TEENAGE CAPPUCCINO - Flashback (Chapter 19)
Ang pagkakaroon ng heartbreak, ay kasing katulad ng na-corrupt na pc. Palaging last option ang reformat para maka move sa mga nasayang na files. Pero pagdating kay Sophia, hindi bale nang mabura lahat ng porn collection ko sa hard disk, importane na enjoy ko sya.. Hindi ko lang talaga alam kung makakapag move on ako.
Sugal..
Isang sugal ngang maituturing.. Ang sugal ko kay Sophia, ay tila isang maganda, at makulay na bahaghari, matapos ang pahirapan na pagtatapat, ay masasaksihan mo ang kagandahan nito. Ang masaklap lang hindi permanente ang bahaghari, darating ang oras na maglalaho lang ito. Kaya sa panahon na nakikita pa sya ng mga mata mo, isa nalang ang dapat mong gawin.. Walang iba kundi sulitin.
Bumulong ang hangin, binulong ang pangalan ko..
"Robert.."
Nagulat na lang ako nung bigla nalang na cast ko ang huling rune na tatalo sa two-headed beast, sa final boss ng suikoden 2..
"Robert.."
Namulat na lang ang mata ko, nang mabasa kong nasa centerfold na pala ng isang sikat na magazine yung Kimi ni Todoke, pero wala pa ding season 3..
"Robert.."
Nabigla nalang ang puso ko nung malaman kong yung anghel na naglakad papasok ng klase namin noon, ay syang girlfriend ko ngayon..
"Robert.."
Bumulong ulit ang hangin, ngunit sa sandaling ito naiiba ang dating dahil may tono..
--------------------------
Habang feeling abala sa pagbabasa ng Eraserheads "Tikman ang langit" Anthology, sa isang local bookstore sa isang mall. Salubong ang aking dalawang balikat sabay sa aking kilay. Pinipilit kong maging seryoso sa pagbabasa, para lang makaubos ng oras sa paghihintay. Bahagya akong tumingin sa relos na naka display sa bookstore. Mag iisang oras na din pala akong tambay dito, kaya naman pala kanina pa ang tingin sa akin ng isang sales lady. Dehins ko lang alam kung type nya ko, or gusto nya na kong paalisin dahil mukhang nabasa ko na lahat ng libro sa pinoy-fiction section.
Ano nga bang hinihintay ko?
Halos isang linggo din ang nakalipas nung napagdesisyon namin ni Sophia na mag-date(hindi yung typical naming ginagawa, kasi ngayon for real na talaga!). Usapan namin alas tres ng hapon, pero pakiramdam ko'y halos isang taon na kong na-stock sa bookshelves na 'to, tulad ng isang libro na nalugi sa first in, first out..
"Nasaan ka naba?" bulong ko sa sarili.
"Sino po kuya?"
Nabigla ako nang sumagot ang isang batang babae na nasa gilid ko, at nagbabasa din. Sa tingin ko ang edad nya ay naglalaro sa walo hanggang sampung taon. Hindi ko sya pinansin, bagkus random akong humila ng libro ulit sa shelves. Pero napunit lalo ang mukha ko ng isang foreign magazine ang nadampot ko. Halata namang naligaw lang ang isang 'to, pero binuksan ko pa din at nagsimulang magbasa(kunyari).
"Kuya, ano po yang binabasa mo?" pangungulit pa ulit ng batang babae.
"Coloring booook poooohh!" sagot ko.
"Eh bakit may sexy sa likod?"
Mabilis kong tinignan ang likuran ng magazine, hindi nga nagkamali ang bata. Imahe ng isang babaeng model na binibida ang isang sikat na pabango, na kapag ginamit mo kahit hindi ka maligo ng isang linggo ay mag-aamoy artista ka ng isang taon. In-short pangmayamang pabango!
In-snob ko lang ang bata kahit pa pilit kong tinatago ang aking ngiti sa kanya, baka kasi lalo nya pa akong kulitin kapag nakipagbiruan ako sa kanya. Iniiwas ko din ang aking mata, para mapansin nyang hindi ako interesadong makipag usap sa kanya.
..
...
....
Maya maya pa agad na nag-ring ang cellphone ko. Mabilis ko itong binunot, ngunit agad na sinagot.. Bakit? Dahil parang lahat halos ng tao sa loob ay nakatingin sa akin. Para bang naistorbo ko sila sa kanilang pagbabasa, medyo tahimik din kasi ang ambience sa loob, dahilan para agad nila akong mapansin. Pero wala silang magagawa.. Si Sophia ang caller, at hindi naman ito library. Pasensyahan na lang..
"Hello?"
"Nasaan ka-na?" sagot nya na napuputol putol pa, at parang mali yata na sya ang magtanong ng ganyan.
"Nandito sa--" sabay banggit ng pangalan ng bookstore.
"Sorry ha! Pero male-late pa yata ako ng 15 minutes.."
"Teka, nasaan ka naba?"
"Nasa byahe na po.."
"SHHHHHH!!!" sita ng makulit na bata, sinenyasan ko lang sya na wag sumagot.
"Sige, dito lang ako! Tawag ka kapag malapit kana! Ingat!"
"Oks, ba-bye!" kasunod ang beep-beep-beep, palatandaan na naputol na ang linya.
Nakalimutan ko yatang tanungin kung bakit ba sya late, pero hindi bale na! iisipin ko na lang na maaga nalang ako dumating. Walang ibang choice kundi maghintay. Hawak pa din ang magazine kong nahablot, ay sumalampak na ko sa sahig at sumandal ng bahagya sa bookshelves. Tinignan ko ang front cover ng hawak kong magazine, si Apl De Ap ang nakaposing.
..
...
....
Sinabi ni Anna Quindlin na isang paraan para maiwasan ang writer's block, ay wag pahirapan ang sarili. Para mas klaro.. Don't be too hard on yourself. “People have writer’s block not because they can’t write, but because they despair of writing eloquently.” Merong tamang oras at panahon sa paghuhusga, dito pumapasok ang editing.
"Kuya, sino hinihintay mo?"
Buong akala ko ay umalis na ang batang babae na kanina pa nangungulit sa akin, pero heto na naman sya at biglang sumulpot sa harap ko. Wala na kong nagawa kundi makipagtalastasan na din sa kanya, bunga na din ng pagkaboring sa paghihintay..
"Gerlpren ko po!"
"Gerlpren? Yun ba yung syota?"
Bumagsak ang aking ulo sa sagot nya, at bahagyang natawa. Ibang klase mga bata ngayon, alam na ang tambay term ng magkasintahan.
"Opoooo" sagot ko.
"Umalis ba sya? Kelan sya babalik?" sunod sunod na tanong nya.
Napatingin ako sa kanya, batid sa hitsura nya na mas apektado pa sya kesa sa saking paghihintay. Sinenyasan ko sya na maupo sa tabi ko, at ikukwento ko sa kanya.
"Mag-de-date kasi kami ngayon, dito kami magkikita kaya dito ko sya hinihintay.." paliwanag ko, kahit hindi ako sigurado kung maiintindihan nya.
"Ako din hinihintay ko si mommy, dito nya ko iniiwan kay tita kapag magbabayad sya ng utang" sabay turo sa sales lady na nakatingin sa akin kanina pa.
"Ano pong name nya?"
"Sophia.."
"So-pi-ya? Parang matanda!' sagot nang bata habang nagtataka ang mukha.
"Hahaha! Ikaw anong pangalan mo?"
"Pilita po!" hindi ko alam kung tatawa ako ng malakas, dahil pang mas matanda ang pangalan nya.
"Ano? Chabelita?" pabiro kong sabi.
"Pilita po! PI-LI-TA!"
"Chabelita nalang, mas bagay sayo! Yun na lang tawag ko sayo okei?"
Ngumisi lang ang bata, at pangiti ngiting nakatingin sa akin. Minsan mas maganda pa palang kausap ang bata kesa sa matatanda. Sa matanda makikipagtalo kapa, hindi tulad ng bata na palagi kang tama.
"Saan kayo nagkita?" tanong nya pa habang walang tigil na pinaglalaruan ang kanyang hinlalaki sa kanang paa.
Hindi ko alam kung tama ba ang tanong nya, pero alam ko na ang tinutumbok nya ay..
"Paano kayo nagkakilala?"
..
...
....
Kulang nalang ay tuluyang masunog ang kilay ko sa pagre-review, para lang makapagpasikat sa unang exam sa panglimang araw ko sa ika-apat na taon sa buhay hayskul. Ni hindi sumagi sa isip ko na sa yugtong yun, ay tuluyang magbabago ang nakagawiang routine sa nakaraang tatlong taon. Minsan lang aapak sa buhay ang swerte.. Hindi ito jackpot sa lotto, raffle sa mall, pabingo ng baranggay, palabunutan ng sisiw at itik, at kung anu ano pang first requirements ang pera. Bagkus isang on-the-spot jackpot ang pagpasok ni Sophia sa klase namin, nung araw na yun.
Sa mahaba nyang buhok na jet black ang pagkatingkad, may stiff neck nalang ang hindi mapapa-head turn kapag nakita syang naglalakad sa hallway ng eskwelahan. Badtrip nga lang, dahil may pagka astig at sobrang taray nya. Sa tulad kong walang alam na lay sa larong pusoy, ay paano nya ako mapapansin?
"Wala akong balak makipag-boyfriend!"
Muntikan na kong malunod sa nag-uumapaw nyang self confidence, matapos nyang ihayag ang kanyang first statement o sabihin na nating first rule nya. Pero hindi naging hadlang yun para mawalan ako ng pag-asa..
"Teenage Cappuccino.."
Yan yung title ng nobelang binabasa mo ngayon.. Sa totoo lang ang layo ng adolescence sa isang tasang kape! Parang mantika lang at tubig yan eh! Russia at America, North and South Korea, na sobrang imposibleng magtugma. Pero ang buhay ay laging may turning point, ang ending nangyari ang imposible!
Standard ang 3 teaspoon sa paggawa ng cappuccino, para magmukha itong caramel habang hinahalo.. gago lang ang nag-isip na pwedeng ipamalit ang asin sa asukal..
"Ako yun!"
Ako yung siraulong naglagay ng asin sa kape, ang resulta? walang iba kundi swerte!
----------------------------
Hindi lahat ng xmas light kumukutitap, merong supot, meron ding busted, kadalasan sira. Kung sa divisoria ka bibili, siguruhin lang na may insurance ang bahay nyo, o kaya nakasangla na sa kapitbahay ang titulo. Para kung sakaling ang nabili nyong xmas light ay may package pala ng fireworks, ay makakaligtas ka sa pagpapagawa, at may pangpiyansa ka kung sakaling may madisgrasya mo ang katabing bahay at ang alaga nilang manok. Hindi talaga lahat ng xmas light kumukutitap, napatunayan ko ito nung kasunod pala ng swerte ay sunod sunod din kamalasan.
"Hindi ka ba hinahanap ng mommy mo?" tanong ko kay Chabelita.
"Hindi pooo!"
"Saan ba sya nagpunta? ano bang utang binayaran nya?"
"Yung sa bangko, yung pinangbili ng bahay namin!"
"Ahhh.. Hindi kaba naiinip kakahintay?"
"Ano po yung naiinip?" tanong ni Chabelita.
"Yung naghihintay ka, pero ang tagal dumating" paliwanag ko.
"Ahh.. yun po ba yung BORED?"
Jesus, Mary, Joseph! Witty si Chabelita! ayaw nya ng inip, gusto nya bored. Tingin ko mas nanonood sya ng nickelodeon, kesa going bulilit. Hindi ko na alam ang susunod kong itatanong sa kanya. Napatingin na lamang ulit ako sa relos at napansing malapit nang matapos ang kinse minutos. Tumayo na si Chabelita sa pagkakaupo, halatang nangawit na sya sa kakalaro ng kanyang hinlalaki sa kanang paa. Pero mali pala ako, nag-inat lang sya at umupo naman sa kabilang side ko.
"Wala pa din po sya?"
"Sino?"
"Yung girlfriend mong matanda ang name" natatawa nyang sabi.
"Wala pa eh! Nabo-BORED na nga ako eh!"
"Hihihi!"
"Samahan na lang kita maghintay kuya--"
"Robert! Kuya Robert name ko.."
..
...
....
Sa isang linggo, limang araw lang ang pasok sa eskwela. Pitong oras na pag-aaral, kalahating oras na pagkain, at kalahating oras na pagpila sa canteen. Nagsilbing isang buwan ang isang araw ko sa loob ng eskwelahan, dahil mukhang puputi lahat ng buhok ko sa kunsumisyon sa "troublesome girl" na si Sophia.. Oo! Beside sa pagiging anghel na imahe nya, ay tila sasaluhin mo lahat ng problema kapag kasama mo sya. Sya yung tipong babae na mahilig mang-bully ng lalaki, parang yung seksing teacher lang sa Gokusen.
"Sya ang boyfriend ko! Kaya wag mo na akong sunduin.. Okei?"
Hindi ko alam kung sasaluhin ko lahat ng suntok, batok, sipa, at tadyak ng kuya nya, matapos nyang sabihing ako ang boypren nya(kahit hindi pa!), at hanggang sa ngayon ay hindi ko pa din alam, kung anong pumasok sa kokote nya at nabanggit nya yun. Isama mo pa nung mapa-away ako sa canteen at magmistulang dalmatian ang mukha, syempre walang ibang dahilan kundi sya. Nasuntok ako ng klasmeyt kong si Martin, dahil napagkamalan nya akong superhero na magliligtas, at aagaw ng spotlight nya para kay Sophia.
Rival..
Sa buong buhay ko hindi ko pa naranasang makipag kumpitensya. Ako yung sundalong hindi susugod sa gera, kahit pa may bala. Pero kung si Sophia, ang watawat na pwede kong maagaw sa kalaban. Automatic! Prente! Magiging ala-rambo ako!
Sa literature club ako, habang nasa cooking class naman si Sophia. Kasama ang walang kasing hambog na si Raymond. Dinaig pa nya ang bagsik ng pinakamalupit na bagyong nagdaan sa kasaysayan ng pinas, walang iba kundi ang "kayabangan".
...
"Kuya Robert, wala pa ba sya?"
"..."
"Kuya! Kuya!"
*sigh*
"Malapit na siguro, gusto mo ba syang makita?"
"uhm! uhm!"
"Maganda ba sya kuya?"
"Kasing cute mo.."
"Eh hindi pala sya maganda?"
"bakit?"
"kasi cute lang eh, sabi ni mommy beautiful daw ang maganda at hindi cute"
Natatawa na lang ako sa pinagsasasabi ni Chabelita, kakaiba ang batayan nya sa pagsagot at katanungan. Pero nakakalibang, pangpalipas oras, at anti-umay. Tumayo ako, at nagpapagpag ng jeans. Sinubukang tumanaw tanaw sa labas, pero wala pa din kahit anino man lang ni Sophia. May mga mukha ng taong naglalakad, naglalabas-masok, at nag-uusap sa mall. Iba't ibang reaksyon, iba't ibang emosyon, at sigurado kanya kanyang diskusyon. Pero wala ang mukha na hinahanap ko. Magpapasya na sana akong lumabas ng bookstore, nang biglang may humablot na naman ng laylayan ng suot kong polo-shirt.
"Kuya, saan ka pupunta?"
"Titingin lang ako sa labas, babalik ako!" kahit pa pilit ang ngiti ko, halata sa mukha ng bata ang pagkadismaya.
Wala akong nagawa kundi samahan sya muli sa loob. Nginitian naman ako ng saleslady na syang tyahin pala ni Chabelita. Sinamahan ko syang maupo sa bakanteng limesa kung saan puro children's book lamang ang nakapatong. Puwesto ako na nakaharap sa salamin ng store, para mas mabilis kong makita kung parating na si Sophia.
"Heto, basahin mo yan!" sabay abot ng isang colored chart na halatang pangbata.
"Ayaw.. Magkwento ka nalang kuya.." bulong nya sakin na pinipilit takpan ang kanyang bibig.
Napangiti naman ako, at tumingin ulit sa relos. Tsaka nagpatuloy ng kwento.
...
Hinding hindi ko malilimutan ang ending ng Ichigo 100%! Pangalawa yun sa pinaka paborito kong ecchi genre sa manga, Una ang Bitter Virgin. Matapos ang paghihiwalay nila Nishino at Junpei, akala ko si Aya Touju na talaga ang makakatuluyan nya. Pero parang batang inagawan lang ng lollipop ang pakiramdam ko nung nagbago bigla ang ihip ng hangin sa loob ng utak ng otor nito. Hindi ko na sasabihin ang nangyari, pero ang ending na yun ay nagbigay sakin ng matinding hang over na tumagal ng halos isang linggo. Araw araw kong iniisip kung tila naka rugby nga ba talaga ang otor nun, noong sinusulat nya ang ending o sinadya nya yun para bigyan lang ako ng sakit ng ulo.
Parehas na parehas ang pakiramdam ko nung nabasa ko ang ending ng Ichigo 100%, at nung matikman ko ang madalas kong nababasa sa slum book. Walang iba kundi ang "First kiss". Naks naman!
"You already had my lips, so work hard to earn my heart.."
Nakailang panood na ko ng ilang romantic comedy(dahil hindi ko naman trip ang solid love story eh), Maka-ilang beses ko na ding nasaksihan ang "Kissing Scene". Bilang isang artista isa itong initiation para masabing pwede kang pumalit kay Robert Pattison na nakuha ang title na "Best Kisser".
Pero walang tatalo sa first kiss ko, kahit pa hindi si Angelina Jolie ang ka-partner ko. Ang sarap sa pakiramdam, para ka lang sumimple ng tulog habang nasa trabaho. Parang nag-ulam ng sinigang na bangus, na kaning lamig ang kanin. Para ka na ding nagwagi ng libreng air ticket pauwi ng pinas, para sa pasko.
"Nag-kiss kayo?" halos mamilog ang mga mata ni Chabelita sa narinig.
Natawa lang ako sa reaskyon nya, hindi na din ako sumagot dahil alam kong bawal pa sa bata ang mga pinagsasasabi ko.
"Melissa! Melissa!"
Nagulat si Chabelita, at agad na napatayo sa kinauupuan. Nagtatakbo ito at tinungo ang babaeng tumatawag ng pangalang Melissa. Mabilis nya itong niyakap, napabulong ng bahagya, at tumingin sakin. Kasunod ng pag ngiti, agad syang kinarga ng babae. Doon ko palang napuna na yun na pala ang mommy nya, at hindi Pilita ang pangalan nya.
Natawa na lang ako sa sarili..
..
...
....
How far will you go? Track No. 3 sa last album ng Eheads na pinamagatang Carbon Stereoxide, ang tugtog sa loob ng bookstore. Timecheck.. 4:30 na ng hapon.. Sakto lang para sa next movie sa sinehan.
Napangiti nalang ako habang tinitignan ang babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko lubos maisip na may pag-asa pala talaga ang swerte sa tulad ko. Sa maikling panahon na pagtambay ko sa loob ng bookstore, nagawa ko na palang magbalik tanaw sa mga chapters ng love story namin ni Sophia.
How far will you go?
Yun yung last words sa chorus ng kanta, parehas na parehas. Sa pagkakasabik ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ako na mismo ang tumayo, kabaliktaran ng madalas nyang ginagawa, ako naman ang umakbay sa kanya. Sabay ngiti, pero hindi pang model ng toothpaste.
"Sorry! Sorry talaga! Si mommy kasi eh!"
"Okei lang, hindi din naman ako nainip sa paghihintay.."
Napakagat labi lang sya, at nagpapa-awa ang mga mata. Masaya ako, kahit pa hindi sya nakita ni Chabelita, ay alam kong nag-enjoy sya sa istorya ko. Nakalimutan ko din palang ibilin sa kanya na wag masyadong magbabad sa international tv programs, sayang din hindi ko naturo sa kanya na Melissa ang pangalan nya, at hindi Pilita.
"Bakit napapangiti ka?" nagtataka nyang tanong.
"Wala.."
"Hindi nga?! Bakit nga?"
"Iniiisip ko kasi, kung anong magandang panoorin sa sinehan ngayon.."
"Ayaw mo ba yung Betty La Fea The Movie?"
"Korni kaya.. Rambo 4?"
"Mag-isa ka nalang manood.."
..
...
....
Ilang ulit ko bang sasabihing tila musika ang pag-ibig ko kay Sophia? Hindi ko pa ba nasabi? Masarap kasing pakinggan.. Suave lang! Hindi man hitik sa riffs, shredding, at tappings.. Ay para namang pentatonic na humehele sakin hanggang makatulog. Hindi ko man ito maipaliwang nang maayos tulad ng paghusga nila sa "Alapaap" na isa daw "ode to drug abuse" kahit pa ang dating nito kay Ely ay "ode to freedom", ay wala na kong pakielam.
Nagsisimula na kong mag-enjoy..
Nagsisimula na kong magkaroon ng hang-over..
Nagsisimula ko na ding makita ang tunay na kagandahan ng bahaghari..
0 comment/s:
Post a Comment