TEENAGE CAPPUCCINO - Her blooming feelings (Chapter 11)
Gumising ako ng maaga para unahan yung phone ko sa pag-alarm.. Ayokong maging early worm, para sa early bird..
Muntik na kong mapaso dahil sa init ng kape, minadali ko ding papakin ang pandesal na may expiration date na hanggang ngayong araw lamang.. Agad akong nagsindi ng yosi at humarap sa pc..
"How's my little sister?"
"Hi kuya! fine.. All is fine.. Ikaw?"
"Ok lang din.. Mom and Dad?"
"Dunno.. They already gone this morning.. Napatawag ka? Wala kang pasok?"
"Meron.. I just want you to run an errand for me, that's why I phone you.."
"Huh? Ano naman yun?"
Hindi ko talaga maintindihan si Kuya minsan, masyado syang malihim at sobrang unpredictable person.. Sa isang taong mahigit na hindi nila pagkikita ni Sophy, akalain mong gumagawa pa din pala sya ng paraan para magkausap sila ni Sophia..
Kung saan saan ako naghanap ng impormasyon, para lang malaman kung saan na nga napadpad si Sophia.. Hindi ko sukat akalain na dito ako mapapadpad sa public school, hindi ko sure kung dito na talaga sya nag-aaral. Isang dating kaklase ang nagsabi na dito nya daw nakikita si Sophia na pumapasok..
Kaya nandito ako ngayon para kumpirmahin ang lahat..
-------
"Kuya?"
"Yup! My elder brother.. Sebastian.. He ask me to find you.."
"Dumating na sya?"
"Nope.. Tinawagan nya lang ako.."
"He's asking about you.. Somehow he sounded like in trouble.."
"...."
"Tinatawagan ka nya, pero nagiba kana yata ng number.. And he's also sending you a bunch of e-mails, but you didn't reply.. At.. At.."
"At?"
"At sino yang kasama mo Sophy?" bulong ko.
Sabay lingon kay Robert, si Robert naman na nakatayo lang at hindi nakikinig sa usapan namin.
"Si Robert.."
"Uhmm.. Boyfriend?"
"Not really.. We're just good friends, pero he already said his statement.."
"Oh! Tha-That's good.."
"Eri? May problema ba?"
"No! Wala.. yung lang naman.. pinasabi lang ni Kuya.."
"Eri.. You know the story.. Ayoko nang magsimula sa scratch ulit.."
"I know.. Ok! I have to go.. See you around Sophy.. And I miss you.."
"Thanks, ako din.."
------------
Eri
Pangit naman siguro kung sisirain ko ang maayos na buhay na meron na sya ngayon.. Pero anung sasabihin ko kay Kuya? Hindi ko nasabi ang totoong pakay ko..
"Eri listen.. Mula nung umalis ako, madalas akong nagpapadala ng mga sulat, dahil hindi ko sya makontak sa e-mails at phone.."
"Ano gagawin ko?"
"I want you to find out kung bakit hindi sya sumasagot sa mga sulat ko.."
"I will do my best kuya, pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa, dahil wala na sya sa school.. Nagtransfer sya after ng 3rd year.."
At nung matagpuan ko na sya, batid sa kanya ang pagiging masaya.. dahil siguro sa Robert na yun.. I'm not sure, pero tingin ko merong chemistry sa kanilang dalawa.. Hays.. Paano ko ipapaliwanag kay kuya.. Iniwan nya naman sakin ang bago nyang number, So I still have the chance to ask her..
--------------
EXAM?!!
Bakit ganun kabilis?
"Okei class.. I recommend na magkaroon kayo ng group.. 2 to 5 members each group, para mas mapabilis kayo sa review"
Agad agad nagpilian ang mga estudyante para makakuha ng maaasahan nila sa pag-rereview. Nag grupo ang matatalino, dahil ayaw nilang lumabas ang laman ng kanilang mga utak.. Nagsama sama naman ang backstreet boys, ito ang male groups na panay kalokohan lang ang alam.. Meron namang all female group na pinamagatang Inday-Foundation..
"Well.. I have no choice.. Tayo na lang ang naiwan dito.." pahayag ni Sophia.
"Para namang napilitan ka Ms. Masungit!" sagot ni Richard.
"Matalino din kami!"
"Tamad nga lang!" sabay naming sabi ni Richard.
"We should put two persons as well.."
...
"Tingin ko kailangan nyo ng kasama.. hehehe!"
"MARTIN?!" sabay sabay naming reaksyon.
"Oh relax lang.. Huli na nang malaman kong nag groupings pala, at wala nang bakante sa ibang grupo.."
"Okei you're in!" mabilis na sagot ni Sophia.
"Sophia!?"
"Ok lang Robert, mas mainam na may anti-stress tayo sa group.." bulong nya.
...
"Kailangan pa natin ng isang babae sa grupo.. Mas mainam kung magaling sa reaserch diba?" suggest ni Richard.
"Pero lahat na ng babae may ka grupo na.." sagot ko.
RINNGGG!!!!
Nag ring na ang bell.. Oras na para sa sunod kong klase.. Walang iba kundi sa club. Matagal tagal din akong hindi nakapunta dun, hindi naman din kasi major kaya okei lang umabsent, pero tulad ng sabi ko.. Kasama 'to sa pag-buo ng pangarap ko..
"Sophia kita nalang tayo mamaya.."
"Ok.. Uhm--"
"Oh?"
"Hintayin kita.. Bawal ma-late!"
Ngiti lang ang sinagot ko, at tuluyan nang umalis.. Mabilis akong nakababa ng senior building dahil walang mga estudyanteng pakalat kalat ngayon sa hallway maging sa hagdan. Tirik na tirik ang araw sa kainitan.. Bahagya kong tinakpan ng aking palad ang aking mata, na nagsilbing maliit na payong para saking paningin.. Tanaw ko ang kasunod na building, kung saan dun ang sunod kong klase, nang biglang nag vibrate ang aking phone..
Isang txt msg galing kay Sophia.. Binuksan ang mensahe..
"Bawal ma late"
Napangiti na naman ako.. Hindi ko na nagawang magreply, agad akong dumiretso.. Tumungo sa klase, pero bago pa man makapasok agad kong napansin ang isang babaeng nakatayo, nakatalikod at nakaharap sa pinto..
"Excuse miss.."
Tumabi naman sya, at binuksan ko ang door knob..
"Robert, ikaw pala yan.."
Nilingon ko sya, tinignan kung sino.. Pero.. Pero hindi ko sya kilala..
"Miss, sorry pero... Kilala ba kita?"
"Tignan mo akong mabuti.."
"A--"
"???"
"Agnes?!"
"Yup!"
"Ano nangyari sayo?!"
"Ewan ko sayo, tabi nga.. papasok na ko.."
"Seryoso ako.. Hindi kita nakilala.."
Seryoso talaga ako nung hindi ko sya nakilala.. Dahil ang hitsura nya ngayon, kung dati ang buhok nya ay laging naka pony tail, ay nakalugay na ngayon, at may style pa! Wala na din ang braces sa kanyang ngipin, na tila kailangan mong lagyan ng W40 para hindi kalawangin.. At ang old fashion statement nya, ay ibang iba na din.. Wala na din ang back pack nya na nagsilbing trademark nya, para mabilis ko syang makilala..
"Agnes.. New look!"
"Ewan.."
"Seryoso.. hindi kita nakilala.. Ano bang meron?"
"Naisip ko lang.. New image naman!"
"Ows!? May napupusuan ka ba?"
"Ano?!"
"Hahaha!" Malakas kong tawa.
Ngunit tinapos ng club adviser namin ang pagti-trip ko ng napansin nya akong tumatawa..
"Robert! Mr. Robert Monsood!"
"Yes sir!"
"Kumusta ang bakasyon?"
"Bakasyon?" bulong ko sa sarili.
"Our club president miss Agnes, told me that your on vacation, this last few days.."
"Yes sir.." sabay tingin kay Agnes.
Matapos ang klase, agad kong pinuntahan si Agnes.. Hindi para mang asar ulit, kundi mag thank you.. Lagi nya akong tinutulangan kahit na wala naman akong pakinabang sa kanya.
"Miss President!"
"Yes Robert?"
"Thanks ulit!"
"Walang anuman Robert.. Pero sa susunod dapat kana pumasok, remember malapit na ang writing session natin.."
"Yes Ms. President.."
"How's Sophia?"
"Ok! Okei na naman kami.. and thanks ulit!"
"That's good! Bago ko malimutan.. Meron tayong club meeting sa saturday, dito din sa school.. Mga 5pm para hindi hassle.."
"Saturday? Sure! Wala akong gagawin nun.."
"Just make sure lang na makakapunta ka.."
Fingers crossed! Yan ang signed na nangangako ka.. This time ako naman ang babawi kay Agnes, kailangan kong magpakitang gilas sa club.. Para matuwa sya sa akin. Pero ang talagang nakakapagtaka.. eh ang looks nya ngayon. Lumabas ang natural nyang ganda, na sa una ay tila hinding hindi mo makikita..
"Agnes, I have to go.. Baka naghihintay na si Sophia sakin.."
"Ok.. Bye! See you on Saturday.."
Tumakbo ako sa pagmamadali at baka naghihintay na sakin si Sophia, ngunit para tilang may nalimutan ako.. Huminto ako at lumingon ulit kay Agnes.
"Agnes!"
"Oh?"
"Walang biro, seryoso! Ang ganda mo ngayon!"
Namula sya..
-------------------
Habang naglalakad ako papunta sa klase ni Sophia, para sunduin sya, at samahang maglakad pauwi.. Napansin ko na luma na pala ang gusali ng senior building.. May mga katanungan din na bigla bigla nalang sumisingit.. Ilang estudyante na kaya ang dumaan sa gusaling 'to, Ilang teacher na din ba ang nag-resign.. at ilang ulit na din nalang bago ko ito tuluyang iwan..
Kung ang isang relasyon ay tulad din ng pag-aaral.. Siguradong meron ding katapusan ang lahat. Tulad ng relasyon ko sa HS life, konti nalang matatapos na ako.. Masakit bang mawalay dito? Mamimiss ko din ba sya? Pero.. Naisip ko din.. Na habang nabubuhay ang isang tao ay marami pa itong pwedeng matutunan.. Maraming bagong subject na kailangang pag-aralan.. Tulad ng sa isang relasyon, walang katapusang problema, walang kamatayang project, assignment, at exams..
Ang importante lang.. ay marunong kang mag-enjoy.. iwasan ang pressure at hassle, wag mag isip.. Walang pinagkaiba sa pagsusulat.. wag kang mag-isip habang nagsusulat, dahil wala kang matatapos..
Naabutan kong patapos na ang klase ni Sophia, napansin ko ding palabas na sya ng klase, mabilis ko syang sinalubong..
"Miss pwede bang ako na lang maghatid sayo?"
"Sure!" kasunod ang ngiti.
"Sya nga pala.. next week ang exam, so kailangan natin mag review.. How about saturday?"
"Sat? Hmm.. Wala naman akong ibang gagawin, so ok lang!"
"Ok, sabihan mo sila.."
Medyo malayo layo pa ang lakarin hanggang sa kanila, pero tulad ng dati hanggang gate lamang ang tulad ko.. Sa mahabang lakaran napansin kong medyo tahimik si Sophia, para bang may bagay na gumugulo sa kanya.. Sa puntong yon hindi ko na natiis pang hindi mag tanong..
"Sophia.. Kanina kapa tahimik.."
"Ako? I'm just.."
"???"
"Tired?"
"Tingin ko.. Gusto mo ipara nalang kita dito ng masasakyan mo?"
"No!"
"Robert.."
"Can we talk?"
"Oo naman.. Ano ba yun?"
"Not in here.. Can we talk in a quiet place nearby?"
"Hmm.."
Tumingin ako sa paligid.. Maingay nga naman dahil nasa kalsada kami, at walang tigil ang nagdadaanang sasakyan. Saglit pa ay nasa pangatlong kanto na kami, kung saan pwede kaming lumiko.. Meron isang maliit na pub, na puro matatanda lang ang nagpupunta para kumain ng pancake..
First time ko ding pumasok sa pub na yun, dahil ang balita ko eh panay senior citizen lang ang madalas na customer dito, dahil pwede nilang magamit ang discount card. Pumasok kami ni Sophia.. medyo may kalumaan na ang pub, sa paligid kung saan naka sabit ang mga lumang paintings, photo ng mga lumang artista, at music icons..
May maliit na counter na may tatlong high chair, na pwedeng umikot ng 360 degrees, doon kami naupo..
"This place is good.. ngayon lang ako nakapasok dito.." pauna ko.
"Yeah.. me neither.."
"So! Ano bang pag-uusapan natin.."
"I was worried kasi Robert.."
"Saan naman?"
"Kilala mo si Eri diba?"
"Eri?"
"Yup! nakwento ko na sya dati.. remember?"
"...."
"Klasmeyt ko dati.."
"...."
"Ok sige.. Brother nya si Sebastian.."
"Ahh.. Nagkausap kayo?"
"Yup.. This morning.. Tanda mo yung nakausap kong babae kaninang umaga?"
"Sya si Eri?"
"uh huh!"
Humugot sya ng konting hangin.. Isang way para mailabas nya ang gusto nyang sabihin..
"She said something about Sebastian.."
Hindi ako nakapagsalita.. Napako ang dila ko, naipit ang hangin galing sa baga.. at naghang ang utak ko na kanina lang ay mabilis na nagiisip..
"Robert?"
"Dumating na sya?"
"No.."
"Eh ano?"
"Eri says.. Sebastian's trying to reach me.."
Gusto ko nang sabihing.. Tanga ka ba? hanggang ngayon eh naghihintay ka pa din sa kanya.. Sa lalaking kahit kailan eh hindi man lang sinuklian ang pagmamahal mo sa kanya.. at kahit kailang din ay hindi man lang inisip kung nasasaktan ka ba..
"Robert.."
"Nakikinig ka ba?"
"Oo.. Oo!"
"Sorry ha.. Sinabi ko lang sayo, Just so you know.. Tska wala akong ibang mapagsabihan kundi ikaw.."
Inakbayan nya ako, tulad ng madalas nyang ginagawa.. Somehow nasanay na ako sa ganitong attitude nya, mabilis nitong mapagaan ang loob ko, para bang isang kisapmata lang eh prente! tapos! walang problema! Ganun nya lang i-magic ang mga ngiti ko..
"Don't worry.. Nandito ako sa tabi mo.." malambing nyang boses.
"Apple juice?"
"Fresh?"
0 comment/s:
Post a Comment