema.

"Robert!"

Nagsisimula ko na sanang kausapin yung kalsada, mga dahon, alikabok, mikrobyo, at balat ng kendi nang dumating si Sophia. Kanina lamang ay tila naiinis na kong maghintay, pero nung nakita ko na syang paparating ay tila automatic delete yung inis at yamot..

Dinig ko ang kanyang mabilis na paghabol ng hininga, habang nakatayo sya sa harap ko. Nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod, at nakaladlad ang makintab nyang itim na buhok.

"Robert.. Sorry!"

!@#%*&?

"Sorry?" Tama ba narinig ko? Nag sorry sakin si Sophia, dahil ba yun sa txt message nya kanina? O nag sorry lang sya at nalate sya?

"Sorry.. it bothers you now I know.." paglalahad nya.

"No! It's okay! And-- And I know you have your reason.."

"Yes.."

"But first.. Anong ginagawa nyo dito?!" kasunod ang malakas na batok!

Nahihiya pa kong aminin ang dahilan kung bakit nga ba ako napadpad dito, parang kanina lang ay natanong ko na yan ha. Bakit hindi ko pa pinaghandaan? Ang korni kung sasabihin kong na-miss ko sya! at mas nakakaloko kung sasabihin kong dahil may sakit sya, dahil ngayon eh mukha syang mas masigla pa sa akin.

"Bakit ka ba absent?" unang salitang pumasok sa isip ko, at diretso ding lumabas sa bibig ko.

Natigilan sya ng bahagya, humingan ng malalim, tinanggal ang mga kamay sa pagkakapamewang, at diretsong naupo sa tabi ko. Sa puntong yun ay bumilis na ang tibok ng puso ko..

"Are you worried?"

"Me?! Oo.. Oo naman!"

"Yan ang kuya ko!" nakangiti nyang sabi.

"Bakit ka ba kasi absent?"

"First, sorry for not telling you.."

Panis! Parang boyfriend na ang dating ko kapag ganyan diba? Dapat pala na alam ko ang mga lakad nya. Dapat lang na alam ko, sa dahilang sobrang nag-aalala ako..

"Actually.. Wedding Anniversary kasi ng parents ko.."

"Talaga? Regards sa kanila.."

"As if namang masasabi ko yun.."

Toink!

"Eh, kumusta ang lakad nyo?"

"Not good.."

"???"

"It turns out to be a lot of talking, about my future.. Their undying plan for me.."

English hindi ko maintindihan, pero nagegets ko ang point nya kahit papano. Alam kong hindi naging maganda, at kailangan nya ng may masasabihan..

"Nasaan si Richard?"

"Umalis na sya.."

"sigh.." malalim nyang buntong hininga.

"thank you for listening Robert.."

"wala yun.."

Hindi ko alam ang mga iniisip nya sa mga oras na 'to, napatingala sya sa malawak na langit at tila pinagmamasdan ang nagsasalitang kinang ng mga bituin.

Kung ang pagmasdan lang sya ang magiging bisyo ko sa buhay, ay hinding hindi ako papasok sa rehab.. Hinding hindi ako aattend ng counseling, at kung anu ano pa para malimutan ang nag-iisa kong bisyo.

"Alam mo ba kung bakit school nyo ang pinili ko?"

Parang "knock knock, whose there" lang, pero seryoso..

"Bakit?"

"Kasi alam kong totoo ang mga taong makikilala ko dun.."

"???"

"Tulad mo.."

"Ako?"

"Yup! Hindi sa lahat ng oras nandyan ka, pero sa mga oras na kailangan kita ay lagi kang dumarating"


Minsan hindi ko din maiwasang hindi mamangha sa kanya, minsan nakakapag salita sya ng mga bagay na tila hindi nya alam kung nakaka-apekto sa tao. Tulad ng huli nyang sinabi, ay lubos na naapektuhan nito ang aking puso na tila nagdidiwang sa saya.

Pero..

Pero hindi lang yun ang gusto kong gawin para sa kanya.. Marami akong bagay na gustong masaksihan na kasama sya, na nasa tabi ko sya.. Mga bagay na alam kong magiging masaya sya. Gusto ko syang ngumiti nang ako ang dahilan.. Masyado akong selfish pagdating sa kanya. Pasensya na..

Hindi ko namalayan ang sarili na nakatitig lang sa kanya. Sya naman na nakatitig pa din sa langit..

"Robert.. I have to go.."

Ayoko pa..

Gusto ko pang makasama ka..

Gusto pa kitang pangitiin..

Gusto pa kitang pasayahin..

Marami akong gustong gawin..

Ayoko pa Sophia..

..
...
....

"Robert?"

"Ah-eh!"

"I have to go, kita nalang tayo bukas.."

Mabilis kong pinigilan ang kanyang pagtayo, hinawakan ko ang kanyang kaliwang braso. Sya namang kinagulat nya.

"Sandali lang.."

"Huh?"

Sa mga sandaling 'to hindi ko na sya magawang tignan pa sa mukha. Alam kong magagalit sya kapag nalaman nya na wala naman akong sasabihin, bakit pinigilan ko pa sya..

"Brad! Gudluck! Sabihin mo sa kanya lahat ng gusto mong sabihin!"

Tanda ko pa ang sinabi ni Richard bago sya umalis.. Ano nga ba ang gusto kong sabihin? Kabalikat nito ang tanong na bakit ako nandito?

"Robert, why?"

Kung tatanga lang ako dito 100% walang mangyayari.. Hindi daw lulubog ang pako kapag hindi pinukpok ika ni Sir Gloc9. Hawak ang kanyang kaliwang braso, sinadsad ko ang aking mukha diretso sa tuhod at tinakpan ito ng aking kaliwang braso. Paraan para kahit magsalita ako, ay parang hindi ko sya nakikita.

"Sophia.. I like you.."

Kasabay nito ang pagbitaw ko sa kanya..

..
...
....

Ihip na lang ng hangin, at huni ng nga kulisap ang tanging maririnig mo sa sandaling 'to. Matapos kong ilaglag ang sarili kong puso, para lang diretsong sabihin sa kanya na mahal ko sya ay siguradong may kapalit ito.. at kung anu man yun ay handa akong tanggapin.

"I like you too Robert.."

Maliwanag.. Kasunod nito ang napakagandang ngiti at..

"Ang OA mo naman kuya! Sige na bye! Kita kits bukas!"

Aray ko! Tuluyan na syang tumalikod at tuluyang umalis. Napangiti na lang ako sa sagot nya.. Alam kong magkaiba ang ibig sabihin ng LIKE ko, sa LIKE nya.. Hindi lang like na friend or best buddy ang ibig kong sabihin, kundi mahal ko sya.. gusto ko sya, at walang halong biro, kasalungat naman ng sa kanya. Na isang maasahang kaibigan ang turing sakin.

But then.. ayos lang..

Yung part na narinig ko lang syang sinabi ang salitang "I like you" kasunod ang pangalan ko, ay tila pangarap na natupad na ang dating sakin, kahit pa pangarap pa din itong maituturing..

Wala nang mas sasarap pa sa nararamdaman ko ngayon.

Madami pa kong pagkakataon..

Madami pa kong bagay na gagawin para makuha ang ngiti nya..

...

Sa ngayon..

kailangan ko munang sulitin, ang mga ngiting nilagay nya sa aking mga labi..

--------

!#@$%*?

Scram! Beep! dead bat laptop ko!

0 comment/s:

Post a Comment