TEENAGE CAPPUCCINO - Forward Feelings (Chapter 10)
Maybe if I took a little time to talk, then she'd heal a little if she wants to.. At sa tuwing naririnig ko ang linya ng paulit ulit, eh paulit ulit ding hindi natatapos ang sigla na aking nadarama..
Limang segundong katahimikan..
Limang segundong langit..
Limang segundo na matagal kong pinangarap.. Limang segundong nagdikit ang aming mga labi, tulad ng sinabi ko. Wala sa script, walang wala sa plano. Pero heto ako! ini-enjoy ang pangarap ko..
Sa loob ng limang segundo, wala akong ibang narinig sa paligid kundi hiyawan, palakpakan, at tilian. Pakiramdam ko'y tatalunin ko ang mga moves ni Edward Cullen sa mga diskarteng authentic ko! Nakatitig sya sa akin sa loob ng limang segundong yun, halata ang sobrang pagkagulat.. Ni hindi nya nagawang magreak, at tumanggi man lang.. Nagpalakas naman ng loob ko at self confidence. In your face na naman si Raymond sa akin syempre, 2-0 na ang score, at syempre ako ang lamang..
Natapos ang limang segundo ng magandang eksena sa buhay ko.. Tulala si Sophia.. Dahan dahang nyang inangat ang kanyang dalawang palad patungo sa kanyang mga pisngi. Namula sya, hindi ko lang sigurado kung sa kahihiyan. Pero wala na akong pakielam dun. Gusto kong marinig ang sagot nya, makita ang reaksyon nya. Naghihintay ako..
"What the?! Who you think you are?!" kabig agad ni Raymond, sabay tulak sa akin.
Lumakas na ang sigawan ng mga estudyante, dun ko lang nalaman na kami pala ang center of attraction sa mga sandaling ito.
"Sophia, are you alright?" tanong ni Raymond.
Ngunit hindi sumagot si Sophy.. Tulala ito at hindi alam ang gagawin.
"Tara na Sophia.." sa puntong yun ay hinawakan na ni Raymond ang kanyang braso.
Ngunit laking gulat ko nung hinawi ito ni Sophia, at dahan dahang lumapit sa akin.. Lumakas na ang tibok ng puso ko. at iba ang pakiramdam ko. Dalawang bagay lang.. Kundi ang magalit sya, o matuwa?
"Robert.. Why?"
Sa mahina nyang boses na tila pusa na naligaw at hindi na makabalik, at ako si gago na hindi alam ang isasagot.
"Sophia!" anyaya ni Raymond.
"Say something Robert.." dugtong ni Sophia.
"Sophia.." pangungulit ni Raymond.
Alam mo yung pakiramdam na nilagay yung kapirasong butter sa ibabaw ng mainit na kawali? at ikaw yung nakatungtong sa ibabaw nun? Ganun na ganun ang pakiramdam ko na tila mauubos na ang butter, at wala pa din akong masabi.. Lalangoy ba ako sa mantikilya o tatalon palabas ng kawali?
"Robert! say something!" may galit na sa boses ni Sophia.
Shit! Kung may taong tutulong sakin sa mga oras na 'to isa lang ang sasabihin ko.. Kailangan kita ngayon! Time is running out.. Do or Die ang laban na tila Lakers at Boston.. Yes or No na parang isang score na lang at mananalo na ako sa question nila Randy Santiago at John Estrada..
"Sophia.."
..
...
....
Hindi ako pwedeng sumagot ng mali, at hindi din ako pwedeng magpaliwanag ng mahaba.. Natural na sagot ang hinihiling nya.. At wala na kong maisip pa kundi..
"Sorry Sophia.. Pero tingin ko eh.. mali! pakiramdam ko mahal na kita.."
--------
Umikot ang mundo pabalik.. Naalala ko yung istorya ni Romeo at Juliet, ang love story nila Bobby Andrews at Angelu Del leon. Ang sikat na sikat na sila John and Marsha.. ang walang kamatayang pag-ibig ni Daisuke kay Aikawa.. Nasaksihan ko kung paano magmahal si Ermat kay Erpat, na kahit hanggang ngayon ay hinding hindi nya kayang palitan.
Mahal ko Sophia sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kaparehas nito kung bakit nga ba lamang ng 30 minutos ang umaga kesa sa gabi. Kung bakit nga ba ako nagkukumot ng nakalabas ang dalawang paa. Kung bakit din mahilig magsuplado ang mga pangit, at kung bakit nangangati ang aking kamay para magtype ng epilogue para sa kwentong tambay..
"Sorry..
..Sophia"
"Pero.. Mahal kasi kita!"
Gulat sya, Gulat ang mga tao, Ako din mismo gulat sa kalokohan ko.. Pero talo talo na! Ngayon lang mangyayari sakin 'to.. Kumbaga strike while the iron is hot! At kahit ang annoying face ni Raymond ay tila nagmukhang blangkong papel sa pagkagulat.
Pero mas nakakagulat ang sumunod na pangyayari..
Lumapit sya ng isang hakbang pa, kasunod ang isang maalingawngaw na sampal!
"Bagay sayo yan! For stealing a kiss from me!" galit nyang sabi.
Syempre nandyan ulit ang mga usi, na parang mga studio audience sa show time, na may bitbit na score board! 10! 9! 8! 7! 6! Sunod sunod din na palakpakan.. at akong ang sample sample, I mean na bigyan ng sample.
Napahiya ako, obvious ba? Nag post pa ulit si Sophia na parang uulit pa ng round 2.. Ngunit laking gulat ko nang pinatong nya ang palad nya sa ulo ko.. Bahagya nyang ginulo ang pagkaka-gel nito, at nagsabing..
"Bakit ba ngayon ka lang kasi nagsabi?"
Tumalikod sya.. Alam kong ayaw nyang makita ko ang siguradong papatak na mga luha, mabilis syang tumakbo. Ako naman ay steady lang. Hinayaan ko lang syang umalis, hinabol pa sya ng aking mga mata.. Hanggang sa hindi ko na sya makita dahil sa dami at umpukang mga tao..
...
"Look what you've done.. tsk!" asar na boses ni Raymond.
"(Whistle) May reklamo yata si sir dito.." agad na sagot ni Richard, na hindi ko napansin na nasa likod ko na.
"Whatever!" asar na naglakad ito paalis..
Mabilis ding nawala ang mga usi sa paligid, para bang mga langaw na lilipad na sa ibang tambayan, at maghahanap ng pupu, este chismis. Naiwan akong hindi alam ang gagawin.. Nakita ko ding papalapit si Agnes sa direksyon namin ni Richard.
"Robert! Are you okay?" humahangos nyang tanong.
"..."
"Robert?"
"Brad-pit tara na.."
"..."
"Brad?"
"Robert? Bakit?"
"Bakit ka nakangiti?" sabay nilang sabi..
Ako na yung mukhang tanga, pero sino ba naman ang hindi matutuwa na matikman ang labi ng kanyang mahal? i-set aside na natin yung sampalan part.. At ang naglalaro sa isip ko eh yung sinabi nyang "Bakit ba ngayon ka lang kasi nagsabi?"
--------------
May mga bagay pala talaga sa buhay na hindi mo pwedeng seryosohin.. Dahil mawawala ka sa rhythm. Nung sineryoso ko ang isang kwento, huli na nung napansin kong nawawalan na ko ng enjoyment. Mas maigi pa palang daanin mo sa kalokohan ang lahat ng ginagawa mo.. Hindi mo mapapansin matatapos ka nang masaya at maganda ang kinalabasan..
Alas syete na ng gabi nakahiga pa din ako, at tila walang ganang kumain.. Ilang beses na din akong tinatawag ni nanay. Hawak hawak ko ang aking pisngi, na kanina lang ay ubod ng sakit..
"Gising ka pala Robert! Bakit hindi ka sumasagot?"
Gulat sakin ni nanay, inakyat nya na pala ako ng hindi ko namamalayan.. Umupo sya sa gilid ng aking kama, at hinipo ang aking noo.
"Jusko! wala ka naman palang sakit, eh bakit ba nakahiga ka pa dyan!?"
"Nagpapahinga lang ma.."
"Bangon na, wala akong kasabay kumain sa baba.. Halika na.."
"Sunod na lang ako.."
"May problema ba ang binata ko? aber?"
Bumangon ako at umupo sa kama.
"Sasabihin ko sayo, pero wag kang tatawa ha!"
"Dyaskeng bata ire! Pasikre-sikreto pa!"
"Hahahaha!"
"Ano ba yun? Hala bilis at lalamig ang pagkain!"
Minsan natatawa din ako kay ermat, kasi kahit sobrang abala sya, eh nakukuha nya pang makipaglambingan sa kanyang iisang anak. Hindi ko lang talaga nasusuklian ang pagiging maalaga nya sa akin..
"Paano ba makuha ang loob ng isang babae?"
"Homaygad! May nililigawan ka?"
"Parang ganon.. sagutin mo muna kaya ang tanong ko?"
"Eh paano ko sasagutin ayaw mo naman ikwento!"
"Ganito kasi--"
--------------
Sa isang malaking hapag kainan na apat na tao lang ang kumakain, na tila hindi magkaka-kilala ay tila isang bangungot para sa akin.. Si Daddy na walang bukang bibig kundi ang negosyo, Si Mommy na wala nang inatupag kundi si Kuya, at ang Kuya ko na talagang masugid na taga sunod nila.. At.. At ako pa pala na sawang sawa na sa ganitong klaseng eksena.
"Sophia, kumusta ang school?"
"Everything is fine Mommy.."
"Dapat lang, kundi isasama kita sa kuya mo papuntang abroad.."
"Daddy!"
"Sophia, listen to your mom.."
"Pinagbigyan lang kita Sophia sa gusto mong mangyari this year, pero after ng graduation sasama ka sa kuya mo to study abroad, mas mabuti dun iha.."
Mabilis kong tinapos ang hapunan, at agad na umakyat sa kwarto, inikot ko ang aking mata sa paligid para maghanap ng gagawin, at para din mawala ang aking inis kay Mommy..
Nagbukas ako ng laptop, para mag search ng mga tips at reviews para sa club.. Napansin ko ang sticky notes sa upper right ng screen. Nakasulat dun kung kailan ako nag transfer sa bagong school.. Naalala ko ang araw na unang beses akong pumasok sa public school na syang pinapasukan ko ngayon, isang buwan na din pala ang nakakaraan.. At tila parang ang dami nang nangyari.. Bigla ko din naalala si Robert.
Sino nga ba si Robert?
Sya yung nakilala kong lalaki na laging gumagawa ng mga kakaibang bagay, Mga bagay na hindi mo aakalain dahil sa itsura nya na mukhang predictable.. Masayahin, at tila hindi nauubusan ng pag-asa.. At bakit nga ba sya ang iniisip ko?
At ang halik.. ang first kiss ko, ay walang iba kundi sya..
..
...
....
Nagising ako sa lamig ng hangin sa madaling araw.. Nakatulog ako sa harap ng laptop. Tuluyang bumangon at nag-shower.. Medyo maaga pa para sa eskwela pero dahil wala na ang antok ko ay nagpasya na akong maunang umalis ng bahay..
"Good morning ate.." bati ko kay Mamang (ang masipag at tapat naming katulong)
"Good morning Sophy.. ang aga mo yata?"
"Shhh! Gising na ba sila?"
"Hindi pa.. Papasok ka na ba?"
"Ahh.. eh oo! mauna na ako.. Isara mo na lang yung gate, pakisabi na din kay Mommy.."
"Okay, ingat sa kalye ha! Marami ang masasamang loob ngayon, kanina paglabas ko ng subdivision may lalaki dun na paikot ikot parang hindi mapakali eh!"
"Don't worry mamang.. sige po.."
May kotse kami, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan eh mas masarap sa pakiramdam ang maglakad sa umaga, lalo na at papasok ka ng eskwela.. dalawang liko bago ko matunton ang gate ng subdivision, agad mong matatanaw ang guard house na pagkalaki laki, at ang guard na may pagkalaki laking ngiti din tuwing babatiin ako ng good morning..
"Good morning ma'am!"
"Hello.."
"Ingat po ma'am.."
"Yes.. thank you.."
....
"Sophia.."
Laking gulat ko sa isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa labas ng gate, muntik ko na syang masampal ngunit mas lalong nanglaki ang aking mata nung makilala ko kung sino.
"Robert?! Anong ginagawa mo dito?!"
"Ah-eh"
"Hinihintay kasi kita.."
"Bakit?"
"Anong bakit? Maaga akong nagpunta dito, para makausap ka lang.. Tapos tatanungin mo ako ng bakit?"
(Batok)
"Pwede naman tayong mag usap sa school, bakit kailangan mo pang maghintay dito, at gulatin ako?"
"Hindi ko alam! Ito lang kasi naisip kong way, para mas magkausap tayo ng maayos.. Alam mo kasi, nandun ang asungot na si--"
"Si Raymond?"
"Uh huh!"
"Stop thinking about Raymond and me, wala kaming kahit ano.. Okei Mr. Seloso?"
"And--"
"And what?"
Sa malamig na umaga, sa mahangin na paligid.. Wala na tayong tatalo sa langit at lupa kong nararamdaman, para sa kanya.. Hindi uso sakin ang sikat na sikat na linya sa love kowts na "magtira ka para sa sarili mo", dahil ang tunay na nagmamahal ay handang ialay ang sarili, buong pagkatao, at kahit ang sariling buhay para lang sa kanyang minahamal.. Korni ba? Naranasan nyo na din yan..
"Ayoko na ng joke.."
"Huh?!"
"Hindi mo ba nagets?"
"Eh para ka naman kasing puzzle eh!"
"Puzzle? Bakit binubuo ko ba ang araw mo?"
"(Batok!) Ikaw ba si John Lloyd?"
"Sige seryoso.."
"..."
"Ayoko na ng joke--"
"Ayan kana naman eh!"
"Patapusin mo muna kasi ako!"
"Okei okei.."
"Ayoko na ng joke Sophia.."
"Then?"
"..."
"Then what?"
"Sophia wag ka masyado seryoso, kasi nadi-distract ako.."
"Ano ba?! Ang gulo gulo mo ha! Ano bang gusto mo sabihin?"
"Iiwan kita dito!" dugtong nya pa.
"Hindi huwag! Seryoso ako.. Mahal kita.. So pwede na ba ako manligaw?"
"???"
Tulad ng madalas nyang gawin sakin, inakbayan nya ako at ngumiti..
"Hindi ba tayo na?"
"Hindi ganun.. alam mo yung normal na--"
"And how about the kiss?" mabilis nyang sagot.
"That kiss? Ano kasi.."
"Ano?"
"I know na mali yun pero--"
"Pero? Ano? Puro ka dahilan Robert.. You know what?"
"What?"
"Hindi ko din alam, pero sa tuwing kasama kita, masaya ako.. and guess what.."
"You.."
"You already had my lips.. So work hard, to earn my heart.."
Suave lang eh! Alam mo yung may nakadikit na bagay sa loob ng ilong mo, tapos ang hirap dukutin? Parang ganun kahirap kalimutan yung sinabi nya.. Para bang may na earn na akong points, at kailangan ko pang mag-ipon, para maipanalo ko yung grand prize.. Ibang klase talaga sya. Kahit na minsan ay hindi ko sya maintindihan.. Tingin ko yun na din ang bagay na nagustuhan ko sa kanya..
Sinabayan ko syang maglakad papasok ng iskwela.. Kahit araw arawin ko siguro tong gawin ay hindi ako magsasawa, sapat na saking makita at makasama sya. Walang tatalo sa ganitong pakiramdam..
I hope we could spend more time together
A few hours is better than never
If we could only make it longer
A whole day would be fine
Kumakanta sakin ang lyrics ni Ely Buendia, habang sabay kaming naglalakad..
"Robert.. Anong plano mo after ng high school?"
"Ako? simple lang.. gusto kong magsulat at gumawa ng kwento.."
"Hindi mo ba pinangarap na mai-publish ang mga nagawa mo?"
"Well.. Yun ang pinaka goal ko, but I know it's gonna be tough.. So I have to start with a simple way na pinaka alam ko.. yung basic.. ang sumulat.."
"That's cool.."
"Ikaw?"
"Don't know.."
"Huh?"
"You can't understand kahit sabihin ko sayo.."
"Tell me.. tingin ko maiintindihan ko naman.."
"No you don't.."
"Why not?"
"Dahil hindi naman ako ang nagp-plano sa future ko.."
"Ano?"
"Sabi ko naman sayo, hindi mo maiintindihan.."
"Paano ko maiintindihan naman kung straight answer lang ang binibigay mo, at walang explanation?"
"Parents ko ang nagpplano para sa akin.."
"Really?!"
"Anong really? You think that's cool?"
"No.. Hindi! I mean bakit ganon?"
"Well I don't know.. Gusto nila akong makita sa paraan na gusto nila.."
"Yun para bang gusto nilang maging doktor ako, at yun na yun.. I have to deal with it.."
"Mag-dodoktor ka?"
"Duh! Example lang yun!"
"Eh ano nga?"
"Gusto nilang kami ng kuya ko ang magtuloy ng business namin.."
"Eh di okei!"
"Anong okei? Paano naman yung pangarap ko?"
"Ay.. oo nga, eh ano nga bang pangarap mo?"
"Gusto kong maging chef.."
"Eh di yun ang gawin mo.."
"Hahaha! Simple lang yun sabihin para sayo, dahil ikaw merong freeedom.."
"Ganun ba yun? Tingin ko hindi.."
"Sige ano ba ang freedom para sayo?"
"Ay freedom ay para sa lahat ng tao.. May kinalaman dyan ang human rights.. Hindi mo masasabing masarap ang freedom, kung hindi pinilit gawin to.."
"???"
"Halimbawa.. Gusto ko ng tinapay, mabibili ko sya, dahil may pera ako.. Pero kung wala akong pera, ano sa tingin mo gagawin ko?"
"I don't know.."
"Gagawa ako ng sarili kong tinapay.. and that is freedom.."
"Your something Robert.."
"Hindi naman.. sarili ko lang pananaw yun.. Uy! Lapit na tayo sa school.."
Ang mga simpleng usapan, simpleng ngiti, at simpleng buhay ng HS life ay isang masayang yugto ng kahit sino mang nilalang.. At ang babaeng kasama ko ang nagbibigay ng katuparan, para masabi kong masaya ang HS life ko. Binuksan ko ang aking bag, para hanapin ang aking ID.. dehins ka kasi makakapasok kapag walang ID, isang mahigpit na patakaran sa HS.. ang saya diba? Astig ang house rules!
"Sophy?"
"Sophia Monsood?"
Isang balingkinitan na babae ang lumapit sa amin, Maikli ang buhok, cute, at mukhang kumikita ang magulang ng higit pa sa sahod ng isang mayor at vice mayor..
" Eri?" sagot ni Sophia.
"Yup! kumusta na?"
"Eri, ikaw nga!"
Nagyakapan, nagbeso beso, at kung anu ano pang ritwal ng mga babae, na nagpapatayo sa mga balahibo ko.. (Tanda nyo pa ba si Eri? read chapter 5)
"Dito lang pala kita makikita.. Ano nangyari sayo? Bakit ka nag-transfer?"
"Long story.."
"Ikaw? bakit ka nandito?"
"You don't get it?"
"???"
"Kuya, ask me to find you.."
"Sebastian.."
0 comment/s:
Post a Comment